Chapter 16: The Choice
Chapter 16: The Choice
NANG GABING 'YON, nilalamon ng kaba ang dibdib ko habang walang humpay sa pagpedal ng bike si kuya Hal patungo sa bahay nina Maythe. Nakatanggap kasi kami ng tawag mula kina Tita Ilene na pinapupunta kami roon. Wala naman sinabi si Tita ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay binundol ako ng kaba ng mga oras na iyon. Kahit nga magpasa hanggang ngayon.
Halos matumba ako sa pagbaba sa bisikleta ni kuya Hal nang makahinto ito sa tapat ng bahay nina Maythe.
“Xian, wait!” ang nahihingal na sigaw ni kuya na hinayaan ng matumba ang bike nito para agad akong sundan. Sa unang pagkakataon nawalan ng pakialam si kuya Hal sa paborito nitong bisikleta. “Xian!”
Ngunit kahit anong gawin ni kuya'ng tawag ay nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok. Nadatnan namin doon sina Tita Ilene at Tito Mike na hindi magkandaugaga sa pag-lalabas masok sa kwarto ni Maythe. Naguguluhan man ay dahan-dahan pa rin akong nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa makapasok sa kwarto nito. But I froze when I finally saw Maythe. With his short breaths and frantic panting I knew that time that he was having an heart attack.
Hindi pa alam ni Maythe na naroon ako dahil mariing nakapikit ang mga mata nito at mahigpit itong nakakapit sa dibdib nito. Sa nakikitang paghihirap ay wala akong magawa kung hindi ang tumayo lang doon at panoorin ang bawat paghabol nito sa paghinga.
Gusto kong lapitan ito at hawakan ang kamay nito para ipaalam na naroon ako. Ngunit kahit anong gawin kong utos sa katawan ko ayaw nitong gumalaw. Natatakot kasi ako na baka kapag lumapit ako'y mas mahirapan ito sa paghinga.
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Nalingunan ko si kuya Hal na marahan tumango.
“Xian, sa labas muna tayo,” ang bulong ni kuya sa'kin. “Mas mahihirapan ka kapag pinanood mo si Maythe. Besides, I know na ayaw ni Maythe na makita mo siya sa kalagayan na 'to.”
Matagal bago ko nahanap ang sarili na tumango sa sinabi ng kapatid kaya naman inakay na niya ako palabas. Kung ilang minuto man kaming naghintay ni kuya sa sala nang makalabas na ang mag-asawa ay hindi ko na namalayan pa.
“Tito, Tita.” Tumayo si kuya na sinalubong ang dalawang halata sa mukha ang pagod.
“I'm sorry..kung ngayon lang namin kayo naharap kahit na ako pa nagpapunta sainyo rito.” si Tita na tulad ng dati ay nakaalalay sa kanya sa likod si Tito.
“It's alright, Tita. But what happened to Maythe? Okay na po ba siya?”
“Yes. But... only for now.” si Tito ang sumagot sa amin na iginiya na paupo ang asawa sa sofa.
“Tito, what do you mean?” Muling tanong ni kuya na bumalik na rin sa tabi ko. Nasa mukha rin ang pag-aalala.
“We already gave him painkiller but we have to put him to sleep para umepekto iyon. Hindi ko alam kung bakit pero maayos pa naman siya kanina ng umuwi sila ni Xanille galing sa flower shop. Tuwang tuwa pa nga kami ng makita namin kung gaano siya kasaya dahil halata naman iyon sa mga ngiti niya. Pero...” Napa-lean si Tito sa headrest ng sofa at malakas na bumuntong-hininga. “Pero maya-maya lang habang nagkukwento'y nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Kaya naman agad namin siyang pinainom ng mga gamot niya ngunit..hindi na iyon umepekto.”
“So that's why you had to give him painkiller?” Saad ni kuya na ikinatango naman ni Tito.
“Tinawagan namin kanina ang doctor ni Maythe. We told him about the situation but the only thing he said was...”
Binalingan ni Tito ang asawa na napayuko at napahawak sa mukha nito. Nagsimula ring yumugyog ang magkabilang balikat nito na kaagad namang hinaplos sa likod ni Tito. Tuloy ay hindi ko napigilang mapakapit sa braso ni kuya Hal na agad naman nitong ikinulong sa palad nito.
“T-Tito?” may bikig na nakabara sa lalamunan ko ngunit nagawa ko pa ring makapagsalita. “What..What was the doctor said?”
Mahigpit niyang niyakap ang asawa bago nagpatuloy. “He said na sa mga oras na ito... the only thing we have to do is to make a choice.”
“...Choice? Wh-What choice?” muling tanong ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakakapit ni kuya Hal sa kamay ko pero kailangan kong malaman. Kailangan kong marinig mismo kay Tito.
Pero kung gaano katagal bago sumagot si Tito ay gano'n rin ako unti-unting pinapatay ng takot sa dibdib ko habang hinihintay ang sasabihin nito.
Please, kahit ngayon lang paniwalain mo akong merong Ikaw. Make me believe that even in this moment, there's something that can change. That there's miracle because I do believe in You, mariin kong usal sa isip.
Ngunit katulad din ng iba hindi narinig ang bulong kong iyon.
“At this point, wala na kaming magagawa kundi ang gumawa ng desisyon. A decision where we have to make him stay or... to let him go.”
Sapat na ang mga salitang iyon para tuluyan ng humagulgol si Tita. Gusto ko rin sanang umiyak pero mas natulala pa ako sa narinig. Feeling ko kasi ng mga oras na iyon ay nabingi ako at walang makita maliban sa apat na dingding na nakapalibot sa akin. It's too dark and suffocating. And it feels like the walls are getting closer as I keep standing there. Alone.
At iyon rin ang mararamdaman ko kapag mawala sa akin si Maythe. Ayoko ng ganoong buhay. Ayokong umalis siya ulit dahil kapag hinayaan ko iyon ay tuluyan na siyang hindi babalik. Pero kapag hindi naman iyon nangyari, siya naman ang mas mahihirapan.
“I'm sorry, Xan. We did everything we could to save him, too. We really tried. But...” Tumango ng ilang ulit si Tito. “Maythe did his best as well. He's strong, isn't he?”
Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng makita ang isang butil na kumawala sa kaliwang mata ni Tito nang pilit itong ngumiti. But he quickly wipe it away and laughed.
“T-Tito...”
“Alam mo ba kung anong huli niyang sinabi bago siya mag-collapse?” Nanginginig ang mga labi nito habang nagsasalita ito. Pinipigilan pa rin ang pagtulo ng mga luha nito. “He said he wants to see you again that's why we had to called you. I'm sorry.”
Marahas akong napailing. “N-no. Please, Tito, don't apologize. Wala po kayong kasalanan. Alam kong alam din iyon ni Maythe. Ayaw niya po na sisihin niyo ang sarili niyo.”
“You... You really know our son more than we know him. We were so glad that you are his friend, Xanille. So thank you. Thank you.”
“T-Thank you, Xanille.” Maging si Tita ay nagpasalamat na rin.
“Hindi po. Wala po akong ginawa.”
“No. You might not know this but you've done so much for him.” Inabot ni Tita ang mga kamay ko at ikinulong sa mga palad niya. “We know it, Xan. We really do.”
Napasulyap ako kay Tito na marahan lang tumango at sa pagkakataong ito, masuyo na ang mga ngiti niya.
No. Kung alam lang nila. Si Maythe pa ang mas maraming nagawa para sa akin.
“XIAN, narito na ang mga kaibigan mo.” Si kuya Hal na nilapitan ako sa pagkakaupo ko sa sofa.
Napabaling ako mula sa pinto ng marinig ko ang mga ingay na nangagaling sa mga taong kapapasok lang sa bahay nina Maythe. Si Patricia at Wendy. Tumayo ako para sana salubungin ito ngunit natigil rin ako nang may pumasok pa kasunod ng dalawa. Sina Jake, Liam at Mason.
Nahalata ng dalawa ang pagkagulat sa mukha ko. “Sorry, Xan. Nagpilit silang sumama, e. Nag-aalala na rin kasi sila sa'yo.”
Sa narinig ay napangiti ako. “Salamat pero ayos lang ako. Nag-abala pa kayong pumunta.”
“Nah. Gusto ka rin naman namin makita. Lalo na ng isa dito.” Lingon ni Jake sa lalaking siniko rin ito.
“Shut up. This is not the right time for that.”
Bahagya akong natawa. “Okay lang, Mason. Maupo kayo kukuha lang ako ng maiinom—”
“Ah, Xian, ako na.” Si kuya na agad ng umalis para kumuha nga ng maiinom.
Nang maupo na nga sila'y saglit lang kaming nagkuwentuhan. Hinihintay kasi namin ang doctor na tinawagan nina Tito't Tita. Iyon ang doctor na siyang magsasabi sa kung anong magiging desisyon nina Tito.
“Xan, pasensya ka na kung huli na namin ito nalaman. Si kuya Hal pa ang nakapagsabi sa amin. Kaya pala bigla ka na lang hindi pumasok pero kung sinabi mo sana, Xan, e 'di sinamahan ka sana namin-- kayo ni Maythe.”
Marahan kong ipinilig ang ulo ko. “Ayokong pati kayo'y abalahin pa, Pat. Kaya ayos lang.”
“Xan, naman. Parang hindi mo naman kami mga kaibigan. Saka kaibigan din namin si Maythe, hindi ba?” saad ni Wendy.
“Pasensya na, Wendy, Patricia. Sa mga oras kasing ito ayokong makita niyo na ganito ako.”
“Ayan ka na naman, e. Sanay na kaming makita kang ganyan at alam naman namin kung sino lagi ang dahilan. Naku.” Nag-roll eyes pa si Patricia ng sinabi iyon. “Wala ka ng maitatago sa amin, Xan.”
“Salamat,” ang tugon ko na lang sa dalawa kong kaibigan na pareho pa akong niyakap. Nang mapatingin kay Mason ay pareho lang kaming ngumiti sa isa't isa.
Pero agad rin iyong nawala ng dumating na sina Tito't Tita kasama ang doctor.
Kasabay din niyon ay ang paglabas ni kuya Hal mula sa kusina dala ang mga inumin sana ng lima.
“Tito, Tita.” Inilapag ni kuya ang dala sa lamesita at nilapitan ako. Pagkuwan ay pinakilala sina Patricia. “Mga kaibigan po pala ni Xanille at Maythe.”
“Hello po, pasensya na po sa abala.” Si Mason ang nagsalita na bahagya pang yumuko.
“No, it's alright.” Si Tito. “I'm glad you all came. And this is Dr.Richard Gonzales, isa rin siya sa mga kaibigan naming doctor.”
“Ah, hello po. Kayo na po sana bahala kay Maythe.” Si kuya.
Tumango lang ang doctor pero hindi nakaiwas sa amin ang ekspresyon na meron ito sa mukha. Gano'n rin sina Tito at Tita.
Marahil ay nabanggit na nila ang kalagayan ni Maythe.
Napatingin ako kay kuya Hal ngunit nagulat rin ako ng makita ang parehong ekspresyon na meron ito.
“Kuya Hal...”
Napunta ang atensyon niya sa akin. At nang mapansin na nakatingin ako sa kanya'y agad siyang ngumiti.
“Let's just wait, alright? Alam nila kung ano ang gagawin.”
Tulad ng sinabi ni kuya, naghintay kami. Lagi naman ganito ang ginagawa namin. Ang maghintay kung ano nga ba ang magiging kapalaran ni Maythe. Pero sa pagkakataong ito, alam ko na ang mangyayari.
Kaya siguro hindi na ako nagulat nang muli silang lumabas dala ang isang balita. Balita na halos ikalugmok ni Tita at ikagulat nina Patricia.
“I'm really really sorry, Mike, Ilene. But this is all we got. Hanggang dito na lang talaga ang kakayahan natin. Kung ipagpipilitan pa natin siya lang ang mahihirapan.” Narinig naming wika ng doctor. “Mike, Ilene, ayoko mang sabihin but you have to make a decision now.”
Tumango ang mag-asawa. Mukhang alam na nila ang isasagot. Ngunit bago pa man sila magsalita ay binalingan ako ni Tito.
“Xan?”
“Y-Yes, Tito?”
“What do you say? I know Maythe's want to hear your answer too.”
Sabay-sabay napatingin sa akin sina kuya Hal. Ramdam ko ang mga tingin nila. Inaabangan nila kung ano ang magiging sagot ko.
“Maari ko po bang makita siya sa huling pagkakataon?”
Napangiti si Tito sa naging sagot ko. “Of course.”
Iniwan ko ang mga nag-aalalang tingin nina kuya ngunit tinapangan ko na lang ang sarili para muling makita si Maythe sa huling pagkakataon.
Nang makapasok na ako'y agad kong napansin ang mga nakakabit sa katawan nito. Kung paano pa iyon nailagay kanina ay hindi ko na alam pa.
Nilapitan ko ang kaibigan na nananatiling nakapikit. At alam ko na tanging ang oxygen na lang ang nagbibigay buhay dito. Hindi ko napigilang makaramdam ng awa.
Tulad ng dati, muli kong hinawakan ang kamay nito. Para kahit sa pagkakataon lang na iyon ay masiguro kong nariyan pa rin ang init niya.
“Maythe, alam kong hirap na hirap ka na. Siguro kung gising ka'y hindi mo iyon sasabihin sa amin pero sorry ka dahil kilala na kita. Nakakadismaya lang kasi dahil kahit sa huling pagkakataon hindi ko na maririnig ang boses mo, ang mga tawa mo. Kahit man lang ang mga ngiti mo. Pero alam ko rin na naririnig mo ako kaya huwag ka ng mag-alala. Sapat na ang mga naibigay mo sa akin-- sa amin. Magiging maayos lang kami. Kaya, Maythe...” Napakagat ako ng labi para pigilin ang pagluha ko dahil kahit sa huli ayokong makita niya na malungkot ako. Gusto ko na kahit hindi niya 'ko nakikita, maramdaman pa rin niyang kakayanin ko na ng mag-isa. “Pwede ka ng umalis. Ayos na sa'min na umalis ka na, Maythe.”
Nakita ko ang isang butil ng luha na dumaloy mula sa kanang pisngi nito. Pagkuwan ay nawala rin ang kunot sa noo nito.
Napatakip ako ng bibig ng kumawala ang hikbi doon.
He heard me.
Tumango-tango ako. “Yes, Maythe, we'll be fine now. So thank you so much. And take care.”
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro