Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Reasons

Chapter 15: Reasons



LIKE a torn flower. That's what I felt when I heard Maythe's story kaya naman kinailangan akong daluhan ni kuya Hal para siguraduhing hindi ako tutumba. And fortunately, nakaya naman ng tuhod ko na alalayan ang katawan ko.

Ngunit parang gusto ko na lang ang himatayin kaysa marinig ko pa ang mga susunod na sasabihin nito. Paulit-ulit kasi sa isip ko ang mga katagang binitiwan nito na feeling ko tatatak na lang ito doon. Mga salita nito na haggang ngayon hindi ko pa rin kayang paniwalaan.

“Xan, I'm sorry for not telling you about this. About my heart problem.”

Isang kasinungalingan kapag sinabi kong hindi ako nasaktan sa sinabi nito. Dahil kahit kasi may ideya na ako at inihanda ko ang sarili ko sa mga maaaring marinig hindi ko pa rin naiwasan ang makaramdam ng kirot sa puso ko.

“Bakit hindi mo sinabi sa'kin? At kailan mo pa alam na may sakit ka pala?”

“Ever since before we came here in this place,” halos bulong na lang iyon na lumabas sa bibig niya. It's as if ayaw niya pang iparinig iyon sa akin. “Since I was a child.”

“No,” ‘di ko mapigilang bulalas. “Since b-bata ka pa? Kung gano'n, bakit hindi ka nagpa-opera? Diba meron namang gano'n? Papalitan lang ang puso ng bago.”

“No, Xan.” Marahan siyang umiling. “Hindi ang puso ko mismo ang may problema kung hindi ang ugat na siyang daluyan ng hangin patungo sa puso ko. Lumiliit iyon habang tumatanda ang isang tao.”

Natuliro ako sa narinig. Nanuyo rin ang lalamunan ko dahilan para hindi ako agad nakapagsalita. Hinintay ko pa ang sarili na bumalik sa ulirat dahil feeling ko mahihimatay na lang ako.

“Eh, a-ang pagpa-opera? Kaya rin..Kaya rin ng mga doctor na mapagaling ka diba?”

“Sinubukan nina Mom na paoperahan ako but the doctor said I was too young para gawin iyon at baka daw hindi ko makayanan. It's too risky for me because the possibility of success is only 20%. So nag-decide sina Mom na habang hindi pa ako pwedeng operahan ay kailangan nilang gumawa ng paraan para kahit papaano ay hindi lumala ang sakit ko. Kaya kami napunta sa lugar ninyo, Xan.”

“So ito ang tunay na rason sa mga paghihigpit sa'yo nina Tito. And that's why they were so protective of you.”

Marahan siyang napabuga ng hangin. “I'm really sorry, Xan. Wala akong intensyon na itago ito sa'yo. Pero kasi kapag iniisip kong sabihin sa'yo ang sakit ko, feeling ko mawawala ang mga ngiti mo. At iyon ang pinaka ayoko, Xan. Isipin pa lang na hindi ko na makikita ang ngiti mo'y natatakot ako.”

Bakit?”

“Well, you may not know this pero may kakaibang epekto sa mga taong nakapaligid sa'yo ang mga ngiti mo, Xan. Dahil ang ngiti mo rin ang rason kung bakit nakayanan kong harapin ang problema ko. Kahit kasi hindi ko sinabi iyon sa'yo, besides Mom and Dad, isa ka sa mga taong hindi ako iniwanan. That's why Xan, thank you for not making me feel alone.”

Natahimik ako.

Gano'n ba talaga kalaki ang naitulong ko sa kanya dahil lang sa ngiti ko? Hindi kaya masyadong mataas lang ang tingin ni Maythe sa akin?

“Xan, believe me when I say that you are special. Not that kind of special but in a good way.”

“You always have some thing good to say.”

Natawa siya ng mahina. “I just said the truth.”

Muli na lang akong ngumiti. Mataman rin ako nitong tinignan pero alam ko na naghihintay lang ito ng itatanong ko.

“Maythe...”

“Hm?”

“Anong nangyari?” tanong ko. “Anong nangyari ng umalis kayo dito?”

“Well...” He starts pushing himself up.

“Wait, Maythe!” Dinaluhan ko siya at tinulungan makaupo saka agad na nilagyan ng unan ang likod nito. “Please, don't push yourself too hard, Maythe.”

“Xan, don't exaggerate. I just want to sit.”

“But— ” Pinutol na niya ang kung ano pa mang sasabihin ko nang itinaas nito ang hintuturo.

“I'll do the talking, Xan, so let me.”

Ginawa ko na lang ang gusto nito dahil baka mapahaba pa ang usapan namin. Ayoko namang mapagod ito kaya minabuti ko na lang ang makinig muli.

“Like I said kanina, hindi ako nagawang operahan no'n dahil bata pa ako. But it was different this time. Because seven days after ng graduation, I had a surgery scheduled in London. So kinailangan naming umalis agad para makahabol because I need to get ready for the operation.”

“And I'm guessing that it wasn't a success?”

“No.” He smiled. “The surgery was a success but...”

Ayun na, e. Ngingiti na sana ako kaso may kasunod pang ‘But’.

“But my heart is already weak and even if palitan rin ang puso ko'y hindi ko na kakayanin ang susunod na operasyon.”

No!

Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay unti-unti ng dinudurog ang puso ko. Kung pwede lang! Kung pwede lang talaga ibinigay ko na sa kanya ang puso ko!

“Xan, I know what you're thinking. I'm glad if you thought of giving me your heart but... I won't be happy if you did that kung sakaling iyon man ay magiging posible. Hindi ko pinangarap ang maging damsel in distress para iligtas mo.”

Hindi ko napigilang matawa ng bahagya sa sinabi nito.

Kahit talaga sa gitna ng problema nagagawa pa rin nitong ngumiti at tumawa. Well, iyon naman ang minahal ko rito.

Inilahad nito ang kaliwang kamay na agad ko ring inabot at kinulong sa mga palad ko.

“Xan, please, don't worry anymore. Kahit ano pang mangyari, hindi ko kailanman pagsisisihang tinanggap ko ang surgery because it prolonged my life even just for a little while. And I get to see you at least for one last time.”

Nang mga oras na iyon, sa unang pagkakataon hiniling ko na sana magkaroon ng milagro. Na sana kahit man lang kay Maythe ay ibigay ang milagrong iyon. Dahil kung may isang tao man sa ilang milyon na humihingi ng milagro, si Maythe ang mas nangangailangan niyon.














“THANK YOU, XAN.”

Napabaling ako sa lalaki na nasa harap ko at hawak ang kinauupuan nitong wheel chair. Pareho kaming nakatanaw sa paligid ng paboritong lugar habang yakap nito ang isang bulaklak na panigurado akong na-miss rin ito. Si Anonym. Sa bawat pagsayaw rin kasi ng tangkay nito'y parang ramdam ko ang tuwa nito.

“Kanina mo pa 'yan sinasabi. Sa dami na ng nasabi mo'y hindi ko na mabilang sa mga kamay ko.”

He laughed. “Gano'n ba?”

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Kahit kasi halata ang pagbabago sa katawan nito at bahagyang paghumpak ng pisngi nito'y buhay na buhay pa rin ang mga tawa nito. Ang sarap lang pakinggan.

He heaved a long sigh.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko rito.

“Hmm..” Tumango siya. “I'm good. Don't worry too much. If makaramdam ako kahit konting kirot ipapaalam ko agad sa'yo.”

“Okay.”

Muli kaming nalunod sa katahimikan nang tumingin ulit kami sa ilog at pagmasdan ang pag-agos ng tubig.

Ang sarap lang bumalik sa lugar na ito. Mabuti na lang at pinayagan kami nina Tita na inakala kong tatanggihan kami at pagbabawalan si Maythe na umalis. Pero mukhang naintindihan rin naman nito na gusto iyon ng anak.

Naipikit ko ang mga mata ko nang umihip ang hangin. Sinamyo ko pa iyon ng humaplos iyon sa pisngi ko.

“Ang sarap talaga ng hangin dito, 'no, Xan?”

Tumango ako kahit hindi nito iyon nakikita. “Oo. Napakapayapa pa.”

“Yeah. Too peaceful that it's making me sleepy.”

Napadilat ako at bahagya itong niyuko. “Gusto mo na bang umuwi?”

“Nah. I wanna stay.”

“Are you sure? Kaya mo pa ba?”

“Of course. Seeing this beauty gives me a little bit of calmness. Kaya sayang naman kung uuwi lang tayo.”

Lumawak ang ngiti ko. “Okay. Sabi mo, e.”

“Hindi ko alam but I'm really happy to see this river again. Yung pakiramdam ko kasi'y ang tagal kong nawala. Parang ang dami ko ng hindi alam. Especially... sa'yo.”

“Hm? Anong ibig mong sabihin?”

“Well, you have become beautiful.”

“Ha?!” Tulad ng dati walang kahirap-hirap nitong napainit ang magkabila kong pisngi. Pero ikinatawa lang nito ang reaksyon kong iyon.

“So is someone making you happy?”

“What?” Naguluhan ako sa tanong nitong iyon. “Why are you asking me that all of a sudden?”

“Well, I guess I just want to know. Pero alam mo, Xan, I'm glad if there is someone.”

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig.

“Xan, if there is someone who wants to be part of your life, just let— ”

“There's no one, okay!” Hindi ko na napigilang sigaw. “There is no one, so can you stop it already?”

Nakita ko kung paano ito nagulat sa iginawi ko pero walang ano lang na nagpatuloy ito. “Xan, don't close your heart because of me. I don't want you to forget the feeling of loving someone and being loved.”

Lumayo ako rito at naglakad ng ilang hakbang patungo sa ilog. “Hindi ko kailangan niyon, Maythe.”

Saglit itong nanahimik pero pagkuwan ay nagsalita ulit. “Don't say that, Xan. Please.”

“Pero, Maythe...”

“Xan, remember that you have not yet to meet everyone. You have so much in your life, okay? So much to discover and explore. So much to love people. So, please, don't ever say that you don't need it.”

Hindi ko gusto ang mga sinasabi nito. Pakiramdam ko kasi nag-iiwan siya ng salita na ipapaalala sa akin.

“All right. I won't say those things again but can you stop talking like you're...” hindi ko na naituloy ang sinasabi at napatakip ng mukha.

No. Don't.

Simula pa una pinipigilan ko ng huwag maiyak dahil ayokong makita niya na mahina ako sa harap nito. Pero kung parati siyang ganito'y mas lalo lang akong nahihirapan.

“Xan, I didn't mean to. I... Sometimes hindi ko na napapansin na nakakapagsalita na ako ng gano'n,” saad nito na natahimik.

Gano'n rin ako, hindi muna kami nagsalita ng ilang minuto.

“Gaaahh!” Nagulat ako't agad napalingon sa lalaki nang maya-maya'y bigla siyang sumigaw. Nakita ko na lang na ginugulo na niya ang sariling buhok. “We're here to relax! But I keep ruining the mood!”

“Hoy! Tama na 'yan!” Agad akong lumapit rito saka hinuli ang kamay nito at pinigilan sa lalo pang panggugulo nito sa buhok. “Tigilan mo na nga iyan para kang baliw!”

Huminto na rin nga ito sa ginagawa at marahas na bumuntong-hininga. “I'm stupid, aren't I?”

“Yes, you are.” We are just the same.

“Can I have a selfish request, Xan?”

Napakunot-noo ako. “Selfish request?”

He nodded. “Yes. Can I?”

Napatitig ako sa kanya. “Alright. What is it?”

“...Can we dance?”

“Dance?” Ulit ko sa sinabi nito. Baka kasi mamaya niyan mali pa pala pagkakadinig ko.

“Yes. We never had our dance, Xan. Kahit sa prom hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na sumayaw.”

No way. Tama nga narinig ko! Gusto nga niyang sumayaw!

Bukod kasi sa palagi niyang sinasabi na kaliwa ang paa niya'y lagi pa niya sa aking pinapatakot na baka bago man lang daw kami makauwi ay nakaupo na ako sa wheel chair. Kaya naman never pa kaming nagsayaw na dalawa.

“But didn't you tell me that you...”

“Well, it was only my Mom's condition. Dahil nga kasi sa bawal akong magpagod, magsaya at matuwa ng sobra, pinagbawalan ako nina Mom na pumunta sa kahit anong event sa school, at isa na doon ang Prom. Pero dahil na rin sa kakulitan ko na nakuha ko yata sa'yo, napapayag ko rin sila sa huli. But for one condition, at iyon ay manatili lang akong nakaupo, makihalubilo kung kinakailangan pero never akong sumayaw.”

“Pero hindi naman gaanong nakakapagod ang pagsayaw.”

“Well, because Mom knew na ikaw ang isasayaw ko at alam niya na kapag nangyari iyon, matutuwa ako ng sobra. At maaaring iyon pa ang maging dahilan para...” Hindi na nito itinuloy ang sinasabi at kumibit balikat na lang. “Anyways, that's all the reason. Besides, even if hindi ako makasayaw, masaya na ako na makita kang nag-eenjoy.”

“Maythe...”

“So? Can I have this dance?”

“Kaya mo bang tumayo?”

“You kidding? Sa puso lang ang problema ko, Xan, hindi sa paa kaya hindi ako lumpo.”

Sana nga sa paa ka na lang may problema.

Lumapit na lang nga ako rito at ako na mismo ang naglahad ng kamay ko.

“Then, let me do the honor to dance with you, Maythe.”

Natawa siya pero inilagay na rin niya ang kamay sa nakalahad kong palad. “My pleasure, Xan.”








©All Rights Reserved/2019
By: SN♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro