Chapter 14: The Truth
Chapter 14: The Truth
“XIAN..” Masuyong hinaplos ni kuya Hal ang buhok ko habang nananatili akong nakatago sa dingding na ito. Pagkuwan ay dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko. “Takot ka bang makita siya?”
“H-hindi.” Bulong ko. Nakatakip pa rin ang mga palad sa bibig. “I..I'm not scared, kuya Hal. Hindi ko lang alam kung paano siya harapin.”
“Why? Diba matagal mo ng hinihintay na bumalik si Maythe?”
Sa narinig ay napatango-tango. “Oo. Gustong-gusto ko siyang makita na halos hindi ko na alam kung anong gagawin.”
“Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, Xian. Just be yourself as always whenever you're with Maythe.”
Napasapo ako sa dibdib at saka pumikit. Tama. Kuya Hal was right. Kapag kasama ko si Maythe, wala na akong pakialam sa lahat. As long as I'm with him. Huminga ako ng malalim. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili para ihanda sa muling pagkikita namin ng lalaki.
“Xanille, okay lang kung hindi ka pa handang makita ako. Just..Just let me hear your voice, it's already enough for me.”
Napamulat ako nang marinig ang boses ni Maythe na bagama't halatang pagod ay ang nakangiting mga labi pa rin nito ang nakikita ko isip ko.
Always trying to put up a strong front so I wouldn't worry about him.
“Oh, Maythe..” Itinulak ko ang sarili palayo sa dingding at marahan na muling hinarap ang pinto. Nang hindi pa rin ako naglalakad ay naramdaman ko ang palad ni kuya Hal sa likod ko. Napalingon ako rito.
“Need some little push?”
I smiled. “Nah. Right now, I have to do this on my own. So maybe next time?”
Natawa siya pagkuwan ay ginulo ng bahagya ang buhok ko katulad ng palagi niyang ginagawa kapag natutuwa siya. “Then, just let me do this. 'Coz I think I won't be able to do this much anymore.”
“Ha? Bakit naman?”
“Well, dahil hindi na ako kakailanganin ng little sister ko ng matagal.”
“What? At ano namang gusto mong sabihin?”
“Because, Xan, eventually you'll do things on your own without needing anyone's help.”
Umiling ako. “You never know, kuya. Sa ngayon siguro hindi ko kailangan ng tulong.”
Natigil na si kuya sa paggulo ng buhok ko kaya tumalikod na ako rito at dahan-dahan ay sinimulan kong maglakad.
“Pero sa mga susunod na mga araw at panahon, alam kong kakailanganin ko kayo, kuya. So please, until then watch my back because next time I'll be needing your shoulders.”
Hindi ko na narinig ang sagot ni kuya Hal pero alam kong nasa likod ko pa rin ito. Naghihintay lang siya ng tamang oras para alalayan ako. Ngunit sa ngayon, kailangan kong maging malakas sa harap ni Maythe. Kahit na sa bawat hakbang na ginagawa ko ay hindi ko maikakaila ang unti-unting dinudurog na puso ko habang papalapit rito. Pero magkaganun man ay kailangan kong panatilihin ang ngiti sa mga labi ko para kahit papaano ay maitago ko ang mga emosyon na naglalaro sa mga mata ko.
Kahit na alam kong mahahalata rin niya iyon. But good thing to Maythe is, hindi niya iyon pinupuna. Dahil nagpapanggap rin siya na hindi niya iyon nakikita.
“Hi,” aniya ng tumigil ako sa tabi ng kama nito. Nakatingin siya sa akin na bagama't halata ang kapaguran sa mga mata ay ang tamis ng ngiti niya ay hindi nawawala. “You let me finally see you.”
“Sorry,” hingi ko ng paumanhin. “Hindi ko sinasadyang magtago sa'yo.”
“No, it's okay. Ang akala ko lang kasi'y galit ka pa sa'kin.”
“Galit?”
“Well, because I left without saying goodbye.”
“And? May karapatan ba akong magtanong kung bakit?”
Oras nang sabihin ko iyon ay dahan-dahan nawala ang ngiti sa mga labi nito na agad ko namang pinagsisihan.
“I know I deserved to recieve such cold shoulders from you.” Inilayo niya ang mga mata sa akin at tinutok muna ang tingin sa kisame. “It's been five months after all. Inaasahan ko na dapat 'yon.”
“Mabuti naman at alam mo.”
Bahagya na lang ngumiti si Maythe at nanahimik. Ilang minuto pa itong nakatitig sa kisame bago muling pinagpasyahan na tumingin ulit sa akin.
“Xan,” masuyo ang tinig nito. Nanatili ang ngiti. “Hindi mo ba ako tatanungin?”
Natigilan ako. Sinusubukan ko. Pero natatakot akong marinig ang mga sasabihin niya.
At mukhang napansin naman niya iyon.
“It's alright, Xan. Huwag kang mag-alala. Tanungin mo lang ako kahit ano.”
“Is it really okay?”
He slowly nod. “Yes, Xan.”
“Then,” pinaseryoso ko ang tinig para hindi nito mahalata ang kabang nararamdaman ko. “where have you been?”
But with my seriousness, he just smiled. “Sa London, Xan.”
“Bakit bumalik ka pa?”
“Shouldn't I?” Nahalata nito ang pagkunot ko ng noo. “I mean, I missed you.”
“Sigurado ka bang 'yon lang ang rason?”
“...Yes.”
Hindi nakaiwas sa akin ang pause na ibinigay nito bago sumagot. Sa tingin ko'y hindi.”
“Then why not ask me directly? Xan, I know you want to ask it.” Binigyan niya ng diin ang huling salita. Alam niya na may ideya ako sa tinutukoy niya. “But you're scared, aren't you? You're scared to know it. You're scared to know what will your reaction be.”
Napalitan ng gulat ang seryoso sa mukha ko. “P-paano mo nalaman?”
“Because I can feel you, Xan. Kahit hindi mo man sabihin alam ko ang mga nararamdaman mo. Dahil hindi ka marunong magtago. Nalaman ko 'yon nang mapansin ko ang feelings mo para sa akin, Xan.”
“Mapansin?” Mas nagulat ako sa narinig mula rito. “Sandali. Y-You don't mean...”
“Yes.” Pagkukumpirma nito sa isip ko. “Bago mo pa man sabihin sa akin ang nararamdaman mo, Xan, I know it already. Matagal na.”
“Then why? Why were you seem so confused and shocked when I told you about it?”
Marahan siyang umiling. “No, Xan. I'm not shocked. But yes, I was confused because I thought I already know. Pero iba pala nang marinig ko na iyon mula sa'yo, I guess it was just too much for me.”
“Too much? So you mean, my feelings was just a burden to you?”
“No! That's... That's not what I mean. You will never be a burden, Xan.”
“Kung gano'n, bakit mo inignora ang nararamdaman ko?”
He looked away, as if telling the truth will hurt him too. “I chose to ignore it because, Xan, I can't have your feelings nor accept it.”
“Bakit? May mabigat ka bang rason?”
Pumikit siya at narinig ko pa ang pagbuga nito ng hangin bago muling dumilat. “If I accepted your feelings, I want it to be forever, Xan.”
“You can have it forever!”
May sumilay na ngiti sa labi niya nang bumaling na siya sa akin. “Sana nga, Xan. Sana nga. Pero sa kaso ko, hindi ko maaabot ang gano'ng habang buhay.”
“H-hindi, Maythe. Ano bang sinasabi mo diyan?” Bigla akong napalapit rito at hinawakan ang kaliwang kamay nito. “Please, huwag. Huwag ka ng magsalita.”
“Xan, alam ko no'ng pumasok ka sa kuwarto ko, napansin mo ng may mali sa akin.”
“Please, Maythe, huwag...” Sinubukan kong ignorahin iyon dahil ayokong malaman. “Ang importante sa'kin ngayon ay nandito ka na. Wala na akong pakialam sa iba. Kaya please...”
“Pero kailangan mong malaman, Xan. This is the reason why I came back, because I'm ready to tell you about it.”
“Then I'm not ready to know!”
“Xanille...”
For the first time, hindi niya sinabi ang pangalan kong iyon na may galit o konting tampo. Dahil sa pagkakataong ito, lumabas ang pangalan kong iyon sa bibig nito na may suyo, na may lambing.
Lumuhod ako sa ibaba ng kama nito habang hawak pa rin ang kamay nito. “You can't expect me to be ready when I finally see you again. This is not what I've been waiting for five months, Maythe. It's not.”
Napatingin ako sa mga kamay namin na dahan-dahan nitong iniangat pagkuwan ay dinala niya iyon sa sariling pisngi.
“I'm sorry. All I could think about is myself. I even called you selfish when the truth is, I am. I tried to ignore your feelings to protect mine.” He softly laughed. “That's selfish, isn't it? To avoid myself from getting hurt, I chose to run away. When you on the other hand, is trying your best just to move forward. How I wish I could be like you.”
“Then why don't you?”
“Dahil alam kong madali mo lang mababasa ang mga nasa isip ko kung hinayaan kong makita mo ako.”
Napatitig ako sa mga mata niya at napaisip. “So that's the reason kung bakit marami pa rin akong hindi alam tungkol sa'yo kahit matagal na tayong magkasama, 'coz you keep hiding yourself.”
“I guess I was just too scared to ruined what we have, Xan.”
“You're not the only one, Maythe! Kaya nga umabot ng ilang taon bago ko nasabi ang tunay na nararamdaman ko dahil takot rin ako!”
“But atleast, Xan, you found your strength to take a risk.”
I want to share my strength to Maythe. I want to make him feel that I can be his strength. Pero bakit feeling ko nasasaktan ko lang lalo si Maythe sa tuwing ibinabahagi ko iyon sa kanya. Am I really just too much for him?
I want to apologise if I hurted him. Pero wala na lang akong ibang sinasabi kundi sorry kapag may ginagawa akong mali. Ayoko namang pati doon ay mapagod pa si Maythe sa kakahingi ko ng sorry.
I felt Maythe tugged my hand so I turned to look at him again. “Please, Xan, let me tell you the truth. I've had enough of hiding it.”
How can I say no? When you are asking it with that look in your face. You're really determined to tell me about it, huh.
Nanatili muna akong tahimik at pinakatitigan ito. Pero nang hindi ko na rin kinaya ay sumagot na ako. “Alright. Kung nakapag-desisyon ka na talaga, then who am I to stop you?”
“Thank you, Xan. Thank you.”
Alam kong masasaktan ako sa maaaring marinig mula kay Maythe. Pero mas gugustuhin ko pang masaktan kaysa sa lalaking matagal na palang sinarili ang sakit na iyon dahil lang sa pagtatago ng totoo.
Kahit naman papaano, gusto kong mabawasan ang sakit na nararamdaman nito. At kung iyon lang ang tanging paraan, bakit ko pa iyon ipagkakait sa kanya?
Besides, that's the reason why we're here. To face the truth.
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro