Chapter 13: Presence
Chapter 13: Presence
"NASA'N na kaya sila? Sabi nila dito lang sila mauupo." Nilingon-lingon ko pa ang paligid habang hinahanap sina Wendy at Patricia matapos iwanan ako sa gymnasium at sabay itong pumunta sa soccer field para makapanood ng game.
College Festival kasi ng school kaya heto at abalang abala ang mga students sa kanya-kanyang activities. At ang ganda na nga sana ng pinanonood namin na basketball kanina nang iwanan nila ako matapos malaman na mga boyfriend na nila ang maglalaro. Tapos sinabi lang nila sa akin na friends before boys. Pero ayun at sila rin naman bumaliktad sa sinabi nila.
Pero seryoso, nasa'n na ba talaga nagsuot ang dalawang 'yon? Kanina pa ako libot ng libot dito sa audience area ng soccer field, ah. Sa dami ng students dito imposibleng mahagilap ko sila ng walang tulong.
"Xanille! Hey!" Bigla akong napalingon sa taong humawak sa braso ko. Sisitahin ko na sana ito nang matigilan.
"Mason..." saad ko sa lalaki nang makilala ito. Nakasuot ito ng soccer uniform, 1 ang nakalagay doon. "So you're a goal keeper."
"Oh." He smiled. "You know something about soccer?"
"Ha?" Napatingin ako rito pagkuwan ay umiling. "Uh, hindi. Mahilig lang kasing manood si Papa at Kuya ng soccer."
"I see." Tumango-tango ito pero nanatili ang ngiti sa labi nito. "Anyway, I'm glad I found you."
Nagtaka ako sa sinabi nito. "Bakit?"
"Well, Patricia texted me. Sabi nila naiwan ka raw nila sa gymnasium kaya malamang daw ay inis mo na silang hinahanap kanina pa. And I think they were right." Tumawa pa siya ng mahina matapos sabihin iyon.
I sigh. "Sino ba naman kasing 'di maiinis sa ginawa nila? Iniwan lang nila ako sa gymnasium."
Nadagdagan ang tawa nitong iyon. "I know the feeling. Ganyan na ganyan rin ang ginagawa nina Jake at Liam kapag nakikita ang mga kaibigan mo. Iniiwan rin ako sa ere."
Ang dalawang kaibigan nito ang tinutukoy na siyang boyfriend nga ngayon nina Wendy at Patricia. Matagal-tagal na rin sila. Simula yata ng ipangalandakan ni Patricia ang pagkakagusto nito kay Jake nang una nito iyong makita habang naglalaro sila ng soccer ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Sa pagiging makulit ba naman ni Patricia ay hindi yan maiiwasan na mapansin ng lalaki. At dahil kaibigan din ni Jake si Liam ay napansin rin nito si Wendy na siyang nagkagustuhan na rin sa huli. Kaya ayan, nagkaroon sila ng instant lovelife dito sa college.
Kung ako naman ang tatanungin ay hindi ako naghahanap dahil kahit limang buwan na ang nakakalipas ay nananatiling nasa isang tao ang puso ko. At alam kong walang makakapagpabago sa nararamdaman kong 'yon.
"And I don't want to be left behind anymore."
"Ha?" Napatingin ako rito nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin iyon sa bibig nito. "Mason?"
Ngumiti siya habang nakadikit pa rin ang palad ko sa bibig nito. "I know Patricia told me that it's impossible for you to accept anyone as a suitor right now. Because there's already some lucky guy in your heart. But I want to take any chances, even if I know I will only hurt myself."
Habang sinasabi nito ang mga katagang iyon ay hindi ko na pala namalayan ang dahan-dahang pag-awang ng mga labi ko. Naramdaman ko rin ang panunuyo ng lalamunan kaya makailang ulit akong napalunok.
"M-Mason...what are you trying to say?"
"What I mean is," simula niya na dinala pa ang magkahugpong pa rin naming mga kamay patungo sa tapat ng puso nito. "I like you, Xanille. And I want you to give me a chance."
"Ha...?"
Malinaw kong narinig ang sinabi nito pero parang nabingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Hindi dahil sa pareho kami ng nararamdaman kundi dahil sa takot. Takot na baka kapag sinabi ko ang totoong nararamdaman ay baka masaktan ko rin siya, katulad ng kung paano ako nasaktan ni Maythe.
Ayokong maramdaman ni Mason ang mga sakit na naramdaman ko noon. Mabait siyang tao at ayokong masaktan siya dahil sa akin. Pero kapag tinanggap ko naman ang nararamdaman niya dahil sa awa ay lalo lang siyang masasaktan. At iyon naman ang hindi ko gusto.
Yumuko ako. "I—"
Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang anouncement mula sa speaker na nakakalat sa buong campus. Hudyat na magsisimula na ang soccer game.
Humigpit ang pagkakakapit ni Mason sa kamay ko kaya napaangat ako ng tingin rito. "Xanille, it's alright. You don't have to give me your answer right now. I will give you time to think about it. For now, why don't you join Wendy and Patricia? Your presence in our game is what I needed the most."
"Mason.."
"No?" He smiled.
Sa tamis ng ngiti niya'y alam kong hindi ako makakatanggi. "Alright. Besides, kailangan ng dalawa ng sermon mula sa akin."
Natawa siya sa narinig bago napatango. "Yeah. I think so, too."
PAGKATAPOS lang ng intense na laro nina Mason at ng pagkakapanalo nila'y dumiretso na kami nina Wendy sa locker rooms ng mga ito na naabutan namin na nagkakasiyahan. Bawat isa ay binibigyan ng papuri si Mason dahil sa mahigpit at magaling na pagbantay nito sa pwesto kahit na minsan ay tumatama na ang bola sa mukha nito.
At aminin ko man sa hindi ay totoong humanga ako rito kahit papaano. Oo, nakita ko na siya ng makailang ulit na naglaro ng soccer dahil sa lagi akong sinasama ng dalawa kapag gusto nilang makita ang mga boyfriend nila habang nagpa-practice. Pero hindi ko pa siya nakitang maglaro ng gano'n ka-intense na para bang nakasalalay ang buhay niya sa larong 'yon.
Kaya nga napag-isip ko rin ng mga oras na iyon na hindi ko pwedeng saktan ang katulad niyang tao. He deserves more than just like me.
"Sigurado ka na ba, Xan? Hindi ka na sasama sa after celebration nina Mason?"
Tumango ako sa tanong na iyon ni Wendy habang patuloy kaming naglalakad patungo sa gate ng campus. "Oo nga. Sigurado ako."
"Pero baka hanapin ka sa'min ni Mason niyan, anong sasabihin namin?" si Patricia.
Nang makarating na kami sa tapat ng gate ay huminto muna kami sa paglalakad.
"Sabihin niyo na lang na may biglaan na pinuntahan."
"Ha? Saan naman?"
Bago ko pa masagot ang tanong na iyon ni Patricia ay iba na ang nagsalita.
"Just tell whoever that Mason is that her brother came to pick her up."
Sabay-sabay kaming napalingon sa taong pinanggalingan ng boses. At hindi ko napigilang magulat at magtaka nang mapagsino ito. Si kuya Hal. Nakatayo ito sa labas ng gate namin at nasa tabi naman ang paborito nitong bike.
"Kuya Hal? Anong ginagawa mo rito?"
Hindi sumagot si kuya Hal na mukhang nakuha naman ng dalawa kong kaibigan.
"Uh, sige, Xan. Mauna na kami baka hinahanap na rin kasi kami doon. So paano, bukas na lang ulit, ha?" Paalam ni Wendy na hinila na si Patricia palayo sa amin.
Nang mawala na ang dalawa'y saka ko muling binalingan si Kuya.
"So? Anong pinunta mo rito?"
"Like I said before, I'm here to pick you up."
Napataas ako ng kilay. "Kelan mo pa 'ko kinailangan na sunduin sa school? At saka anong meron, diba dapat nasa manila ka? Bat umuwi ka? Wala na ba kayong pasok?"
Sa halip na sagutin ay tumalikod ito at inalis ang pagkaka-stand ng bike niya saka sumakay roon. "We'll talk when we get home."
"Ha? Pero bakit?"
"Just come with me, Xian." Bahagya niyang ikiniling ang ulo na nagsasabing umangkas na ako sa likod ng bike nito.
Dahil nakikita kong wala na ngang balak magsalita ang kapatid hangga't hindi kami nakakauwi ay sinunod ko na lang ang sinabi nito. Pero lalo akong nagtaka nang hindi papunta sa bahay ang tinatahak naming daan, kundi patungo sa bahay nina Maythe.
Dumoble ang pagkabog ng dibdib ko.
"S-Saan tayo pupunta, kuya Hal? Hindi 'to patungo sa bahay." Nang manatili itong tahimik ay bahagya ko itong tiningala para makita ang mukha nito pero sinita niya lang ako.
"Stop moving or palalakarin kita."
Kaagad akong umayos ng upo sa likod nito. "Eh sa'n ba kasi tayo pupunta? Akala ko uuwi tayo? Sa'n mo 'ko dadalhin?"
"Basta."
Iyon lang ang sinabi nito pero mas lalo akong kinabahan. Ang nagawa ko na lang ay hintaying makarating sa kung saan man ang destinasyon namin.
Pero nang sa wakas ay huminto na kami ay hindi ko pa rin maiwasan na magulat kahit na may ideya na ako kung saan nga kami papunta. Siguro iyon ay dahil hindi pa ako handa na makita ang bahay dahil alam kong madidismaya lamang ulit ako kapag nalaman kong wala na talagang kahit na anong presensya ang naiwan doon.
Tulad nang pumunta ako rito noon nang malaman kong umalis na nga si Maythe ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Nabigla ako at nasaktan ng husto no'ng una pero kalaunan ay narealize ko rin na wala na akong magagawa kahit ilang araw pa akong umiyak.
Hindi rin naman maririnig ni Maythe ang mga hikbi ko kahit ano pang gawin ko o kahit na magmukmok ako at magkulong sa kwarto buong araw.
Kaya nga mas pinili ko na lang na ituon ang pansin ko sa pag-aalaga kay Anonym. Sa paraan din kasing iyon kahit papaano ay parang nararamdaman ko na narito pa rin si Maythe, na parang kami pa ring dalawa ang nag-aalaga sa bulaklak. Kaya kahit papaano nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko.
"Xian," tawag ni kuya Hal sa akin na nakapagpawala sa mga iniisip ko. Hinawakan niya ako sa kaliwang balikat na ikinatingala ko rito. "This will answer your questions."
Nasundan ko siya ng tingin ng lumapit siya sa pinto ng bahay nina Maythe. Naroon pa rin ang nameplate nila. Kruz Family. Na para bang may nakatira pa rin sa bahay na iyon.
"Kuya?" Nagulat ako ng mapansing kumatok siya sa pinto. "Sandali, bakit?"
Nilingon niya ako. "Sabi ko nga, dito masasagot ang mga tanong mo, Xian."
"H-hindi ko maintindihan."
Sa litong nakikita sa akin ay muli na lang niyang hinarap ang pinto na ngayo'y dahan-dahan ng bumukas. And I admit, ngayon lang ako nakaramdam ng sobra-sobrang kaba habang pinagmamasdan ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Pinto na maaaring sa kabila niyon ay naghihintay ang nakangiting si Maythe. Dahil mas alam ng puso ko na siya ang mas gusto kong makita sa pagbukas niyon.
But I hope too soon dahil nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay alam kong makikita ang disappointment sa mukha ko nang hindi si Maythe ang makitang nasa harapan namin. Pero hindi ko pa rin napigilan ang matuwa nang muli kong makita ang mag-asawa. Si Tito Mike at si Tita Ilene. They're still the same. Ang kaibahan lang ay ang malungkot na ngiti sa mga labi at mga mata nito.
"Um, Tita..Tito."
Lumapit si Tita sa akin nang makapasok na ako sa bahay nila at nagulat ako ng yakapin niya ako. Nagtataka akong napatingin kay Tito na yumuko lang kaya si kuya Hal ang nilingon ko na malungkot lang ngumiti.
Nang kumalas na si Tita sa akin ay saka ako nagsalita.
"Tita, ano po bang nangyayari? Bakit po kayo narito? Diba po umalis na kayo? Si..si Maythe po?"
Sunod-sunod ang tanong kong iyon na mukhang hindi naman pansin ni Tita dahil hinawakan niya lang ako sa magkabila kong mga kamay. Pinakatitigan niya ako sa mga mata. At kahit pansin ko ang nangigilid na mga luha nito'y mas nakita ko ang nakikitang tatag na nagrereflect sa mga mata nito.
"Xanille, bago mo sana puntahan si Maythe ay may isa akong kahilingan."
"Po? Ano po 'yon?"
"Huwag mo sana siyang kaawaan oras na makita mo na siya. Iyon kasi ang pinakaayaw niya. Ang kaawaan siya."
Napakunot-noo ako sa narinig. "Sandali po, Tita. Bakit ko naman po siya kaaawaan?"
Yumuko siya at hindi na ako sinagot pa. Kaya naman hindi na rin ako nagtanong pa kahit na hindi ko gaanong naintindihan ang ibig-sabihin kanina ni Tita tungkol sa anak.
Inakay na rin ako ni Tita patungo sa kwarto ng anak nito ng masigurong wala na akong itatanong pa. Hindi na sumama sa amin si Tito na mas pinili na lang manatili sa sala habang si kuya Hal naman ay nakasunod sa amin sa likod. Huminto lang kami ng nasa tapat na kami ng kwarto ni Maythe. Muli akong hinarap ni Tita.
"Ikaw na muna bahala kay Maythe."
Tumango ako na sinuklian nito ng isang pagod pero matamis na ngiti.
"Salamat, Xanille. Salamat." Naramdaman ko ang sinseridad sa mga salitang iyon kaya sa halip na sumagot ay muli akong tumango.
Bago umalis ay tinapik niya si kuya Hal. "Alalayan mo ang kapatid mo."
"Opo," ang narinig kong tugon ni Kuya.
Nang mawala na si Tita ay agad ng lumapit sa akin si Kuya. Tinitigan ko siya kaso nanatiling tikom ang bibig niya. Pero alam kong may sasabihin siya. At tama naman ako ng hinarap na niya ako.
"Xian, kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo."
Makailang ulit akong tumango at napakagat pa sa labi ng maramdamang nag-iinit ang magkabilang gilid ng mga mata ko.
Hindi. Walang rason para umiyak. Atleast hindi ngayon. Not until I see him.
Pinilit kong ngumiti para pigilan ang pagluha. Pagkuwan ay hinawakan na ang doorknob ng kwarto ng lalaki.
I don't need more surprises.
Sa mahigpit na pagkakahawak sa doorknob ay hindi na ako nagsayang pa ng segundo nang walang anu-ano ko na iyong binuksan.
And like any other, the moment na makita ko siya ay agad akong naparalisa sa kinatatayuan. At siguradong hindi iyon dahil sa tuwa.
Never pa sa tanang buhay ko ang makaramdam na parang hinuhugot ang puso ko mula sa dibdib. Na para bang unti-unti iyong pinupunit ng pira-piraso.
"Oh.." Napatakip ako ng bibig para pigilan ang pag-alpas ng hikbi mula sa akin.
Pigilan mo, Xanille! Huwag mong hayaang marinig ka niya! Huwag!
I flinched when I saw him moved from his bed. Kaya naman mabilis akong lumabas at nagtago sa dingding bago pa man ito magmulat at makita ako doon.
But he knew.
"Xa..Xanille?"
He knew I was there.
"Y-you're here, right, Xan? I... Your presence, I can feel it."
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro