Chapter 11: His Answer
Chapter 11: His Answer
"XIAN, are you sure you'll be fine on your own?"
"For the tenth time, kuya, kaya ko na." Umangkas ako sa bike nito na hihiramin ko muna. Siya na rin naman mismo nag-insist na magbike na lang para madaling makapunta sa bahay nina Maythe. "Kaya huwag ka na mag-alala, okay?"
Sumandal lang ito sa bukana ng pinto namin at nakapamulsahan na tumango. "All right. Kaya mo na."
"Salamat. Bye!"
"Alagaan mo ang bike ko! Ayokong may makitang gasgas iyan!" Narinig ko pang sigaw nito habang papalayo ako sa kanya.
Nang araw na 'yon, saglit ko lang binisita si Maythe na nadatnan kong natutulog pa rin, para siguraduhin na bumaba na ng tuluyan ang lagnat nito. Pero mukhang agad na rin naman itong gagaling dahil sa nakikitang pag-aalaga nina Tito at Tita sa anak. Nadatnan ko pa kasi silang natutulog sa sala dahil pumasok na ako nang walang sumasagot sa tawag ko, saka nakita ko namang bukas ang pinto. Pero dahil nga doon ay nalaman kong buong magdamag silang nagbantay sa anak na kinatulugan na nga sa sala.
They even forgot to locked the main door.
After staying for a little while ay umalis na ako sa bahay nina Maythe at agad na dumiretso sa riverbank. Naalala ko kasi si Anonym na nakalimutan namin kagabi dahil sa pag-aalala kay Maythe. Pero kahit alam kong imposible ay hiniling ko pa rin na sana'y buhay pa ang bulaklak.
Ngunit nadismaya ako ng pagdating ko doon ay wala na ang bulaklak. Pero ang lupa at ang paso ay nanatiling nakakalat sa daan. Inisip ko kung nasaan si Anonym, nagbakasakali ako na baka may tumapon sa kanya sa tabi pero kahit anong gawin kong hanap ay hindi ko nakita ang bulaklak.
I would've given up if I want to. Pero agad ring pumasok sa isip ko na meron pang isang lugar para dugtungan ang pag-asa kong makita ang bulaklak. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras na pumunta sa shop ng lolo ni Maythe.
At doon ay nadatnan ko si ate Diane.
"Ate Diane!" Habol ang hininga na lumapit ako rito na hindi na nagulat ng makita ako.
She smiled. "I knew you'd come."
"Ha?"
Ngumiti ito at saglit nawala sa likod ng flower shop. Pagbalik ay may dala-dala na itong isang paso at doon ay nakita ko ang bulaklak na animo sumasayaw pa nang makita ako.
"P-Paano mo ate..."
"Si Hal," aniya.
"Si kuya Hal?"
Tumango siya. Maingat niyang inilapag ang paso ng bulaklak sa counter table. "Tinawagan niya ako kagabi, sinabi niya sa akin na ako na raw bahala kay Anonym. No'ng una hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin pero pinaliwanag niya rin naman sa akin kung ano nga ang nangyari."
"Ha?"
Lumawak ang ngiti niya. "Don't worry. Wala siyang ibang sinabi kung hindi nabitiwan ni Maythe si Anonym ng pauwi na kayo dahil bigla na siyang nahilo."
Napahinga ako ng maluwang pero nawala ang ngiti ni ate Diane. "I won't ask, Xan. But you can tell me everything whenever you're ready. I'm always willing to listen."
Sa narinig ay biglang bumalik ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi. At dahil doon ay niyakap ako ng mahigpit ni ate Diane nang mapansing nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko.
"You can tell me."
Makalipas ng ilang minutong pag-uusap. Natigil na rin ako sa paghikbi.
"At bakit mo naman naisip na nasaktan mo siya?"
Umiling ako at maingat na hinaplos ang talulot ni Anonym. Natatakot na baka pag naging marahas ang paghaplos ko rito'y matanggal iyon at humiwalay sa bulaklak.
"Alam ko lang, ate. Naramdaman ko iyon. Naramdaman ko nang sinabi ko iyon wala akong ibang nakita kay Maythe kundi pagkagulat at pagkalito sa mukha niya. Alam ko naman na biglaan kong sinabi iyon, pero kasi diba dapat kahit papaano matuwa siya?"
Malungkot na ngumiti si ate Diane. "You can't expect someone to be happy just because that's what you wanted them to show you."
Natahimik ako sa sinabi nito, pagkuwan ay nagsalita ulit. "Maybe Maythe was right after all, ate. I'm selfish. Don't you think I pushed my feelings towards him? That's why he felt pressured and—"
"Xan," she stopped me before I could finish my sentence. "you told him what you feel and that was right. You just wanted your feelings to reach him. Well for now, naguguluhan pa siya. You gave yourself time para pag-isipan ang nararamdaman mo. Now, he's turn to think it over. Siya naman ang bigyan mo ng oras para makapag-isip."
Hindi ko alam. I'm not expecting Maythe to return my feelings. Ang gusto ko lang ay malaman niya iyon bago siya umalis. Iyon lang sapat na sa'kin.
Dahil of a people alam ko na kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pero hindi ako magsisinungaling kung gusto kong kay Maythe iyon mismo manggaling. Gusto ko iyong marinig galing mismo sa mga labi niya. Na isa lamang akong kaibigan at pamilya.
But even saying it myself hurts like hell.
"Ayokong umasa, ate. Gusto ko lang sabihin kung anong nararamdaman ko, iyon lang. Dahil nang sinabi ko iyon, hindi ako umaasa na pareho kami ng nararamdaman. Nang gabing iyon, handa lang ako na magsabi ng totoo."
That's right. Nang gabing iyon, hindi pa ako handa na marinig ang sagot niya. Iyon ay dahil ba mas masakit pa ang sasabihin nito kaysa sa naging reaksyon nito sa sinabi ko?
I can't help but laughed. So that's what I'm scared of. Scared of hearing his answer even if I don't expect him to give me anything. But of course, iyon ang mangyayari once na magkita ulit kami.
Pero bakit? Sa halip na lumuwang ang nararamdaman ay mas lalo pa iyong bumigat.
AFTER three days, tuluyan ng naging maayos si Maythe. Pero nang mga nagdaang araw na iyon, hindi ko na siya sinubukang dalawin o kumustahin man lang kina Tita't Tito. I know inaasahan nila na magbalik-magbalik ako doon hangga't masiguro kong maayos na si Maythe. Mangulit ako na ako ang mag-alaga sa lalaki.
I really would've done that but instead, umiwas ako.
I get mad at Maythe when he was running away. Pero ako naman ngayon ang tumatakbo palayo rito.
I decided to face him with my feelings. But now I'm turning my back on him, too scared to know his own.
Niyakap ko ang tuhod at pinakatitigan ang litrato naming dalawa ni Maythe. It's ironic how I find myself in my room again, na para bang kahapon lang pinoproblema ko kung paano sabihin kay Maythe ang nararamdaman ko. Pero ngayon, iniisip ko naman kung paano ko tatanggapin ang sagot nito.
Napatingin ako sa pinto. Kailangan ko pa bang hintayin na muli akong kausapin ni kuya Hal at kumbinsihin na harapin ulit si Maythe. Or hinatyin pang si Maythe ang pumunta rito para makausap ako?
Hanggang kailan ako aasa sa tulong ng iba? Hanggang kailan ko aabutin ang mga nakalahad na kamay nila? I'm still depending on someone else's help. And to think sinabi ko kay Maythe na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. I should be ashamed of myself.
Mahigpit kong niyakap ulit ang dalawang tuhod at doon ay ibinaon ko ang mukha. Sa tahimik ng paligid ay parang mabibingi ako.
"Xanille.."
Napangiti ako ng marinig ang boses ni Maythe sa isipan ko.
"Kahit sa pag-iisa hindi mo 'ko kayang lubayan. Sinasabi mo bang puntahan kita?"
Of course, walang sasagot sa tanong kong iyon. Natawa ako sa sarili ko. Sa pagmulat ko ng mga mata'y ang jacket ng lalaki ang agad kong nakita. Ang jacket niya na palaging nagbibigay init sa akin.
"Kahit saan ako tumingin, nandito ka. You can't leave me alone, huh." Napabuga ako ng hangin. "Fine. Alright, alright."
Hinawi ko ang kumot sa tuhod at dali-daling bumaba sa kama. Pagbukas ko ng pinto'y nagulat ako nang mabungaran doon ang kakatok ko na sanang kapatid.
"Kuya Hal? Bakit? May kailangan ka?"
Nabigla man ito'y agad namang napalitan ng ngiti ang mukha niya. "It seems like I don't need to do some convincing. You made a decision yourself."
I softly laugh. "Hindi lahat ng oras ay umaakto akong isang bata. I can keep running away whenever I want to, but not forever."
He sighed. But with contentment. "Since when did you became like this? Why I didn't notice that you're not a kid anymore?"
"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi nito pero ngumiti lang siya at hinaplos ang ulo ko.
"Go. Maythe's waiting."
Muli akong natawa. "That's the exact same words you told me that day. That day when I decided to tell him my feelings. And now, you're telling me that to face his own. Kuya Hal, what would I do without you?"
Imbes sagutin ay niyakap na lang niya ako.
"I'm proud of you." The moment na bitiwan niya ako'y tinuro niya ang pinto. "Now, Xan. My bike's waiting outside."
Napangiti na lang ako at tumakbo na palayo rito. Narinig ko pa si kuya Hal na sumigaw ng 'Be careful!' pero hinayaan ko na lang ang mga paa ko na dalhin ako sa kanya.
Maythe, I'm coming..again!
Sa hindi ko malamang dahilan ay dinala ako ng mga paa ko sa flower shop nina ate Diane. Ipinark ko lang ang bike ni kuya Hal at pumasok na sa shop. Doon ay nakita ko siya, kahit na ang likod niya ang nakaharap sa akin ay alam kong siya iyon.
"Xanille!" Si ate Diane. At dahil sa sigaw na iyon ni ate ay nakita ko ang pagtuwid ng upo ng lalaki. Tinanguan muna ako ni ate Diane bago ulit nawala sa likod ng shop.
Saglit binalot ng katahimikan ang loob ng shop bago niya pinagpasyahan na magsalita.
"I thought I would never see Anonym again," aniya na nanatiling nakatalikod sa akin. "Good thing kuya Hal called ate Diane. I was so worried that when I woke up she's already gone."
Dahan-dahan na ako lumapit sa kanya kaya noon ko nakitang pinagmamasdan niya ang bulaklak. Si Anonym.
"She's strong, isn't she?" Muling saad niya. "She's strong just like you." Pagkasabi nito niyon ay saka lang siya tumingin sa akin.
Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa maupo ako sa harap niya. "Mabuti't maayos ka na."
He smiled. "Well, hindi nila ako iniwan. Si Mom and Dad, I mean."
"Ang swerte mong may mga magulang ka na tulad nila."
Tumango-tango siya. "Yes. I really am."
Muli kaming binalot ng katahimikan nang hindi na namin alam ang pag-uusapan. Kaya naman napag-isipan kong ako na lang ang mag-open up ng topic about sa nangyari nang nakaraang gabi.
"Maythe—" Pero bago ko pa man maumpisahan ay tumayo na siya.
"Mom told me na umuwi kaagad kapag nasiguro kong okay si Anonym." Inilapag niya ang bulaklak katabi ng iba pa at hinarap ako. "Xan, thank you."
"Ha?"
"Alam kong hindi ko maiignora ang nangyari no'ng nakaraang gabi. Hindi ko rin kayang magpanggap na hindi ko narinig ang sinabi mo sa'kin tungkol sa nararamdaman mo. So, thank you. Thank you for loving me. But, Xan, l want to stay the same. I don't want anything to change between us," walang kagatol-gatol na saad niya, na para bang wala lang ang mga lumabas sa bibig niya.
"That's probably the most..." painful words I've ever heard. "reasurring words I've ever heard. I..I was so scared na baka may nabago ako sa sinabi ko ng gabing iyon. Na baka nasaktan kita."
He shake his head. "No. I'm not hurt. But... it is hard for me to see you hurt."
I laugh. Pero lumabas iyon na pilit lang. "Hindi. The truth is, I'm glad na nagsabi ka ng totoo."
He smiled. So did I. Hinintay ko pa siyang magsalita pero ang ginawa niya lang ay ngumiti habang nakatitig sa akin.
Tumagal pa iyon ng ilang minuto bago siya tahimik na tumalikod. At umalis na hindi na nag-iiwan ng kahit anong salita. He just left with those painful smile.
"I thought you said you're not hurt?" Anas ko nang mawala ito. Ngumiti ako pero hindi ko na kinayanan kaya napaluhod na akong humikbi na tinakpan ng palad ko ang mga mata.
"Maythe," anas ko. "Bumalik ka, Maythe. Bumalik ka."
Sa patuloy kong pag-iyak ay naramdaman ko na lang na may yumakap na sa akin.
"Ssh. You tried your best, Xan. You did great."
"A-ate Diane."
Tulad ng dati, hinayaan ako ni ate Diane na humikbi habang yakap niya.
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro