Chapter 10: Confession
Chapter 10: Confession
"XAN, please tell me what's going on."
Hindi ko mapigilang maawa sa gulong nakikita sa mukha nito. At kahit alam kong gustong gusto na niya akong lapitan ay pinanatili niya pa ring kalmado ang sarili.
"I'm sorry, Maythe, kung palagi na lang kitang pinag-aalala. Pero kasi," saglit akong huminto sa pagsasalita at bahagyang ngumiti. "nang makita kitang papalayo kanina naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni kuya Hal."
"Si kuya Hal? What did he say?"
Hindi ko muna sinagot ang lalaki bagkus ay naghanap ako ng bench na mauupuan namin. Nakakita naman ako 'di kalayuan na nabibigyan ng liwanag ng street light. Naglakad ako patungo roon.
"Xan? Hey! We don't have time for this!" Nang ignorahin ko ang tawag niya'y walang nagawa ang lalaki na sinundan na lang ako. "Xan, can you just—"
"Come, sit." Tinapik ko ang katabing space nang makaupo na at tiningala ito. Pero tinignan niya lang ako ng nakakunot-noo. "I promise, it won't take long."
He remain silent for awhile before heaving a sigh. "You promised."
Tumango ako kaya naupo na rin ito sa tabi ko.
"Now, anong ibig mong sabihin kanina? About kuya Hal?"
Binaling ko ang tingin sa daan. "Si kuya Hal ang tumulong at nagbigay lakas sa akin na kausapin ka, Maythe. Dahil kung hindi naman sa mga payo niya'y baka hanggang ngayon hindi pa kita kayang harapin. Let's just say, kuya Hal help me realized something."
Natahimik ang lalaki na siguro'y binibigyan ako ng oras para makapag-isip. But I've had enough of thinking. Kaya ngayon, ang bunganga ko naman pagaganahin ko at ang damdamin.
"Maythe, I don't want you to leave. I want you to stay." I smiled. "Iyan ang pumasok sa isip ko kanina ng makita kitang papalayo sa akin. Dahil sabi mo mananatili ka kapag sinabi ko iyon."
Dahil alam kong iyon ang gusto ko pero paano naman ang gusto ni Maythe? Gusto niya bang manatili dahil sa sinabi ko lang? O baka dahil kagaya ko, siya rin ay...
Ipinilig ko ang ulo ko. Ayokong paasahin ang sarili ko.
"Pero alam mo ba, napag-isip ko rin na kahit gustong gusto ko hindi ako pwedeng umasa na lang sa presensya mo na habang buhay akong suportahan." Nilingon ko ang lalaki na mataman na nakikinig sa akin. "Dahil Maythe, tinuruan mo ako kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. You make me believe that everything will be alright as long as you have faith in yourself. And thank you for that."
Umiling siya ng paulit-ulit. "You could be wrong, Xan."
"Ha?"
"Have you ever thought that maybe ako ang umaasa sa presensya mo? In your eyes I may be strong, like I don't need the others help. But the truth is...I'm weak, either." Mula sa daan ay tinutok naman niya ang tingin sa hawak na bulaklak. "I hate to admit, Xan, but I'm not the person you think I am. Dahil ang akala mong lalaki na hindi kailangan ng suporta ng iba, ay siya pa pala ang mas umaasa doon."
Hindi ko matukoy kung anong emosyon meron ang lalaki, bukod kasi sa madilim na kung saan ito naka pwesto'y natatabunan pa ng medyo may kahabaan na nitong buhok ang mukha.
"Before I even met you, I stopped looking forward to sunrise. Sinubukan kong hanapin ang purpose ko by taking care of the flowers, and I thought that was enough. But... it wasn't." Natawa siya ng mahina na parang may naalala. "But guess what? Nakakatawang isipin na nagbago lahat iyon simula ng dumating ka. Like you just showed up to finally give me my reason to..." his words trailed off.
Ano 'yon, Maythe? Ano ang gusto mong sabihin?
"Maythe? Reason to what?"
Instead na sagutin ay iba ang lumabas sa bibig nito.
"Life is too unfair, Xan. Ni hindi ka man lang binigyan ng pagkakataon na maging handa. Everything is unexpected."
Sa patuloy na pagsasalita nito'y hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Anong gusto niyang ipakahulugan sa akin?
"This might sound crazy but I can say I'm already satisfied, enough that I can leave you alone now. Because I know, kaya mo ng mag-isa."
Napasinghap ako sa naramdamang sakit nang marinig iyon.
Hindi. Kailangan pa rin...
Pinigil ko ang sarili na sabihin iyon. Dahil alam kong pareho lang kaming mahihirapan. Besides, sinabi ko ng kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. So tama naman siya, diba? Kaya ko ng mag-isa.
"Xan, thank you."
Muling natuon ang atensyon ko sa lalaki at sa hindi malamang dahilan ay nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Dahil habang patagal ng patagal ay mas lalo ko siyang hindi maintindihan.
"Maythe, bakit..bakit hindi mo ako tanungin kung bakit ayaw kitang umalis?"
Bigla itong tumayo. "Kailangan ko pa bang malaman?"
Napatayo rin ako. "Oo! Dahil mahalaga ang sagot ko!"
Saglit siyang nanahimik pagkuwan ay nakangiting bumaling sa akin. Pero hindi iyon ang ngiting palagi niyang pinapakita sa akin. "Let's go home, Xan. It's really getting cold out in here. And you promised."
Napakuyom ako ng mga kamay nang tinalikuran na ako nito at magsimula ng maglakad palayo sa akin.
Are you running away, Maythe?
"Sandali." Mahinahon ang boses ko ng sabihin iyon pero hindi ito tumigil sa paglalakad. Ni kahit paglingon ay hindi nito ginawa. "I said wait! Maythe!"
He didn't stop.
Bakit ayaw mong makinig sa'kin? Bakit hindi ka man lang lumingon. Mahal kita. Halos sabihin ko na 'yon. Malapit na sana.
Napakagat ako ng labi. Wala na akong pakialam. Hinabol ko ito sa paglalakad ngunit hindi ko nakita ang batong nasa daan kaya napatid ako doon. Dire-diretso ang pagkakatumba ko sa lupa na siyang ikinalingon naman ng lalaki nang marinig ang daing ko.
"Xan!" Maagap ako nitong dinaluhan at tinulungang makaupo.
Tumawa ako ng pagak. "Kung iyon lang pala ang makakapagpatigil sa'yo sa paglalakad dapat kanina ko pa ginawa."
Nagsalubong ang mga kilay nito sa narinig. "Stop joking around, Xan. Can't you see you're hurt?"
"I'm fine."
"Hah. You're fine?" He nodded with a sarcastic grin on his lips. "Yes, for now you're fine! But the longer we stay here the more chances na may malala pang mangyari! This is why I keep telling you we should go home! Bakit ba kasi ang kulit mo?!"
Nagtataka akong napatingin rito. At kahit alam niyang nakatingin ako'y hindi ito nag-abalang itago ang galit sa mukha.
"Don't look at me like that because you know most of all that this is you're fault." At kahit nakakaramdam ng inis ay hinayaan kong pagpagin ng lalaki ang mga dumi na kumapit sa katawan ko. "Saka pwede ba kahit minsan isipin mo naman ako? Besides, baka nag-aalala na rin ang mga magulang mo at si kuya Hal! Hindi mo ba naiintindihan iyon?"
"Alam ko, Maythe."
"No, Xan, you don't! Because if you do," May lungkot sa mga matang tinitigan niya ako. "you'll stop being so selfish."
Napasinghap ako sa naramdamang sakit sa dibdib dahil sa sinabi nito. Pero ang pinaka-una kong naramdaman ay pagkagulat nang marinig iyon mula mismo rito.
Selfish. Am I really being selfish?
Napayuko ako at napabulong sa sarili na hindi naman nito narinig.
"What did you say?"
"I said-- If loving you is selfish." I looked up to him, and firmly said... "Then I don't mind being called selfish."
I saw how his eyes flicker the moment he heard me. He stared at me for too long as if pina-process pa nito sa utak ang mga salitang sinabi ko.
Malungkot akong ngumiti at makailang ulit na tumango. "Oo. Tama ang narinig mo, Maythe. Hindi mo na kailangang tanungin ang sarili mo. I love you, Maythe. And that's that. I want you to atleast know it before you go."
Umawang ang mga labi nito pero walang salitang lumabas mula roon. Dahil tutok na tutok pa ang tingin ko sa kanya'y nakita ko ang dahan-dahan na pagrehistro ng gulat at lito sa mga mata nito.
I want to laugh pero pinigilan ko ang sarili. Nakakatawa kasing isipin na ang bilis niya mag-isip lagi ng sagot sa mga problema pero that time, ang hina ng utak nito magproseso.
I smiled at him pero ilang ulit lang itong napakurap na para bang nakalimutan na niya iyong gawin. Pagkuwan ay napatingin sa magkahawak naming mga kamay, pero agad niya rin iyong binitawan at napatayo.
Napapahaplos ito sa buhok na tumalikod sa akin. "No. No, you just can't—"
Napansin ko kung paano ito biglang napakapit sa dibdib. Naka-side view siya sa akin pero hindi iyon nakatulong para hindi ko makita ang pagdaan ng sakit sa mukha nito.
"Maythe?"
"I..I'm sorry, Xan. Right now, I'm just too tired."
Nang humakbang siya'y bahagya pa siyang sumuray sa paglakad kaya muli siyang tumigil. Pagkuwan ay sa ulo naman ito napasapo. Nakaramdam na ako ng pag-aalala.
"Maythe? Ayos ka lang ba?"
"I-I don't know. Bigla akong nahilo."
Napansin ko ang mabilis na pag-angat baba ng mga balikat nito. At doon ko alam na hindi na maganda ang pakiramdam nito. Kahit na ramdam ko pa rin ang sakit sa kaliwang binti dahil sa pagkakatumba ay tumayo na ako.
"Maythe, sandali. Ano bang masak—"
THUD!
Hindi ko na natapos ang sinasabi nang makita ko na lang ang biglang paghandusay ng katawan nito sa lupa. Nanlaki ang mga matang napatakip ako sa bibig.
"..H-hindi."
Nabitiwan rin nito ang paso ng bulaklak na ngayo'y nakahiwalay na ang katawan sa lupa. Pero instead na pansinin pa iyon ay dahan-dahan na akong napalapit sa lalaki.
"Maythe... MAYTHE!"
I SAW kuya Hal talking to me. But for some unknown reason, I can't seem to hear him. Maybe because of my loud heartbeating. It's as if any moment ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Kahit pilit rin akong pinatitingin ni kuya Hal sa mukha niya'y bumabalik lang ang mga mata ko sa kwarto ni Maythe kahit na nakasara ang pinto niyon.
Hindi ko kasi maalis ang mga tingin ko dahil gusto kong makita si Maythe. Gusto kong makitang gising ito at nakangiti instead na ang nakapikit nitong mga mata at nakabalatay ang sakit na nararamdaman nito doon.
Sinisisi ko ang sarili ko. Dahil kung ang mga sinabi ko kanina ang dahilan ng paghihirap nito ngayon ay babawiin ko iyon.
Sasabihin kong hindi totoo ang lahat ng iyon basta makita ko lang ulit ang ngiti nito. Kung pwede lang sana.
"Xian! Hey, can you hear me?"
Napahawak ako sa dibdib ko ng mapansin halos hindi na pala ako humihinga dahil sa kaba at takot na nararamdaman.
"Did you just stop breathing? Are you crazy?!"
Inignora ko ang sigaw nito. "Kuya Hal, magiging okay lang si Maythe, diba?"
Napasandal ako sa dibdib ni kuya Hal na agad naman akong niyakap.
"What are you talking about? Of course he is. He'll be fine."
"H-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya." Umiyak ako ng umiyak sa kapatid ko na walang nagawa kundi hagurin lang ang likod ko.
"Ssh. Don't say that. Kapag narinig yan ni Maythe malulungkot siya panigurado."
Umiling ako. "Tama naman siya. I-I'm selfish, and stubborn, and selfish, and stubborn, and selfis—"
"Xian!" Pinalayo niya ako't pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mga mata ko. "Enough, okay? Maythe's going to be alright. Tomorrow, you'll see him."
"Gusto ko siyang makita ngayon."
"But, Xian—"
"It's alright, Hal."
Pareho kaming napalingon sa mag-asawang kalalabas lang ng kwarto ni Maythe. Agad akong kumalas sa yakap ni kuya at nilapitan ang mga ito.
"S-si Maythe po?" Agad kong tanong sa mag-asawa. "O-okay na po ba siya?"
Bahagyang binuksan ni Tito ang pinto ng anak para makita ko ito. Doon ay natanaw ko nga ang lalaking kalmado na ang ekspresyon sa mukha at malalim na ang paghinga.
"Bumaba na kahit papa'no ang init niya kaya mahimbing na ang pagkakatulog niya," ang mahinahon ng wika ni Tita.
Kanina kasi ay halos magpanic si Tita na hindi ko pa nakikita sa kanya. Una kong beses na nakita si Tita na alalang-alala para kay Maythe. And I saw how she begged his own husband para lang magamot ang anak. Ito lang ba ang unang beses na nagkalagnat si Maythe? Dahil kung hindi, alam dapat nila na hindi nakakamatay ang lagnat. Well, iyon ang alam ko. Dahil nakatayo pa naman ako ngayon sa ilang beses kong pagkakaroon ng lagnat.
Kuya Hal patted my head when I remain silent. "He's fine now. I told you, didn't I?"
"Yes." Tumango-tango ako. "Yes."
"Now let's go home."
"Ha? Pero gusto kong—"
"Xan." Pigil ni Tita Ilene sa akin na ikinabaling ko sa kanya. "You have to go home for now. You have to rest too."
"That's right, Xanille. Kami ng bahala kay Maythe. Thank you for looking out for him." Si Tito Mike na tinapik din si kuya Hal sa balikat. "And thank you, too, for bringing him here."
"Wala pong problema 'yon sa'kin," anito na binalingan na rin ako. "Come on, Xian."
Hindi na ako nagsalita kaya si Kuya na lang ulit nagpaalam sa mag-asawa. Umuwi kami sa bahay na tanging si Maythe ang nasa isip ko.
I already told him my feelings. I should be happy, and yet why do I feel like..I hurted him instead?
©All Rights Reserved/2019
By: SN♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro