Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: (C)Kruz

Chapter 1: (C)Kruz



SA ILALIM ng puno malapit sa riverbank, nandito ako nakaupo habang umiiyak.

Marami ng nakakapansin sa'kin lalo na ang mga batang naglalaro sa damuhan. Pero inignora ko lang sila dahil nanatili lang na nakatutok ang mga mata ko sa bulaklak na halatang pinaglaruan. Sirang-sira ang mga talulot nito kahit hindi pa man siya gaanong namumulaklak. Maging ang ugat nito na dapat ay nasa ilalim ng lupa ay ngayo'y nakahiwalay na sa tangkay.

Sabado no'n at katatapos lang namin mag-agahan para sana pumunta sa flower shop pero agad akong napahinto nang makita ko ang ilang bata na pinaglalaruan ang isang kawawang bulaklak na nakita ko lang kahapon na magandang nakatayo katabi lang ng punong mangga. Pero ngayon ay animo ito dinaanan ng bagyo.

Nakakaawa kasing tignan na ang malaya, tahimik, at napakagandang bulaklak ay ganito lamang pinaglaruan. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na pagmasdan ang ganda ng lugar na kinatatayuan niya. Na langhapin pa lalo ang sariwang hangin sa tuwing bukang liwayway, at maramdaman niya pa ang dala ng init ng araw sa tuwing sisikat ito. Pero hindi na nga iyon mangyayari.

Nakakadismaya. Nakakalungkot.

"Alam mo, hindi talaga bagay sa'yo ang umiiyak."

Nawala ako sa napakalalim na pag-iisip at lalong lumakas ang hagulhol ko nang marinig ang boses na iyon.

"Err, sinabi ko 'yon para tumigil kana sa pag-iyak pero lalo ka namang umiyak." Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod na lagi niyang ginagawa. "Nakalimutan kong magdala ng panyo kaya dito ka na lang muna magpunas sa damit ko."

"Ha?" suminghot ako. "First time 'to, ah."

"Agad kasi akong pumunta rito ng tumawag sa'kin si kuya Hal."

"Si kuya? Nakita niya ako?"

"Uh-huh. Kagagaling lang niya sa grocery store ng makasalubong ako. Tapos 'yon nga, sinabi niya sa'kin na nakita ka nga niya rito. Umiiyak."

Lumapit ako sa kanya saka hinila ang manggas ng damit niya at do'n nagpunas ng luha. "Nahuli ako. May namatay na naman na bulaklak, Maythe. Kawawa naman siya! Kung mas maaga pa sana akong umalis sa bahay, 'di sana..."

He sighed. "Naging napaka-sensitive mo na talaga since nang araw na 'yon." Naramdaman ko ang pag-galaw niya at may kung anong kinuha. "Xan, listen here, hindi mo siya hinayaan mamatay. Ang totoo nga niyan, nailigtas mo pa siya."

"Ha?" Napaangat ako ng tingin at hawak na niya ang bulaklak.

"Ang akala mo ba'y hindi ko siya napansin kahapon? Pagdaan ko galing sa flower shop ay nakita ko rin siya, it's as if she was waving at me. But until yesterday, medyo matamlay na siya. Hindi na siguro niya kaya so I was planning to—"

"Kill her?"

"No." May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na white plastic at may butas-butas. "Ilalagay ko siya rito."

"Sa plastic? Ba't mo siya ipaplastic?"

"Because I'm gonna preserve her. Alam mo iyong biomedical na bagong experiment ni Mom? It can preserve flowers."

"Talaga?!"

"Yes. It's much better kasi para pa rin silang buhay."

Napanguso ako. "Ayoko no'n. Mas maganda pa rin silang makita kapag nabubuhay silang nakatayo sa lupa."

Napangiti siya at tinulungan na lang akong makatayo. "Tara na. Baka hinahanap ka na ni Tita Jinelle."

"Pero hindi pa natin nadadalaw si Anonym."

"It's fine, ate Diane already called me. Napaliguan na raw niya si Anonym."

"Sigurado ka? Tatlong beses dapat paliguan si Anonym dahil gustong-gusto niya ng tubig."

"Alam na 'yon ni ate Diane."

"Pero paanno kung magtampo si Anonym?"

"She won't, I'm sure. Besides, I have cookies. Ayaw mo bang kainin?"

"Ah! Pahingi!"

Natawa na lang siya na agad na ring inabot sa akin ang cookies pagkuwan ay inilagay na ang bulaklak sa dala niyang plastic.

Pagkarating namin sa bahay, nando'n si kuya Hal sa sala habang si Mama naman ay lumabas sa kusina. "Uy, Maythe! Pasok ka!"

"Uh no, Tita. It's fine. Hinatid ko lang po si Xan," ang magalang na saad nito.

"Ay gano'n ba? Kumusta si Anonym?"

"Hindi na po kami nakapunta sa shop." Si Maythe na napatingin sa akin.

"Oh, bakit?" muling tanong ni Mama.

"Umiyak na naman kasi ang isa diyan ng makakita ng bulaklak na patay." Si kuya Hal ang sumagot na hindi kami nililingon.

"Totoo ba 'yon, anak?" Halata sa mukha ni Mama ang pag-aalala.

"Ma, okay lang po. Sabi naman ni Maythe ay kahapon pa lang matamlay na talaga ang bulaklak."

"Yes, Tita. And besides, I found a way to preserve her beauty."

Nang marinig iyon ay napangiti na si Mama. "O siya, sige. Mabuti naman kung gano'n."

"Uh, by the way, Maythe. Here's the book." Inihagis ni kuya Hal ang libro kay Maythe na nasalo nito. Ito iyong libro na laging binabasa ni kuya kapag nadadatnan ko siya sa kwarto niya. Hindi ko nga lang maintindihan ang title.

"Sayo pala 'yan?"

Tumango si Maythe. "I mentioned kuya Hal that I have this book so pinahiram ko muna sa kanya."

"Ah, kaya pala."

"Well, I gotta go now. Mom's probably looking for me. Nakalimutan kong magpaalam."

"Hindi ka nagpaalam?"

Sa halip na sagutin ay ginulo niya lang ang buhok ko.

"Argh!"

Binalingan niya si Mama. "Alis na po ako, Tita, kuya Hal." Paalam niya sa dalawa.

Nagtaas lang ng kamay si kuya at ngumiti naman si Mama. "Sige. Ingat pauwi."

"Salamat po."

Pagkaalis nga ni Maythe ay agad na akong umakyat sa kwarto. Pasalampak akong humiga at niyakap ang unan ko padapa.

Then suddenly, napasulyap ako sa picture naming dalawa na nasa side table. Maliit pa kami do'n, nakasimangot ako habang nasa tabi ko siya at nakangiti pa ng matamis. Grade 4 kami pareho ng kinunan ang litratong tila ba hindi pa kami magkasundo. Pero oo nga, noon hindi talaga kami magkasundo.

Grade 4 kasi ng makilala ko si Maythe Kruz. Transferee siya no'n sa school namin so wala siyang kaibigan. Actually, matapos niya no'n magpakilala wala ng nakapansin sa kanya. Because the attention was all on me. It was always on me.

Nagsimula ako sa Daycare na nasa akin na ang spotlight, nasa akin na ang atensyon ng lahat. I'm bubbly, friendly, and a happy-go-lucky type of girl. Pero ang ibang naiinggit sa'kin ay nakikita iyong maingay, pasaway at pagiging makulit. Puwes para ipaalam ko sa kanila, wala akong pakialam. Normal na siguro iyon kasi bata pa ako. Wala akong masyadong inaalala kung hindi ang mapansin ng lahat araw-araw. Sanay na ako na kapag nakikita nila'y napupuri agad ako.

"Ang cute naman niya."

"Masyadong bibo. Nakakatuwa."

"Maganda na nga. Ang galing pang sumayaw."

"Dapat gayahin niyo si Xanille Cruz, napaka-energetic."

"Ang galing mo talaga, Xanille!"

Ilan lamang 'yan sa mga madalas kong marinig noon hindi lang sa mga kaklase ko at teacher, pati na rin sa mga parents na sinusundo ang mga anak nila. They want their children to be me.

But they didn't know that there's one thing I don't have. Being one of the brightest and smart on the class. Dahil pagdating talaga sa talino, lagi akong nasa huli.

So maybe when Maythe came to our school that time, napakadali niya lang maagaw ang spotlight ko even though wala siyang gaanong gawin kung hindi ang sumagot sa mga tanong lalo na sa mga mahihirap na sagutan, like Math.

Yes. He's smart. Pero iyon lang ang meron siya. Hindi siya palangiti, friendly at lalo na napakatahimik niya. Ngunit magkagano'n man ay nakuha niya ang atensyon ng lahat na dapat ay sa'kin lang. At nadagdagan pa iyon dahil sa surname naming dalawa.

"Kruz! Your the most punctual student for today."

"Yes!" Tumayo ako.

"Uh, no." Agad na pigil ni Ma'm sa'kin. "Si Maythe, Ms.Xanille."

"Po?" Napalingon ako sa batang lalaki na hindi tumitingin sa'kin habang naglalakad papunta sa unahan.

That was not the first time kung paano ako napahiya nang dahil lang sa apelyido naming dalawa.

But I thought it was me this time. I had the confidence that it was me.

"And now the one who got a highest score.. Kruz!"

I have the confidence that it's me so I stood up, smiling to my classmates. "Thanks, Ma'm!"

"Xanille..I'm sorry but it's Maythe Kruz."

Nakita ko...Nakita ko kung paano ako palihim na tinawanan ng mga kaklase ko. Feeling ko lahat ng dugo ko naipon sa mukha ko dahil sa init ng magkabila kong pisngi dahilan sa matinding hiya.

Confident na confident kasi ako dahil nagreview ako buong linggo bago mag-exam. Pero siya? Ni hindi ko man lang siya nakitang humawak ng libro! Kaya paano?!

"Ang galing mo talaga, Maythe!"

"Thanks for teaching us."

"Yup. It help us a lot!"

Napatingin ako sa hawak kong papel. Out of 50, I only got 19. I am the lowest kaya huli akong tinawag ni Ma'm after kay Maythe. Kinausap niya ako para sabihin na I need to study more.

"Epektib ang group study natin nung saturday and sunday."

"Yes. I got good grades!"

"Ako rin! Matutuwa sina Mom and Dad nito."

"Thanks, Maythe!"

"Thank you!"

I looked at them. They had a group study ng hindi ko alam? That's why almost my friends were got a good grades.

But why they didn't told me? I feel betrayed.

"So now, let's begin another lesson!"

Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa upuan nila.

Pagbaling ko sa gawi niya..I saw him looking my way. And to my surprise-- He smiled at me.

Inaamin ko noon, natulala ako ng ilang segundo sa kanya 'coz I admit it was the first time I saw him smiled. Pero instead na matuwa, mas lalo akong nagalit sa kanya. It's as if inaasar pa niya ako? Araw-araw ko na nga siyang sinusupladahan at inaaway noon pero lagi niya akong iniignora. Deadma kung baga.

Pero one day, parang napagod na ako. Kaya no'ng breaktime, instead na guluhin siya mas pinili ko na lang ang mapag-isa.

"Hmp. Kung gusto nilang makipag-hangout sa kanya, then fine. I don't need them naman, e."

Kinagat ko ang tinapay na pinabaon sa'kin ni Mama at saka ngumunguyang tumingin sa mga batang naglalaro sa paligid. Nandito ako sa lilim ng puno. At namimiss ko ng makipaglaro sa mga kaibigan at mga kaklase ko araw-araw. Pero parang hindi man lang iyon nangyari kasi wala na akong kaibigan.

"Gusto mo?"

Sa pagkagulat ko, bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang isang sandwich. Sinundan ko ang kamay patungo sa may hawak niyon at awtomatiko akong napasimangot.

"Don't you see na may kinakain pa ako tapos aabutan mo ko niyan? And what do you think I am? Patay gutom?"

Sa pagkagulat ko ulit, tumawa siya. "Haha! I'm sorry. Akala ko lang kasi wala kang kinakain."

"W-will you please leave? Hindi mo ba alam na we're rivals?"

Umiling siya. "Nope."

"Are you manhid? Everyday na nga kitang inaaway!"

"Bakit nga ba?"

"It was because you came!" Umiiyak na ako kaya hindi ko na napigilan ang mapasinghot. "Just because you came! Y-You took everything! Even my surname!"

Lumipat siya sa harapan ko at umuklo. "But the first letter of our surname is different naman, diba?"

"Kahit na! Sakin lang dapat iyon, e!"

Ngumiti siya. "Then marry me. You'll have my surname too, so hindi ka na magalit."

Napatigil ako sa pag-iyak. "Marry you? Ano iyon?"

"You didn't know?" Umiling ako. Napangiti ulit siya. "When we grow up, malalaman mo. For now, ito muna ang ibibigay ko sa'yo."

"Bulaklak?" Taka kong tanong na hawak ang bulaklak na hindi ko alam kung ano.

"Yup. Ako mismo nagtanim sa kanya but it's been a weeks hindi pa rin siya nag-bo-bloom."

"Really?"

"Hm."

Napatitig ako sa kanya at nagpunas ng luha. Then I tongued out. "Bleeh! Hindi pa rin tayo bati! Enemy tayo!"

Tumakbo ako palayo sa kanya so I didn't saw how his lips turned into a smile.

That memories...clearly wala akong alam sa marriage no'n. Walang naku-kwento si Mom and Dad on how their hearts got tied and connected. Late ko ng malaman ng itanong ko noon kay kuya Hal.

"Marry? Why asked?"

"My classmate told me na I'm gonna marry him so I can have his surname rin."

"Ha?" nagpalingon-lingon si kuya. He's already in highschool that time so I know na may alam na rin siya.

"Kuya?"

He looked at me again. "Well, marry means you need to be connected with him. Like Mom and Dad."

"Connected? Like Mom and Dad?" Late na ng rumehistro sa utak ko ang sinabi ni kuya. "But, but..I'm too young pa for that!"

"Why? Did he ask you to marry him right now?"

Napaisip ako saglit then napailing. "No."

He ruffles my hair. "Maybe when you two grow up."

No'ng sinabi iyon ni kuya, hindi ko iyon masyadong pinansin dahil hindi ko pa naman gaanong naiintindihan ang marriage noon. But now ever since magkaroon kami ng isip ni Maythe never na niyang na-mention sa'kin iyon.

But why do I feel like I'm hoping that one day, he'll remember?







All Rights Reserved/2019
By: SN♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro