Chapter Two: Farewell
Pagkatapos ng nangyaring usapan, dumiretso kami ni Gesa sa second floor. Ayon kay Chief, maaari akong kumuha ng anumang gugustuhin kong kunin mula rito para sa magiging misyon ko. Kung para lang sa akin, tama na iyong katana blades ko ngunit dahil nandoon si Gesa kanina ay nagpumilit siyang kumuha ako ng aniya'y mga bagong dating na gamit.
Sa ikalawang palapag makikita ang tambakan ng mga armas na ginagamit ng mga hunter sa training maging sa kanilang mga misyon. Ang alam ko ay may mga ipinagawa siyang mga bagong armas. Kaya kahit ayokong magdala ng ibang gamit, base sa tono ni Gesa ay marami siyang ipagmamayabang sa akin.
"Kaninong ideya ang kulay?" Tanong ko sa kasama nang mapansin ang ibang kulay ng dingding. The last time I went here, the walls are painted with cream brown. Now, it's colored gray, same as the ground floor.
"Duh?" Maarteng sagot ng kasama nang matapos ang pakikipag-usap sa telepono. "It's your sister-in-law." Dugtong niya. Hindi ko nalang pinansin ang inis sa kanyang boses at nagpatuloy sa paglalakad.
May limang kwarto ang nandito. Maging ang kulay ng pinto ay nagbago. Mula sa dating puti na pinta ay naging itim iyon. Now, the deeper we go to the hallway, the more it feels like going to a black dimension.
Hindi na rin ako nagtaka nang iba na kulay ng mga silid. Kulay itim ang mga ito at may apat na ilaw sa bawat sulok ng kisame.
Ang unang kwarto ay lalagyan ng mga baril. Nakalagay ito sa mga cabinet na nakapalibot sa kwarto. Pistols, shotguns, snipers, rifles, armalites, and different kinds of grenades are placed elegantly on their places. May mga bala rin na nakapwesto sa isang lamesa malapit sa tatlong machine gun.
"Here's the newest." Ani Gesa at iniabot sa akin ang isang 'di pangkaraniwang baril. Its silver color sparkled under the dim lights.
"It's a tranquilizer gun. The medical team are the ones developing pills as its main bullets." Pagpapaliwanag niya habang nanatili akong nakatitig doon.
"Why tranquilizers then? Pwede namang execution gun. One shot and they're dead." Komento ko bago inilapag ang baril sa dating lalagyan.
"It's designed for capturing those that can spill more information on the locations of the lairs. Hindi naman pwedeng patayin sila agad." Sagot niya na iniwan ko lang sa ere.
Sa sumunod na pinto nakalagay ang mga gear suits ng mga hunters. Nadatnan namin ang dalawang hunters na nag-aayos ng mga iyon. Tila nagulat pa ang mga ito sa biglaan kong pagpasok kaya naman pinakiusapan sila ni Gesa na lumabas muna.
"Alam mo, try being warm sometimes." Aniya bago isinara ang pinto.
I am trained to be cold. I want to answer but left it hanging. Instead, I let my eyes roam around the whole room. It appears to me that they finally made it as a whole wardrobe. May parteng pwedeng pagpalitan ng damit at may parteng pwedeng sukatan ang mga walang makukuhang ka-size nila.
"Bagong disenyo ang mga iyan. Kamakailan lamang nagawa." Pagpapaliwanag ni Gesa nang makitang napako ang atensyon ko sa mga kapa.
Kulay itim ang mga iyon ganoon din ang boots. May kulay abo itong borda sa laylayan at manggas. Agaw-pansin din ang badge sa kaliwang bahagi na nagsisimbolo sa aming kinabibilangang clan: Trevino Hunters.
Nilapitan ko iyon upang masuri. Ang markang TC sa kaliwang bahagi ng kapa ay napapalibutan ng magkaka-konektang rosas na may mga tinik. Sa baba nito ay isang disenyo ng espadang masyadong pamilyar sa akin.
"Claymore sword. Really." Hindi ko maiwasang komento.
"I bet no one even remembers that from History Class." Dagdag ko bago nagpatuloy sa pagsuri ng mga damit.
One suit took my attention. Agad ko iyong nilapitan at mas sinuri.
"As you wish." Ani Gesa habang hindi ko parin natatanggal ang tingin ko sa magiging bagong damit.
It is a dark-colored pair of V-neck shirt and tight leather pants. May mga belt na nakakabit sa pantalon na pwedeng paglagyan ng mga kutsilyo. Maging ang belt ay pwede ring kabitan ng pocket knifes at baril. Months ago, I asked Gesa to make me a customized hunter suit as my prize for a successful mission. Ang alam ko ay mahirap magpatahi ng sariling disensyo dahil narin sa dumadaming hunters na gagawan ng damit.
I don't know how but I'm glad I can have my own hunting suit.
"Since nakuha ko na rin lang ang size mo, pinagawan pa kita ng isa." Ani Gesa mula sa kabilang bahagi ng silid.
Napatingin ako sa kanya nang inaalis nito ang telang nakatakip sa isang manikin.
A black, turtle neck, and above-the-knee dress welcomed my sight. Agad kong kinunotan ng noo si Gesa.
"Wait, let me explain." Aniya at nagsimulang magtipa sa kanyang gadyet.
"It has a belt with customized gun pockets on both sides. There are two knife pockets on each side of it. That makes it six on the belt alone." Pagsisimula niya.
"The trench coat has pockets inside and outside as well. May straps din for knife and guns but minimal since you can always remove it if you want."
"Under the skirt are some knife straps. I figured you'll want it more than gun straps." Dugtong niya na ipinagkibit ko lang ng balikat.
"The knee-length boots has some customized pockets, too. Mayroon dito sa gilid at sa mismong ilalim."
"May leather gloves din itong kasama. It's actually weightless when you wear it but the knuckle parts are made from steel. It's an advantage for close combat lalo na kapag susuntok ka."
"I requested for back straps, too. You can put samurai or katana on it. Any sword since it is adjustable. Pero magagamit mo lang kapag wala kang suot na trench coat."
"Oh, pinagawan ko na rin ng mask. Ewan ko, naisip ko lang." Aniya na inirapan ko. If I know, sinagad niya lang ang pagpapahirap sa nagtahi.
"What's the necklace?" Tanong ko at nilapitan na lang iyon.
"It's a customized rose necklace with Trevino on it." Sagot niya. I held the thing on my palm and instantly felt its coldness.
"So, what do you think?" Tanong ng kasama ko.
"Pack it." Sagot ko at naunang lumabas ng silid.
Sa pangatlong silid nakalagay ang mga iba't ibang klase ng kutsilyo. Spears, bows and arrows, daggers, gut hooks, pocket knife, samurais, and sheaths can be found in this room. Some are placed on the cloth-covered tables while most of it are inside the cabinets. Inisa-isa ko iyon upang matignang mabuti. Kumikislap pa ang mga ito dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga pin light. Kumuha ako ng isang hand-carried bag at naglagay ng bawat isa sa mga disenyo.
"Here's the newest. Sayang nga lang at hindi mo na mahihintay ang ibang dadating next week." Ani Gesa at kinuha ang isang pares ng kutsilyo mula sa kabinet.
"Seraph blades, huh?" Ani ko habang sinusuri iyon.
"Why did I even think of explaining it? Alam ko namang alam mo na." Aniya pagkatapos kong ipasok sa bag iyon.
Sa pang-apat na kwarto nakaimbak ang mga kagamitan ng mga hunters na naipapadala sa mga misyon. Kumuha ako ng mga flashlights, baterya, lampara, medicine at first aid kit, lalagyan ng pagkain at kung anu-ano pang pwedeng makuha.
"Nothing new?" Tanong ko kay Gesa.
"Dadating palang next week." Paliwanag niya. Ipinagpatuloy ko ang pagkuha habang naglakad-lakad siya sa likod ko.
"I will report this to the Supply. Mukhang kailangan nilang mag-refill.", ani Gesa habang binubuksan ang mga cabinet.
Sa huling silid makikita ang library. Dito maaaring magkaroon ng research ang isang hunter sa mga lugar na nasa kanyang misyon. May mga computer din dito ngunit iilan lang ang pwedeng gumamit. Kinakailangan pa kasing kumuha ng permit na alam ko'y medyo natatagalan. Of course, you can use it even for non-mission purposes which makes it hard to access since we are not allowed to talk to outsiders. May kalawakan ang naturang silid na napapalibutan ng maraming libro na nakalagay sa mga aparador.
"So, let's meet at three hundreds?" Tanong ni Gesa na tinanguan ko lang. Nagpaalam ako sa kany upang maghanda ng iba pang gamit. Siya naman ay tinungo ang hagdan dahil nauumay na raw siya sa pagsakay.
Pabalik na ako sa elevator nang makasalubong ko si Theron. Napahinto ito nang makita ang dala ko.
"New mission?" aniya. Hindi ko siya pinansin at tuluyang pumasok.
"Your bag seems so light. You didn't bring guns?" tanong niya ulit. Bumaling ako sa kanya na bahagya niyang ikinatawa. Sometimes, his jolly personality is irritating.
"Chill, Assassin. Kung gusto mo, ako ang pipili ng mga baril. I will just bring it to your unit." pahabol niya bago umalis. I watched him disappear on the ground floor before the elevator door closed again.
Nang makarating sa fifth floor ay agad akong nag-empake ng mga damit sa isang maleta habang ang isang handcarry naman ay naglalaman ng mga armas.
Nang matapos ay sinimulan kong tignan ang laman ng envelope. Una kong napansin ang isang kumpol ng mga susi. Pangalawa, ang mapa ng West District kasama ng mapa sa lugar na tutuluyan ko. May mga cash at pekeng cards sa isang pulang wallet. Nandoon din ang sulat mula sa mga Elders na nagsasabi ng pahintulot upang magpatuloy sa misyon. Hindi na ako nag-abalang basahin iyon dahil halos kabisado ko na ang laman ng sulat.
Never doubt. Never fear.
Naagaw ng aking atensyon ang isang I.D. kasama ng iba't ibang forms. I scanned the documents and only realized that I have to enter school. Mukhang kailangan ko pang mamili ng mga gamit pang-eskwela.
Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch at nakitang sakto lang ako sa oras ng paghahanda. Gesa said we will meet by three o' clock but it's still lunch time. Might as well eat my meal and do some rounds. Tutal ay talagang wala na rin naman akong day off na matatawag, susulitin ko na lang ang oras ko sa paglilibot.
Sa third floor ako dumiretso. Kinakailangan kong makakuha ng mga gamot para sa aking misyon. Saktong naakita ako ni Gesa dahil alam daw niyang doon ako tutungo pagkatapos.
"Really? Wow! I've never been to a ball!" Aniya sa katawagan sa kanyang earpiece. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang masayang nakikipag-usap.
"Enjoy then! Send me some pictures!" Dugtong niya bago may pinindot muli sa gadyet.
"Since when did you learn how to break the rules?" Tanong ko nang mapalapit kami sa mismong silid.
"You don't learn. You just do." Sagot niya at tinulak ang pinto.
Ang buong third floor ay isang laboratoryo maliban sa kakaunting espasyo kung saan ang kanilang tanggapan. May tatlong pinto ang naroon, una ang pinasukan namin ni Gesa patungo sa tanggapan. Sa pangalawang parte ang laboratoryo kung saan gumagawa ang ibang hunters at mga doctor ng mga gamot laban sa mga lobo at mga gamot para sa mga hunters. Sa huling parte naman ang opisina ng mga doktor na hindi ko pa kailanman napasok.
"Please use them." Ani ng babae sa tanggapan. Puti ang damit nito maging ang coat na suot. Hindi ko makita ang buo nitong mukha dahil natatakpan iyon ng face mask. But to be honest, I like the big curls of her blond hair.
"Of course." Ani Gesa at iniabot narin sa akin ang isang laboratory gown at face mask. Tahimik ko iyong isinuot bago sumunod sa kanila.
Pinaghalong alcohol at kemikal ang amoy ng hangin sa silid. May pagka-asul na puti ang kulay nito kaya't masasabi kong ito ang pinakamaliwanag na silid sa buong headquarters.
Between the first and second room is a mirror wall. Sandali pa akong napatingin doon habang pinagmamasdan ang mga usok na nanggagaling sa iba't ibang bote na kanilang pinag-eeksperimentuhan. Malamig din ang buong silid upang mapreserba ang mga gamot.
"Permit." Ani ng babae. Ibinigay ni Gesa ang isang papel sa kanya at agad niya iyong sinuri. Hindi rin kasi sila basta-basta nagbibigay ng mga gamot sa kahit sino. Ang mga pills na ito ay nadisenyo para makatulong sa mga hunters sa kanilang misyon. Dapat ay may kaukulan itong permiso mula sa nakatataas.
Binigyan ako ng babaeng ng mga nasa listahan. Ang red pill ay ginagamit upang hindi matunton ng mga lobo ang amoy namin. Kadalasan itong ginagamit bago kami lumabas ng Headquarters. Ang green ay para sa mga sugat. Sa madaling salita, gamot ito na ginagamit upang mas mapadali ang paghilom ng mga sugat na maaari naming makuha mula sa labanan. Ang blue pill ay inihahalo sa pagkain. Nagbibigay ito ng dagdag na bitamina sa mga hunters at nagsisilbing panangga sa mga sakit. Ang huli ay ang gold pill. Ito ang uri ng lason na nakakapag-paralisa ng mga lobo. Hindi nito napapatay ang maaari nitong pakaturukan, bagkus, pinapalambot nito ang katawan ng apektado. Sa huli, kailangan parin namin silang patayin gamit ang mga armas.
"I gave you five of each pill but only two for the gold." Ani ng babae at iniabot sa akin ang isang plastic box.
"No problem but can I have a pink?" pabulong na tanong ni Gesa ngunit umabot sa pandinig ko.
"Pink?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at umirap.
"It's a sleeping pill. I need one." Sagot niya. Hindi ko nalang tinanong kung para saan. Bagkus, napatingin ako sa babae at naabutan ang tingin nito sa akin.
May binuksan siyang silid sa mga hanay ng cabinet. Seconds pass, a pink pill was given to Gesa. Mas napakunot ang noo ko nang ilahad niya rin sa akin ang isa pa.
"Trust me. You'll need this." Aniya. Hinayaan ko iyon sa kanyang kamay. Hindi nakatiis si Gesa at siya na ang kumuha. Tumalikod ako at hinayaan siyang magpasalamat.
"May ipapakita ako sa'yo." ani Gesa at mabilis akong hinila sa elevator. Sa halip na dumiretso sa basement ay napunta kami sa unit niya. Hindi ko na talaga alam kung anong nakain niya at bakit niya sinusuway ang mga batas.
Katulad ng dati, magulo ang kanyang silid at halos laptop ang laman ng kanyang kama. Si Gesa ang head ng Intelligence Department. Sila ang nakikipag-usap sa mga hunters mula sa malayo. Sa kanila rin nanggagaling ang mga balita at impormasyon ng mga lugar kung saan may nagaganap na labanan sa pagitan ng mga hunter at werewolf. In short, she's the brain of the Headquarters. Her opinion matters to everyone.
Inilabas niya mula sa kanyang aparador ang isang kulay asul na pouch at inilapag iyon sa gilid ng kanyang kama. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang cellphone, laptop, earpiece, some chargers, tablet, cameras at walkie-talkie.
"Alam kong magagamit mo iyan sa West. The cellphone will be our connection, only. Ako ang dumisenyo niyan at tanging tayong dalawa lang ang maaaring makapag-usap. The laptop, I don't know but incase you will need to find something or someone, alam mo na ang gagawin." aniya.
"The earpiece is connected to the cellphone. Although you can connect it also to the other gadgets. Bahala ka na sa iba. I hope I contributed something." dugtong nito at muling ipinasok sa loob ng bag ang mga gamit.
Kinuha ko ang maliit na bag mula sa kamay niya.
"We're trying to go on our own, aren't we?" Tanong ko.
"You cannot always trust everyone." Sagot niya at nag-ayang kumain. Nagpaalam naman akong kukunin lang ang maleta sa sariling unit bago kami tuluyang nagpunta sa café.
We sat on the same spot. Seconds later, Prestel showed in front of us, handling the menu to Gesa.
"Anong oras ang alis mo?" Tanong niya sa akin.
"Three." Tipid kong sagot sa kanya na tinanguan niya lang.
"I'll be quick since I have something to do." Ani Gesa. Napatitig ako sa kanya at tila nakuha naman niya iyon.
"I mean, work. I have work to do." She changed her statement.
"You're a bad liar."
"Not as worse as you."
I dismissed the little argument and stayed silent. Ilan pang minuto ay bumalik si Prestel bitbit ang mga pagkain namin.
"This," aniya at inilapag sa harapan ko ang kape "is a good luck coffee for you." dugtong niya. Nagpasalamat si Gesa sa kanya bago nilantakan ang sariling pagkain.
"Gosh, I guess I'll just bring you after this para tuloy-tuloy na lang ako sa trabaho mamaya." Aniya.
So we took time eating our lunch in silence. Maliban sa mangilan-ngilang tawag na tinatanggap ni Gesa ay nanatili siyang tahimik.
Napatingin ito sa kanyang relo bago uminom ng tubig.
"Let's go." Aniya at nag-boluntaryong bitbitin ang isa kong bag.
Sumakay kami sa elevator at tinungo ang basement. Hindi pa man nakakalapit sa sariling sasakyan ay naaninag ko na ang isang pamilyar na bulto ng lalake.
Nakasandal si Theron doon at may bitbit na pouch.
"Ingatan mo 'yan. Sa akin ang baril na yan." aniya habang iniabot iyon sa akin. Tahimik ko iyong tinanggap at inilagay sa bag.
"And oh, here's your car." dagdag niya. Lumingon ako at nakita ang isang itim at bagong kotse.
"I made sure na madadala ka niyan sa West. I checked all of it already. And, ako yung pumili. What can you say?" he proudly told me as he waves the key in front of my eyes.
"Good." maikling komento ko at mabilis na kinuha ang susi. Dumiretso ako sa likod ng kotse upang ilagay ang mga maleta at ibang gamit.
"Hihintayin kita." ani Gesa. Napatingin ako sa kanya at nakita ang isang mukha na matagal kong hindi nasilayan.
For years, we are trained not to let our emotions resurface. But Gesa will never perfect that part.
Worry is visible in her eyes. Hindi ko alam kung bakit siya nag-aalala ngayon kung matagal ko na naman itong ginagawa.
"Just promise me you will come back." dagdag niya. Iniabot niya sa'kin ang kanyang daliri, forming a pinky swear.
I crossed my finger to her, making a silent promise.
"I will. Huwag kang mag-alala. All you need is to guide me. Ako na ang bahala sa sarili ko." I said and she nodded.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Theron na tahimik kaming pinagmamasdan.
"Will you?" Tanong ko sa kanya. Gaya ng dati ay tumagal ang titig niya sa akin.
"'Course." Tipid niyang sagot bago umayos ng tayo.
I gave Gesa a quick hug and she returned it more.
"Mag-iingat ka, Ate."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro