Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen

I went straight to the house after the incident. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa camp. Pagkatapos makita ang mga walang-buhay na lobo ay nagpasya akong umuwi. Wala na rin akong balita kina Duke. Karleen stopped texting me two weeks ago. I've lost our communication with them. Or so I thought...

Limang araw matapos ang insidente, nagpasya akong lumabas sa gitna ng gabi upang magmasid. Tanging ihip ng hangin ang maririnig sa paligid. The street was dark and so the surroundings. Wala akong planong pumatay o maghanap ng lobo. I think I need to clear my mind, brush my thoughts away, erasing all the questions in my head. And the view above me is all I need.

Dinala ako ng aking mga paa sa parke. The park was deserted. Nasa gitna ito ng dalawang magkahiwalay na ilaw ng poste. May kadiliman ang lugar at bakante ang mga duyan. The place is silent. And I need silence. Maybe in this way, silence can take my thoughts away.

Napili kong umupo sa isang swing. I gently move it with my feet as I stare at the darkness of the surroundings. Hindi maliwanag ngunit sapat ang nakikita ko upang matingnan ang paligid. Sumasalubong sa'kin ang malamig na hangin, mabuti na lang at nag-jacket ako ngayon. Ang ilaw ng buwan ang nagsisilbing liwanag ko sa lugar. Napatingin ako sa kalangitan. Gazillions of star are scattered on it, sparkling and shining on their own. But despite the breath-taking scenery, I can't help but ask myself.

What would life be if Mom and Dad are still here? What if they aren't hunters? Can we live together? Magiging masaya rin ba kami?

Napabuntong-hininga ako pagkatapos. Naisip ko si Gesa. Ilang araw na rin simula ng tinanggal ko ang earphones na binigay niya sa'kin. I've also lost our communication. Ngunit alam ko na nabalitaan na niya ang nangyari sa camp. Ang ipinagtataka ko lang hanggang ngayon ay ang pagbawi ni Chief sa misyon ko. Ngayon lang ito nangyari. At hindi ko alam kung bakit niya iyon gagawin. Masyado ba siyang natagalan sa pagpatay ko sa Alpha?

Sabi ko na matatapos ko ang misyon in few more weeks. But days had passed, and I feel like I am just going to eat my words.

Agad kong itinigil ang duyan nang maramdaman ang mga yapak sa paligid. Base sa tunog ay naglalakad ang taong iyon. Hanggang sa napansin kong mas dumami ang mga ito habang papalapit sa lugar kung nasaan ako.

Pinigil ko ang aking paghinga ng makita ang apat na tao sa kalsada. Malamang ay hindi nila ako makikita dahil madilim ang duyan kung saan ako nakaupo. Pero napakunot ang noo ko nang bumaling sa direksyon ko ang mga isang pares ng matang kilalang-kilala ko.

Napansin ko ang pagkunot ng noo nito habang tinitingnang maiigi ang parte ng parke na madilim. I couldn't move. Pinilit kong pigilan ang aking paghinga habang mabilis na tumatambol ang puso ko.

"Dianne...", aniya at nakarating sa pandinig ko. Agad nabaling ang tingin nina Karleen at Lara sa duyan habang nanatiling nakatutok ang mata ni Duke sa'kin.

Tumayo ako at nagpasyang magpakita sa grupo. Napaatras sila ng makita ang tangka kong paglapit. I remained stoic but their faces screamed fear and doubt. Kahit hindi sila nagsasalita ay alam kong maraming katanungan ang gusto nilang mabigyan ng sagot.

"Dianne... It's you!", ani Karleen. Napatingin ako sa kanya at nanatiling hindi kumikibo. She's still the same Karleen. Kahit na bakas sa mukha niya ang takot at pagdududa ay nagawa niya akong kausapin. Pero ako? I can't help but ask myself.

Is the same Dianne still here? Does Gabriel Jaiyanna still exist?

"Can I... Can I hug you?", mahinang tanong nito sa'kin. Seriously? Saglit akong napatingin kina Lara at Vil na nasa kayang likuran bago ibinalik sa kanya ang atensyon ko.

"You know that I can kill you right here, right now. Pero gusto mo akong yakapin? What if I will stab you in the back or in your chest?", dere-deretso kong pahayag. Halatang nagulat ito sa lamig ng aking pakikitungo.

"You won't do that.", aniya at yumuko. I don't know.

"Of course, I can.", malamig kong sagot. Napatingin ako kay Vil at halatang gulat ito dahil sa biglang pagtama ng paningin ko sa kanya.

"You can speak.", aniya at umiling-iling. "I mean, thank you.", dugtong nito sa mahinang boses.

"Salamat sa gamot na ipinatak mo sa'kin. I didn't intend to hurt you. Hindi ko lang makontrol ang sarili ko noon.", aniya. Nanatili akong tahimik at binigyan siya ng malamig na titig.

"But I want to ask.", muli nitong dugtong. Go on, 'cause I've been asking myself for a week now.

"Bakit?", he shortly asked, talking to me eye-to-eye.

"Bakit hindi mo siya tinuluyang patayin? Why did you helped him? Why did you lie to us? Who are you? Bakit ka nandito?", si Lara na mismo ang nagtanong para sa kanya. Nabaling sa kanya ang atensyon ko.

Dahan-dahan kong inilabas ang kutsilyo mula sa bulsa sa loob ng aking jacket. The moonlight illuminated on it. Kuminang ito gaya ng mga bituin. Inilebel ko iyon sa aking mukha pagkatapos ay iginuhit ang dulo nito sa aking palad.

"I told you. Mas mabuting hindi niyo ako makilala.", ani ko. Footsteps...

"But you're our friend.", ani Lara. Nagulat ako dahil sa kanya nanggaling iyon. Lara has been distant to me since I've known her. Hindi niya ako kinakausap. But it wasn't a big deal to me. Nakapagtataka dahil sa kanya pa mismo nanggaling ang salitang kaibigan niya ako. But I kept a stoic face. Itinutok ko ang kutsilyo sa kanya at halatang nagulat ito sa inasta ko. Agad namang pumaharap si Vil sa kanyang pwesto. Napatagilid ang ulo ko dahil doon.

"Alis.", matigas na utos ko ngunit hindi siya gumalaw.

"Dianne... you-"

"Get. Out. Of. My. Sight. Vil.", dahan-dahan kong sinabi. Nakita kong napahawak ito sa kamay ni Lara. "Now.", dugtong ko ngunit mas napahigpit ang kanyang kapit doon.

"Let her.", ani Lara. Agad na napalingon si Vil sa kanya at kumunot ang noo nito.

"What?! Of course, I won't let her kill you!", aniya sa nobya.

"I trust her, Vil. So, trust me.", sagot nito sa kanya. Trust. Love... Ahh.. Two dangerous things. Lumambot ang ekspresyon sa mata ni Vil at tumingin sa'kin. Dahan-dahan itong umalis sa harapan ni Lara at nanatili lamang sa gilid. Napatingin ako sa mga kamay nilang magkahawak parin. Promises...

Ipinuwesto ko ang kutsilyo sa direksyon ng noo ni Lara. Hinigpitan ko ang kapit doon.

"Kapag sinabi kong yuko, yumuko kayo.", ani ko. Si Karleen ang pinakamalapit sa'kin at alam kong narinig nito ang utos ko dahil sa paglingon nito sa'kin. Naguguluhan ay tumango ito.

I once red a book about wolves. Their body temperatures, culture, history, and the mind-link. Hindi ko pa iyon napapatunayan pero gusto kong makita iyon ngayon.

Nang lumakas ang mga yapak ay agad akong naalerto. Napatingin si Lara at Vil sa tunog ngunit agad nawala doon ang kanilang atensyon nang sumigaw ako.

"Yuko!", sigaw ko at agad naman silang sumunod. Pinabulusok ko ang kutsilyo sa lobong nasa likod nina Vil. Agad na bumaon ang kutsilyo sa noo nito kasabay ng pag-agos ng dugo.

"What the hell?!", napasigaw si Vil at agad na humarap sa walang-buhay na lobo.

Napalingon silang lahat sa'kin nang humakbang ako palapit sa lobo. Ngunit ilang lakad pa lang ay lumitaw ang isa pang lobo mula sa likod nito.

Its eyes are fiercer and bloodshot red. Naglalaway ito na parang asong baliw. Nagpagewang-gewang ito at halatang nahihilo.

"Holy shit!", napasigaw si Vil saka lamang napatingin ang lobo sa gawi namin. Ngayon ay nakatutok ito at nasisiguro kong aatake anumang segundo.

Bago pa man ito makalapit ay inilabas ko ang baril na nakakabit sa gilid ng aking pantalon. Itinutok ko iyon sa lobo at lumingon sa grupong nasa aking likod.

Agad na tumama ang mga mata ni Duke sa'kin. Ang mga matang nagtataka at naguguluhan. Hindi ko alam ngunit may kung anong idinulot ito sa sistema ko. Like something just drown inside of me. Mariin akong pumikit at ipinaputok ang baril. Narinig ko ang pagbagsak ng lobo at ang pigil na pagsinghap ni Karleen.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at ang apat ang una kong nakita. Nagbukas ang bibig ni Karleen ngunit nang walang lumabas na salita ay agad niya rin itong isinara. Nakasandal ang noo ni Lara sa balikat ni Vil habang naka-akbay ito sa kanya at tinitingnan ako. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang yumuko.

Huli kong sinulyapan si Duke. Questions are evident on his eyes. Doubt... Fear... Why.

Ngunit nang tinitigan ko iyon ay agad itong nag-iwas ng tingin. The drowning went deeper, more painful than it was a while ago.

Tumalikod ako at tahimik na naglakad sa lobo upang kunin ang kutsilyo.

I told you, Gabriella. Once they know who you truly are, they will despise you.

"Don't you ever dare follow me.", ani ko sa apat at tumakbo palayo.

***
Good luck for the coming school year!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro