Chapter Four: New School, New Identity
Kinabukasan, nagdesisyon akong pumunta sa sentro upang bumili ng mga gamit pang-eskwela. Kung hindi pa ipinaalala ni Gesa ay tuluyan na iyong mawawala sa isip ko. Apparently, television shows are entertaining. Hindi ko namalayan na ilang oras na akong nanonood at natigil na lang nang tumawag ang pinsan.
I am curious though, since I've never been into a regular school. Back then, my teenage years were focused on physical trainings to be a better hunter everyday. The only regular thing I consider throughout my education is when I studied letters and numbers on my early childhood. Ang mga kasunod noon, puro mga tungkol na lang sa pagiging miyembro ng angkan ng Trevino.
I rose from bed when the clock strike seven in the morning. Ito na yata ang pinaka-late na gising ko sa loob ng ilang buwan. Dati kasi'y alas singko pa lang ng umaga ay nagsisimula na akong maglakad-lakad.
I went to the shower after my quick conversation with Gesa. I took my time as I enjoyed my bubble bath. Nang makuntento ay agad din akong nagbihis ng napiling damit.
I pick a white, sleeveless shirt and a black vest. Pinaresan ko iyon ng maong na pantalon. I even blowdried my hair and used a blue bandana when I saw one.
"Mukhang nag-eenjoy ka." Ani Gesa nang tanggapin ko ang kanyang video call request. She's still on her pajamas but it seems to me that she's been awake for hours.
"Anyway, I'll go to Lacuston tonight, kaya baka magiging busy ako buong gabi." Dagdag niya. Napatigil ako sa pagtitirintas sa buhok at nagtagal ang tingin sa kanya.
"Anong gagawin mo doon?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"Just taking a break." Tipid niyang sagot. Hindi ko na siya pinakialaman pa at nagpatuloy sa ginagawa.
I toured Gesa around the house. Ngunit dahil mag-aalas nuebe na ay nagpaalam na ako na magluluto. We bid our goodbyes as soon as my bread popped from the toaster. I made myself a coffee as I know I will be needing its effect throughout the day.
Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa estilo ng bahay. Even Gesa herself said that it wasn't the typical cabin for missions. Kaya't kung sino man ang pumili o nag-rekomenda ng tinutuluyan ko ngayon, he or she deserves a clap from me.
Muli kong binasa ang sulat na pinadala sa akin kagabi. Aniya, kinakailangan kong pumasok sa eskwelahan sapagkat nandoon ang pakay ko. Mas mahirap daw na makita ang Alpha sa lugar sapagkat malimit lamang itong lumabas, at kung lalabas man, sa eskwelahan ito maaaring pumunta.
"Interesting, huh." Komento ko bago muling ibinalik ang larawan niya sa loob ng envelope. I grabbed another pair of brown leather boots from the shoe rack. Isinuot ko na rin ang aking relo at itinago ang dalawang kutsilyo sa magkabilang sapatos.
Ini-lock ko ang pinto ng bahay nang matapos ako sa lahat ng gawain. Sumalubong sa 'kin ang malamig na simoy ng pang-umagang hangin. Tahimik ang paligid at tanging huni ng mga ibon ang maririnig. Ang sikat ng araw mula sa silangan ang nagpapaliwanag sa lugar. Napakagandang tanawin sana para sa mga nagbabakasyon, ngunit iba para sa 'kin.
I settled myself at the driver's seat and roared the engine to life. Isinuot ko ang itim na shades bago ikinabit ang seatbelt. I glanced at my reflection on the mirror and smirked when contended. I typed in the words on my location tracker. Ilang segundo lang ay ipinakita na nito ang tamang daan papunta doon. I immediately stepped on the gas and followed its direction.
Marami na ang tao nang makarating ako sa sentro ng Winston. I even waited for few minutes just to get a free space to park since every lane is filled with motorcycles.
Nang tuluyang ma-park ang sasakyan ay agad-agad din akong lumabas. May ilan na napapatingin sa gawi ko, hindi alam kung sa akin ibabaling ang atensyon o sa kotseng dala. Nevertheless, I continued walking.
Sinuyod ko ang mga magkakatabing tindahan. May panaderya, tindahan ng mga damit at mga alahas, isang maliit na grocery store, botika, kainan, at isang aklatan ang nandoon.
Pumasok ako sa huling tindahan sa hanay. A little bell rang on the top of the door as I pushed myself in. Napatingin sa akin ang isang babae sa malapit ngunit agad ding bumalik sa ginagawa.
Maliwanag ang lugar dala ng maraming ilaw mula sa kisame. Some synthetic floral vines hang from the ceiling which made the place livelier. May tatlong parisukat na lamesa na may dalawang upuan ang malapit sa glass window ng aklatan. Okupado na rin iyon ng mga kabataan. Samantala, mga libro at gamit pang-eskwela naman ang nakalagay sa malaking espasyo ng lugar.
Dumiretso ako sa mga gamit pang-eskwela at nagsimulang kumuha ng mga kakailanganin. Sinunod ko ang listahan na pinadala ni Gesa sa akin. Isang binder notebook, extra notebook, papel, at dalawang ballpen ang kinuha ko bago dumiretso sa cashier.
Tinitigan ako ng taga-bantay bago kinuha ang mga gamit upang bilangin ang presyo. Maarte niya itong inilagay sa paper bag at sinabi ang presyo. Kumuha ako ng pera mula sa wallet at ibinayad ang saktong halaga bago tinanggap ang gamit. Agad din akong lumabas pagkatapos ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang kanyang ibinulong.
"Bagong salta..."
Nagpasya akong dumiretso sa magiging bagong eskwelahan. Naisipan kasi ni Gesa na maiging maging pamilyar ako sa lugar bago ang totoong simula ng klase. Kaya naman agad kong itinipa ang balak puntahan sa aking location tracker. I followed its directions. Minutes later, my gadget beeped, telling me I am in the right spot.
Isang malaki at matayog na bakal na gate ang bumungad sa 'kin. May kalayuan din ito sa sentro ngunit nang makita ang hilera ng mga motor sa gilid ay napagtanto kong maraming estudyante ang nasa loob.
Lumabas ako sa kotse bitbit ang isang folder at naglakad patungo sa guard house.
Saglit akong tinitigan ng lalakeng uniporme. Sinuyod ng kanyang mata ang aking ulo pababa. I maintained a neutral expression even if I'm itching to punch his senses.
"I.D.?" Aniya at inilahad ang kamay. Tahimik kong iniabot sa kanya ang kanyang hinihingi. Ini-scan niya ito gamit ang isang bagay pagkatapos ay malayang binuksan gate. Ibinalik niya sa akin ang I.D. at hindi na inilihim ang pagsipat sa akin.
I rolled my eyes as I turned from him. Binalikan ko ang kotse upang kunin ito at ipasok sa loob ng eskwelahan. I was cool but at the inside of the car, I have already made a mental note of his face.
Malawak ang quadrangle ng eskwelahan. May tatlong apat na palapag na gusali ang nakapalibot dito. Sinundan ko ang mga direksyon papunta sa maayos na parking lot. Even with the tinted windows of my car, I can see some students trying to look what or who's inside.
Lumabas ako ng sasakyan bitbit ang folder. Maraming puno ang nasa paligid dahilan kung bakit maraming pwedeng masisilungan sa lugar. I may have zero experiences in regular schools but some facilities are familiar to me.
Sa malayong dulo ay isang basketball court. May mga naka-parking din doon na mga sasakyan at motor. Sa kanang banda ang hulay ko'y kainan. May catwalk iyon na konektado papunta sa tatlong gusali. Tila walang pinagkaiba sa estilo ng mga nakikita kong larawan ng paaralan sa mga libro.
Hinanap ko ang Registrar's Office gaya ng bilin ni Gesa. Tinahak ko ang catwalk hanggang sa makarating sa malawak na hallway ng unang building. May ibang estudyante rin na nandito at halos lahat sa kanila ay napapatingin sa'kin.
"Ngayon ko lang siya nakita..."
"Dito siya mag-aaral?"
"Bagong dating..."
Hinayaan ko silang magbulungan at nag-kunwaring hindi ko sila naririnig. Panay silid ang unang palapag ng unang gusali habang mga opisina ang nasa pangalawa. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad habang inisa-isa ang mga label sa taas ng pinto ng bawat opisina.
Ayon kay Gesa, dito ko makukuha ang mga librong gagamitin at ang magiging uniporme.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng tamang silid. Nasa dulo ito ng pangalawang gusali at may ilang estudyante pang lumabas mula roon.
Nang makasigurong wala ng makakasabay ay agad akong pumasok sa loob.
A mini living room is placed near the door. Some fresh plants are placed in the far corner of the room. Halos puno ang tanggapan ng kabinet na hindi ko na alam ang laman. May isang lalakeng nagbigay sa akin ng numero bago ako hinayaang pumasok sa pangalawang pinto.
Nag-angat ng tingin ang babae nang makapasok ako. She gave a big smile before standing from her swivel chair.
"Good morning! Have a seat." Aniya at iminuwestra sa akin ang bakanteng upuan na nasa harapan ng kanyang lamesa. Bumalik ito sa pagkaka-upo nang makitang sumunod ako sa kanyang gusto.
"Anong pangalan mo?" aniya at inilabas ang isang malaking notebook. Sa tingin ko ay isa itong listahan ng mga estudyante. Inilabas ko ang aking I.D. at tahimik na iniabot iyon sa kanya.
"Dianne Navarro?" tanong ng babae. Tumango ako at nagsimula siyang maghanap ng kung ano sa notebook.
Maya-maya ay tumayo siya at nagpunta sa isa sa mga cabinet na nasa kanyang silid. May kinuha siya roon at iniabot sa akin ang dalawang pares ng uniporme at tatlong klase ng libro. May kinuha rin siya sa drawer ng kanyang lamesa. Iniabot niya sa akin ang isang papel. Binasa ko iyon at nakitang iyon na ang tinutukoy ni Gesa na magiging oras ng klase ko.
Dalawang katok sa pinto ay natigil ang akmang pagsasalita ng babae. Pumasok ang lalake at may iniabot sa kanyang mga papel.
"Excuse me for a minute. I'll be back." Paalam niya sa akin bago tuluyang lumabas kasama ng lalake.
I used that time to scan her office. Some metal cabinets are placed in the corner. May maliit din na lalagyan ng aklat katabi noon. There's a couch with a round glass table, too, beside the glass window. Bukod sa kanyang lamesa at sa upuan ay wala ng ibang gamit doon.
"Vernice Ventura." Basa ko sa nakaukit niyang pangalan sa lamesa.
Bumukas ang pinto at nakita ko ang kanyang pagbalik. May kausap ito sa telepono ngunit agad niya rin na pinatay iyon nang makitang nakatingin ako sa kanya.
She smiled before taking her seat. I maintained my bored face.
"Magsisimula ang klase two days from now. Ang skirt at vest ay ginagamit tuwing Lunes at Huwebes samantalang ang pants at shirt ay tuwing Martes at Biyernes. Maaari kang pumili ng gusto mong suotin kapag araw ng Miyerkules." pagpapaliwanag niya sa akin habang tinuturo ang mga damit na ibinigay kanina.
Tahimik kong inilagay sa bag ang mga iyon.
"Ang sabi sa records mo, hindi ka raw nakapagsasalita." ani ng babae. Napatingin ako sa kanya at tumango. Ngumiti lang siya bago itinabi ang logbook.
"'Wag kang mag-alala. I know you can enjoy here. This year has some several extra-curricular activities. For the first two weeks, everything is accessible pero pagkatapos niyan, kailangan na ng Access I.D. sa mga pasilidad." Mahaba niyang paliwanag. Tango lang ang naging tugon ko. Muli itong ngumiti na hindi ko naman alam kung bakit.
"Anyway, you'll be learning more as you stay longer. Ang guidebook ay ibibigay three days after the official start of the class. I say, welcome to your new school!" ani ng babae at iniabot sa'kin ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon at agad naramdaman ang kakaibang init nito. Kumuha ako ng notebook at ballpen at nagsulat ng pasasalamat. Ibinigay ko iyon sa kanya pagkatapos. Nang mabasa ang mensahe ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti. I gave her a small smile in return.
Lumabas ako ng opisina pagkatapos makuha ang mga kailangan ko. Mas maagang natapos ang sadya ko kung kaya't nagdesisyon akong maglibot muna sa mga gusali.
Bitbit ang ibinigay na Class Schedule ay nagsimula akong maglakad papunta sa pangatlong building. Magkahalong puti at asul ang kabuuang tema ng mga gusali, kakulay ng mga ibinigay sa akin na damit kanina.
Ganoon parin naman ang paligid. Tahimik ang mga silid at malinis ang mga iyon. Tanging ang aking mga yapak at ihip ng hangin ang maririnig. Lahat yata ng estudyante ay nasa kainan ngayon kaya't mag-isa lang akong naglibot.
Isa-isa kong binaybay ang mga kwarto sa unang palapag. Doon ko nakita ang laboratoryo at malawak na silid-aklatan. May computer room din bago ang hagdanan pataas.
Tinahak ko ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Doon ko nakita ang aking magiging silid. Nakabukas ang pinto nito at malayang pumapasok ang hangin mula sa mga bintana.
Hindi na ako nag-alinlangang pumasok upang tignan ang kabuuan ng kwarto. Malayang tinatangay ng hangin ang mga asul na kurtina ng bawat bintana. May isang lamesa at dalawang puting pisara sa harapan. Nilapitan ko ang isang papel na nakapaskil sa itaas na bahagi ng pisara.
"Please erase the writings on the board after use." pagbasa ko nito sa aking utak. Napansin ko rin ang isang pirma sa baba nito, nagpapahiwatig ng kung sino man ang nasa likod ng kautusan.
Nang natapos ako sa paglilibot ng ikalawang palapag ay nagpasya akong bumaba na. Muli kong tinahak ang mga dinaanan ko kanina hanggang sa makarating sa kainan.
I have convinced myself to check the inside of the canteen as well as their menu. Pagpasok pa lang ay nakita ko na ang kumpulan ng estudyante sa iba't ibang lamesa. Saglit silang natigil nang makita ang pagpasok ko.
In a short span of time, all of their attentions are on me. Hindi ako kumibo at nagpasyang magpatuloy nalang sa paglapit sa mga tindang pagkain.
The menu is fine since I saw a coffee and waffles on the list. I was about to try their French Vanilla Coffee when something attacked my smell.
Napatingin ako sa isang lamesa ay naabutan ang pagtitig ng isang babae sa akin. Even with my shades on, with the intensity of her stare, she knew that I'm returning hers.
Nag-iwas ako ng tingin at kinalma ang sarili. Nagtagal sa akin ang titig ng babaeng nagbebenta, tila tinitimbang kung magtatanong o hindi.
Bago pa man bumuka ang kanyang bibig ay tumalikod na ako. I feel suffocated being in the middle of those animals who killed my mother. Mabuti pang umuwi na lang ako bago pa ako maubosan ng pasensya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro