Chapter Five: Contact
I spent two days familiarizing the place. Sa umaga ay malaya akong naglalakad sa kagubatan. I've been to the western side of the house and all I found is a vast green lawn while a thirty-minute walk to the south is a river. Sa gabi naman ay sa mga puno ako nagmamatyag. I've seen a group of teens trying to take some dip on the river last night but that's just it.
"Ano na ang balita sa 'yo? Buhay ka pa ba?" ani ng boses mula sa earpiece na gamit ko. Dalawang araw na hindi ko siya pinagbigyan na kausapin ako at ngayon ay ito ang naging bungad niya sa akin. I've been sending her messages every night but that's Gesa. She will never be contented with just messages.
"Alive and kicking." Sagot ko at nagpatuloy sa pagluluto ng almusal. Unang araw ng pagpasok ko ngayon sa eskwelahan at kagaya ng dati ay maaga akong nagising at naghanda.
I've been up since four in the morning, trying my chances on the forest. Ngunit pumatak na ang alas sais ay wala pa rin akong napala kaya't nagdesisyon na lang akong bumalik.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong ulit ni Gesa. Narinig ko ang pagsisip niya sa kanyang inumin at ilang pagtitipa.
Pinatay ko ang kalan at nagsimulang magsalin ng niluto ko sa pinggan. For days, I've been trying to track the Alpha but I never had the luck. Dati'y pagkatapos ng isang araw sa misyon ay nagsisimula na akong magmanman. Yet after almost four days in here, I still cannot see his shadow.
"I'm gonna find the Alpha." I obviously answered.
Or just wait for him to appear.
"Hindi mo pa rin siya nakikita hanggang ngayon?" aniya sa nagtatakang boses. Sumubo ako bago sumagot.
"Nope." I answered, emphasizing the 'p'. "I've been to the forest. Doon rin ako nagpalipas ng gabi kahapon pero wala siya. Tanging mga gala lang ang nakikita ko." dagdag ko.
And it is starting to frustrate me. That Alpha is really good at hiding. Or maybe, he's really not trying a lot to show up. Since that incident when I killed one of his, wala na akong nakitang gumagala na mag-isa. Do I need to kill one of his members again before he finally shows up?
"Matagal-tagal ka pa naman diyan. You have all the time." ani Gesa. "Besides, ang ganda ng bahay mo, honestly speaking." Dagdag niya.
Napainom ako sa aking juice. "The greatest mistake you can ever commit is thinking you all have the time." Sagot ko sa kanya bago pinatay ang tawag.
Dinala ko sa kitchen sink ang pinagkainan at hinugasan iyon. I still have a thirty minutes to prepare before my first class starts. Iniisip ko pa lang ang buong maghapon na pagkunwaring nakikinig ay tinatamad na ako.
Nang matapos sa ginagawa ay agad din akong naligo at nagpalit ng damit para sa araw na iyon. Kagabi ko pa naihanda ang unipormeng gagamitin at hanggang ngayon ay nag-aalangan parin ako sa pagsuot.
The dark blue, skater skirt extended to my mid thigh. It has a white, long sleeve top with a blue ribbon on its neck. Both of them has gold linings on its their edges. The vest is colored dark blue as well. Sa likod ng vest ay ang pangalan ng eskwelahan: Winston Academy.
Funny how I dreamt of getting into a regular school back then. Now I find my clothes ridiculous and uncomfortable.
I put on my black knee-cut boots after. Buti na lang at pwede ko pang malagyan ng kutsilyo sa ilalim. My uniform doesn't have any pockets and I'm having a hard time trying to keep at least one knife within my easy reach. Sa huli ay nagdesisyon akong sa ilalim nalang ng sapatos ilagay iyon.
I grabbed my bag after. Muli akong napatingin sa salamin bago lumabas ng silid. My long, curly, hazelnut hair flows behind my back. Mas litaw din ang kaputian ng balat ko sa suot.
I turned away and picked my keys from the bedside table. Sinigurado kong nakakandado ang bahay bago tumungo sa sasakyan. I threw my bag first before I slipped on the driver's seat.
"May the luck of universe be with you." Bulong ko sa sarili bago humarurot.
Hindi pa man nakakalayo ay tumunog na aking cellphone sa tabi. I clicked on my earpiece and waited for her voice.
"Hindi ka talaga magsasalita, no?" Tanong niya nang walang marinig mula sa akin.
"It was never my habit to greet." Sagot ko na ikinahalakhak niya.
"I like your clothes though." Komento nito pagkatapos. I rolled my eyes. Kagabi ko lang din nalaman na may secret camera ang earpiece. Damn that skills of her. Kaya pala alam niya kung nasaan ako kagabi dahil sa inimbento niya.
"Is that a compliment?" Tanong ko at lumiko sa daan.
"Well, it's been ages since I last saw you on skirts, so yes." Aniya. I let out a puff, neverminding the malice on her voice.
Nagkwento siya ng mga kaganapan sa Headquarters na hindi ko naman talaga isinaulo na. She bid her good luck before finally letting me go. Saktong nakarating ako sa eskwelahan nang ibinaba niya ang tawag.
Marami na ang estudyanteng pumapasok nang dumating ako. I parked my car on the spot where I pulled it days ago. Nakita ko ang dalawang lalake na nakatayo malapit sa pwesto ko na hindi maalis ang tingin. Maging ang ibang estudyante ay nadikit na ang atensyon sa 'kin. Good thing the car is tinted, they don't know I'm familiarizing myself with their faces.
Bumaba ako at ini-lock ang pinto ng sasakyan. I may not see their pack but I am sure they will be keeping an eye. Kaya naman kahit labag sa loob ay kailangan kong magkunwaring ibang tao.
Pinatunog ko ang lock ng sasakyan bago nagsimulang maglakad. Dumiretso ako sa gusali kung saan ang magiging classroom ko. Mas maingay na ngayon ang hallway kumpara noong unang punta ko. May mga naglalakad kasama ang mga kaibigan at mayroon ding mag-isa lang tulad ko. Some took their time to steal glances while most of them didn't even bother hiding their stares.
Pagdating ko sa tamang silid ay agad na dumirekta sa 'kin ang kanilang mga tingin. Now, I won't know who's a were from who's not. Everyone seems like normal people. Even me.
Dumiretso ako sa pinakalikod na upuan malapit sa bintana. Gesa said I have to pretend that I am a people person but I just can't. Not when I don't trust anybody.
Hindi nagtagal ay lumapit sa akin ang isang babae. Umaalon ang kulay dilaw nitong buhok sa kanyang likod. Maputi ang balat at mapupungay ang mata. Her bow-shaped lips smiled before she offered her hand.
"Hi! My name's Karleen. You are?" Masigla niyang bati. Tinitigan ko ang kanyang kamay. Sa halip na tanggapin iyon ay inilabas ko ang aking notebook at ballpen at nagsimulang magsulat.
Ramdam ko ang pagtataka ng babae at ng mga nakapaligid. Iniabot ko sa kanya at agad niya itong binasa. I saw acknowledgement in her eyes before nodding.
"Dianne Navarro." aniya. Tumango ako sa kanyang sinabi at ngumiti bago ibinigay ang aking kamay. Tahimik niya iyong tinanggap at agad din akong bumitaw.
"Hindi ka nakakapagsalita?" tanong niya. Umiling lang ako. Pity was written on her face. Her gloomy eyes doesn't match her long lashes. Ngumiti ako sa kanya at nagsulat ng 'It's Okay' sa papel.
"Nice to meet you, Dianne. 'Wag kang mag-alala. From now on, you will be my friend.", aniya, hindi parin natatanggal ang ngiti sa labi. I gave her a small bow and she returned the gesture. Maya-maya ay tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. Inilagay niya iyon sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Dito na lang ako para may kasama ka." Pagprepresenta niya. Hindi na ako kumibo at nanatiling tahimik.
Pinagmasdan ko ang quadrangle mula sa bintana. Maaliwalas ang lugar at tila walang banta ng pag-ulan. Halos lahat ng estudyanteng dumadaan ay napapatingin sa kinaroroonan ko. Ang ilan ay nagmamadali habang ang iba ay nagkakamustahan.
Ilang segundo pa lang ang lumipas nang pumasok ang isang may katandaan na babae. Nakapusod ang namumuti nitong nito at halata na may edad na. Sinuyod niya ang buong klase at natigil lang ito sa gawi ko.
"May I know the new students?" aniya sa matigas na boses. Itinaas ko ang aking kamay dahilan kung bakit napatingin muli sa aki ang mga kaklase.
"What's your name?" tanong nito sa 'kin at may hinanap sa kanyang bitbit na kwaderno. Magsusulat na sana ako sa notebook nang nagsalita si Karleen.
"Ma'am, apologies pero hindi po siya nakakapagsalita. Anyway, I had the time to know her. Her name is Dianne Navarro." si Karleen ang sumagot para sa 'kin. Tumango lamang ang guro at nagsimulang magpaliwanag ng kanyang mga patakaran.
"You see? I can help you." ani Karleen sa 'kin bago ngumiti. Nagsulat ako ng 'Salamat' sa aking notebook at ipinakita iyon sa kanya. She giggled as a response.
Nanatili akong nakinig sa aming guro habang kanina pa nagsasalita si Karleen sa tabi ko.
"May I see your schedule? Baka sakaling magka-klase tayo buong week!" aniya. Tahimik ko itong iniabot sa kanya habang pinipilit na makinig sa guro. Ikinumpara niya iyon sa kanya at maya-maya ay impit na sumigaw.
"Magkaklase tayo sa lahat ng subjects!" ani nito at ngumiti.
"Can you keep your mouth shut, Karleen? Kita mong nagsasalita si Ma'am sa harap." sabat ng babaeng nasa harapan niya. Maiksi ang kulay violet nitong buhok at mayroon ding side bangs. Siguro'y naingayan na sa hindi matapos-tapos na pagsasalita ng katabi ko at hindi na nakapagtiis.
"Eh kung gusto mo ng tahimik, huwag ka rito." sagot naman ni Karleen sa kanya. Umirap ang babae at hindi na pumatol.
My brows shot up, not expecting the girl's reaction. She didn't hide her glare, did she?
"Whatever you say, Lara." ani Karleen bago ibinalik sa 'kin ang aking schedule.
"And as I am saying, I hope you will be responsible to my class. Ayoko ng hindi sumusunod sa utos at kusang nilalabag ang mga patakaran ko." dagdag ng aming guro bago tuluyang umalis.
My schedule says I will be at the same room for the next class. May ilang lumabas, taliwas sa akin na nanatili lang sa sariling upuan.
"So, Dianne. What do you do?" tanong ni Karleen. Napatingin ako sa kanya at naabutan ang kuryoso nitong mata.
Nagkibit-balikat ako, tinatamad na magsulat ng sagot sa kanya. And what will I say anyway? Murder?
"Well, dito kasi, may mga ilang clubs na pwedeng salihan. Sports, music and theatre, arts, dance troup, or if you want, you can join the Student Organization." Mahaba niyang paliwanag.
Umiling ako. I was never familiar with those and I don't plan to join neither.
"Lara and I are part of the Sports Club. We do volleyball. Gusto mo?" Tanong niya ulit.
If only I can sigh big time then I'd sighed for thousand times already.
Tumango ako kahit alam kong hindi rin naman ako sasali. Napapalakpak siya at agad isinulat ang pangalan ko sa kanyang kwaderno.
The teacher for the next class didn't show herself. Kaya naman kahit hindi pa ako gutom ay hinayaan kong kaladkarin ako ni Karleen sa gusto niyang puntahan.
Dumiretso kami sa ikaapat na palapag ng gusali. Hawak-hawak niya parin ang braso ko at saka lang niya binitawan nang kumatok siya sa isang silid.
Karleen entered first. Sumunod ako sa kanya at isinara ang pinto.
"Where's Gigi?" Tanong niya sa isang babae. Saglit itong napatingin sa 'kin bago sumagot.
"Nasa rounds pa. Bakit?" Tanong niya pabalik.
"I'd like to be my classmate's usher. She's a transferee." Diretsong sagot ng kasama ko.
Inialok ng babae ang upuan sa akin habang tinawag niya si Karleen sa isa pang opisina. I exhaled and scanned the room. May dalawang lamesa ang nandoon at isang twelve-seater table. There are piles of papers on it and some open metal cabinets.
Agad nadirekta ang paningin ko kay Karleen nang lumabas siya. Nangingiti itong lumapit bago may iwinagayway na papel sa harapan ko.
"Sign this one." Turo niya sa isang linya. Napatingin ako sa kanya at siya naman ang napabuntong-hininga.
"Transferees are required to have ushers for two weeks. Ushers will tour and guide transferees until they can be familiar with the school policies and the surroundings. Kaya dali! Pumirma ka na." Masigla nitong hikayat sa 'kin.
Iniabot nito sa akin ang ballpen at tahimik ko iyong tinanggap. I wrote my fake name on the paper before giving it back to her.
Bumalik siya sa loob ng silid at iniwan ako roon, iniisip kung paano sasanayin ang sarili sa kaingayan niya.
Breaktime came when the bell rang.
Hindi ko alam kung tama bang nagpakaladkad ako sa kanya. I should be finding the Alpha right now but I cannot escape her grip. Nakakawit siya sa braso ko at hinihila papunta sa gusto niya. I cannot push nor leave her, too, since that would be suspicious. Play dumb, as Gesa said.
Isang grupo ang nasa ilalim ng mga puno ang nilapitan namin Karleen. Nandoon ang kaklase namin na tinawag niyang Lara at iba pang mga babae.
"Meet Dianne, seatmate ko." ani Karleen sa kanyang mga kasama. "Dianne, this is Lara, Audrey, Mela, and Hansel." dagdag nito sabay turo isa-isa sa kanila.
Tinignan ako ng tatlo bago tumingin kay Lara. Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain ng kanyang meryenda.
"Nice to meet you. I'm Audrey." ani ng babaeng may kulay itim na buhok. Tinanggap ko ang kanyang kamay at agad din na bumitaw.
"Ako si Mela." pagpapakilala ng babaeng may kaputian at kulay brown ang buhok. Tumango ako at ngumiti.
"Hansel." maikling sabi ng babaeng may kulay kastanyas na buhok. Hindi ito nag-abalang tumingin sa 'kin dahil sa kuko niya ito nakatuon ang atensyon.
Nagpunta kami sa caféteria habang patuloy parin sa pagsasalita si Karleen kahit na hindi naman ako sumasagot. I wonder if she doesn't get tired of speaking? Pakiramdam ko, kapag ako ang nasa kalagayan niya, I would spit my tongue out.
I ordered a coffee to calm my nerves. Crazy, you can say, but instead of having palpitation, coffee eases my mind. And I need it now, dahil kung hindi utak ang mawala sa akin, ay baka ang tainga ko naman ang sumabog.
Bumalik kami sa silid bago mag-alas diez. May natitirang isang klase ako ngayong umaga at plano kong ituloy ang paghahanap mamayang tanghali. Based on the map given to me, the school has its own forestry that extends deep into Winston's forest. If the Alpha won't visit the school, then I'll do it.
The next teacher came in. She introduced herself and made us wrote our names on a piece of paper before leaving.
"Ganito talaga kapag first few days ng klase, walang masyadong sumisipot." Komento ni Karleen nang makita ang pagkunot ng noo ko.
Buong maghapon akong nasa eskwelahan at buong maghapon ko ring kasama si Karleen. Ni hindi ko na natuloy ang balak na pagpunta sa likod kanina dahil ayaw niya akong tantanan. Paminsan-minsan ay sumasama sa amin si Lara dahil narin sa magkakaklase kami. Samantala, sina Audrey, Mela, at Hansel naman ay magkakasama sa ibang klase.
Hanggang alas singko ng hapon ay pare-parehong hindi na sumipot ang mga guro. I wasted a day in here. Not to mention, I feel like my energy has been drained because of listening to Karleen's ideas all throughout the course.
Nagpaalam ako kay Karleen gamit ang notebook at ballpen. Nagkusa itong ihatid ako hanggang sa parking lot at sabing mag-iingat ako sa pag-uwi.
"Kung may kailangan ka, text mo ako." aniya at isinulat ang kanyang number sa aking notebook. Tumango lang ako at tinanggap iyon bago pumasok sa kotse. Kumaway pa ito sa akin hanggang sa papalabas na ako ng gate.
Dumiretso ako sa bahay pagkatapos. I lazily threw my bag on the couch and sat in there. I tried to device a plan on how to lure the Alpha from its lair but my mind won't cooperate. Sa huli'y nagpasya akong maglinis nalang ng katawan at humilata sa kama.
"Ako yata ang sumakit ang tainga sa pakikinig sa Karleen na 'yon." ani Gesa sa aking earpiece nang tumawag siya kinagabihan.
I sighed. "For a wolf, she's too bubbly." komento ko bago natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro