Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty

This is the last chapter. Thank you for reading "The Alpha's Mate"! It was indeed a long journey but you made it great! Maraming salamat, fam! Love you all.

Tahimik kong hinintay ang pagtama ng bala sa aking katawan. The rain continuously pours on my helpless body as the wind caresses my skin. Hindi ko inalinta iyon, bagkus ay pinilit kong ngumiti sa gitna ng matinding pagod.

I've always wonder what dying feels like. Sa tuwing pumapatay ako ay iniisip ko kung ano ang pakiramdam ng taong tinatanggalan ko ng kakayahang kumilos. Some even pleaded and kneeled in front of me not to kill them. I am ruthless and I show no mercy, that was way back before I met Duke, before I realized that revenge does nothing. Saka ko lang naintindihan ang kanilang rason, kung bakit ayaw nilang mamatay. May mga taong takot, karamihan ay ayaw, siguro'y hindi nagamit sa makahulugang paraan ang buhay na ipinahiram sa kanila. Yet in my case, I accepted my fate, not because I gave up but because I know I used my life in a worthy way. Hindi ko man nagawa ang lahat ng pangarap ko ay nakilala ko naman si Duke kahit sa maikling panahon lang. If this is my time, then so be it. If I am going to die right now, I am satisfied with the life that I made. I know I will die in peace.

But the deafening silence made my eyes open. Pumikit ako ng ilang beses upang maaninag ang paligid ngunit nanatiling umiikot ang lahat. There's a screeching sound vibrating inside my ears which made it unable to listen to my surroundings.

Nasundan pa iyon ng isang putok. Tila gantilyo iyon sa aking isip. Everything became silent as I stare at Gustin's body slowly falling to the ground. Umagos ang dugo mula sa tama ng bala sa dibdib nito. I saw how his hands weakened, loosening its grip on his gun while his eyes grew wide at his sudden realization. Kahit ang aking sistema ay hindi maproseso ang nangyari. Sinundan ko ng tingin ang kanyang katawan habang unti-unti itong napaluhod sa putik hanggang sa hindi na ito muling gumalaw pa.

If it wasn't because of the sobs, I can't pull my attention away from his lifeless body. Ngunit ang naging paghagulgol ni Dr. Alvarad ang sumira sa katahimikang namayani sa pagitan namin. Agad kong natagpuan ang kanyang mata habang nakatutok parin ang baril sa walang-buhay na katawan ni Gustin. Unti-unti nitong binitawan ang seryosong tindig at lumumpasay sa putik.

Hindi ko alam kung wala na ba ako sa tamang pag-iisip ngunit malamyos ang naging pagdating ng kanyang boses sa'kin.

"I am sorry, Gabriel." She uttered those words as she stare at my direction. Ang ulan ay unti-unting tumila kasabay ng hangin. And there I saw how her eyes sparkle because of the fresh tears falling from it. Sa likod ng malungkot na mga mata ay nakita ko ang sinseridad sa kanyang paghingi ng tawad.

Dalawang bisig ang pumutol sa aming titigan. Napatingin ako sa taong iyon habang unti-unting nawawala sa aking pakiramdam ang basang lupa. Pilit kong inaninag ang kanyang mukha ngunit patuloy naman sa pagkirot ang aking katawan. When I felt the familiar body temperature, I shut my eyes. My whole body aches but I ache for his warmth even more. I am too drained to even open my eyelids. Siguro'y sapat na sa akin ang pakiramdam na nasa bisig ako ni Duke.

"Hold on, Gabriel..." he whispered those words into my ear.

I know. I will always will.

Inilapag ni Duke ang bagong luto na pagkain sa aking harapan. A scrambled egg, a toasted bread, a vanilla flavored coffee, and ripe sliced bananas. Kahit ang simpleng galaw na iyon ay nagiging maingat siya. He never spoke to me since yesterday. He closed his mind link and his face is stoic and hard. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya ngunit sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay alam kong malalim iyon.

"I brought your breakfast in here." He said with a drained voice. Ang kanyang walang-gana na boses ay taliwas sa kanyang matigas na katawan. Umagang-umaga ay wala na ang pag-itaas na saplot nito sa katawan, siguro'y pinagpawisan sa pagluluto. Napanguso ako dahil sa kanyang inaakto. I know, it was my fault. It's the most ridiculous idea I ever had but I want it. Hindi ko maintindihan. Siguro nga ay hindi pa ako tuluyang gumaling mula sa naging labanan kahit na dalawang linggo na ang nakalipas. O 'di kaya ay masama na ang naging epekto nito sa'kin kaya ako nagkakaganito.

I've been acting weird since my wounds healed. Ewan ko ba pero parang may iba sa'kin. Hindi ko lang mawari kung ano o kung saan. But I can feel that I am doing great. In fact, I feel stronger and livelier. Ngunit pagdating kay Duke ay nawawalan ako ng gana.

"Ayoko ng niluto mo." I honestly told him. Nakita ko ang pagpapakawala nito ng mabigat na buntong-hininga. Napahilot ito sa sentido na tila ba nawawalan na ng ideya kung paano ako susuyuin sa paraang gusto ko.

"What do you want then?" his voice became dead as he spoke directly to my eyes. Napakunot ang noo ko dahil doon. I want him to walk naked around the house, just like what I told him two days ago. Ngunit hindi ko yata kakayanin na hindi ulit siya tumabi sa'kin sa pagtulog.

"Nagsasawa ka na?" I asked him using the coldest voice I could ever utter. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo at tumitig sa'kin gamit ang nagtatanong na mga mata. His brows creased at my sudden question, ngunit kahit ganoon ay matatalas parin ang naging pagtingin nito sa'kin.

"Don't act like you don't know what I'm saying! Sabihin mo lang kung nagsasawa ka na, aalis ako!" I shouted. His eyes grew big, his expression is shocked.

"Of course not!" sagot nito sa'kin. His voice roared inside my head. I was blown off at the tone of his voice but my heart felt the slight pang.

"Sinisigawan mo na ako ngayon." I became soft. He shouted at me! Unang beses niya akong sinigawan simula nang magising ako. Napuno na ba siya? Does he ran out of patience on taking care of me? Galit pa rin ba siya sa'kin?

"Siguro, nagsawa ka na. Maybe you find me crazy and weird and psycho because of what I told you to do two days ago. Or... maybe... you don't love me anymore." I almost whispered.

My tears uncontrollably fell from my eyes. Isa-isa hanggang sa naging sunod-sunod ang pagpatak noon. The thought of him leaving me is killing my system. I'm starting to hate myself. Bakit ba kasi nagiging ganito ako sa kanya? Okay naman kina Karleen at sa iba. I really need to consult Helen and see if I have an internal damage, perhaps in my brain.

He let out an exasperated exhale. Tahimik nitong inalis ang mga pagkain sa aking harapan at inalapag iyon sa katabing lamesa ng aming kama. Dahan-dahan itong umupo doon at hinarap ako. His fingers went up to my cheeks and slowly brushed off the tears from it.

"That... won't ever happen." His words are slow and true. Napanguso ako dahil sa lapit nito sa'kin. I don't like him to leave me but I don't like him to be around, too! Goodness, may saltik na talaga ako sa utak.

"Mag-tantrums ka man araw-araw, magsungit ka man, itaboy mo man ako, o pag-tripan, I won't leave you, Gabriel. Stop thinking about a thing that won't happen." He said and leaned his body closer to mine. Now, I can fully smell his scent. A mixed of morning bath and manly cologne attacked my nose. Umatras ako ngunit sa kasamaang palad ay agad na dumapo ang headboard sa aking likod.

"Pero hindi kita pinag-tripan! I just want you to... do it." I said. I breathed out and hugged him as I continue to cry.

"I am sorry for acting like that! Hindi ko alam kung bakit!" I sobbed at his shoulders. He caressed my back and let out a heartily laugh. Kahit tunog-nang-iinis ang tawang iyon ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Nang tumigil ako sa pag-iyak ay humiwalay ito ng yakap sa'kin. He stared at my messy hair and puffy eyes with so much adoration. Inaayos niya ang aking buhok, ang ilang hibla na tumatakip sa aking mukha ay iniipit niya sa likod ng aking tainga.

"Ikaw man ang kusang lumayo, hahanapin at hahabulin pa rin kita. You don't have any home other than my arms, baby. Remember that." He said and left a soft and short kiss on my lips. Agaran din itong tumayo at lumayo mula sa'kin.

"Mag-ayos ka na lang. Kina Mama na lang tayo kumain." He said and left the room, leaving me stunned and pissed off because of his playful grin. Pinagmasdan ko ang kanyang matikas na likod hanggang mawala ito sa aking paningin.

What the hell? I want him near me!

As planned, we ate breakfast at Mommy Solene's place. They even prepared lots of foods for us. Kasama rin namin sa lamesa sina Vil at Lara gayundin sina Karleen at Ylva. I looked for Nicholas and Bryan ngunit ang sabi ay umuwi ito sa kani-kanilang bahay upang doon magpagaling ng tuluyan samantala sina Audrey, Mela, at Hansel naman ang napag-utusan na magbantay sa kakahuyan.

Vil and Lara are perfectly fine now. Hindi halata sa kanilang katawan ang mga galos na natamo mula sa labanan. I stopped eating when the memory of the battle flashed in my mind. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pagkamatay ni Gustin. Dr. Alvarad shot him directly on his chest for two times. And I remember Duke carrying me on his arms. I woke up after two days of being unconscious. My weird system started at that day until now.

Noong isang araw ay bumisita sina Gesa at Theron sa bahay. That was the time when I told Duke to walk around the house, naked. Unexpectedly, Vil opened the door and saw him on that state.

"Mom," I called Solene's attention. Agad naman itong bumaling sa'kin gamit ang nakangiting mata, telling me I can continue.

"I want to talk to Dr. Alvarad." I answered, making the whole group silent. Nakipagtitigan ito sa'kin na tila tinitimbang kung kaya ko na nga bang gawin iyon.

"If you think yourself can handle the truth, then of course you can." Sagot niya. Tumango lang ako at napatingin kay Dad. Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay na tawagin silang Mom at Dad ngunit pinipilit nila ito sa'kin. Besides, Ylva said it's a must. Akala ko ay siya pa ang magagalit kapag tinawag ko ang kanyang mga magulang sa katulad na paraan na pagtawag niya sa mga ito ngunit hindi.

He gave me an encouraging smile and nod.

"Kung ganoon ay pupunta kayo sa Headquarters ngayon?" si Karleen ang nagtanong.

"Yeah. Gusto ko rin na makita sana si Gesa." I answered and take a spoonful of macaroni salad into my mouth. Sa unang nguya pa lamang ay bumaliktad na ang aking sikmura. I tried to stop the weird and odd feeling but I just can't.

Tumakbo ako papunta sa banyo at iniluwa iyon sa inidoro. Akala ko ay tanging ang macaroni lang ang ilalabas ko ngunit halos lahat yata ng laman ng aking bituka ay nawala na.

"Damn!" ani Duke sa aking tabi nang abutan ako nito ng tubig. I glared at him when his smirk appeared. I hate you again!

"I love Gustin." Pag-aamin ni Dr. Alvarad nang harapin ko ito sa kanyang selda sa loob ng bastille. I was shocked at her words but I remained calm as I wait for her continuation. Malaki ang pinagbago ng kanyang hitsura. Ang dati nitong maamong mukha ay naging lanta at payat. Her strong aura disappeared and all I can see now is her weak side.

"I love him that much to the fact that I became a prisoner of my own desires. Lahat ng gusto niya ay sinusunod ko, be it good or bad, I do it for him to acknowledge the love I have and I can give. I invested myself in him. Masakit isipin na sa kabila ng lahat ng ibinigay ko sa kanya ay hindi niya ako nagawang suklian. Napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang mali sa'kin, o may kulang ba, o masyado ba siyang bulag kaya ganoon na lamang ako sa kanyang paningin." She said and sobbed. She tried to wipe her tears away but she can't move. Her hands are chained on the metal wall.

"Ngunit mas masakit parin palang malaman na ang kaibigan ko ang napupusuan niya." And from her words, I know she's pertaining to my Mom. Mas naging alerto ako sa pakikinig. Maybe it sound absurd but I want to know the reason why they killed both of my parents. Masaklap man ay alam kong may dahilan iyon.

"Gustin and Leonardo are very good friends since we're kids. Hanggang sa naging hunters silang dalawa ay malapit ang dalawa habang nagpatuloy ako sa pagiging doktor. When Leandro was sent to Winston, doon niya nakilala si Venus. Dinala niya ito sa Headquarters at naging kaibigan namin. At first, everything is smooth-sailing but then, life has its own rules to play with us." aniya at tumitig sa'kin. I know. I've been there, I almost answer her.

"The bond between us became stronger. And as my love for Gustin grew bigger, his love for Venus became bolder. I saw how Gustin's world shattered when he saw the only woman he love and his friend's love for each other. Alam ko ang sakit ng ganoong pangyayari, but he kept it to himself. He became distant and cold and ruthless."

"Hanggang sa nakasal sina Leandro at Venus ay naging ganoon siya. He changed a lot. And it's sad that love made him that way. Habang tumatagal ay nakikita ko ang nagpupuyos na galit ni Gustin nang makitang nagka-pamilya ang dalawang taong pinagkakatiwalaan nito."

"He then proposed a deal to me. And that is the plan to kill Leandro. I know, it's a sin. How could I kill a friend of mine? But the exchange is tempting. Pipiliin niya daw ako pagkatapos. Mamahalin niya ako pagkatapos ng planong iyon. Who am I to say no? I just... love him. Kahit anong paraan ay gagamitin ko mapasaakin lang siya. But I love him in a destructive and wrong way." Aniya ng umiiling. Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata kahit na patuloy ang pagdaloy ng luha mula doon.

"Nalaman namin ang sikreto ng kanyang pagiging lobo sa nangyaring labanan. It was... accident. I told Gustin to shot the red pill to your father but Venus appeared! Sa kanya naiturok ang gamot dahilan kung bakit siya naging isang lobo. She killed almost everyone in the battle and when she was about to kill Leandro, I shot her at the back." Dahan-dahan nitong pag-amin. I clenched my fist because of her reasons. Hanggang ngayon ay hindi magiging sapat na rason iyon sa'kin upang patayin nila ang mga magulang ko.

But who am I to judge? I've killed thousands of innocent lives just because of my revenge. Kung tutuusin ay pareho lang kami ng ginawa.

"And that was it, Leandro was furious. Wounded and all, ngunit kinalaban niya si Gustin. He fight for the love he had for Venus, until his last breath, I know he fought for it." She stopped which made the whole cell silent.

"I am sorry, Gabriel. Alam kong hindi matutumbasan ng mga salita ang sakit na ginawa namin but believe me, I am really sorry for everything, for what love made me do. Nagkamali ako and I regret every single bit of it." Her sobs became louder. Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa iniipon. Everything became clear to me, tila ba naalis ang mga ulap na bumabalot sa aking utak dahil sa kanyang naging paliwanag. Dahan-dahan ay tumayo ako at lumapit sa kanya. I slowly wipe away the tears in her cheek which made her cry even more.

Hindi ko inaakala na magiging ganito ang pakikitungo ko sa mga taong pumatay sa aking mga magulang. All I taught is that the second I'll know the truth and who they are, I am going to end their lives, too. But I am thankful that the love I had for Duke isn't destructive as what Gustin and Dr. Alvarad has. The love that Duke gave me made me better because it's genuine, unconditional, and pure. I won't ask for more.

"How was it?" ani Theron nang makalabas ako mula sa bastille. Napakunot ang noo ko dahil sa agaran niyang pagtatanong. Hinatid niya ako ditto kanina, at dalawang oras pagkatapos ay nandito parin?

"What?" tanong nito sa'kin nang idinirekta ko sa kanya ang aking walang-buhay na tingin.

"Tsismoso." I glared and walk away. Sinundan parin ako nito hanggang sa pagpasok ko sa laboratory kung saan ko iniwan ang grupo kanina.

"Bakit ang sungit niyo sa'kin ng pinsan mo? Mabait naman ako sa inyo!" pagmamaktol nito na tila isang bata. Napatigil ako at hinarap siya ng seryoso.

"Kamusta na si Marcus?" I asked out of nowhere. Naging matigas ang ekspresyon nito at iniwas ang tingin sa'kin. I know he's not comfortable but I just want to know. Hindi ko naman maitatanggi na naging mahalaga sa'kin ang kanyang kapatid.

"I'll make him pay, don't worry." He assured me. Wala akong ibang nagawa kundi tumango sa kanya. Oh well, I trust him. Hindi lang naman siya sa'kin malalagot kung maglalaro ulit siya.

Ako ang nagbukas ng pinto sa laboratoryo at nanatiling nakasunod sa'kin si Theron. The smell of the chemicals enveloped my nose. Nagsimula na naman sa pag-ikot ang aking tiyan kung kaya't napatigil ako. I almost cursed Theron when he dragged me to the inside of it, making me more sensitive to the smell of the surroundings. Napatakip ako ng bibig nang umabot kami sa dulo ng laboratory. The group are intently watching something on the microscope while Duke's pitch black eyes immediately found mine. Kumunot ang noo nito nang siguro ay makita ang hitsura ko.

Dala ang isang baso na may lamang kung anong juice ay lumapit ito sa'kin. Hindi ko alam ngunit mas naging hindi maganda ang takbo ng hangin sa aking baga nang maamoy ang kanyang inumin. Gustuhin ko mang magsalita, pakiramdam ko ay masusuka ako sa unang bukas pa lang ng aking bibig.

Duke held my shoulder and the moment he touched me, I ran off to the lavatory to puke. Halos maglumpasay ako sa sahig dahil sa sama ng pakiramdam. Duke came to give me a glass of water but I shoved him away. Si Helen ang kumuha noon at lumapit sa'kin upang ipainom.

Ilang mabibigat na paghinga ang ginawa ko upang kumalma sa pagkahilo. Inalalayan ako ni Gesa na umupo habang hinahawakan naman ni Helen ang pulso ko.

"Bakit siya ganyan? Anong mayroon?" natatarantang tanong ni Gesa habang pinapaypayan ako. Little by little, my system calmed down. Unti-unti ay nararamdaman ko ang pagkalma ng aking tiyan dahil sa hangin.

"Maybe you should ask Duke about that. I think he knows the answer." Sagot ni Helen sa kanya bago bumaling kay Louise na may gulat na ekspresyon sa mukha. Sabay kaming lumingon ni Gesa sa direksyon ni Duke na ngayon ay nakaupo sa isang high stool na upuan habang pinaglalaruan ang kanyang labi.

"What is it?" hindi makapaghintay si Gesa upang malaman ito. I have no idea what they are talking about. Kung alam iyon ni Duke ay bakit hindi niya man lang sinabi ito sa'kin? It's pissing me off but I'm too weak to ask.

"Baby, would you open your mindlink?" Duke asked as he stare at my direction. Nagpapalit-palit ang tingin ni Gesa mula sa kanya papunta sa'kin. Huminga ako ng malalim at nagsimula sa pagbukas noon.

Karleen and Ylva gasped the time my mindlink was connected to them. Nanlalaki ang mga mata ni Lara habang nakatitig sa'kin. And then the scream of the siblings echoed in the whole laboratory.

"What? Sabihin niyo sa'kin kasi wala akong mindlink!" Gesa frustratedly shouted at them habang si Vil naman ay nilapitan si Theron upang ibulong iyon sa kanya.

My mind is dazed as I try to grasp the information I freshly had. Nanatili akong nakatitig kay Duke habang pinapakiramdaman parin ang sarili. I caressed my tummy and immediately, I heard a small coo on the inside of my head. Hindi iyon galing kina Karleen o Ylva. Tila nakarating iyon maging sa mga utak ng grupo dahil mas lumakas ang hiyawan ng magkapatid, na kahit si Lara ay nakisali doon.

"Shit naman oh! Ano?!" Nabaling ang aking atensyon kay Gesa dahil sa biglaan niyang pagsigaw bago napuntang muli kay Duke.

I saw his familiar smirk again the time I laid my eyes on him. His lips are playful but his eyes are full of happiness that I imagine to see them sparkling as he stare at mine. Unti-unti ay bumaba ito sa upuan at dahan-dahang naglakad palapit sa'kin. Nang tuluyang makalapit ay ikinulong ako nito sa upuan, both of his hands are on the side of the chair beside my shoulder, like he's standing proudly in front of me telling everyone that I only belong to him.

"You are my mate, Gabriel. You and I made the little Alpha inside of you." He said, almost a whisper to my ear. Tila musika iyon nang dumating sa aking pandinig. Ang marinig mula sa kanya na totoong buntis nga ako ay nakakapanindig-balahibo.

"You are my territory. Ikaw at ikaw lang." aniya sa matigas at nagbabantang tono.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro