Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVIII: Diamond Dust

Zuki's Point of View

Ikot ako nang ikot sa harap ng salamin. Inayos-ayos ko ang kwelyo na suot-suot kong long-sleeve polo shirt. Sinunod ko naman ang pag-aayos ng shirt sleeve cuff. Pagkatapos ay dinampot ang suklay na nasa ibabaw ng kama.

While combing my hair, I accompany it by humming my favorite song.

And I couldn't resist myself from smiling.

"Bakit masaya ang beshy ko?" ang tanong ko sa aking sarili sa harap ng salamin. Tinuro ko ang aking sarili. "Ikaw ba ang niyaya ng date kasi anniversary?" Humagalpak na lamang ako nang tawa sa ginagawa ko.

Parang tanga lang.

Mabilis kong nabitawan ang suklay nang biglang may kumatok sa pintuan. Natawa na lamang ako sa sarili ko. Hindi ko na muna dinampot ang suklay sa sahig, sa halip ay inuna ko munang pagbuksan ang taong kumatok.

To my surprise, si ate Yumi lang pala. Sa una, nagulat pa siya nang makita niya ang ayos ko. Pero kalaunan ay sumilay ang matamis niyang ngiti sa labi.

"Busy?" she asked.

I gestured my hand to let her in. Pumasok naman siya. Nang masara ko ang pintuan ay nadatnan ko siyang nakaupo na sa kama ko. At saka ko na dinampot ang suklay sa sahig upang ipagpapatuloy ang ginagawa ko.

Muli akong humarap sa salamin.

I comb my hair backward twice before I got satisfied with my look. Inilagay ko ito sa lagayan bago tapunan ng tingin ang kakambal ko. She is now looking at the picture frame of her. And her eyes drifted to the next frame. Litrato ko ito na kayakap si Xsanter sa ilalim ng oak tree.

That was taken way back when we were in Greece for vacation.

Biglang tumayo si ate sa pagkakaupo sa kama at naglakad papalapit doon sa study table ko. She grabbed the frame and look at me in the eye. Pero hindi naman nawawala sa labi niya ang matamis at mapanuksong ngiti.

"Boyfriend?" Mabilis akong tumango bilang pagtugon. She then looked at me as if she was happy for me. "Mabuti naman kahit papaano may taong nagpapasaya sa 'yo habang wala ako sa tabi mo."

I could trace two emotions mixing together within her eyes. Kaya mabilis akong naglakad papalapit sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. And she did the same thing.

"Ngayon . . ." Lumunok ako ng laway para pigilan ang sariling maiyak, ". . . sobra-sobra na ang saya ko dahil nandito ka na. This time, ako naman ang po-protekta sa 'yo, pinapangako ko 'yan."

Kumawala siya sa pagyayakapan namin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Sinundan niya ito ng pagbabanta gamit ang mga titig niya.

"We protect each other, okay?" paalala niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Busog na busog ang puso ko ngayon ng pagmamahal. "Ipakilala mo sa akin 'yang jowa mo at nang tutustahin ko."

Nagdabog kaagad ako ng paa ko. "Ate naman eh! Nandiyan ka na naman sa pa-ganyan mo," ang reklamo ko pa sa kanya.

She looked at me in disbelief.

"Ay aba, dapat lang! I know he already prove it to you how genuine he is. Pero bilang nakakatanda mong kapatid, kailangan ko pa ring malaman at marinig mula sa kanya." Her overprotective tone of voice blessed my ears.

Naluluha ko siyang tinignan. Nagulat naman siya at tila natataranta. Tinawanan ko lang siya't muling niyakap. It's been a while since the last time I heard that tone of her voice.

"I miss every part of you, sis." Garalgal ang aking boses nang bigkasin ang mga katagang 'yon. "You don't know how much I am longing for you." Lumakas ang pag-iyak ko. In my ear, I could hear her silent sobs. "And mom . . ."

Pareho na kaming umiyak ng malakas nang banggitin ko si Mommy. Yumi and mom are similar. Pareho rin silang overprotective. Pareho silang palaban at walang inuurungan. And I was like a soft pretty little boy who was always picked by the bullies.

Iyakin. Mahinhin. And mom is always there for the both of us. Even that night happened. The night she fight for us to the death. Pitong taon na ang nakalilipas, hinding-hindi ko pa rin mapapatawad ang lalaking sumira sa masaya naming pamilya.

And I hated Apollo for abandoning the entirety of my childhood. I don't care what are his excuses. Dahil alam kong lahat ng 'yon ay walang kabuluhan. He's a god; he can't interfere with the mortal's affair.

Eat that bullshit!

"Sabing ayokong iiyak eh." Natatawa kong saad.

Tumawa rin si ate. At mabilis niyang pinunasan ang basing-basa kong pisngi gamit ang kanyang palad. She cleared her throat. Inayos niya ang sarili bago ako tapunan ng tingin.

"Alis ka na. Baka mahuli ka pa sa date mo," paalala niya sa akin. "We still have a lot of time to cope up with each other's lives," pahabol niya.

Tumango ako. Sinulyap ko ang orasan. Tama nga si ate. At ako'y baka mahuli sa date namin ni Xsanter. Madalian kong dinampot ang pabango. Nang masiguro kong tapos na ako ay sabay kaming lumabas ni ate sa kwarto.

She then insisted on sending me off.

☽ ♆ ☾

"Dami mong pakulo, babe," reklamo ko.

Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Inalalayan niya ang bawat galaw ko at hakbang dahil tinakpan niya ang mga mata ko. Pagdating ko kanina sa place kung saan kami magkikita ay ito agad ang bungad niya sa akin. Para raw sa surpresa niya.

I was quick to bit my lower lip when a soothing music met my ears. At the same time, the waves of the sea are crushing against the shore. Huminto kami sa paglalakad. Naramdaman ko na lamang ang mga kamay ni Xsanter sa likuran ng aking ulo, hinuhubad ang pagkakatali ng panyo.

Napapikit ako dahil sa pansamantalang pagkalabo ng paningin ko.

From afar, various colors of lights is the first thing that came across my sight. May lamesa at upuan doon. Sa ibabaw ng lamesa, mayroong candelabra at inikutan ito ng palamuti. Majority of the ornaments are fresh-picked flowers.

And at the ground, there are red petals of roses scattering. Napatingin ako kay Xsanter. Sumikdo nang mabilis ang puso ko. A smile plastered upon his lips, so as his eyes. It's as if my soul escaped my body when he crawled his fingers in my forearm down to palm.

He then held my hand so gently tight.

He pulled me with him when he walked closer to the table. Pagkalapit namin, hinila niya kaagad ang isang upuan para sa akin. I mouthed him a thank you. As a response, nginitian niya ako. Kumabog na naman ang puso ko sa kilig.

May lumapit na dalawang demigods sa amin. Inilapag ng mga ito ang mga putaheng in-order ni Xsanter. Sa plating pa lang alam kong mamahalin ang lahat ng 'to. Napalunok ako ng laway. Ganito talaga siya.

Nagbabadya bigla ang mga luha kong tumakas.

"Hey," he called me. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Don't worry about how much I spent, you are worth more than what I have."

Napatingin ako sa kanya nang naluluha. He immediately wipe the tears that escaped from my eyes. Nag-iisa siyang taong naging karelasyon ko na mabuti ang intensyon. At walang halong pagkukunwari.

"Thank you . . ." garalgal ang boses kong sabi.

Tumayo siya bigla sa pagkakaupo at hinagkan ako sa noo. Mabilis na uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Namayani ang katahimikan nang magsimula kaming kumain. But we both knew that we felt each other's presence even we were silent.

At sapat na 'yon para sa araw na ito.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain, muling lumapit ang isang demigod. May dala-dala na itong bouquet of flowers. Inabot niya ito kay Xsanter. He then arise from seating. Ganoon na rin ang ginawa ko.

The music once again dominated in my ears. This felt so romantic. Lumapit sa akin si Xsanter. Inabot niya sa akin ang bulaklak. He looked at me, and beyond his eyes, I could trace the love that he made me feel for a long time.

Nang tanggapin ko ang bulaklak, sinunod niya naman ang kamay niya.

Mabilis kong nakuha ang ibig niyang iparating. At hindi nagda-dalawang isip na tanggapin ang kamay niya. He pulled me to him. Hinawakan ako sa beywang. Habang ako naman ay inilibing ang aking mukha sa leeg niya.

We followed the rhythm of the music. Swaying to the both sides. Sinamahan pa ito ng mga tunog ng kalikasan. Cold breeze brushed against my skin, but it immediately faded away. Because of how we felt each other's heat.

Feeling each other's heartbeat.

"I love you, my sunshine," biglang bulong sa akin ni Xsanter. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. "Without you in my life, ice crystals won't sparks beautifully when your light reflects in the air."

My heart skipped a beat. Hinawakan ko ang pisngi niya. Mabilis kong inangkin ang kanyang mga labi. It's so soft I could kiss him for eternity. He kissed me back passionately. We both parted our lips when we noticed we were almost out of breath.

"Xsanter . . ." I called him, while caressing his face. "My sunlight won't shine like a sprinkling of diamonds in the sky without you, my beloved snow." I saw him smile and tears started to well up in his eyes.

He placed his forehead on mine.

And then caressed each other's nose with so much intimacy.

"There's no diamond dust without the both of us, babe," I said. "Happy anniversary to the both of us. Thank you for the endless love you made me feel."

He sobs. Habang ako naman ay napaiyak din. Muli naming niyakap nang mahigpit ang isa't isa. He then hummed in response. Tumawa na lamang ako nang mahina. This is the second time I saw him so vulnerable in my arms.

He is both the man who I wanted and needed. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro