IX: That Same Guy
Hanzel's Point of View
They say, time together as a family is a gift. That family is a gift that lasts together. Napangiti ako. Because apparently, I am one of those kids that had a perfect family. My mom, who is very hardworking, gives her child a bright future.
She may sometimes forget to make a time for me, pero naiintindihan ko siya. Si Papa, sa kabilang banda, siya 'yong lalaking walang sasayanging oras makasama lamang kami. Siya 'yong tipo na bakasyon doon, bakasyon dito.
Wala siyang pakialam sa pera.
Dahil para sa kaniya, mas importante sa kaniya ang mga magagandang alaala na magkasama. Mas importante sa kaniya na nagkakaroon kami ng masasayang alaala. Because he believed that memories are the treasure he wanted to keep for eternity.
Tumingin ako kina Mama at Papa. Nagtatawanan sila pareho. Nandito kami sa ilalim ng kahoy, nagpi-picnic. Nasa campsite kasi kami dito sa Cavinti. Nang mabalitaan ni Papa ang tungkol dito, hindi na siya nagda-dalawang isip na dalhin kami rito.
Sobrang hinahangaan ko siya sa pagiging cool niyang ama.
Kasing gwapo ko rin.
Tinignan ko uli ang dalawa. Mom had a golden brown waist-length hair. Ito ang namana ko mula sa kaniya. Maliit naman ang mukha niya't mapula ang mga labi. A tantalizing black eyes, and a curvaceous eyelashes. Isang pageant queen si Mama sa aming lugar, kaya siguro'y isa ito sa nagpapabihag ng puso ni Papa.
Napunta ang tingin ko sa lalaking katabi niya. Sumalubong sa mata ko ang nakangiti niyang labi. He had a pointed nose, curvaceous eyelashes, a strawberry curly blond hair, and a natural teal green eyes. Magkasing-kulay kami ng mata.
I am my parents.
֍
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Sumalubong sa akin ang kahoy na kisame ng aming bahay. Kinapa ko ang matigas kong higaan. Gawa ito sa kawayan. Tanging sleeping mat lang ang nakalatag. Simpleng kumot na pinaglumaan ni Mama, at isang unan na kabibili lang noong isang araw.
"Hanzel Mark Sarsozo!" Isang nakakabinging sigaw ni Mama ang umalingawngaw sa tenga ko. I scoff with a smile on my lips. The best talaga pang-alarm clock ang bunganga ng Mama ko. "'Di ba ni ingon man ka nga duna moy school field trip karun?" ('Di ba sabi mo may school field trip kayo ngayon?)
"Nakabangon na po," kalmado kong sagot.
Thereafter, kumalma na si Mama. Rinig ko na ang mga mabibigat niyang hakbang papalayo sa harap ng pintuan. Marahil ay babalik 'yon sa kusina para ipagpapatuloy ang ginagawa nito.
Iniligpit ko na ang aking pinaghihigaan. Pagkatapos ay binuksan ko ang simpleng kulay berdeng kurtina na nagsisilbing pantakip sa kuwarto ko tuwing gabi. Sumalubong sa akin ang nakakabulag na sinag ng araw.
Bahagya pa akong napatakip sa aking mata. Nang humupa na panandaliang pagkabulag ko dahil sa liwanag ay sumilay ang matamis kong ngiti sa labi. Morning breeze instantaneously brushed against my skin.
The reason why chills impetuously race down my spine.
Out of the corner of my eyes, I saw dewdrops of green grass gradually fell upon the ground. Golden rays of sunshine dominated the environment. Meron pang mga nag-aawitang mga ibon na tila musika sa aking pandinig.
I inhaled while closing my eyes. Subalit, mabilis ding napawi ang ngiti sa aking labi nang maalala ang napanaginipan ko. I am already twenty years old, and this same dream has been going on since I was eighteen.
This time, I dreamed about a complete family.
But apparently, we're not.
That teal green-eyed guy who always appearing in my dreams. This time, kinakilala ko naman ito bilang ama. What's more confusing is, it feels like he is. Tama sa panaginip ko na si Mama ay dating pageant queen sa Taytay, Rizal.
I snorted, and just frustratingly shook my head. I have no time to think. Baka ito pa ang dahilan kung bakit maiwan ako sa aming field trip.
Lumabas na ako ng kuwarto pagkatapos kong hubarin ang suot-suot kong damit. Tanging iniwan ko lamang ang aking underwear. Nakasabit naman sa beywang ko ang puting tuwalya. Kahit na anumang pilit kong isawalang bahala ang aking napanaginipan, hindi ko kayang mapigilan ang sariling isipin 'yon.
Hanggang sa natapos na ako sa pagligo't pagbihis. Pabalik-balik pa rin ito sa aking isipan. Isang marahas na buntonghininga ang aking pinakawalan.
"Unsay problema nimu, Hanzel? Kaganiha raman gud taka nabantayan nga murag wala ka sa imuhang kaugalingon." (Ano'ng problema mo, Hanzel? Kanina pa kasi kita napapansing tila wala ka sa sarili mo.) Bungad sa akin ni Mama nang makaupo ako sa upuan dito sa kusina.
Limang taon na kami ni Mama rito sa Barangay Nangka, probinsya ng Cebu, pero ang galing-galing na niyang mag-bisaya. Taga rito talaga ang mga kamag-anak ni Mama. Bumalik lamang kami rito nang mamatay ang grandparents ko.
Kinuha niya ang paglalagyan ng baon kong kanin, at ang sandok. Nilagyan niya 'yon at muling inilagay sa lamesa. Umupo siya sa aking tabi't nakatingin sa akin, tila naghihintay sa isasagot ko sa kaniya.
"Remember the guy who I mentioned to you that appeared in my dreams since I was eighteen?" tanong ko sa kaniya upang kumpirmahin kung natatandaan pa ba niya.
Kaagad ko siyang napansin nang umiwas siya ng tingin. My forehead furrowed once again in confusion. She always like this. Sa tuwing binabanggit ko ang lalaking 'yon, palagi niyang iniiwas ang mata niya.
It's just so confusing. Bakit sa tatlong taon, nandoon siya sa lahat ng panaginip ko? And plus, we had the same teal green eyes.
I don't want to doubt my own mom, but I can't help wondering if she knows that man. If she was lying to me. I gritted my teeth to scold myself. Mom has been telling me the truth ever since. I don't understand why I let myself get affected by a mere dream.
"Damgo rana, Hanzel," matipid niyang saad. (Panaginip lang 'yan, Hanzel.) Napatitig ako sa kaniya. Why does she sounds so defensive? "Wala ranay laing ipasabot," she coldly added. (Walang ibang ibig sabihin 'yan.)
Pagkatapos niyang bitawan ang mga katagang 'yon ay tinalikuran na niya ako. Naghugas siya ng mga ginamit niya sa paghahanda sa agahan namin. Habang ako naman ay pinagmasdan lamang siya sa kaniyang ginagawa.
"Kaon na diha, mabiyaan man jud ka karun sa lakaw ninyo." Muli niyang paalala. (Kumain ka na diyan, baka maiwan ka sa lakad niyo.)
Pinili ko na lamang ang manahimik. Tumingin ako sa wall clock na nasa gilid ng pintuan ng kusina. Napasinghap ako. Shit, I'm late. Dinampot ko na ang kutsara sa harapan ko. Dinalian ko na ang kilos ko dahil ayokong maiwan.
Lalo na't dito nakasalalay ang grado ko.
"Alis na ako, Ma," paalam ko.
She just hummed as a response. Kaya't kinuha ko na ang bag na nasa upuan. Tumakbo ako papalabas ng aming bahay hanggang sa eskenita. My shoulders immediately dropped when I couldn't find a ride to school.
I mean, hindi naman gaano kalayo sa amin ang eskwelahan. Pwede itong lalakarin. Kaso ma-le-late ako kung lalakarin ko pa. I was quick to clicked my tongue in disappointment to myself. Sinabunutan ko ang aking sarili.
"Fuck it." Pag-surrender ko't tumakbo papuntang paaralan. "Nakakasira ito ng kagwapuhan gago," ang sabi ko na lamang. "'Pag ito nasira, naku, hindi ko na mapapantayan si Paulo Avelino."
Good thing, nandito pa ang bus na aming sasakyan nang makarating ako. Bad thing is haggard na haggard na ako. Umagang-umaga, punong-puno na ako ng pawis. Sobrang messy na ng buhok na kakasuklay ko lang. Itinukod ko ang aking parehong mga palad sa tuhod, hinahabol ang hininga.
Para akong hinahabol ng isang mabangis na aso sa kanto.
"Yo, buti hindi ka late, pre." Boses ni Jan Paul ang sumalubong sa aking tenga. "Para kang tae sa hitsura mo." Panlalait niya pa.
Tinignan ko siya ng masama. Pero ang gago tinignan lang ako nang nakangisi. When my breathing is now stable, I drink a warm water from my tumbler. Inayos ko ang aking polo uniform, at isinukbit ang backpack ko sa aking kaliwang balikat.
I brushed my disheveled hair using my hand.
Tinignan ko si Jan Paul mula ulo hanggang paa. Wala pa rin namang nagbago sa pamamaraan ng pananamit niya. Maayos pa rin. Pero ayokong magpapatalo sa laitan.
"At para kang kinakalawang na pwet ng kawali," komento ko pa.
He burst out in laughter after what he heard from me. Dahilan para mapatingin ang mga tao sa kaniya. Lalo na sa mga teachers. When he realized that, he made a peace sign. Pagkatapos ay sumunod sa akin at sinapak ako sa braso.
Twenty years old na ako, nasa grade eleven pa ako. Ito ay dahil nahinto ako noong namatay ang mga magulang ni Mama. Noong napunta kami rito, hindi na muna ako nagpatuloy upang tulungan si Mama sa pag-a-adjust sa bagong environment.
On the other hand, orihinal na taga Manila si Jan Paul kaya siya lang kumakausap sa akin ng Tagalog. We've become friends this school year. Kahit na mas matanda ako sa kaniya, ewan ko, pero ang gaan-gaan ng pakiramdam kapag kasama ko siya. Tila ba'y matagal na kaming magkakaibigan.
"The letter," malamig na wika ng aming guro na nasa labas ng pintuan ng bus.
Out of the corner of my eyes, I saw Jan Paul casually handed the letter to her. Habang ako naman ay kanina ko pa hinahanap sa bawat sulok ng bag ko. Dahilan para pinagpawisan ako ng kaba. Nawala ako sa pokus sa paghahanap nang sikuhin ako ni Jan Paul.
Napansin ko naman ang nakataas na kilay ng aming guro.
"Naiwan ko sa bahay," I mouthed him.
He looked at me in disbelief. Sinapo niya pa ang kaniyang noo. Tumingin kami pareho kay Ma'am. And awkwardly smiled. Kamot-kamot ko pa ang aking batok.
"Ma'am . . ." pagtawag ko sa kaniya sa mahinang boses. "Nabiyaan nako sa balay ang akoang letter of consent tungod sa pagdali-dali. Pwede extend gamay og time para balikon nako, Ma'am?" I pleaded. (Naiwan ko po kasi sa bahay ang aking letter of consent dahil sa pagmamadali. Pwede po extend ng kaunting time para balikan ko, Ma'am?)
I heard her heave a sigh.
"I am sorry, I can't do that, Mr. Sarsozo," she impetuously declined. "Time is precious, and we don't want to humiliate the campus if we are going to be late to arrive at our destination."
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Jan Paul looked at me with sympathy. Ngumiti na lamang ako nang mapait. I gestured him to just go. Kahit na labag man sa kalooban niya, sumakay na siya ng bus. Jan Paul seated at the edge of the bus near the window.
"Ma'am, wait! Hansel!" Nagmamadaling bumaba si Mama sa sinasakyan niyang tricycle. "Ma'am, naa ray letter ang akoang anak!" Bigay alam niya sa aming guro.
Lahat nawala ang paghihinayang ko nang i-abot ni Mama ang letter sa akin. Puno ng pananabik ko siyang niyakap at nagpasalamat sa kaniya. Tumakbo ako papalapit kay Ma'am, saka ito inabot sa kaniya.
Nag-apiran pa kami ni Jan Paul nang makasakay na ako sa bus. The bus's engine immediately came back to life. Bago pa man kami mawala sa paningin ni Mama ay tinapunan ko siya ng isang halik, at kinawayan siya.
I can't wait how this field trip turns out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro