Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE







Mabilis na tumakbo ang sampung taong gulang na si Blaze patungo sa backpack at lunch box na nakapatong sa bench nang makita ang paghinto ng sasakyang sundo sa tapat ng gate ng paaralang pinapasukan. He had been waiting for almost an hour and his Papa Kelvin had finally arrived.

           Hinablot nito ang mga gamit at muling tumakbo patungo sa gate. Nang mapa-daan sa nakabantay na guard ay huminto muna upang magpaalam.

           Pamilyar ang guard sa kotseng nakahinto, at alam nitong iyon ang sundo ng bata, kaya nakangiti nitong binuksan ang gate para kay Blaze. He smiled back at the kid and waved goodbye.

           Si Blaze, nang marating ang kotse, ay kaagad na pumasok sa passenger's seat. Inilatag na muna nito ang mga bitbit sa tabi bago dumukwang at akmang babatiin ang amain nang matigilan.

           "How's school today, buddy?" nakangiting bati ng Tito Draco nito na siyang naka-upo sa driver's seat. Napangisi ito nang makita ang pagsimangot ng pamangkin. "Come on now—ngayon lang tayo muling nagkita tapos ay ganiyang mukha pa ang ihaharap mo sa akin?"

           Bumalik sa pagkakaupo si Blaze, inisandal ang likod sa leather seat, humalukipkip, at pairap na itinuon ang pansin sa labas ng bintana na lalong ikina-ngiti si Draco.

           Draco Salvaje was Blaze's uncle; nakatatandang kapatid ito ni Mikayla Salvaje, ang ina ni Blaze. Si Draco rin ang nagmamay-ari ng isang malaking pub sa bayan ng Carmona, ang Western Spice. He was a forty-year-old single man who wore cowboy boots and hats, acting like he was in some kind of a Western cowboy movie.

           He was a cool guy and Blaze was close to him... well, not this day. Dahil ang araw na iyon ay mahalaga sa bata at inasahan nitong ang susundo ay ang amahing si Kelvin.

           "Where's Papa Kelv?" Blaze asked, still eyeing outside the car window.

           "Nah, may inasikasong mahalagang bagay ang Papa Kelv mo," sagot ni Draco bago pinasibad ang sasakyan.

           Humaba ang nguso ni Blaze sa tampo. "Sabi niya ay siya ang susundo sa akin ngayon dahil pupunta kami sa pet shop. He promised to get me a dog."

           Kaarawan ni Blaze kinabukasan at pinangakuan ito ng amain na ikukuha ng alagang aso bilang regalo. They were meant to visit the pet shop that day and his stepfather promised to fetch him, pero tulad ng mga nakaraang pangako nito'y hindi iyon natupad.

            At ang negosyo ni Kelvin na hardware store sa city center ang madalas na dahilan—kung hindi dahil sa biglaang deliveries at client complaints, ay mga basagulerong trabahador naman na kailangang dalhin sa police station ang inaasikaso nito.

           He was a dedicated businessman who had competitors around the city waiting for his fall—kaya ganoon na lang ang dedikasyon ni Kelvin na maging hands-on sa negosyo. Sa dami ng nagtatayuang mga hardware stores sa bayan ng Carmona, hindi ito maaaring magpabaya—lalo at ang store nito ang pinakamalaki at pinagkakatiwalaan ng mga taga-roon.

           And Blaze could do nothing about it, but to pucker his tiny lips and sulk.


*

*

*


           Sa durasyon ng byahe pauwi ay panay ang kwento ni Draco sa pamangkin subalit si Blaze ay sumagot-dili rito. He was consumed with disappointment; at hanggang sa makarating sa bahay ay hindi ito namansin.

           Pagpasok sa driveway ay kaagad na nakita ni Blaze ang nakaparadang sasakyan ng amain sa garahe. Nang huminto ang kotseng minamaneho ng tiyuhin ay mabilis itong lumabas at iniwan ang mga gamit sa passenger's seat.

           Dire-diretso ito sa loob, at noong nasa sala na ay inabutan ang amain na naka-upo sa couch kaharap ang ina. He was about to greet his parents when his eyes landed on someone else; someone so little that he almost didn't notice. She was sitting beside his Papa Kelv, hands trembling as she clutched Kelvin's arm.

           Nahinto si Blaze at pinagmasdan ang batang nakasiksik sa tabi ng amain niya. The little girl was frail; her hair color was different from the children in his school. Ang mga mata nito'y tila hindi na nawalan ng luha.

           "Who is she?" tanong ni Blaze na nagpalingon sa mga magulang.

           Si Mikayla, ang ina ni Blaze, ang tumayo at nakangiting sinalubong ang anak. She kissed him on the cheek, which Blaze answered with a light smile.

           "Papa Kelv has brought someone," masuyong wari ni Mikayla sa anak bago nito iyon banayad na hinila palapit sa sofa.

           Si Kelvin Ramoz, ang amain ni Blaze, ay tumayo at sinalubong ang bata. He bent his knee to meet his eyes and held his shoulders.

           "How was school?"

           "It was fine."

           Tumango ito. "I want you to meet someone."

           Lumampas ang tingin ni Blaze sa batang payukong naka-upo sa sofa. He could barely see her face because her hair was covering it. Salubong ang mga kilay na ibinalik nito ang mga mata sa amain.

           "You promised to collect me from school."

           "I'm sorry, son. I had to go to—"

           "Work? Again?"

           Pilit na ngumiti si Kelvin. "There's something important—"

           "Siya ba ang dahilan kaya hindi mo ako sinundo?" Muling tinapunan ng tingin ni Blaze ang batang babae, in-ismiran, saka tiningalang muli ang amain. "Whatever happened to your promise to get me a dog?"

           "Bukas na tayo pumunta sa pet shop—"

           "'Yan din ang sinabi mo last week."

           Napabuntong-hininga si Kelvin. "Blaze, you see—"

           "We agreed. You promised. And why did you bring her instead of a dog? I would rather have a puppy in this house than some ugly girl."

           Sa narinig mula sa anak ay malakas na napasinghap si Mikayla. "Blaze! What is wrong with you today?"

           "Nothing! I just hate it when someone breaks a promise!"

            Tumalikod na si Blaze bago pa man makasagot si Kelvin. At nang akma itong pipigilan ng ina ay mabilis itong tumakbo paakyat sa second floor.

           Si Draco na kapapasok lang sa front door bitbit ang mga gamit ng pamangkin ay nagsalubong ang mga kilay. Inabutan nito ang pagdabog na pag-akyat ni Blaze sa hagdan, at ang pabagsak na pagsara nito ng pinto ng silid.

           "Tsk—hindi pa teenager pero pasaway na," komento ni Draco sabay iling. Itinuloy nito ang pagpasok, saka inilapag sa entry table ang backpack at lunch box ng pamangkin.

           "It's my fault," sabi naman ni Kelvin na nanatiling nakatingin sa hagdan. "Noong isang linggo pa namin pinagplanuhan ang pagpunta sa pet shop pero laging nauudlot dahil sa mga emergencies ko."

           "I'll talk to him," sabi naman ni Mikayla bago sumunod sa anak.

           Nang tuluyan na itong naka-akyat ay ibinalik ni Draco ang tingin kay Kelvin, subalit nang may mapansin itong maliit na pigura sa likod ng lalaki ay muli itong kinunutan ng noo.

            "Who is that?" Draco asked, staring curiously at the little girl.

           Si Kelvin ay nilingong din ang batang tahimik lang na nakaupo sa sofa.

           "She's an orphan. Iniwan siya ng bagong saleslady na noong isang linggo lang ni-employ sa store. Kaninang tanghali ay umuwi raw muna at nang bumalik ay may dala nang bata. Nagsabing may bibilhin lang sa palengke at iniwan sa sekretarya ko ang bata pero inabot na ng hapon ay hindi pa rin bumabalik. Nang pinapuntahan ko sa tinitirhan nila'y umalis na raw dala-dala ang mga gamit. Ayon sa mga kapitbahay nila ay wala pa raw silang isang buwan na naninirahan doon."

           "Anak ba siya ng bago mong saleslady?"

           "No, anak siya ng kapatid ni Mirasol, the saleslady. Nagkwento siya kanina sa sekretarya ko na dalawang taon nang patay ang mga magulang ng bata—it was a fatal car accident."

           "At silang dalawa lang ang narito sa Carmona?"

           Tumango si Kelvin. "Ayon sa mga kapitbahay nila ay madalas daw na naiiwan ang bata doon sa apartment sa tuwing pumapasok sa store si Mirasol. Little did I know that she was planning on abandoning this little girl."

           Si Draco ay muling sinuyod ng tingin ang bata na sa mga sandaling iyon ay nilalaru-laro ang laylayan ng suot na lumang bestida. "Dinala mo na ba sa pulis? You need to report this, dahil kung hindi ay baka iba ang maging kapalit ng pagmamalasakit mo."

           "I did. Pero ang sabi ng mga pulis ay maaaring balikan pa ni Mirasol ang bata. I called Mikayla and told her about it, and I was going to call the social welfare center when your sister decided to just take the child in."

           Napailing si Draco sabay palatak. "Kapag tumagal 'yang bata rito ay baka mahirapan ka nang ilayo 'yan kay Mikayla. You know how she wanted to have a daughter."

           "I know, pero pinagbigyan ko na. Parang hindi mo naman kilala ang kapatid mo."

           Draco shook his head in amusement.

           "Anyway, iniwan ko sa presinto ang contact numbers at address ko. Sakaling bumalik si Mirasol upang kunin ang bata ay hindi na siya mahihirapan. Why she left the child is still bugging me."

           "Paano kung hindi na bumalik pa?"

           "Ayon sa mga pulis, kapag hindi pa bumalik si Mirasol sa loob ng isang buwan ay kailangan na naming dalhin sa shelter ang bata. If that happens, I'll talk to Mikayla. Nakita kong magaan ang loob niya kanina kay Jhane kaya baka naisin niyang ampunin na lang namin."

           Muling napa-iling si Draco sa pagkamangha, bago sinulyapang muli ang batang na ngayon ay kinukutkot na ang kuko sa daliri. 

           "How old is she?"

           Muling nilingon ni Kelvin ang bata bago sumagot. "Ang sabi niya ay pitong taong gulang na siya."

           "Doesn't look like it. She has a body of a four-year-old."

           "I know" Nagpakawala ng buntong-hininga si Kelvin. "Maraming mga bata ang ipinapanganak sa mahirap na pamilya at ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay tila pangarap lang. She must have had a hard life, I feel sorry for her."

           "Well, if you and my sister are planning to adopt her should her aunt never comes back, you need to work out Blaze. Sa nakita ko kanina ay mukhang hindi niya nagustuhan ang presensya niya." Draco puckered his lips, pointing at the little girl. 

           Si Kelvin ay napabuntong-hininga muli bago tumingala sa taas.

           "Sa akin siya may tampo, I'm sure na kapag nakabawi na ako sa kaniya ay mawawala rin ang sama ng loob niya. You know your nephew, he's a good kid."





***





           It was Blaze's eleventh birthday the next day. Nagkaroon ng kaunting selebrasyon sa bahay ng pamilya at imbitado ang mga guro at kaklase ng bata, pati na rin ang mga trabahador ni Kelvin sa hardware store. Nagpa-cater sila para sa handa, at nag-organisa ng mga games para sa mga bata.

           Masaya si Blaze sa araw na iyon, at kalaunan ay nawala na rin ang tampo para sa amain, lalo at ang regalong dinala ni Kelvin para rito ay ang matagal na nitong gusto; a Golden Retriever puppy.

           Kasama ang mga kaklase ay nakipaglaro si Blaze sa bagong alaga doon sa hardin. They were playing fetch when Blaze noticed someone crouching behind the plants. Nakasilip lang at tila takot na takot dahil napansin din nitong nanginginig ang kung sino man ang naroon.

           "Hey! What are you doing there?"

           Ang mga kalaro ni Blaze ay nahinto rin at napatitig sa nagtatagong bata sa likod ng mga halaman.

    Sa pagkakataong iyon ay naging malikot ang tuta, tumakbo ito patungo roon sa halamanan at tumahol nang tumahol—marahil ay naramdaman ang takot ng taong naroon.

           A muffled cry came out—and Blaze instantly knew who's out there.

           Lumapit ito at banayad na hinila ang collar ng tuta saka kinarga bago hinila ang kamay ni Jhane na nanginginig sa takot. Impit na tumili ang batang babae, nagmatigas.

           "What is wrong with you?" singhal ni Blaze, hila-hila pa rin sa kamay si Jhane na ayaw tumayo, habang ang tuta ay patuloy sa pagtahol. "Why are you hiding there like a stray cat?"

           Hindi sumagot si Jhane, tulad ng kung paano itong hindi sumasagot sa tuwing kakausapin nina Kelvin at Mikayla simula pa nang dumating ito kahapon.

           "Bingi ka ba? Pipi? Ano ba'ng problema mo?" galit na tanong ni Blaze nang patuloy na nagmatigas si Jhane. "And what are you doing here hiding like a creep?"

           "Blaze, who is she?" tanong ng isa sa mga kaklase nito.

           Hindi pinansin ni Blaze ang kaklase at patuloy na hinila si Jhane hanggang sa napasudsod ito sa Bermuda grass at umiyak nang malakas.

           Biglang natilihan si Blaze. Napaluhod ito sa harap ni Jhane at akma sana itong tutulungan nang biglang kumawala sa pagkaka-karga nito ang tuta at dumagan kay Jhane.

           The puppy was only trying to play, but Jhane misunderstood it as an attack. Tumili ito sa matinding takot at sumigaw ng,

           "Tulong! Tulong!"

           Si Blaze ay sinubukang hilahing muli ang collar ng alaga subalit biglang tumalon ang aso; ang mga paa nito'y dumapo sa ulo ni Jhane na patuloy sa pag-iyak, at sa hindi inaasahang pangyayari ay nakalmot nito sa pisngi ang batang babae dahilan upang muli itong tumili.

           Iyon na ang inabutang eksena nina Mikayla at Kelvin. Hangos na lumapit si Mikayla kay Jhane habang si Kelvin naman ay sandaling natigilan nang makita ang dugong dumaloy sa pisngi ng bata.

           Si Blaze ay napa-atras nang makita ang sugat ni Jhane. At sa takot na mapagalitan sa hindi sinasadyang pangyayari ay napatakbo ito papasok sa bahay at paakyat sa silid nito.

           Ayaw nitong mapahiya sa harap ng mga kaklase, kaya bago pa man ito mapagalitan ng amain o ng ina ay kaagad na itong umalis doon upang magkulong sa silid.

           His eleventh birthday was ruined—thanks to Jhane.

           Pero ang hindi alam ni Blaze ay simula pa lang iyon.

           Because that little orphaned girl... would soon cause havoc into their lives, and would destroy his family.





***








A/N:


Hi there! Thank y'all for patiently waiting--heto na ang ika-limang book ng TAS! Yay!

Hindi ko alam kung kailan ang susunod na chapter--I can't and won't promise anything up to this date, sa dami ba naman ng drafts ko. Also, please note that I am planning on signing this story in a non-exclusive contract under a certain platform. More details will be announced soon.

I'm sure you understand why I would be doing this-- mahirap na ang buhay ngayon, mga ses. Kailangang kumayod ni Utor :)))

Thank you so much for your support and I'll catch you soon!

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro