Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 024 - That One, Rainy Night




            Maagap niyang ini-kubli ang sarili. Muli siyang yumuko at naupo sa sahig, muli niyang niyakap ang bag at muling ipinikit ang mga mata. Umaasa siyang dala lang ng antok, pagod, at gutom kaya niya nakikita at naririnig si Ryu Donovan doon.

He is not real... He is not real. Here is not here.

Pero ayaw dinggin ng langit ang panalangin niya. Dahil totoong may kasama siya sa library. At napatunayan niya iyon nang makarinig siya ng kalabog, kasunod ng ingay mula sa mga nahulog na aklat at pagmumura ni Ryu.

"Ah, damn it. Now I made a  mess."

Ang sunod niyang narinig ay ang pagbukas ng pinto at muling pagsara niyon.

Huminga siya nang malalim. Mukhang umalis na si Ryu.

Nagbilang siya ng hanggang sampu. Sa ika-sampu ay saka siya unti-unting tumayo. Sa mga sandaling iyon ay nasanay na ang kaniyang mga mata sa dilim, kaya kahit papaano ay nakikita na niya ang daan papunta sa pinto. Dahan-dahan siyang naglakad upang hindi maka-sagi ng kung anong gamit. Ayaw niyang maantala ang pag-alis niya.

Wala na siyang pakialam sa ulan. Susuungin na lang niya iyon, at hindi bale nang mabasa siya. She needed to leave now, lalo't alam niyang narito rin ang Ryu Donovan na iyon sa ganitong oras.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagbaybay sa madilim na library nang biglang bumukas ang pinto at isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mukha.

She covered her eyes with her arm as she tried to see who did that..

Pero bago pa man niya maaninag kung sino iyon ay muli niyang narinig ang pamilyar na tinig,

"Luna?"

Muling kumulog nang malakas dahilan kaya siya napa-uklo sabay pakawala ng impit na tili. Muli niyang ipinikit ang mga mata at mahigpit na niyakap ang bag.

Si Ryu ay mabilis na lumapit at hinawakan siya sa siko saka siya inalalayang maupo sa isa sa mga stool. Gusto niya itong itulak, pero mas nangingibabaw ang takot sa kaniyang dibdib higit sa kung ano pa man. At tila may sariling buhay ang kaniyang mga kamay, dahil kusa ang mga iyong umangat at kumapit sa braso ni Ryu upang doon ay kumuha ng lakas... o tapang.

Nagpatuloy pa ang pagkulog at pagkidlat, kaya kahit na nakaupo na siya ay hindi pa rin niya maalis ang kamay mula sa pagkakahawak sa braso nito. At hindi niya alam kung gaano sila katagal na ganoon. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakahawak sa braso nito, at ito sa kanang siko niya. He also didn't take his hand off her.

Lumipas pa ang ilang segundo, nahinto muli ang pagkidlat at pagkulog. Doon unti-unting naging mahinahon ang pakiramdam niya. At doon lang siya muling nagmulat ng mga mata. Pagmulat niya'y ang nakalapag na ilaw sa sahig ang una niyang nakita; and she realized it was a flashlight. Umangat pa ang kaniyang tingin at nahinto sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Sandali siyang natigilan. Nakaluhod ang isang tuhod ni Ryu kaya magka-lebel ang kanilang mga mukha.

And her hand was gripping his muscled arm. Yes– muscled. Hard and toned. And she realized that he actually had a sporty body. Dahil laging nakatakip ng topcoat ang katawan nito'y hindi niya masabi kung anong uri ng katawan mayroon ito. At first look, Ryu Donovan seemed like someone who had a regular body in his age. Hindi payat, hindi mataba, pero hindi rin maskulado.

Boy, was she wrong.

Kung ang pagbabasehan ay ang nararamdaman ng kamay niya ngayon, she could easily tell that this man was constantly working out to build those muscles around his triceps and biceps.

"Are you okay?"

Nagising ang diwa niya nang marinig ang sinabing iyon ni Ryu. Tila napapasong inalis niya ang kamay mula rito sabay iwas ng tingin.

"What are you doing here, Luna?" Kay banayad ng tinig nito.

"N-Nakatulog ako habang hinihintay na tumila ang ulan..." Banayad niyang binawi ang braso upang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. "Why are you here?"

Napabuntonghininga ito, at sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang paglinga nito sa paligid. "I was looking for Bella."

She turned to face him. "The cat?"

Ngumiti ito at ibinalik ang tingin sa kaniya. "Yes, the cat. I was worried about her, hindi ko siya mahanap sa mga lugar na lagi niyang pinupuntahan. Maaga akong dumating para siguraduhing maayos lang siya sa pinagtataguan niya roon sa likod ng Literature Department building. I moved her to the storage area where I knew she would be safe. Bago ako umuwi ay muli ko siyang binalikan, pero wala na siya roon sa pinag-iwanan ko. She probably left because the storage area was flooded. Inikot ko na halos ang buong campus, hanggang sa naalala kong minsan ay napapadpad din siya rito sa library. Saktong pagdating ko rito ay saka naman nawalan ng kuryente. I just left to borrow this light. Nakasalubong ko ang guwardiya"

Hindi na siya nagsalita pa. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa bag at inituon ang tingin sa salaming bintana. Dahil sa dilim ay hindi niya makita ang sitwasyon sa labas, pero dinig na dinig niya ang malakas na pagbagsak ng ulan at kulog mula sa hindi kalayuan.

"I didn't know you're here. Wala nang tao sa lobby maliban sa pang-gabing guwardya nang pumasok ako rito."

Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy ito.

"Ang sabi ng guard na nakasalubong ko ay natumba ang poste ng kuryente sa likod, the generators should be up and running in a while. So, let's just stay here until the lights are back."

Nanatili siyang tahimik at muling niyakap ang bag saka yumuko.

Si Ryu naman ay tumayo at inilibot ang tingin sa paligid kasabay ng pag-ikot nito ng flashlight. She watched him silently.

Ryu Donovan was a total package. Tall– probably over six feet, has a toned body, and a dashingly gorgeous face. His chiseled jaw, chinky eyes, high-bridged nose, and somewhat heart-shaped lips complimented each other. He was indeed one of the most handsome on the campus.

But despite his good looks and elegant fashion style, she just couldn't force herself to like him back. Because there was something about him that turned her off– that pissed her off.

His angst.

His popularity.

His personality.

His perfection.

Na kahit siguro hindi nangyari ang nangyari sa pagitan nila noong unang araw ng pasukan ay hindi pa rin niya ito magugustuhan.

Because he was Ryu Donovan.

And everything about him just left her cold.

            "Oh, there you are, Bella!"

             Napakurap siya at nagising sa matamang pagsuri kay Ryu nang marinig niya ang tinig nito. Ini-tutok ni Ryu ang ilaw sa ilalim ng information desk at mula roon ay sumulpot ang pusang hinahanap nito.

"Oh, Bella. I'm so glad you're safe," sabi pa nito bago lumapit sa alaga. Maingat nito iyong binuhat at humakbang patungo sa harap ng salaming bintana. Ipinatong nito ang pusa sa mababang shelf saka nito maingat na hinaplos ang balahibo. "I had to maintain distance so I don't trigger your allergy."

And she understood that his last statement was meant for her.

Sumandal si Ryu sa pader at ipinatong din ang flashlight sa tabi ni Bella. Ang ilaw niyon ay nakatutok sa ibang direksyon upang hindi siya masilaw.

"I really love cats," anito makalipas ang ilang sandali. Nakayuko pa rin ito sa alagang pusa habang patuloy sa paghimas. "I actually have four in our house."

She wanted to roll her eyes.

Wala siyang paki.

Bagot niyang ibinaling ang pansin sa katabing bintana ni Ryu, at doon ay pinagmasdan niya ang malakas pa ring pagbuhos ng ulan.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay umuwi na lang sana ako nang maaga.

"Can I ask you something, Luna?"

Ibinalik niya ang tingin dito. "I prefer not."

Bahaw itong ngumiti. "Would you prefer to listen to the sound of thunder rather than me talking, then?"

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "K, fine. What do you want to ask?"

Lumapad ang ngiti nito, muling niyuko ang pusa at hinimas, bago nag-umpisang magtanong. "Do you have a close relationship with your father, Attorney Castillo?"

"We are a close-knit family; malapit kami sa isa't isa."

Tumango ito. "He's quite a loving father, isn't he?"

"Why are you so interested in my father?" May bahid ng irita sa tinig niya.

Nagkibit-balikat ito. "Because I never bonded with my father... and after meeting your dad and seeing him interact with you and your brother, I began to question if that was how fathers were supposed to treat their children."

Nalusaw ang iritasyon niya sa narinig, at nakuha ng sinabi ni Ryu ang kaniyang interes. "Ano ang... relasyon mayroon kayo ng tatay mo?"

Matagal bago nakasagot si Ryu. "Nothing like yours, for sure. We always fight and argue."

"Kaya ka ba umuwi rito sa Pilipinas?"

"That's just one of many reasons." Muli siyang sinulyapan ni Ryu, at sa pamamagitan ng ilaw na nagmumula sa flashlight ay nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. "My mom decided to send me here. Naging malala ang pagtatalo namin ng tatay ko kaya inilayo muna niya kami sa isa't isa. Then, a few months later, my mother followed. But all they did was fight every time they spoke on the phone, and it drained my mom so she decided to just annulment him. Hence, my appearance at your house."

Muli na naman niyang naalala ang nangyari noong Sabado. Nang umalis sina Ryu at Blaze ay kinompronta niya ang ama Tinanong niya kung bakit niya pinayagan si Ryu na ligawan siya pagtuntong niya ng disi-otso, at simple ang naging sagot ng daddy niya;

"I have been a lawyer for almost twenty years now, sweetheart. So, I could confidently say that I am a very good judge of character. Just one look is all it takes for me; Mr. Donovan is a good man, and his intentions are sincere."

Ismid lang ang ini-sagot niya roon, at kahit sa daddy na rin mismo niya nanggaling– ay hindi pa rin siya kombinsido sa intensyon sa kaniya ni Ryu.

"Was that how fathers were supposed to treat their children, Luna?" Ibinaling ni Ryu ang pansin sa labas ng bintana habang patuloy sa masuyong paghaplos sa balahibo ng alaga. "Laughing with you, supporting your hobbies, listening to your stories during a meal... Ganoon ba dapat?"

Wala sa loob siyang tumango. "Fathers are supposed to be their children's anchor...and act as their children's rock when they are in need of emotional support. Fathers encourage their children to be the person they wanted to be, and serve as their children's first role model in life. My mom always says that her role was to build our heart, but dad's role was to build our character."

Muli siyang sinulyapan ni Ryu. "Ang lahat ng sinabi mo ay kabaliktaran ng nakikita ko sa tatay ko. He was never supportive, never set himself as a good role model, never there when I needed a father-figure. If it wasn't for our butler, I wouldn't have learned how to be a man." Yumuko ito at ini-tuon ang pansin sa alaga. "The last time we saw each other, I told him that I wished he was not my father. He called me ungrateful and hit me in the face." Sinundan nito iyon ng bahaw na tawa. "Pero mas masakit pa rin ang sampal mo kaysa sa suntok niya. Yours was more memorable, too."

Hindi niya magawang tumugon kaagad; natahimik siya nang mahimigan ang lungkot sa tinig ni Ryu. At iyon ang unang beses na nahimigan niya iyon dito.

She was used to him being cheerful.

"Kaya ka ba basagulero? Dahil hindi healthy ang relasyon mayroon kayo ng tatay mo ay sa iba mo ibinubunton ang inis mo. Is that what it is?"

Sa sinabi niya'y banayad na natawa si Ryu. "Basagulero? Ako? Buttercup, I don't involve myself in meaningless fights. There are always two reasons why I fight; one is when I need to protect people who need protection, and two–  if I need to protect myself. Hindi basagulero ang tawag doon; hindi ako nag-aamok at hindi ako nananakit ng tao dahil trip ko lang. Plus, I choose who I fight.  At hindi ako naging ganito dahil sa tatay ko." Nabawasan ang ngiti nito sa mga labi. "There was... something... that triggered me."

Ang akma niyang pagtatanong kung ano ang dahilan ng naging actions nito ay naudlot nang sa muli ay kumulog nang malakas na ikina-uklo niya. She covered her ears with her hands and closed her eyes. Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya at nakita si Ryu na nakatitig sa kaniya; at sa kabila ng dilim ay nakita niya ang pagdaan ng pag-aalala sa anyo nito.

"I wanted to comfort you, but I touched Bella. I don't want to trigger your allergy."

Hindi siya nakasagot dahil mula sa salaming bintana ay nakita niya ang muling pagguhit ng kidlat sa langit. Sa pag-aakalang muling kukulog ay napauklo siyang muli sabay pikit ng mga mata. At nanatili siyang ganoon sa mahabang sandali bago niya napansin ang paghakbang ni Ryu palapit.

Nag-angat siya ng tingin at sininghalan ito, "Don't come near me!"

"I won't." Nagpatuloy sa paghakbang si Ryu at sinigurong hindi makalapit nang husto nang lampasan siya nito. Dumiretso ito patungo sa pinto ng library. Nakasunod lang ang tingin niya hanggang sa makita niya itong inabot ang isang instrumentong nakapatong sa mesa katabi ng mga magkapatong na libro.

Ryu blew the dust off that instrument before walking back to where his cat was.

Sa pagtataka ay unti-unti niyang ini-tuwid ang katawan at ibinaba ang mga kamay.

Nang makabalik si Ryu sa pwesto ay tinipa nito ang hawak na instrumento. Ngumiti ito nang makuha ang tono.

"Do you know what this instrument is called?" he asked, shifting his gaze back to her. Sumandal ito sa pader katabi ng bintana at ini-taas ang isang paa saka ini-tukod sa pader upang i-balanse ang sarili.

Bumaba ang tingin niya sa instrumento. Kapareho iyon ng ginagamit ni Lilo sa paboritong animated series ng kapatid niyang "Lilo and Stitch". It looked like a small guitar.

"This is called ukulele," sagot ni Ryu sa sariling tanong. "My father's driver was Hawaiian and he taught me how to play this back in my teens. I'm not sure if I could still do it, though." Ngumisi ito. "How about you, Luna? Do you also play any type of instrument like your brother?"

Inirapan niya ito. "I'm not into music. At h'wag mong pakialaman 'yan dahil hindi sa 'yo 'yan."

"Well, finders keepers. At kung sino man ang nakaiwan nito ay dapat na pagalitan; why would someone bring an instrument into a noise-restricted place like this? Hindi ba ay pag-labag sa batas ng library 'yon? You like to preach the library's rules and regulations, don't you? So I expect you to reprimand whoever owns this ukulele tomorrow."

Muli niya itong inirapan na ikina-ngisi lang nitong muli. Ilang sandali pa ay muli nang kinalabit ni Ryu ang string ng hawak na instrumento, hanggang sa nag-umpisa itong tumugtog ng hindi pamilyar na musika.

"I'm about to breach the library rules, Buttercup," he said, sheepishly grinning. "But please don't reprimand me for doing so."

Ang akma niyang pagsagot ay naudlot nang mag-umpisa na itong kumanta. At natigilan siya dahil malibang hindi pamilyar na kanta ang kinanta nito'y ibang lenggwahe rin ang ginamit.

Ryu Donovan sang a Japanese song and it sounded so relaxing yet... so devastating.

Tila awitin ng isang nagmamahal na matagal hindi nakita ang kabiyak. Awiting puno ng lungkot, hinagpis, pagsusumamo. Awiting kung pakikinggang mabuti ay magdadala sa nakikinig sa ibang dimensyon.

And it actually did to her. Because as she listened, she felt like she was magically transported to an island on a sunny day. At habang nakikinig siya sa patuloy na pag-awit ni Ryu, pakiramdam niya'y may naririnig din siyang mga hampas ng alon sa dalampasigan, at huni ng mga pang-dagat na ibon na lumilipad sa maaliwalas na kalangitan. She closed her eyes and waited for the images of what she was feeling transpired in her mind. At nanatili siyang ganoon sa mahabang sandali habang patuloy si Ryu sa pag-awit.

Hanggang sa natapos... at napamulat siya.

Nagtama ang mga mata nila ni Ryu, at sa mahabang sandali ay nanatili lang silang magkatitig.

            She wondered what he was thinking?

            And she wondered why she couldn't take her eyes off him?

            Ito na yata ang pinakamatagal na nakipagtitigan siya sa lalaking ito. At ito rin ang unang beses na nakipagtitigan siyang walang naramdamang iritasyon sa dibdib.

            And she couldn't help but question her sanity. Okay lang ba siya? Kinain na ba ng takot, pagod, at gutom ang katinuan niya?

"Did you like it?"

Napakurap siya. "W—What?"

Ngumisi si Ryu saka niyuko ang pusa. "Did you like it, Bella?"

Meow was the cat's only answer— as if it understood him.

She puckered and straightened her back. "How did you learn to sing like that?"

She didn't want to admit it, but she was impressed by Ryu's voice. She didn't know he could sing. And top of it all, he could sing a Japanese song fluently!

Muli siya nitong sinulyapan at nginitian. "Like what?"

"Like that. I didn't know you could sing– Japanese for that matter."

Lumapad ang ngiti nito. "My mother is quite a singer– Pinoy raw, eh. So, the talent comes naturally." Ryu chuckled at that, and she stared at him in awe. "And because my father is half Japanese, I can understand and speak Nihongo fluently. Plus, I was born in Japan and lived there until first grade; Nihongo is like my second language. Tagalog being the third."

Hindi siya kaagad nakasagot sa sinabi nito. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari sa sarili; kanina pa siya natutulala katititig sa lalaking kaharap. At pilit niyang nilalabanan ang pwersang humihila sa kaniya sa... pagkakahulog?

What the heck?

"Why?" si Ryu nang mapansin ang pananahimik niya. Nasa mukha na naman ang nakalolokong ngisi.

She forced herself back to normal. She rolled her eyes upward and said, "Isa lang ang itinanong ko pero lima ang isinagot mo.".

Ryu giggled and said, "I just thought I'd let you know."

Hindi na siya nagsalita pa, at upang ituon ang pansin sa ibang bagay ay muli niyang sinulyapan ang salaming bintana. "Bakit ang tagal ng ilaw? Akala ko ba, ang sabi ng guard ay bubuksan ang generator?"

"That's what I thought, too. Pero sa tingin ko ay nagkaroon ng problema." Inabot ni Ryu ang flashlight at initutok sa bintana upang silipin ang sitwasyon sa labas. Ilang sandali pa ay hinarap siya nitong muli. "I'll go and check. Stay here–"

Napatayo siyang bigla. "Stay here? In this darkness? No way! I'm coming with you!"

Sandali itong nagulat sa pagtaas ng boses niya, hanggang sa napangiti itong muli, at sa tinig na puno ng pagpapaintindi ay, "Madulas sa labas; nakapasok ang tubig ulan dahil sa nakabukas na mga bintana sa hallway at sa pintong hinahampas pabukas ng malakas na hangin. It's safer here, so just stay here–"

"The hell I will!" Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack. "I'm coming with you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro