CHAPTER 019 - Felt Like Missing Peace of the Puzzle
"I haven't seen the Alexandros lately," komento ni Dani Biyernes ng hapon habang naglalakad sila patungo sa gymnasium para manood ng laro sa pagitan ng junior at senior high. "How long has it been? Two, three days? Ang huling kita pa natin sa kanila ay noong araw na tinampal nitong ns Queen Boss si Big Boss."
"Don't call me that, Dani," suway niya sa kaibigan.
Si Kaki na nakayuko sa cellphone at tumitipak ng message na ipadadala sa mga magulang ay nagsalita rin, "Ang narinig ko ay suspended sila hanggang sa Lunes. Kasi noong araw daw na iyon ay nakipagbugbugan sina Marco at Raven sa mismong opisina ni Miss Reni kung saan dumating ang mga magulang ng accounting student na ni-bully rito sa school. Naalala niyo 'yong babaeng hinatid nina Marco sa cafeteria noong lunchtime na 'yon? Her parents came that afternoon to complain; may kasamang pulis. Ipinatawag ang buong Alexandros para magbigay ng statement, at naroon din sa opisina ang mga bullies na ini-reklamo ng babaeng estudyante. Nagkapikonan ang dalawang kampo kaya hayon, nagsapakan sa harap ng mga adults. Kung walang pulis doon, baka napuruhan ang grupo ng mga bullies. Although sina Marco, Jet, at Raven lang naman ang nakipagbunuan, ang buong grupo na ang ni-suspinde ni Miss Reni para hindi mahalatang may pinapanigan siya."
"Wait..." Huminto si Dani at nakataas ang isang kilay na hinarap si Kaki. "May alam kang ganitong tsika pero hindi mo sinasabi sa amin?"
"Dahil walang nagtatanong. Besides, wala namang paki si Luna kaya bakit ko pa iku-kwento?"
"Kahit hindi na kay Luna, kahit sa akin na lang, ano!"
"Anong silbing malaman mo?" Bumungisngis si Kaki at itinuloy na rin ang paglalakad.
Siya na hindi nag-abalang huminto sa paghakbang ay nilingon si Kaki. "How did you know all that info, anyway?"
Sumabay muna ito sa kaniya bago sumagot. "Nasa faculty room ako kahapon para kunin ang mga papeles na pinakukuha ni Miss Blangko. Narinig ko ang pag-uusap ng mga teachers."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa.
Ngayon ay alam na niya kung bakit sa nakalipas na tatlong araw ay wala siyang naramdaman mula sa buong grupo. Walang origami, walang lunch, at walang mga asungot. Not that she needed and or missed those– hell no. Pero...
Pero bakit ganoon? Bakit ganito ang nararamdaman niya?
Yesterday, she cringed when she found herself staring at her desk, thinking about that stupid origami flower. Nagtayuan ang mga balahibo niya nang mapagtantong wala na sa tama ang takbo ng isip niya. Because why the heck would she think about that folded paper?
Pero lalong nagtumindig ang mga balahibo niya nang maisip niyang tuluyan nang sumuko si Ryu Donovan at makaramdam siya ng... hindi pamilyar na kahungkagan. That was not what she expected to feel! Inasahan niyang matutuwa siya, magsi-celebrate dahil sa wakas ay tinigilan na siya nito. But emptiness? Why?
It's not like she cared about them– about him? It's not like they were friends and she enjoyed seeing them around?
But then, the missing origami and Ryu Donovan's absence made her think about something. The last time she remembered feeling this way was when her mom stopped cooking Brandon's favorite ulam; pinakbet.
She hated pinakbet, lalo na 'yong okra at ampalaya. Pero dahil paborito iyon ng kapatid niya ay araw-araw na naghahanda ang mommy niya ng ganoon para kay Brandon. Each night during dinner, a bowl of pinakbet would always be seen on the table. Brandon was the only one who would eat that, and she would always look at it with disgust on her face. Magre-reklamo siya sa amoy ng bagoong na nakahalo sa ulam, pagkatapos ay tutuksuhin siya ni Brandon at ipakikita sa kaniyang sarap na sarap ito sa kinakain. She would then fakely throw up to respond to Brandon's teasing.
And then one day, due to Brandon's teeth extraction, pinagbawalan muna itong kumain ng mga solid na pagkain sa loob ng ilang araw. At sa loob ng ilang gabi ay walang pinakbet na niluto ang mommy nila, at sa bawat gabing iyon ay tulala siyang napapatingin sa bahagi ng mesa kung saan madalas na nakapatong ang bowl ng pinakbet. At dahil walang pinakbet ay walang tuksuhang nangyayari sa hapag; hindi siya kinukulit ni Brandon at hindi siya nakahahanap ng rason para buskahin din ito.
She was so used to seeing that food on the table that when it was gone, she felt so incomplete as if she was missing a piece of the puzzle. Family dinner without the food she hated the most had become so dull it bored her.
At nang dumating ang araw na pwede na ulit kumain si Brandon ng pinakbet ay muling nagluto ang mommy niya, and seeing that familiar bowl on the table brought her mood back to normal.
Oh, she still didn't like it. But that's the fun part. Dahil hindi niya gusto ang pinakbet ay may rason sila ng kapatid na magtuksuhan at magbuskahan, making their family dinner much happier. And that was the norm for her– for their family.
At ngayon... ganoong-ganoon ang nararamdaman niya.
She still didn't like Ryu Donovan– she still wouldn't want him part of her life. But the origami's absence on her desk and Ryu Donovan's disappearance made her feel slightly uncomfortable, and she didn't know when it started.
All she knew was that, at some point, she began to get used to having Ryu Donovan and the Alexandros around, and being in that situation just suddenly became the norm for her.
"Tatlong araw na rin tayong walang free lunch o snack," sabi pa ni Kaki na pumukaw sa kaniya. Sinulyapan niya ang kaibigan.
"H'wag kayong masanay. Pagdating ng araw at manawa na 'yong tao, baka maloka kayo kahahanap sa panglilibre niya."
"Naku, hindi mananawa 'yong manok ko," ani Dani na sumabay na rin sa kanila. "He has his eyes set for his goal. Hindi titigil 'yon hanggang sa–"
"Magtagumpay siyang paglaruan ako?"
"Oh, come on!" Umikot paitaas ang mga mata nito. "I may not understand why Ryu was so into you, but I could clearly see his pure intentions–"
"Dahil sa pagpapadala niya ng origami lotus at free lunches? Pure intentions na kaagad?"
Dani puckered and decided not to argue. Si Kaki ay hindi na rin nagsalita hanggang sa mapadaan sila sa tapat ng magkakatabing college buildings kung saan sa tapat ay mayroong nakahilerang mga concrete benches na tinatambayan ng mga college students. Karamihan sa mga iyon ay mga kababaihan, at tinatapuna sila– siya– nang masamang tingin.
But of course, courtesy of Ryu Donovan!
"It feels like we're walking into the lion's den," bulong sa kaniya ni Dani bago nito ini-singit ang sarili sa pagitan nila ni Kaki. Dani then curled each of her arms to hers and Kak's. "Makatingin naman 'tong mga 'to..."
Si Kaki ay bumulong din sa kanila. "Hindi na ako magtataka kung may lumapit sa atin at mag-hamon ng sabunutan." Sinulyapan siya nito. "Hindi ko akalaing ganito sila ka-agresibo."
"And how did this make you feel?" tanong niya sa mga kaibigan; ang tingin ay diretso pa rin sa daan.
"Uncomfortable," Dani answered.
"Upset," si Kaki naman.
"See? Welcome to my world."
Napangiwi ang dalawa at binilisan ang paghakbang. Pagkadating nila sa gymnasium ay lalong dumami ang mga matang nakasunod sa kanila. Daig pa niya ang isang kriminal kung tapunan siya ng mga ito ng masama at mapanghusgang tingin.
Pero hindi siya nagpa-apekto. Wala siyang ginagawang masama, at alam niyang kaya niyang ipaglaban ang sarili kapag kinakailangan. As for now, she knew those dreadful glares wouldn't do her harm. Tingin lang naman iyon; hindi nakamamatay.
Hanggang sa makaupo sila sa bleachers ay nakasunod pa rin ang tingin ng ibang mga college students na tila hindi gustong makitang naroon siya. Ang iba'y nagbulungan.
"Are you okay, Luna?"
Nilingon niya si Kaki nang marinig ang tanong nito; ang tinig ay puno ng pag-aalala. Ngumiti siya. "Of course, I am. Kayo nga ni Dani itong inaalala ko."
"Keri lang naman," ani Dani bago dumukwang upang bumulong. "Pero hanggang maaari ay ayaw kong mauwi sa away 'to dahil halos isang oras kong ginuhitan ng wing-eye itong mga mata ko. I don't want to ruin my make-up."
"And you won't, Dani," she said, smiling. "We are not the type who would stoop down to that level, so calm down."
"Sabi mo, eh." Umayos na si Dani ng upo at itinuon ang tingin sa court. Ang laro ay nag-uumpisa na nang dumating sila, at si Stefan ay isa sa mga star players ng Junior team. Apat na puntos ang lamang ng Senior High, at maraming mga college students ang naroon dahil ang kasunod na laro ay sa pagitan ng mananalong kuponan laban sa Engineering Department team.
Ten minutes into the game; lumamang ang Junior High team ng apat na puntos. Nakailang slam dunk si Stefan, at kay lalakas ng mga palakpak niya sa tuwing nangyayari iyon. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya. Wala siyang pakialam kung nakaismid ang ilang mga estudyanteng nakalingon sa direksyon nila. Watching Stefan in the game made her forget about that emptiness she felt inside.
"She's not even that beautiful, why would Ryu waste his time on her?"
Nakuha ng tinig na iyon mula sa kaniyang likuran ang kaniyang pansin. Natigilan siya at sandaling nawala ang focus mula sa panonood ng laro.
Basically, dahil sa bleachers sila nakaupo, ay escalated ang bahaging nasa likuran kaya halos nasa uluhan nila banda ang babaeng nagsalita..
"I heard that she's one of the smartest in her class, but other than that, she's a nobody. Naging popular lang sa buong CSC dahil kay Ryu," wari naman ng isang babae na sa hula niya'y kasama ng naunang nagsalita.
"And she doesn't have a personality. She's just a plain Jane."
Si Dani na napikon sa mga narinig ay nilingon siya. "Luna–"
"No, it's fine."
Dani glared at her.
Umiling siya. "Calm down."
Kulang na lang ay magbuga ng apoy si Dani nang umayos sa pagkakaupo. Humalukipkip ito at inis na itinuon ang pansin sa game.
Sa hula niya ay nasa apat o limang estudyanteng babae ang naroon sa likuran nila. At ramdam niya ang nakamamatay na tinging ipinupukol nito sa kaniya.
"Pakiramdam ko'y nasa gyera tayo at kanina pa natadtad ng bala itong mga katawan natin," pabulong na komento ni Kaki na nasa game ang tingin.
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa game at pilit na ibinalik doon ang pansin. She's determined to ignore the witches behind them. At ayaw niyang umalis doon dahil lang sa pagpaparinig ng mga ito. Ayaw niyang magmukhang talunan.
Habang tumatagal ay gumaganda ang laban sa pagitan ng Junior at Senior high. Ang mga estudyante ay kaniya-kaniyang cheer sa mga idolo at nilamon ng malakas na ingay na iyon ang panlilibak ng mga babae sa likod nila, dahilan upang sandali niyang makalimutan ang mga ito.
Uminit nang uminit ang laro ay tuluyan nang natuon ang buong pansin nila sa dalawang team na isang puntos na lang ang pagitan. They were cheering for Stefan's team and genuinely enjoying the game when suddenly, something poured over her head and dripped down her body. Napasinghap siya nang malakas kasabay ng panlalaki ng mga mata. Sa sobrang gulat ay hindi siya kaagad na naka-tugon sa nangyari.
"What's wrong–" Si Kaki na napalingon sa kaniya ay pinanlakihan din ng mga ito. Bigla itong napatayo. "Oh my God, Luna!"
Doon pa lang siya tila natauhan. Unti-unti siyang yumuko at sinuri ang sarili. Nang makitang basang-basa ng orange juice ang puting blouse niya ay lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. Sa nipis ng suot niyang blouse ay humulma ang suot niyang pulang bra. At dahil dumikit ang basang tela sa kaniyang balat ay humulma rin ang ibabaw na bahagi ng kaniyang dibdib.
"Oh my gosh!" bulalas naman ni Dani nang mapatingin din sa kaniya. Marahas nitong nilingon ang mga babaeng nasa likuran nila, at nang makitang naglalakad na palayo ang mga ito habang nagtatawanan ay napatayo si Dani. "Oh, you witches! Bumalik kayo rito at maghaharap tayo!
Itinaas niya ang kamay at hinawakan si Dani sa braso. "I-It's okay, Dan. H'wag na tayong gumawa ng gulo, baka mahinto ang game kapag nagka-eksena tayo rito."
Napa-padyak si Dani sa inis. "Hindi ko nakita ang mukha nila– but they are college students from Fine Arts Department."
"Let's just go bago pa makita ng marami ang nangyari kay Luna," sabi naman ni Kaki na napatayo na rin."
Inakay siya ng dalawa patayo. Tinakpan siya ng mga ito upang hindi siya makita ng mga lalaking estudyante na nasa likuran. May iilan na ring mga nakapansin sa kanila, kaya binilisan nila ang pag-alis sa bleachers bago pa man nila makuha ang atensyon ng nakararami.
Pagdating sa labas ay inabutan nila ang apat na mga babaeng salarin; nagtatawanan at tila sadyang hinintay ang paglabas nila.
"Hey you," anang isa sa mga ito na tila tumatayong leader ng grupo. The lady had a really pretty face with long, straight and silky hair. Humarang ito sa daanan nila at nakahalukipkip na sinuyod siya ng tingin.
Ang dalawa niyang mga braso ay pinag-krus niya sa tapat ng dibdib upang takpan ang sarili. "What do you want?"
"How did you do it?"
"Do what?"
"Ryu Donovan is every woman in the campus' cup of tea. How can someone like you get his interest?"
Si Dani ay lumipat sa harapan niya at buong tapang na tinapatan ang anyo ng babaeng kausap niya. "Did you know we could report you for what you did?"
The woman just smirked at Dani and said, "As if the management and the teachers will do something about your complaint."
"Well, the Alexandros would!"
Lalong napa-ismid ang babae. "What do you expect them to do if you reported to them? Hit us in the face? All the members of the Alexandros are gentle when it comes to women–"
"And that gave you the right to act the way you did?" maanghang niyang sabi bago pa makasagot si Dani.
Sa kaniya naman natuon ang pansin ng babae. Muli itong umismid. "My God, just hearing your voice irritates me. Malibang nabu-bwisit ako sa mukha mo ay nakakapikon din 'yang tapang mo. If I pulled your blouse apart right here and now, would you still have the guts to look me in the eye?"
Si Dani na napikon lalo sa sinabi ng babae ay akmang susugod, subalit naging maagap siya at hinawakan ito sa braso. "Don't, Dani. Let's not stoop down to their level."
Buhat sa sinabi niya ay malakas na napasinghap ang babae, kasunod ng pamumula ng maganda nitong mukha. Bumahid doon ang inis at pagkapikon, at ito naman sana ang akmang susugod kung hindi lang biglang may nagsalita sa hindi kalayuan.
"Don't even dare, Tori."
Lahat sila'y natuon ang pansin sa nagsalita; nasa likuran ito ng mga babaeng estudyante at kalalabas lang ng gymnasium.
At nang makita nila kung sino ang naroon ay sabay silang napasinghap.
It was Ryu Donovan, wearing a black turtleneck cotton shirt, a pair of black pants, and branded leather shoes on his feet. As usual, he had his signature black topcoat on, with his hands shoved into its pockets.
Pero hindi ang fashion style nito ang agaw-pansin sa mga sandaling iyon, kung hindi ang madilim na ekspresyon nito sa mukha.
"You know how I despise bullying, Tori," Ryu said in a voice full of warning. "You don't want me to get angry at you, do you?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro