Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 012 - Never Gonna Give it a Try




"AYAW PA RIN BA NIYA AKONG KAUSAPIN?" tanong niya kay Kaki habang nakasunod ang tingin kay Dani na naunang lumabas sa classroom matapos ang huling klase nila nang hapong iyon.

Buong maghapong tahimik si Dani at hindi sila kinausap ni Kaki matapos ang insidenteng iyon sa cafeteria.

Pagpasok niya kanina sa classroom pagkagaling sa banyo ay naroon na ang dalawa. Kaki greeted her and asked how she was feeling after the allergy attack, but Dani remained aloof. She tried to speak to her friend, pero sinenyasan siya ni Kaki na hayaan muna ito at may tampo.

Ni hindi niya alam kung bakit nito kailangang magtampo sa kaniya. Hindi naman niya alam na ang crush nitong si Ryu ang baduy na D. Van na nagpapalipad-hangin sa kaniya. On top of that, she didn't ask that guy to pursue her. It wasn't her fault. Why would Dani get mad about it? At bakit parang kasalanan niya?

"Nasaktan ang lola mo nang malamang ang bago niyang crush ay sa 'yo nahumaling." Kaki giggled before adding, "He gave up Stefan so you could have him, and then he switched his attention to his new crush Ryu, only to learn Ryu was into you. Natural na ma-offend ang beauty ng lola mo, 'no."

"Pero bakit siya nagagalit sa akin?"

"Aba, malay ko. Itanong mo sa kaniya." Ini-nguso ni Kaki ang pinto.

Nang sulyapan niya iyon ay nakita niya ang pagpasok muli ni Dani. Nakasimangot itong lumapit, kipkip ang bag sa dibdib.

"Dani--"

"For the record, I want to let you know that I still care for you as a friend kahit na naiinis ako ngayon sa 'yo."

"Dani, don't be childish. Ni wala akong ka-ide-ideya na ang Ryu na gusto mo ay ang leader ng grupong iyon na nagpapadala ng bulaklak at note sa akin. Kahit ikaw na ang tagal nang nag-i-imbestiga tungkol sa grupong iyon ay hindi alam na iisa lang sila. And it's not like I seduced that idiot--"

"Well, hindi ko nalaman na siya ang leader ng Alexandros dahil sa tuwing magtatanong ako sa college department ay pinagtatawanan lang ako. They thought I was going to stalk the college hotshot. But that's not the point. Ang point dito ay bakit siya nagkagusto sa 'yo?"

Naguguluhang umawang ang bibig niya. "Itanong mo sa kaniya 'yan, Dani, dahil kahit ako ay kinilabutan. We only met twice--"

"You met him twice and you never learned his name?"

"I never asked!"

Ang mga ka-klase nilang natira sa loob ng classroom ay napatingin na sa kanila, at kahit ayaw niyang makipagtalo kay Dani tungkol sa ganoon ka-babaw ng bagay ay hindi niya mapigilan. Dani was making it much of a big deal.

"And you never told us, Luna?" Puno ng hinanakit ang tinig nito.

"There was nothing to tell, Dani." Napa-buntonghininga siya. "Hindi naman ako interesado sa kaniya. At sa dalawang beses na paghaharap namin ay wala naman talagang nangyari." Sa mabilisang paraan ay ini-kwento niya kina Dani at Kaki kung papaano sila nagkakilala ng lalaking iyon.

Lalong nanlumo si Dani. Humila ito ng isang upuan at dinala sa harapan niya at doon ay naupo ito.

"He fell in love at first sight..." bagsak-balikat na sambit ni Dani.

"No, pinag-ti-trip-an lang ako ng lalaking iyon." Dumukwang siya at inabot ang kamay ng kaibigan. At sa masuyong tinig ay, "Sino'ng tanga ang maniniwalang magkakagusto sa tulad ko ang tulad niya?"

Dani puckered and said, "You are not giving yourself enough credit. Masyado kang pa-humble."

"Pero ikaw na rin ang nagsabi na maganda lang ako pero walang appeal. So, bakit ko ma-a-attract ang isang tulad niya?" Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "That guy was just playing. I don't think he's serious. Maniniwala ka roon eh parang hindi naman seryoso sa buhay niya ang lalaking iyon? Kinain na ng kompiyansa ang buong sistema niya dahil anak-mayaman. Actually, lahat sila sa grupo, pare-parehong entitled. Kunwari ay pino-protektahan ang mga nabu-bully na estudyante, pero tingnan mo kung ano ang ginagawa sa akin. Pinagkakatuwaan ako. I felt so harassed and embarrassed sa tuwing pinadadalhan ako ng lalaking iyon ng mga rosas at sulat. At noong pangalawang pagkikita namin? He was flirtatious. Oh God, ang bigat ng loob ko sa kaniya."

Matagal siyang tinitigan ni Dani bago ito nagpakawala nang malalim na paghinga at yumuko.

"I first saw Ryu last summer, sa shooting range center na pag-aari ng tatay ko. Twice a week ay naroon siya para mag-practice shooting. Sobrang cool niya at super friendly, naging kaibigan niya kaagad lahat ng staff namin. We never really had interactions, I doubt kung napapansin niya ako roon. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay masasabi ko nang siya 'yong tipo ng lalaking perpekto. Hindi lang siya gwapo at mayaman, he also has a heart of gold. He would always treat our staff equal, and he would always visit with snacks and drinks for everybody. Hindi niya kailanman pinamukha sa mga tauhan namin na VIP siya. And yes, I know he came from a prominent family; lagi ba namang sports car ang dala kapag pupunta sa shooting range center namin." Dani glanced at her before lowering his head and adding, "What I was trying to say is that... he isn't the type of person who would play with a woman's heart. Hindi siya tulad ng inilarawan mo kanina. Which means... kung ano man ang ginagawa at ipinapakita niya sa 'yo, lahat 'yon ay totoo."

Umiling siya. "Noong summer mo lang siya nakilala. Papaano kung nagpapakitang-tao lang din siya sa harap ng staff ninyo? Narinig mo naman ang ikinuwento ni Stefan tungkol sa leader ng Alexandros, 'di ba? Tungkol sa kaniya? He is a monster, Dani. At nakita mo kung papaano niya binugbog ang karamihan sa mga Engineering students--"

"Magkahati ang opinyon natin pagdating sa Alexandros, Luna, kaya h'wag nating pagtalonan ang tungkol sa bagay na 'yon. Let's focus on Ryu's feelings for you."

"Look, Dani. Hindi ko alam kung bakit kailangan mong mainis sa akin gayong hindi ko naman hiningi sa lalaking iyon na gustuhin ako. But I want you to know that I am not interested in him. Sa katunayan ay mainit ang ulo ko sa kaniya. He's a perv, imbes na umiwas siya ng tingin ay sinulyapan pa niya ang legs ko nang umihip nang malakas ang hangin noong unang araw na nagkita kami."

"Nainis ako kasi sa dami ng babae rito sa CSC, sa 'yo pa talaga nagkagusto ang crush ko," nakangusong sagot ni Dani. "Noong una ay si Stefan, ngayon naman si Ryu."

Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang pangalan ni Stefan. Luminga-linga siya upang hanapin ito ng tingin, subalit wala na ito roon sa desk o sa kahit saang sulok ng classroom nila. Ang natira na lamang sa loob ay silang tatlo, at anim pa nilang mga kaklaseng pawang mga babae at nakatunghay sa kanila.

Ibinalik niya ang tingin kay Dani na naka-nguso pa rin. "W-Wala namang gusto si... Stefan sa akin, ah?"

"But you also caught his attention effortlessly on the very first day of school."

"Only because we were the only ones in the locker room at the time. At nagkataong magkatabi ang locker namin."

Umirap si Dani. "Ang isa pang nakakainis ay sinampal ako ng reyalisasyon kanina."

"Reyalisasyong ano?"

"Na ang isang tulad ni Ryu ay hanggang sa panaginip lang makakamtan ng isang tulad ko." Dumukwang ito sa desk niya at nangalumbaba. Muli nitong sinuyod ng tingin ang kaniyang mukha hanggang sa nauwi na naman ito sa pag-nguso. "Ngayong alam mo na kung sino ang nagpapadala sa 'yo ng mga notes at bulaklak, ano ang plano mo?"

"What do you mean?"

"I mean... Are you going to give him a chance--"

"Diyos ko, Dani, hindi ka ba nakikinig sa mga sinabi ko kanina? Ilang ulit kong sinabi na hindi ko type ang lalaking iyon at wala akong interes na patulan siya. He maybe be good-looking, but his reputation cringes me. I could never be with someone like him."

Tumayo na siya at inisukbit ang bag sa balikat. Sina Kaki at Dani ay nanatiling naka-upo at nakatingala sa kaniya.

"Inaasahan ko nang may mag-a-upload ng video na iyon sa social media page ng CSC, at inaasahan kong makatatanggap ako ng tawag mula sa mga magulang ko para sermonan ako. Let's go now."

Nag-akma siyang tatalikod nang magsalitang muli si Dani, but this time, his tone was serious.

"Are you really going to turn down the college hotshot?"

Sa seryoso ring tinig ay sinagot niya ang tanong ng kaibigan,

"I definitely will, Dani. Hindi dahil crush mo siya o dahil leader siya ng bayolenteng grupo na sikat na sikat sa buong campus. I am turning him down simply because one, I still think he's a prev. Two, he's full of angst which is something I hate about men. And three, he's a flirt. Kabaliktaran niya ang lalaking gusto ko."

"But aren't you going to give it a try?' tanong pa ni Dani.

Umiling siya. "Never."

"Pero paano kung mag-work out?" ani Kaki na kanina pa tahimik at palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Dani.

"No, Kaki. Nothing's gonna work out because I could feel that man was just playing. Pinag-ti-tripan nila akong magba-barkada. Anong malay natin, noong unang araw ng klase ay naghahanap sila ng mapagti-trip-an, at ako ang nakita niya?"

            "Pero paano kung hindi?" sabi pa ni Kaki. "Paano kung talagang seryoso siya?"

            Muli siyang umiling. "You could never trust men like him. Too perfect, and too good to be true."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro