CHAPTER 006 - The First Five
"HOW HAVE YOU BEEN, SWEETHEART?"
"I missed everyone..." ungos ni Luna habang kausap ang ina sa telepono. She was in her bed with her notebooks scattered around her. Nakadapa siya at nakaharap sa laptop niya at nag-si-scroll sa isang website upang maghanap ng sagot sa assignment. Sa isang kamay ay ang cellphone niya.
It was seven in the evening, at madalas sa ganoong oras ay kausap niya ang pamilya.
"Well, ang sabi ng daddy mo ay subukan mo muna at kung hindi mo na kaya ay umuwi ka na lang at araw-araw ka na lang ihahatid sa Carmona–"
"Oh, come on. Aabalahin ko pa talaga si Dad para ihatid lang ako?" Humagikhik siya saka nangalumbaba. "I'll be fine, mom. Nasasanay na rin naman ako, kaso ay minsan, nakaka-miss 'yong bahay. Lalo na 'yong hapunan. I miss your cooking."
"Oh, honey. Kung hindi mo lang kami pinilit na r'yan sa CSC mag-aral ay hindi ako sasang-ayon na mag-isa kang mamuhay r'yan sa Carmona. You don't even know how to properly fry an egg– at nag-aalala akong baka puro instant noodles lang ang kinakain mo."
"Mom, sinusunod ko ang bilin ni Dad na bumili ng pagkain sa labas–"
"Which is something I don't want you to get used to. Pag-uwi mo rito sa Sabado ay kailangan mong tumambay sa kusina para unti-unti ka nang matuto sa pagluto, okay?"
She pouted and said, "I don't think that's possible, mom. Nangako na ako kay Brandon na sasamahan siya sa music class niya sa Sabado."
Brandon was her thirteen-year old brother. Mula first grade hanggang sixth grade ay naka-focus ang atensyon nito sa soccer, hanggang sa nitong nakaraang summer, matapos itong makakilala na musikero sa parke. Napukaw ang interes ng kapatid sa musika, at nang magbukas ulit ang school year ay nag-umpisa na itong pumasok sa isang music training center sa kasunod na bayan.
"Oh, hiniling ba niyang samahan mo siya sa Sabado?"
"Yeah, and he wanted to show off; gumagaling na raw sa pag-pi-piano, eh."
"Well, he has a very good mentor. Lagi niyang ibinibida 'yong music teacher niya, ikaw na lang ang mananawa sa pakikinig."
"Buti pa si Brandon..." Ngumuso siya at tumihaya.
"What do you mean?"
"Buti pa siya, nag-i-enjoy."
"Hindi ka nag-i-enjoy sa CSC?"
"I mean, I do. Pero... may mga bagay na sumisira sa mood ko."
"Like...?"
Binalikan niya sa isip ang manyak na lalaking iyon sa likod ng Literature Department building. She grimaced in annoyance. "Like guys."
"Ohhh..."
And she rolled her eyes up because she could tell how her mother would grin on the other line.
"May mga nanliligaw na ba sa unica hija namin?"
Pasagot na siya nang marinig niya ang tinig ng ama sa background;
"Bawal munang magpaligaw hanggang sa hindi ka pa disi-otso!"
Her mother chuckled. "You heard what your father said."
"I know the rules, mom, at hindi ako nagpapaligaw." Masyado pang maaga para sabihin niya sa mga magulang ang tungkol sa college student na iyon. "You know what? H'wag niyo na lang intindihin ang sinabi ko at baka kung ano na naman ang isipin ni Dad. I don't want him to pull me out of CSC just because of this."
And she knew it was possible.. Kapag nalaman ng daddy niyang hind siya komportable sa pinapasukan niya ay malaki ang tsansang i-pull out siya nito at doon papasukin sa private college sa bayan nila.
"Well, I trust you, honey. Pero kung may gumugulo sa 'yo at hindi ka komportable sa–"
"No, I was just being exaggerated, mom. And I can handle him, so don't worry. If things begin to get bad, I will definitely let you know."
"Are you sure, hon?"
"Hundred percent, mom."
*
*
*
"GOOD MORNING, LUNA!" masiglang bati ni Dani pag-pasok niya sa classroom kinabukasan.
Subalit wala sa kaibigan ang pansin niya kung hindi sa yellow rose na nasa ibabaw ng desk niya. Salubong ang mga kilay na lumapit siya roon at nilingon si Dani na abot hanggang tainga ang pagkakangisi.
"Ano 'yang nasa desk ko?"
"Ano pa, eh 'di bulaklak!" Nakabungisngis na tinabihan siya ni Dani. "There's a note, too. C'mon, read it!"
Kunot-noong tinanggal niya ang naka-rolyong note sa stem ng rose at binasa ang nakasulat doon.
Luna,
Are you traveling at the speed of light?
Because time always seems to stop when I look at you...
D. Van
"Wow, that's really cheesy," komento ni Kaki na biglang sumulpot sa likuran niya at nakibasa rin sa note.
Si Dani naman na namilipit sa kilig ay biglang inagaw ang note na hawak niya. Paulit-ulit nito iyong binasa hanggang sa bigla itong kinunutan ng noo.
"D. Van?" anito. "Wala tayong ka-klaseng may ganoong initials, so this person isn't part of our class. Maari kayang sa ibang section?"
"O baka senior natin," sabi naman ni Kaki bago siya banayad na siniko. "Seems like you have your first admirer..."
"And his way of confessing his admiration is super cheesy..." sabi pa ni Dani sabay kiskis ng braso sa braso niya. "Cheesy but romantic. Ang galing pumick-up line, eh. Pero pwede ka na bang mag-jowa?"
"Hindi ako pumunta rito sa Carmona at nag-enrol sa CSC para mag-jowa." Naupo na siya at balewalang inilagay sa ibabaw ng desk ang bag. Ang rose na naroon ay pumailalim sa mabigat niyang backpack.
"Kuuu, ito naman," Dani said, salvaging the rose under her bag. "You are turning eighteen in a few week's time. Hindi ka naman na siguro papaluin ng daddy at mommy mo kung mag-jo-jowa ka na?"
Binuksan niya ang bag at kinuha ang reviewer. Gusto niyang sabihin sa kaibigan na kahit tumuntong na siya sa tamang edad ay wala pa rin siyang balak na maglaan ng panahon para sa ganoon.
Besides...
Wala sa loob na napalingon siya sa likuran at hinanap ng tingin si Stefan. Nakita niya itong naka-sandal sa pader at may hawak-hawak na bola. Kaharap nito si Paul at kausap. Ilang segundo siyang nakatitig lang kay Stefan hanggang sa napasulyap ito sa direksyon niya at nahuli siyang nakatingin.
She blushed and looked away.
"Leave this to me, Luna," Dani said with determination in her voice. "I'll find out who this person is."
Her eyes rolled up. "Thank you, but I don't really care, Dani. Go back to your seat, narito na si Mr. Mendez."
*
*
*
"HI, LUNA ISABELLA."
Mula sa tahimik na pagsubo ay umangat ang tingin ni Luna sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan ng mesang ino-okupa nilang magkakaibigan. Unang umagaw sa pansin ng dalaga ay ang suot ng mga itong uniporme.
They were both wearing the Tourism Department's uniform.
Mula sa suot na uniporme ng mga ito ay umangat pa ang mga mata ng dalaga. And her eyes narrowed in curiosity as she stared at their faces.
Both were good looking; the other guy had a friendly smile on his face, while the other looked serious. Ang unang lalaki ay mukhang mabait, habang ang isa naman ay misteryoso.
Bahagya nang narinig ni Luna ang banayad na pagsinghap ni Dani na naka-upo sa kaliwang bahagi, habang si Kaki naman na nakaupo sa kanan ay napatulala rin.
It was lunch time, at kasalukuyan silang naroon sa cafeteria upang kumain ng pananghalian.
Kunot-noong kinuha ni Luna ang panyo na nakapatong sa kandungan bago nito iyon dinala sa gilid ng bibig at nagpunas. Makaraan ang ilang sandali ay pinaglipat-lipat nitong muli ang tingin sa dalawang lalaki bago,
"Can I help you?"
Sa halip na sumagot ay may inabot na dilaw na rosas ang isang lalaki. "Our Boss wants to give you this."
Bumaba ang tingin ng dalaga roon, at kinunutan ito ng noo nang mapagtantong kapareho iyon ng rosas na natanggap niya kahapon ng umaga.
Ibinalik ni Luna ang tingin sa lalaki. "Who is your boss?"
Ngumiti ang lalaking may hawak sa oras, at doon muling napasinghap si Dani.
"We are not permitted to say his name, sorry."
Luna let out an exasperated sigh. "Kung ganoon ay hindi ko tatanggapin iyan."
"We won't leave unless you take this rose and read the note."
"Then feel free to watch us eat." Muling niyuko ni Luna ang pagkain at balewalang sumubo. Set ng kanin, mushroom soup, at pork tonkatsu ang ni-order ng dalaga.
Ang lalaking mukhang misteryoso ang sunod na nagsalita, "Just get the damn rose and read the damn letter."
Marahas na nag-angat ng ulo si Luna at tinapunan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita. "Stop harassing us while we eat. Ano ba'ng problema ninyo?"
"Kung hindi mo babasahin ay ako ang magbabasa," anang lalaking mukhang mabait. "At sisiguraduhin kong maririnig ng lahat ang bawat katagang nasa note na 'yan."
"Wala akong—" pakialam. Pero hindi na nagawang magpatuloy ni Luna nang maramdaman ang banayad na pagsiko ni Kaki. Luna turned to her friend. "What?"
"Everyone's looking, nakakahiya..."
Doon pa lang inilibot ni Luna ang tingin sa paligid, at nang makita nitong ang lahat ng mga estudyanteng nasa loob ng cafeteria'y nakatingin sa mesa nila, ay saka pa lang napagtanto ng dalaga ang sitwasyon.
Everybody's watching. Ang iba sa mga iyon ay may hawak na cellular phones, at naisip ni Luna na kung hindi pa nito pagbibigyan ang dalawang lalaking nasa harapan ay baka lumaki ang eksena at maisipan ng mga estudyanteng nasa paligid na i-video sila. At ano'ng malay ng dalaga; baka maisipan ng mga itong i-upload ang video na iyon sa social media page ng CSC? At dahil naka-follow ang ama nito sa page ay nag-aalala ang dalagang baka makita ng mga magulang ang uploaded video. And that was something Luna didn't want to happen.
Sa mga naisip ay ibinalik ng dalaga ang tingin sa dalawang lalaking kaharap saka hinablot ang rose.
The guy who was holding it smiled, while the other just shook his head in boredom.
"Fine, I'll take this. But tell your Boss I don't like roses, so this has to stop, okay?" Pahampas niyang ibinaba ang rose sa mesa. "And I hope ito ang una at huling beses na lalapitan ninyo ako. This is making me uncomfortable, lalo at hindi ko kilala kung sino itong pasimuno sa trip ninyo. Now, do you mind? Gusto naming kumain nang tahimik."
The kind-looking guy just smiled, while the other turned his back and walked away.
"Just one last thing before I go. Shakespeare or Wordsworth?"
"Ano?"
"Please choose between Shakespeare or Wordsworth."
Muling tinitigan nang masama ni Luna ang lalaki. "Pinaglololoko niyo ba ako?"
Subalit hindi na muling nakasagot pa ang lalaki nang biglang may tumawag dito mula sa entrance ng cafeteria.
"Seann, it's time to go."
Sabay na lumingon ang lahat sa entrance door.
Maliban sa kasama ni Seann kanina ay may tatlo pang lalaking nakatayo roon. Based on their uniform, Luna concluded that the three men were from the Business Management Department.
At nang makilala ni Luna ang mga ito'y nagsalubong ang mga kilay ng dalaga..
Ang tatlong lalaking iyon ay ang mga nambugbog sa dalawang Tourism students noong nakaraang linggo sa field. Ang mga lalaking tinawag ni Dani na The Alexandros.
"We need to leave now, Seann," anang isang lalaking naka-man bun. "I got a call from Grand. Pinatatawag tayo sa Dean's office."
"In a sec, Marc. Miss Luna here hasn't given me her answer." Hindi inalis ni Seann ang tingin sa dalaga.
Ang lalaking nagsalita kanina at tinawag na Marc ay nakapamulsang lumapit. Malapad itong ngumiti nang huminto sa harap ng table nina Luna.
"So, this is Luna Isabella Castillo, huh?" He took his hand out and extended it to gesture a handshake. "Hi. My name is Marco Sansebastian. I'm glad to finally meet you."
Si Dani ay tila hihimatayin nang magpakawala nang mahabang paghinga. Nilingon ito ni Luna.
"Ano'ng nangyayari sa 'yo?"
Dani gulped, and in a shaky voice, he answered, "T-These guys are... members of..."
"The Alexandros. I know."
Napahawak si Dani sa braso ni Luna; mahigpit, tila naghahanap ng suporta. "I— I can't breathe."
"Ang O.A., Dani, ha?" bulong naman ni Kaki.
Si Luna ay umiling at ibinalik ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan. Naka-bitin pa rin sa ere ang kamay ni Marco. Isa ito sa mga nambugbog sa mga Tourism Students sa field noong nakaraan, kaya walang interes si Luna na makipagkamay rito.
"Listen," anang dalaga. "Hindi ko alam kung ano ang trip ninyo at ng boss ninyo, pero umaasa akong ito na ang huli dahil wala akong panahon sa mga ganitong laro. Please tell your boss— D. Van— to leave me alone."
Si Seann ay ngumisi. "Hindi mo pa nababasa ang note pero alam mo na kung kanino galing?"
"Dahil ganitong rose at note paper din ang natanggap ko noong nakaraan. God, if this is another cheesy pick up line, isusuka ko talaga ang mga kinain ko." Tumayo ang dalaga at niyuko ang mga kaibigan.
Si Dani ay hindi maalis ang tingin sa mga lalaking nasa harapan, si Kaki ay nagpunas na rin ng bibig saka tumayo.
"Let's go, Dani." Tumalikod si Luna at humakbang patungo sa pinto ng cafeteria kung saan nakatayo ang iba pang mga miyembro ng grupo. Pilit na inalis ng dalaga ang pansin sa iba pang mga estudyanteng nakasunod ang tingin at nagbubulungan. Dire-diretso lang ito hanggang sa marating ang entrance door.
"She likes Shakespeare, so that would be her answer."
Nahinto si Luna sabay lingon nang marinig ang sinabi ni Dani. Nakatayo na rin ito at naghahanda nang umalis; hawak-hawak ang rose na inilapag ng dalaga sa mesa. "I'm Dani, by the way. Pag-aari ng tatay ko ang shooting range center sa bayan katabi ng mall; please feel free to visit, bibigyan ko kayo ng membership discount."
Hinila ni Kaki ang kaibigan na atubiling nagpaakay.
Si Seann ay ngumiti; itinuon ang tingin kay Luna, saka sumaludo.
"See you around, Miss Luna."
Madaling tumalikod si Luna at nakasimangot na itinuloy ang paghakbang patungo sa pinto. Pagdating sa pinto ay umirap ang dalaga bago nilampasan ang mga kasama nina Seann at Marco.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro