CHAPTER 016 - Last Family Night
Kane was surprised to see his father clean and smiling. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang nakaligo na— hindi katulad noong mga nakaraang linggo na halos nagmukha nang taong grasa. His hair was cut short and his beard shaven off. He was wearing an ironed red polo shirt, slacks and shiney shoes.
Biglang sumakit ang lalamunan niya nang makita ang dating ito. He missed his dad's old self, at sa kabila ng mga ginawa nito sa ina niya, ay hindi niya maiwasang matuwa sa nakikita.
"I ordered some food for us. Nakahain na sila sa mesa, so wash up and let's eat," sabi nito na tila walang kasalanang ginawa. Tumingin ito sa mommy niya saka bumuntong hininga. Nawala ang mga ngiti nito. "I know you're mad at me, Katrina. But I also know that this is your last night here in the mansion. Sinabi mong bukas na ang nakatakda mong paglipat sa bago mong bahay, 'di ba? So, let's eat dinner as a whole family for the last time, at least."
He frowned at his father, "Why don't you apologise to her first, Dad?"
Nalipat ang tingin sa kaniya ng ama at nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. "Alam kong marami akong kailangang i-hingi ng tawad, Kane. At nakahanda akong gawin iyon after dinner. We'll talk later as a family."
Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ng mommy niya sa kaniyang braso. Sa palagay niya ay nakumbinsi ng daddy niya ang kaniyang mommy sa nais nito.
Huminga siya ng malalim. Mukhang magkakaroon ng maayos na closure ang mga magulang niya.
"Let's go, baka lumamig na ang pagkain," sabi pa ng daddy niya at nauna nang naglakad pabalik sa komedor.
Niyuko niya ang ina na nakasunod lang ang tingin sa asawa. They hesitated at first, but followed afte a while. Bagaman nagtataka sa biglang pagbabago ng ama ay naisip ni Kane na walang masama kung susubukan ng kaniyang mga magulang na maghiwalay ng maayos.
Pagdating sa kusina ay lalo silang namangha nang makitang puno ang dining table ng mga pagkain, which his father said he ordered. Lahat ng mga naroon ay paboritong mga pagkain nilang tatlo.
"A special family night," sabi ng ama niya na lumapit sa upuang pwesto lagi ng mommy niya, saka hinila iyon. His father then stared at his mother intently, inviting her to sit on the chair.
Sandali silang nagkatinginan ng ina. He urged her, and she hesistantly conceded. Umusal ito ng pasasalamat nang makaupo.
Sa loob ng halos kalahating oras na nasa harap silang tatlo ng hapag ay tahimik lang na ino-obserbahan ni Kane ang mga magulang.
They were both silent. Naunang natapos ang ina niya at tumayo ito upang dalhin sa kitchen ang pinagkainan subalit pinigilan ito ng ama niya. His father said to leave the dishes for a while and that they should talk in their room about the annulment. At nang akma nang lilisanin ng mga ito ang hapag ay doon lang siya nagsalita.
"I would like to speak to you first, Dad."
His father turned to him with a frown on his forehead. Nakita niya ang sandaling pagkalito sa mukha nito bago ito pilit na nagpakawala ng ngiti. "About what?"
"About what you did to mom and about my plans," aniya saka tumayo. Hindi niya pinansin ang sandaling pagkalambong ng mga mata ng ama. Sinulyapan niya ang ina na nakatayo sa likod ng daddy niya. "Would you wait for us in the living room, Mom? Sandali lang kaming mag-uusap ni Daddy."
Pinaglipat-lipat ng mommy niya ang tingin sa kanilang dalawa ng ama. "Of course. I'll wait in our room." Iyon lang at nauna nang naglakad palabas ng komedor ang ina niya.
Ang kunot sa noo ng daddy niya ay hindi pa rin nawawala nang ibinalik niya ang pansin dito. Nauna siyang naglakad patungo sa study room katabi ng malawak na sala at hinayaan itong sumunod.
Pagdating sa loob, pagka-sara na pagka-sara pa lang ng daddy niya sa pinto ay kaagad niya itong sinita. "I was mad as hell when I saw mom's face yesterday. Why did you hit her again?"
Huminga ito ng malalim saka naglakad patungo sa executive table ay naupo sa swivel chair kaharap niyon. His father used to stay in that room when he was still active in the family business. Pero simula noong malulong ito sa sugal, ilang buwan na ang nakakaraan, ay hindi na niya muling nakitang pumasok doon ang ama. Ni wala na rin siyang ideya kung ano ang nangyari sa kumpanya, pero tiwala siyang ang Tito Damien niya, his father's younger brother and co-owner of their textile company, is currently running it.
"Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon sa mommy mo," sabi nito makalipas ang ilang sandali. "I was too angry, I was not able to hold myself."
Gusto niyang itanong rito ang dahilan ng matinding galit nito subalit nang makita itong muling ngumiti ay itinikom niya ang bibig.
"But its all good now. I will talk to your mother and apologise to what I did. And then, maybe, we can work things out."
His hope rose after hearing what his father just said. "You mean..."
Nagkibit-balikat ito. "Kung tatanggapin akong muli ng mommy mo ay handa akong magbago. Otherwise..." He stopped and looked down. Sandaling nagdilim ang anyo nito bago muling nag-angat ng tingin at pilit na ngumiti. "Otherwise, maybe we can still be friends after the annulment."
Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng ama. He nodded. "I still didn't like what you did to her, but if she forgives you, I will forget what happened. But you need to promise me that you will never hurt her again."
Matagal siyang tinitigan ng ama bago ito tumango.
"And keep in mind that if you need help with anything, I am always here for you."
Bahaw na ngumiti ang daddy niya saka tumayo na. Naglakad ito patungo sa pinto at nang madaanan siya ay tinapik siya nito sa balikat. "I just wanted to let you know how happy I am that you are my son, Kane. Marami akong naging pagkukulang sa iyo sa nakalipas na mga buwan at inihihingi ko iyon ng tawad. I just hope that..." Huminto ito saka pinakatitigan siyang muli bago bumuntong hininga at umiwas ng tingin. "I... I should go now. Ayaw kong paghintayin ng matagal ang mommy mo."
Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang ama na lumabas ng study room. Hindi niya maintindihan ang samut-saring emosyong nakita niya sa mga mata nito habang kausap at kung bakit pabagu-bago ang ekspresyon ng mukha nito.
Huminga siya ng malalim and just hoped for the best. Hiniling niyang sana ay maayos na makapag-usap ang mga magulang para mabuo nang muli ang pamilya niya. He wants their family back to normal. Happy and simple. Pero kung hindi man, sana man lang ay magkabati ang mga ito at manatiling magkaibigan.
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na rin siya ng study room saka umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya. He will stay there and wait for the result of his parent's discussion. Kakatukin siya mamaya ng mommy niya should anything happens. Pero hiling niya ay sana, maayos ang kahihinatnan ng pag-uusap na iyon ng mga magulang.
He was about to open his door when he heard his mother's voice in their room-- yelling.
Nahinto siya at napa-pikit. He was only hearing his mother's voice while his father was surprisingly quiet.
Nanatili siyang nakatayo lang sa harap ng pinto at umantabay. Kapag narinig niyang nag-umpisa nang magtalo ang mga ito at saka niya kakatukin ang silid ng mga magulang.
Makalipas pa ang ilang segundo at sa tuluy-tuloy na pagsigaw ng mommy niya, ay nakarinig siya ng malakas na kalabog. Doon siya mabilis na lumapit sa silid ng mga ito at kinalampag iyon.
"Mom! Dad! What's happening? Open this door!"
Sandaling natahimik ang mga nasa loob at doon siya kinabahan. Kinalampag niya nang kinalampag ang pinto hanggang sa marinig niya ang tinig ng ina.
"It's... it's alright, Kane. We're all right. Just... go and leave us alone."
Kinunutan siya ng noo sa sinabi ng ina. "No, Mom. I need to know what's happening—"
"Just leave us alone and don't interrupt!" muling sigaw ng ina na nagpa-atras sa kaniya.
"Go, Kane," mahinahong sabi naman ng ama niya.
Ibinaba niya ang mga kamay at tiim bagang naglakad patungo sa kaniyang silid. Pagpasok ay ibinagsak niya ang pinto, tinanggal ang salamin saka inihilamos ang mga kamay sa mukha.
His parents will never work things out. Kung ang pagbabasehan ay ang sigaw ng mommy niya patungkol sa pagkalugi ng kumpanya, pagsusugal ng daddy niya at pagiging pabayang asawa, mukha nga talagang wala nang pag-asang magkaayos pa ang mga ito.
Bagsak ang balikat na tinungo niya ang study table saka naupo roon. He cupped his head with his hands and hoped for the best— again. Mula roon ay bahagya niyang naririnig ang patuloy na pagsigaw ng mommy niya. It was only her, actually. Marahil ay inilalabas lang nito ang lahat ng sama ng loob para sa asawa.
He took a deep breath and opened his laptop. Gusto niyang ibaling sa iba ang pansin para hindi marinig ang mga sinasabi ng ina. He searched for his previous lessons and pretended to review, but the truth is— his mothers yell and his father's silence was bugging him. Muli niyang sinapo ang ulo saka mariing ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay may bubuyog malapit sa tenga niya na nag-iingay. He was irritated and annoyed, and he just wanted it to stop.
At nang hindi na matiis ang ingay na patuloy pa ring naririnig ay marahas siyang tumayo saka lumabas ng silid. Tinungo niyang muli ang harap ng silid ng mga ito at akmang kakalabugin iyon nang mahinto siya sa sumunod na narinig.
"I have given you so many chances but you just wasted them, Dan! Never again!"
"Katrina, at least do this for Kane—"
"No! Hindi na kita kayang pakisamahan! I will never forgive you and I will never get back to you!"
Kane put his hand down and clenched his teeth in frustration. At bago pa siya nakapag-isip ay mabilis siyang bumalik sa kaniyang silid, kinuha ang ilang mga gamit at tiim-bagang na muling lumabas saka bumaba ng hagdan.
Hindi na siya nag-isip ng kung alin ang tama at mali— he just want to get out of that monstrous house! He didn't want to hear anything anymore! He's stressed out, his frustrated, his hope went down again and all he wanted to do was to run away.
Hanggang sa baba ay dinig niya ang malakas na pagmumura ng mommy niya. He rushed out so he could not hear anything anymore. Pagdating sa labas ay kaagad niyang tinungo ang kotse, throwing his bag full of his personal things at the back of the car. He started the engine and was about to drive away when a loud noice shattered the night.
Natigilan siya. It wasn't just a simple noice. It was a gunshot! Matindi ang kabang naramdaman niya. Nanggaling iyon sa loob ng mansion! Bumaba siya ng sasakyan at ang akma niyang pagtakbo pabalik sa loob ay nahinto nang dalawang sunud-sunod na putok pa ang narinig niya.
"What's happening? Putok ba ng baril iyon?"
Napalingon si Kane nang marinig ang nagsalita. It was their neighboor, a middle-aged man who was at his lawn, lighting a cigarette. Nakatingala ito sa mansion at halata sa mukha ang pagkagulat.
Hindi na siya sumagot. Nagmamadaling bumalik siya sa loob at halos liparin niya ang pag-akyat sa second floor. He rushed to his parent's room and without second thoughts, he kicked the door with full force. It didn't budge at first, so he kept kicking it. And on his fourth try, the door opened and he stopped.
Ang una niyang nakita ay ang ama na nakaharap sa pinto, tila hinihintay siya. He was holidng a gun and he was aiming it to his head.
He panicked. Subalit ang akma niyang pag-pigil rito ay nahinto nang lumipat ang tingin niya sa nakabulagtang ina sa carpet. Her chest and head were bleeding and he couldn't even see her face properly. There was blood everywhere in the room and his vision suddenly went hazy. He frowned as he continued to stare at his mother, lying in the pool of blood. Hindi niya alam kung ano ang mga nagkalat sa carpet maliban sa maraming dugo. But when he squinted his eyes to stare at it more, he suddenly just sucked his breath in fear.
They were his mother's brain fragments!
Nahihintakutang ibinalik niya ang tingin sa ama na ngayon ay bumubuhos ang mga luha mula sa mga mata.
"What did you do?!" he yelled. He wasn't even sure if those words came out of his mouth. Matinding katahimikan ang naririnig niya na kahit ang sariling tinig ay hindi na niya narinig.
He stared at his father's eyes. He was frightened. He was mad. Hindi niya gustong paniwalaan ang nangyari at nakita.
"What did you do to Mom?!" Again, he knew he spoke but he was not able to hear himself.
Nakita niya ang pagpakawala ng ama niya ng malungkot na ngiti bago ito nagsalita. "I tried, Kane... I tried."
And he heard that. He heard his father's remorseful voice.
"I love you, son. And please— forgive me."
He tightly closed his eyes when he saw how his father pulled the trigger. At ang sumunod niyang narinig ay ang nakabibinging ingay mula sa pumutok na baril.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro