Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 015 - Bond




"I'll be back tonight. Gusto kitang isama at ipakilala sa mga magulang ko pero ayaw kong masaksihan mo ang pagtatalo nila at pambabastos sa isa't isa. Maybe when Mom moves out of the house, I'll bring you to meet her. And when dad is sane enough to meet people other than the cards at the casino, I'll arrange for us to have a dinner with him."

Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang marahang pagtawa ni Dreya. "It's okay, Kane... Marami pa namang araw at pagkakataon na magkakilala kami ng mga magulang mo. Umuwi ka muna sa inyo and check on them. I'll cook something for us tonight, dito ka maghahapunan, ha?"

He could sense exhaustion from her voice, and he can't blame her. Pinagod niya ito kagabi at pareho pa silang walang tulog. At upang makapagpahinga ito at makatulog ng diretso ay sandali muna siyang umalis ng apartment. She was still sleeping when he left. Hindi niya ito magawang gisingin para magpaalam kaya nag-iwan na lang siya ng note sa ibabaw ng side table na tawagan siya nito pagkagising gamit ang cellphone na binili niya para rito kahapon bago sila magtungo sa amusement park.

Binalikan niya sa isip ang nangyari sa kanila kagabi at muli siyang nag-init. He has never felt so needy his whole life— only with Dreya. He's had some girlfriends in the past; meeting girls and dating them at sixteen, experienced his very first sex at seventeen, but none of them has ever made him feel the need to go over and over.

Only with Dreya. The satisfaction and happiness that she gave him made him so complete. He wished it would never end. Oh, he can't wait for the future— they will surely have a beautiful family together. He will make sure to be the best husband and father to their future children— at sigurado siyang ganoon din ito.

Alam niyang masyado pa silang bata para mag-asawa— pero pinal na ang desisyon niya. Bakit pa siya maghihintay ng matagal kung alam na rin naman niyang si Dreya ang nais niyang makasama habang buhay? She is his peace. His salvation. His life. Without her, he would have been so lonely and depressed in the middle of his parents' battle.

"Yes, I can't wait to eat you tonight." Napangiti siya sa sariling biro. Dreya was as insatiable as him. They are a match. And just thinking about spending the night with her again makes him sweat from the heat that's coming out of his body.

Muling tumawa si Dreya na ikinangiti niya. Sigurado siyang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito bumabangon mula sa kama.

"Loko," sabi nito matapos matawa. She yawned and it sounded so sweet in his ear. "Matutulog pa ako, lover boy. Drive safely."

"Okay." Hindi maalis-alis ang ngiti niya sa mga labi. He felt so light and heavenly— hindi na siya makapaghintay na bumalik sa apartment mamayang gabi. "I'll see you tonight. I love you."

"I love you, too, Kane..."

Hanggang sa maibaba ni Kane ang cellphone ay hindi mapalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Naisip niyang bumili ng wine, cake at bulaklak mamaya para i-sorpresa si Dreya. Masaya na ito sa mga maliliit na bagay kaya sigurado siyang matutuwa ito.

Nang marating niya ang mansion nila ay doon nawala ang ngiti niya. Mahina niyang pinatakbo ang sasakyan sa driveway hanggang sa mai-park iyon sa bakanteng garahe.

He frowned. All their cars were gone. His father has three different cars and his mother has her own, too. Hindi pa kasama iyong gamit niya na ini-regalo ng ama noong nakaraang taon.

Hanggang sa makababa siya ay hindi nawala ang kunot sa noo niya. Pagpasok sa mansion ay nagtaka siya nang maabutang madilim ang malaking sala. Niyuko niya ang relo at sinipat ang oras doon. One o-clock in the afternoon. Muli siyang nag-angat ng tingin at sinuri ang paligid. All the curtains were closed, the lights and lamps were switched off, too. Ang tanging liwanag sa paligid ay ang ilaw na nagmumula sa kusina. Mabilis siyang naglakad patungo roon at inabutan ang mommy niya na nasa harap ng lababo at tahimik na naghuhugas ng plato.

He frowned all the more. "What are you doing?"

Malakas itong napa-singhap nang marinig siya saka humarap, "Oh my God, you startled me!"

Lumalim lalo ang pagkakakunot ng noo niya nang may mapansin sa mukha ng ina. Mabilis siyang lumapit at bago pa maka-iwas ang mommy niya ay nahawakan na niya ang mukha nito at saka itinaas upang lalo niyang makita kung ano iyon. And when he confirmed, his rage started to rise.

His mother has another purple mark under her eyes, na pilit nitong tinakpan ng make up. Halos wala pang dalawang araw simula nang gumaling ang unang marka na ibinigay ng ama niya rito, tapos ngayon ay mayroon na naman at hindi lang sa iisang mata— kung hindi sa pareho na. Maliban pa roon ay may sugat din ito sa ibabang bahagi ng labi na pilit din nitong tinakpan ng makapal na pulang lipstick.

He was enraged. He wanted to burst from too much hate for his father, but he remained calm. Ayaw niyang matakot ang ina sa kaniya. "When did he do this?"

Umiwas ng tingin ang mommy niya saka pinakawalan ang sarili. Muli itong tumalikod at itinuloy ang paghuhugas ng plato at mga kubyertos. "Just last night..."

"Madaling araw ka nang tumawag at hindi mo sinabi sa akin na sinaktan ka niyang muli. You only asked me to come home. Had you told me, I could have—"

"I didn't want you to worry. I was worried about you that's why I called. Dalawang gabi kang hindi umuwi dahil sa pagtatalo namin ng daddy mo at nag-alala akong baka may masamang nangyari sa'yo."

"Ikaw na itong nasaktan pero..." Tumigil siya. Nasasaktan siya para sa ina at nais niya itong yakapin. Suddenly, he felt so guilty that he didn't come home last night.

"Matapos naming magtalo kagabi ng daddy mo at matapos niya akong saktan ay umalis na rin siya. He hasn't come back since. I was crying the whole night from the pain he caused me but when I remembered that you weren't home yet, I got so worried. Bigla kong nakalimutan ang mga natamo kong sugat mula sa daddy mo at kaagad kitang tinawagan. I'm sorry if I disturbed you last night."

Hindi na niya napigilang lumapit sa ina at niyakap ito mula sa likod. He silently cried as he held his mother in his arms. "No, hindi mo ako naistorbo. And I am sorry for not telling you where I was. It's just that..." Gumaralgal na ang tinig niya kaya hindi na niya nagawang magpatuloy. Hinigpitan na lamang niya ang pagyakap sa ina.

His mother's hand touched his arm. "I understand, Son. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon namin ng Daddy mo and I am so sorry. I never wanted this to happen, pero..." Huminga ito ng malalim. "Anyway," pilit nitong pinasigla ang tinig saka siya hinarap at pinahiran ang kaniyang mga luha. "I'm glad that you're home. Let's go to the mall, gusto kong mag-shopping. Sa makalawa na ako lilipat sa bahay na ipinahiram sa akin ng kaibigan ko kaya mamimili ako ng mga gamit na kailangan ko para roon. Will you accompany me?"

Tumango siya.

"And you should invite me to dinner. Matagal na tayong hindi nagkaroon ng mother and son bonding, nagtatampo na rin ako sa'yo." She pouted, but that didn't make him smile. He was still worried and his guilt was eating him.

"We've stopped our bonding when you and Dad started to fight," aniya rito na ikinawala ng ngiti nito. Muli itong huminga ng malalim bago muling pilit na ngumiti. "Well, I hope that'll change after I moved out. I want you to visit me as often as you can in my new home. Ipagluluto kita ng paborito mo, okay?"

Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lang. His mother tapped his face, like she used to, and then went back to washing the dishes.

"Bakit mo ginagawa iyan? Where are the maids?" he asked.

His mother shrugged nonchalantly. "Your father fired them all last night. Pinalayas at hindi sinahuran. I ran after them and gave them my personal money. Pagbalik ko sa loob ay doon kami nag-umpisang mag-away ng ama mo. But, let's not talk about last night anymore. I just hope your father won't come back until I leave."

"And your car? Where is it? Pati ang ibang mga sasakyan ni Dad ay wala rin. Where are they?"

Bumuntong-hininga ang mommy niya. "Well, your father sold them all, including mine. Isa iyon sa mga pinag-awayan namin kagabi. May palagay akong nauubos na ang pera niya sa casino kaya ibinenta na lahat ng sasakyan. Hindi ako magtataka kung pati itong mansion ay ibente niya para lang may pang-sugal."

Napailing siya. Lalong lumalala ang ama niya. Sa oras na makauwi ito ay sila ang maghaharap. Hindi niya palalampasin ang muling pananakit nito sa mommy niya at ang patuloy nitong pagkakalulong sa sugal. Kung noong una'y nadala siya ng awa at pinalampas ang ginawa nito, this time, he won't. He will talk to him and convince him to go to rehab. Baka sa pamamagitan niyon ay bumalik ito sa dati.

"Okay, done." Ipinatong ng ina niya ang mga kubyertos at platong hinugasan sa ibabaw ng sink saka nagpahid ng mga kamay gamit ang suot na apron. "I'll just change my clothes and apply more makeup. Then, aalis na tayo."


*****


Pasado na alas seis ng gabi at nasa restaurant pa rin si Kane kasama ang ina. Mahabang oras silang nanatili sa shopping centre upang bumili ng mga na kakailanganin ng mommy niya sa bago nitong bahay. She bought small appliances like microwave, blender and a turbo food processor. Iyon na lang daw kasi ang kulang sa kitchen nito.

Matapos nilang manggaling sa appliance centre at naghanap naman ito ng mga bed covers and throw pillows. Nakikita niya sa ina kung gaano ito ka-saya sa pagpili ng mga gamit na kakailanganin nito sa bagong bahay— and he can't blame her. It must be a fresh breath of air for his mother to leave their house. Ipinaliwanag na nitong para iyon sa ikabubuti nilang tatlo ng daddy niya at naiintindihan niya.

Oh well, once his mother moved in to her new home and once he convinced his father to go to rehab, he will move in with Dreya. He will probably just buy the house for them, at gagawin niya iyon bago sila magpakasal.

Nang maalala ang kasintahan ay sandali siyang nagpaalam sa ina. They were waiting for the food to come so he took the chance to go and call Dreya.

And as soon as he heard her voice, his senses relaxed again. Na parang ang lahat ng problema at mga alalahanin niya ay muling nawala.

Ipinaliwanag niya ritong hindi makakabalik sa apartment sa gabing iyon dahil nais niyang samahan muna ang ina sa mansion. He will stay with his mother until she moves in to her new home, to ensure she's okay. Sinabi niya iyon kay Dreya na agad namang nakaintindi. Dalawang araw silang hindi magkikita pero alam niyang sa araw na iyon ay iyon na rin ang pinaka-matagal na maghihiwalay sila o hindi magkikita. Because once everything's settled, he will move his stuff to the apartment to live with her. At marahil ay papaagahin na rin niya ang plano nilang pagpapakasal.

But first, he needs to buy that house for Dreya.


*****



The next day, Kane accompanied his mother to her new house. It was a two storey, three-bedroom house in the most expensive subdivision in the town one hour away from their town. Halos lahat ng mga gamit sa bahay ay kumpleto na kasama ang mga gamit na binili ng ina kahapon subalit hindi pa ito makalipat doon dahil kasalukuyan pang inaayos ng dalawang trabahador ang paglalagay ng walk-in closet sa kwarto at cupboard sa kusina. Sinabi ng mga itong bukas pa iyon maaaring lipatan kaya isang gabi na lang ang kailangang tiisin ng mommy niya sa mansion.

He spent the whole day with his mom, strolling around the town, watched movies and shopped for more items that she need for the new house. Pati mga groceries nito'y binili na nito para bukas ay mag-aayos na lang ito ng mga gamit.

Hindi pa niya nababanggit sa ina ang tungkol kay Dreya, pero plano niyang sabihin ang tungkol dito at ang tungkol sa plano niyang magpapakasal kapag maayos na itong nakalipat sa bago nitong bahay. His mother would surely love Dreya. They will get along, that's for sure.

Oh, he couldn't help but miss her. Dalawang araw silang hindi nagkita, para siyang tandang na hindi mapalagay kakaisip dito noong nakaraang gabi. He's called her last night before he went to sleep only to tell her how he missed and longed for her. At kahit kaninang umaga pag-gising niya't ito kaagad ang una niyang naisip. He called her early in the morning, waking her up.

He just couldn't wait to see her again.

"I think your father is home, Kane."

Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang sinabi ng ina. Nahihimigan niya ang pag-aalala mula sa tinig nito nang magsalita. Nauna siyang bumaba sa kotse matapos niya iyong i-park sa maluwag na garahe, saka tiningala ang mansion. Tama ang mommy niya. Marahil ay naka-uwi na ang daddy niya dahil nakabukas ang ilaw sa silid ng mga ito. But there was no car, so he probably went home through a cab.

Umikot siya sa front seat at pinagbuksan ng pinto ang mommy niya na natutulala at halatang nag-aalala.

"Hey," untag niya nang yukuin niya ito. "Don't worry. I'm here, I won't let him hurt you."

Tumingala sa kaniya ang ina at sandali siyang tinitigan. Nakita niya kung papaanong nag-ulap ang mga mata nito bago ito pilit na ngumiti saka dinama siya sa pisngi. "You look like your father, Kane..."

Nakita niya ang lungkot na dumaan sa mga mata nito bago ito pumikit at huminga ng malalim. Ilang sandali pa'y nagmulat itong muli saka bumaba na ng sasakyan.

Hanggang sa makapasok sila sa loob ng mansion ay hawak-hawak siya ng ina sa braso. Nakabukas ang ilaw sa sala na marahil ay binuksan ng daddy niya, pati ang kusina.

"I'm sleeping in the guest room," bulong sa kaniya ng ina.

Hindi na siya nakasagot nang mula sa dining area ay lumusot ang daddy niya.

"Hey there."


*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro