CHAPTER 012 - Helping Him Out
Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Dreya nang marinig ang makina ng sasakyan ni Kane sa harap ng gate ng 'apartment'. Wala pang isang oras simula nang umalis ito at naroon na naman ito— at sigurado siyang may problema.
Pagdating sa baba ay kaagad niyang tinakbo ang front door at binuksan iyon upang abutan si Kane na akmang kakatok. Sandali pa itong nagulat nang makita siya at saka malungkot na ngumiti.
"Hi again," he said in a shallow voice.
Sapat na ang nakikita ni Dreya na lungkot sa mga mata ni Kane at ang pilit na ngiti upang masabing may nangyaring hindi maganda at kailangan nito ng kasama. Sa maraming beses na nagkikita sila noon sa burol at naglalabas ito ng sama ng loob sa mga nangyayari sa magulang, ay ganoong-ganoon ang ekspresyong nakikita niya sa mukha nito.
He's stressed out. And he needs someone to be with him.
Nilapitan niya si Kane at walang salitang niyakap ito. She rested her head to his chest and felt his heartbeat. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang init na hatid ng katawan nito sa kaniya. Parang siya pa yata ang nakaramdam ng ginhawa sa ginawa niyang iyon imbes na si Kane.
Kane put his hands behind her back and hugged her tightly. Lalo siyang nakaramdam ng ginhawa nang yakapin siya nito. At nang maramdaman niya ang mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya ay lalo niyang naramdaman ang seguradad sa bisig nito.
Kane was her security. Her hope and light. Her new dream. And they will soon be married and she couldn't wait.
Hindi niya alam kung gaano sila ka-tagal na magkayakap lang ni Kane sa pinto. Kung maaari lang ay nais niyang manatili roon at damhin ang init na dala ng yakap nito sa kaniya.
Hanggang sa bumuntong hininga si Kane at kumawala sa kaniya.
Doon siya nagmulat at tiningala ito. "How are you feeling now?'
He forced a smile, "Feeling better."
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila papasok saka isinara ang pinto. "Gusto mo bang pag-usapan ang nangyari?" tanong niya nang muli niya itong harapin.
Umiling ito saka humakbang patungo sa couch at naupo roon. "I'm sorry to disturb you."
Lumapit siya at tumabit rito. "Hindi pa naman ako matutulog, nagtutupi ako ng mga damit kong ipinadala sa'yo ni Tita Remi nang marinig ko ang pagparada ng sasakyan mo."
Napayuko si Kane at ipinatong ang mga siko sa magkabilang tuhod saka sinapo ang ulo. "My parents are making me nuts. Nagkakaroon lang ako ng katahimikan sa bahay kapag hindi nakakauwi si Dad at nasa casino. My mother would often leave, too. Pero kapag parehong nasa bahay silang dalawa ay sumasakit ang ulo ko sa mga pagtatalo nila. Kahit sa panaginip ay naririnig ko ang mga sigawan nila. I have no peace in that house, Dreya."
Nahihimigan niya ang paghihirap sa tinig nito at naiintindihan niya kung ano ang kasalukuyang nararamdaman ni Kane. She used to experienced that. Noong nasa poder siya ng Tita Remi niya at noong naroon pa siya sa bahay nila kasama ang bagong asawa ng mama niya. She used to have no peace. Pero salamat kay Kane at nahanap niya ang katahimikang iyon. At panahon na para bumawi siya rito.
"Bakit hindi ka na lang din dito tumira sa apartment?" suhestiyon niya. Alam niyang hindi tamang tumira ang magkasintahan sa iisang bubong nang wala pang basbas ng kasal— makaluma ang paniniwala niya at alam niya iyon. Pero kung ang pag-alis ni Kane sa bahay ng mga ito at ang makasama siya lagi ang makakapagbigay ng katahimikan sa loob nito, ay kaya niyang baliin ang kaniyang mga paniniwala.
Inihilamos ni Kane ang mga palad sa mukha. "Ayokong malaman ng university na magkasama tayo sa iisang bubong— baka matanggalan ka ng scholarship at hindi ka na nila tanggapin sa unibersidad. I have no worries on my part. They can't ditch me away, they need me and my brain for their benefits."
May punto ito, kaya nanahimik siya.
Doon siya nilingon ni Kane at nang makita ang pag-aalala sa anyo niya ay bumuntong-hininga ito saka inabot ang kamay niya. "Ilang buwan na lang din naman ang hihintayin natin. Once we are married, no one will question us. Don't worry about me, kaya kong magtiis. Mom will soon move out and it will be only me and my dad in the house."
Tumango siya at nginitian ito.
Dinala ni Kane ang kamay niya sa mga labi nito saka masuyo iyong hinalikan. Nakikita niyang hindi pa rin nawawala ang bigat sa kalooban nito dahil naroon pa rin ang kunot sa noo nito at ang lungkot sa mga mata nito.
"I just want to stay away from the argument as much as possible," patuloy nito na muling napa-yuko sa sahig— na tila ba naroon ang lahat ng kasagutan sa problema nito. "I just don't want to hear them scream at each other and call names. Na parang hindi sila nagmahalan noon. I just want to keep all the good memories I have about them—loving each other, caring for each other... Hindi ko pa rin matanggap na nangyari ito sa pamilya ko pero hindi ko ipagkakait sa kanila ang suportang kailangan nila sa kanilang mga desisyon. Sa tuwing naririnig ko ang sigaw nila sa isa't isa, ang mga mura at masasakit na mga salita, ay ako ang nasasaktan. Kapag nakikita ko ang matalim nilang titigan ay ako ang nahihirapan. I love both of my parents but I despise the way they treat each other now. Kaya gusto kong umiwas... gusto kong kalimutan ang mga narinig at nakita ko. Ayokong baunin iyon sa mga panaginip ko. Sa kinabukasan."
Hindi niya naiwasang mahabag nang makita kung papaanong pinigilan ni Kane ang mga luhang bumagsak. Iyon ang unang pagkakataong nakita niyang umiyak ito. At nahihirapan siya. Alam niyang matinding sakit at paghihirap ang pinagdadaanan ngayon ni Kane at ngayon ay naiintindihan niyang ang mga nangyayari sa pamilya nito ay nagdadala ng trauma rito.
And she couldn't help herself but feel sorry for him.
"I want to forget the screams and the nasty exchange of words," muling saad ni Kane bago muling sinapo ang ulo at yumuko sa sahig. "Gusto kong mawala sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitawan nila sa isa't isa. I hope tomorrow, when I wake up, I'd forget about everything."
Huminga siya ng malalim. "Do you want me to help you forget about your troubles and fears just for tonight?"
Nagulat siya sa sinabi. Why did she even say that?
Nakita niya ang pag-angat ng tingin ni Kane sa kaniya.
At bago pa man ito may sabihin ay tumayo na siya at hinubad ang pajama top niya sa panggilalas nito. Kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang gawin iyon ay hindi niya alam. Ang katawan at isip niya ay kusang gumalaw—at nagdesisyon na gawin iyon para sa kasintahan.
"Make love to me, Kane. And let's forget about everything else tonight."
Nakita niya kung papaanong nawala ang pangamba sa mukha ni Kane at napalitan ng pagkagulat matapos nitong marinig ang pahayag niyang iyon. She then saw how his eyes went down to her naked chest.
She gulped. It's too late to turn back.
Ang lahat ng prinsipyo at paniniwala niya ay itinapon na niya lahat sa bintana.
All of that for Kane. For the man she owes and loves.
Ang pagkagulat sa mukha ni Kane ay nawala at napalitan ng pagkunot ng noo. Tumayo ito at hinarap siya. Hinawakan nito ang pagkabilang balikat niya na ikinapitlag niya dala ng init mula sa mga palad nito.
Kane looked straight into her eyes when he spoke, "Don't, Dreya." Kinuha nito ang hinubad niyang pajama top na bumagsak sa sofa at itinakip sa hubad niyang katawan. Ang malamlam nitong mga mata ay nakatitig ng diretso sa mga mata niya, instilling sanity. "Don't do this just to comfort me. This is not what I want."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. She was so ready to give herself to the man she loves just a few seconds ago and then, she was just rejected.
Why did she even do it in the first place?
Napalunok siya sa pagkapahiya at saka ipinaksiklop ang mga braso sa dibdib. Napayuko siya at napatingin sa carpet, papaano pa niya sasalubungin ang mga mata ni Kane matapos ng ginawa at sinabi niya?
Nagulat na lang siya nang hapitin siya nito at yakapin, saka hinalikan sa noo.
"Don't get me wrong. Of course, I want you. I want you like crazy you can't even begin to know how much. And I appreciate what you did. But I want you to give yourself to me because we are both ready, not because I'm vulnerable and sad. Not for the sake of comforting me."
Oh, you are perfect, Kane Madrigal... bulong na lamang niya sa kaniyang isip. Nawala na ang pagkapahiya niya dahil ipinaliwanag nito sa kaniya ang dahilan ng pagtanggi. At sa ginawang iyon ng binata ay lalo lamang niya itong minahal. Lalo lamang niya itong ni-respeto.
She was about to hug him back when he released her.
"Go to bed now, gabi na at kailangan mo pang magpahinga," sabi nito sa mabuway na tinig. Doon niya nakita sa mukha nito ang pagpipigil sa sarili.
Tumango siya. "Paano ka? Are you sleeping here?"
"Yeah," nilingon nito ang couch. "I'll make myself comfortable here."
"You can sleep in the room, if you want."
Oh God, ano ka ba, Dreya?! Sigaw ng matinong bahagi ng utak niya. Hindi ka ba titigil?
I was just offering the room, wala akong ibig sabihin doon! Depensa rin niya sa sariling kaisipan.
"You won't be comfortable," sabi naman ni Kane sa kaniya.
Natawa siya sa sinabi nito. "Paanong hindi, eh king sized bed iyong binili mo? Kahit hatiin sa tatlo ang kama na iyon ay magkakasya ako, 'no."
Nakita niyang matagal na nag-isip si Kane sa sinabi niya bago ito tumango at inakbayan siya. "Let's go, then."
Huminga siya ng malalim para i-kalma ang sarili.
When we're both ready, huh?
*****
"Today is my graduation," anunsyo ni Dreya kinaumagahan. Nasa kusina siya at nagluluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Kane nang maalala ang araw na iyon.
Sa dami ng mga nangyari sa linggong iyon ay nakalimutan na niya ang tungkol sa kaniyang pagtatapos.
Matapos ang nangyaring iyon sa kaniya ay hindi na siya muling nakapasok dahil ibinilin ng doktor na magpahinga muna siya. Ayon kay Kane ay nakausap na nito ang guro niya pati na ang school official na siyang nagsu-supervise ng mga working students at ipinaliwanag ang nangyari sa kaniya, kaya pumayag ang mga itong h'wag na siyang bumalik sa unibersidad at magpahinga na lang muna. Nag-alok ang mga ito ng tulong subalit magalang iyong tinanggihan ni Kane.
"They know that you can't come," sagot ng binata na nakatayo sa entrada ng kusina at pinapanood siya sa ginagawa. Nakahalukipkip itong nakamasid lang sa kaniya magmula pa kanina. "Hindi na rin ako babalik sa university ngayong araw at wala akong planong umuwi sa mansion. Kaya... gusto mo bang mamasyal?"
Humarap siya rito at malapad na ngumiti saka tumango. "I'd love to. Saan tayo?"
Nagkibit-balikat ito. "Wherever you want."
Inikutan niya ito ng mga mata. "How boring."
Malakas na natawa si Kane sa naging reaksyon niya na ikina-ngiti niya. Masaya siyang kahit papaano ay napapagaan niya ang loob nito at napapatawa.
Kagabi ay hindi niya alam kung anong oras na ito natulog. They slept on the same bed but Kane didn't do anything as much as hold her in his arms. Buong gabi ay nakahiga lang siya sa bisig nito at sa pag-gising ay naroon pa rin siya. Alam niyang nangalay ito pero hindi ito kumilos o nagreklamo.
And he was very gentle. Nagigising siyang nararamdamang hinahalikan siya nito sa noo at niyayakap ng mahigpit.
Hindi siya sigurado kung nakatulog ito, pero masaya siyang makitang magaan na ulit ang anyo nito hindi katulad kagabi na tila pasan-pasan nito ang mundo.
Ibinalik niya ang pansin sa pini-pritong bacon and ham. Kahit ang groceries sa loob ng bahay ay kinompleto ni Kane at ginawang magaan ang lahat sa kaniya.
Kapag ganitong lalaki ba naman ang makasama ko habang buhay, may mahihiling pa ba ako...? bulong niya sa sarili habang nakangiti. Hindi na bacon at ham ang nakikita niya sa paningin kung hindi silang dalawa ni Kane, kasama ang magiging mga anak nila sa kinabukasan.
Magiging mga anak namin...? Para siyang binasbasan ng langit nang maisip iyon. Oh, she could not wait for the future!
Nasa ganoon siyang kaisipan nang maramdaman ang mga kamay ni Kane na pumulupot sa bewang niya dahilan upang bahagya siyang mapa-igtad. She was about to turn to him when his head rested on her shoulder, giving her light kisses on her neck. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya.
Natalsikan ba siya ng mantika? Parang may biglang init kasi siyang naramdaman na dumapo sa katawan niya sa ginawang iyon ni Kane.
"I wanted to tell you how wonderful I felt when I woke up with you by my side. It felt so surreal, and I could get used to it," sabi nito sa pagitan ng mumunting mga halik sa leeg niya. "And also, you look lovely while you cook. I could imagine you doing this until we're sixty."
Nine-nerbiyos siyang ngumiti saka pilit na inalis sa isip ang init na nararamdaman sa katawan sa ginagawang iyon sa kaniya ni Kane. "M—Masusunog na itong pini-prito ko, huy."
Subalit hindi tumigil si Kane. Ang mga labi nito'y bumaba na sa kaniyang mga balikat. At dahil nakasuot siya ng sleeveless top ay malaya nitong idinadampi ang mga labi sa kaniyang balat, making her feel hot all the more.
Hirap siyang napalunok saka napapikit. Oh, shoot...
"I forgot to tell you..." anito habang patuloy sa pagdampi ng mumunting mga halik sa balat niya. "That you look so hot in your pajamas last night— most especially when you took off your top."
Napasinghap siya sabay mulat ng mga mata.
"Just thinking about that beautiful sight last night makes me want to have a cold shower now..."
Oh... She bit her lower lip and moaned when Kane's kisses went back to her neck and up to her jaw.
Iyon ang unang pagkakataong naging mapangahas si Kane sa kaniya at wala siyang problema roon. Kung tutuusin ay kagabi pa niya nais na maging mapang-ahas ito subalit pinipigilan din ito ng sarili nitong paniniwala.
Ang isang kamay ni Kane ay dinala nito sa pisngi niya upang pihitin siya paharap dito. And when she did, he eventually caught her lips and kissed her senselessly.
She moaned when Kane gave her the roughest kiss he's ever given. Iyon din ang unang pagkakataong binigyan siya nito ng ganoong klaseng halik.
Mariin. Mapang-angkin.
And she liked it.
She was about to give in to him when suddenly, she smelt something.
Mabilis siyang nagmulat nang may maamoy na nasusunog at humiwalay kay Kane upang patayin ang electric stove.
"Oh, shoot!" bulalas niya nang makitang sunog na sunog na ang pinipritong bacon at ham. Nagkulay itim na ang mga iyon at umuusok niya. Napa-ungol siya at binalingan si Kane na ang tingin ay nakapako pa rin sa kaniya, his eyes ablazed with desire that made her swallowed hard.
Pilit siyang ngumiti. "Paano ba 'yan, mukhang kakain tayo ng uling ngayong umaga?"
Doon lang nito binawi ang tingin sa kaniya at sinipat ang nasunog na pagkain. He tsked and smiled at her, "Let's go, we'll eat somewhere else."
Yayain mo na lang kaya ako sa kwarto? biro niya sa isip. Mainit pa rin ang pakiramdam niya at hindi niya alam kung papaanong susugpuin ang apoy na iyon sa kaniyang katawan.
"Don't stare at me like that," anito na nakatitig din sa kaniya. Seryoso ang anyo nito habang direktang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Baka hindi tayo makapag-almusal," birong-totoo nito bago siya hinila palabas ng kusina.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro