CHAPTER 010 - Diamond
Pagmulat ng mga mata ni Dreya ay puting kisame kaagad ang una niyang nabungaran. She frowned and looked around.
Hindi pamilyar ang silid na nakikita niya. Ang bintana sa bandang kaliwa niya ay maaliwalas at nakabukas, letting the fresh air enter the room. Ang puting kurtinang naroon ay nakatali ng maayos at inililipad ng hangin. Sa bahaging iyon din ay may nakita siyang side table kung saan may nakapatong na vase na may magaganda at samut saring bulaklak. Ibinaling niya ang tingin sa kabilang bahagi ng silid at doon siya napasinghap.
Katabi ng higaan niya ay mayroong malaking couch kung saan naroon at natutulog si Kane. He was leaning in her bed as he held her hand. He was sleeping peacefully, but his brows were frowning.
Are you having nightmares, Kane...? aniya sa isip saka itinaas ang kamay upang sana'y damhin ang pisngi nito. Subalit natigilan siya nang makitang may naka-kabit na suwero sa kaliwang braso niya.
At doo'y napagtanto niya kung nasaan siya.
Hindi niya napigilang mapahikbi nang maalala kung ano ang nangyari at kung bakit siya naroon sa ospital.
Si Kane, nang maramdam ang pagkilos niya at marinig ang bahagya niyang paghikbi ay nagmulat. Nang makita siya nitong gising na ay bumangon ito at nag-aalalang hinawakan siya sa pisngi.
"Hey... How are you feeling?"
She sniffed. "Numb..." sagot niya sa paos na tinig. "Gaano na ako... ka-tagal na narito?"
Nakita niya ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Kane bago sumagot. Sa mga oras na iyon ay hindi nito suot ang salamin kaya malaya niyang nakikita ang pumapaloob na damdamin sa mga mata nito. "You were unconscious for two days. Maliban sa ilang pasa na natamo mo sa buong katawan ay maayos na ang lagay mo." Masuyo nitong dinama ang pisngi niya.
Pilit siyang bumangon at napangiwi nang bahagyang maramdaman ang pananakit ng katawan. Inalalayan siya ni Kane na maupo sa kama, putting a pillow behind her back.
"Anong... nangyari?" tanong niya makalipas ang ilang sandali.
Huminga muna ng malalim si Kane bago muling sumagot. "Ang sabi ng pinsan mong si Jose ay dumating siya kasama ang dalawang kaibigan sa bahay ninyo at inabutang sinasaktan ka ng tiyuhin mo, wala nang malay ay duguan sa sahig. Natakot sila sa nakita, akala nila ay wala ka nang buhay, kaya ang isa sa mga kasama nito'y kaagad na tumawag ng tulong. Your uncle said you were trying to take his money, at nang hindi ka niya bigyan ay nagalit ka at sinaksak mo siya. He said he only fought for his life, so he beat you off."
Umiling siya nang sunud-sunod. Ang mga luha'y namuo sa kaniyang mga mata. "Walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya, Kane. Iba ang totoong nangyari—"
"Hush... It's alright," anito. Mabilis itong naupo sa gilid ng kama at niyakap siya.
Sandali siyang umiyak nang umiyak sa mga bisig nito habang hinahagod nito ang likod niya, making her feel safe and warm. Naramdaman niya ang ilang beses na pagtatagis ng bagang nito at ramdam din niya ang pagpipigil nito ng galit.
"Ang mga kapitbahay ninyo na tumawag ng ambulansya ay hindi naniwala sa salaysay ng tiyuhin mo. They called the police to capture him. Unfortunately, he was able to escape. Ang pinsan mong si Jose at ang dalawa niyang kaibigan ang sumama sa'yo rito sa ospital. Habang ang Tita Remi mo ay naghihisterya ngayon doon sa inyo. She was blaming you for everything."
Umiyak siya nang umiyak upang ilabas ang bigat ng pakiramdam. She was thankful for Jose. Dahil kahit hindi sila nito kailanman naging malapit, ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya at samahan sa ospital. Subalit ngayon ay wala na siyang matitirhan— ano na ang gagawin niya?
"Nag-alala ako nang hindi kita nakita sa campus nang sumunod na araw. You don't skip school, kaya nang hapon ding iyon ay pumunta ako sa inyo at hinanap ang tinitirhan mo. Noong araw na iyon ay naroon ang pinsan mong si Jenna at siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka. I also met your Aunt Remi and she was furious. Ipinadala niya sa akin lahat ng gamit mo at nagsabing wala na siyang pakealam sa iyo."
She sniffed. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?
Humiwalay sa kaniya si Kane at tinitigan siya ng diretso. "Don't worry, Dreya. I am always here for you. You are not alone. Ipapahanap ko ang may gawa sa'yo nito at ipapakulong, I promise you that." Masuyo nitong pinahiran ang mga luha niyang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. "And you don't need to worry about anything else anymore. Kaninang umaga ay nakahanap na ako ng apartment na maaari mong tuluyan, nakabili na rin ako ng mga gamit para roon. Paglabas mo sa ospital ay doon ka na didiretso— iyon na ang bago mong tirahan."
Natigilan siya sa sinabi nito. Nagpapasalamat siya sa tulong nito pero hanggang maaari sana ay ayaw niyang tumanggap ng kahit na ano sa kasintahan.
Pero may iba ba siyang pagpipilian?
Hindi niya napigilan ang mga luhang muling bumukal sa kaniyang mga mata.
Abot hanggang langit ang pasasalamat niya dahil naroon si Kane para sa kaniya. Dahil naging parte ito ng buhay niya.
She has no friends and no other family to run to.
But she has Kane— and that's more than enough.
"Promise me one thing, Drey..."
She blinked to remove the tears in her eyes. Tiningala niya si Kane na nakatunghay sa kaniya.
"Promise me that this will be the last time I would see you cry," anito saka muling dinama ang pisngi niya. "I will never let anyone hurt you again, I promise. And in return, you have to promise me to never cry again."
She sniffed and smiled at him. "Okay..."
"Do you promise?"
Tumango siya.
Bumaba ang mga labi nito at hinalikan siya sa noo. "I love you, Drey. And I promise to take care of you forever."
*****
Sa ika-apat na araw ni Dreya sa ospital ay nagsabi ang doktor na maaari na siyang lumabas. Kahit papaano, sa kabila ng bugbog na inabot niya, ay wala siyang gaanong damage na natamo sa katawan. Ang mga pasa niya ay unti-unti na ring nawawala, at ang lakas niya'y unti-unti nang bumabalik.
Noong araw ng pag-alis niya sa ospital ay siyang pagdalaw sa kaniya nina Jenna at Jose. Nagpasalamat siya sa huli dahil kung hindi ito dumating noong gabing iyon kasama ang mga kaibigan ay baka napatay na siya ng ama nito. Nagpasalamat din siya dahil dinala siya nito sa ospital at sinamahan hanggang sa dumating si Kane. Humingi rin siya ng tawad sa mga ito dahil sa nangyari. Na kung hindi sana siya tumira sa mga ito'y hindi sana nangyari iyon at hindi sana nasira ang pamilya ng mga ito.
Jenna just shrugged her shoulders as if she didn't care, whilst Jose almost cried. Inihingi nito ng tawad ang ama at nagsabing tutulong sa paghahanap para mabigyan ng hustisya ang ginawa nito sa kaniya. Nagsabi itong napapansin nito ang palihim na pag-abot sa kaniya ng ama nito ng pera at ang mga pasimpleng sulyap nito sa kaniya. Humingi ito ng tawad dahil kung nabigyan nito ng aksyon ang mga senyales na nakita ay hindi sana umabot sa ganoon ang nangyari.
At iyon ang leksyon na natutunan din ni Jose. Katulad ng kung papaanong natuto siya sa nangyari noong nakaraan lang din sa high school student na biktima na kamanyakan ni Vincent Alarcon —Na kung may nagsalita lang sana sa nakita at narinig, ay hindi na sana lumaki pa ang problema at naagapan sana ang disgrasya.
"Are you okay with this?"
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tinig ni Kane. Napatingala siya sa apartment na nasa harapan niya.
She gulped. "Ang... laki nito, Kane. Hindi apartment ang tawag dito— bahay na ito," aniya.
Naroon na sila ngayon sa harap ng 'apartment' na kinuha ni Kane para sa kaniya. Doon sila dumiretso matapos niyang lumabas ng ospital.
She was staring at a two-storey house painted in white. Moderno ang disenyo ng bahay at may maliit at magandang terrace sa ikalawang palapag. Ang gate ay gawa sa Mahogany wood at hanggang balikat lang ang taas. Sa harap ay mayroong garahe at maliit na garden. Maliban pa roon ay naroon iyon sa isang mamahaling subdivision at medyo may kalayuan sa bayan.
"It's for sale, actually," sabi ni Kane habang itinutulak pabukas ang gate. "Kung magugustuhan mo rito ay bibilhin ko na. I have enough money in the bank, I can actually buy another car for you para—"
Doon siya biglang nataranta. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa kamay. "Hey, don't get me wrong. Masaya ako at nagpapasalamat sa lahat ng tulong mo, pero hindi mo ako kailangang bilhan ng bahay para lang—"
"I am buying it for the future," anito saka siya nginitian. "For our future."
Oh. Gustong sumabog ng dibdib niya sa narinig. Tila biglang nagliwanag ang paligid at kumanta ang mga anghel matapos marinig ang sinabing iyon ni Kane.
Nginisihan siya nito nang makita ang pamumula ng pisngi niya. "I love it when you blush like that."
Umiwas siya ng tingin at mabilis na humakbang papasok para iwasan ang panunukso nito. Huminto siya sa harap ng pinto at hinintay itong makalapit.
Nakangisi pa rin ito nang buksan nito ang pinto, habang siya naman ay hindi ito matingnan ng diresto.
Nang buksan nito ang pinto ay nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kaniya ang magandang sala. There was a big flat screen TV hanged on the wall, sa ibaba ay mayroong malaking couch at indoor plants habang sa sahig naman ay may creame coloured carpet. Napasulyap siya sa kusina sa bandang kanan at nakita ang kumpletong mga appliances at furniture na naroon.
Namamanghang nilingon niya si Kane. "Lahat ba ng gamit dito ay binili mo pa?"
Tumango ito, "Para kumportable ka."
Gusto niyang maluha sa pagkamangha, "Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ito, Kane. A simple room with a bed to sleep is enough for me—"
"Not for the woman I love," nakangisi nitong sabi.
She sniffed and walked towards him. Pagkalapit ay kaagad niya itong niyakap. "Thank you for everything. Hindi ko alam kung papaano ako magpapasalamat sa lahat ng tulong na ibinibigay mo sa akin."
"I promised to take care of you, remember?"
Tumango siya at inihilig ang ulo sa dibdib nito.
Naramdaman niya ang paghagod ni Kane sa kaniyang likod and that made her close her eyes.
"So, do you like it here?"
Tumango lang siya bilang pagsagot.
"Glad you like it. By the way, I have a surprise for you in the kitchen. Let's go there."
Nagpaakay siya kay Kane nang hilahin siya nito patungo sa kusina. Pagdating roon ay pinaupo siya nito sa harap ng mesa at binuksan nito ang fridge.
"Close your eyes first," anito.
Natatawang sumunod siya sa sinabi nito. Makalipas ang ilang segundo ay muli itong nagsalita.
"You can open your eyes now."
And when she did, she sucked her breath in surprise. Sa harap niya ay mayroong bilog na cake at may nakasinding kandila. Sa ibabaw niyon ay may nakasulat na 'Belated Happy birthday!'
Muli, ay pinigilan niya ang sariling maluha. Napatingala siya kay Kane na nakangiting nakatunghay sa kaniya.
"Binili ko iyan kanina bago kita sinundo sa ospital."
"How did you know?" tanong niya rito.
He shrugged, "Nakita ko ang records mo sa ospital at nalamang kaarawan mo noong araw na nagising ka. Bakit hindi ka man lang nagsabi noon?"
She made a face, "Maaalala ko pa ba iyon sa dami ng mga nangyari sa akin?"
Bahaw itong ngumiti. "You're right." Naupo ito sa katabing upuan at sa seryosong tinig ay muling nagsalita. "You woke up on your birthday. And you know what it means?"
Umiling siya.
"New beginning. Everything happened for a reason. Ang nangyaring iyon sa iyo ay naging daan upang makawala ka sa tiyahin mo at mapalapit lalo sa akin. The fate has decided— you are now with me. And I am not letting you go."
She frowned at Kane. Ano'ng sinasabi niya?
Nagpatuloy ito. "You are now eighteen. And I am turning twenty-one in three months time. Pagdating ng araw na iyon, may gusto akong gawin."
Lalong lumalim ang gatla sa noo niya.
Ngumiti ito at saka may dinukot sa bulsa.
Bigla siyang kinabahan.
And when Kane showed her what it was— she almost fainted.
A diamond ring!
"I want to marry you and offer you everything, Adrianna Lam. Please allow me to be part of your life forever."
Naitakip niya sa bibig ang mga nanginginig na kamay. Shocked was an understatement. She was overwhelmed and ecstatic at the same time.
Napaka-bilis ng pangyayari! Parang kahapon lang ay naging magkaibigan sila. Naging magkasintahan— at ngayon ay inaalok siya ni Kane Madrigal ng kasal?!
"Well?"
Hindi pa rin niya magawang sumagot. She was shocked, excited, and just too happy! Gusto niyang umiyak na lang ng umiyak.
"You are making me nervous..." saad ni Kane nang wala pa ring sagot na nakuha mula sa kaniya. Unti-unting nawala ang ngiti nito sa mga labi. "I... understand that we are both still young. But Drey— I can't see myself marrying someone else in the future but you. You are the only woman I wanted to spend the rest of my life with, at gusto kitang protektahan sa lahat ng oras. So... if you accept me now, I —"
"Yes!" There. Nagawa na rin niyang sumagot. At kasabay ng pagsagot na iyon ay ang pagbuhos ng kaniyang mga luha.
Si Kane naman, nang marinig ang sinabi niya ay nabunutan ng tinik. Inakala nitong hindi niya ito tatanggapin kaya sandali itong nag-alala. His face brightened as he took her hand and put the ring on her finger.
Sa sobrang tuwa niya ay wala na siyang ibang sinabi siya. Napa-iyak na lang siya.
"You promised me to never cry again, remember?" natatawang sambit ni Kane habang pinapahiran ang mga luha niyang bumagsak sa magkabila niyang pisngi.
Natatawang hinila niya ang kwelyo ng suot nitong polo shirt at mariin itong hinalikan sa mga labi.
*****
[Dapat mayroong isang GIF o video rito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro