Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 008 - Troubled




    Matapos ihatid si Dreya sa lugar malapit sa tinitirhan nito ay kaagad nang umuwi si Kane sa mansion. Pagdating doon ay inabutan niya ang mesang puno ng pagkain na inihain ng mga maids— like usual. Subalit tulad din ng kinagawian sa nakalipas na mga buwan ay hindi na naman siya kakain at didiretso na lang sa kaniyang silid.

    Paakyat na siya sa hagdan patungo sa kaniyang silid nang mahinto. Mula sa kinaroroonan ay dinig niya ang muling pagtatalo ng mga magulang sa silid ng mga ito. He released an exhasperating breath.

    Hindi niya gaanong naiintindihan ang sinasabi ng mga ito pero sigurado siyang ganoon at ganoon pa rin ang pinagtatalunan ng mga magulang niya.

    His father's addiction to gambling and his mother's cheating.

    Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon lang sa hagdan at nakikinig sa mga ito. Hindi na rin niya mabilang kung nakailang buntong hininga na siya, bago niya itinuloy ang pag-akyat.

    Nasa harap na siya ng pinto ng kaniyang silid nang hangos na lumabas ang mommy niya mula sa silid ng mga ito at nakatakip ang mukhang tumakbo sa hallway. He frowned and stopped her by grabbing her arm.

    "Mom?"

    Hindi ito sumagot, sa halip ay malakas itong humagulgol at yumakap sa kaniya.

    "Mom—"

    "I'm sorry, Kane. I'm sorry. But I must leave your dad. I can't take it anymore!" anito habang nakayakap sa kaniya.

    Hinagod niya sa likod ang ina saka nilingon ang pinto ng silid na pinanggalingan nito. Bumuntong hininga siya saka muling ibinalik ang pansin dito. "I think all three of us should talk about—" he stopped in mid sentence when his mother raised her face to him, showing him the purple mark around her left eye. Biglang nagdilim ang paningin niya. "Did he do that?'

    His mother's tears just continued to flow down her face. He was cranky. Ang dating argumento at batuhan ng mga masasakit na salita ay nauwi na sa pisikal. At hindi niya palalampasin iyon!

    "What else did he do to you?"

    Umiling ang mommy niya. "It's not important anymore, Kane. Just drive me away from this house. Hindi ko na kayang pakisamahan ang Daddy mo."

    But Kane didn't listen. Bago pa siya napigilan ng ina ay mabilis na siyang humakbang patungo sa silid ng mga ito at kinalabog ang pinto. Ilang sandali pa'y bumukas iyon at ang akma niyang pag-kompronta sa ama ay nahinto nang makita niyang susuray-suray ito at tila wala sa sarili.

    Kane has never felt so down in his whole life. He never imagined this could happen to their family.

    He grew up seeing his father to be a respected man— neat and clean with a ready smile for everybody. Pero ang kaharap niya ngayon ay iba na— halos hindi na niya makilala. He now has beard on his face. His hair is longer than usual. And he hasn't changed his clothes from two days ago.

    Hindi makapaniwalang umatras si Kane. "What has gotten into you, Dad?"

    "H'wag ka nang makisali sa amin, Kane," sagot ng ama niya at akma sanang isasara ang pinto nang naging maagap siya at pinigilan iyon.

    "Karapatan kong makisali dahil anak ninyo ako at ako ang labis na naaapektuhan sa ginagawa ninyo! You shouldn't have hit Mom! Kung galit kayo ay umiwas na lang kayo sa isa't isa!" Kane was furious and the only thing he could do to let it all out was to shout. He has never shouted at his father before, pero kung ganoon at magpapatuloy ito sa ginagawa ay marahil masusundan pa iyon.

    Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng ama bago ito bumuntong hininga saka muling akmang isasara ang pinto nang galit niyang itinulak iyon pabukas. He was about to enter the room to talk to his father one on one when he stopped. Natigilan siya nang makita kung gaano ka-gulo ang silid ng mga ito.

    Ang kama ay walang sapin. Ang mga hinubad at bagong damit ay nagkalat sa sahig, kabilang na roon ang mga sapatos ng mga ito. Ang single chair na nasa harap ng tokador ay nakatumba at ang dalawang lampshade sa magkabilang bahagi ng kama ay nasa sahig na rin. Mayroon pang basag na bagay sa carpet na hindi alam ni Kane kung baso o vase.

    His parent's room was totally a mess.

    Ibinalik niya ang tingin sa ama na nanatiling tahimik na nakayuko. Sa palagay ni Kane ay ilang araw na itong walang tulog.

    Sa nakita ay pilit siyang huminahon at bumuntong-hininga. "You need rest," aniya sa mahinang tinig. Biglang nawala ang galit na kanina ay naramdaman niya.

    He felt sorry for both his parents.

    Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi niya alam kung totoong nalulugi na ang kumpanya ng ama dahil sa pagsusugal nito at kung totoong may ibang lalaki ang ina niya.

    Kung totoo man iyon ay parehong may kasalanan ang dalawa.

    Dahan-dahang itinaas ng ama niya ang mga mata at sinalubong ang mga tingin niya. Malamlam ang mga iyon at hindi niya naiwasang maawa.

    "I think you're right, Kane. I need rest..." Hinawakan siya nito sa braso at marahang itinulak palabas ng pinto. "Go now, let me have some rest. And bring your mother anywhere she wants. I am fed up with her."

    Mabigat ang loob na pinagmasdan ni Kane kung papaano siyang pagsarhan ng pinto ng ama. His father closed it slowly, as if taking his time, while staring straight into his eyes.

    Mabigat ang loob na umalis si Kane sa harap ng pinto at naglakad sa hallway upang muling matigilan nang makita ang ina na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan niya rito. Still crying as she covered her face with her hands.

    "Mom..." Hindi niya alam ang gagawin. He didn't want his parents to seperate but he can't force them to continue living together, either. Pareho nang hindi masaya sa isa't isa ang mga ito. "Mom—"

    "I want to... I want to sleep in the hotel, Kane." Marahan itong suminghot at nagpahid ng mga luha bago siya muling hinarap. "Bukas na bukas din ay gusto kong asikasuhin ang tungkol sa paghihiwalay namin ng dad mo. And I hope you undertstand why I have to do this, anak..."

    Kane shut his mouth and decided not to say anything.

    If seperation is his parent's only resort — then, he will concede.


*****


    "Kane, may problema na naman ba sa inyo...?"

    Mula sa tahimik na pagtunghay sa field mula sa bintana ng library ay napalingon si Kane sa nagsalita. Si Dreya ay naka-kunot ang noong nakatayo sa tabi niya at may bitbit na mga malalaking libro.

    Pilit siyang ngumiti. "Hey. Do you need help with that?"

    Bahagya itong ngumiti saka umiling, "No, thanks. I can manage. Pero gusto kong malaman kung ano ang bumabagabag sa iyo." Muling nawala ang ngiti nito saka nag-aalalang nagpatuloy, "Mag-iisang oras na simula nang pumasok ka dito sa library at tumayo r'yan sa harap ng bintana. May problema ka ba na gusto mong pag-usapan natin?"

    He shrugged, "It's nothing I can't handle. I'm just fine."

    Subalit hindi naalis ang pagkakakunot ng noo ni Dreya, at nanatili pa rin itong nakatayo roon na tila hinihintay ang pagsasabi niya rito ng nasa kalooban niya.

    He released a sigh in surrender and forced a smile. Sa mahinang tinig ay inumpisahan niyang ikwento rito ang nangyari noong nakaraang gabi.

    Si Dreya, matapos niyang magkwento ay bumuntong hininga saka inangat ang isang kamay upang marahan siyang haplusin sa pisngi. "Everything will be allright, Kane. Kung ang desisyon ng mga magulang mo ang makabubuti para hindi na lumalim pa ang hidwaan nilang dalawa ay umalalay ka na lang. Suportahan mo sila, doon ka sa mas makabubuti."

    "I never wanted to have a broken family, Dreya. But you are right. If they can't find happiness from each other anymore, I guess they should just let go." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nitong nakadampi sa pisngi niya. "Thank you."

    Akma nang tatanggalin ni Dreya ang kamay nito sa kaniyang pisngi nang hapitin niya ito palapit sa kaniya, dahilan upang mabitawan nito ang hawak na mga libro. He smiled at her shocked face and was about to steal a kiss when a loud scream outside the open window caught their attention.

    Sabay silang napalingon doon at nakita nila sa labas ang mga nagkumpulang mga estudyante sa hindi kalayuan, malapit sa Accounting Department building. Maiingay ang mga ito at nagsitakbuhan patungo roon, kasunod ang ilang mga guro at ang mga guards.

    "Something happened," komento ni Dreya na nasa labas ang tingin. Ang mga kamay nito'y nakapatong sa kaniyang dibdib.

    He stared at her frowning face as she looked outside. Ang mga kamay niya'y nakahawak sa beywang nito at ang mga katawan nila ay magkadikit.

    He smiled as he continued to gaze at her.

    Oh, he loves everything about Dreya. From her long, curly hair, to her makeup-free face, up to her beautiful soul. He loves her smile, her laugh, her wisdom and her perspective about life.

    She is full of positivity in her veins, na kahit marami itong pinagdaraan at kahit hirap sa buhay ay lagi itong matatag at positibo.

    And he feels complete whenever they are together. Kapag magulo ang utak niya sa kakaisip sa mga pinagdaraanan ng mga magulang niya ay si Dreya lang ang gusto niyang makita upang mawala lahat ng bumabagab sa kaniya.

    She is the peacefulness that he needed in his life.

    Dreya is his peace. Just one look at her and all his troubles fade away.

    At sa loob ng isang linggo simula nang naging sila ay naging parte na ito ng buhay niya— ng mga pangarap na binubuo niya para sa kinabukasan. He has decided that Dreya will be the only woman he will ever love. She will be the last in forever.

     "Have I told you lately that I love you?"

    Nakita niya ang biglang pag-pula ng pisngi nito sa sinabi niya. Dahan-dahang itong muling humarap at sinalubong ang mga mata niya. "H—Hindi ba kanta iyon?" she joked.

    Ngumiti siya sa sinabi nito. "Come to think of it... You haven't told me that you love me."

    Nakita niya ang biglang pagkalito sa mukha nito.

    Itinaas niya ang isang kamay at dinala sa pisngi nito, "Do you love me, Dreya?"

    "K—Kailangan pa bang itanong iyan?"

    Lumapad ang ngiti niya. "Why are you stuttering? And why can't you tell me?"

    Dreya looked down to avoid his eyes. "N—Nahihiya lang ako. Nahihiya lang akong... sabihin sa'yo na... mahal din kita. At isa pa, ito ang unang beses na nakipag-relasyon ako at... hindi ko alam kung papaanong... umaktong girlfriend sayo."

    Lalo niya itong hinapit palapit sa katawan niya. "All you need to do is to make me feel loved, that's all."

    Hindi na nakasagot pang muli si Dreya nang lalong lumakas ang sigawan sa labas at ang pagdami pa ng mga estudyante sa paligid. Ang ilang mga guro ay may mga kausap sa cellphone at nasa mukha ang panic.

    He frowned. Doon na tuluyang nakuha ng sitwasyon sa labas ang atensyon niya.

    "I am worried. Ano kaya ang nangyayari doon?" tanong ni Dreya na sa labas na rin ulit ang pansin.

    "Let's find out," aniya saka humiwalay dito at hinawakan nito sa kamay bago hinila palabas ng library.


*****


FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro