Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 007 - Heroine




Mag-a-alas sinco na ng hapon at sigurado si Kane na sa mga oras na iyon ay tapos na si Dreya sa tungkulin nito sa campus. Ayaw niyang maghintay ito ng matagal sa parking area at magtaka kung bakit wala pa siya roon.

    He tsked.

    Ibinalik niya ang pansin sa tatlong lalaking kaharap.

    "Now, what?" he said in a bored tone.

    Napa-ngisi ang isa sa mga ito, si Vincent Alarcon —graduating student from the engineering class.

    "You know what we want, Kane."

    He released a sigh.

    Katatapos lang ng klase niya kanina at patungo na sana sa parking area para doon maghintay kay Dreya katulad ng nakagawian nila nang harangin siya ng tatlong engineering students sa corridor. Isa sa mga iyon ay si Vincent Alarcon na kilala sa campus bilang bully. Niyaya siya ng mga itong magtungo sa likuran ng engineering depertment building para sa isang importanteng bagay— ayon sa mga ito. There was something fishy about the guys as he observed them, and as much as possible, he didn't want to get involved. Pero ipinagdiinan ni Alarcon na may mahalaga itong sasabihin sa kaniya at iyon ang dahilan kaya sumama siya sa mga ito.

    If they are planning to beat him, he can definitely fight back— hindi siya natatakot sa mga ito.

    Ibinalik niya ang pansin sa mga kaharap. Mas matanda ang mga ito sa kaniya ng dalawang taon at puro kabilang sa mga estudyanteng magtatapos sa susunod na linggo. Alam niya ang reputasyon ng mga ito sa campus, pero dahil mas malaki ang katawan niya sa mga ito at mas matangkad ng kaunti ay sigurado siyang kaya niyang ipaglaban ang sarili. He has trained martial arts when he was in the middle school, so he's confident to fight anyone. But as much as possible, he didn't want to — for his opponent's sake.

    "We need you to work on that report about the village's sanitation system project for us, Kane," nakangising sabi ni Alarcon.  "Kailangan namin iyon para makapagtapos. You see... paperworks are not our stuff. So, we would really appreciate it if you could help us. And knowing you— the campus genius— siguradong mamanihin mo lang ang bagay na iyon, hindi ba?

    He tsked again.  Sa isip ay nagtataka siya kung paanong umabot ang mga ito sa huling taon at napasama sa mga magtatapos gayong mga tamad naman ang mga ito. He's started to be annoyed. Ito ang importanteng bagay na nais nilang ipakipag-usap sa akin? What a waste of time...

    He pushed his hands into his pockets and gave them a bored look. "Give me a reason why would I do that for you?"

    Alarcon gave him a fake smile. "Kapag hindi mo gagawin ay—"

    "Kapag hindi ko gagawin ay may parusa?" putol niya sa nais nitong sabihin. "What are you, middle school boys? You cornered me here because you thought I am some kind of a geek who would just freeze and tremble in fear?"

    "Kane Madrigal, alam naming kaya mong makipagbugbugan sa amin nang mag-isa," sabi pa ni Alarcon bago muling ngumisi. "Don't worry, wala akong planong makipag-basag ulo sa'yo. But how about this," humakbang ito palapit at tumabi sa kaniya saka siya nito inakbayan. "How about I spread a gossip about your mother seeing other men, checking in to the hotel that we own?"

    He froze. It rendered him speechless for a few seconds, but he remained unfazed.

    Ayaw niyang gamitin ng mga ito ang kasalukuyang sitwasyon ng pamilya niya para i-blackmail siya pero ayaw din niyang mapasailalim sa mando ng mga ito. He's tired of thinking about his parent's problem and all he wanted was for everybody —besides Dreya— to leave him alone.

    He retained his stagnant look as he stared straight to Alarcon's eyes. "And here I thought only women spread gossips. I didn't know you have a pussy-mouth, too, Alarcon? But go ahead, do it. I don't care. It's just a gossip, anyway." Tinabig niya ang kamay nito saka akmang aalis na sa lugar na iyon nang harangan siya ng dalawa pa.

    "Really, Kane?" sabi pa ni Alarcon. "Wala kang pakealam kahit malaman ng lahat na ang ina mo na dating guro sa unibersidad na ito ay may ibang lalaki at ang ama mo ay nalulugi na ang kompanya dahil sa pagsusugal? I know all of your family's issues, Kane, dahil pag-aari ng pamilya ko ang casino na pinagtatambayan ng ama mo sa Maynila."

    Bagot na nilingon niya si Alarcon. "Nang dahil lang sa isang project na kayang gawin ng isang sophomore student ay sisirain niyo ang pangalan at kredibilidad ng pamilya ko? That's messed up, but I still don't care. Just do whatever you fancy, I don't really give a damn."

    Alarcon clenched his fists and signalled the other guys to stop him. Lihim siyang bumuntong hininga saka inihanda ang sarili. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkipag-pisikalan pero kung kinakailangan ay hindi siya aatras.

     Alarcon's friends were about to make their move when suddenly— something dropped from above, hitting their heads.

    Kunot-noong umangat ang tingin niya sa pinanggalingan ng nahulog na trashbag, walis at dustpan na tumama sa dalawang lalaking nakaharang sa daraanan niya.

    And then there he saw Dreya— leaning on to the concrete baluster, with a fake apologetic smile on her face. Lihim siyang napa-ngiti.

    "Oops! Sorry, I didn't mean to drop my stuff!" sabi ni Dreya sabay takip ng bibig. He could see laughters in her beautiful eyes.

    Ang dalawang lalaking tinamaan ay inis na napatingala dahil ang puting uniporme ng mga ito'y nadumihan nang matapon sa mga ito ang lamang mga alikabok, maliliit na papel at supot ng candy mula sa nahulog na trashbag.

    "Fucking woman!" anang isa.

    Akma niyang sisitahin ang lalaking nagsabi niyon nang malakas na nagsalita si Dreya mula sa second floor.

    "Pasensya naman, nahulog sa pagkakahawak ko eh! Bakit ba kasi nariyan kayo? Hindi tambayan ang lugar na iyan d'yan! Lamukin pa kayo d'yan!"

    "Humanda ka sa amin mamaya—" nahinto sa pagbabanta ang isang lalaki nang muling nagsalita si Dreya.

    "Don't give me empty threat, hindi ako takot sa inyo, mga kumag. And leave that man alone. Nang dahil lang sa maliit na project ay pinagbantaan niyo pa siya."

    Si Alarcon na nairita sa presensya ni Dreya ay nagsalita na rin, "Kung ayaw mong madamay ay—"

    "Ay ano, Vincent Alarcon? Pagti-tripan niyo ako? Baka gusto mong i-report ko sa guidance office iyong nakita kong ginawa ninyo ng mga tropa mo sa men's room?"

    Kinunutan ng noo si Alarcon sa sinabi ni Dreya at sandaling nag-isip. Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata nito saka tinapunan ng masamang tingin si Dreya, "Who are you?"

    Dreya shrugged her shoulders, "Just a school maid."

    Nanlilisik ang mga mata ni Alarcon na tumingala sa dalaga.

    Si Dreya nama'y malapad na ngumisi saka ipinaypay ang kamay sa ere, "Subukan mong ituloy ang pagbabanta mo kay Kane Madrigal at ikakalat ko rin hindi lang sa guidance office ang sikreto mo, kung hindi pati na rin sa buong campus. Your choice."

    "At sino sa tingin mo ang maniniwala sa isang school maid—"

    Muling ipinaypay ni Dreya ang kamay sa ere, "Maniwala man sila o hindi sa isang tulad ko, ang importante ay nagawa kong dungisan ang pangalan mo bago mo magawang dungisan ang pangalan ni Kane Madrigal. Kakalat muna ang sikreto mo bago kumalat ang tsismis mo tungkol sa pamilya niya. Believe me, maraming tsismosa sa klase ko."

    Ikinuyom ni Vincent ang mga kamay saka marahas na nagpakawala ng hininga. Binalingan nito ang dalawang kasamang nalito saka sinigawan, "Let's go!"

    Nang makaalis ang tatlo ay muling tiningala ni Kane si Dreya na nakasunod pa rin ang tingin sa tatlo.

    "Hey!"

    Ibinalik ni Dreya ang pansin sa kaniya saka siya nginisihan. "Yes, my Romeo? Mukha ba akong si Juliet na nakadungaw dito sa balustre?" biro nito na ikinatawa niya.

    "What was that all about?"

    "I'll tell you, hintayin mo ako d'yan." Mabilis itong umalis sa pagkakadungaw.

    Wala pang limang minuto ay nasa ibaba na ito at nasa harap na niya. Humihingal pa itong huminto na ikinangiti niya. Sa noo ni Dreya ay ang namuong mga pawis.

    He tsked and took his hanky out of his pocket. "Come here."

    Lumapit nga si Dreya at nahinto sa harap niya. He then wiped her sweat using his hanky as he stared straight to her eyes, with a tender smile on his lips.

    "Thank you," anito makalipas ang ilang sandali.

    "No, thank you. Baka nabugbog na ako ng mga iyon kung hindi ka dumating. You are my hero," he said while grinning.

    Natawa ng malakas si Dreya sa sinabi niya dahilan upang kuminang ang mga mata nito. And it brightened his day, too. Seeing her smile and laugh was everything for him.

    "Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" he asked.

    Tumango ito. "Kakatapos ko lang sa paglilinis ng corridor nang may marinig akong nag-uusap dito sa baba."

    Tiningala niya ang pinanggalingan nito kanina at doon lang niya napagtantong likod na rin pala ng high school building ang bahaging iyon. 

    Muli niyang ibinalik ang pansin sa dalaga at nakangiting inayos ang nagra-riot nitong  buhok. "You finished early today... Would you like us to grab something to eat before I send you home?"

    Excited itong tumango.

    He touched her face and stared at her lips. They have been together for a week now and he love all the moments he spent with her. She has become the light of his life. She has become his everything. Nang may bigla siyang maalala ay nawala ang ngiti niya.

    "I'm worried, Dreya. Nang dahil sa ginawa mo kanina, baka guluhin ka rin ni Alarcon."

    Umiling ito saka nilingon ang daang tinahak ng tatlo kanina. "They won't, don't worry. But if they do, hindi ko sila uurungan. They are just some little rich boys who think they rule the campus. Kailangan na talagang pagtuunan ng pansin ng school commitee ang mga tulad nila. Bullying will be the downfall of the students here."

    Muling isinuksok ni Kane ang mga kamay sa mga bulsa ng suot na slacks at sinulyapan din ang daang tinahak kanina ng tatlo. Makitid na footwalk lang iyon na pumapagitan sa highschool building at Engineering Department building.

    'Tell me about that thing you said to Alarcon," aniya magkalipas ang ilang sandali. "Ano'ng alam mo tungkol sa kaniya at ganoon na lang ang takot niyang kumalat iyon?"

    Dreya shrugged her shoulders and looked up to him. "Don't be shocked."

    He furrowed, but he didn't say anything.

    "Ang isa sa mga kasama kong working students na lalaki na naka-assign isang beses na maglinis ng men's room ay nadatnan si Vincent at ang iba niyang tropa na may ginagawang kababalaghan sa banyo."

    Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Kane. "Kababalaghan?'

    "Yes. Vincent was having sex inside the restroom."

    Sandali siyang natigilan sa sinabi ni Dreya hanggang sa mauwi siya sa malutong na halakhak.

    Dreya frowned at his reaction. "What's so funny about that?"

    Unti-unti siyang tumigil sa pagtawa saka sinagot ito. "For college students like him, having sex to public places is fun, Dreya. What's funny about it is the way you made it sound so scandalous—"

    "It is scandalous, Kane! Dahil si Vincent Alarcon ay hindi isang basagulerong lalaki tulad ng nakikita ng iba. He was having sex with a man!"

    Doon siya natigilan at muling kinunutan ng noo, "What did you say?"

    "Gumagawa siya—sila ng dalawa pa niyang mga kasama noon— ng kababalaghan sa loob ng men's room sa high school building. At ang masama pa roon ay isang high school student na lalaki ang kasama nila sa pag-gawa ng bagay na iyon.  Ang mas lalo pang masama roon, Kane, ay tatlo silang magba-bakarkada ang salitang ginagawa iyon sa batang lalaki."

    Doon siya na na-alarma. Hinawakan niya sa braso si Dreya at saka nilingon ang paligid, nag-aalalang may ibang makarinig. "This is a sensitive topic, Dreya. Ikaw ba mismo ang nakakita o ang kasamahan mo? And have you reported this to the guidance office?"

    Umiling ito. "Noong nakita at narinig ng kasama ko ang nangyayari sa loob ng men's room ay kaagad niya akong kinatok sa ladie's room. We were cleaning the toilet when it happened. Alam kong hindi na pangkaraniwan sa inyong mga college students ang gumawa ng bagay na iyon—"

    "Stop, h'wag mo akong idamay d'yan. I don't do sex in the public toilet."

    Pinamulahan ng mukha si Dreya sa sinabi niya saka tumikhim bago nagpatuloy. "As I was saying... Hinintay namin ng kasama ko na matapos sila sa ginagawa nila and when they went out of the toilet, isa lang si Vincent Alarcon ang nakita naming nakikipagtawanan pa sa mga kasama. Doon kami namangha nang huling lumabas ang isang lalaking high school student."

    "Did Vincent Alarcon see you two?"

    "No, we were hiding behind the locker. We did try to talk to the boy but he just ran away. Araw-araw ay nakikita ko ang high school student na iyon, tahimik lang at laging mag-isa. Isang beses ay kinausap siya ng kasama ko, pero sinabihan lang daw siya nitong h'wag mangealam at hindi na sabihin sa iba ang nakita at narinig."

    "Kaya hindi niyo na rin ini-report sa guidance office?" Hindi pa rin maalis ang pagkakakunot ng noo niya.

    Tumango si Dreya. "Gusto naming ipaalam pero muling nakiusap sa amin ang estudyanteng iyon." Muling nilingon ni Dreya ang footwalk na dinaanan nina Vincent at mga kasama nito. "But I don't think people knows what Vincent Alarcon is hiding."   

    Bumuntong hininga siya saka inakbayan ang si Dreya. "Kahit may relasyon si Vincent Alarcon sa highschool student na iyon, which I think is impossible considering what you said about them having sex with the kid alternately, ay hindi pa rin natin siya—sila— pwedeng hayaan sa ginagawa nila. What they did is still breaching the law. Kung highschool student ang batang kasama nilang gumawa ng milagro sa men's room ay child sexual abuse o child grooming ang kasong haharapin nila. I suggest that you convince your friend to talk to the school officials about what he saw and heard that unfortunate afternoon."

    Hindi na sumagot pa si Dreya at tumango na lang.

    He took a deep breath and released a smile. "Let's go?"

    Tumango si Dreya at akmang dadamputin ang walis at dustpan na inihulog nito kanina nang unahan niya ito. Siya na ang nagbitbit ng mga iyon para sa dalaga habang ang isang braso'y naka-akbay rito.


*****


FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro