Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 006 - Home




"We now form the products xr1 ...xrk , prk+1 ...prN and ask for which choices of the ri these products are dimensionless. The answer follows from replacing each xi and pi with its fundamental dimensions. If, say, m dimensions..." nahinto si Kane sa pagtuturo nang mapansing nakatitig lang siya sa mukha nito. He frowned at her and smiled. "Are you even listening?"

Napakurap siya at tila nagising sa pagkakatulala. "W—what?"

Itinaas nito ang kamay at dinala sa ibabaw ng ulo niya, saka ginulo ang nagra-riot na kulot niyang buhok. "You are not listening."

Bahagya niyang tinabig ang kamay nito saka sumimangot. "I am listening. I just can't help but—" natigilan siya. I just can't help but stare at your gorgeousness...

"But what, Drey?" ani Kane sa mapanuksong tinig.

Umikot ang mga mata niya saka tumayo bitbit ang mga libro upang umiwas sa panunukso nito.

Lunch time at nasa library silang dalawa. Kane was reviewing his lessons when she approached him. Bitbit niya ang mga librong hiniram ng ilang mga estudyante at akma sanang ibabalik sa shelves nang naisipan niyang guluhin ang binata. Pero si Kane ay hinila siya at pilit na tinuruan tungkol sa dimentional analysis na pinag-aaralan nito.

Si Kane ay ngumisi na tumayo rin at bumuntot sa kaniya.

Maliban sa kanilang dalawa ay walang ibang estudyante sa library noong mga oras na iyon dahil ang lahat ay naroon sa stadium, kung hindi man ay sa field, para mag-ensayo ng presentation na ihahandog para sa graduation party. Nalalapit na kasi ang graduation at abala ang mga estudyante sa pagpa-practice ng kani-kanilang mga presentasyon. Ang iba nama'y sadyang hindi na pumapasok sa mga klase o nag-abalang mag-aral sa library dahil sa tapos na rin naman ang exam at wala nang iniisip ang mga ito kung hindi ang mag-ikot sa campus at sumali sa kung anu-anong activities pampalipas oras.

Dreya is one of the graduating students from highschool department pero masyado siyang abala sa mga ginagawa niyang trabaho sa school kaya hindi siya nakisali sa mga aktibidades.

"Why do you always run away whenever I catch you staring at me, Dreya?" patuloy na panunukso ni Kane habang nakasunod pa rin sa likuran niya.

Disimulado siyang umiwas sa pamamagitan ng pag-lalagay kunwari ng mga librong hawak sa shelves saka ang kunwaring pag-aayos ng iba pa roon.

"May gusto ka bang aminin sa akin, Dreya?"

Nahinto siya sa akmang pag-lagay ng huling libro sa shelf nang marinig ang tanong na iyon ni Kane. Napapikit siya at humugot ng malalim na paghinga, bago muling nagmulat at itinuloy ang ginagawa. "Alam mo, Kane, h'wag mong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na—"

"Gusto kong malaman kung may nais kang sabihin sa akin."

Umikot ang mga mata niya saka hinarap ito, upang mapaatras nang makitang halos nakadikit na ito sa likod niya. Nasa pagitan sila ng dalawang malalaking shelves at pakiramdam ni Dreya ay na-corner siya. Napalunok siya saka pilit na sinalubong ang mga tingin nito. "Ano ba'ng gusto mong malaman?'

Nagkibit balikat si Kane. "The truth?"

"What truth?"

"About your feelings."

"What feelings?" Alam niyang paikot-ikot lang sila pero hindi siya papayag na mabuking siya nito.

"Come on, Dreya. Just tell me already. Gusto kong malaman kung ano ang tunay mong nararamdaman para sa akin."

    Pilit siyang natawa sa sinabi nito. "Nararamdaman ko? Ano ka ba, 'tol. Tropa tayo, walang talo-talo." Kapag ba umamin ako, mangangako ka'ng hindi mo ako iiwasan?

    Nakita niya kung paanong nawala ang mapanuksong ngiti sa mga labi ni Kane matapos marinig ang sinabi niya. Matagal itong nanatiling nakatitig lang sa kaniya na tila pinag-aaralan ang katotohanan doon sa sinabi niya. Hanggang sa lalo pa itong lumapit  dahilan upang mapasandal siya sa shelf na nasa likuran niya.

    She swallowed nervously.  "W—What?"

    Itinaas ni Kane ang kamay at ipinatong sa shelf, sa bandang gilid ng kaniyang ulo— cornering her. Yumuko ito ng bahagya upang salubungin ang kaniyang mga mata.

    "I don't want to be just a friend anymore, Dreya."

    Dreya felt like she was losing consiousness. Kung nagbibiro si Kane ay sana tigilan na nito iyon bago pa siya tuluyang maniwala sa mga pinagsasasabi nito. "Why—Why are you—"

"Why don't we take a risk and find out if we can be more than just friends?" he said, without breaking eye contact.

She looked straight into his beautiful eyes, covered by the glasses. Nakikita niya sa mga mata nitong seryoso ito sa mga sinasabi pero hindi siya sigurado. Ano'ng malay niya kung pina-prank lang siya nito? Bagaman hindi naman talaga iyon gawain ni Kane, hindi pa rin niya maiwasang magduda.

Tumihim siya. "S—Stop playing, ayaw kong ginagawang biro ang tungkol sa bagay na iyan, Kane."

Lalong yumuko si Kane, slowly crosssing the distance between their faces and stopped inches away from her lips. "Sino ba ang nagbibiro, Dreya?"

Naliliyo siya sa amoy ng perfume nitong paboritong-paborito niya at ang mabango at mainit nitong hininga. Naka-ilang hugot na siya ng paghinga at pilit na pinipigilan ang pusong huwag tumalon sa sobrang kaba. Kane was too close it made her so conscious about herself!

She's not even wearing a cologne, paano kung amoy pawis siya? She never comb her curly hair, paano kung magulo pala tingnan iyon sa mga oras na iyon? She never wore any makeup, paano kung maputla ang mga labi niya? Paano kung sa malapitan ay ang pangit-pangit niya?

She opened her mouth to tell Kane to move away when he cut her off.

"Hindi ka pa ba handang makipagrelasyon?"

Handa na kahit anong oras kung seryoso ka! Pinigilan niya ang sariling iyon ang sabihin. Muli siyang napalunok. "H—Hindi naman sa ganoon, kaya lang—"

"Are you ready for a relationship?"

Oh my gosh, your smell makes me want to kiss you, Kane Madrigal! Muli siyang napalunok. "F—For now, I just... want to focus on reaching my dreams."

Nakita niya kung paanong tinimbang ni Kane sa isip ang mga sinabi niya. At kinunutan siya ng noo nang makitang bigla itong nalungkot.

Huminga ng malalim si Kane at saka pilit na ngumiti. Ang isang kamay nito'y nanatili pa ring nakahawak sa shelf sa gilid ng ulo niya. "Kung ganoon, kailan ka sa tingin mo magiging handa sa pakikipagrelasyon?"

Itinaas niya ang mga palad at dinala iyon sa dibdib ni Kane upang itulak ito palayo dahil hindi na siya nagiging kumportable. Kanina pa siya nine-nerbyos sa presensya nito at kanina pa siya hindi makahinga. "Beat it, Kane. Tama na itong biro mo at—"

"I am not kidding, Dreya. I don't want us to be just friends anymore." Then, he sighed. "But I will respect your decision if you're not ready."

Doon siya natigilan at namamalikmatang tinitigan ito ng diretso. Hindi niya inalintana ang mga palad na nakalapat sa dibdib nito at dumadama sa init na nagmumula roon.

"Are you really serious about—"

"I am dead serious about asking you to be my girl, Dreya."

Napasinghap siya nang maramdaman ang isang kamay nitong humapit sa baywang niya at hinila siya palapit sa katawan nito.

"I see you're confused," muli itong ngumisi. "What I was trying to say to you is that I love you and I want you to be my girlfriend."

"Oh!" Her lips literally formed an 'O'. Ni hindi niya alam kung papaano sasagutin ang sinabi nito. Nananaginip ba siya? Totoo ba ang mga narinig niya?

Kane Madrigal, the campus genius— wants her to be his girlfriend? At ano'ng sabi nito? I love you daw?

Para siyang nakarinig ng masigabong palakpakan sa likuran ng kaniyang isip. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa isang malaking parangal. Pakiramdam niya ay biglang nagliwanag ang paligid.

Bago pa niya napigilan ang sarili ay may bumukal nang mga luha sa kaniyang mga mata.

Kane frowned. "Why are you crying?" masuyo nitong tanong sa kaniya.

Napayuko siya. "Because I'm happy," naiiyak niyang sagot na ikina-ngiti nito.

"Is that a yes?"

Tumango siya. Itatanggi pa ba niya?

Lumapad ang mga ngiti nito saka inalis ang kamay na nakahawak sa bewang niya upang pahiran ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga pisngi. "Naiintindihan kong nais mong ibuhos ang lahat ng atensyon mo sa pag-aaral at sa obligasyon mo sa campus. Don't worry, I won't take much of your time. You can still continue what you want and wish to do. I won't demand anything from you, either. But... there is just one thing I need to know." He lifted her chin with his other hand and stared straight to her eyes. "Do you love me, too?"

Hindi na siya nagpakipot pa. Tumango siya habang patuloy pa rin ang mga matang lumuluha. Hindi niya kayang magsalita. Baka kapag nagsalita siya ay hindi lang 'I love you' ang masabi niya kung hindi pati ang mga pantasya niyang sila habang buhay.

Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha ni Kane sa naging sagot niya. At napalunok siya nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso niya nang unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kaniya. And when his lips touched hers, her world just suddenly lighten up. As if that kissed washed away all her worries and problems in life.

She closed her eyes to savour the moment. Kane kissed her as if it wasn't his first. It maybe not, because he was effing good with what he was doing. He kissed her like an expert and all she did was to let him lead her to the pleasure.

Until she responded. How, she has no idea. She just followed how Kane moved his lips. She couldn't breathe anymore but she didn't want to stop.

Naramdaman niya ang pagbaba ng mga kamay nito sa beywang niya at ang paghapit nito sa kaniya palapit sa katawan nito.

Oh, how it felt so good to be in his arms! It felt like home.

A home where she belongs.


*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro