Chapter 6
Inis na inis pa rin si Moira kahit dalawang araw na ang nakalilipas simula noong tawagin siya ni Vince sa office nito and blatantly gave her money to buy coats to cover up. Rose is saying one thing and he's saying another, pero dahil ito ang boss ay ito ang sinunod niya.
She declined the money he's offering and acidly told him that she owns coats. Pero dahil nabadtrip siya ay pumunta siya ng mall during lunchbreak. Bumili siya ng cardigan para ipang-cover up. Hindi na rin siya kumain. Ginugol niya ang oras sa paggagala. Nabibwisit siya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa nito iyon sa kanya.
Does he find her ugly? Hindi ba bagay sa kanya ang suot niya? Nai-insecure na naman tuloy siya.
When she came back at the office, takang-taka si Rose kung bakit nag-cardigan siya. But she didn't spill why. Mukhang napansin naman nitong wala sya sa mood dahil hinayaan na lang siya nitong magmukmok sa isang tabi.
Ten minutes before three ay may biglang nag-pop up na reminder sa Outlook niya. May meeting nga pala si Vince ng 3pm. Nakita niyang lumabas ito ng office, but she pretended to not see him. Naghagilap na lang siya ng gagawin sa computer niya.
It's not until tumapat ito sa cubicle niya at tumikhim, that she gave threw him a glance.
"Yes, sir?" she asked through gritted teeth.
"Meeting. Conference Room B. Now."
Pagkasabi'y naglakad na ito palayo. Inihampas niya ang kamay sa lamesa sa sobrang inis.
"Easy. Walang kasalanan ang lamesa," she heard Rose say.
Hindi niya ito pinansin. Padabog niyang kinuha ang notebook at pen, saka siya sumunod sa conference room B.
Nagsi-set up pa lamang nang dumating siya. Humila siya ng upuan at saka naupo sa likuran ni Vince. He turned around and raised an eyebrow.
"Where's your laptop?" tanong nito.
Hindi mo naman sinabing magdala! gusto niyang ibulyaw dito.
"I'll go get it," mariin niyang sabi, saka siya bumalik sa cubicle at padabog na kinalas ang laptop mula sa saksakan nito. Bumalik sa conference room at naupo sa dati niyang pwesto. She thought that he would finally leave her alone, but no.
"Sit here," sabi nito sa kanya. He's pointing at the chair next to him. Nasa kabisera ito habang siya naman ay pinauupo sa kaliwa nito.
Tahimik siyang sumunod at saka naghintay na mapuno ang meeting room.
A few minutes before three, dumating na rin ang mga kasali sa meeting. Kinalimutan muna niya ang inis niya kay Vince at saka siya nag-focus sa trabaho.
--
When the meeting ended, Moira walked back quietly to her cubicle. Hindi na niya hinintay si Vince, since nakipag-usap pa ito sa isang empleyado.
"What just happened? Ang ganda-ganda ng mood mo kaninang umaga, tapos ngayon badtrip ka na. Did he say something bad to you? At bakit ka nag-cardigan? Ang ganda-ganda ng suot mo e."
"Nilamig lang ako kaya ako nag-cardigan," dahilan niya.
Rose's eyebrow arched. "Nilamig ka after kang kausapin ni Vince?"
"Coincidence," she told her.
"Then what did he say?"
"Wala. About work lang."
And thankfully, that ended the curiosity. Now, two days later, inis pa rin siya. She's wearing a simpler dress. Medyo maluwag iyon sa katawan. It's printed and has an A-line skirt, na medyo flowy. Hindi na rin siya nagpapakita ng braso. Tatlong araw na siyang may jacket o cardigan.
Hindi na rin siya nagsusuot ng heels. Good thing na meron syang flats sa bahay. Iyon na lamang ang isinuot niya. Naiiling na lamang si Neri sa kanya. Noong una raw ay manang na manang siya, tapos naging hottie for a good half day and then semi-manang naman sya ngayon. She even wears her thick, black-rimmed reading glasses to complete the look.
Vince wouldn't even look at her, and it takes her annoyance to a whole new level. But probably the worst part of her day was when he ordered pizza for Rose. Bumili kasi siya ng merienda at pagbalik niya ay naabutan niyang kumakain si Rose ng pizza. Isang buong pizza box ang nakapatong sa table nito at ito lamang mag-isa ang kumakain.
"O, bakit bumili ka pa ng merienda?"
"Hindi ko naman kasi alam na magpapa-pizza ka," sagot niya.
"Hindi mo ba nabasa yung email ni Vince?"
Kumunot ang noo niya. Inilapag niya ang biniling sandwich at saka niya hinanap ang email na sinasabi nito. Naka-rule nga pala iyon sa Outlook niya. Dumidiretso ang lahat ng email ni Vince sa isang folder. She didn't check dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman itong kailangan sa kanya noong araw na iyon.
May email nga ito sa kanila. Huwag na raw bumili ng merienda dahil nag-order ito ng pizza.
"Kuha ka, Carlene, o."
Rose offered her the pizza.
"Sige. Sandwich na lang ang akin."
"Haynako. Whatever he said to you the other day, kalimutan mo na. Don't make me eat this pizza alone please. Lalo akong tataba," himutok nito.
Kumuha siya ng isa. "Okay, I'll have one."
"Dagdagan mo pa—"
Agad ni Rose ibinalik ang pizza box sa lamesa. Napahawak ito sa tiyan nito.
"Rose? Are you okay?"
"I-I think..." Rose huffed. Kumapit ito sa braso niya. "Carlene, I think I'm about to give birth."
"Oh my god! Wait lang!" Patakbo siyang tumakbo sa office ni Vince. Nagulat naman ito nang bigla na lamang siyang sumulpot. "Manganganak na si Rose!" she shrieked.
Agad itong tumayo at sumunod sa kanya pabalik sa cubicle nila. Inalalayan nila si Rose papunta sa elevator. The other employees gave way. Rose was huffing all the way to Vince's car. Sa backseat siya pumwesto para maalalayan si Rose.
Vince drove like a maniac to the hospital. But when they got there, Rose was already feeling better.
"False alarm yata," she told them, smiling sheepishly.
Napasapo siya. "You've got to be kidding me."
"Sorry na!" nakanguso nitong sabi.
"Rose, mas mabuti pa yata kung magsisimula na ang leave mo ngayong araw," Vince told his assistant.
"But I still have work to do," reklamo nito.
"Moira can take care of it," he said firmly, without even looking at her.
"Oo nga. Don't worry about it, Rose," sabi na lamang niya.
Rose sighed. "Okay. Pero kapag may problema, don't hesitate to call me ha?"
Pina-check muna nila si Rose para makampante na hindi talaga ito manganganak sa araw na iyon, at saka nila ito inihatid sa bahay nito. They didn't exchange words on the way back to the office. The shared cubicle was significantly quiet without Rose in it.
And it became worse for her, because she has to talk to Vince directly from that moment on. Isang beses lang naman siya nitong kinausap mula nang mag-leave si Rose. He just asked her about some files and then that's it.
Hinayaan na lamang siya nitong ayusin ang mga naiwang gawain ni Rose.
Mag-aalas syete na nang maisipan niyang umuwi. Nagpaalam na lamang siya through email. But he responded before she turned it off, so she read his response, hoping that he was okay with her going early.
Did you receive something?
Kumunot ang noo niya. She replied, No, I didn't. What was I supposed to receive?
Nothing. You may go home now, was his reply. Na-bother tuloy siya. May matatanggap ba dapat siya ngayong araw?
Shrugging it off, inayos na niya ang sarili saka siya lumabas ng office. But on the lobby, may delivery guy na may dalang isang pumpon ng mga bulaklak.
Hindi sana niya iyon papansinin. Pero nang nagla-log out na siya ay bigla siyang kinausap ng guard.
"Miss Carlene?"
"Yes po?"
"Ay, tinatawagan ko po kayo. Kaya pala hindi kayo nasagot." Itinuro nito ang delivery guy sa tabi niya. "Delivery po para sa inyo."
She didn't know what to feel. It was too sudden. Lahat ng inis niya kay Vince ay naglaho agad na parang bula as she received the flowers. Bumalik siya sa pwesto niya and was thinking of emailing him her thanks, but it was too impersonal. Ayaw naman niyang kausapin ito ng harapan. So the only option left for her is to call him.
"Yes?" bungad nito.
"Dumating na yung delivery. Thank—"
"Great. Bring it here, please."
Lalo na siyang nalito, pero pinagbabaan na siya nito ng telepono bago pa siya makapagtanong. She hesitantly brought the flowers in his office, not knowing what to expect.
Sinalubong siya nito at saka kinuha ang bulaklak sa kamay niya. "Thanks," he said. "Akala ko umuwi ka na?"
"U-Uhm... n-nakasalubong ko kasi sa lobby yung nagdi-deliver."
"Oh, okay. Thanks again."
Inisip niya kung ano ba ang na-miss niya. Ano ba ang meron ngayong araw? And then she remembered. It came in a rush, bigla tuloy sumakit ang ulo niya.
He has a date with Merideth, anak ng isang businessman. Kaya nga pala hanggang ngayong araw ay inis pa rin siya rito. It's because of that.
"Do you still need anything?" tanong nito nang hindi siya kumibo.
"Your tie," dahilan niya. Napansin kasi niyang nakalihis iyon. Lumapit siya at inayos iyon. When she was about to pull back, he caught her hand, causing her to freeze. Pakiramdam niya'y tumigil ang baga niya sa paghinga.
He slowly leaned closer. She thought he was going to kiss her. But he whispered to her instead, "Don't touch my tie again."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro