Chapter 29
"I told you already, didn't I? I like you. I really, really like you. And no matter what they say about you, I still won't stop liking you because I don't think I can."
Moira had been reliving that night for the past three days. Wala kasi si Vince para ulitin iyon. Isang linggo ito sa Newark. Inaaya nga siya nitong sumama pero hindi pwede dahil nagpipilit sumama si Kelvin kapag kasama siya. Magiging abala pa silang mag-ina kapag nagkataon, so hinayaan na lamang niyang si Vince lang ang umalis.
They've pacified Kelvin by telling him that his room would be ready in a week. Next weekend daw, pagbalik ni Vince, ay ipakikita na nito iyon sa kanila. He promised that it would be great, and Kelvin had been looking forward to it since Sunday.
Marami rin siyang trabaho kaya hindi siya makaalis. Vico already left for Milan, kaya siya ang utusan ni Red ngayon. Demanding nga ito, kagaya ng sabi nila, lalo na kapag may topak. But during her good days, Red's fun to be with. Noong isang araw nga ay nag-i-early lunch sila para may oras pa pagsa-shopping, kasama si Rose.
Madalas na libre ni Red ang mga mapipili nilang damit. Since buntis kasi ito, iyong mga gusto nitong damit, sa kanya nito ipinasusuot at kapag kumasya, bibilhin nito para sa kanya. Siya kasi ang halos kasingkatawan nito.
And one other reason is because of Neri and Joem. Nagpa-plano nang magpakasal ang dalawa. Civil wedding lang daw muna at pagkapanganak ni Neri, saka na iyong kasal sa simbahan. Ang problema niya ay kung saan sila makalilipat ni Kelvin. Wala naman silang ibang kamag-anak na nasa syudad.
"You could ask Vince," Neri said to her, but she didn't want to burden Vince with that. Kauusapin na lamang siguro niya ito pagbalik nito ng Pilipinas. Maybe they'd come up with an arrangement or something. Si Kelvin lamang naman ang concern niya. She could live anywhere, basta ayos ang mapaglalagyan ni Kelvin.
Pagkauwi niya ng bahay kinahapunan ay agad na naman siyang tinanong ni Kelvin kung kailan darating si Vince.
"Baby, di ba nga, sabi ko sa Saturday pa? Why do you keep on asking?"
Ngumuso ito sa kanya. "Can't he come home any sooner?"
"No. Mapapagalitan sya kapag umuwi sya agad."
"I miss him."
Nginitian niya ito. "I miss him too. But he'll be home soon."
"Will you get married then?"
Nagulat siya sa tanong nito. Akala niya ay nakalimutan na nito ang tungkol doon. Hindi pa pala.
"Tito and tita are finally getting married," he continued. "Kayo ba ni daddy?"
"Baby, stop asking about marriage please."
"Why?"
She sighed. "Because."
"Because what?"
"Ang kulit mo." She ruffled his hair. "No more question about that, okay?"
"Why?"
She gave him a stern look.
"Kelvin."
"Don't you have to bribe me to shut me up?"
"Nako, magpapa-bribe ka na naman. What do you want?"
Ngumisi ito. "I want graham balls."
"Yung pwede na lang bilhin."
"We can buy grahams, then you can make graham balls."
Tumingin siya sa orasan. It's already past six. Maya-maya ay magluluto na rin siya ng hapunan. But Kelvin won't stop asking kapag hindi niya ito pinagbigyan.
"Magpabili na lang tayo kay Tito Jo ng graham crackers," sabi niya sa anak.
She called Jo and asked him to buy some graham crackers. Habang hinihintay nila ito ay nagluto muna siya ng hapunan. Kelvin kept mum about the marriage thingy. Naramdaman yata nitong malapit na siyang mainis kanina.
After dinner, they made graham balls, na babaunin ni Kelvin kinabukasan. He's doing all right in school. Hindi na ito malungkutin. But he's still being picked on because he told everyone that he has a dad and no one believed him.
Kaya ang pakiusap nito sa kanya, hayaang si Vince ang dumalo sa nalalapit na recognition day para magsabit ng honor nito. She still has no talk to Vince about that. Marami pa silang dapat na pag-usapan. About their feelings for each other, about Kelvin and about their future plans. Hindi naman kasi pwedeng puro ganoon na lamang sila. Hindi pwedeng M.U. na lamang habang buhay.
Kung wala silang patutunguhang dalawa, she'd want to know, para makapagsimula na siya sa pagmu-move on. Gusto lang niyang malaman kung hanggang doon lang ba sila talaga. She's wasted ten years of her life, waiting for something that she thought would never come. Now, there's a glimpse of hope, but it could easily be taken away.
--
Nang araw ng balik ni Vince ay hindi magkamayaw ang excitement ni Kelvin. A few hours before Vince's arrival, nasa airport na sila. Kelvin's face lit up like a bulb when he saw his dad walking towards them, pushing a cart full of goodies.
Tuwang-tuwa si Kelvin nang makita ang mga pasalubong. Unang beses kasi iyong mangyari. At napakaraming uwi ni Vince. Sa sasakyan pa lamang papunta sa bahay nito ay pinagbubuksan na ni Kelvin ang ilan sa mga iyon.
"Whoa! Is this really Ironman's helmet? Can I wear it?"
Vince smiled and nodded. May mga action figures din itong dala na tingin nya ay hindi kung saan lang binili. The toys scream expensive.
"They'll go well with his new room," Vince explained.
Mas lalong na-excite si Kelvin na makita ang bago nitong kwarto na isang linggo raw inayos. She was hoping that Vince won't go overboard with it. But knowing him, he might.
Pagkarating nila sa bahay nito ay agad na tinungo ng mag-ama ang kwarto ni Kelvin. Sumunod siya habang ipinapasok ng maid at driver ang mga gamit sa bahay.
Kelvin's new room made her jaw drop. It was a lot to take in, dahil napakaraming nakalagay sa kwarto nitong kung anu-ano. Hindi siya pamilyar sa mga iyon, so Vince and Kelvin explained the details to her.
The room was painted dark gray. Ang kama ay isang pirate ship na sabi ng mag-ama ay galing sa anime na One Piece. Kalahati lamang iyon ng isang malaking barko. Sa likuran noon ay may isang malaking tao na nakanganga. Pero hindi raw iyon tao, kundi titan, galing sa anime na Attack On Titan.
Hindi lamang iyon ang anime-inspired items sa kwarto. May mga action figures din at posters na nakalagay sa dingding. Kurtina lamang yata sa bintana at ang malaking LED TV ang hindi anime.
"Meron din akong biniling action figures ng superheroes, but they're downstairs," Vince told Kelvin.
"Let's get them!" Kelvin said excitedly.
Kelvin ran out of his room. Sinundan nila ito kaagad sa hagdan. But the maid's already halfway up the stairs with the toys. Nanghila si Kelvin ng isang plastik at saka patakbong bumalik sa kwarto nito. They took the rest and followed him.
May isang bakanteng estante sa gilid ng kwarto. Doon nila ipinaglalagay ang mga iniuwing laruan ni Vince.
"Magkano 'to?" tanong niya rito.
"It doesn't matter," was his answer.
"Hindi mo naman kailangang bilhin lahat ng 'to, e."
"I know, but I want to. Look at him, he looks so happy."
He's right. Walang mapagsidlan ang tuwa ni Kelvin habang inaayos nito ang mga action figures sa shelf. Ito ang nagturo sa kanila kung saan ilalagay ang alin and he kept arranging and rearranging until he's satisfied.
Pagkatapos nitong ayusin ang kwarto ay inaya sila ni Vince na kumain sa labas.
"Daddy, can I bring my friends over at the house? Kasi I told them about you and they didn't believe me," tanong nito.
"Kelvin," saway niya rito. He's making demands again. Nahihiya na siya kay Vince.
"It's okay," Vince said to her. Saka nito binalingan ang anak. "Kailan ba?"
"Really?" Namilog ang mga mata nito. Kelvin glanced warily at her. "Is it okay, mommy? Just a couple of friends from school."
"Pagbigyan mo na," udyok sa kanya ni Vince.
She sighed. "Okay. Pero huwag kayong masyadong maglilikot ha."
"We won't. Promise! Thanks, mommy!"
--
Nagyaya pa si Kelvin na manuod ng movie bago umuwi. She knew Vince was tired from his flight and would probably prefer to sleep, but he didn't complain. Hapon na nang makabalik sila sa bahay ni Vince and he looks like he was so ready to crash, pero gusto pang magpakwento ni Kelvin tungkol sa Newark. He's never been outside of the country. Pangarap nitong pumunta ng Disneyland pero wala pa siyang budget.
"Baby, let daddy rest muna, okay? Mamaya na lang kayo mag-usap. Dito ka naman matutulog e," sabi niya sa anak.
Isang pakiusap lamang niya ay pumayag na ito. He's busy with his new room anyway. Vince told her that he hired a Japanese artist to make the room. Karamihan din sa mga laruan doon ay nanggaling pa sa Japan. Hindi na lamang niya itinanong kung magkano ang nagastos nito dahil alam naman niyang hindi nito iyon pababayaran.
"I have something for you too," he said to her.
Bumaba sila sa sala para tingnan ang ilan pa sa mga pasalubong nito. Vince brought something for everyone. Kaya pala napakarami nitong dala. Maging iyong katulong nito at driver ay mayroon din itong pasalubong.
Tuwang-tuwa nga si Kelvin kanina nang makita ang isang malaking plastic na puro chocolates. Nagbukod kaagad ito ng ilan para ibigay sa mga kaibigan nito sa school.
"You didn't have to buy me anything."
"You're my girlfriend. Of course, I have to buy you something."
Napamaang siya sa sinabi nito. "Girlfriend?"
Hindi niya alam kung matatawa siya o kikiligin sa sinabi nito. Ni hindi matandaan na nanligaw ito. Ganoon na lamang pala iyon? Kapag may mutual understanding, sila na kaagad?
"Sorry," he said. "Akala ko lang kasi... mali pala 'yong akala ko."
"Hindi naman sa ayaw ko. I just think that it's too soon. I mean, kailan lang naman tayo nagkaayos, tapos hindi pa tayo nakapag-uusap ng matino."
"So what are we then?"
Umiling siya. "I don't know."
Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may tatak ng mamahaling brand.
"Sa 'yo pa rin 'to kahit hindi kita girlfriend."
"Thank you."
May laman iyong isang square na box na may nakataling ribbon. When she opened it, there's a cashmere sweater inside.
"Para sa next week sana 'yan. Plano ko kayong dalhin sa Sagada. But Kelvin wants to bring his friends over, so hindi ko alam kung matutuloy pa."
"Pwede naman siguro some other time," sabi niya rito. "Nga pala, I want to discuss something with you."
"Sure. What is it?"
"Magpapakasal na kasi sina Neri. They asked us to be the witnesses. And also, Kelvin and I need to move out. Plano ko sanang mag-rent ng apartment, pero walang kasama si Kelvin kapag nasa trabaho ako. Kung magha-hire naman ako ng katulong, lalong dadami ang gastos. So okay lang bang dito na lang muna si Kelvin?" nag-aalangan niyang tanong. "Dadalaw na lang ako rito whenever I can."
Vince frowned. "Bakit hindi ka na lang din dito tumira?"
Agad siyang umiling. "Nako, huwag na. Si Kelvin lang naman ang inaalala ko e. Pwede naman akong mag-bed spacer."
"But he needs you here. And besides, it's more practical kung dito kayong dalawa. Para hindi na rin ako nag-aalala sa inyo."
"Nakakahiya sa 'yo. Ayaw ko namang maging freeloader."
"Then don't. If it's not comfortable for you to live here for free, then rent a room. I'm okay with that."
She hesitated. Why was he so cool with everything?
"Sigurado ka ba?"
Tumango si Vince. "Sure."
"Kailangan ko rin bang umambag sa kuryente, tubig saka pagkain?"
He smiled. "Of course. Ayaw mo ng libre, hindi ba?"
She weighed in her choices. Kung magri-renta siya, aabutin ng two thousand plus ang bayad buwan-buwan. Bukod pa iyong pagkain dahil karamihan sa apartments/boarding houses sa Makati area ay walang lutuan. Bawal din ang maglaba. Talagang tulugan lamang. And she'd have to go back and forth Vince's house just to visit Kelvin.
Siguro ayos na rin ito, kahit technically ay para silang nagli-live in na dalawa. And Kelvin would be ecstatic. Alam kasi niyang gustong-gusto nito sa bahay ni Vince. Malawak, may game room, malalaki ang TV, maraming pagkain at may swimming pool pa. Plus, he really loves his room.
"Deal?" tanong ni Vince sa kanya.
Iniabot nito ang kamay.
She sighed and accepted it. "Okay."
AN:Walang sked sa pag-a-update. Walang sked kung kelan matatapos ang story. Kung kelan magpost ng UD, yun na yun. Huwag tanong nang tanong, please. Reactions sa story naman ang i-comment nyo, for a change, hindi yung puro tanong kung kailan ang kasunod.
P.S. Hindi ako galit. Lagi lang napagkakamalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro