Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

"I don't get you two. You obviously like each other kahit pareho na kayong taken. Taken sya ni Joem. Ikaw, married sa work mo."

Napabuntong-hininga si Vince. Right after Moira left, agad niyang tinawagan si Rose dahil litong-lito na siya. He backed out last time. Ngayon naman, si Moira. They just can't meet halfway.

"Akala ko rin e. Kaso akala ko lang pala."

"May sinabi ba sya sa 'yo? Bakit hindi na naman natuloy 'yang long-awaited kiss nyo?"

"She asked me to not give her false hopes," sagot niya kay Rose.  

"Oh, shit. Ang deep!"

"Be serious."

Sumeryoso naman ito. "Now, why would she think that? Na binibigyan mo lang sya ng false hopes? Are you?"

He sighed again. Lalo yatang sumakit ang ulo nya after Moira came by.

"I don't know, Rose," he admitted. Hindi niya alam kung gagawin ba niya ang tama, which is to leave Moira alone o gagawin niya ang gusto niya, which is to get her back and make her fall in love with him again.

"Ano ba'ng dapat na gawin ko?" tanong niya rito. "I've never wanted anyone as much as I want her, but it seems like she doesn't want me anymore. Lipas na yun e. Kung kailan naman ayaw nya na, saka ko gusto."

"Maybe she wants you too. Baka takot lang sya."

"Rose, she already has Joem. Kung nakita mo lang sana kung pa'no sya umiyak nang malaman nyang nalaglag sa hagdan si Joem. She already told me that she loves him so much. How can I compete with that?"

"Mahal nya? Kaya ba nagpahalik sya sa 'yo? Kaya ba ayaw nyang bigyan mo sya ng false hopes, kasi mahal nya si Joem? Wake up, Vince! If she's really in love with that guy, e di sana hindi ka nya bibigyan ng motibo!"

"Pero bakit kung kailan gumagawa ako ng paraan, saka naman sya umiiwas? How do you explain that?"

Bumuntong-hininga ito. "Kasi nga takot sya. Ilang beses mo na ba syang ni-reject nung college, ha? For sure, umay na 'yon sa rejection. Ano nga ba naman ang guarantee nya that this isn't college all over again?"

Napaisip siya roon. Is this college all over again?

 

--

Moira was hoping to not see Vince the next day. After what happened back at his house, hindi na niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Did he act like that because he was deliriously sick? And what did he mean by 'I tried. I really did.'? What did he try to do?

Lahat ng kalituhan niya ay nadoble nang makita niya ito sa office nito. He seemed okay. May kulay na ulit ang mukha nito. Mukhang wala na itong sakit.

Hindi na sana niya ito papansinin pero bigla siya nitong tinawag.

"G-Good morning, sir," she greeted. It was definitely awkward. "May kailangan po kayo?"

"Yes. Please give these documents to Red. They're already signed."

Tumango siya at kinuha ang mga iyon. Wala na itong sinabi pa kaya umalis na lamang siya. Weird. Cold naman ito ngayon.

Tinungo niya ang office ni Red to give the documents. As usual, wala na naman sa pwesto si Vico. Kumatok siya sa pintuan and entered when told, and as she expected, nandoon nga si Vico. Kumakain ang dalawa ng manggang hilaw.

"Uy! Gusto mo?"

Nginitian niya ang dalawa.

"Sino ba ang buntis sa inyo?" biro niya. Iniabot niya ang documents kay Red. "Pirmado na 'yan."

"Ay taray. Ang bilis pumirma ni Vince ngayon a," kumento ni Vico.

"Dapat pala kay Moira natin palaging ipinaaabot yung documents na kailangang pirmahan para pirmado agad," Red added.

She smiled. "Kayo talaga," naiiling niyang sabi.

"How's he? Magaling na ba sya?"

She shrugged. "I think so. Mukha namang okay na sya."

"You should check his temperature. Baka may sinat pa 'yon," Vico told her.

Naupo siya sa isang bakanteng upuan at saka kumuha ng mangga. Isinawsaw niya iyon sa bagoong na nasa plastic cup.

"Nako, huwag na. He doesn't like it when people check his temp."

Nagkatinginan ang dalawa.

"Ano nga palang nangyari kahapon?"

"Nagpaluto lang sya ng sopas tapos umalis na 'ko," sagot niya. She didn't want to divulge the details to the two. Pagpipyestahan lang siya ng mga ito.

"Ang dry mo namang magkwento," reklamo ni Vico.

Ngumiti lamang siya.

"Babalik na 'ko sa pwesto ko. Baka hanapin ako ni boss. Sige." She stood up. "Salamat sa mangga."

--

Bored na bored si Moira buong maghapon. Pagkatapos kasi noong pinaglamayan nilang presentation, wala na siyang mapagkaabalahan. Routine jobs na lang ang ginagawa niya kaya hindi siya masyadong busy.

Nagpa-plano nga siyang umuwi kaagad pero hindi naman siya makapagpaalam. Kaya pasado alas sais ay nakatunganga lang siya sa computer.

Naputol ang pagtunganga niya nang biglang tumawag sa phone yung guard na nasa lobby. He said that there's a delivery. Alam na niya kung ano iyon.

Napabuntong-hininga siya. Kaya siguro pumasok si Vince kahit may sinat pa ito. It must be because of Cathy, his date for the night. Agad niyang tinungo ang lobby at tinanggap ang delivery, tapos ay pinuntahan niya si Vince sa opisina nito.

"Here's the bouquet you ordered," bungad niya. Hindi siya nito pinansin. Tumikhim siya. "Vince. Shouldn't you be getting ready? Hindi ba't seven o'clock ang dinner nyo? Baka matraffic ka pa pagpunta sa venue—"

"I already cancelled," he said without looking up.

Kung anuman ang rason nito kung bakit nito kinansela ang lakad, isa lang ang alam niya... She's happy that he did.

"Gano'n ba? E ano'ng gagawin ko rito?" tanong niya.

"Just throw it away."

Tiningnan niya ang hawak na bouquet. Nanghihinayang siya. Mukhang mamahalin pa naman ang mga bulaklak. May peonies, chrysanthemum, roses at lilies.

"If you don't mind, pwede bang sa 'kin na lang 'to? Sayang naman kasi."

--

Vince stopped writing. He's been writing nonstop since five minutes ago, just before Moira came in. YES. NO. YES. NO. Nakailang ulit na siyang puro ganoon lang ang isinusulat.

"If you don't mind, pwede bang sa 'kin na lang 'to? Sayang naman kasi," tanong ni Moira sa kanya.

He was hoping that she'd ask. Para kay Moira naman talaga ang bouquet na iyon. She likes those flowers.

Tumunghay siya.

"Okay," he replied curtly.

He looked back on his paper. YES was the last word. He sighed. Then maybe he ought to do it. It might seem crazy asking advice from a paper, but it's just the right amount to will him into doing what he really wants to do.

Nang papalabas na si Moira ng pinto ay agad siyang tumayo para habulin ito.

"Moira," he called out. "I didn't cancel the reservation. I just cancelled with Cathy. We can go instead, if you want."

--

Kahit pa sabihing nanghihinayang lang si Vince sa dinner reservation kaya siya na lang ang niyaya nitong mag-dinner, hindi pa rin niya magawang malungkot. There he goes again, giving her false hopes. Pero hindi naman niya ito lubos na masisi dahil umaasa din naman siya.

She told him that it's fine, as nonchalantly as she could.

Sinabihan siya nito na mag-log out na para ihahatid na siya nito pauwi pagkatapos nilang mag-dinner. Madalian niyang inayos ang mga bulaklak sa isang vase at saka sila bumaba papunta sa parking lot.

Saglit lang ang byahe. Before she knew it, pumaparada na siya sa tapat ng isang restaurant. Maliit lang iyon at medyo tago. Residential area na nga halos ang kinatatayuan ng lugar.

Kapansin-pansin ang chalkboard sa harap ng restaurant. Neon green at orange kasi ang kulay ng chalk na ginamit na pangsulat. May fairy lights din sa frame ng board. Malamlam iyon at kumukutitap.

NO WIFI zone. Have fun talking.

They were greeted by the owner himself, an old man in his 40s. Nakangiti ito sa paghahatid sa kanila sa table. It's a Filipino restaurant. May iba't ibang sculptures at paintings na naglalarawan sa kulturang Pinoy. Sa isang mahabang lamesa sila inihatid ng manager.

Napansin niyang walang may hawak ng cellphone o kung anumang gadget. Nag-uusap ang mga tao sa lamesa. Akala niya noong una'y magkakakilala ang mga ito, pero hindi pala.

Vince pulled the wooden chair and let her sit first before taking his seat across hers. May nakalatag na dahon ng saging sa lamesa at may bowl sa gilid nila na tingin niya ay hugasan ng kamay.

Vince removed his coat as they ordered.

"Vince?"

She looked to her left. A beautiful woman with a sweet face was looking at Vince, parang nangingilala.

"Angel?"

Ngumiti ang babae. Ang ganda nito. Napakaamo ng mukha.

"Hey! It's so nice to see you again!" Iniabot ng babae ang kaliwa nitong kamay dahil puro pagkain ang kanan. Vince shook it. "You remember Enzo, right?"

Ngumiti at nakipagkamay din kay Vince ang lalaking nasa tabi nito.

"Of course. It's nice to see you both."

Vince glanced at her, then back at Angel. "Moira, this is Angelica Dirham-Rivera," pakilala nito sa babae. "Kapatid ni Daniel. And this is her husband, Enzo Rivera. Kapatid naman ni Meg. Guys, this is Moira—"

"Your wife, I hope." Ngumiti si Angel sa kanya at nakipagkamay.

"N-No. We're not together," tanggi niya.

"She's my assistant," pagtatama naman ni Vince.

"Oh, sorry. Akala ko pa naman kasal ka na."

When their orders arrived, natakam siya sa mga pagkain. The waiter dumped the rice on the banana leaf, along with the lechong kawali and calamari. Yung sinigang na hipon naman ay nakalagay sa isang malaking bowl, then may dalawang bowl pa for their own servings.

Yung isa pang waiter, naglagay naman ng isang serving ng laing at separate plate para sa pinakbet.

"Tama na ba 'to?" tanong sa kanya ni Vince.

Tumango siya. "Oo. Ang dami nga e."

"Pwede namang magbigay kung hindi nyo kayang ubusin," nakangiting sabi ni Enzo sa kanya.

"May tanong ako. But don't get offended, please. Kapatid ka ni Dani. Kapatid sya ni Meg. But they're married, right? Pwede ba yung in-laws, mag-asawa rin?"

"Marami na ring nagtanong sa 'min nyan. Of course, it's okay. Wala naman sa batas na ipinagbabawal ang ganoong klaseng relasyon e."

Mabait ang mag-asawa. They're both charming and pleasant to talk to. Marami pa silang napag-usapan. She didn't feel bloated when they finished eating dahil mas matagal pa yung oras ng pakikipagkwentuhan nila kesa sa mismong pagkain.

Now she understands why there's no wifi in the place. Hindi na kasi kailangan.

Limang lamesa lang ang pang-grupo. Walang pandalawahan. Kapag dadalawa kayo o mag-isa ka lang, doon ka sa magkakadikit na lamesa. Walang privacy. The point of eating there is to enjoy good food and meet new friends.

Ang sabi pa ni Angel sa kanila, kapag daw nahuli kang nagkakalikot ng phone mo, dadagdagan nila ang bill mo. That's the policy. Lumaki raw kasi sa malaki at masayang pamilya ang may-ari ng restaurant. Dahil sa marami silang magkakapatid, uso ang sharing. So ganoon din ang naging concept nito for the restaurant, to promote friendship and make connections.

She exchanged numbers with Angel before going home and promised that they'll get together some other time.

 "Ingat kayo!"

"See you again, soon!"

Vince opened the car's door and she slid into the passenger's seat.

"I had a great time. Thanks," she told him when he started the car.

"I had a great time too," sagot naman nito.

"Uhm, pwede bang dumaan muna tayo sa DQ bago umuwi? Nagpapabili kasi si Joem ng ice cream cake."

Pansin niyang nagtiim ang bagang nito dahil sa sinabi niya. Was he jealous?

"Sure," he quipped.

Dumaan muna sila ng DQ bago umuwi, like she asked. Tahimik lang si Vince sa byahe papunta sa subdivision nila. She texted Joem earlier, telling him to wait for her at the entrance.

Pagdating nila sa harap ng subdivision ay nakatayo na ito sa may guard house. Lumapit ito sa sasakyan nang pumarada sila.

Joem opened the door for her and took the box from her hand. Out of courtesy ay ipinakilala niya si ito kay Vince.

"Salamat po sa paghatid," sabi nito.

Tumango lamang si Vince at saka pinaandar ang sasakyan.

Inakbayan siya ni Joem habang naglalakad sila pauwi sa bahay.

"So, how was your date?" he asked.

"It wasn't a date."

"Sus."

Siniko niya ito sa tagiliran. "Hindi nga," giit niya.

"Okay," sabi nito sabay kibit-balikat. "Hindi na kung hindi."

Hindi na siya nito kinulit hanggang sa makarating sila sa bahay. Si Neri ang sumalubong sa kanila sa may pinto. Namilog ang mata nito nang makita ang pasalubong niya.

"Kelvin!" tawag nito. "May uwing DQ si mommy!"

And right on cue, Kelvin came running down the stairs.

"Careful, baby. Baka malaglag ka na naman sa hagdan," saway niya sa anak.

Ngiting-ngiti itong lumapit sa kanya at yumakap. Hinalikan niya ito sa pisngi. It was as if she's kissing Vince's cheek.

Paano nga ba naman niya ito makalilimutan kung araw-araw ay may nagpapaalala sa kanya kung gaano niya ito minahal at kinabaliwan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro