Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Maagang pumasok si Vince ng Monday. Hindi siya sigurado kung babalik pa nga si Moira. Ang tanging pinanghahawakan na lamang niya ay ang sinabi nitong babalik ito ng Lunes. He has a meeting before lunch, tapos may quarterly assembly sa hapon. Dahil wala si Moira, siya ang trumabaho noon. He needs to present something, so ilang araw siyang puyat sa paggagawa ng reports.

Nang mag-alas otso na at wala pa rin si Moira ay tumawag siya sa guard na nasa lobby. He asked if Moira's logged in already.

"Moira, sir? A, si ma'am Carlene po? Nako, e wala pa ho."

Bumuntong-hininga siya. "Pakisabi na lang po, kapag dumating sya, na dumiretso sa office ko pagka-log in nya."

"Sige, sir."

"Thanks."

Pagkatapos ng tawag, pinagdaop niya ang mga palad at saka naghintay.

--

"Sure ka na bang gusto mong bumalik?" tanong ni Neri kay Moira.

Napahinto siya sa paglalagay ng makeup. Tiningnan niya ang pinsan mula sa salamin. Nakaupo ito sa kama niya. May folding table doon na kinalalagyan ng laptop nito. Online worker kasi ang pinsan niya. Hindi ito pinapayagang magtrabaho ng boyfriend nito sa malalayong lugar, lalo na't buntis ito.

Kanina pa nakasunod ang tingin nito sa kanya. Hindi naman ito nagsasalita kanina, pinanunuod lamang ang bawat galaw niya. But she knows that Neri doesn't approve of her decisions. Hindi pa nito nami-meet si Vince, but her stories already painted him as the bad guy.

"Kailangan kasi," sagot niya. Sa ilang araw na pamamalagi niya sa bahay, na-realize niya na naging mabait naman talaga si Vince sa kanya. Hindi naman siya nito pinaasa. He gave her work, with a huge salary dahil alam nitong temporary lang iyon. But their past made it complicated. It made her despise Vince.

Alam na niya ngayon kung gaano iyon na-unfair para rito.

"Pwede ka namang maghanap ng ibang trabaho, di ba?"

"Na ganoon kalaki ang sweldo? At may guarantee na safe ang work place? Yung walang mangmomolestya sa 'kin?"

Bumuntong-hininga ito. "E, ikaw naman kasi. Pwede ka namang magreklamo pero hindi mo ginagawa."

"You know why." She put on her lipstick and continued, "Ayokong gumawa ng ingay. Kapag nakarating 'to kina mama, sisisihin na naman nila ako."

Simula nang mapagdesisyunan niyang umuwi ng Pilipinas para mag-aral, naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang niya. Pati ate niya, lalong lumayo ang loob sa kanya. Sinubukan naman niyang pakisamahan ang mga ito sa loob ng isang tao, kaso ay mahirap talaga.

It's one of those cases na kinu-consider niyang unfortunate ang sarili dahil sa hindi napipili ang kamag-anak at pamilya.

"Online jobs kaya? Malaki rin naman ang kita rito, e."

"Alam mong nabu-bore ako sa ganyan."

"Ang dami mong dahilan. Feeling ko tuloy, hindi ka pa nakamu-move on."

Nginitian niya ito. "Hindi ako nagdadahilan. Saka isang buwan na lang naman, tapos na ang kontrata ko."

She checked herself in the mirror. She hates to admit that Neri might be right. Baka nga hindi pa rin siya nakamu-move on. Hindi naging kumpleto ang ilang araw niya nang hindi niya nakita si Vince. It also broke her heart that he fired her, pero nang tumawag ito, nawala na lang bigla ang galit niya.

Alam niyang late na siyang pumasok. It's already 9:30 when she arrived. Pagkapasok na pagkapasok niya ng office ay agad siyang sinabihan ng guard na nakabantay na dumiretso sa office ni Vince pagkalog-in. Ang akala niya ay pagagalitan siya nito dahil late siya, pero nang pumasok siya sa office nito ay bahagya itong nagulat.

"Sorry, I'm late," bungad niya.

"That's okay," he told her. Pinaupo siya nito. "I'm glad you're back."

He said that but he doesn't look glad. Seryoso ang mukha nito. Kunot ang noo, na para bang may malalim na iniisip.

"How's Joem?" tanong nito.

"Medyo okay na. Hirap pa ring gumalaw, pero okay na."

He didn't follow-up on that. Thank God! He was just staring quietly that it soon became uncomfortable.

"Punta na 'ko sa cubicle ko," she told him. Tumayo siya. "Just call if you need anything."

Vince sighed. "Okay."

--

He should be getting ready, but Vince is just staring at the door after Moira left his office. Kabadong-kabado siya kanina. Una, aligaga dahil late si Moira, then when she arrived, mas naging aligaga siya. He had so much to say and so many questions to ask, but he could not open his mouth to let them out.

Alam na ng mga taong nakapaligid sa kanya na may feelings siya para kay Moira. He couldn't hide it from Red or Troy. Kahit si Kylie, mukhang nakapapansin na rin sa pagbabago niya. Si Rose, ilang beses na ring nangulit sa kanya. Mabuti na nga lamang at hindi pa nakararating sa parents niya ang nangyayari. Pinagtatakpan din kasi siya nina Troy. Alam niyang magagalit lamang ang ama niya sa kanya, kapag nagkataon, at baka lalo siyang madaliin sa paghahanap ng mapapangasawa.

Sighing, he stared blankly at his computer. May ilang unanswered emails pa siya. He decided to reply to those emails, to take his mind off of Moira. Pagkatapos ay ni-review niya ang mga sasabihin sa quarterly assembly na gaganapin sa hapon.

Thankfully, dumating ang dalawa niyang kapatid. Nakipagkwentuhan muna siya sa mga ito para magpalipas ng oras. Nang dumating ang oras ng meeting ay umalis na rin ang mga ito. But he introduced them to Moira first, because they insisted.

"Do I have to take notes?" tanong nito sa kanya habang kinakalas ang kableng nakakabit sa laptop nito.

He shook his head. "No."

"Okay."

Umuna siya papunta sa conference room. Nakasunod naman ito sa kanya. He opened the door for her and let her in first. Dani was already there. Ito lang yata ang business partner na kilala niyang dumarating ng mas maaga sa kanya sa mga meetings.

"You're early," he told him. Nakipagkamay siya rito.

"Kararating ko lang din." Dani shook his hand, then he glanced at Moira and smiled. "Hi, Carlene."

"Hello, sir."

"Moira, can you get us coffees, please?"

Tumango ito, saka lumabas ng conference room.

"You didn't have to," Dani said.

Ngumiti lamang siya at naupo.

"How's Meg?"

"She's alright. Busy sa pag-aalaga sa mga bata."

"So wala na syang planong bumalik sa trabaho?"

Umiling ito. "I want her to focus on the kids. Hindi naman na nya kailangang magtrabaho, e."

He leaned on the chair. Parang dati lang, halos hindi makapagtrabaho si Daniel dahil sa problema nito sa asawa. But they seem okay now. Meg came back to him.

"How did you do it? How did you get her back?" he asked.

Dani sighed and smiled. "Hindi ko rin sure e. I guess it's because I didn't give up or maybe she just got tired of running away."  

Tumango siya. "But I guess it only works if you're in love with each other, right? Kasi kung one-sided lang, wala ring mangyayari."

"Yeah, I guess that's it."

Napatingin sila sa pintuan nang pumasok si Moira, dala-dala ang dalawang tasa ng kape. Kasunod nito si Red. Mukhang pre-occupied din ito.

Dani stood up to meet Red. The latter absentmindedly shook his hand and sat down on one chair. Dani gave him a questioning look. Siya naman ay nagkibit-balikat lang. Hindi rin niya alam kung bakit ito nagkakaganoon.

They proceeded with the meeting a few minutes later. Pinag-usapan nila ang tungkol sa plano nilang pagbubukas ng office sa Texas, which is precisely the reason why he will be gone for a few days, on a business trip.

Thirty minutes lang ang itinagal ng meeting. Pagkatapos nila ay agad na tumayo si Red at lumabas ng conference room. She looks so worried. Nag-alala rin tuloy siya. She's only like that with Kylie.

"Do you want to get some lunch?" he asked Dani.

"Sorry. I already made plans with my wife."

"That's okay. Pakikumusta na lang ako kay Meg."

When Dani left, si Moira naman ang binalingan niya.

"Gusto mong sumabay pagla-lunch?"

Moira smiled but shook her head. "Sorry. Sabay kami ni Jo, e."

"Oh, okay."

Lumabas na lamang siya ng conference room at saka dumiretso sa opisina niya. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain.

--

Moira knew that she didn't have to lie. He was just being nice. Pero hindi talaga sya kumportable around Vince, kaya naman tinanggihan niya ang alok nitong kumain sila ng sabay. She took her lunch somewhere far from the office. Sinadya niyang tagalan ang pagkain. It would seem suspicious kung mabilis lang syang kakain, given na kasabay niyang mag-lunch si Joem.

Pasado ala-una na nang bumalik siya sa office. Nadatnan niya si Vince na kumakain from a takeout box, sa loob ng office nito. The door was ajar so she couldn't help but see.

The quarterly assembly will be held at three in the afternoon. Binasa muna niya ang reports na ginawa ni Vince, para lang informed sya sa mga ipi-present mamaya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi makinig. Vince did everything. Nagi-guilty tuloy siya. Kaya nga siya nito kinuhang assistant, para mabawasan ang trabaho nito, pero hindi naman siya masyadong nakakatulong.

It was all because of that stupid past. Hindi pa yata talaga siya nakamu-move on.

--

Everyone gathered on the 17th floor for the assembly. Vince gave Moira the task to handle the laptop with the presentation in it habang siya naman ang nagkikwento sa mga employees ng mga recent developments ng mga projects na hina-handle nila.

Matapos ang isang oras na presentation ay kinausap naman niya ang mga VP na nandoon. Si Moira naman ay pinabalik na niya sa office.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay bumalik na siya sa office. Everyone else is back to their respective cubicles, dala ang isang jar ng Sola at isang malaking bag ng potato chips na pinamigay pagkatapos ng assembly.

Naabutan niya si Moira na hawak si Kylie. His niece is sitting quietly on Moira's lap. He didn't know why that sight made him emotional. Was it because it was Moira who was holding Kylie or because it was Kylie who Moira holds? Or maybe it was because of both?

It wasn't until Kylie called out to him that he realized that he's been frozen on the spot for a few seconds.

Tumayo si Moira nang makita siya. Siya naman ay lumapit sa mga ito. He smiled at Kylie.

"Aww... you look like a nice family."

He turned to where the voice was from and frowned at Red, who just arrived. Kinuha nito si Kylie mula kay Moira.

"Where have you been?" he asked.

"Nag-CR lang ako. Wala ka kasi kanina, e ayaw ni Kylie na magpakalong sa iba. It's a good thing that Moira's here." Bumaling ito kay Moira. "Hindi ba sya umiyak?"

Moira shook her head. "Hindi naman."

"I didn't know that anyone besides Vince could calm Kylie down when she's having a tantrum. Kapag wala ka nang work, pwede ka bang gawing babysitter? Tatapatan ko yung sahod mo ngayon."

"Red, she didn't get a degree just to be a babysitter," he said in a reprimanding voice.

Red laughed. "Joke lang! Sige na, babalik na kami ni Kylie sa office. Say bye, baby."

Kylie waved at them. Hinalikan niya ang pamangkin sa pisngi. Nang makaalis ang mag-ina ay bumalik na siya sa loob ng office niya. He didn't bother Moira for the rest of the day.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro