02
02
Arrangement
We fell asleep after. When I woke up, we're still together on his bed. Unti-unti akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili. Okay pa naman ako. Na-devirginize lang pero humihinga pa naman ako at buhay. I turned to the man beside me still lying asleep in bed. He looked gorgeous even when he sleeps. May mga tao talagang sobrang pinagpala sa hitsura, 'no? Ako? Tingin ko naman ay sakto lang ako. Kaya napaisip na nga rin ako kung bakit kaya ako ang napili ng lalaking 'to sa dami ng mga magaganda at mayayaman ding babae roon sa club kagabi? Na-sense ba kaya niya that I was still a virgin? Pero mukhang hindi rin nagma-matter iyon talaga sa kaniya. I sighed and slowly got up. Siyempre ay aalis na ako. Ganoon naman 'di ba pagkatapos? Typical one-night stand.
But I was stopped when his hand reached for me. Binalingan ko siya at nakitang pikit pa ang mga mata niya. It slowly opened and he greeted me with a handsome smile. Lord, bakit ang perfect? Mukhang hindi rin siya Filipino lang. Mukha rin kasi talaga siyang foreigner. "Good morning," he greeted and got up, too, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"G-good morning din..." awkward na bati ko rin pabalik.
He smiled. "Breakfast?"
Umiling ako. Medyo kumunot din ang noo. "Ganito ka ba sa mga nakaka-one-night stand mo? May pa-breakfast pa after?" I was curious.
He looked at me and chuckled a bit. "No, babe," aniya na umiling at hawak pa rin ang isang kamay ko, ayaw akong pakawalan. Kapit ko naman ang kumot na siya lang tumatabon sa katawan ko. "But I want more..." aniyang tumitig sa akin.
Jusko naman... Bibigay ba ako sa parang Greek god na 'to? Ilang sandali pa kaming nagkatitigan. I pursed my lips before I spoke. This was still serious. Hindi ako puwedeng basta na lang magloko rito at kailangan kong mag-provide para sa pamilya ko. "May trabaho ako," I told him.
He nodded. "Same," aniya lang.
"Hmm, paano..." I trailed off. Gusto rin.
Hinila pa niya ako paupo sa kama niya at patabi muli sa kaniya. And then he started telling me what our arrangement will be. Gusto niya pala kaming maging fuck buddies. Mukhang sanay siya sa ganito. Habang ako naman ay unang beses lang sumubok. Tingin ko ay okay na rin kaysa boyfriend na kailangan ng commitment at time na wala na ako. At least ito, magkikita lang kami for both our needs... Tapos wala na... Unti-unti akong tumango sa kaniya. He let out a smile and reached for my lips to kiss me. Napangiti na rin ako.
"Ganito ka ba kapag may gusto ka? Pinapasang-ayon mo sila sa 'yo sa ganitong relationship?" No strings attached relationship.
"Hmm, you can say that. Or most of the time, it's the girls who would offer, and then I'll think about it," he explained, shrugging.
Tumango-tango ako. Mga babae na nag-aalay ng mga sarili nila sa kaniya. "Never ka pang nagkaro'n ng girlfriend talaga, as in girlfriend? Serious relationship? Puro flings ka lang?" I was still curious. And I think I was getting comfortable with him, too... There's just something in him that made me comfortable enough with him.
He shook his head. "I don't do serious," aniya na parang wala lang sa kaniya.
Tumango ako. Tapos may naisip. "Nga pala, makikipag-sex ka pa rin ba sa iba kahit may kasunduan na tayo?" kumpirma ko. Baka hindi na lang siguro ako tumuloy kapag ganoon. Ayaw ko naman din magkasakit, 'no!
Umiling siya. "Ikaw, what do you want? Wala namang kaso sa 'kin. I always use protection," he said, just shrugging his shoulders again. "Haven't tried doing sex without a condom. At hindi rin naman ako nagtatagal sa mga naging fling ko," he added.
I nodded. Ah, baka hindi rin pala kami magtagal... Siguro madali rin siyang magsawa sa mga nakaka-sex niya. Tumango-tango na muli ako. "Okay." I tried to give him a smile.
He smiled more at muling inabot ang mga labi ko para mahalikan. Hanggang lumalim. But I got back to my senses at tinulak na siya. "May work pa ako," I reminded myself more.
Pinakawalan na rin ako ni Louis and we both finally got out of bed. I took a bath first at his bathroom while he said he will cook us breakfast. May naghatid din ng damit para sa akin dito sa penthouse niya dahil halos nasira na rin niya ang damit ko kagabi. Pinabilhan niya ako sa mukhang assistant o secretary niya. At natapos na akong lahat, the clothes were actually nice and when I go to work with this, magmumukha pang ako 'yong boss. Bahagya na lang akong napatawa sa naisip. Nang pumasok ako sa kitchen niya ay nandoon siya at may sunog na mga niluto niya sa mesa. Umawang ang bibig ko. Gusto ko na lang matawa sa hitsura niya.
"I tried, alright? But failed." Sumimangot siya.
Natawa na ako. "Bakit ka pa nag-offer na magluluto kung hindi ka naman pala marunong?" Bahagya pa akong natawa ulit. Nilapitan ko 'yong mga naluto niyang nasunog na talaga. "Tingnan mo ang mga 'to, sayang naman, tsk. Nagsayang ka ng pagkain!" I scolded him.
He sighed. "I'll just order our food—"
"Huwag na," pigil ko sa kaniya. "Ako na ang magluluto. Madali lang naman," sabi ko at komportable nang kumilos doon sa kitchen niya.
Tumango lang siya at tiningnan pa ako habang nakahalukipkip din ang mga braso. Binalingan ko siya. "Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Hindi ba't may work ka pa rin? Maligo ka na muna kaya roon at magbihis na rin, maghanda?"
He immediately nodded at iniwan na muna ako roon. Nakangiting napailing na lang ako. Medyo late na rin for breakfast at halos brunch na lang din namin ito. Saktong natapos ako sa pagluluto ay nakabihis na rin si Louis na pumasok sa kusina. So handsome. "Kain na," sabi ko.
Umupo na rin siya roon. Agad niyang tinikman ang luto ko. "Better." Tumango-tango siya sa unang subo.
Umiling na lang ako na nakangiti pa rin. Simpleng mga pinrito lang naman 'yon. Ginawan ko na rin siya ng coffee. I was used to making coffee for myself. Tinanong ko lang siya kung ano ang gusto niya. I liked my coffee creamy while he liked his black, matapang. "Hmm, you make better coffee than my secretary," komento niya.
"Puwedeng mag-apply ng secretary mo?" I joked.
Pero mukhang sineryoso naman niya iyon. "Sure," aniyang nakatitig sa akin ang mga mata matapos sumimsim sa kape niya.
Bahagya akong tumikhim. "Biro lang! Ito naman, kawawa naman secretary mo at papalitan mo pa siya." Ngumisi na lang ako.
After we ate, hinatid na rin ako ni Louis. Sa apartment muna ako namin ni Sonnie nagpahatid at mamaya pa naman talaga ang duty ko. "You work at nighttime?" he asked.
Tumango ako habang nagkakalas na rin ng seatbelt at nasa harap na kami ng apartment building. "Oo, agent ako sa isang BPO company." I smiled at him.
He nodded slowly. "You should just apply for my secretary, instead. I'm an easy boss," he even said.
Tumawa na lang ako. "Sige na, bye na. Kapag magse-sex tayo, madalas umaga na kasi nga sa oras ng work ko," I told him and kissed his cheek. Tapos lalabas na sana ako sa sasakyan niya nang hinila pa niya ako for a deep kiss. Tumawa na lang ako hanggang tuluyan na niyang pakawalan at nakalabas na rin ako sa kotse niya. "Take care!" bilin ko pa.
Umakyat na rin ako sa apartment namin ni Sonnie. "Haliparot ka!" salubong sa 'kin ng best friend ko.
Bahagya naman akong napaatras. "Ano?" maang-maangan ko.
"Nakita ka namin ni Rapha kagabi! May sinamahan kang lalaki! Hindi ka namin nahabol kasi ang arte nitong lalaki ni Raphael!"
Marahan akong tumango sa kaibigan ko.
"Ano?" Naghintay siya ng chika.
I bit my lip.
"Hala! Arte mo rin, 'no?" Kinurot ako ni Sonnie.
"Aray!" Umiwas ako sa kaniya. "Nag... enjoy lang naman kami..." sabi ko.
Muli akong inabot at kinurot ni Sonnie. "Gaga ka! Paano kung mabuntis ka, ha? Gumamit ba kayo ng proteksyon? At paano kung may sakit 'yon at nahawa ka, iyak ka na lang? Basta ka na lang bang sumama dahil guwapo, ha!"
"Oo, nag-condom kami! At wala naman siyang sakit. Hindi nga raw siya nakikipag-sex nang walang kapote, e," sabi ko.
Inirapan lang ako ni Sonnie. "Naglalandi ka na! Sumbong kita kay Auntie!" tukoy niya kay Mama, pero nangingisi na rin siya. Tapos lumapit pa sa 'kin para chumika. "Kumusta? Mukhang enjoy na enjoy ka, a. Tingnan mo 'to." Sonnie held my face at pinakatitigan ako. "May after sex glow pa!"
Kumunot naman ang noo ko. Totoo ba 'yon? I didn't really hide things from Sonnie. Sabay na kaming lumaki at halos magkapatid na rin ang turing namin sa isa't isa. He's been my closest friend ever since. "Basta mag-iingat ka, nako!" paalala niya.
Tumango ako. "Oo naman," I assured him and smiled.
"Hay nako! Gumaya ka na rin kay Raphael sa kalandian! Mga malalantod!" tili-tili pa niya habang papasok ng banyo. Tapos bumalik pa siya para purihin ang suot ko nang napuna. "Ganda, a. Mukhang mamahalin. Bagay sa 'yo." Tumango-tango si Sonnie.
Ngumiti naman ako. "Bigay ni Louis," sabi ko.
Mataray na nag-angat ang kilay niya. "May pangalan pala lalaki mo."
Tumango ako. "Oo naman, Louis Alexandre Moreau," alala ko sa nabasa kong buo niyang pangalan kanina sa penthouse niya nang nakita ko rin ang wallet niya na nasa may side table. Binuksan ko iyon habang tulog siya at hindi naman para magnakaw. Tiningnan ko lang ang ID niya. At nang natanong ko rin kanina ay half-French din pala siya. Sabi ko na at mukhang foreigner din talaga siya. French daw ang dad niya.
"Ewan ko sa 'yo, Maria Hestia Dela Rosa!" Tumuloy na si Sonnie sa banyo.
"Hoy! Hindi totoo 'yang Maria, ha!" habol kong sigaw sa kaniya. Dinagdagan pa ang pangalan ko.
Huminga ako at napangiti nang maalala ko si Louis. Kailan nga kami magkikita ulit? I smiled to myself even more. Landi, Hestia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro