EPISODE 9/4
QUINN'S POINT OF VIEW
Ilang saglit pa ay nawala na ang usok na halos umabot dito sa pinagkakapitan ng sapot kanina.
"P-Please ibaba niyo na ako, titignan ko kung ano na ang lagay ni Mush," Sabi ko. Nagtatakang tumingin naman sakin si Invera at si Arod.
"Anong nangyare?" Tanong nila.
"Mamaya ko na ipaliliwanang. Cakin ibaba mo ako please," Pagmamaka-awa ko.
"Hindi ba dilikado, Quinn?" Tanong nito na nagpatulo na sa luha ko.
"Ibaba mo na ako o bibitaw ako sayo?!" Galit at humihikbig sabi ko. Napabuga naman ng hangin si Calin. Pagkatapos at nagpatihilog na sa sapot at nag-landing ng maayos. Pagkatapos ay bumitaw na ako sa pagkakakapit sa likuran niya at saka tumakbo papunta kung saan kami nagtago ni Mush kanina.
Pagkasilip na pagkasilip ko ay nakikita ko si Mush na naghahabol ng himinga na nagpatakot sakin. Kaya naman pumunta na ako sa gawi niya at kinalong siya.
"M-Mush, may masakit ba sayo?" Tanong ko. Pilit naman akong nginitian nito at pilit na umiling. Napayakap naman ako sakanya dahil sa nasasaktan akong pinipilit niya parin maging malakas s kabila ng pag-aagaw buhay niya ngayon.
"M-Master ayaw kong nakikita kang umiiyak," Hirap na sabi ni Mush. Kaya naman hinarap ko siya at pinunasan ang luhang hindi ko namalayan na pumapatak na pala.
"H-Hindi ako umiiyak ah. M-Mush, hindi ba malakas ka? Please huwag kang bibitaw, i-ttry kong tawagin si Echidna para makagamit ako ng healing magic ah." Sabi ko at kukunin ko na sana ang payong ko mang hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at umiling lang siya.
"N-No need master, I already accepted my fate. P-Please, I want to rest," Nauutal na paki-usal niya. Pagkatapos ay lumikit siya at bigla na lang nawalan ng lakas ang jatawan niya.
"M-Mush? Mush? Mush!" Pagyugyog ko sakanya pero hindi na ito sumasagot, "M-Mush, akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba pprotektahan mo ako habang buhay? M-Mush naman eh!" Sigaw ko at saka ko na niyakap ang patay kong Adjunctus.
Naramdaman ko namang parang abong nalulusaw ang katawna ni Mush hanggang sa ang matira na lang ang ulo niya na parang hat. Tinitigan ko ito at umiyak. Naramdaman ko naman na merong mga kamay na humahagod sa balikat ko.
"Condolences, Quinn," Sabi ni Invera.
"Condolences, Quinn," Sabi ni Arod.
"Condolences, Quinn," Sabi ni Calin. Katapos no'n ang pagyakao niya sa likuran ko. Wala naman akong nilingon sakanila at nakatingin lang ako ng seryoso sa hat na iniwan sakin ni Mush.
"They'll pay for this!" Sigaw ko at saka naman lumabas ang napakaraming Dark Magmus sa katawan ko na naging dahilan para tumilapon ang lahat ng malapit sakin.
"Q-Quinn, calm yourself down!" Sigaw nila sakin. Kakalma sana ako nang marinig ko ang pag-growl ng dragon na mas pumatay kay Mush. Kaya may ngisi na mabuo sa labi ko.
"I will calm down after I avenge Mush." Malamig na sabi ko, ibinababa muna sa bato ang hat na iniwan ni Mush, at saka ko kinuha ang payong na nakasabit sa likuran ko at binuksan ito. Kasabay non ang paglakad ko palapit sa dragon na mukhang hinihintay din ako.
"Partner, mukhang nanggagalaiti na ang ating Malevolent Phoenix. Ano kaya ang mangyayari sa laban nila ng dragon na ito?" Tanong ni Prince Grety.
"Manood na lang tayo ng matiwasay partner, nakaka-excite!" Sagit naman ni Princess Tweqty.
"Mapapahamak si Quinn, pigilan natin siya!" Dinig kong Sigaw ni Calin.
"We can't, Calin. Walang makakapigil sa kanya kapag nasa ganyang state siya," Sagot naman ni Arod.
"Roll in, The Master of Gahena; The first of seven deadly sins; The darkness himself, Satan!" Sigaw ko. May lumitaw naman na kulay dark red na magic circle sa harapan ng payong ko at saka lumabas mula roon si Satan. Ibinuka ko naman ang bisig ko at may lumabas na kulay black na magic circle, "I command you to do the Morphine, Satan!" Sigaw ko. Kaya pumasok sa magic circle ko si Satan.
Umilaw ng kulay itim ang buong katawan ko at ilang saglit pa ay lumitaw ang crown na kulay black na may simbulo ng dalawang ahas, armor na hanggang pusod ko na kulay black ay may mga simbulo rin ng mga ahas. Nagkaroon din ako ng napakalaking pakpak, at napakalaking mga kuko, may suot din akong hills na parang paa ng goat ngayon at may sampung dark energy ball sa likuran ko na palutang-lutang ngayon.
"Master, let me pass my knowledge about my skills to you," Bulong ni Satan. Tinanguan ko naman siya at bigla na lang ay may mga information na biglang lumitaw sa utak ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nginisian ko ang dragon.
"Shall we start?" Tanong ko. Bigla naman itong nabalutan ng kulay itim na usok at bigka na lang ay paliit na ito ng paliit.
Pagkatapos ay lumitaw ang isang nilalang na parang anino lang ngunit may hawak itong dalawang itim na spear at saka itinutok sakin. Sumugod na nga ito sakin. Kaya sumugod narin ako sakanya.
"Let's see what you've got!" Sigaw ko. Nagtama na nga ang spears niya at ang mga napakalaki at gawa sa black gold kong mga kuko.
"You can't defeat me!" Sigaw niya at saka na lang may lumitaw na bibig ng dragon sa kanyang blankong mukha. Alam ko na ang susunod niyang gagawin na gagamitan niya ako ng dragon breath. Pinilit kong makawala pero parang may matibay na pangdikit ang nasa spear niya at kahit anong pilit ko ay hindi ako makawala.
"What the f*ck!" Sigaw ko.
"You can't flee away with my sticky spears!" Sigaw niya at saka nga bumuga ng itim na apoy sa mukha ko.
"Dark Bombard!" Sigaw ko at napunta bigla sa harapan ng mukha ko ang isa sa mga itim na bola ng Magmus na nasa likuran ko na pumigil sa itim na apoy na binubuga ng dragon.
Pagkatapos ay parang black hole naman na sinipsip ng bola ng Magmus ko ang binubugang apoy ng dragon. Kaya binigyan ko ng ngisi ang dragon.
"Partner kita mo itony? What a move right? Grabe naman mukhang na-oover power ng ating Malevolent Phoenix ang pinaka-delikadong Adjunctus dito. Mukhang ang ating Malevolent Phoenix na ata ang pinaka-delikadong nilalang sa loob ng ating Labyrinth ngayon!" Sigaw ni Princess Tweqty.
"Nope, baka nakakalinutan mo ang ating Legend-Sumus na si Prince Akalio, excited na akong magharap sila mi Quinn. Paniguradong madugo iyon, partner!" Sagot naman ni Prince Grety.
"A-Ano ito, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maglabas ng apoy?!" Nag-papanic na sigaw ng dragon.
"Dahil sinisipsip na ngayon ng Dark Bombard ko ang lahat ng Magmus na nasa katawan mo. Kaya malapit ka nang mamatay dahil sa pagkawala ng Magmus mo sa katawan.
"S-Sumusuko na ako. Pakiusap, itigil mo na ang pagsipsip sa Magmus ko!" Nagpapanic na sigaw nito. Umiling-iling naman ako at tumingin ng seryoso.
"Isa ka sa dahilan kung bakit tuluyang nawala sakin si Mush, kaya karapat-dapat na mamatay ka narin!" Galit na sigaw ko.
"Pakiusap, nangngako akong magiging Adjunctus mo ako. Buhayin mo ako!" Sigaw niya. Bigla namang kumalas ang spears niya s amga kuko ko at unti-unting nalisaw ang mga ito. Kita ko rin namang unti-unting nawawala ang usok na nakapaligid sakanya at unti-unti ay bumabalik siya sa dati niyang anyo na isang malaking dragon. Kita ko namang pumapatak na ang mga luha niya ngayon.
"Kung maibabalik mo lang sana si Mush, tatanggapin ko ang offer mo," Sabi ko.
"Hindi ko kayang ibalik sayo ang Adjunctus na napatay ko, pero may alam akong paraan para maibalik mo siya!" Sigaw niya na nagpa-iling sakin.
"Hindi mo parin kayang buhayin agad si Mush!" Galit na sigaw ko.
"Nakiki-usap ako, ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang makalabas dito para maghiganti sa pumatay sa aking ina!" Sigaw nito na nagpabigla sakin.
"Disable Dark Bombard!" Sigaw ko. Kaya naman tumigil ang Dark Bombard sa pagsipsip ng Magmus niya at bumalik sa likuran ko. Bumagsak naman ang dragon at habol hiningang nakatitig sakin.
"T-Tanggapin mo ako bilang Adjunctus mo, Master at sasabihin ko kung paano mabubuhay ulit ang Adjunctus mo," Sabi niya. Lumitaw naman ang Kalis sa harapan ko.
"Morphine Disable, Rally Satan!" Sigaw ko. Kaya nawala ang Morphine namin ni Satan at bumalik na siya sa Gahena. Katapod ay kinagat ko na ang hinlalaki ko at ipinatak na sa kalis. Katapos ay nawala sa harapan ko ang kalis at lunitaw sa harapan ng dragon. Kinakagat naman ng dragon ang labi niya at saka ipinatak ang dugo niya sa kalis. Umilaw naman ang buong katawan ko pagkatapos...
...
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Sa liblib na lugar malapit sa Mother Nature Shrine, may mga misteryosong nilalang na inatasan ni Yuwhe na mangalaga sa mga anak niya—ang mga fragments ng susi para buhayin muli ang God of Destruction. Ang tawag sakanila ay mga Enterii—mga ligaw na mortal n agaling sa planetang Earth.
Nahahati sa tatlong pangkat ang mga ito. Ang Protector of Id, ang Protector of Ego, at Protector of Superego. Ngayon nga ay nagpupulong sila sa Tomb of Yuwhe dahil mabalitaan nilang nasa panganib ang buhay ng isang fragment, si Quinn, ang Fragment of Id. Nag-uumpisa na nga sila at binabasa na nika ngayon ang Propesiyang inilahad ni Yuwhe bago ito mamatay...
"In Id's realm, primal urges take their flight,
Fragment wild, untamed, a tempest's might,
Awakening desires, darkness unfurled,
To rekindle the God, destruction swirled." Sabi ng isang babaeng nakasuot ng yellow na cloak at nakatago ang mukha sa hood ng cloak.
"Ego's shard reflects the self's keen gaze,
Balancing pride and doubt in intricate ways,
With self-awareness, the ego does engage,
To summon the God, a mindful stage." Sabi maman ng babaeng nakasuot ng red na cloak at nakatago ang mukha sa hood ng cloak.
"Superego's fragment, conscience pure and bright,
Guiding moral paths through day and night,
A beacon of reason, compassion's call,
To reawaken the God, humanity's thrall." Patuloy naman ng babaeng nakasuot ng green na cloak at nakatago ang mukha sa hood ng cloak.
"We should protect the Id, Ego, and Super Ego Fragments of the key to reawakened the God of Destruction; We should Protect Quinn, Hereinque, and Clarine!" Sigaw nilang tatlo na nagpa-ingay sa mga kasamahan nila...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)°
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro