EPISODE 9/1
—THE UNEXPECTED FOE—
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nasa may Pray Room ngayon si Holy Father Callon at nag-iisang nagdarasal nang biglang pumasok sa kwarto ng walang katok-katok ang isang lalaki na may kulay puting buhok, nasa-mid thirty ang itsura, nakasuot siya ng checkered suit at pants, at nakasuot din ng black shoes.
"Secretary Klonopin, buti ay naparaan ka rito, may kailangan ba ang organisasyon sakin?" Tanong ng Holiness.
"May dapat tayong pag-usapan, Callon," Sabi ng lalaki. Kaya tumayo ang Holy Father at hinarap ang lalaki, may lumabas naman na batang babae sa likuran niya na may puting buhok na nakakuha ng pansin sa Holiness.
"Sino ang kasama mong ito?" Tanong ng Holiness.
"Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan muna nating mag-usap kasama ang iba." Sabi nito at saka nagpati-unang maglakad. Sinundan naman siya ni Holy Father, pero hindi maalis ng Holiness ang pansin niya sa batang babae. Napatingin namam sakanya ang batang babae at tinignan ito ng masama.
"Sino ba itong bata na ito, Klonopin?" Tanong nang Holiness.
"Ang pangalan niya ay Clarine, Callon," Sagot ni Klonopin. Napatigil naman ang Holiness at napatulala.
"G-Gusto mong sabihin ay siya ang—"
"Oo, siya nga. Magmadali na tayong pumunta sa head quarter upang masagot na lahat ng tanong mo," Sabi ni Klonopin na pumutol sa sasabihin dapat ng Holiness. Kaya naglakad lang sila ng tahimik palabas ng Cathedral.
Nang makalabas naman sila ay nakasalubong nila si Sister Feline na takang nakatitig kay Holiness.
"Magandang umaga po, Your Holiness, saan po kayo pupunta at sino po sila?" Tanong ng madre.
"Tsaka ko na ipapaliwanag, Sister Feline. Sige na, pumasok ka na sa Cathedral at magdasal na," Sagot naman nito. Tinanguan naman siya ni Sister Feline at lunakad na papasok sa Cathedral, pero bakas parin ang pagtataka sa mukha ng madre.
Ibinuka naman ni Klonopin ang kanyang bibig at lumuwang ito ng napakalaki at lumabas ang isang napakalaking Adjunctus na may ulo at katawan ng kulay itim na dragon, pero may pakpak ito ng kulay green na paro-pato at may antena rin ito na gaya sa paro-paro. Tumalon namam si Klonopin kasama ng batang babae sa likuran ng Adjunctus.
"I thought you couldn't even make this Mariposa Dragon alive as it requires lots of care and Magmus to make it this big, Klonopin. You never disappoint me, really." Pag-compliment ng Holiness.
"You know my capabilities, Callon. Enough talking and hop in," Sabi naman ni Klonopin.Nginisian naman siya nang Holiness.
Pagkatapos ay lumipad na nga palayo ang Mariposa Dragon sakay sila Holiness para pumunta sa Misyeryosong lugar kung saan nakatayo ang isang building na may ngalan na "Peace Control Agency."
...
QUINN'S POINT OF VIEW
"Yes, isang kalaban na lang ang haharapin natin at sampong floor na lang ang aakyatin natin!" Sigaw ko nang mabuksan ko ang Ninetieth Floor Door at makita ang malawak na kagubatan.
"Partner, nakarating na nga sa Ninetieth Floor: Jungle Room ang kupunan ng ating Malevolent Phoenix, habang nasa Ninety-One Floor naman ang ating solo player na si Demi! Jinx, this is so exciting, mukhang makakasaksi na naman tayo ng solo versus group battle!" Sigaw ni Princess Tweqty.
"Guys, magpahinga muna tayo, sa buong journey natin papunta dito sa Ninetieth floor eh dalawang beses pa lang tayo nagpahinga," Sabi ni Arod. Hunarap naman ako sakanya at tinaguan siya.
"Mas maganda nga muna siguro kung magpahinga muna tayo. Mahirap na baka may bakbakan na namang maganap, pangit naman na lumaban tayo ng pagod hindi ba?" Pangungumbinsi ko sakanila. Tinanguan naman ako ni Arod at napabuga naman ng hangin sila Invera at Calin.
"Mabuti pa nga na magpahinga muna tayo bago ang last battle natin." Sabi naman ni Invera at saka umupo sa may puno. Tumabi naman kami at sabay-sabay huminga ng malalim.
"Nakakapagod, grabe akala ko talaga madali lang makapunta ng Solaria Mystery Land para makita ang papa ko, grabe sa unang journey pa lang halos mamatay-matay na ako," Sabi ko.
"Pero at least marami kang nalaman sa pagkatao mo at sa tunay mong power, Quinn. Tignan mo ngayon, kung tutuusin ay mas malakas ka pa samin kahit na pagsamahin kaming tatlo kung may proper training ka lang talaga." Sabi ni Calin habang ginugulo ang buhok ko.
"Pero alam niyo, kapag nakalabas na tayo rito eh gustong-gusto kong kausapin ng masinsinan si Holy Father Callon para tanungin sa mga bagay na ginawa niya sakin." Sabi ko at saka napabuga ng hangin. Nakaramdam naman ako ng magkabilang paghagod sa balikat na galing kay Arod at Calin.
"Tiyak na kapakanan mo lang ang iniisip nang Holiness, Quinn," Sabi ni Calin. Kaya naman napangiti ako at niyakap siya.
"I love you, Cal," Sabi ko. Nginitian niya naman ako at hinalikan sa labi.
"I love you, Quinn," Sagot naman ni Calin pagkatapos.
"By the way, sa dami nang hinarap mo, anong level ka na kaya, Quinn?" Tanong ni Invera. Napahawak naman ako sa baba ko.
"Ewan din, last time ata di ba Tri-Sumus na ako? Check mo nga, Vera," Sabi ko. Kaya naman itinutok na ni Vera ang Ring of League niya sakin.
"Oh, you're still Tri-Sumus, Quinn. You know, nagtataka ako bakit ang impulsive ng leveling mo, Quinn. Sometimes it is so fast, sometimes it is so slow." Sabi ni Invera at saka na binaba ang kanyang Ring of League.
"Paano ba ang leveling ng isang Summoner? Nalilito narin kase ako eh," Tanong ko.
"Simple lang, Quinn. Wala bang mag-turo saiyo?" Tanong ni Invera.
"Wala rin sakin," Sabi rin naman ni Arod.
"May kaunti akong alam, kaso nakalimutan ko ma since matagal na akong tumigil sa pag-aaral," Sagot naman ni Calin. Napasapo naman si Invera sakanyang noo.
"Naku, mahaba-habang paliwanag ito. So, ganito yan, may puntos lahat ng nilalang dito sa mundo, kaya maraming paraan para mag-level up at depende rin sa League at sa Adjunctus na nagiging sayo. Makakatulong sayo ang kinakain mo, dahil may point nga lahat ng bagay, kaya may point ang mga kinakain natin. Meron din namang tulat ng mga Lightbound Devotee at Shadowbound Worshiper na malaking bagay ang atmosphere or mood ng paligid nila sakanila, nagkakaiba nga lang sila sa type ng mood, tulad ng mga Lightbound Devotee ay malaking bagay na tahimik, payapa, nagmamahalan, at nasa lugar sila ng mga banal para mabilisan silang mag-level up. Habang ang mga Shadowbound Worshiper naman ay kailangan ng magulo, malungkot, at lugar na puno ng takot at desperasyon. Siguro, ito rin ang isang rason kung bakit mabilis kang nag-level up, Quinn." Sabi ni Invera. Nahulog naman ang panga ko dagil sa impormasyon na iyon.
"Ang galing, ang dami mong alam talaga Invera!" Pag-compliment ko.
"Di naman nakapag-aral lang. So para ituloy ang explanation ko, pwede karing mag-level up depende rin sa mga Adjunctus na nagiging sayo, kaso sa pag-contract sakanila ay may malaking puntos na dumaragdag para mag-level ang isang Summoner." Paliwanag pa ni Invera na mas lalong nagpa-bilib sakin.
"You know a lot uh, saan ka nag-aral, Invera?" Tanong ni Calin. Humagikgik naman si Invera.
"Basics lang alam ko. Natapos ko rin ang isang academic year sa Flarerous Duos Academy na makikita sa mismong gitna ng boarder ng Phoenix Fortress at Dragon Domain." Sagot naman ni Invera na nagpabigla kari Calin at Arod.
"Woah! Balita ko sila ang may pinaka-advance na na curriculum sa buong Mundus Dominorum ah, ang hirap makapasok doon kase sa first test pa lang sa isang daang estudyante ay lima o dalawa lang ang nakakapasok." Sabi ni Arod na nagpangiti kay Invera.
"Well, what can I say? Just a lucky Drow girl," Sabi ni Invera.
"Mga mahal naming mga manonood, narating napo ng ating solo player na si Demi ang Ninety-seventh floor, at dito na magaganap ang ating Spin-off!" Sigaw ni Princess Tweqty na gumuhit ng pagtataka sa mukha namin ni Calin, Arod, at Ako. Mukhang nabigla naman si Invera sa narinig.
"Anong Spin-off?" Tanong ko kay Invera.
"M-May isang high level royalty ang magiging parte ng Mayhem na ito. Shit, huwag naman sanang si Prince Akalio ang isama nila. Kase limang taon ng walang grand champion sa Ruendroy Queendom Mayhem dahil sakanya. Harapin mo ba naman ang isang Legend-Sumus," Sagot ni Invera na nagpabigla samin.
"W-Wait, siya ba yung sumundo kari Guru Baleno?" Nauutal na tanong ko dahil sa kaba. Tinguan naman ako ni Invera.
"Siya nga," Sagot pa nito.
"Ayun na nga! Na-one hit lang ng aking kuya na si Prince Akalio si Demi sa surprise attack niya! Ngayon, aabangan na lang natin ay ang paghaharap nila ng natitira nating kalahok, ang kupunan ng ating Malevolent Phoenix!" Sigaw ni Prince Grety na lalong nagpakaba at nagpataas ng balahibo ko...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro