Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 7/2

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nagising na nga si Quinn na kumuha naman sa atensyon ng mga kasama niya. Kaya pumunta silang lahat kay Calin na may kalong ngayon kay Quinn. Sunod naman na nangyari ay biglang may lumabas na kulay dark red na magic circle sa payong ni Quinn at lumabas naman si Mush mula roon.

"Master!" Sigaw agad ni Mush at yumakap sa kanyang master. Yinakap naman siya pabalik ni Quinn at tumayo.

"Quinn, masaya akong nagising ka na," Sabi ni Arod. Kaya napatingin siya kay Arod at binigyan siya ng malawak na ngiti ni Quinn.

"Oh, gising na pala ang leader niyo, ano simulan na ba natin?" Tanong ni Christ. Kaya ,nagawi ang mga mata ni Quinn sakanya at nakitang lumalakad siya papunta sakanila. Naalaerto naman si Quinn dahil sa hindi niya alam ang nga nangyari no'ng natutulog siya kanina. Tumayo si Quinn agad at napaatras ng kaunti.

"Guys, hindi ba natin siya susugurin?" Tanong ni Quinn. 

"Pwede niyo naman na ako sugurin tutal mukhang naka-recover na kayong lahat, hindi ba?" Sarkastikong tanong ni Christ.

"Bigyan mo pa kami ng kaunting oras, Christ. Hindi pa nag-rerecover ng maiigi ang barso ko. Tignan mo, kulang pa siya ng dalawang daliri," Sabi naman ni Arod. Huminga naman ng malalim si Christ at umiling-iling. 

"Arod, sobra-sobra na ang ibinigay kong oras sainyo at hanggang doon na lang yon. Binigay ko na sainyo ang lahat ng ailangan niyo, kaya sa tingin ko ay kaya niyo naman nang lumaban," Sabi nito sabay labas ng kanyang snow flake-shaped na mirror at itinutok ito sa gawi nila Quinn, "Roll in, The Personification of Ice, Frosterine!" Sigaw nito at lumitaw naman ang kulay sky blue na magic circle sa harapan ng salamin at lumabas naman mula doon ang isang lalaking may kulay blue na buhok, wala itong facial feautures, pero may oval-shaped siyang mukha, ang katawan naman nito ay purong puting tela na nakalutang at may kamay siya na gawa sa parang sanga ng puno na humahawak naman sa flute na kasing laki nito na kulay blue.

"Ito na ang inihintay natin, boys, let's go!" Sigaw naman ni Dwarfto at nagsigawan naman sa tuwa ang mga kasamahan nito na nasa anim na dwarves pa. Katapos ay hinubad nila ang iba't ibang accessories nila.

"Mukhang mag-uumpisa na naman ang panibagong kaban sa pagitan ng ating Malevolent Phoenix at ang kupunan ng ating Ice Person!" Sigaw naman ni Prince Grety at saka naman nagsigawan ang mga manonood dahil sa excitement.

"Wait partner, may nakarating saking balita ngayon lang na kung sino man daw ang manalong kupunan ngayon sa laban na ito ay siyang mabibigyan ng pass sa para sa door na papuntang Seventieth Floor para lalong maging kapana-panabik ang laban, utos daw ng ating Mahal na Reyna!" Sigaw naman ng prinsesa na naging dahilan para naman nagtinginan sila Quinn at mga kasama nito at sila Christ at mga kasama nito.

"Pano ba yan, dapat na papa namim takaga kayong matalo," Malamig na sabi ni Christ. Nginisian naman siya ni Quinn.

"Di ka sure, narito rin kami para manalo," Sagot naman ni Quinn.

"Hindi namin kayi aayahang gawin iyan," Mapang-uyam na sabi ni Dwarfto, "Roll in, The Alpha of Mountain Wolves, Agtar!" Sigaw pa niya. Lumabas naman ang isang napakalaking kulay blueish na wolf at umatungal pa ito.

"Roll in, The Mountain Wolves!" Sabay-Sabay na sigaw naman ng iba pang mga Dwarves na nagpalabas naman ng mas maliit na mga kulay blueish na wolves at umatungal din. Nabahala naman si Quinn dahil sa hindi pa nakaka-reciver ang Magmus niya at kita niya ang braso ni Arod na hindi parin tuluyang nabubuo.

"G-Guys, hindi pa ako makakasama sa laban, dahil sa ngayon, si Mush pa lanag ang kaya kong i-summon sa Magmus na meron ako ngayon," Sabi ni Quinn. Napahinga namna ng malalim ang mga kasama at nginitian na lang si Quinn.

"Kaya naman namin siguro ang isang Master-Sumus at isang Tri-Sumus, Quinn. Isa pa, Tri-Sumus na kaming dalawa ni Arod ngayon dahil na-fulfill na namin ang requirements." Sagot naman ni Calin habang hinihimas-himas pa ang ulo ni Quinn.

"Don't worry, Quinn, nandito naman ako, Tri-Sumus narin. Mukhang Mono-Sumus naman lahat ng ibang Dwarves maliban kay Dwarfto. Kaya easy lang ito." Bulong naman ni Invera sabay kindat kay Quinn.

"Pero tutulong parin ako," Sabi naman ni Quinn at saka ibinuka ang bisig niya at lumabas ang kalahating galaxi-colored magic circle at kalahating dark violet magic circle, "I command you to do the Morphine, Mush!" Sigaw ni Quinn. Kaya pumasok naman si Mush doon at doon nga ay umilaw ng kulay dark violet na may parang may galaxy sa katawan ni Quinn ngayon at ilang saglit pa nga ay lumitaw si Quinn na mayroong Armor na gawa sa itim na metal at may dots na kulay puti na sakto lang para matakpan ang dibdib niya at magpakita naman sa slim niyang tiyan, ang pang ilalim niya naman ay mahabang palda na kulay itim at may white dots din ito, naksuot naman siya ng sapatos ng sandals na kulay itim, wala itong head-gear pero may shield ito ngayon na napakalaki na halos malaki pa kay Arod na pinakamatangkad na sakanila, kamukhang-kamukha ng uluhan ni Mush ito, at mukhang mabigat pero parang unan lang kung dalhin ni Quinn.

"Naman, iba ka na talaga Quinn. Hindi na si Mush ang nag-iinitiate sa Morphine," Biro ni Arod sakanya. Nginitian lang siya ni Quinn at wala ng ibang sanabi.

"Sugod!" Sigaw naman ni Dwarfto. Kaya sumugod ang Alpha Mountain Wolf niya at ang iba pang Wolves ng mga kasamahan niyang Dwarves kari Quinn. Tumakbo naman si Quinn sa harapan at hinarangan ang atake ng mga wolves.

"Ano pang hinihintay niyo, tara na!" Sigaw naman ni Invera. Kaya ibinuka na ni Invera ang bibig para mag-summon ng Adjunctus, inilabas naman ni Calin ang kanyang flower mirror at hinubad naman ni Arod ang singsing nito. Nakapagpalabas naman ng Kung Fu Mantis si Invera na kasing laki niya.

"Mantis, sugurin mo ang mga wolves!" Sugaw ni Invera. Kaya naman sumugod ang Kung Fu Mantis at sinubukang patumbahin ang mga Mountain Wolf, pero nahihirapan ito sa dami ng mga kalaban niya.

"Roll in, Drakra of Fire!" Sigaw ni Calin na nahpalabas naman sa Espiritus ng Apoy. Ibunika na nga ni Calin ang bisig, "I command you to do the Morphine, Drakra!" Sigaw ni Calin. Kaya nagsama silang dalawa ng Adjunctus, nagkaroon si Calin ng full body lava armor at isang espada na gawa sa purong apoy. Pagkatapos no'n ay sinugod niya ang Alpha Mountain Wolf.

"Roll in, Garuda the Green-Fired Phoenix!" Sigaw naman ni Arod at nang lumabas nga ang kanyang Adjunctus at ibunka niya naman ang kanyang bising, "I command you to do the Morphine, Garuda!" Sigaw nito. Nang magsama na sila ay lumitaw na naman ang green na ninja attire niya at sinamahan si Calin.

"See, sabi na sainyo naka-recover na kayo," Malamig na sabi ni Christ at saka nito ibinuka ang bising at lumitaw ang hugis snow flakes at kulay blue na magic circle, "I command you to do the Morphine, Frosterine!" Sigaw pa nito. Kaya pumasok naman doon ang Adjunctus niya at umilaw ng kulay blue ang kanyang katawan. Pagkatapos ay lumitaw ang isang napaka-gwapong si Christ na may suot na white cloak, panloob na white long sleeve, white pants, white shoes, at may hawak na itong kulay blue na maliit na flute.

"Atras!" Sigaw naman ni Dwarfto, nagsi-atrasan naman ang mga Mountain Wolves nila na pinagtakhan nila Quinn.

"Bakit sila umatras?" Tanong naman ni Quinn. Nagkibit balikat namam ang mga kasamahan niya. Naramdaman naman ni Quinn ang malamig na tingin na ipinupukol sakanya ni Christ. Kaya napatingin siya rito at nakita ang ngisi ni Christ sakanya.

"Winter Manor!" Sigaw ni Christ at sinimulan na ang pag-ihip sa flute at nag-umpisa namang gumawa ito ng napakagandang tunog. Sa pagbuo naman ng napakagandang musika ay siya namang pagbagsak ng niyebe sa buong twentieth floor pwera sa kinaroroonan nila Christ. Nagtaka naman sila Quinn, pero nanaig ang takot sakanila nang biglang madampihan ang ulo ng Kung Fu Mantis ni Invera ng niyebe na nag-resulta naman sa dagliang pagbalot ng yelo sa ulo nito. Sinubakan namang harangan ni Quinn sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang Shield, pero ang nangyari ay nabalitan lang ng yelo ang Shield ni Quinn.

"Sh*t! This is bad!" Sigaw naman ni Calin at itinaas ang kanang kamay, "Inferno Twirls!" Sigaw ni Arod at saka naglabas ng dalawang tornado ng apoy na tumusta sa mga niyebe, pero hindi parin ito napigilan sa pagbagsak. Sinubukan namang alison ni Quinn ang Morphine nila ni Mush, pero hindi ito gumagana.

"A-Anong nanagyayare, hindi ko ma-disable ang Morphine namin ni Mush!" Nagpapanic na sigaw ni Quinn.

"Dahil hindi parin nawawala ang epekto ng atake ni Christ sa Shield mo, Quinn," Paliwanag naman ni Invera.

"Fiery Furnace Box Barrier!" Sigaw naman ni Arod, at saka naman lumitaw ang barrier na pumalibot sakanilang lahat na nagmistulang kahon na kumulong sakanila.

"Wala na kayong magagawa ngayon, hindi naman kayo tatagal sa kahon iyan dahil magastos sa Magmus ang barrier at mas nagagastos pa ang Magmus niyo sa pagtunaw ng kahong iyan sa mga snow flakes na bumabagsak diyan!" Tumatawang sigaw ni Dwarfto na nagpatiim-bagang naman kay Arod at kay Calin.

"Hindi rin naman kayo makakalapit samin para umatake tama ba?" Tanong naman ni Invera na nagpagulat sa mga Dwarves at kay Christ na tumutugtog parin ng plauta. Tumingin naman sila Quinn kay Invera ng nagtataka. Nginisian naman sila ni Invera, "Kaya pinataatras mo ang mga kasamahan mo kase alam mong maapektuhan din sila ng Winter Manor, hindi ba? At kung tama ang observation ko ay hindi ka immune sa sarili mong power, hindi ba? Kaya nag-iwan ka ng espasyo diyan sainyo, tama ba ako Christ?" Sunod-sunod na tanong ni Invera na nagpatigil kay Christ sa pagtugtog.

"Napakagaling ng obserbasyon mo binibini, pero may isa kang mali, immune ako sa power ko at tanging mga kasama ko lang ang hindi. Kahit na ganon, hindi parin naman kayo makakalapit samin dahil hindi kayo makakalakad habang nas aloob kayo ng barrier." Sabi ni Christ at tumuloy na ulit sa pagtugtog ng plauta.

"Salamat sa information, Christ," Sabi naman ni Invera.

"Suck it! Kung makakalapit lang sana tayo sakanya." Inis na sabi ni Arod na mukhang hirap na hirap na ngayon sa  pag-mamaintain ng barrier.

"We can." Bulong naman ni Invera habang nakaturo sa likuran niya. Sinilip naman ito ni Calin at Arod at nakitang may butas sa sahig.

"What is this?" Tanong ni Calin.

"A hole that can lead you to where Christ and his team are. Gawa yan ng maliliit kong burrower bugs na kayang bumutas kahit pa ang pinakamatibay na metal. Sino mag-aakalang ang mga bugs na sa tingin ng iba ay napakawalang kwenta at perwisyo lang ay makakatulong satin ngayon" Bulong naman ni Invera. Napangisi naman sila Calin at Arod.

"Ano na pinag-uusapan niyo diyan?" Tanong ni Quinn.

"Quinn, favor. Pakiharang ang shield mo sa harapan ng kalaban," Sabi ni Invera. Tinaguan naman siya ni Quinn at iniharang na nga ang kaninag nakatumbang shield niya.

"Para saan ito?" Tanong naman ni Quinn. Kaya itinuto ni Invera ang butas at na-gets namam agad ni Quinn ang nais iparating ni Invera.

"Tara na. Quinn, maiwan ka muna rito," Sabi naman ni Calin at tumalon sa butas. Kinindatan naman ni Arod si Quinn.

"Ten seconds lang ang itatagal ng barrier ng wala ako, Quinn. Kapag five minutes wala pa ako, iharang mo na sa taas ang barrier mo," Sabi naman ni Arod. Tinaguan naman siya ni Quinn. Pumasok narin si Arod at sumunod na nga si Invera.

"Look master, nag-gglitch na ang barrier nila, kaunti lang at mananalo na tayo," Sabi naman ni Dwarfto habang tumatawa pa sila ng mga kasamahan niya na hindi alam na may paparating nang kalbaryo sakanila.

"Ten... nine... eight..." Pagbibilang naman ni Quinn at ilang saglit pa ay itinaas niya na ang Shield niya at nakita naman nila Dwarfto na si Quinn na kang pala ang nandoon at wala na ang mga kasama nita.

"Boss, nawawala sila Ca—"

"Nandito kami!" Sigaw naman nila Calin, Arod, at Invera na nagpagulat sa mga Dwarves at kay Christ. Pprotektahan sana ng mga wolves anag mga Master nila kaya humarap sila kari Calin.

"Lava slash!" Sigaw naman ni Calin na napalabas ng lava slash wave na dahilan para mapuruhan ang mga Mountain Wolves at ang alpha ng mga ito dahil sa hindi agad nakapag-respond sa biglaang pagsugod nila Calin. Si Invera at Arod naman ay inatake si Christ. Pero, mukhang alerto si Christ at naharangan niya ang atake nila Arod at Invera na nag-summon naman ng Sword Bloodlust Mosquito na ginamit niya para umatake na naharangan din naman ni Christ. Tumama man ang punyal ni Arod at sumabog ay parang wala lang ito kay Christ na nagpagulat kay Arod.

"P-Paanong?" Tanong ni Arod na nagpangisi kay Christ.

"Dahil anti-explosion ang cloak na suot ko ngayon at immune sa mga fire attack," Sabi ni

"So, this is the power of Master-Sumus uh?" Tanong ni Arod. Nagkibit balikat naman si Christ at sinipa ang dalawa na nagpatilapon sakanila.

"I let my guard down! Scythe Mode!" Sigaw naman ni Christ, at saka naman umilaw ang flute niya at katapos non ay naging mahabang kulay blue na scythe at korteng snow flakes naman ang talim nito. Aatake ulit sana sila Invera at Arod, pero nabigla sila s abilis ng paggalaw ni Christ nasa harapan na nila ito, ilang pulgada na lang ang layo ng talim ng Scythe nito s amga leeg nila. Ngunit napatigil si Christ ng biglang sumigaw si Calin.

"Sige, Christ ituloy mo para mamatay narin itong mga kasama mo!" Sigaw naman ni Calin na nahpatigil kay Christ at tumingin ito kay Calin at nakitang may nakataling lava rope sa mga kasamahan niyang Dwarves.

"Huwag mo silang sasaktan." Malamig na sabi ni Christ.

"Don't worry, hindi ko pa inaactivate ang killing mode ng lava rope kaya wala pasilang mararamdamang sakit. Pero sa oras na saktan at patayin mo ang mga kasama ko ay mamatay din sila," Sagot naman ni Calin. Kita namang napasalampak sa sahig siila Invera at Arod na pawis na pawis dahil sa takot.

"B-Boss, huwag mo kaming alalahanin! Patayin mo sila at maging Champion sa Mayhem na ito para mabawi mo sa Chief si Miss Lirrette!" Sigaw naman ni Dwarfto. Umiling-iling naman si Christ at huminga ng malalim.

"I concede." Sabi naman ni Christ sabay bitaw sa scythe niya at nawala namang unti-unti ang Morphine niya, "Rally, Frosterine." Sabi niya pa, dahilan para bumalik narin sa salamin ang kanyang Adjunctus sabay non ang pagkawala ng Winter Manor. Nalusaw naman agad ang yelo sa Shield ni Quinn at sa buong katawan ng Kung Fu Mantis.

"Disable Morphine!" Sigaw ni Quinn, dahilan para mawala ang pagsasama nila Mush.

"Master nakakatakot yun!" Sigaw naman ni Mish na agad namang yumakap sakanya.

"B-Boss, lumaban ka! Huwag mo kaming alalahanin, kaya na namin ito! Masaya kaming napagsilbihan ka, lumaban ka huwag kang sumuko!" Humahagulgol na sigaw naman ni Dwarfto na nagpa-iling kay Christ.

"No, ano pang silbe ng pagliligtas ko sa kapatid ko kung mismo kayong tumulong sakin ay patay na. Calin, untie them, I commit my defeat," Sabi ni Christ. Pero ayaw namang pakawalan ni Calin ang mga Dwarves. Huminga naman ng malalim si Christ, "C'mon Calin, I'm a man of words. Pakawalan mo na and hindi ko na kayo gugiluhin pa." Sabi ni Christ.

"Okay-okay, sige makakalaya na kayo," Sabi naman ni Calin at pinalaya na ang mga kasamahan ni Christ.

"Boss!" Sigaw naman nilang lahat at umiiyak na tumakbo kay Christ at niyakap ito.

"Sabi ko naman sayo boss, huwag mo na kaming alalahanin!" Humahagulgol na sigaw naman ni Dwarfto. Pinitik naman siya sa noo ni Christ.

"Tama na, Dwarfto. Panalo na sila," Sabi pa ni Christ.

"P-Pero, paano si Miss Lirrette?" Tanong naman ni Dwarfto. Huminga naman ng malalim si Christ at hindh na sinagot pa si Dwarfto.

"Sino si Miss Lirrette?" Tanong naman ng naglalakas na si Quinn.

"Ang kapatid ko," Sagot naman ni Christ. Nag-umpisa naman sa pag-kkwento si Christ at dalang-dala naman si Quinn ng kwento niya.

"Don't worry, kapag nanalo kami, saiyo na lahat ang cash prize." Sabi naman ni Quinn katapos ng kwento ni Christ, dahilan para mag-violent naman ang reaksyon ng mga kasamhan niya.

"Quinn, huwag ka namang padalos-dalos, kailangan din namin ng pera!" Sigaw naman ng tatlong kasama ni Quinn na nagpabigla sakanya at nagpagtawa naman kay Christ.

"Dahil ang kupunan ng Malevolent Phoenix ang nanalo, sila ang grupong susulung sa seventieth floor!" Sigaw naman ng Prinsesa na pumukaw sa atensyon nila Quinn. May lumitaw namang pintong kulay gold na may number seventy na nakaukit dito na nagpangiti sakanila.

"Lakad na ba tayo?" Tanong ni Invera.

"Teka lang, gusto ko pa makausap ng kaunti si Christ," Sabi naman ni Quinn.

"Gusto mo bang sumama kayo samin?" Tanoni Quinn na nagpa-iling at nagpatawa kay Christ.

"Uy, ang ganda pala ng tawa mo, Christ," Sabi naman ni Calin. Dahilan para tumigil s apagtawa si Christ.

"Quinn, hindi ko matatanggap iyang alok mo. Kay naman naming humanap ng ibang paraan. Sige na, lumakad na kayo," Sabi pa ni Christ. Nginitian naman siya ni Quinn at hinawakan sa balikat.

"Pero paano kayo makakalabas dito?" Tanong naman ni Quinn.

"Kami ng bahala," Sagot naman ni Christ. Tumango-tango naman ni Quinn.

"Tara na, Quinn," Sabi naman ni Arod. Kaya tumingin siya sa mga kasama.

"Sige tara na," Sabi ni Quinn at pinihit na ang doorknob ng pintong papunta sa seventieth floor...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro