EPISODE 5/3
This chapter os dedicated to you DivinePantaleon. Thank you for following me, for reading my stories, and voting to them. I really appreciate your time and effort! ❤️
...
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Mabalik naman tayo ngayon sa gawi ng ating Malevolent Phoenix na si Quinn. Grabe hinahabol na naman sila ng napakaraming Spider Lily. Pero ano ito, pinalabas na ng ating Malevolent Phoenix ang Maleficent Prima Donna Boa! Woah! Woah! Woah!" Sigaw naman ni Prince Grety na nagpahiyaw sa lahat ng manonood.
"Lon, kita mo ba iyon. Grabe na ang growth ni Quinn katapos mabasag ng Sealed mo," Sabi ni Sister Feline sa Holiness. Tumango-tango naman ang Holiness at huminga ng malalim at binuga ito.
"Ganyan na ganyan ang kanyang ina dahil sa may dugo silang Solarian ay mas bumibilis ang pag-taas ng status o level nila," Sagot naman ni Holy Father Callon. Napatingin naman sakanya si Sister Feline.
"Ah? Ngayon ko lang nalaman ito, Lon," Takang sabi ng madre.
"Hindi kase pwedeng malaman nino man na may dugong Solarian si Quinn, dahil pag-iintresan ang mga kakayahan niya at marami ang gustong siyang makuha. Kaya, mas mabuting ilihim mo na rin ito at kung maaari ay limutin mo nalang ang sinabi ko," Sabi ng Holiness. Tumango-tango naman si Sister Feline at umupo ng kaunti. Nasa taas sila ng puno ngayon at nanonood sa Ruendroy Queendom Mayhem dahil sa tinakasan nila ang mga Priest na humahabol sakanila.
"Pero alam mo, Lon. Ang sakit ng loob ko ngayon," Sabi ni Sister Feline. Kaya napatingin sakanya ang Holiness.
"Bakit naman, Fel?" Tanong nito.
"Akala ko yung suggested title ko talaga ang mananalo. Bigla, isang napaka-makasalanang pangalan ang naibigay kay Quinn," Sabi ni Sister Feline. Napatawa naman ang Holiness at bigla din sumeryoso. Napabuga naman ng hangin ang Holiness.
"Sumakit nga rin ang loob ko, akala ko talaga akin na ang mananalo dahil sa haba at makapangyarihang words na pinagsama-sama ko roon," Sabi ng Holiness. Natawa na lang si Sister Feline.
"Ayon sila!" Sigaw naman ng isa sa mga Priest na humahabol sakanila. Napatingin naman si Holiness at Sister Feline sa isa't isa.
"Ano, Holy Father, labanan na ba natin kagaya ng dati nating ginagawa?" Tanong ni Sister Feline. Tinanguan naman siya ng Holiness.
"Pwede, para narin maparusahan sila sa pagsunod kay Cardinal Alkaldre," Sabi ng Holiness. Kaya kinuha nilang dalawa ang kanilang Rosaria Rosa. Pumikit silang dalawa, hinawakan ang pang-anim na bids.
"In your divine power, I pray for your apparition, Archangel Gabriel!" Sigaw ni Sister Feline at may lumitaw naman na kulay puting magic circle sa kalangitan at mula doon ay lumabas ang isang napakagandang lalaking anghel na may clean cut golden na buhok, diamond shape itong mukha, nangungusap na mga mata, matangos na ilong, manipus na labi. May suot itong golden armor na sakto para matakpan ang dibdib niya kaya kita parin ang six pack abs niya at ang namumutok na muscles niya. May suot naman siyang fustanella, at sandals lang ang sapin sa paa. May pares suya ng puting pakpak na nagpabanal pa lalo dito at may dala siyang kulay silver na pana.
"In your divine power, I pray for your apparition, Archangel Zadkiel!" Sigaw ni Holiness. Kaya lumabas na naman ang isang lalaking anghel na may mahabang kulay violet na buhok. May heart-shape face ito, down-turned eyes, flat brows, open eyelashes, rubian nose, at manipis na labi. May suot naman itong mahabang kukay violet na parang dress, at may pares ito ng pakpak na kulay silver. May dala naman itong dalawang baril na gawa sa ginto.
"I Pray to you to do Morphine!" Sabay-sabay na sigaw naman ng mga kalaban nila at nakipag-Morphine sa mga Adjunctus nilang Angels ang status at sumugod sa dalawa.
"Let's bring it on, Holiness." Bulong ni Sister Feline na tinaguan naman ni Holiness.
"I pray to you to do the Morphine!" Sabay na sigaw naman ni Holy Father Callon at ni Sister Feline...
...
QUINN'S POINT OF VIEW
"Mabalik naman tayo ngayon sa gawi ng ating Malevolent Phoenix na si Quinn. Grabe hinahabol na naman sila ng napakaraming Spider Lily. Pero ano ito, pinalabas na ng ating Malevolent Phoenix ang Maleficent Prima Donna Boa! Woah! Woah! Woah!" Sigaw naman ni Prince Grety. Bigla namang tumigil sa paghabol samin ang mga Spider Lily nang ibuka ni Echidna ang kanyang pakpak at naglabas ng super sonic wave.
"Tigil na, tumigil na ang mga Spider Lily," Sabi ko. Kaya tumigil na kami sa pagtakbo, "Cal, ibaba mo na ako. Sa tingin ko ay kaya ko na." Dagdag ko pa. Kaya binaba ako ni Calin. Lumapit naman ako kay Echidna.
"Master, nautusan ko na silang huwag kayong atakihin," Sabi ni Echidna sakin.
"Maraming salamat," Sagot ko naman. Pero bigla namang may naramdaman akong pasugod sa itaas. Kaya napatingala agad ako at nakitang ang Mother Spider Lily pala ito, pero nagulat ako ng bigla itong tumigil sa paggalaw at nag-bow lang kay Echidna
"Master, ayaw daw ng Mother Spider Lily ng gulo. Kayo raw ang nag-umpisa nang magpasabog kayo na nagpabigla sakanila," Sabi naman ni Echidna. Umiling-iling naman ako at humarap sa Mother Spider Lily.
"Hindi kami ang nagpasabog, at hindi namin kasamahan ang mga iyon. Sa totoo nga ay kalaban namin sila na gusto kaming patayin. Ako na ang humihingi ng tawad para sakanila," Sabi ko. Humarap naman ito kay Echidna at parang nakikipag-usap na naman. Katapos ay humarap sakin si Echidna.
"Buti naman daw, kase hindi niya na mababalik ang buhay nila sa pagkain niya sakanila," Sabi ni Echidna. Napakamot naman ako sa batok at humagikgik.
"Ayos lang iyon, pwede ba kaming dumaan sa pinto?" Tanong ko. Humarap naman ito kay Echidna.
"Makararaan na raw kayo ng matiwasay, master." Sagot naman ni Echidna. Nag-tango-tango naman ako at humarap sa mga kasama ko.
"Tara na, makararaan na tayo," Sabi ko. Kaya napangiti silang lahat ng malapad at tumakbo papunta sakin. Niyakap naman ako ni Calin at hinalikan.
"Ang lakas na talaga ng mahal ko!" Sabi ni Calin habang ginigulo ang buhok ko. Napatingin naman ako sakanya habang nakataas ang kilay.
"Mahal ka diyan," Sabi ko.
"Bakit? Mahal naman talaga kita, kaya mahal narin ang tawagan natin," Sabi niya. Tumango-tango naman ako. Bigla ay napasulyap ako kay Arod na masamang nakatingin samin ngayon na hindi ko naman na pinansin.
"Tara na, Echidna pwede bang samahan mo kami papunta roon. Medyo may trust issue ako," Sabi ko. Napahagikgik naman si Echidna at sinumulan na ang paggapang papunta sa pinto.
"Sige lang, master," Sagot niya. Lahat naman ng nadaraanan naming gagamba ay tumatabi at nag-bbow kay Echidna. Nang malapit naman na kami sa pinto at nasa taas kami ng web ng Mother Spider Lily ay bigla namang may nahulog na kulay brown na bag. Kaya napatigil kami at napatingala at nakita ang Mother Spider Lily. Tumingin ito kay Echidna.
"Master, iyan daw ay ang bag nung lalaking nagpasabog kanina, ibinibigay daw sayo ng Mother Spider Lily iyan dahil may mga laman na pwede mong magamit," Sabi ni Echidna. Kaya nag-bow ako sa Mother Spider Lily at binuksan na ang bag. Doon nga ay tumambad sakin ang container ng tubig, dalawang cloak, isang tinapay, at isang pouch na kulay brown at may naka-ukit na sun at moon na magkarugtong. Kaya out of curiosity ay binuksan ko ito.
"The Tarot of Stars." Sabi ni Invera nang ilabas ko ang laman at makita ang mga tarot cards. Nasa sampung Tarot Card ito nang bilangin ko at nang tignan ko ay nakita ko sa unahan ang Tarot na may nakasulat ng Capricorn at may naka-ukit ditong parang kambing na may parang crack na, sunod ang Pegasus at may naka-ukit naman ditong kabayo na may pakpak na may crack na rin, sunod ang Saif al Jabbār may at naka-ukit na espada na may crack narin, katapos ay ang Scorpio na may naka-ukit na alakdan, sunod ang Aquarius na may naka-ukit na babaeng merfolk na may dalang sisidlan, sunod ang Virgo na may naka-ukit na babaeng may mga kadena, sunod ang Libra na may naka-ukit na lalaking may dalang timbangan, sunod naman ay ang Orion na may naka-ukit n matipunong lalaki, at may dalawang card naman ang blangko.
"Bakit blanko ito?" Tanong ko.
"Ibig sabihin ay nakatakas ang mga Starfolks na nariyan at hindi pumayag na maging master si Kliffer," Sagot ni Calin. Tumango-tango naman ako at ibinalik na sila sa lalagyanan nila.
"Calin, palagay naman ng mga ito sa bag mo, magagamit natin ito sa future," Sabi ko. Kaya inabot lahat ni Calin ang mga pinapadala ko at itinago na sa bag na dala niya. Nasira kase ang bag ko dahil doon sa Limbo Baby kaya wala na ako mapaglagyan ng gamit ko.
"Tara na!" Excited na sigaw ni Invera. Napatingin naman ako kay Arod na hanggang ngayon ay tahimik. Hindi ko naman na siya pinansin at naglakad na kami papunta sa pinto.
"Quinn, do the honor." Sabi ni Calin nang nasa harapan na kami ng Pinto. Tinanguan ko naman siya at pinihit na ang doorknob ng pinto...
...
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro