Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 4/1

- THE AWAKENING -

QUINN'S POINT OF VIEW

"Isang himala ito, kapatid! Nabuhay ang Sane Summoner katapos ng fatal attack ng Capricorn sakanya!" Sigaw ng babaeng announcer.

Katapos kong banggitin ang pangalan ni Satan ay biglang lumabas ang dark red na magic circle at lumabas mula doon si Satan, ngunit nagbago ang laki niya na sa tansya ko ay nasa kasing laki na lang siya ni Arod ngayon.

"Oh partner, what's that? Woah! Woah! Woah! What is happening, a Sane Summoner summoning a Shader, and it's not a typical ordinary Shader ah, but a very powerful one!" Hindi makapaniwalang sigaw naman ng lalaking announcer.

"Oh, according to our Queen's finest researcher. Maaaring na-seal ang tunay na League ng Sane Summoner at dahil sa atake ng Capricorn ay maaaring nasira nito ang Sealed! How fascinating!" Sigaw ng babae. Umiling-iling naman ako dahil medyo tama ang sinabi nila. Tumingin naman sakin si Satan at nag-bow.

"Anong maipaglilingkod ko, master?" Tanong nito sakin. Tinuro ko naman ang gawi kung nasaan si Arod.

"Satan, talunin mo ang lahat ng mga humahabol samin," Utos ko. Nag-bow siya at saka lumipad papunta sa kinaroroonan ni Arod ngayon.

"Woah! Woah! Woah! Sa kabilang team naman ng mga Centaur tayo, partner! Nahanap nila ang pinto papunta sa fiftieth floor ngayon! At nahanap naman ng kupunan ng Ice Person ang lagusan papuntang sixtieth floor, habang napatay naman ang ibang grupo ng grupo ng Centaur at.ng mga gumagalang Adjunctus!" Sigaw ng babaeng announcer. Medyo na-bother naman ako dahil sa nasa thord floor parin kami.

"Q-Quinn? Ikaw ba talaga iyan?" Dinig kong tanong ni Calin. Kaya, humarap ako sakanya, kinuha ang kanyang kanang kamay, at ipinahaplos ko ang aking mukha.

"Ako ito, Calin," Sabi ko. Nabigla naman ako ng bigla niya akong higitin at yakapin.

"Akala ko mamatay ka na kanina, Quinn," Sabi niya. Humagikgik naman ako at niyakap narin siya habang hinahagod ang likuran niya.

"Hindi ko pa kayo iiwan, isa pa kailangan kong makita si ama para masagot lahat ng gusto kong itanong sakanya at gusto ko rin siyang makasama," Sagot ko naman. Katapos ay naramdaman ko naman ang pagtayo ng kanyang kahabahan, kaya napahiwalay ako at napatitig ng masama sakanya.

"Sorry." Sabi niya habang kumakamot sa batok niya, "Tumagkil kasi bigla ang balat mo sa braso ko." Sabi niya pa. Napatingin naman ako sa katawan ko at nakitang wala pala akong suot na damit. Kaya napatakip ako bigla sa katawan ko.

"Manyak!" Sigaw ko sabay sampal sa braso niya na nagpatawa naman sakanya.

"I'm glad you're okay, Quinn." Dinig ko namang sabi ni Invera. Kaya tumingin ako sakanya na may matamis na ngiti sa labi.

"Salamat," Sabi ko. May kinuha si Invera sa bag at inilabas ang cloak. Binato niya ito sakin, kaya nag-bow ako ng kaunti at sinuot ito.

"Quinn, hindi ba isa kang Sane Summoner, Mono-Sumus?" Tanong ni Calin. Kaya napatingin ako sakanya at kitang nakatutok sakin ang Ring of League niya at may gulat sa reaksyon nito ngayon. Tinanguan ko naman siya bilang sagot, "Quinn, b-bakit sabi dito ay Shadowbound Worshiper, Di-Sumus ka?" Naguguluhang tanong ni Calin.

"I think, Holy Father Callon bestowed a Seal of League on me, Calin. Akala ko simpleng tatoo lang ang nilagay niya noong seventh birthday ko, pero hindi, isa pa lang siyang seal na magtatago sa tunay kong League," Seryosong sabi ko. Napabuntong-hininga naman si Calin at umiling-iling.

"Kaya pala iba ang pakiramdam ko noong nakita ko yang tatoo mo nong naliligo tayo sa lawa," Sabi ni Calin.

"Mush! Mush! Mush!" Dinig kong sigaw ni Mush sa tabi ko at niyakap ako. Kaya napangiti ako at yinakap siya ng mahigpit.

"Nasaktan ka ba kanina? Sorry wala akong nagawa kanina, Mush. Akala ko kaya nating i-immune ang atake ng Capricorn, pasensya na hindi ako naka-iwas agad," Sabi ko kay Mush. Bumitiw naman ito sa yakap at binigyan ako ng napakatamis na ngiti. Doon ko naman napansing nagkaroon siya ng dalawang sungay at may dalawang pangil na nagpagulo sa isip ko.

"No worries, master." Sabi niya na nagpatigil samin ni Calin at napatitig kaming dalawa kay Mush.

"M-Mush, ikaw ba ang nagsalita?" Tanong ko at saka kami nagtitigan ni Calin.

"Ako nga po," Sabi ni Mush. Kaya yinakap ko siya dahil sa sobrang tuwa. Kita ko namang itinutok ni Calin ang Ring of League niya kay Mush.

"Cacodemon Mushter, Shader, Infant - Grade, Tier 5," Sabi ni Calin. Kaya tinitigan ko si Mush at nginitian.

"Kahit ano ka pa, ikaw parin ang first companion ko at ang pinakamamahal kong Adjunctus!" Sigaw ko kay Mush at saka siya yikap ng mahigpit na nagpatawa naman sakanya.

"This is the first time I saw a Serviant Adjunctus evolve into another type that is higher for the Serviant type." Sabi ni Calin habang nakasumbaba pa.

"Calin, familiar ka ba sa the Tale of Ten Fabled Summons? Hindi ba kaya lang sila nagkaroon ng incomparable power dahil sa direct exposure ng mga ito sa Magmus ni God Aribirus nang gawin niya ang Solaria Mystery Land? Baka ganon ang nangyari kay Mush, kung natatandaan mo kanina ay naglabas ng napakaraming Magmus ni Quinn, at baka dahil doon ay na-expose ng sobra ang infant grade na Serviant kaya ayan, naging ganyan siya ," Sabi naman ni Invera. Nag-tango-tango naman si Calin dahil doon. Bigla naman ay napatigil ako at biglang bumagsak, wala akong maramdaman sa katawan ko, parang namanhid ako bigla.

"Quinn! Anong nangyayare?" Nag-aalalang tanong ni Calin. Pinilit ko namang magsalita pero ayaw ng gumalaw ng bibig ko.

"Masama ito, kailangan nating lapitan si Satan at sabihing bumalik na sa kanyang dimension," Sabi ni Invera.

"Bakit naman?" Tanong ni Calin. Tinapat naman ni Invera ang Ring of League niya sa gawi ni Satan na nagpatiim-bagang sakanya.

"Sabi na eh! Hindi pantay ang level nila, Di-Sumus pa lang s Quinn sakaling si Satan ay isang Shader, Hoary - Grade, Tier 84. Magkukulangan si Quinn ng pag-supply ng Magmus kay Satan, na magpapa-drain ng mabilis sa Power Core ni Quinn, kung hindi natin agad mapapabalik si Satan, maaaring ikamatay ni Quinn ito!" Nag-aalalang sigaw ni Invera na nagpatakot naman sakin.

"Tara na!" Sigaw ni Calin.

"Bolt, lapitan mo sila Arod!" Utos naman ni Invera. Kaya, lumipad na kami ng mabilisan...

...

AROD'S POINT OF VIEW

Sinugod ko na nga ang mga kasamahang grupo ni Kliffer. Maraming atake ang binabato nila, naiilagan ko ang ilan, ngunit natatamaan ako ng ilan. Kaya medyo nahihirapan ako sa paglapit at paglaban sakanila.

"Napakatapang mo naman para harapin kaming mag-isa!" Sigaw ni Kliffer. Nginisian ko siya at sinubukang atakihin, pero may isang Cyber Punk Fly ang umatake sakin at nagbuga ng Acid Saliva. Umiwas naman ako, at sa damuhan nahulog ang atake nito na bumuo ng hukay sa damuhan.

"Tsk, tsk, tsk. Sayang at hindi ka natamaan. Hi there, my name is Eira Erica Evelder, a Selkies. You're so cute, but I need to kill you. Cyborg, Acid Rain!" Sigaw ng babaeng nakasakay sa Cyber Punk Fly. Dumura naman ng napakaraming acid ang Cyber Punk na trinay ko namang iwasan. Pero sa kasamaang palad ay natamaan ang kaliwang pakpak ko na nag-resulta ng pagbagsak ko sa damuhan.

"Corner na ang ating Feralghard Summoner sa mga grupong humahabol sakanila!" Sigaw naman ni Princess Tweqty.

"D*mn it!" Sigaw ko habang hinhawakan ang kalahating tunaw kong isang pakpak.

"Bolt Dragon Fly, Lightning Strike!"

"Cyber Punk Fly, Acidic Bullet!"

"Pegasus, Wind Arrows!"

Sabay-sabay na sigaw nila habang nakaturo sa Direksyon ko. Nagpakawala na nga sila ng atake, kaya iniharap ko naman ang aking espada para subukang harangan ang ateke nila kahit na imposible na sa sitwasyon ko na gawin iyon.

"Oh-ho! Katapusan na ata talaga ng Feralghard Summoner natin!" Sabi ng Prinsepe. Nasa harapan ko na nga ngayon ang mga atake, sinusubukang i-deflect gamit ang espada ko, ngunit nang tumama pa lang ng Acid Bullet sa espada ko ay nalusaw na ito kaya direkta akong tinamaan ng iba pang atake, dahilan para napaluhod ako sa damuhan at mapangiwi sa sakit.

"At least I did buy enough time for my team to escape," Bulong ko sa sarili ko, "Rally, Julia!" Sigaw ko. Kaya nawala ang Morphine namin ni Julia at bumalik ito sa aking earring.

"Katapusan mo na!" Sigaw ni Kliffer. At saka niya iniharap ang isang Tarot of Stars sakin.

"Roll in, The Sword of Orion; Thee Sword of Giant; The three stars constellation. Saif al Jabbār!" Sigaw ni Kliffer. Bigla namang nabuo ang napakalaking magic circle na kulay light blue at mula doon ay unti-unting lumabas ang napakalaking espada na ang buong itsura ay ang galaxy in the form of sword. Papahulog ngayon sakin ito kaya pumikit na ako at tatanggapin na sana ang kamatayan nang mapabukas ako ng mata dahil sa may naramdaman akong kakila-kilabot na presensya na nasa harapan ko ngayon.

"W-Who are you?" Nanginginig na tanong ko sa isang Shader na humarang sa Saif al Jabbār gamit lamang ang isang kuko. Tumingin ito sakin at nginisian ako.

"The one and only, Satan." Sagot niya at saka pinitik ang patulis ng Saif al Jabbār nanaging dahilan para mabiyak sa dalawa ang napakalaking espada. Kita naman ang takot sa mata nila Kliffer dahil doon, at tinawanan naman sila no Satan.

"Kapana-panabik namna ang mga nagaganap ngayon, partner. Satan versus the seven united groups!" Sigaw ng prinsesa na nagpa-takot lalo sa expression ng kupunan ni Kliffer.

"I-Is that one of the nine Princes of Hell?" Nanginginig na tanong ni Kliffer na mas nagpalakas ng tawa ni Satan.

"Yup, start reciting your prayers now," Sabi ni Sata. Katapos ay nawala siya sa paningin namin. Ilang saglit lang ay naputol lahat ng ulo ng mga Adjunctus ng mga humahabol samin at lumitaw na lang si Satan sa likuran nilang lahat habang nililinis ang limang kuko nito na nagpasigaw sa mga grupong humahabol samin...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro