PHASE 9
"Prina!"
Agad ako napalingon sa tumawag sa akin. Nanlalaki ang mata ko na bigla siyang tumawid, lakad-takbo sa kalsada habang kumakaway at nakangiting papalapit sa akin.
"K-Kuya!?" gulat na napakunot ako sa malaking bultong papalapit sa akin.
Nakangisi itong lumapit at agad na ginulo ang buhok ko. Mannerism na niya talaga ito kahit pa nung bata ako. Umiwas naman ako at sya'y aking inirapan dahil sa nakakaloko niyang tingin.
Pasimple naman akong tumingin sa paligid bago muli ibinaling ang tingin sa kanya. Napahinga ako ng maluwag ng masilayan ko sa aking kaninang kinaroonan na wala na ang sasakyan kaya agad kami nakadaan.
"Kanina ka pa ba?"
"Alam mo mukha kang tanga." aniya'y papansin na aking Kuya pagkalapit na pagkalapit.
Napabuga naman ako. "Tss. Papansin ka talaga. Wala ka na bang klase, Kuya? Ang aga naman yata dismiss niyo. Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin at umiling habang tinitingnan ang mga dumaraang sasakyan.
"Wala na 'kong klase. Kakababa ko lang rin ng jeep nang masaktuhan kong nakita kita rito." rinig ko ang pagbuntong-hininga siya ng malalim. "Nakakatuwa, maganda kasi ang sched ko ngayon, eh. Ganun siguro talaga 'pag freshmen, no? Tuwing Tuesday ay palagi kaming halfday. Ikaw? Kanina pa kita nakita dito, mukha kang ulaga at tulala. Saan ba ang punta mo?"
Napakamot naman ako sa aking ulo at nag-iwas ng tingin.
"Wala..."
"Anong wala? Sus! Cutting ka, no? Baka naman may klase ka pa at naglalakwatsa, ah? Hinahayaan kita sa raket mo pero wag mong pabayaan ang pag-aaral mo lalo na't graduating ka na. Isusumbong talaga kita kay Nanay—a-aray ko naman, Prina! Ang sakit ng batok mo!" reklamo niya.
"Tange ka kasi, hindi naman ako naglalakwatsa! Tapos na kaya ang klase ko kanina pa! Pauwi na nga rin sana ako, eh." tumaas ang kilay nito na parang hindi naniniwala sa paliwanag ko. "Maaga din kasi kami na-dismissed sa klase dahil wala yung isa naming prof sa panghuli naming subject." paliwanag ko pa.
Atsaka, as if naman na isumbong niya pa ako kay Nanay. Eh, kadalasan naman sya ay kakampi ko at partner in crime. Sya lang madalas pagtakpan ako sa mga ginagawa ko bukod kay Tatay.
Tumaas ang kilay nito. Napakaloko talaga nitong Kuya ko kaya sinuntok ko sya sa kanyang braso na parang wala lang sa kanya.
Kahit na hindi ito pala-gym ay malaki at parang sporty ang pangangatawan nito. Parang pang modelo. Mana kasi kay Tatay na sobrang tangkad at maganda ang hulma ng katawan. Maginoong-maginoo ang dating dahil sa kayumangging kulay, makapal na kilay, mapilantik na pilik, mapanga, matangos na ilong, manipis na nguso, maputing mga ngipin at kahit madalas itong magpuyat ay hindi ito nagkakatagiyawat, sumisingkit lang ang itim na itim na mata nito lalo na kapag ngumingisi. Samahan pa na metikuloso nitong pagkakagupit sa kanyang buhok. Hindi malago, hindi rin naman kalbo. Sakto lang na bumagay sa hulma ng kanyang mapangang pagmumukha.
Minsan nga ay sinabihan ako ni Ate Barbs na sabihan ko yung Kuya ko na isali sa mga nilalaban na Ginoo chuchu na iyan dahil pasadong-pasado na sa screening dahil sa angking kagwapuhan plus pa katalinuhan nito. Tanggalin lang raw ang salamin at hiya, and voila! Marami na raw ang manlalambot at maninigas sa kanya. Alam ko namang pasadong-pasado ang Kuya ko ron, pero nung una ko syang nasabihan ay sinabi niyang hindi raw siya interesado. At hindi rin daw ganun kakapal ang kanyang mukha niya katulad ko.
Loko talaga.
At syempre, habang kami ay naglalakad, panay tingin sa amin mapa babae man, lalaki o bakla. Naririnig ko pa ang kanilang tili habang kumakain sa isawan at fishball-an sa gilid. Pano ba naman kasi ay sa tangkad ng Kuya ko, at walang suot ng salamin ay talaga namang nakikita ang kanyang nakakasukang kagwapuhan. Lalo na't sa simple nitong suot na black polo shirt at pantalon na regalo pa ni Nanay sa kanya nung huling birthday niya, tapos simpleng mumurahing sapatos na binili pa sa divisoria.
Kulang na lang ay relong pambisig, magmumukha na talaga siyang yayamanin. Yun kasi madalas bukambibig ng Kuya ko kapag nakakaraan kami sa mall para lang mag window shopping. Siguro kapag nakaluwag-luwag ako at nakarami ng pera ay reregaluhan ko siya ng relo.
May mga ilan namang babaeng nakikitaan ng inggit kapag sakin tumatama ang kanilang tingin. Akala siguro nila ay mag jowa kami ng Kuya ko. Haha! Madalas talaga kaming mapagkamalan, pero sanay na ako. Sa amin kasing magkakapatid eh... ewan ko ba. Wala namang naging kabit ang mga magulang ko o anak sa labas, pero nang iniluwal kami isa-isa ay hindi kami ganun magkakamukha.
Maraming namumuri na ang mukha ko raw ay nakuha ko sa aking ina, sa Kuya ko naman ay aming ama, at ang bunso naman naming kapatid na si Chichi ay nakuha naman sa parehas ng mukha ng aming mga magulang.
Tanging mga mata lang na sobrang itim na halos mangislap, malalantik na pilik at magandang hulma ng kilay ang walang pinagkaiba sa amin. Kung hindi lang sana kami mahirap, ay maraming mag-aakalang mukha kaming mayaman kung papalitan kami ng mga magagarang kasuotan.
Maganda kasi ang Nanay ko. Maputi at halos magkamukha kaming dalawa. Maraming nagsasabi na mana ako sa kanya maliban lang sa laging beast mode ito. Hindi lang halata dahil nababago talaga ang itsura ng tao kapag danas na danas ang hirap ng buhay sa nagdaang panahon. Matangkad din si Nanay at ang buhok nito ay naka sieteng gupit, hindi na nagpahaba pa ng buhok. Ngunit kahit ganoon ay... maganda pa rin si Nanay.
Naalala ko na dati'y nung dalaga pa ang Nanay ko, kwento lang sa akin ni Tatay na dati ay sumasali rin si Nanay sa mga pageant dahil sa maganda ang hubog ng katawan nito at mahaba ang wavy nitong buhok katulad ko. At tulad ng mga nakikita ko rin sa kanyang mga lumang litrato nung nag uumpisa at talubata pa lang sila ni Nanay noon, ay kuhang-kuha ko ngayon. Nakikita niya ako kay Nanay kaya naman hindi maiwasang matuwa ang Tatay ko sa akin.
Kaya minsan ipinagtataka ko na dating kahiligan ni Nanay ay halos ayawan niya para sa akin. Ang pagpa-pageant. At nung binata naman ang Tatay ko ay mahilig din ito halos maglaro ng basketball. Bagay na kinamanahan naman ng Kuya ko. Hindi sporty ang Kuya ko, pero pag naglalaro siya minsan sa court, nakikita ko ang potential sa kanya. Mas inuuna niya kasi ang aral kumpara sa paglalaro. Ayaw niya mahati ang oras sa pag-aaral dahil gusto niya tutok siya doon.
At kung paano nagkakilala si Nanay at Tatay, may pista noon sa kanilang barangay, si Nanay ang mismong reyna kapag nagkakaroon ng mga prosisyon. At dahil si Tatay, isa sa mga Captain Player ng basketball team nila, isang beses sila ay natalo dahil natulala ang Tatay ko sa kagandahan ni Nanay nang dumaan ang kanilang prosisyon sa may court.
To make it summary sa kanilang love story, nanligaw agad si Tatay. Marupok si Nanay. At dahil pabebe si Nanay, hindi pa nagkolehiyo si Nanay ng maging mag-on na agad sila ni Tatay wala pang isang buwan. Ika nga sabi ng Tatay ko nung oras na 'yon;
"Dibale ng natalo ako sa laro, panalo naman ako sa inang mo."
Mga pangmalakasang linya ni Tatay. At yun nga... nung mga panahong rin yun, si Tatay ay nasa Second Year college pa lamang ng Electrical Engineering, mas ahead si Tatay kay Nanay, pero dahil parehas pala silang marupok ay maagang nabuntis ni Tatay si Nanay, kaya naman heto kami, tatlo kaming pinutok hanggang sa lumaki na kaming tatlo. Mas natutok na sila pagbuo ng pamilya at hindi na nakapagtapos pa.
By the way, balik sa topic. At yun na nga, dahil hindi pa naging praktikal pa noon si Nanay ay mas pinili niya ang tinitibok ng kaniyang puso na si Tatay kumpara dun sa dati niyang manliligaw na intsik na mayaman, na may kotse at factory na paggawa ng tikoy. Yun lang ang lamang niya kay Tatay.Si Tatay kasi nag-aaral pa noon. At heto namang Nanay ko medyo malantuding kikibot-kibot, mabilis mabihag sa kagwapuhan ni Tatay kaya walang pakialam na noon si Nanay kung anuman ang maging antas ng buhay ni Tatay na maibibigay sa kanya, dahil hindi sila tanggap ng magulang noon ni Nanay.
Sabi niya, okay lang na hindi sila ganung kayaman dahil ang mahalaga ay tunay silang nagmamahalan.
Kasi wala pa noon napapatunayan ang Tatay ko. Pero wala eh, napilitan silang magtanan. Naging advance at si Kuya na sperm pa lang ay nagliliwaliw na sa matres ni Nanay.
Pero past is past. Dahil kung hindi sila nagkutuyan nila ni Nanay, ay wala pa rin kami hanggang ngayon sa mundong 'to, at hindi kami ganito kaganda at kagwapong mga anak nila.
"Gusto mo na bang umuwi, Prina?" untag sakin ng Kuya ko habang kami ay naglalakad papunta na sana sa sasakyan naming jeep.
"Bakit mo natanong yan? Diba papunta na nga tayo sa sakayan pauwi?" nagtataka kong tanong.
"Mamaya na tayo umuwi." anito sabay kindat sakin at ngumiti.
Napangiwi naman ako. "At baket naman, aber!? Bago yan, ah! Alam ko 'pag madalas kang maaga nakakauwi kasi panay review ka at aral pagdating sa bahay. Kulang na nga lang eh ikaw pa ang pinaka nene sa ating dalawa kahit brusko ka!"
Tumawa naman ito. "Minsan lang naman, eh. Sige na nga umuwi na tayo, balak ko pa naman sanang manlibre sa Jollibee. Sige na. Ang galing mo talagang magdesisyon sa buhay, umuwi na nga tayo."
Agad naman ako napapihit palingon sa kanya. "Weh? 'di nga? Manlilibre ka talaga?" hindi makapaniwala kong tanong. "Teka, saan naman ba galing ang pera mo?"
Minsan kasi inookray lang ako nito na kunware libre niya raw ako at ituro ko lang daw ang pinakamahal na kainan at sya daw ang sagot at ako naman si utu-uto eh hindi naman pala. Mamaya sapok ulit saken 'to pag di to totoo. Lakas mag-aya, eh.
"Ayaw mong maniwala? Grabe ka! Ikaw lang bang may karapatang may hawak na pera, Prina, ha?"
"Ewan ko sayo. Lakas ng trip mo!"
"'De, pero seryoso...may pera talaga ako ngayon kapatid. Kasi na-realized ko na bukod pala sa matalino ako, magaling pala akong maging magnanakaw. Swerte ko nga at yung unang ninakawan ko ay malaki ang kanyang—tangina!"
Kinurot ko kasi siya sa tagiliran.
"Yung totoo kasi! Pota naman oh..." malapit na talaga ako ma-excite kanina pa tapos sisirain niya pa. Nagugutom na din kasi ako.
Aambahan ko sana siyang sapuking mabuti ngunit naiwas niya muli ang ulo niya ng mabilis. Kakailanganin ko pa kasing tumingkayad sa katangkadan niya. Dambuhala talaga ay.
"Ito na, seryoso na. May natira sakin sa allowance ko. Sobra pa nga ito eh." nakita kong humugot siya ng kanyang lumang na wallet sa kanyang bulsa at pinakita sakin ang laman.
Muntik na akong mapahagulhol kasi yung wallet niya ay natatandaan kong grade 4 niya pa yun ginagamit, si spider man ang design. College na ito, pero yung wallet pambata. Ano ba ito, nagiging emosyonal na naman ako sa nakikita ko sa kapatid ko.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. 'Wag kang mag-aalala Kuya ko, ibibili kita ng wallet na bago.'
Sa isip-isip ko na lang. Hindi kasi papayag ito kapag nagsabi ako.
Napaamang naman ako ng may makita akong tatlong libo sa kanyang wallet.
"Wow... ang dami mo namang pera! Sigurado ka bang hindi mo ninakaw yan!?"
Pinitik niya ang noo ko. "Sira, hindi. Naniwala ka naman? Pag nagnakaw ako ibig sabihin niyan eh bobo na ako. Kasi hindi ko ginamit ang talino ko sa posibleng mangyare kapag nagnakaw ako, diba? Ano? Tara na? Minsan lang akong manlibre, Prina. At sa minsang iyon ay kapag nagkakapera lang talaga ako. Sulitin mo na dahil hindi na magbabago ang isip ko." maloko-loko itong tumawa sa huli.
Napangiti naman ako sa ka-sweet-an ng Kuya kong bruho. Kumapit ako sa kanyang braso senyales na gustung-gusto ko.
"Kahit fries lang at sundae, masaya na ko, Kuya." sabay sandal ko ng aking ulo sa kanyang balikat.
"Wag moko kadikitan, ang asim mo." sabay tulak nito sa aking ulo.
"Tangina mo po."
©piedraijada
Agad kong narinig ang kanyang halakhak sabay gulo muli sa aking buhok. Hinayaan ko na lang siya kahit pa magmukha akong bruhilda sa kalsada.
"Basta libre mo akong fries!"
"Naman! Sigurado ka bang yan lang ang gusto mo? Kulang yon, Prina! Hindi porket nagpa-pageant ka ay kailangan mong mag diet palagi. Hindi tayo mayaman para magpakamatay ka sa gutom."
"Grabe ka naman, hindi naman na ako nagda-diet no! Sadyang sexy lang ako. Ilang linggo na rin akong walang raket sa pageant."
Napanguso ako ng aalaahanin iyon. Ewan ko ba. Abala kasi lagi ang dalawa sa kanilang mga trabaho. At kapag naman tinatanong ko si Ate Barbs, ang palagi niyang sagot ay wala pa raw.
Hinihintay niya lang ang magbalita sa kanyang mga kakilala since marami naman siyang connection at kakilala pagdating sa mga ganung raket. At isa pa, medyo pabor rin sa akin. Lalo na't graduating ako, marami akong abalahin, for sure na mahihirapan akong maisingit ng husto yun sa oras ko lalo na't malapit na ang finals namin.
At tulad nga ng goal ko, need kong makapasa at mahigit ang grado ko sa darating na finals. Kailangan kong... makapasa. Para naman makatanggap ako ng mga scholarship na papasok sa passing grade nila. Suhestiyon rin yun ni Ate Barbs kaya naman sang-ayon rin ako at naunawaan nila na magiging busy nga ako sa pagsusunog ng kilay. Ang tanging abalahin ko na lang madalas ngayon ay ang pagsa-sideline sa parlor niya. Dun ko kinukuha ang pangbaon ko, mga gastusin sa thesis, projects, pamasahe at iba pa.
Inakbayan niya ako at siya'y tumango. "Ayos lang yan! Mabuti nga iyan para naman hindi ka laging pagod. Mas okay pa na sa sideline muna ikaw sa ngayon lalo na't busy at graduating ka na. Hindi mo mahahati ng maayos ang oras mo sa dami ng requirements niyong ipapasa kung panay sasalang ka lagi sa maraming sideline."
"Tama ka, ganun nga ang ginagawa ko."
"Ano, tara na? Magpapakabusog tayo at alam kong gutom ka na, naririnig ko ang kalam ng tiyan mo. Bibilhan din natin ng pasalubong sila Chichi at paniguradong matutuwa si bunso."
Napangiti naman ako sa bruho kong Kuya na laging concern sa akin. "Nako! Sinabi mo pa! Baka mag iiiyak pa 'yon kapag hindi mo rin dinala si Jollibee! Sige na nga,"
"Aba, dili pa kaya na ng money ko yun, Prina."
"Gusto ni Chi-Chi nga makita ang usa ka tinuud nga Jollibee! Balak pa naman niya raw itabi sa pagtulog." sabay tawa ko.
Tumawa rin siya. "Sa susunod bibili ako ng laruan sa tiange. Sa ngayon, pagkain muna. Gutom na ako, eh. Paniguradong gutom na rin si bunso galing eskwela. Matutuwa yon pagdating natin."
Napatango naman ako. Tama siya. Matutuwa nga ang bunso namin sa magiging pasalubong namin sa kanya. Matagal na rin talaga ako nake-crave dito kaso hanggang titig lang talaga ako noon.
Ngunit natigilan akong maglakad nang meron akong natanto.
"Oh? Bakit napatigil ka?" nagtatakang tanong sa akin ni Kuya.
Napakamot naman ako sa aking batok. "Kasi uh ano.... kahit si Chichi na lang, Kuya. Wag na pala ako. Yung sobra mong pera, itabi mo na lang at baka may pagkakagastusan ka pa." nakalimutan ko... college na Kuya ko at for sure na tumataas ang pangangailangan nito na gagastusin sa bawat araw.
Medyo lumayo kasi ng kaunti ang kanyang pinapasukan na Unibersidad. Nagdoble ang pamasahe niya araw-araw. Kaya madalas, pinagbabaon ko siya ng pagkain para 'di siya magutom kung sakaling gusto niyang magtipid. Hindi naman maarte Kuya ko at sang-ayon siya sa suhestiyon ko.
Kahit na madalas... ayaw ni Nanay at talaga umuutang pa siya, mabigyan lang ng malaking baon ang Kuya para lang mapakain sa mga cafeteria. Sinasabi niya na malaki na si Kuya at hindi na nababagay magbaon. Parang sa mga bata lang raw iyan. Ngunit kaulanan ay mas pinili ni Kuya na magbaon na lang dahil mas nakakatipid nga talaga siya sa binabaon nya araw-araw.
Napakunot siya sa akin. "Ano ka ba naman, Prina? Pati ba yun naisip mo?"
"Eh kasi baka marami kang gastusin. Mabuti pa ay magsasaing na lang ako pag-uwi natin sa bahay at—"
"Hep! Hep! Nagtatampo na ako."
Tinawanan ko siya at inilingan. "Sira, bakit ka naman nagtatampo? Ayos lang sa akin. Sa susunod na lang, 'pag nakaluwag-luwag tayo!"
"Tsk. Hindi mo ba alam na gusto kong bumawi? Nakakahiya man eh, Kuya mo ako, madalas e ikaw pa mas nagbibigay sa akin pag may kailangan ako. Pwede bang hayaan mo naman ako, na ako naman ang bumawi sayo?"
Napakamot naman ako sa aking ulo. "Eh pano 'pag may kailangan ka? T-Tapos nagipit tayo at wala ako maibigay sa---"
"Prina, tandaan mo," humarap ito sa akin, pinitik ang noo ko ng ikinakunot ko sabay hawak niya sa balikat ko. "Ang pera, umiikot lang yan sa mga palad natin. Mawala man at pinangbili, babalik at babalik rin yan sa mga kamay natin. Kaya hangga't may pagkakataon na may mga bagay tayong gusto, na kaya naman nating makuha maliit man yan o malaki, kunin na natin. Tulad nito, diba paborito mo pa rin itong Jollibee? Natatandaan mo ba... nung bato tayo, sabik na sabik tayo noon dito? Kahit na... mahirap lang tayo, pera lang yan, babalik din. Pero itong pagkakataon, maibabalik ba natin lalo na't nararamdaman kong gustung-gusto natin?"
Napagtanto kong may punto siya. Napanguso ako at ngumisi naman siya. Masyado ng humahaba ang usapan dahil lang rito. Hindi naman dapat pinagtatalunan ang ganitong bagay gayong may punto naman siya.
"Hayaan mo. Pag nakatapos at nagkatrabaho ako, hindi ko lang kayo sa Jollibee papakainin, kundi sa masarap, mamahalin at nakakabusog na restaurant. Kaunting tiis na lang, makakabawi rin ang Kuya."
"MMK ka talaga..." yun na lang ang aking naitugon at nag-iwas ng tingin.
Napatawa ito. "Maalaala mo kaya?"
Napailing na lang ako. "Makabag damdamin mong katwiran."
"Totoo naman kasi," dipensa niya agad.
Tinawanan ko na lang ulit siya. Sa bawat binibitawan kasing katwiran ng Kuya ko ay humahaplos sa puso ko. Hindi ko naisip yon. Masyado lang siguro ako pinangungunahan lagi ng pangamba. Nakalimutan ko na sana minsan... ay nakakapag-enjoy ako, kami. Sa mga bagay na gusto ko, namin.
Siguro maliit na bagay lang ito para sa iba. Pero para sa akin... sa amin na kapos palad ay malaki na. Malaking bagay na ito sa amin tulad naming hindi nabiyayaan ng karangyaan na buhay. Ito pa lang ang kaya naming, eh. Kahit na may gusto kami, para sa amin, hindi ito dagling makukuha. At bago mo pa makuha, kailangan mo pang paghirapang makuha ang mga bagay na iyon.
"Parang tanga 'tong babaeng 'to, umiiyak ka ba?" natatawa niyang tanong. "Hayaan mo sa susunod, hindi ka na makakalibre sakin. Iyakin ka pala pag nililibre e."
Inirapan ko siya. "Gagu! Nakakapaluha lang kasi at naaamoy ko ang hininga mo! Amoy kutsilyo, nakakasugat!"
Tinawanan niya lang ang asar ko. "Kasi gutom na ako. Halika na nga, baka magbago pa isip ko at baka sa mamahaling restaurant o café pa kita dalhin, makabawi man lang ako sayo."
"Ano ka ba! Ang mahal-mahal ng kape sa mga restaurant! Mag Jollibee na nga lang tayo at mas sulit pa!"
"Pabebe, payag din naman pala."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro