PHASE 71
"Alam kong malaki talaga ang pagkakasala ko sa inyo... at kulang ang kapatawaran ko. Pero gusto ko pa rin hong sabihin na patawad... patawad sa mga naging pagkakamali ko sa buhay..." pagpapatuloy ko pa.
Agad na nag-init ang gilid ng mata ko sa paninimula ko.
Habang matapang na pinagmamasdan sila ay para bang naging duwag naman silang salubungin ang tingin sa akin. Si Tatay ay nakatungo, si Nanay ay nakaiwas ang tingin sa akin habang may nakikita ako pangingilid na luha sa namumula na niyang mata. Maging si Kuya Premi ay nakatulala na at tila seryoso at may malalim na iniisip kahit na alam kong siya ay nakikinig din, si Chichi naman ay malungkot na ngumunguya.
"Alam kong hindi ako perpektong tao. Marami akong naging pagkakamali... pero kasi, itong nasa tabi ko... siya lang. Siya lang nagbigay ng saya sakin nung mga panahong nangungulila ako sa inyo. Siya lang ang tanging taong tumanggap ng buo sa akin, isa sa umintindi, ang taong isa sa mga nakasaksi sa mga pinagdaanan ko, ang tanging nagmahal sa akin ng husto sa kabila ng pagkatao ko. Nagawa niya pa rin akong tanggapin..." tukoy ko kay Heimlich, mapait akong ngumiti sa kanila habang sinasabi ito.
Kita ko naman ang dagling pagbalatay sa kanilang mata na para bang may naramdaman silang sensitibo at masakit mula sa akin.
"Phryne..." marahang bulong ni Heimlich sa akin.
"Marami akong gustong sabihin sa inyo. Pero hindi niyo ako nabigyan ng pagkakataon noon... kasalanan ko, naduwag din naman ako kalaunan. Pero dahil nandito na rin naman ako, gusto ko lang sana mapakinggan niyo 'ko bago niyo ako... sakaling tabuyin muli. Gusto ko lang pong... magsalita na sa inyong lahat. Ayoko ng maglihim pa..."
Bumuntonghininga ako ng malalim at sinalubong ko sila isa-isa ng tingin at sa huli, bumagsak pa rin ang tingin ko kila Tatay at Nanay... ang dalawang taong pinaka importante sa buhay ko na nagawan ko ng kasalanan na habang-buhay ko na yatang pagsisisihan dahil nabigo ko sila.
Mahina at pilit akong natawa sa una. "H-Hindi ko po alam kung paano sisimulan pero... inaamin ko po na nagkaroon po ako ng hinanakit sa inyo simula ng umalis ako," mapait 'kong sambit, nang salubungin nila ang tingin ko ay sya namang iwas ko para mapigilan ko ang aking pag-iyak kapag tinitingnan sila.
Sila, na isa sa mga pinaka-kahinaan ko. Silang mga pamilya ko...
"Alam niyo, ho? Nagdesisyon akong hindi umuwi kahit na gusto kong umuwi kasi... iniisip ko ho kayo. Mas iniisip ko ang kalagayan niyo kaysa sa sarili ko. Hindi ko rin alam... k-kung bakit ganun na rin napasok ko... kasi Nay.. wala akong ibang maisip kundi kumita agad ng pera..."
Mapait na lumingon sa akin si Nanay at kalaunan ay parang nanghina ng pagmasdan niya ako. "Kailangan natin ng pera pero hindi sa ganyang paraan. Hindi ko rin sinabing gawin mo ang bagay na hindi dapat... Hindi ko rin sinabing gawin mo ang mga bagay na hindi mo kaya, Prina..." marahang sambit niya na inaakala kong bubulyawin niya pa ako.
Lasa ko ang pait sa sinabi niya. Gustuhin ko mang intindihin, pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nakaraan kung paano kami noon ay bumabalik pa rin talaga ang sakit sa akin. Mga sakit na pilit kong ininda at hindi pinakita sa kanila. At pakiramdam ko, sa puntong ito, hindi ko na yata makakayang kontrolin ang mga hinanakit na nararamdaman ko.
"Talaga ho ba, Nay? Nagtanong ba kayo sakin sa mga bagay na alin ang kaya at hindi ko kayang gawin? Sinubukan niyo man lang bang... alamin?"
"Prina..." si Nanay.
Saglit akong malalim na suminghap habang natutulala sa kawalan, dagling bumabalik sa akin ang nakaraan nung aking mga pinagdaanan. Yung buhay namin dito noon, hanggang sa lumipad sa malayong lugar at sa mga naranasaan ko noon doon nung ako'y nagsisimula pa lamang, kahit na... nag-iisa. Habang naiiwawaksi ko sa isipan ko ang dati, hindi ko na lang talaga maiwasang tawanan ang naging kawawang sarili.
"Baka nga... tama ho kayo. Akala ko hindi ko kaya pero nagawa ko. Pero kasi Nay... nung sinabi kong aalis ako hindi ko naman talaga kaya, eh... At kung nagtataka kayo kung paano ko pa rin nagawa. Ginawa ko ito dahil mahal ko kayo... m-mahal ko kayo." dahan-dahan na sambit ko.
Sinalubong ko muli sila ng tingin. Kita ko agad ang panunubig ng kanilang mata habang pinapakinggan nila ang sinasabi ko. Their eyes are full of emotions, marami, hindi ko maipaliwanag, pero isa lang mas nangingibabaw ang tingin sa akin—lungkot.
"Kasi kapakanan ko lagi iniisip niyo. At wag niyong itatanggi na binigay niyo sakin ang responsibilidad na ito dahil alam naman nating lahat na ako yung inaasahan niyo. Na wala kayong pakialam kahit na pati pangarap ko na magpatuloy sa pag-aaral ay nagawa kong bitawan. Kasi... palagi niyong iniisip ang kinabukasan ni Kuya pati si Chichi...." mapait at mahinang pagpagak ko pa ng tawa.
Agad akong tumungo nang lalong lumala ang panunubig ng mata ko sa pagluha, nagsisimula pa lamang ako pero labis na agad ang bigat ng nararamdaman ko.
It's like... the pain you've been carrying for so long was too much for me to bear.
At inaamin ko, bilang kapatid, kahit na pilit kong iniiwasan, hindi ko pa rin maiwasang mainggit. Totoo, inggit na inggit ako sa mga kapatid ko. Dahil pakiramdam ko, mas nabubuhos sa kanila ang atensyon ni Nanay. Pakiramdam ko isa lang akong sampid sa pamilya, at ni wala akong natandaan na minsan... nakaya akong unahin ni Nanay sa lahat ng bagay. Wala akong matandaan... walang nag-e-exist sa utak ko.
It seems like this is the most painful part of me... because the emptiness in my heart dominates me more.
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ngunit 'di ko na magawa. Sa puntong ito, alam kong hindi ko na magagawang kumalma dahil gusto ko lang maglabas ng saloobin ko sa kanila. Kahit ngayon lang... kahit wala na sa susunod kung yun ang gusto nila... kahit ngayon lang naman. Baka may pagkakataon pa rin na balang-araw, maunawaan na nila ako.
Kaya ngayong napagtutuunan nila ako ngayon ng pansin, gusto ko muli ito tanungin...
"P-Pero... paano naman ako, Nay? Sumagi man lang ba sa isip niyo na baka may kinabukasan rin ako? Na baka may gusto akong gawin sa buhay ko? Naiintindihan ko na walang-wala tayo... pero wala akong naramdaman. Na kayo... bilang Nanay, gusto niyong ilaban ang pangarap ko kahit papano. Na baka... kahit katiting lang... nagawa niyo akong ikumbinsi na ipagpatuloy ko ang kagustuhan ko... na hindi niyo hahayaang sumuko ako..." matagal kong gustong itanong sa kanya yan ngunit nauunahan ako ng takot... takot na baka balewalain. "Pero... parang wala, eh. Hinayaan niyo lang ako..."
Maraming pagkakataon na nabalewala nila ang nararamdaman ko, ang nakikita ko ay napagsasawalambahala na lang nila yon at hindi nila ako nagawa man lang kausapin ng husto.
"P-Prina, sinasabi mo bang hindi rin kita naiisip? Na wala kang magiging kinabukasan? Akala ko... maayos ka sa ibang bansa. H-Hindi ka naman kasi nagrereklamo... N-Naiisip rin kita, Prina." malat ang pagkakasabi ni Nanay, sa boses pa lang nito ay para bang maiiyak na rin ito pero tulad ko, pinipigilan namin ang isa't-isa ang pagluha.
With the bitterness of my appearance, I was still able to smile at them. Matagal ko ring gustong marinig ito mula sa kanya... pero bakit ganon...
"Talaga ho ba? Para ho kasing hindi eh... simula't sapul naman... kahit kailan hindi niyo ko tinanong kung maayos ba ang lagay ko. Hindi niyo inalam... ang mga bagay na gusto ko. P-Pakiramdam ko nga ho... hindi niyo ako kilala bilang anak dahil wala akong narinig sa inyo na alam niyo ang mga bagay na gusto at hindi ko gusto... Ni katiting wala akong narinig... wala rin akong natandaan na inalam niyo rin kung anong pangarap ko. Pakiramdam ko rin, wala akong nagagawang tama sa paningin ninyo kapag sinusumbatan niyo ako ng masasakit na salita dahil lamang sa kaunting pagkakamali... K-Kahit kailan... kahit kailan hindi niyo nakikita ang ilang tama na nagawa ko. K-Kasi ang nakikita kong palagi niyong tingin sakin?" saglit akong mapait na ngumiti upang tabunan ang pangungunot ng noo ko. "Bobo.... walang utak.... walang kwenta... "
Saglit akong napatigil at suminghap ng napakalalim. Kung pwede lang kusang tumigil muna ang pagtibok saglit ng puso ko, dahil sa tuwing titibok ito ay nararamdaman ko pa rin ang kirot.
It's feels like a trauma. Every time I close my eyes, I hear a lot of mocking voices, ang mga mata nila kung gaano kababa at dismaya ang madalas nilang itingin sa akin habang lumalaki ako. Ang madalas nilang pagkukumpara sa kaibahan ko sa mga kapatid ko. The words that gradually shrank in my heart ... I thought it was gone when I heard it from others. But the effect of hearing hurtful words from your loved one is really hit different.
Parang nung nanggaling na mismo sa kanila, nakumbinsi na lang ako, tumatak na lang sa isip ko, naniwala na lang ako, hanggang sa tinanggap ko na rin... na ganun ang tingin sa akin. Kasi ako, naging ganun na rin ang tingin ko sa sarili ko kalaunan hanggang sa lumaki ako.
"Prina, hindi totoo yan..." sabad ni Kuya Premi habang umiiling sa akin.
Mahina akong ngumiti at umiling din sa kanya. Sa pagbabara ng aking lalamunan ay nagawa ko pang tumawa. Para bang sa sobrang tagal ko na itong dinadala, parang naging madali na akin isalaysay, na parang nagkukwento na lang ako at iniisip na hindi ito tungkol sa aking gayong ako naman talaga...
"Hindi Kuya... Wag na tayo maglokohan dito. Alam niyo namang lahat na sa bibig na mismo ni Nanay yun nanggaling, eh." sandali kong nilingon si Nanay, kahit hindi siya nakatingin ay hindi nakatakas sa akin ang saglit na pagtulo ng luha niya na agad niya naman pinahid ito.
"Nay, naalala mo ba nung birthday ko noon? Hindi na ako umaasang ipaghanda niyo ako noon kasi wala tayong pera. Hindi niyo pa man ako nababati noon ay inutusan niyo ako magluto ng umagahan kahit na medyo masama ang pakiramdam ko. Hindi pa nga kayo naniniwala eh... k-kasi sabi niyo kaya ko naman at na nag-iinarte lang ako." unti-unti nang tumutulo ang luha ko pero nagawa ko pa rin matawa.
Siguro ang iisipin ng iba na ang babaw ko... pero pagdating sa akin ay naging malaking bagay ito. Naging malaking epekto. Dahil dito... nagsimula, ang pagbabago na namuo sa puso ko, at dala-dala ko pa rin. Hindi ko makalimutan.
"Inutusan mo pa rin ako magluto kasi sabi mo... sabi mo... gusto mo ipagluto ko sina Chichi at Kuya para may pambaon sila sa eskwela. Nag-aalala kayo na baka magutom sila. Tapos hanggang sa nakalimutan ko, hindi ko namalayang nasunog yung sinasaing ko dahil sa sakit ng katawan at ulo ko... Nagalit kayo sakin, sinaktan niyo ako... Grabe ang galit niyo sa akin noon. Binulyawan niyo pa agad ako ng masasakit na salita, at sinabi niyo pa sa akin na napakainutil ko at sana hindi na lang ako nabuhay nung pinanganak mo ako..."
"Prina..." nakikiusap na sambit ni Kuya.
I almost clenched my fist. Kaunti-unti na lang ay parang lalabas na ang impit ng iyak ko sa tindi ng emosyong nararamdaman ko. Sumasariwa pa rin ang lahat kapag inaalala ko.
"Halos patayin niyo ko, Nay... Birthday ko yun, Nay. Parang h-hiniling niyo na rin sakin nung birthday ko na sana nga hindi na lang ako nabuhay... para niyo kong sinumpa. H-Hindi ko alam... pakiramdam ko... parang nagsisisi talaga kayong ipinanganak niyo ako. P-Pero alam niyo po? Okay lang... nasanay na naman ako Nay, e. Kasi lagi ko na lang iniisip na baka kaya mainitin ang ulo mo pagdating sakin ay baka nasasaktuhan na may problema tayo sa kautangan, kaya ako lang lagi mong napagbubuntunan. " para na akong mababaliw, biglang iiyak, kalaunan ay nagagawa pang tumawa.
I close my eyes tightly, feeling the tightening of my chest. Sa kabila ng pamamanhid kong nararamdaman, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng kamay sa akin ni Heimlich mula sa ilalim ng mesa.
"Alam niyo? Madalas kong hilingin na sana magkaroon na lang rin ako ng malubhang sakit, nagbabakasali na... sana nagkaroon kayo ng pake sakin. Na maranasan kong maalagaan... Tapos naalala niyo rin ba yung sa tuwing papasok kami sa school, na kahit na ganun lang yung pera ko, ibinibigay mo ang lahat sa kanya... kay Kuya... hanggang sa wala ng matira sa akin. Ang sabi mo pa nga, kapag nagigipit tayo... madalas mong sabihin sakin na 'dibale na wag na lang akong pumasok. Dahil ang mas ipinag-aalala mo, wag lang mapaliban si Kuya at ang bunsong kapatid ko. Pero okay lang sakin, Nay. Okay lang kasi sino ba naman ako para pumasok na mahinang utak na tulad ko? Ano pa nga ba namang silbi para pumasok pa ako, 'diba? K-Kasi hindi niyo ho hahayaan na lumiban si Kuya kasi matalino siya... Kaya kahit na meron siya na wala ako..." saglit na pumiyok ang boses ko, halos ramdam ko na ang pagsakit ng lalamunan ko.
Napapikit ako at suminghap saglit ng malalim dahil sa pag-iiba ng boses ko.
"...b-buhos... buhos na buhos niyo sa kanya ang p-pagmamahal... at lahat ng bagay ay ibinibigay niyo sa kanya kahit na hindi niya hinihingi. At ako? Kahit na gustuhin ko mang humingi, ayoko. Dahil ayoko makarinig ulit ng sumbat niyo."
Sa kabila ng nanlalabo kong tingin, nasilayan ko pa rin ang unti-unti nilang pagluha, tahimik at nakikinig sa akin. Matagal ko ng hiniling na may makinig sa akin... o pakinggan ako ng lahat... makinig siya... si Nanay... pero ang sakit talaga dahil ibang-iba sa sitwasyon ngayon. Nakikinig sila sakin ngayon sa mga saloobin kong matagal kong inilihim noon.
Ibang-iba sa inaasahan ko noon... na sana nakikinig siya nung mga panahong iyon... nung mga normal na araw... hindi kung kailan lang ngayon... na dumating sa puntong napuno at naipon na lang lahat ng ito sa puso ko. Samu't-sari naghalo ang mga nararamdaman ko.
"Kahit na madalas na sabihan niyo akong walang kwenta, hindi ko maitigil ang pagpa-pageant ko kahit na ayaw niyo... Hindi naman ako sumasali dun Nay para magpaganda, eh... Sumasali ako kasi gusto kong manalo. Gusto kong makuha ang price para may maitulong ako rito sa bahay... Na baka sakaling maisip niyo na itong anak niyong walang utak ay may kwenta rin... may silbi rin sa pamilya..." saglit ko pinunasan ang luha ko. "At pasensya na ho kung yun pa lang ang kaya kong patunayan sa inyo,"
"D-Diyos ko, Prina..." impit ni Nanay nang malakas siyang napasinghap.
Hindi ko naman inaasahan na maririnig ko ang dagling pagtangis ni Nanay na lalong nagpadurog sa puso ko. Ito na yata ang unang pagkakataon na marinig na umiyak siya... dahil sa akin. Matagal ko ring inisip at inasam 'to... na sana umiyak ang Nanay ko sakin, kasi baka dun ko lang malaman na may pakialam siya. Na mararamdaman ko ang pag-aalala niya. Na hindi niya lang ako magagawang ignorahin sa mga bagay na nagagawa ko. Pero dahil sa nangyayaring ito, mas nasasaktan ako. Ang sakit pala talaga... ang marinig ang Nanay mong umiiyak dahil sa kagagawan ng anak. Dahil sakin... pakiramdam ko may malaking pagkakamali na naman ako.
"Okay lang, Nay. Nauunawaan ko rin naman, nauunawaan ko kahit na gustung-gusto ko ring mag-aral ay napilitan akong tumigil. Okay lang kasi natutunan ko na ring tanggapin... Na hanggang dun na lang ako. Nauunawaan ko kahit na hindi niyo napapansin ang mga nagawa ko. Nauunawaan ko, Nay... Nauunawaan ko na kahit first time ko mapasama sa with honors, nakabawi ako sa grado ko at hindi niyo ako sinipot nung araw na iyon para sabitan ako, at na hindi kayo nakuntento, okay lang, Nay... nauuwaan ko. Kasi kahit kailan... kung paano niyo ako tingnan nung una pa lang, alam kong hindi na magbabago yun. Palaging kulang pa rin... nauunawaan ko, Nay..."
Kita ko ang pagpikit niya ng mariin, at pagpapagaan sa kanya ng loob ni Tatay na lumuluha ay nagawa pa rin niyang himasin ang likod ni Nanay.
"Na... sana naging kasing talino ako ni Kuya para hindi ako laging ikumpara ng iba."
Lumingon ako kay Kuya Premi at mahinang ngumiti sa kanya, habang siya ay malungkot, nasasaktan at, nagsusumamong umiiling sa akin.
"Pasensya ka na Kuya, ah? Ang totoo, nainggit din ako sayo. Kasi kahit na sabihin kong okay lang para pagaanin mo ang loob ko hindi ko mapigilan, ang sakit, eh. Ang sakit sakit pa rin... Maiinda ko naman kung manggaling pa yun sa ibang tao pero si Nanay... Hindi ko inaasahan... lagi kong iniisip na bakit kayo pa? Para niyo akong binabaon kahit na pinipilit kong umahon... kasama kayo... pero kahit ang bigat sa kalooban ko, nagpapasalamat pa rin ako sa inyo ni Tatay na binuo niyo pa rin ako. Hindi niyo hinayaan na kahit anong hina ng utak ko ay nagawa niyo pa rin ako pag-aralin mula pagkabata ko. Sapat na sakin yon, Nay... na kahit ngayong malaki na ako, at madalas makarinig ng masasakit na salita sa inyo ay palagi kong isinasantabi, iniisip ko na lang nung bata ako at kung paano niyo ako niluwal, kahit papaano ay nakaramdam pa rin ako ng pagmamahal kahit hindi ko maalala, nakita o maramdaman... naniniwala akong minahal niyo pa rin ako kahit papano..."
Pilit ko nilabanan nang marinig ko ang hagulhol ni Nanay sa akin. Pulang-pula na ang kanyang mukha habang nagsusumamo na siyang nakatitig sa akin.
"At ngayong nakauwi na ako, wala akong narinig sa inyo na kamusta. Na kahit papano namiss niyo rin ako. At kahit na nandun ako sa ibang bansa, ni hindi.. hindi niyo man lang ako matawagan kahit sa pinaka importanteng araw ng birthday ko. Nay...sorry, ah? Nay, sana maunawaan mo kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Maraming nangyari, kasi inakala ko na pagpunta ko ron, maganda na agad ang sasalubong sakin pero hindi... hindi talaga, Nay..." umiling-iling ako habang patuloy lang pagdaloy ng luha ko.
Para akong batang nagsusumbong na sa kanya sa mga nangyari sa buhay ko nung nasa Amerika ako.
"Hindi totoo yung mga ngiti ko na pinapadala kong litrato sa inyo... H-Hindi totoong masaya ako. H-Hindi rin totoong nakuha akong modelo run... N-Nay, baka nga tama ka talaga, kasi sobrang bobo at tanga ko para maniwala, kasi alam niyo? N-Naloko ako... Nagtiwala ako... Naloko ako at inakala kong maganda ang sasalubong sa akin sa ibang bansa... N-Nanakawan ako ng pera, gamit, at lahat ng importanteng bagay na dala-dala ko.... Akala ko may matatanggap akong maayos na trabaho pero hindi pala ganun kadali 'yon... hindi pala ganun kadali..."
Nagsimula na naman muling kumuwala ang impit na iyak ko. "Nagpalaboy-laboy ako, Nay... Hindi niyo alam Nay na palagi kong hinihiling na sana makauwi na lang ako. Na mas gugustuhin ko na lang na dito ako naghihirap kaysa sa Amerika. Kasi kahit na mahirap, alam kong hindi ako nag-iisa. Na kahit ang kinakain ko ron, inililimos ko pa... Walang matulugan... walang makain.... Ilang buwan akong naging palaboy... Kung anu-ano ang pinasok ko. At kahit na gusto kong umuwi at magsumbong sa naging kalagayan ko... pero nang malaman ko sa inyo ang kalagayan niyo rin sa Pilipinas, nagdesisyon na akong manatili at gawin ang bagay na yon..." pag-aamin ko.
I tried to harden my face, because I still had a lot to tell them... to tell her. Ngunit kahit anong kunot ko, I always get weak and end up crying. Halos manatiling pumikit na lang ako habang nagsasalita.
"Kasi yun na lang ang tanging paraan... na madaling makakuha ng malaking perang pagpadala sa inyo. Dun ko rin naisip ang magiging kinabukasan nating pamilya. Para makapagbayad na agad tayo kasi nababaon na tayo sa utang, 'diba? Ano lang naman ba yung lunukin ko na lang ang pride at dignidad ko? H-Hindi ko na inisip 'yon... sa sobrang pag-aalala ko. Tapos si Chichi naka confine pa nung umalis ako, kailangan niya pang operahan sa puso kasi sabi niyo may butas... kaya malaking halaga ang kakailanganin dahil sa gamot niya. Tapos nung nalaman ko rin na kailangan rin palang operahan si Tatay kasi nagkasakit siya sa kidney, nagdoble kayod ako... Kaya nanindigan ako sa desisyon ko. Tiniis ko... pinili ko... kahit mali! Tapos si Kuya... kailangan magbayad sa mga miscellaneous fee kasi malaking halaga ang bayad sa university na pinapasukan niya kahit na full scholar siya. Alam ko kasi na pangarap niya yun na maging abodago, eh. At salamat sa Diyos na nakatapos nga siya..."
Nakatungo na lang si Kuya Premi nang tingnan ko, kahit na hindi niya na ako magawang salubungin ng tingin, napipirat ang puso ko nang mapansin ang patuloy na pagtulo ng kanyang luha.
"Nay...g-gusto kong...gusto kong ibuhos ang mga kakailanganin niyo. Sinigurado kong hindi ako magkukulang sa inyo. Naisip ko rin na kapag nagpadala ako, hindi na kayo magta-trabaho ni Tatay... Hindi ka na maglalabada at hindi na rin mamasada si Tatay kasi may sakit siya at kailangan magpalakas at tuluyang gumaling. Umeedad na rin kayo kaya ayokong magtrabaho kayo ng mabibigat. Deserve niyo rin magpahinga sa ilang taon na paghihirap niyo samin para makakain lang tayo ng tatlong beses sa isang araw..."
"At habang tumatagal ang panahon, lalo ring dumadami ang demand niyo. Nauunawaan ko... Nauunawaan ko kung hindi pa rin ako makakauwi. Kasi maging ako, marami akong pangarap sa inyo. Si Chichi lumalaki at magha-high school na. Naisip ko rin na mag-ipon para ipadala kasi gusto ko... g-gusto kong rin magpatayo ng bahay dyan kasi gusto ko may tirahan tayo ng maayos... Para pagbalik ko, masaya tayo... buo na ulit tayong pamilya. Na wala na tayong ibang iisipin pa. Na para pagbalik ko... maging proud ka rin sakin, Tay, Nay... Kaya kahit na gustung-gusto kong umuwi kasi namimiss ko kayo..." napasapo ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. "...nalulungkot ako..." halos 'di ko na makilala ang boses ko sa pagtangis ko sa harapan nila.
Sabay-sabay lang ang pagbagsak ng luha ko. Tila gripo at hindi alam kung titigil pa.
"Wala akong ibang naging sandalan kasi pakiramdam ko nag-iisa lang ako ng mga panahon na 'yon... Lahat tiniis ko para makabangon ako, makabangon tayo... Nagpakamanhid ako sa ginagawa ko, pero kahit na nagpaka manhid ako at sinanay ko ang sarili ko, hindi ibig sabihin non ay ginusto ko... Nahihirapan rin ako... Napapagod din naman ako... nagsasawa sa isang bagay na hindi ko naman talaga ginusto dahil mas iniisip ko kayo..."
I almost covered my mouth to stifle my cries. Naging sunud-sunod na ang pag-iyak ko sa harapan nila, mas dumagdag pa ang bigat ng naramdaman ko nang magsimulang marinig ko rin ang anak kong umiiyak sa tabi, nakatingala sa akin habang pinipisil ang kamay ko at tumatawag sa'kin na 'Mama'.
Pakiramdam ko habang nagsasalita ako ng tuloy-tuloy, ay wala ng naging limitasyon sa akin. Sa puntong ito, wala na akong pakialam pa sa maaari pang masabi nila. Hindi ko kailangan ng simpatya, ang gusto ko lang naman ang pang-unawa nila... yun lang naman ang rason ng lahat ng ito habang nagsasalita ako. Pero kung sakaling... hindi pa rin nila ako magagawang unawain, hindi na kayang patawarin at hindi tatanggapin, mauunawaan ko pa rin... tatanggapin ko pa rin. Rerespetuhin ko pa rin ang desisyon nila kahit masakit. At least hindi ako magsisisi sa huli na sana pala nagsabi ako sa kanila.
Sinasabi ko rin ito dahil natanto kong pamilya ko sila...
Sinusubukan ko ng hindi maglihim at umaasang sana ay... maging okay na at magkapatawaran na kaming lahat. Yun lang naman. Napapagod na ako sa kakakimkim. Gusto ko na rin maranasan na wala na akong ibang maiisip na maaari ko pang ipag-aalala pa sa kanila.
"Kayo palagi kong iniisip at isinantabi ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Na tinanggap ko na wala na talaga akong mararating non. Tinanggap ko na hindi ko na makukuhang mag-aral kasi nagbago na ang pananaw ko. Dahil ang pangarap ko noon ay kayo.... Kung anong maging pangarap niyo ay pangarap ko na rin. Mabigay ko... guminhawa ang ating buhay..."
"Diyos ko! P-Patawarin mo ako anak... hindi ko alam na ganito na ang dinadala mo." agad na bulalas ni Nanay.
Umiling ako at huminga ng malalim. "Hindi, Nay... wag niyong isipin na sinusumbutan ko kayo. Gusto ko lang naman malaman niyo ang mga p-pinagdaanan ko... ang matagal nang nilalaman ng puso ko... gusto kong maranasan na may mapagsumbungan... makapagsabi sa inyo... k-kasi po... ang bigat, Nay..." saglit ko kinapa ang dibdib ko habang masakit na tumitingin sa kanya. "Gusto ko lang naman maging malinaw sa inyo na hindi ako nagpapakasarap sa Amerika. Na wala na akong pakialam sa inyo. H-Hindi po... hindi po totoo 'yun... hindi, Nay. May paki ako sa inyo kaya nagawa ko ang bagay na 'yon. Patawarin niyo ako kasi nabigo ko po kayo... Patawarin niyo po ako sa naging desisyon ko. Patawarin niyo ako kasi nagsinungaling ako..."
Nanghihinang sinakop ng palad ko ang mukha ko. Maya-maya sa kalagitnaan ng aking pag-iyak, sa pagmulat ko ay naramdaman ko na lang na tumayo si Nanay at sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap.
"A-Anak... Diyos ko, anak... h-hindi... patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa mga pinaramdam ko sayo... Kasi kaya ako naging ganun sayo dahil nakikita ko ang sarili ko sayo. Natakot ako. Sobra... sobrang natakot lang naman ako na matulad ka sakin. Mahina. Ayokong maulit yung mga naging pagkakamali ko sayo. Ayokong dumating sa puntong magpadalos-dalos ka bigla sa desisyon at magsisi sa huli. Pero nagkamali ako... Mali pala ako, anak... Marami akong naging pagkukulang... Hindi katulad ng pinagdaanan ko ang mga pinagdaanan mo... Mas malala pa pala... P-Patawarin mo ako. Patawarin mo rin ako anak..." naluluhang ako'y kanyang niyakap at lalong namalisbis ang luha ko muli.
Ito ang unang beses na nagawa niya akong yakapin. Sa kabila ng gulat at sakit ng aking naramdaman, unti-unti nang napawi iyon sa isang mainit na yakap lang. Yakap mula sa aking ina na matagal ko inasam na gawin niya ito sakin...
Sa tindi ng emosyon na bumabalatay sa bawat himaymay ng katawan ko, kahit na nangingnig na ang aking labi at sa namamaos na boses ay pinilit ko pa rin magsalita.
"N-Nay, nauunawaan ko. Nauunawaan ko, Nay... Patawarin niyo po talaga ako. Patawarin niyo akong lahat at hinayaan ko ang sarili kong maging ganung babae... Patawad, Nay... Mauunawaan ko kung ikinahihiya niyo ako bilang anak." humigpit ang yakap ko kay Nanay.
Ramdam ko ang patuloy na haplos niya sa likod ko at ang init na likidong nararamdaman ko mula sa batok ko.
Saglit kami nagkuwala ng yakap at nagsalubong ang aming tingin. Tulad ko ay puno rin ng luha ang mga mata ni Nanay habang patuloy na nadidinig ang impit na kinukuwala niyang iyak sa akin.
"Sorry, anak... pasensya na dahil hindi kita nagawang unawain bilang Nanay mo. Pasensya na sa dami kong pagkukulang. Pero gusto kong malaman mo anak... na proud na proud ako sayo. Kasi ang tapang mo at nagawa mong malampasan lahat ng nag-iisa. Hindi rin totoo na hiniling ko na sana hindi kita binuhay..." napasapo ito sa bibig habang lumalakas ang hikbi ni Nanay at umiiling sa akin. " D-Diyos ko! N-Nagkamali ako... at nasaktan rin ako sa sinabi kong iyon sayo, dahil ang totoo ay masaya ako... masaya ako anak. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagkaroon ako ng isang anak na katulad mo..." sinakop ng mainit na palad niya ang mukha ko na parang isang bata habang nakapikit na ako.
"N-Nay..."
"Kayo rin... mga anak ko. Mali man naging desisyon namin dahil nabuntis ako ng maaga at hindi kayo nabigyan ng marangyang buhay pero ang pagkakamaling ito ang pinaka nagustuhan ko, hinding-hindi ko pagsisisihan. Hindi kami nagsisisi ng Tatay niyo. Hindi kayo dadating sa mundong ito kung hindi dahil don. At kahit pabalikin ang mga oras na wala pa kayo sa mundo, at kahit mabuhay muli kami sa pangalawang pagkakataon, kayo pa rin ang mas gugustuhin kong mga anak ko... Proud na proud ako sa inyong lahat. Sobra kaming thankful ng Tatay niyo kasi kayo ang naging anak namin..." umiiyak na patuloy na litanya ni Nanay.
Mula sa mapait niyang itsura, nanghihina na nginitian ako ni Nanay nang lingunan niya muli ako. Puno ng mga emosyon, at paghingi ng tawad.
"P-Prina... patawarin mo ako. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal rin kita anak. Tanggap kita, kami ng Tatay mo, kahit na ano ka pa. Alam kong marami akong pagkukulang sayo, na dapat kami pala ang pamilya mo na mas unang uunawa sayo. I'm sorry anak dahil nabulag ako sa galit... hindi kita nagawang pakinggan agad. Nauunawaan ko na... naiintindihan na kita... Sana makabawi pa ako..."
"Nay, Prina, sorry din. Dahil ako ang panganay at dapat na sumalo sa responsibilidad pero wala akong nagawa. Hinayaan ko si Prina pasanin lahat. Wala... wala akong silbi. Naduwag ko. Hindi ko ginamit ang talino ko para dumiskarte. Patawarin mo ako, Prina..." sabad ni Kuya Premi, napatingin kami sa kanya, mula sa matigas niyang mukha ay nakakunot ang kanyang noo at namumula na rin ang kanyang mata mula rin sa pagluha.
"H-Hind, Kuya... Nauunawaan ko. Wag mong isipin ang bagay na 'yan dahil sobrang proud ako sayo kasi natupad na ang mga pangarap mo. Sapat na sakin na tuluyan ka ng naging abogado katulad ng ipinangako mo sa akin. Masaya ako para sayo, Kuya Premi..." nanghihinang ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Tama, anak... Proud kami sayo. Patawarin mo rin ako anak dahil naparamdam ko sayo na wala kang silbi. Hindi totoo 'yan at hindi ko 'yan naisip... Proud na proud si Nanay sayo. Proud kami ng Tatay sa inyo mga anak ko. At sobrang nagpapasalamat kami dahil sa pagsusumikap niyo sa lahat ng oras na ito..."
I guess, returning to my family's house, I couldn't believe that my family welcomed me, us, with open arms after all. This is probably my achingly happiest day. It was as if I had nothing more to ask for in my life.
Now, the Lord has given me so many blessings. My request was simple, but I did not expect Him to fulfill it twice.
There is nothing better than the feeling that my family and I have finally understood and forgave each other... especially my beloved mother.
I feel my heart floating with the sheer lightness and joy I feel.
I have longed for it. Now it is finally... given. Thank to Him.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro