PHASE 70
Ito na yata ang pinaka awkward na naging salu-salo ng aking pamilya.
Hindi ko alam kung ako lang ba... pero iba ang pakiramdam ko. Matapos makapag dasal, ay wala kami masyadong imikan, sasagot lang kapag may naitanong, madalas ang dumadaldal ay si Tatay, si Kuya Premi, si Chichi, paminsan ay ang pambe-baby talk nila kay Heinrich sa tabi ko at madalas na pagbalik niya kay Heimlich sa kabilang tabi ko. Sa bawat kubyertos na nadidinig ko, ang mahabang katahimikan, pakiramdam ko bawat minuto ay napipirat ang puso ko para hindi ako makahinga at hindi makakain ng maayos dahil sa katahimikang bumabalot sa amin. At dahil nga alam nilang nandito na ako, para bang nanibago sila kaya kahit magsalita ay palaging maagap ang kanilang sambit pagdating sa akin. Ganun din ako...
Ako, tanging nakatutok lang sa kinakain. Hindi makakain ng maayos.
Si Heimlich, nasa tabi ko, tahimik na nakamasid, pasimple lang rin kumakain. Mukhang nahahawa rin siya kaya hindi agad siya nakakapagsalita. Bilib din talaga ako sa kanya at nakakaya niyang hindi magsalita kahit na wala pang pumapansin sa kanya. Kasi kung ako lang ang nasa katayuan niya, baka kanina pa ako sumabog.
Habang abala naman sa kwento si Kuya Premi tungkol sa trabaho niya, naging interesante rin naman ang Tatay ko dahil puro iba-ibang kaso ang napagkukwentuhan nila, dahilan kung bakit napupunta ang atensyon niya kay Kuya Premi kaysa sa amin. Nagkaroon naman ako saglit ng pagkakataon na makapag-isip sa oras na mabigay na naman ang atensyon nila sakin. Dahil alam kong mamaya, ako na naman ang magiging bida sa pamamahay na ito.
Saglit kong nilingon ang aking katabi. He's wearing a black polo shirt na lalong humapit sa matikas niyang katawan.
"Heimlich..." saglit na bulong ko sa kanya.
Binalingan niya ako. Seryoso at tumaas ang kilay niya sa akin. He mouthed a word 'bakit?'
"You okay?" halos walang boses na sambit ko.
Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ko ang kanyang semi-formal na suot. He's wearing a black polo shirt and a pair of pants. Simple, mas matikas ang dating, lalo na't sobrang linis niyang tingnan, nanunuot sa amoy ko ang panlalaking bango niya, kahit na... medyo pansinin ang ilang mga tattoo na nakaultaw sa kanyang balat. At ang kanyang medyo mahabang buhok ay nakatali, ang ilang hibla nga lang ay nakatakas sa noo nito. Hindi rin nakatakas sa akin ang gintong relong pambisig na kumikislap sa mata ko. Gwapo pa rin. Gusto ko siyang halikan.
Tumikhim siya saglit at bumulong din sa akin. "Yea... but I'm a little nervous." maliit siyang ngumiti sakin. "You?"
Sasagot ako nang bilang magsalita si Tatay. "Mabuti naman anak, sa tinagal-tagal ay naisipan mo ring makapunta rito."
Isa-isa ko silang tiningnan at tipid na nginitian. Napalunok ako ng malalim nang sila ay nakatingin na lahat sa akin, naghihintay sa maaaring itugon ko.
"H-Hindi na naman po 'ko masyadong busy ngayong linggo..." kibit-balikat kong sagot.
Sa kagustuhan na maging maganda ang daloy ay pinipilit kong magsalita kahit na medyo alangan pa. Masyado sila abala sa presensya ng aking anak kaya napagsawalambahala ko na lang ang nasa paligid ko, lalo na't... sobrang tahimik pa ng katabi ko, si Heimlich. At kahit na alam ko namang tipid silang magsalita at pare-parehas kaming nangangapa, napapadalas silang napapagawi ang tingin sa akin. Alam kong sa mga mata pa lang nila... marami na silang gustong sambitin. At sa kalagitnaan ng daloy na usapan ay bigla muli akong inuntag ni Tatay dahilan para lalo akong kabahan ng husto.
"Maiba tayo, sino nga pala ang magandang lalaking ito?" untag pa muli nila Tatay, habang nakangiti. Lahat sila ay nakabaling ngayon kay Heimlich at sa akin.
Siguro ito na ang tamang oras. Saglit ko ibinaba ng dahan-dahan ang kubyertos ko, halos maubos ko naman ang isang basong tubig na nilaklak ko at dahan-dahan pa ring ibinaba ito. Tahimik at malalim akong bumuntonghininga ng malalim.
Dinig ko pa ang saglit na tikhim ni Heimlich ngunit siya ay aking inunahan.
"Pasensya na ho kayo kung ako'y natagalan. Sa totoo lang ho... nagdesisyon na ho akong humarap sa inyo para ipakilala..." suminghap ako ng malalim sa abot tahip na kabang nararamdaman ko. Tumama ang mata ko kay Heimlich na seryoso ring nakatitig sa akin, tipid ko siyang saglit nginitian at humarap muli sa pamilya. "...ipakilala ang ama ng anak ko,"
Agad ko narinig ang agaran nilang reaksyon, natigilan sa pangangain. Unti-unti nawala ang ngiti ng ama ko at napalitan iyon ng pagkunot. Inaasahan ko naman na ganito kaya hindi na ako nagulat pa. Makikitaan ang mga gulat at laglag ang mga pangang nakatingin sila sa amin. Habang si Kuya Premi naman ay parang wala lang, nakamasid dahil nauna na naman siyang nalaman ito. Nagawa pa niyang magsalin ng juice sa kanyang baso habang umiinom ito.
"A-Ano?" si Tatay na ang tumugon, mukhang gulat pa rin dahil nautal ito. "Ibig sabihin ay... siya ang lalaking nakabuntis sayo?" patuloy na litanya niya.
Napabuntonghininga ako ng malalim at matapang na tumango sa kanila.
"Heto ang bumuntis sayo?" naniniguro pa niyang tanong. Mukhang hindi pa rin makapaniwala.
"O-Oho, Tay..." mahinang sambit ko.
Parang hindi maganda ang kutob ko lalo na sa mga nagiging reaksyon na nakikita ko. Tiningnan ko ng paumanhin si Heimlich ngunit tipid lamang ito ngumiti at nag-bow saglit kay Nanay at Tatay. Pansin ko rin ang pagpasada ng mga mata nila sa kabuuan ng kasama ko.
"Good morning Ma'am, Sir.." pormal na bati ni Heimlich sa magulang ko.
"Anong pangalan mo?"
"Heimlich Sanjrani po..." ani Heimlich, kita ko ang paglipat ng mata ni Tatay kay Heimlich at sa anak ko. Paulit-ulit na tila ba ineeksamina at may kinukumpirma.
Ewan ko na lang kung hindi pa sila makumbinsi na si Heimlich ang ama ng anak ko, dahil sa kulay pa lang ng mata, ay kuhang-kuha na niya.
"Kulay berde ang iyong mata, halatang may lahi, parehas na parehas rin sa apo ko." tumikhim saglit si Tatay.
"Because I am the Father of your grandson, Sir." diretsong sagot ni Heimlich na para bang hindi kinakabahan ito.
Nagtagal ang tingin ni Tatay Kay Heimlich, habang si Nanay naman ay panay sulyap lang sa amin, hindi nakikisabat. At hindi ko rin alam kung bakit. Naninibago din ako dahil ang mas inaasahan ko ay ang bayolente niyang magiging reaksyon o ang galit niyang ipinupukol niya lagi sa akin sa tuwing haharapin ako. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit nanatiling tahimik si Nanay.
"Ikaw pala iyon? Hindi mo nasaksihan ang pagbubuntis ng anak ko. Halos mamatay kami kakaisip kung sino ang ama ng dinadala niya, ilang taon din bago ka pa naparito. Tapos ngayon mo lang naisipang bumalik?"
"I..."
Hindi pa man nakakasagot si Heimlich.
"Gusto ko lang makasiguro kung ano na ang status niyo ng anak ko?" pahabol pa na tanong ni Tatay.
Seriously?
"I'm her boyfriend,"
"Boyfriend? Tss. That crazy bastard," sabad ni Kuya habang umiirap ito sa gilid, samang-sama na rin ang tingin kay Heimlich.
Sa kalagitnaan ng seryoso naming usapan ay nadinig ko ang pagpigil ng tawa ni Kuya Premi at sa mga bulong niya, na para bang may nakakatawang nadinig ito at nagawa pa niyang mang-insulto. Natitigilang napainom na lang ako ng tubig sa naging sagot ni Heimlich. I mean, wala namang mali pero bakit... bakit gusto kong matawa rin? Natatawa sa pagiging diretso niya.
Sa pagpipigil din ay napakunot ako at binigyan ko ng tingin si Kuya Premi na huwag siyang magulo habang nginingiwian lang niya ako.
Napakunot si Tatay.
Si Heimlich ay napapakamot sa kanyang batok. Hindi alam kung ano ang tamang sabihin. Kita ko ang saglit na pagpula sa kanyang tainga at para bang ito ang unang pagkakataon na nakita kong nahihiya siya sa harapan ng pamilya ko. Gustuhin ko mang sumabat para siya ay tulungan ngunit maging ako ay parang nalilito rin.
"I mean," tumikhim saglit si Heimlich. "I'm her lover..." aniya'y saglit akong sinulyapan ni Heimlich kasabay ng pagkagat ko sa ibabang-labi ko.
Naputol nga lang ang kilig nang mamataan ko ang Kuya Premi ko na uungot-ungot pa sa tabi ko.
"Alam mo ba ang pinagdaanan ng anak ko nung wala ka?"
Napatungo siya, agad ko naman siya hinawakan sa kamay muli sa ilalim ng mesa, ramdam ko ang pamamanas non na ngayon ko lang napansin. "Alam ko po, Sir. Nung umuwi siya sa inyo, minsan ay nag-uusap kaming dalawa--"
Kusang nabitawan ni Tatay ang kubyertos na hawak nito. "Ano!? Nag-uusap? Nagkaka-usap kayo ng anak ko? Kailan pa?" nalilito pang tanong ni Tatay. Napalingon siya sa akin. "Hindi ko maintindihan. Pero isa lang masasabi ko, nagdusa ang anak ko nung wala ka. " aniyay na parang nanunumbat.
Gusto kong pakalmahin si Tatay ngunit hindi ko siya masisisi na maging ganyan ang reaksyon niya. Basta... kung anuman ang sabihin nila kay Heimlich... nandito lang ako sa tabi niya. Papanindigan at poprotektahan ko siya, katulad ng ginagawa niya sa'kin noon.
"A-Alam ko po Sir, at humihingi po ako ng pasensya sa inyo. Don't worry, I have a lot of plans for them."
"Tulad ng?" tumaas ang kilay ni Tatay.
"I will propose to her,"
Halos mahulog naman ako sa inuupan dahil sa malinaw na pagkakarinig ko mula sa kanya. Nagparte ang labi ko paglingon sa kanya. Anong sinasabi niya? Hindi pa namin napag-uusapan ng maayos ito! Seryoso siya? Pakakasalan niya ako?
"Sigurado ka bang sigurado na sayo ang anak ko?" mapangutya pang tanong ni Tatay. Para bang iniinsulto pa niya si Heimlich kahit na kalmado lang itong katabi ko. "At sigurado ka rin ba sa anak ko?"
Dinig ko bumuntonghininga siya saglit. "Sigurado po ako sa kanya. I know your daughter won't be able to turn me down, Sir. May anak na rin naman po kami at—"
"Gaano ka nakasisigurado? Sa tingin mo ba'y tatanggapin ka kaagad matapos mong mawala ng mahabang panahon? Nag-aaral pa din ang anak ko—"
"Tay, hindi ko siya tatangihan. Naiintindihan ko siya. Mahal niya rin ako, Tay..." ako na sumabat at natatakot din ako kung saan pa mapunta ang usapan.
Saglit ako nilingon ni Tatay, at sa pangalawang pagkakataon ay para bang naging dismayado pa ang tingin niya sa akin. Hindi niya siguro inaakala na kahit nauunawaan ko naman siya ay papanig pa rin ako kay Heimlich at hindi sa kanya. Palibhasa, ako lamang ang nakakaalam at nakakaintindi sa naging kalagayan ni Heimlich. Naiintindihan ko naman si Tatay pero kung walang sasalo at sasang-ayon ako kay Tatay, maaaring mapasama pa lalo si Heimich kaya gumagawa ako ng paraan para lalo kaming magkaunawaan. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagsabi ng lubos sa kanila. Marami akong inilihim at hindi ako naging bukal sa kanila dahil pangunguna ng aking takot at pag-aalinlangan.
Saglit ko nilingon si Heimlich, his lips formed to grim line, lumulubog din ang dimples nito na para bang pinipiglan niya ang pagkubli ng kanyang ngiti sa nadinig niya sa akin.
Sinusubukan ko lang siya saluhin, pero patay talaga sakin mamaya dahil nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya!
"Kung mahal ka niya gaya ng sinasabi mo, bakit wala siya noong naghihirap at nagbubuntis ka?" ako naman ngayon ang seryosong tinanong ni Tatay.
Saglit akong napapikit. Kinagat ko ng mariin ang aking labi at napabuntonghininga ako ng malalim para kalmahin ang naghaharumentado kong puso. "Masyadong komplikado kami noon sa isa't-isa, Tay..." tanging nasabi ko.
"Anak..." mahihimigan na parang hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot ko.
Tipid ko siyang nginitian. "Tay, matatanda na kami. Hindi na kami magpapabebe pa. Parehas namin gusto ang isa't-isa at kung hindi lang rin naman siya ang aking mapapangasawa, mas gusto ko na lang maging single na ina. Siya lang rin... ang tanging hinintay ko, namin ng anak ko sa mahabang panahon, siya lang nakayanan kong ipakilala ng lubos at iharap sa inyo, dahil... siya lang ang gusto kong maging asawa..."
Umiwas ng tingin sa akin si Tatay pagkasabi ko nito.
"Makakaya mo bang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang anak at apo ko?" dito na sumabat si Nanay, seryoso na rin siyang natutok ang tingin kay Heimlich.
Matapos ang saglit na katahimikan ay 'di ko inaasahan na makakaya niyang tugunan ng maayos ang naging tanong ni Nanay sa kanya.
"Ma'am, Sir... if that's what you're worried about, yes. And I'm ready to wait when your daughter is ready. Hindi naman po ibig sabihin na may anak na kami ng anak niyo ay papakasalan ko na agad siya..." he paused for a while. "maghihintay po ako. Maybe we just need to take it slow... according to what you all want. Para na rin po sa ikakapanatag ninyong lahat. Kapag handa na kayo, hindi lang sa kanya, pati na rin po sa pagbibigay ng permiso niyo habang pinapatunayan ko ang sarili ko... makapaghingi ng tawad sa inyo at sa mga naging pagkukulang ko sa kanya at lalo na sa anak ko..." nilingon ko si Heimlich at natantong nakatingin na siya sa akin.
At habang naririnig ko ang mga sinasabi niya ay para bang may mainit na humaplos sa puso ko. Kumikislot na naman ang bawat tibok ng puso ko.
"I will wait her... habang nagsisikap. Aalagaan ko siya at ang anak namin. Sisiguraduhin ko rin pong matutupad muna niya ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral bago ko siya pakasalan dahil... yun din ang gusto ko para sa kanya. I will make sure that she will have a good path in life with me. I will support her in her wishes and make her happy. Just... just let me marry your daughter, Sir. I promise, I'll make her happy for the rest of her life. I'll give her a happy ever after." pagpapatuloy pa ni Heimlich.
Habang tinititigan ko siyang sinasabi ito, lalo lang dumadami ang rason kung bakit lalo akong nauulol at napupuno ang aking pagmamahal sa kanya.
"Baka naman hiwalayan mo ang anak ko kalaunan-"
"Hindi mangyayari yan, Tay," "Hindi po," halos magkasabay pa kami ni Heimlich.
Bumuntonghininga siya sa amin habang naiiling at tila sumusuko na.
"We won't split up till we die." dugtong pa ni Heimlich.
Napaamang na lang ako. May mga oras talaga na ang sarap pakinggan mga sinasabi ni Heimlich, pero may mga oras din talaga gusto ko siyang pigilan sa maaari niya pang sabihin.
"Tay, Nay," ani ko nang sila na ang nakabaling na sa akin sa pagsabat ko. "We're just here to get you blessings. But whether you give it or not, kung hindi pa rin talaga kayo kumbinsido o kung wala kayong balak na tanggapin, gusto ko lang ipagpaalala pa rin sa inyo na magpapakasal pa rin kami. Kung tutol talaga kayo, pasensya na ho, hindi niyo ako mapipigilan o mababago ang isip ko, siya lang rin talaga ang gustong pakasalan ko."
"P-Phryne..." si Heimlich na para bang gustong pigilan ako sa maaaring sabihin ko.
Hindi ko siya pinansin, at pinanatag ko ang aking loob para lang mailabas ang gusto kong sabihin dahil baka ikasisi ko pa sa huli kapag hindi ako magiging bukal sa kanilang harapan ngayon. Maraming panahon rin ko ito inisip at pinaghandaan para lang magkalakas ng loob. Pero hinihiling ko na sana maging maayos na at matanggap na rin nila.
"We're just doing this out of respect. Gustuhin ko mang naroon kayo at maihahatid niyo ako sa altar, pero alam kong hindi ko kayo maaaring pilitin. Matatanggap ko pa rin kung sakaling talikuran niyo na naman ako m-muli..." malalim akong napalunok nang seryoso nila akong pinagmamasdan habang nakikinig sa sinasabi ko. "hindi naging matigas ang ulo ko noon, palagi kong sinusunod ang kagustuhan niyo... hinayaan ko rin noon na magdesisyon kayo minsan sa buhay ko at tanggapin ang magiging kapalaran ko... pero sana naman ho..." suminghap ako ng malalim saglit sa pagbabadya ng emosyon. "sana naman po... ako naman. Kahit ngayon lang, ibigay niyo na sakin 'to, Nay, Tay. Hayaan niyo na ako makapili ng taong gusto kong mahalin at pakasalan... nagmamakaawa na lang ako sa inyo... kahit ito na lang, makaya niyong tanggapin mula sa akin."
Nadinig ko ang bulong muli ni Heimlich sa aking tabi, ngunit hindi ko na pinansin iyon. Desidido na talaga ako. Ipaglalaban ko ito.
"Mahal mo ba talaga siya anak?" tanging nasambit ni Tatay.
Naramdaman ko ang pasimpleng pagpulupot ng marahan ni Heimlich sa baywang ko ng marinig niya ang pagkarag ng boses ko sa huli.
"M-Mahal na mahal ko, Tay..." sigurado at malinaw na sambit ko.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro