PHASE 7
"Phryne Gretha Malitaitai po."
"I already know. How should I call you?" putol niya sa paninimula ko.
"Uhm... Phryne na lang po." nahihiya kong tugon.
Dahan-dahan siyang tumango habang pasulyap-sulyap sa akin. Animo'y parang natatakot sa oras na magbitaw ang pamumukaw ng kanyang tingin. "Hmm...nice name. But..." lumingon ito sa akin. "I like to call you Gretha." sabay ngiti nito.
Nagparte naman ang aking labi sa nadinig.
"Pwede 'ba?" tanong niya pa.
Napakamot naman ako sa aking batok. Sa totoo lang, hindi ako sanay na second name ang tumatawag sa akin. Masyadong... hays. Pero para sa nagre-request na Mayor, sige na lang.
"Ahm, p-pwede naman po...hehe." nahihiya kong tugon.
"Good." narinig ko ang kaniyang buntong-hininga. "So Gretha, tell me more about yourself. Ilang taon ka na?" mahihimigan na interesante nitong tanong sa akin.
Agad akong naalarma at huminga muna ng malalim. "Eighteen years old na po ako, at... uh... tatlo po kaming magkakapatid at ako po yung pangalawa, dalawa kaming babae at panganay naman po ang lalaki. Nag-aaral pa lang po ako ng senior-high, Hotel and Restaurant Services po ang strand ko pero gusto ko pong mag HRM or tourism pag tuntong ko ng kolehiyo."
"Oh, you have two options, huh? Undecided?" aniya'y natatawang tumango ito habang nagsasalin muli ng wine sa kaniyang kopita, natitigilan na maging sa baso ko ay sinasalinan na niya rin.
"A-Ah Mayor, hindi po ako umiinom ng alak—"
Umangat bigla ang labi nito sa pagngiti ng siya ay bumaling sa akin.
"Well, that's good! But tourism? It's suits you very well, hindi rin halata sa edad mo dahil matangkad ka at sexy ang katawan mo,"
Nahihiya naman akong napatungo. Hindi alam ang aking iaasta sa kanina pang pagpapaulan ng papuring naririnig ko kay Mayor. "H-Hindi naman po, Mayor," sabay tawa ko upang matabunan ang awkward na nararamdaman.
"I'm serious. You are sexy, Gretha..."
Halos marinig ko naman ang bahagyang paglunok sa aking sariling laway sa pagbabara ng aking lalamunan. Para akong nakalunok ng buto dahil sa hindi ko alam ang aking sasabihin.
Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman kong matagal ako tinititigan ni Mayor na mukhang lasing na yata dahil nakahalumbaba na ito sa mesa habang medyo namumungay na ang kaniyang mata.
"May pagka bolero ho pala kayo, M-Mayor! Hehe." sabay tawa ko ulit.
Kahit na maraming ng nakapagsasabi ng ganan sa akin ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mahiya lalo na't iba ang epekto kapag si Mayor na ang nagsalita. Hindi ko alam... lalo kasi akong nahihiya.
Kanina pa kami nagkukwentuhan ni Mayor, at kahit na hindi naman ako madalas magtanong tungkol sa kanya, ay siya palagi ang maraming tanong sa akin kaya naman hindi ganoon katagal napuputol ang aming usap. Hindi rin naman siya boring kausap at palatawa ito. At dahil ako naman ay masunurin, sinasagot ko lang naman ang kanyang mga simpleng katanungan. Napapansin kong mukhang interesanteng alamin ang buhay ko ni Mayor.
Waring naiisip ko ay baka kaya siya nagtatanong ay para alam niya kung ano ang maaaring maitulong niya sa akin? Baka nga siguro ganon talaga. Alamin ang sitwasyon ko at baka maaaring matulungan niya ako.
Kanina pa kaming ganito. Busog na rin ako dahil sa pinahanda niyang masarap na pagkain sa mga katulong kanina.
Pakiramdam ko ang swerte ko sa araw na ito, para akong mayaman na pinagsisilbihan gayong mahirap lang naman talaga ako bilang bisita rito. Mukhang hindi ko yata makakalimutan ang araw na ito habang-buhay. Bukod sa masarap ang pagkain na nakain ko, inaasahan ko na may isa talaga akong hinihintay na pag-asa na magpapabago at magbibigay ng maayos sa buhay ko.
"Para sa'kin, madali kang makakapasok. Sa tindig mo pa lang ay pasado ka na. Confident at mukhang matalino," compliment pa ni Mayor.
Muntik naman ako mabulunan sa sarili laway sa pagpuri niyang matalino. Wow... Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala. Parang hindi lang talaga kayang tanggapin ng sistema ko na 'matalino' raw ako.
"So, saan ka naman magkokolehiyo kung ganon?"
Napakibit balikat naman ako sa tanong niya. "Hindi ko pa po ala. Nga lang po, hindi ko po rin alam kung magagawa kong kunin yung kursong gusto ko."
"Bakit naman?" napakunot siya sa akin.
"Nakakahiya man pong sabihin ay mahal ang magiging 'pang matrikula ko. Tricycle driver lang po ang Tatay ko, ang Nanay ko naman ay naglalabada kaya hindi po ganun kasapat ang kinikita nila para suportahan kaming magkakapatid. Kaya naman magmula nung bata ako, sumasali na po talaga akong pageant para makatulong, ngunit alam kong hindi pa rin magiging sapat iyon kapag nagkolehiyo na talaga ako. Mas tataas ang aming pangangailangan lalo na't makakasabay kong magkolehiyo ang Kuya ko. Ang inaasahan ko lang po talaga ay scholarship balang araw dahil yun na lang po ang pag-asa ko. At uh... ayoko ko na po kasing umasa sa mga magulang ko. Gusto ko pong ako na mismo ang gumawa ng paraan. Hindi po kami mayaman kaya ganun na lang po ako kung mag-asam na sana—"
"Scholarship ba kamo? What a coincidence! Kayang-kaya kitang bigyan niyan, Gretha. Don't worry, ako na lang ang bahala sa scholarship mo, wag mo na iyon alalahanin." madaling sagot nito.
Napaamang naman ako at agad na nabuhayan ang loob sa gulat na nadinig. Parang lahat ng santo gusto kong pasalamatan sa isip ko.
Grabe naman 'to, Lord! Ang bilis!
"T-Talaga po, Mayor!?" hindi makapaniwalang usal ko.
Sumimsim siya ng wine habang nakatingin sa akin saka ito tumango at ngumisi.
"Yes! Nakalimutan mo yatang Mayor ako? Hindi mo yata nababalitaan na I'm offering scholarships to a few people with potential at alam kong nangangailangan rin. Do you really want a scholarship, Gretha?" nakangiting tanong niya.
Nauutal man ay, "O-Opo!" walang pag-alinlangan kong tugon at sunud-sunod na tango.
"Okay, then. Dalhin mo lang sa sekretarya ko ang mga requirements na kailangan mo. Ako na ang bahala sayo. Kahit anong kurso at kahit saan mo gusto mag-enroll, ako ang bahala." madali niyang desisyon.
Natutop lalo ang bibig ko at napasinghap. "N-Naku... Mayor! Maraming salamat po!" sabay inom ko sa aking baso para kalmahin ang sarili sa tindi ng tuwang nararamdaman.
Parang kanina lang ay umaasam ako, bakit parang ang bilis naman yata, Lord!? Salamat naman! Napakalakas ko talaga sa inyo!
"Hindi mo kailangan pang mag working student once na makapasok ka dahil sagot ko na. No need to pull yourself, Gretha. Hindi nababagay sayo ang magtrabaho ng husto. Sa itsura mong yan... may mas babagay sayong trabaho." sabay ngiti pa muli nito.
"Nako... salamat ho talaga, Mayor."
"Happy?" biglang tanong nito habang pinaglalaruan ang kaniyang kopita sa kaniyang kamay.
Nangingising nakatingin sa akin.
Muntik na ako mapairit sa tuwa pero buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko, muntik ko ng makalimutan na nasa harapan ko pala si Mayor at naririto sa bahay niya. Nakakahiya kung aasta akong nababaliw sa tuwa.
Bukod sa semi-formal na long-sleeve na puti ang suot nito, halata sa itsura na ito na may kaedaran na dahil sa puting umuultaw sa gilid ng kaniyang malagong buhok, malaki ang pangangatawan at namumungay ang kanyang namumulang mata. Dala na rin siguro sa kaantukan o kalasingan dahil panay simsim nito sa kaniyang kopita habang nagtatanong sa akin kasabay ng pagdadaldal ko.
Nakakahiya man kay Mayor na kahit mukhang pagod ay nagawa niya pa rin akong i-entertain. Hindi masungit. Kaya laking pasalamat ko na ganito kabilis na didingginin ni Lord ang aking panalangin.
"Opo, sobra!" agad na tango ko bilang sagot. "Malaking tulong po talaga ito para sa akin lalo na sa pamilya ko! Wag po kayo mag-alala, hindi ko sasayangin ang oportunidad na ibinigay niyo sa'kin, sisikapin kong mag-aral ng mabuti hanggang sa makapagtapos! Salamat... maraming salamat po talaga!" sa tuwa ko'y hindi ko maiwasang maramdaman ang pag-iinit sa gilid ng aking mata.
Ang unang pumasok sa isip ko sa mga oras na ito ay ang magiging kinabukasan ko.
Tumango siya sa akin habang ngumingiti. Agad naman ako natigilan na natanto kong sa sobrang saya na nararamdaman ko, ay hindi ko namalayang hawak-hawak ko na pala ang isang palad ni Mayor na ngayo'y nararamdaman kong pinipisil na niya.
"Wag ka mag-alala, hindi lang scholarship ang maibibigay ko sayo basta magsabi ka lang, Gretha. Makakaasa ka..." anito sa mababang boses.
Medyo napanis ang aking ngiti. Pasimple naman ako nagbitaw sa kaniya ng maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko bago niya tuluyang binitawan habang hinihigit ko. Agad akong napatikhim at pinilit siyang nginitian.
"Ay...p-pasensya na po, Mayor." nahihiya kong sambit habang hindi maalis sa akin ang nakangiting mukha ni Mayor.
Tumayo ako saglit para magpaalam.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Uh... restroom lang po ako. Saan po pala ang rest... room niyo rito, Mayor?" ani ko habang lumilinga ako sa lawak ng loob ng bahay niya.
"Nasa second floor." sagot niya ng ikinabaling ko sa kaniya.
Abala siya sa pag-inom kaya hindi niya napansin ang pagkakakunot ng reaksyon ko.
"Ang layo naman po pala," mapaklang tawa ko. "Saan po sa second floor?" nahihiyang tanong ko, dahil hindi naman ako magtatanong sa kaniya kung may nakikita akong mga katulong rito ngunit wala.
Parang kami lang dalawa rito sa part ng malaking dining area.
"Sa kaliwa, kapag nakita mo ang malaking pinto, doon ka pumasok." paliwanang niya.
Wala sa sarili akong tumango sa kaniya bago ako nagmartsang umalis papunta sa itaas. Nagdadalawang-isip man ay sinunod ko na lamang ang kanyang payo at baka abutan pa ako. Ngayon lamang ako naka-encounter na sa second floor lang ang may rest room.
Wala ba sa baba?
Nasaan na ba ang mga katulong niya para hindi ako maligaw?
Wala ba talaga sa ibaba? Pero kung lilibutin ko pa ang ibaba ay baka pumutok na ang pantog ko kakapigil mula kanina pa dahil naiihi na ako. Malawak na nga rito sa baba, ano pa kaya pag nasa taas na ako? Kaya naman sinunod ko na lang ang payo ni Mayor na sa itaas na lamang at tutal siya naman ang may-ari ng pamamahay na 'to kaya nagtiwala na lang ako.
Habang tumataas ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hilo sa di malaman ang dahilan. Muntik na akong matumba dahil sa nararamdamang kaunting kirot sa aking sentido ngunit mabuti na lamang ay mahigpit ang kapit ko sa railings habang humahakbang paakyat at baka tuluyang mahulog ako.
Hindi naman naging mahirap para sakin na mahagilap ang malaking pinto na tinutukoy ni Mayor. Agad kong pinihit ang seradura at bumulaga sa akin ang malaking kama at magagandang bagay at disenyo sa loob ng kwarto.
"Ang ganda naman... ang laki ng kama!" namamangha kong tingnan habang naglalakad ako patungo pa sa isa pang pinto na nakita ko.
Sabihin ng OA, ngunit ngayon lamang talaga ako nakakita ng ganitong kalaking kama. Mahirap lang kasi kami kaya namamangha lang ako. Tsaka... medyo malamig dito dahil siguro sa bukas na aircon.
Nagpatuloy lang ako palapit, malawak ang silid ngunit dahil kahit elegante ang dating at malawak ay hindi naman naging mahirap para sa akin na mahulaan kung saan ang parteng restroom dahil ihing-ihi na talaga ako. At dahil nga tama ang hula ko nang mabuksan ko na ito, agad na akong pumasok at umihi.
Hindi ko maiwasang maglabas ng pinipigilan ko mula kanina pa.
Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nangingiti. Lumalaro sa isipan ko ang scholarship na ibibigay sa akin ni Mayor. At kahit hindi pa man ako nagkokolehiyo ay marami na agad ang nasa isip kong plano. Sa sobrang dami ay parang nananagip na ako ng gising at malayong nararating.
Inayos ko naman ang sarili ko kahit na medyo namumula ang pisngi ko, dala siguro sa init ng panahon lalo pa at medyo nakakaramdam ako ng kaunting init mula sa aking lalamunan.
"Ang bait talaga ni Mayor!" hindi ko maiwasang iusal sa sarili.
Gusto ko pa sanang i-text sila Ate Barbs na magandang balita ngunit ayoko na magtagal rito sa silid at nakakahiya naman kay Mayor kung ipaghihintay ko pa siya ng matagal sa ibaba. At isa pa, wala na rin akong load kaya hindi ko matatawagan mga kaibigan ko! Mamaya na lamang siguro, sabik lang talaga ako ibida ang pangyayaring ito!
"M-Mayor!? K-Kanina pa po kayo dyan?" nauutal at gulat na tanong ko ng pagbukas ko ng pinto ng restroom para lumabas ay agad na bumungad sa akin si Mayor na nakasandal sa hamba ng pintuan.
"Hindi. Katataas ko lang..." sabay ngisi nito habang tuluyang pumapasok.
Napansin kong hawak niya ang seradura ng pinto kasabay ng unti-unti niyang pagsara.
Hindi ko naman maiwasang mapalunok. "P-Pasensya na po... Nainip ho ba kayo? A-Ah, ayos na po 'ko. Pwede na po tayong b-bumaba," anyaya ko sabay lakad palapit sa kaniya.
Dahan-dahan siyang humarap habang umiiling.
"Ah.. may kukunin ho ba kayo? Nakakahiya at sa silid niyo pala ho ako naki banyo, hehe. Sige ho, mauna na po ako sa b-baba,"
"Uwing-uwi ka na ba?" tanong niya sa akin habang siya ay nakaharang na sa pinto at nakasandal upang hindi ako makalabas.
Hindi ko alam kung sinasadya niya pero sana mali itong naiisip at dagling nararamdaman ko.
"Mamaya ka na umuwi..." sabi niya pa sa banayad na nakakakilabot na boses.
Ramdam ko naman agad ang pagtayo ng aking balahibo sa braso. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa lamig ng aircon nila.
"U-Uhm..." napaiwas naman ako ng tingin ng makita kong ang mata niya ay gumagala sa akin, pinapasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.
Kanina ko pa siya napapansing ganito. Ayoko naman agad mang-akusa pero wag naman sana...
"H-Hindi pa naman po ako uuwi, Mayor. Tsaka, mas maganda po kung sa ibaba na lang po tayo makapag-usap. H-Hindi niyo naman po kailangan pang umakyat r-rito uh... at mag lock ng pinto dito sa... kwarto," sabay kamot ko sa aking ulo at iwas ng tingin dahil hindi ko na maatim na tingnan siya ng diretso.
Nauutal pa ako. Sa kaba.
Narinig ko ang kaniyang mahinang halakhak na nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot.
"Bakit? Mas maganda naman dito, ah? Mas kumportable..." sabay sulyap niya sa banda ng kama, sabay baling sa akin at malagkit na ngumiti. "mas masarap makipag-usap sayo kapag nasa kama, Gretha..." anito kasabay lalo ng panininindig ng balahibo ko sa aking batok at braso habang unti-unti kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba.
Nagtataka man kung bakit nagkakaganito si Mayor ay hindi ko rin maiwasang makapag isip ng masama.
"B-Bakit po? Ano pa po bang pag-uusapan pa natin, Mayor bukod sa... scholarship ko po?" paulit-ulit akong napapalunok upang matabunan ang kaba pero lalo yatang lumalala.
"Marami... Hindi lang scholarship na pwede kong maibigay sayo. Anything, Gretha. Anything..." sabay ngisi niya.
"T-Talaga po?" kuryoso kong tanong.
Natigilan ako saglit ng natanto kong medyo hindi na ako kumportable. Parang taliwas ang nararamdaman ko, parang hindi yata ayos sa akin 'yon dahil parang iba ang dating sa akin base sa kaniyang pagkakabanggit tungkol sa offer niya. Parang may ibang ipinaparating.
Tumango siya sa akin. "Oo. Ipinapangako ko sayo na pwede kitang sagutin sa lahat ng kakailanganin mo. Madali akong mapangakuan. Basta ba... meron din ako."
"Ano... A-Ano pong meron? Na kayo?" nalilito kong tanong pero kahit na may idea na ako sa iniisip ko ay pinipilit ko pa ring imposible.
Napaka imposible. Hindi naman siguro ganun si Mayor. Iba ang pagkakakilala ko sa kaniya. At mula kanina, nung makita ko siya ay kailanman ay hindi ko siya pinagdudahan ng masama. Pero...
Pero maganda sanang pakinggan ang offer, pero bakit parang pakiramdam ko talagang may mali? Hindi ko alam na sa mga oras na ito ay parang hindi ko na kayang matuwa ng husto. Nangunguna ang aking takot at kaba na baka itong iniisip ko ay totoo.
Pinipilit kong isipin na wala itong kakaiba, Mayor naman siya at maraming nagsasabing mabait ito at maraming natutulungan na mga taong nangangailangan. Pamilyadong tao rin, may asawa at anak na. Pero dahil sa kabaliktaran na nakikita ko ngayon ay parang tama yata ang aking prediksyon!
"My god... You're so stunning, Gretha..." papuri niya na ikinaparte ng labi ko.
Ang kaniyang mga mata ay wala ng tuon sa aking mukha kundi sa aking katawan na. Tingin na may halong pagnanasa. Parang gusto kong pagsisihan na kahit anong ganda ng suot ko ay parang ngayon lang ako nakaramdam ng hiya at gustong magbalot ng buo. Natatakot na baka ako'y mahawakan, natatakot na ako'y mabastos.
Sa bawat hagod ng kaniyang tingin ay hindi ko maiwasang pangilabutan at masuka-suka sa kaloob-looban.
Isa lang ang nasa isip ko. Gusto ko ng lumabas at umalis rito.
Pero bago 'yon ay pilit kong kinalma muna ang aking sarili bago ako unti-unting nagsalita muli.
"U-Uuwi na po ako, Mayor—"
Gagalaw sana ako upang patabigin para buksan ang pinto ngunit nahuli ako ng galaw, mabilis ang pangyayari nang maramdaman kong sinunggaban niya ako ng yakap kasabay ng paghawak niya ng mahigpit sa aking pulso.
"M-Mayor!" sa gulat ko ay napasigaw ako kasabay ng bahagyang pagtulak sa kaniya. "A-Ano pong... ano hong ginagawa niyo!?"
Napabuntong-hininga ito ng malalim. At kahit pakiramdam ko'y nakakunot na ang aking noo dahil hindi na ako natutuwa sa kaniyang inaasta ay kabaligtaran naman ang kaniyang reaksyon na iginagawad sa akin. Ako na puno ng gulat at takot, siya naman ay puno ng saya at pagnanasa base sa nakikita kong bumabalatay sa kaniyang mapulang mata at buong mukha.
Napapikit ito ng mariin. Nakakakabang ito ay nagmulat at mapungay na tingin ang iginagawad sa akin habang siya ay humahakbang papalapit kasabay ng pag-atras ko upang 'di niya ako magawang malapitan.
Halos yapusin ko ang sarili. Takot na dumaiti muli ang balat niya sa akin.
"Do you know what? I was looking at you all night, Gretha. I can't help it... You're so stunning... so sexy. So... very, very, very... sexy..." bulong niya at agad na lumapit habang mahigpit na ang hawak nito sa aking baywang at ako naman ay lumalayo.
Ngunit kahit anong tulak ay talagang malakas siya.
"M-Mayor! M-Mukhang lasing na ho kayo. Ang mabuti ho ay u-uuwi na p-po ako, M-Mayor..." wala sa sariling nanginginig kong tugon.
Umiling ito sa akin. "I guess, alam mo na ang gusto kong kapalit, Gretha. Naiinip na ako! Playing innocent, eh? Oh, come on! No more scholarships kapag hindi ka pumayag!" halos hindi ko na makilala ang boses ni Mayor sa taas ng boses na umalingawngaw sa loob ng kaniyang silid. "Come on, let me show you a good time..."
Lalo akong nangingilabot sa takot. Gusto kong sumigaw pero tila parang nagbara ang lalamunan ko hanggang sa manakit ito. Ang gusto ko na lang ay tuluyang makawala at tumakbo.
"H-Huwag na lang po siguro, Mayor—Ah!"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng pilit niya akong tinulak sa kama dahilan ng pagtumba pahiga at siya ay napaimbabaw na sa akin!
"M-Mayor wag po! Nakikiusap ako sa inyo... w-wag po! Pakiusap!" histerikal na sigaw ko ng siya ay lumalapit, natatakot na anytime ay malapatan ng kung ano sa aking balat.
Nanatili lang siyang nakaibabaw sa akin habang ako ay kaniyang tinititigan ng malagkit.
Putangina...putangina talaga! Putanginang...manyak na Mayor!
"Relax ka lang, hindi pa nga ako nagsisimula... umuungol ka na agad." sabay na nakakalokong tawa nito. "Lalo akong nalilibugan sayo, eh... ano kayang lasa mo, Gretha?"
Inakala ko na siya ay propesyunal at malinis ang pakay pero... iba naman pala yata ang pakay niya sa akin!
"M-Mayor, kung anuman po ang pakay niyo sa akin... n-nakikiusap ho ako. N-Nakikiusap po ako na pakawalan niyo po ako! P-Pakiusap po... wag niyong gawin sa a-akin 'to!" pinipilit kong bumangon ngunit talagang mabigat siya, lalo pa at panay tulak nito sa akin para ako'y mapahiga ulit sa malaki niyang kama.
"M-Mayor—" gusto kong umiyak sa inis ngunit pinigilan ko.
Dahil kung ipapakita kong natatakot ako sa kaniya, mas lalo lang siyang hindi mag-aakalang hindi ko siya kaya. Mas gugustuhin ko na lang siguro ang masalitaan ng masakit at hindi mabigyan ng scholarship, kaysa naman maranasan ang kababuyang gagawin niya!
"Ano ako tanga!? Pakakawalan lang kita kapag nakuha ko ang gusto ko sayo!"
"Mayor, pakiusap ho—" sinasabi ko ito dahil umaasa ako na baka bumalik siya sa kaniyang huwisyo.
"Isipin mong mabuti, Gretha. Papayag akong ibigay ko sayo ang lahat ng kakailanganin mo bukod sa scholarship mo pero, ang gusto ko ay mapagbigyan mo rin ako. Sa dami ng babaeng dumaan sa akin, tanging... ikaw lang ang pinaka nagustuhan ko. Inosente...sariwa at sexy... at mukhang masarap tikman dahil mukhang virgin ka pa. Yan ang gusto ko! Matagal ko na ring inaasam na ganito..." pabulong niyang sinabi habang mahigpit akong umiiling. "Matagal na rin akong libog na libog sayo simula nung makita kita—"
"Putangina mo!" singhal ko sa kaniya na may panggagalaiti, hindi na nakapagtimping murahin siya.
Amoy imburnal pa ang hininga niya!
Napapalunok ako. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili dahil nagpadalos-dalos ako.
Bakit nabulag-bulagan ako sa mga kataka-takang nangyayari mula kanina pa!?
"Isa. Isa lang Gretha. Patikim—ah!"
©piedraijada
Bago pa niya matuloy ang kaniyang nakakadiring sabihin at lumapat ang kaniyang labi para ako'y kaniyang halikan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob ng sampalin siya ng malakas sa mukha at sipain siya gamit ang aking tuhod sa kaniyang pribadong ari, na agad namang ikinahiga at ngiwi niya sa sakit.
"Aray ko! Ang bayag ko!" daing nito dahilan ng mapalayo at masama na ang tingin sa akin. "Aba't... tangina mong babae ka!" ngiwi niya habang bumabaluktot sa kama sa sakit ng nararamdaman sa kaniyang kinabukasan.
Agad akong nahihingal na tumayo ng magkaroon ako ng pagkakataon na makawala sa bisig niya habang abala siya sa pagsapo sa sarili niyang burat. Masama at nanlilisik na tumingin ito sa akin.
"Bumalik ka rito tangina ka—aray!" bago pa niya ako lapitan muli ay tinadyan ko ang kaniyang panga dahilan na maglupagi siya sa kama.
"Manyak kang animal ka!" singhal ko pang muli.
Nawalan na ako ng respeto sa kaniyang pagtatangkang ginawa sa akin. Hindi ko na magawang mag hunus dili. Gusto ko siyang tirisin sa galit ko.
"Bakit mo—" sa pangalawang pagkakataon ay takong ng sandals ko ang ginamit ko sa pagpukpok muli sa kaniyang ari. "A-Aray! Aray! Putangina mo ang sakit!" paulit-ulit at halos hindi ko mabilang ang pagpukpok ko ng takong doon.
Binuhos ko ang kaba, takot, inis at galit na nararamdaman ko sa pagpukpok sa kaniyang kinabukasan. Parang nandilim ang aking paningin na kulang na lang ay gusto ko siyang patayin gamit ng takong ko.
Napapahingal na ako'y lumunok bago magsalita. "Pasensya na Mayor pero hindi ako tulad ng iniisip niyo! Hindi ako nagpapagamit para lang sa sariling interes! Salamat na lang pero hindi ko na tatanggapin ang scholarship na ibibigay niyo sa kahit anong maling paraan! Hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko para rito!" asik ko sabay takbo ko pababa mula sa kaniyang silid.
Natigilan pa ako ng makita ko yung babaeng naghatid sa akin kanina papasok, gulat at nakahawak sa sariling dibdib.
"A-Ah hija---"
Wala na akong oras na magpaalam pa ng maayos at agad ko siyang nilagpasan at tumakbo palabas ng kanilang mansyon. At sa bawat takbo ko, takot ang nararamdaman ko. Ang tanging naisip ko na lang ay tuluyang makaalis at makalimot. Hinihiling na sana bangungot na lang ang lahat ng nangyari sa araw na ito.
"Hija, gusto mong chicken?" salubong sakin ng gwardiang nagpapasok sa akin kanina, nakatayo ito sa tapat ng gate.
Punyeta!
Kung kanina na lang sana niyang inalok sa akin, edi sana ako'y natutuwa. Nakangiti ito at wala pang kagat ang kaniyang chicken na hawak. Lalong umusbong ang inis ko! Kung kailan busog ako ay saka pa naman!
"Gusto mong tumikim—"
Agad kong hinablot ang chicken at nagpatuloy sa pagtatakbo at hindi na hinintay ang kaniyang sasabihin.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro