Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 69


"Paano mo pala kami natunton dito ng hindi ka nagsasabi sa'kin nang umuwi ka?" takang tanong ko sa kanya.

Pinipilit kong kumalma dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nararamdaman ako na ang presensya ng kaisa-isang taong tinitibok ng pempem-este ng puso ko.

Kumibot saglit ang labi niyang nang makalingon sa akin. "Alam kong galit ka dahil ilang araw mo akong hindi kinausap. Kaya... sa kaibigan mo na lang ako nagtanong."

"Ha?" ani ko tila hindi ko nadinig ng maayos dahil abala ang mata ko sa bawat galaw niya.

"Mari's told me." he said.

Napatango na lang ako. Sabagay, sa dalas ba naman namin nag-uusap ni Mari ay wala rin akong inilihim sa kanya kahit na magkalayo na kami. Si Mari lang talaga madalas na kausap ko bukod pa sa Kuya Premi ko sa nangyayari sa buhay ko. Siya lang talaga kasi madalas mangamusta. Napanguso ako sa isiping, may nalalaman siguro si Mari, na alam niyang uuwi si Heimlich at hindi sinasabi sakin!

Malabo naman kasi talaga hindi niya malaman dahil alam kong madalas pa rin siyang buntutin ni Martino! Natatawa na lang ako sa pabebeng babaeng 'yon kapag naaalala ko kung paano siya magreklamo dahil kinukulit daw siya ni Martino! Hinahayaan ko na lang nga eh, kahit naman i-deny pa niya, halatang-halata naman siya na gusto niya yung kalbong 'yon.

"Pero sa totoo lang, kahit naman hindi ka galit at hindi nagparamdam sa akin, hindi pa rin naman kita tatanungin,"

Napakunot ako. "Aba't—"

"I will find and find a way to get here without you knowing. Surprise nga, 'diba?" tumaas ang kilay niya at ngumisi sa akin.

Sa kalagitnaan ng aking inis sa sinabi niya, sa isang banda ay hindi ko maiwasang makilig kahit papaano sa sinabi niya. Inirapan ko sya para matabunan ang pagkubli ng aking ngiti.

"Parang tanga..." anas ko sa kanya.

He just gave me a boyishly smile. Lalong bumakat ang dimpled chin nito na lalong ikinalakas ng gwapo niya sa paningin ko.

Pero 'di bale na... ang mahalaga, nasa harap ko na siya... anytime pwede ko na siyang mahawakan... mayakap... mahalikan... Ang taong matagal na pinangungulilaan ko, pinaglulumbayan ko... at kinasasabikan ko ay nandito na ngayon sa harapan ko... kasama na namin ng anak ko.

"Natakot ako na baka hindi ka na talaga bumalik..." aminado kong sambit sa kanya.

Totoo. Na kahit nagalit ako sa kanya, mas nangibabaw sa akin ang takot. Hindi ko maiwasang maisip din... na paano kung hindi talaga biro yung sinabi niya? Paano kung hinayaan niya talaga kami? Paano kung lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama? Paano kung napunta lang sa wala ang paghihintay ko? Paano kung mag-isa na lang talaga ako magpapalaki sa anak ko? Paano kung napagod nga siya... nagsawa nga talaga... at tuluyan niya na kaming kinalimutan... nawalan ng pagmamahal sa akin... sa amin.

Parang... ang isiping iyon hindi ko na kakayanin.

Sa dami ng aming pinagdaanan, pakiramdam ko mababaliw siguro ako sa sakit... bukod don ay baka nga mapagod na lang ako. Mapagod na lang akong magmahal. Sa tindi ng pagmamahal ko na naramdaman ko mula sa kanya, sa unang subok, unang sugal sa unang lalaki... lahat binigay ko sa kanya, wala akong naitira, ni hindi ko rin lubos maisip kung meron pa ba akong mamahalin na iba.

Dahil kahit na anong gawin at isipin ko, tanging imahe lang niya ang nakikita ko minu-minuto, segu-segundo, oras-oras, magdamag, dalawang araw, tatlong-araw, buong-araw, bukas... hanggang kinabukasan. Tanging siya lang talaga nakikita ko, wala ng iba.

"I was too afraid that I might not be able to come back to you either... but here I am, back to you again. Wala ng balak pang umalis." sigurado niyang sambit, patunay ang malaki niyang ngiti para mapanatag at maniwala ako sa sinabi niya.

"Are you sure?" ungot ko pa sa kanya.

"Sure na sure. Kahit na utusan mo pa akong ikadena ang sarili ko para lang maniwala ka na lagi na akong nasa tabi mo."

Natawa ako sa biro niya. Akala ko magiging malamig lalo ang buwan ng Disyembre ko! Mabuti ay aabot pa talaga siya ng pasko.

"Now that I'm here... we have many things to talk about. Marami din akong gustong itanong sayo." he leered.

Tumango ako sa kanya.

Kita ko naman ang paggala ng mata niya sa kabuuan ng kwarto ko.

"So... this is your room?" he smirked a little bit.

"Yea... uh... hindi man kasing lawak tulad ng kwarto mo sa palasyo mo. Pero sapat naman at kumportable kami ng anak mo."

Pinagmasdan niya lang ako ng ilang saglit, ngumiti, at tumango sa akin. Maya-maya ay tumagilid ang ulo niya at naningkit saglit ang mata.

"You're studying?" kuryoso niyang tanong nang makita niya ang study table ko, nakakalat ang mga papel, libro, notebooks at nakabukas na laptop.

"Y-Yea..." hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng hiya. Syempre, hindi naman basta-basta lang na lalaki yan sa harapan ko. Mataas na nga siyang tao, mayaman, alam ko rin mataas ang kanyang pinag-aralan!

Bumuntonghininga siya ng malalim. "Good for you. I see... it's like you want to fulfill your dreams after all."

"Naisip ko rin naman. Sayang kasi, eh..." sagot ko.

He bit his lower lip. "I just found out, it's not yet too late, just keep doing that, Phryne." aniya at ngumiti sakin. "I can't quite imagine that while you are studying, you're still able to take care of our child at the same time. Nahirapan ka ba ng husto nung... wala ako?"

Kinagat ko saglit ang aking labi at dahan-dahang napatango.

I heavily sighed. "Mahirap syempre. Pero nasanay na ako... t'saka, ano ka ba? Bumibisita rin naman dito ang isa pang kapatid ko para alagaan ang anak ko kapag nasa school ako at nasa trabaho ang Kuya ko. Hindi ko hinahayaan na walang magbabantay ng maayos sa anak natin. Alagang-alaga namin siya ng pamilya ko dito..." panatag ko sa kanya.

"I realized, we really have a lot more to talk about..."

Natawa ako ng kaunti. "Marami pa namang araw! For now, you should rest. Alam kong pagod ka..."

Wala pang ilang saglit ay nakalabas ng sya sa banyo ng kwarto namin ng anak ko.

Mabuti na lamang ay may kagandahang loob pa rin ang aking Kuya Premi na pumayag siya sa kagustuhan kong manatili muna rito sa Heimlich. Dahil nga sa bigla niyang pagsulpot dito, inakala niya siguro na solo lang kami ng anak ko. Ang hindi niya alam, ay condo ito ng kapatid ko. Susubukan niya sana na magcheck-in na lang sa hotel kaso alam kong mas mapapagod pa siya kapag ginawa pa niya iyon. Mas hindi rin naman ako papayag pa kung bubukod pa siya ngayon sa pagtulog lalo na't unang dating niya, no!

Namamangha na lang talaga ako sa nangyari kanina kung paanong maluwag siyang tanggapin at pinirisinta ni Kuya Premi na dito na muna siya patuluyin hangga't hindi pa kami nakakabukod. Inakala ko talaga ay pagmamalupitan pa siya at tututol ang kapatid ko pero;

"Wag na pare. Hindi ka na naman namin others. Takot ko na lang na baka maluka ang kapatid ko kapag humiwalay ka pa ulit sa kanya."

Napairap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako sa sarkastikong boses niya habang nakatingin sakin dahil sa seryoso ang mukha nito.

Hindi ko siya maiwasang pagmasdan siya habang inaayos ko ang isang bagaheng dala niya papunta rito. He was dressed in a large black bathrobe, his black hair disheveled, and he looked fantastic. His tanned chest and some hair are hidden between the hems of his bathrobe. Abala lang siya sa pagpupunas sa basa at medyo tumutulo ang matubig nitong katawan at heto ako... kulang na lang ay lapitan ko siya at higupin ko ang tubig na tumutulo mula sa kaniyang matikas na dibdib, halos pinipigilan ko ang mapahinga sa pagpipigil sa sarili na itapon ang sarili sa mga bisig niya, panay lunok pa ako ng laway sa panunuyot ng aking lalamunan habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.

Goddammit! Wag mo sabihin Prina, kadarating lang niya ay tinamaan ka kaagad na kalibugan!? Pero... matagal rin ako nabakante... pero... god! Namiss ko talaga siya, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko para naman hindi halatang-halata na ulol na naman ang pagkamiss ko sa lalaking 'to.

At sa pag-angat ko ng tingin ay napako ang paningin ko sa gilid ng kanyang labi.

"What are these bruises?" tanong ko kanya dahil nakita ko paga ang gilid ng kanyang labi, mukhang bago at galing pa sa pagkakadugo.

Anong nangyari sa kanya?

"What?"

Lumapit ako sa kanya saglit. "Let me..." hinawakan ko ang baba niya para ieksamin ang mukha niya kung gaano kalala ang sugat niya, ngunit maliit lamang naman iyon, pero patuloy pa rin nagdurugo. Nakatitig lang siya sakin habang ginagawa ito.

"It's nothing," sagot niya agad at iniwas ang mukha sa akin.

I frowned. "Anong nothing? May sumuntok ba sayo?"

"Yea-"

"Hindi ba't siga ka? Bakit mo hinayaan ang sarili mong suntukin ka? Sino ang sumuntok sayo? Sino?" sunud-sunod na tanong ko.

Nagparte ang labi niya at umiling agad sa akin. "No. I uh... I just fell on the ground,"

"Ha?" lalo akong napakunot. "Sa laki mong 'yan?" parang ayaw ko maniwala sa sinasabi niya.

"Ganun talaga... accident happens-"

"Tsk! Gamutin natin 'yan. Ang laki mong tao, may pagkalampa ka rin pala."

Hindi ko naman naiwasang mag-alala kung ano ang naging buhay niya habang nasa bilanguan siya.

"Bakit ka ba kasi nagkasugat? Hindi ka nag-iingat,"

Natulala siya saglit at umiling habang natatawa, parang may naalala.

"Reward," tanging nasambit niya habang nangingiti sa akin. Abnoy.

Lalo akong napakunot. Bago ako matapos maligo mula kanina ay sumunod siya, hindi ko siya maiwasang pagmasdan siyang muli, habang nakaupo na ako sa may study table ay hindi na niya nilubayan ulit ang anak namin, nasa kama siya, patuloy na binabantayan ang natutulog naming anak.

Ang laki ng pinagbago ng itsura niya.

"Come here..." utos niya nang siya ay tagilid na nahiga.

Sumunod naman ako at patagilid rin na nahiga sa kaliwang bahagi, pinagitnaan namin ang aming anak. Napapikit ako ng pasimple niyang inalis ang nakatabon na buhok sa pisngi ko at marahang sinipit ito sa likod ng tainga ko habang pinagmamasdan ako.

"Kamusta ka na?" marahang tanong niya.

God, how did he flutter my heart at the simple thing he was doing to me?

Napabuntonghininga ako sa naging tanong niya. "Heto namiss ka. Pero okay na, nandito ka na, eh. Ikaw? Kamusta ka na?"

Dahan-dahan siyang kumukurap, habang nakangiti sa akin. Kita ko ang bumalatay na pagod sa kanyang mukha. "Okay na ako. Kasama ko na kayo, eh..."

Pinagmasdan ko muli siya, nakatikom ang mapupula niyang mga labi, his forehead furrowed normally, and his body a little thinner. Although much taller and the muscles in the arm, and the jaw became more perfect. Mas lalong nangintab ang kanyang pagkamoreno. He was fiercer now and more rugged. Hindi rin talaga mawawala ang lip bite piercing palagi sa kanyang mapulang labi. Lagi talagang nakakapukaw ng pansin sa akin. It's like he's seducing me effortlessly.

"Ang tagal ko ring hinintay na masaksihan ito..." aniya pa habang pinagmamasdan niya kaming mag-ina. "You know, even though I'm far away, when I found out you were pregnant... I was very sad and happy at the same time. I was sad because I was in prison, pero masaya pa rin ako dahil nagbunga ang ating pagmamahalan..." he chuckled a little. "...and while I was in prison, I was always thinking about what you looked like while you were carrying our child. I feel... I'm there... I feel... I feel you. Matagal din na taon ako napagkaitan... tayo... and if only I could be there while you're pregnant..." aniya pa na parang nagsisisi at nanghihinayang na kung nandito lang sana siya habang nagbubuntis ako. "I feel sorry for—"

Napangiti ako sa dahan-dahan na pagkurap ko at bumuntonghininga ng malalim sa sasabihin na naman niya. "Tama na ang kaka-sorry, Heimlich. We can never go back in time. What is more important now is our present... our future, hm?" pagpapagaan ko ng loob sa kanya.

Dahil kahit kailan, nung panahong naglayo muli ang landas namin, naintindihan ko, at ni hindi ako nakaramdam ng galit o pagtatampo nung nasa kulungan siya, na kahit nangingibabaw ang takot ko, mas humanga pa rin ako dahil natanto kong tama rin ang naging desisyon niya, na pagbayaran at pagsisihan ang nagawang kasalanan. At kahit na alam kong nakulong siya, nakalaya na't lahat, bumalik muli sa akin... ganun pa rin. Walang nagbago, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya, mas lalo pa yatang nadaragdagan.

Mas lalo ko siyang hinangaan, na ang taong minsang inisipan ko ng masama, dahil sa sama ng kanyang pagkatao, hindi ko inaasahan na kayang magbago para sa sarili at para samin ng anak ko... mas lalo ko siyang nakilala... dahil... sa pagmamahal niya ring ibinibigay sa akin.

"Wag ka mag-alala, araw-araw mo na 'tong masasaksihan hanggang sa magsawa ka sa pag-aalaga ng malikot na anak natin—"

"Hinding-hindi ako magsasawa na alagaan ang anak natin... pati sayo." putol niya sa sasabihin ko. "Matagal akong nawalay sa inyo, at bago ako bumalik... marami na talaga akong plano na gusto kong gawin para sa inyo." aniya at nagtama muli ang aming mata.

"Talaga? Ano naman 'yon?"

Ngumiti siya sa akin. "Unang-una, gusto kong harapin ang magulang mo-"

"A-Ano?" bigla akong nataranta sa sinabi niya.

"Gusto kong harapin ang magulang mo. Manghingi ng tawad, personal na kunin ang kamay nila. Magpakilala bilang ama ng anak natin." seryosong sabi niya na ikinapag-alala ko.

Paano ko sasabihin sa kanya na hindi kami maayos ng pamilya ko? Na nung nabubuntis ako sa anak namin at galit sila, hindi matanggap at pinapalayas ako? Hanggang ngayon ay hindi pa ako maayos na humaharap sa magulang ko. Inaamin ko na minsan ay ibinabalita sakin ni Kuya Premi, kinukumbinsi ako na puntahan sila dahil tinatanong nila ako. Ngunit 'di ko ginawa. Pero kasi... ito naman talaga ang isa sa plano ko, eh. Hindi ako haharap ng maayos sa kanila hangga't hindi ko naihaharap sa kanila ang buo kong pamilya... Ang matagal nilang tanong kung sino ang ama ng anak ko... palaisipan pa rin sa kanila hanggang ngayon. Ang tanging naiisip lang nila sakin ay isa akong disgrasyada, at hindi kilala kung sino ang nakabuntis sa akin.

Parang bigla naman ako kinabahan.

Hindi dahil para sa sarili ko... kundi para sa ama ng anak ko! Kinakabahan ako sa maaaring masabi nila kay Heimlich. Pero sisiguraduhin kong, kung hindi man siya matanggap, wala na akong pakialam, ako at ang anak ko ang tanging tatanggap sa kanya. Hindi ko kailangan i-please ang iba kahit kadugo ko pa. Mas inuuna ko ang kapakanan ng anak ko.

Bigla akong napabuntonghininga ng malalim sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Bakit pa ba ako magdadalawang isip at matatakot? May kasama na ako... alam kong may kaalalay na ako at hindi ako hahayaan. Kaya dapat ganun din ako sa kanya. Dapat manindigan din ako para sa kanya. Ipinapangako ko sa kanya na this time... hindi na ako wawalay sa kanya. Ako naman. Handa akong magsakripisyo pa rin kung sakaling... maging tutol ang magulang ko at hindi nila ako gustong intindihin. Kahit pa na... itakwil man nila o kalabanin nila ako...

May respeto ako sa pamilay ko. Pero ipaglalaban ko ang sariling pamilyang meron ko.

"And I can't wait to face and get to know your parents, Phryne."

"No way..." mahinang anas ko.

Panay ang buntonghininga ako ng malalim. Hindi mapakali habang pilit na dini-distract ang sarili sa paglalambing sa anak ko. Maayos na ako nakagayak, si Kuya Premi rin ay nakabihis na. At ang tangi na lang namin na hinihintay ay si Heimlich.

"Hindi mo naman nabanggit, na mukha palang siga ang ama ng anak mo." ani Kuya habang kinukuha ang susi ng kanyang kotseng mula sa divider nang mamataan ako nakatulala.

"Kuya!" suway ko sa kanya, sumenyas pa ako na manahimik siya at baka madinig.

Pumaywang naman ito, saglit niya akong tinitigan. Tumaas naman ang kilay ko.

"Oh, bakit?"

Inirapan ko na lang siya. Ang lakas niya manalita nang ganito, pero kapag naman makakasalubong niya si Heimlich ay hanggang sama lang ng tingin ito. Sige nga, nasaan na yung sinabi niyang susuntukin niya si Heimlich sa mismong harapan ko?

"Kinakabahan ka?" aniya dahil kasama rin siya pupunta kina Nanay.

"Oo..." mahinang sagot ko, totoong kabado.

Tumango lang siya. "Buti naman,"

"Kuya naman..." hindi na alam kung ano gagawin.

Nakaupo lang ako, minsan ay nginangatngat ko ang kuko ko sa labis na pag-iisip. Linggo ngayon. Ibig sabihin ay wala kaming masyadong gagawin, wala akong pasok, si Kuya Premi ay rest day niya, at dahil nga linggo na... ngayong linggong ito, kasama si Heimlich ay haharapin na namin ang magulang ko. Kumpleto kami. Ayon pa kay Kuya, may kaunting salu-salo raw, nagluto si Nanay at Tatay nang malaman nilang pupunta na ako. Pero hindi ko na inalam ko kung ano ang mga sinabi pa ni Kuya Premi sa magulang namin.

Sana lang ay hindi sila sobrang mabigla sa oras na makarating kami.

"Nay! Tay! Nandito na sila Kuya at Ate!" sigaw ni Chichi nang mamataan niya kami mula sa sala habang abala siya panonood sa T.V, at nakaupo sa sofa.

Nakangiting pinagmasdan niya kami ngunit agad ko nakitaan ang gulat at mangha sa kanya, kalaunan ay nagtaka ang mukha nito nang matuon niya ang mata sa lalaking katabi ko.

"Sino siya Ate?" bulong niya. "Ang pogi..." simpleng hagikhik niya pa.

Bago pa ako makasagot ay agad naman nakita ko ang pagmartsa nila Nanay at Tatay palapit sa amin.

"Nandito na pala kayo! Halina't matigpon-tipon na tayo. Nakahanda na ang mga paborito niyong pagkain sa hapagkainan na niluto ng inyong ina-- " naputol ang sinasabi ni Tatay nang makita niya kaming lahat.

Halos mapalunok naman ako ng malalim nang mapakunot si Tatay nang tumigil ang tingin niya kay Heimlich, bitbit ang aming anak. Samantalang si Kuya Premi ay tuloy lang ang pasok nang batiin niya sila Tatay at ang bunsong kapatid ko.

Sa sobrang kaba ko nang maharap sila, wala akong ibang maapuhap na agad na sasabihin dahil gulat sila na tuluyan na ako nagdesisyon pumunta sa ilang beses na nilang anyaya nila sakin na lagi kong tinatanggihan noon. Pakiramdam ko, hindi ko alam ang uunahin ko, at gustuhin ko mang ipakilala agad ng pormal sa kanilang lahat si Heimlich, nauuna na naman ang aking kaba! Pakiramdam ko hindi na yata matatanggal ang aking trauma sa tuwing may ibubunyag ako sa kanila.

Nakikinita ko rin ang panay baling ng kanilang mata sa katabi ko. Nagtataka rin kung bakit buhat-buhat ang anak ko at sinong lalaki itong dinala ko.

Saglit akong lumingon at pasimpleng sinenyasan si Kuya Premi, para humingi ng tulong. Akala ko ay hindi niya ako papakialaman, tumikhim na ako't lahat at handa na sana ipakilala si Heimlich dahil hawak ko na ang braso niya ngunit biglang nagsalita si Kuya Premi at hinawakan ang braso ni Nanay upang mawala sa akin ang atensyon na kaninang nakatulala sa akin... sa amin ni Heimlich.

"Nay, ano palang niluto niyo? Hindi pa kami nag-uumagahan, eh. Nagugutom na din ako..." ani Kuya Premi nang makuha ang atensyon ni Nanay at Tatay bago pa makapagtanong habang hihimas-himas pa sa tiyan nito.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Kuya Premi sa lakas ng boses niya o hindi, dahil hindi pa nila naitatanong si Heimlich at ang kaninang lakas na sana ng loob ko ay biglang lumubog na naman.

"M-Marami anak. Naku... may bisita rin pala tayo. Kaibigan mo ba 'yan, hijo?" tanong saglit ni Nanay nang mamataan si Heimlich.

"Asa naman..." mahinang tugon niya, kamuntikan ko na siyang suntukin at pasimple ko siyang sinamaan ng tingin si Kuya Premi.

"Sya'y tara na, magsimula na tayong kumain," sabat ni Tatay.

Bago pa makasunod, saglit na nagtama muli ang tingin namin ni Nanay at kita ko ang agarang pag-iwas ng tingin niya sa akin. Mukhang naiilang.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Hindi pa ako nakakakain ng umagahan pero pakiramdam ko busog na agad ako sa kabang nararamdaman ko mula sa puso papunta sa sikmura ko.

Mukhang hindi yata maganda ang kutob ko sa magiging salu-salo namin ngayon.

Sana lang ay tama na ang desisyon na pagpayag ko. Sana lang talaga...

P I E D R A I J A D A





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro