PHASE 68
Weeks have passed, seemingly inexorably. The lack of my life is getting worse and worse. Mahirap pero kailangan kong tanggapin na magiging isang single mother na lang ako. Mag-aaral... magtatapos... tuparin ang pangarap, hindi lang sa aking sarili kundi para na rin sa anak ko... mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko. Dun na lamang iikot ang mundo ko.
Naghintay lang pala ako sa wala.
Hindi ko maiwasang minsang maluha habang tinititigan ko ang anak ko sa gabi. Na... paano kung lumaki na siya? Paano kung magsimula na siyang magtanong tungkol sa walanghiya niyang ama? Na nagsawa na siya? Sa akin? Sa amin? Na hindi na niya kami kayang tanggapin? Anong maaaring isagot ko? Doble pasakit ang nararamdaman ko para sa anak ko. Para bang gusto ko na lang hilingin na pabagalin ang panahon at manatiling maliit pa ang anak ko habang walang ibang iniisip pa.
At sa ilang araw na lumipas ay tiniis ko ng huwag kausapin siya. Ang hirap pala talaga kapag nasanay ka, nasanay sa paghihintay, hindi mo namamalayang gawin ang mga bagay na hindi na naman dapat, halos magdamag mo pa ring iisipin kahit na may iba kang ginagawa. Pero wala, kailangan ko ng masanay na ako na lang at ang anak ko. Dahil alam kong mas lalong mahihirapan ako para makamove-on sa kanya kung ako'y patuloy na aasa mula sa kanya. Sobrang sama ng loob ko. Hindi ko inaasahan na sa dami ng aming pinagdaanan ay mapupunta lang sa wala.
At para bang gusto kong pagsisihan at tawanan kung gaano ako naging kabaliw sa kanya noon! Tang ina! Oo nga't gwapo at mayaman siya, pero saksakan talaga sama ng ugali! Bakit ba nabaliw ako ng husto sa balugang 'yon!? Hindi na talaga magbabago. Ang galing niya pa rin talagang magpabilog ng ulo! Magaling lang siya sa salita, pero wala naman pala sa gawa. Sa una lang siyang magaling! Kay tapang na tao pero ang pagiging ama, naduduwag siya!
Kung gaano kalaki ang titi niya siya namang kawalan ng bayag niyang hayop siya!
Dito ko talaga naisip na kahit nakilala kong gago siya... sobra... sobrang gago niya talaga! Mali akong naisip na may katiting na kabutihan sa puso niya. Na kahit pati alam naman niyang may anak na kami, pababayaan niya lang kaming mag-ina. Ang kapal pa ng sabihin niyang nagsasawa na siya at nawalan ng gana!
Ang sakit lang sa parte ko na kahit na alam naman niyang may anak na kami, naging sobrang open ako sa kanya, ni hindi ako naglihim sa kanya kahit malayo siya at hindi nasaksihan ang pagbubuntis at panganganak ko, dahil hindi ako yung tipo ng babaeng mahilig makipag taguan ng anak at tatakbuhan siya! Hindi!
Tapos... tapos gaganituhin lang ako?!
Wow! Sana pala hindi na siya nangako para hindi ako umasa ng ganito!
Sapat na naman siguro ang paghihintay ko. Tama na ang katangahang ito, Prina.
Ayoko na. Pagod na ako.
It seems like people are now scared. You don't know what their motives are for you ... and he also proved that it's hard to trust people again, especially with other men today. His courage came into my life, but he didn't even have the courage to apologize for what he said!
What a jerk!
Argh! Ang kapal... kapal talaga ng pagmumukha niya!
Hindi mawala sa isip ko... ang pagmumukha niya na para bang sawa na talaga siya sa akin. Sa sitwasyon namin... napagod na siya.
Sawa na siya? Edi salamat na lang sa lahat!
Salamat sa pagbibigay ng sama ng loob mo, Heimlich! Ang galing-galing mo! Hindi na yata matatanggal ang sama ng loob ko at patawarin ka! Hinding-hindi na! Hindi ko lubos maisip na aaksayahin ko lang pala ang mahabang panahon para sayo!
Each day like a repeat of the day before. Mas lalong dumaragdag nga lang ang mga gawain ko, but it's also better because I don't think about him too much. Mas nagda-divert ang utak ko sa ibang bagay. Sa sobrang dami kong ginagawa, wala na rin akong oras para ma-broken! Kahit na nakakapagod, parang mas nagugustuhan ko pa iyon kesa naman wala akong ginagawa, matutulala na lang at mamamatay kakaisip tungkol sa kanya. Basta nagising na lang ako na wala akong ibang naisip kundi ang magiging kinabukasan ng anak ko... at napagod na akong maghintay sa wala. Napagod na ako maghintay sa walang kwenta at walang awang puso niyang ama.
"Huwag mong sabihin na pati ako gagawa ng lintik na ppt na yan?" irita kong tanong habang nakakunot at patuloy na nagtitipa.
"Nawala sa isip namin kasi—"
"Kasi nag-inom na naman kayo kagabi mga kupal kayo!" isa-isa ko silang pinaghahampas sa ulo ng nakarolyo na papel kaya hindi naman nila mararamdaman na masakit iyon.
Nakatungo lang sila at mukhang nahihiya na sa akin. Palibhasa, ako yata ang pinaka matanda sa section namin kaya halos hindi nila ako mabara-bara at puro tiklop sila. Nakakatawa na nga lang na isa sa kanila ay balak pang ligawan ako. Pero, ni wala akong maramdaman na interesante... siguro ganito talaga 'pag nagtatanda na, hindi tulad nila na medyo mas bata sa akin, iba pa mag-isip. Napatunayan ko na 'yon nang minsan kung paano nila kausapin ako.
Kaya kahit may ibang gustong magtangka na manligaw, kung sa iba ay umaatras kapag nalalaman nilang may anak na ako, pero may iba pa rin talaga sa kanila na kahit na alam nilang may anak ako, gusto pa rin. Sa totoo lang, hindi na madali sa akin ang makilig. Wala na rin akong oras para lumandi. Ni wala na nga akong gana at wala akong balak na lumandi!
Ang pag-aaral at anak ko lang ang naiisip ko! Kuntento na ako, hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko!
Napapailing habang dismayado't isa-isa kong pinagmamasdan ang mga kagrupo ko na halos mukhang mga totoy sa paningin ko.
"Hay, jusko, mga bata kayo... seryoso ba kayo sa course niyo? Halos ako na nga gumawa ng lahat ng gagawin sa presentation, ultimo script niyo, ako na nag-provide para sa inyo para hindi kayo nga-nga! Ni power point lang pinapakisuyo ko, hindi niyo pa nagawa! Naiistress ako ha! Naiistress ako!" kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko sa inis at magkahalong pagod na nararamdaman.
Ang mga kagrupo ko ay nakaamang lang sa akin habang pinagmamasdan ang pagsabog ko.
Sa dami ko ba naman na ginawa, sabay pa na pag-aalaga sa anak ko kapag sinusumpong iyon, ewan ko na lang kung hindi ka pa laging mapagod ng husto at mapuyat. Ewan ko ba sa anak ko, nagmana siguro sa ama kaya kahit bata pa ay napaka pilyo at ligalig na. Masasabi ko talagang, hindi talaga ganun kadali magpalaki at mag-alaga ng anak lalo na't estudyante ka pa.
Kakamot-kamot sa ulo na halos kalalakihan ang napatapat na kagrupo ko. Hay, kung bakit ba naman kasi ako ang kaisa-isang babae? Sa lahat pa... ako pa talaga ang ginawang leader?
"Pasensya na talaga... hahabol na lang kami. May oras pa naman, 'diba?" aniya ng isa.
Napairap na lang ako na isa-isa pa silang nagbigayan ng mga dala nilang pagkain.
"K-Kumain ka muna... kami na po bahala rito,"
Mukhang sinadya talaga nilang bumili dahil alam kong may kasalanan sila at magagalit ako sa kanila.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Wala na yata ako makikitang matinong lalaki sa buhay ko! Lord, pwede bang mamatay muna ako kahit isang araw? Ibalik niyo na lang ulit ang buhay ko bukas. Kahit ngayon lang... stress na talaga ako. Patambay po muna saglit sa langit.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Ramdam ko ang pagtibok ng sentido ko. "Pano na ngayon 'yan? Ngayon din ang presentation natin? Pang-anim tayo! Inaral niyo ba binigay ko, ha?" binigay ko sa kanila ang laptop na halos nangangalahati na ang slides tungkol sa topic na aming ipe-present.. "Oh, ayan, pagtulungan niyo na, ha. Bilisan niyo na lang gumawa at pagod na pagod na ako... punyeta, tsk." ani bulong ko sa huli.
Dali-dali naman agad nila kinuha at sunud-sunod ang narinig kong pasensya mula sa kanila.
Hay Lord, sana maka-graduate na ako!
The doorbell suddenly rang.
Naputol ang aking pagpapahinga dahil sa paulit-ulit na doorbell na naririnig ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sala. Sa sobrang pagod sa nangyari, ni hindi pa ako nakapag abala magbihis at nanatiling uniporme pa rin ang suot ko. Medyo nahirapan pa akong umunat sa panlalambot na nararamdaman, naka pencil cut kasi ako habang nakatuck-in naman ang white long-sleeve ko.
Isa sa mga routine ko na talaga lagi kapag pumapasok ay laging naka-ayos ako lalo na't Tourism ang kinukuha ko.
"Kuya! Pakibuksan ng pinto! Kanina pa may nagdo-doorbell!" sigaw ko habang nakapikit at hinihilot ang sentido ko.
Tiningnan ko ang relo ko at namalayan ko na lang na gabi na pala.
Wala pang ilang saglit ay lumabas si Kuya mula sa pinto ng kanyang opisina, naka pyjama na lang ito at sweater, palibhasa ay fully air-conditioned ang kanyang condo. Hindi ka talaga pagpapawisan man lang, mawawala na rin sa isip mo ang maligo. May bitbit itong kape, habang humihikab, agad ko nadinig ang pagrereklamo sa akin.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ko saglit ang T.V nang siya ay aking mamataan, masama ang tingin sa akin dahil sa pang-aabala ko sa kanya. Saglit siyang dumaan sa gilid ko, nilapag ang tasa sa side table sa tabi ng aking inuupuang sofa at kinarga ang abala na anak ko mula sa carpet habang hawak ang laruan nito.
"Lalong tumatagal, nagiging batugan ang ina mo sa bahay pamangkin ko..." bulong ni Kuya sa anak kong abala pa sa paglalaro. Bumuntonghininga siya at inirapan ko. "Wag sanang gumaya ang anak..."
"Buksan mo na ang pinto at mukhang may bisita ka na naman!"
"Di pa ikaw nagbukas, ikaw ang mas malapit. Nasaan ang mindset mo, Prina?"
"Makikisuyo lang. Tinatamad at pagod ako. Kung sinuman yang bisita mo na naman, pakasalan mo na, ha? Para magtigil ka. Pakiramdam ko, mga babae mo na naman 'yan, eh." pansin ko rin kasi, sa tuwing ako magbubukas at may mga ilang babaeng nabisita, may mga hindi tumutuloy o nagtatagal, akala tuloy ng iba asawa ako dahil lagi kong bitbit ang anak ko.
Hindi nila alam na magkapatid lang kami!
"Baka nga ikaw. Mamaya delivery boy pala ito, edi yon. Destiny. May asawa ka na talaga." pang-asar pa niya palibhasa sa sobrang kulit niya at puro siya tanong, hindi ko napigilang ikwento sa kanya kung paano kami natapos ng lalaking iyon at naging single mother na lang ako.
Sa una-una ay nagalit pa siya at halos sumpain, tapos ngayon inaasar pa ako. Ewan ko talaga sa lalaking 'to!
"Hoy! Wala akong inoorder sa Lazada o shopee, ha! Nagtitipid ako ngayon!" sigaw ko.
Di na siya sumagot at maya-maya ay binuksan niya ang pinto. Narinig ko pa ang boses ni Kuya Premi at nagtanong kung sino po sila? Maya-maya ay tumahimik muli.
Habang abala ako sa panonood, napansin ko ang pagbabalik nito, seryoso na ang mukha habang karga ang anak ko. Para bang natulala.
"Pakikarga ng anak mo." aniya nang makalapit sa akin.
"Problema mo? May inorder ka, no?" tumaas ang kilay ko. "Pagkain ba yan? Hoy!" muling tawag ko dahil hindi niya ako pinapansin.
Umigting ang kanyang panga nang matanong ko siya. Hindi na siya makatingin sa akin.
"Saglit lang." aniya ay tumalikod agad sa akin.
Maya-maya ay nadinig ko hamba ng pinto sa pagsara. Hindi ko alam kung saan siya pupunta o kung sino ang kausap niya. Maya-maya ay nagngitngit na sa tainga ko ang mga yabag kaya't napalingon ako.
Isang malakas na pagtikhim ang kumuha ng atensyon ko.
"Prina, mukhang ikaw ang may bisita." ani seryosong boses ni Kuya.
"Nagpa-deliver ka ba—" naputol ang salita ko nang makalingon ako.
A familiar man was able to stop the whirlwind that was my world while I was busy cuddling my son. His bluish-green eyes were locked with mine. I almost passed out from the scent of his perfume. It's as if everything happened in slow motion.
Tigagal akong nakaharap sa kanila. Halos malalim na napasinghap. Kamuntikan ko pang mabitawan ang anak ko sa pagkagulat.
Namamalikmata lang ba ako?
"Phryne..." sambit niya habang nakatutok ang mata niya sa amin ng anak ko.
"H-Heimlich?"
Malalim akong suminghap at sunud-sunod na napakurap. Hindi ko alam kung binabangungot lang ba ako, pero nang saglit na tumama ang laruan sa bibig ko sa kagagawan at kalikutan ng anak ko...
"Aray!" dun ko natanto na totoo ngang nandirito siya sa harapan ko.
He's biting his lower lip. Ang kaninang mata niya na nakapukaw sa akin ay natuon na sa anak na kandong at hawak ko. Saglit niyang nilingon ang Kuya Premi ko habang nakakunot. Hindi ko alam kung sadya bang ganun ang reaksyon niya pero mas lalo siyang sumungit at masama ang tingin kay Kuya, naging malambot ulit ang ekspresyon sa anak ko, at naging malamig nang magtama muli ang tingin namin.
Napalunok ako. Hindi ko alam na...
"Phryne..." marahan at muling tawag niya. Kita ko ang taas-baba ng lalagukan niya sa leeg habang pinagmamasdan ako.
"Maiwan ko muna kayo." dinig kong sambit ni Kuya, hindi na ako nakalingon sa Kuya ko nang marinig kong malakas niyang nasara ang pinto.
Hindi na ako nakatugon dahil natulala na lang ako sa lalaking nasa harap ko na mismo ngayon.
"Phryne..." mapagsumamong boses na tinawag niya muli ako, tinitingnan ang anak ko, habang kami na lang ang natira.
Sa kagustuhang sugurin siya ng malakas na sampal, yakap, pupugan ng halik ay pinigilan ko ang sarili ko.
Ano? Susulpot siya rito bigla nang parang walang atraso sa akin, ah? Bakit hindi niya sinabi sa akin na ngayon ang laya niya!? At bakit nandito na agad siya nang hindi ko nalalaman? Sa kalituhan, hindi ko naiwasang maiwaksi sa isip ko ang aming naging usapan.
"Why are you here?" pinalamig ko ang boses ko kahit na halos lubos ang pagpipigil sa kasabikan ko sa presensya niya at paghaharumentado ng puso ko.
"Nakalaya na ako..." mahina siyang ngumiti sa akin.
Malalim ako napasinghap sa halu-halong emosyonal na naglalaro ngayon sa puso ko.
"How long have I waited to get home... and finally I see you again. Magkakasama--"
"Magkakasama? Matapos ang lahat ng sinabi mo sakin—"
"I know you're mad. Agad ka naman umiwas nung hinihintay kong makausap ka muli. Sinubukan ko lang kasi balak talaga kitang i-surprise—" agad na pagpapaliwanag niya ngunit pinutol ko iyon sa kairitahin na marinig pa ang mga pangit na pagpapaliwanag niya.
Hindi ako makapaniwala siyang tingnan. Anong akala niya ba, ha! Na matapos niya ako gaguhin na kausapin ay magiging marupok na lang agad ako gayong nakauwi siya? Pwes, nagkakamali sya! Galit pa rin ako sa kanya!
You filthy scumbag! How could my heart lurched for those stupid lies!
Parang hindi niya sinabing sawa na siya, ah!?
"Surprise? Really? Ang saktan ang damdamin ko? Bigyan ako ng sama ng loob para lang i-surpise ako? Wow... just wow! Ang ganda ng surprise mo!" sarkastikong sagot ko.
"A-Ayaw mo ba akong bumalik... hindi ko naman gustong masabi yon-"
"Shut-up! Akala mo ba nakakatuwa ginawa mo, ha? Hindi ba't sabi mong sawa ka na!? Ano sa tingin mo ang maiisip ko? Ang sakit kaya, non! Pakiramdam ko paulit-ulit mo na lang ako ginagago katulad ng ginagawa mo sakin noon! Masaya bang paglaruan mo ako, ha? Mahal mo ba talaga ako?" I screeched.
His lips parted. Mapungay ang mata niyang nakamasid sa akin.
Oh, tama na, Prina! Wag ka namang papabitag sa mapungay niyang mata! Sumama ang loob mo! Kaya wag ka namang bibigay!
Hindi na ako mapakali sa iritasyon at tindi ng galit kapag naalala ko huling usap namin. Halos kinimkim ko, akala ko totoo na, hinayaan pa niya ako magkaroon ng sama ng loob sa kanya. It was as if I was on fire while he, still very calm in front of me, weighed his gaze on me.
"Bakit bumalik ka pa? Diba pagod ka na? Sana hindi ka na lang bumalik! Hindi na kita kailangan!"
He stared at me seriously. The pain in his eyes fueled my confidence and rage. Aba't may gana pa siyang mukhang magalit at masaktan! Mas masakit ang sinabi niya sakin!
"I love you..." pikit mata niya sa nanghihina niyang sambit. "I didn't fall out. I still... remain... in love with you, mi adelaide."
Napalunok ako. Biglang dumaga ang puso ko.
Naghihintay pa ako sa susunod na paliwanag niya para kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob ko pero natigilan na lang ako at napaamang sa tangi niyang sinambit.
Sa maikling linya lang iyon ay para bang unti-unti natunaw ang kaloob-looban ko.
Natigilan ako at kinagat ng mariin ang labi ko habang patuloy siyang nakatitig at mapungay ang mata sa akin.
Bumuntonghininga siya ng malalim at dinalaan ang pang-ibabang labi. "Hindi ako lilipad papunta rito kung hindi kita mahal. I already explained to you why I said that. I'm sorry if I offended you. So, when you didn't talk to me for a few days, I almost went crazy thinking about you just to face you and take back what I said." mapagsumamo niyang sambit ngunit sa huli ay napakunot rin. "Look, umuwi ako... tapos makikita kong may kasama ka rin ng ibang lalaki. Ako nga dapat magtanong, eh. Mahal mo pa ba ako? Por que ba nakulong ako, ipinagpalit mo na ako? Bakit parang ang dali lang sayo nakahanap ng iba? Hindi ba niya alam na may anak na tayo-"
Napaamang ako sa sunod na sinabi niya. Sa una ay hindi ko pa naintindihan pero nang matanto ko kung sino ang tinutukoy niya--
"Kapatid ko siya, tanga!" mas lalo akong naiirita sa mga pinagsasabi niya.
Uso naman kasi ang magtanong, 'diba!?
Ganun na ba kami hindi kahalatang magkapatid kami ni Kuya!?
His lips formed into grim line. Agad na natiklop ito. "I'm sorry..." napapikit pa siya ng mariin, mahina at malutong na napamura.
In my head, I planned this all our before. Marami akong plano kung sakaling magbabalik siya. Pero ngayong itong may sama pa rin ako ng loob sa kanya, at bigla siyang susulpot sa harap ko, ni hindi ko man lang napaghandaan. I never expected things to turn out this way, but I'm pretty sure it's not too late to make things more formal.
"Is... is that our child?" agad siyang lumapit at hindi na maalis ang tutok ng mata niya sa anak namin. "What is his name again?"
Napanguso ako.
Tatanong pa, alam naman niya! Gusto lang niya ilihis ang usapan, eh!
Para bang tuluyan na lang nanlambot ang puso ko kung paano niyang tingnan ang anak namin. Kita ko ang dagling emosyon at kasabikan sa kanyang mga mata nang malapitan niya ang anak namin.
Napabuntonghininga ako ng malalim nang marinig ko ang malalim na paghinga niya. Pumikit ako ng mariin at nagpakawala ng buntonghiningang malalim.
Oo na... ayoko na... tama na, ayoko ng magalit. Sumusuko na ako. Heto na nga oh... marupok pa rin ako sa kanya.
"Gago talaga..." mahinang sambit ko, sapat para hindi marinig ng anak namin at sya lamang makakarinig. "I told you... it's Heinrich..." one breath and I saw Heimlich parted his lips and wide, with bloodshot eyes.
"Heinrich..." mahinang ulit niya pagkasambit ko, namamangha ay kita ko ang unti-unting pagtango nito, halatang nagustuhan niya ang pinangalan ko sa anak namin. "C-Can I touch him, hm?" marahang sambit, nasa tabi ko lang siya at nakaupo.
Sa laki niyang lalaki, para siyang umastang bata na nasasabik ngunit hinihintay na kusang mabigyan ng candy.
Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Sa nanluluha kong mata ay hindi ko maiwasang bigyan siya ng irap bago dahan-dahang tumango sa kanya. Naisip ko na rin na, ano pa ba itong iaarte ko? Pinaliwanag na niya. Nandito na siya. Kaya dapat patawarin ko na siya. Naisip ko rin... na tulad niya sabik rin siya at nangungulila samin na makita niya kaming mag-ina. Naisip ko rin na masakit at mahirap din naman para sa kanya... lalo na at matagal din siya nakulong. Nag-iisa.
He gave me a weakest smile too at binigay ko din agad si Heinrich sa kanya, maagap naman at dahan-dahan niya itong tinanggap na para bang matatakot mapirat sa sobrang pag-iingat niyang hinawakan ang anak namin.
Tumingala siya at saglit na napapikit ng mariin. Namungay ang mata ng tinitigan niya pa ang anak namin.
"My son..." halos walang boses niyang sambit.
Kusa ng tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko silang mag-ama. I never thought na bagay na bagay pala kay Heimlich na maging ama. Palagi ko kasi iniimahe si Heimlich... kung ano kaya maging klase siyang ama? Anong klase rin kaya siyang maging asawa? Ngunit dahil sa reaksyon niya, mukhang nakikita ko na ang pagiging mabuti niyang ama sa paano niya tingnan ng puno pagmamahal ang anak namin.
Wala akong makitang anumang bakas na kwestiyon sa mga mata niya. Talagang naramdaman niyang... anak niya talaga itong hawak niya. Sa bawat haplos niya... sa kislap pa lang ng kanyang mata... habang mapagsumamong pinagmamasdan niya ang anak namin... sapat na 'yon para maramdaman ko ang tunay na pagmamahal niya para sa anak namin.
"I'm sorry, it took me so long..." pigil hiningang sambit ni Heimlich sa akin, na halos mangislap ang mata niya nang sumulyap siya sa akin pati rin sa anak namin na wala pang muwang.
Halos makurot ang puso ko nang makita ko kung paano tumawa si Heinrich sa ama niya, na para bang matagal na siyang kilala ito. Usually kasi, hindi siya nagpapabuhat kung kani-kanino. Lalo na sa hindi niya lubos kilala at bago lang sa kanyang mata. Ngunit nagulat na lang ako na hindi ko man lang nakitang nag-alburuto o umiyak ang anak ko nang hawak-hawak na siya ni Heimlich habang nakatingala na si Heinrich at nagtama ang kanilang mata ng kanyang ama.
Isang magandang pagtatagpong nasaksihan ko sa tanang ng buhay ko.
"Yea, his name is Heinrich. Sinunod ko talaga sa pangalan mo... p-pati na rin sa apilyedo mo. Dahil... dahil alam kong babalik ka. Tatlong taon na siya. Wala pang bukambibig kundi 'tito, tita, lolo, lola at mama'. Medyo bulol nga lang pero matalino at mabilis siyang matuto..." kuwento ko pa, tinabunan ko pa ng tawa ang namimiyok na boses ko.
Suminghot siya saglit at tumatangong nakikinig siya sa akin habang 'di mapuknat ang kanyang ngiti sa labi. Marami pa akong gustong ikwento sa kanya, kung paano ko inaalagaan ang anak ko, kung paano natututong magsalita ang anak ko habang tinuturuan ko.
Bumuntonghininga ako ng malalim. Pasimple kong hinaplos ang pisngi ng anak namin para harapin at magsalita.
"Heinrich... anak... say Papa," turo ko sa tatlong taong gulang na anak ko, habang nginangatngat na nito ang laruan na hawak nito.
Pasimple ko naman kinuha ang laruan, at nang mapansin iyon ay nagtama ang tingin namin ng anak ko. Maliliit ang ngipin na ngumiti siya sa akin. Halos mayupi ang puso ko sa tingin ng anak ko.
"Mama..." pagtawag niya.
"Say... papa!" turo ko. Saglit ako tinitigan ng anak ko habang ako'y nagsasalita.
"P-Pa..." aniya na nadinig niya ako.
"Papa!" ulit ko muli. Halos matulala sa akin ang anak ko at tila'y nakikinig sa sinasabi ko."Come on, baby. Say, Papa..." marahang ulit ko. Namumula ang mata, at mahinang nakangiti nang magkatinginan kami ni Heimlich habang karga niya ang anak namin.
Kaya wala pang ilang saglit ay nasundan niya ang itinuro ko
"Pa..." hirap pang sambitin at nagkalat pa ang laway ngunit sa huli ay nasambit na niya ng diretso ang itinuturo ko. "...papa!"
Naluluhang natawa ako ng kaunti sa bilis matuto manalita ng anak ko kahit na medyo bulol pa ito.
"This is your Papa, anak. Say it again... papa," malambing na utos kong muli.
"Pa...pa," dahan-dahang pagkakasambit at pairit na napatawa ang anak namin ng saglit kong pinupugan ng matunog na halik sa pisngi.
"Very good, anak!" natutuwang sambit ko. Nilingon ko muli ang katabi ko.
Heimlich smiled but only drowned by his emotions.
He swallowed hard. I saw tears in his eyes. Kaya iniwas ko muli ang tingin sa kanya para makapagpatuloy.
"Look at him, the color of his eyes... the point of his nose ... the curve and his soft lips ..." I dramatically sighed. "He looks just like you, Heimlich. Ang gwapo, no? Ang lakas talaga ng genes mo, ni wala man lang namana sa akin. Sana kahit ugali na lang,"
Natawa siya sa sinabi ko.
"You know, when I'm depressed, I think it's like you're the one I see in him..." lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti kahit na gusto kong maiyak sa tuwa na sa wakas umuwi na ang matagal kong hinihintay, makukumpleto na kami. "...lalo na kapag nangungulila ako sa paghihintay namin sayo... lagi kong nilalambig at niyayakap ang anak natin..." nabasag ang boses ko.
Pinagmamasdan ko si Heimlich. Hindi na maalis ang titig sa anak namin. And seeing his expression that made my heart hurt more. Lalo na't wala pang ilang saglit ay hindi na siya nakatiis nang yakapin niya ng mahigpit ang anak namin.
"I'm really sorry... it took me so long... hayaan mong makabawi sayo... hayaan mong makabawi ako sa anak natin..."
Parang gripo ang buhos ng luha ko habang tinitingnan ko siyang hinahalikan at niyayakap ang anak namin sa harapan ko. Kung nakikita niya lang ang sarili, punung-puno talaga siya ng pagmamahal sa anak niya.
Wala na yata akong ibang maihihiling pa. Sa wakas... ang matagal kong hinihiling ay dumating din.
I sobbed so much that I almost choke. Pakiramdam ko tumatalon ang puso ko sa labis na emosyon na bumabalatay sa buong pagkatao ko. Sobra. Sobrang... sakit... at saya ko.
"T-Talagang bumawi ka... sobrang dami mong pagkukulang... kailangan kita, please...kailangan ko ng asawa... kailangan niya ng tatay... kailangan ka namin ng anak mo..." my voice could hear being demanding of him.
Marahan lang nakapikit habang patuloy na tumatango at nakikinig siya sa akin.
"Salamat sa pagtiya-tiyaga at paghihintay sakin, mi adelaide..." aniya.
Oh, how I miss how he calls me this.
Iba pa rin pala talaga 'pag marinig ito sa harap ko.
Heimlich held my son as if he were holding his life in his hands. Hindi pa rin ako makapaniwala. For me, he was a hard man, a calloused man, hardened by experience and a chaotic life. He was not a source of solace for me. He was just... so perilous. Para bang sa istura niyang intimidating ay hindi mo aakalain at makikitaan na marunong pala magmahal.
And I never imagined he'd cry even a little. I'd seen him bloodshot, angry, and in pain many times before, but I'd never seen him cry so, so, much... ngayon lang. Nang makita at tuluyan na niyang mahawakan ang anak namin. Patuloy na namamalisbis ang luha niya at hindi niya pinigilan ang sarili na maiyak...
"I missed you..." sa namamaos na boses na kanina ko pa gustong sambitin.
"I missed you more, mi adelaide..." sagot niya na titig na titig din sa akin.
"Please, don't leave us again..." I said in a strained voice as I cried that I almost difficulty in breathing.
Pinagmasdan niya ako, bago niya nilingon ang anak namin, tapos ay binalik niya muli ang tingin sa akin. Nagpakawala siya ng buntonghininga.
He shook his head and gave me a miserly smile. Smile as if he was also giving me assurance, and that's where my anxiety disappeared.
"I won't... I wanna be with you, live with you for good. Dahil kung saan kayo ng anak ko... dun na din ako. Nothing can stop us now."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro