Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 67


"Kapatid mo 'ko, Prina... bakit mo inilihim ang lahat?" nanghihina at hinanakit na tanong sa akin ni Kuya. Masakit man ngunit pati rin siya ay hindi rin naiwasang madismayang tumingin sa akin.

Wala akong masabi, sa sobrang panghihina at pagod na natutulala ako, habang mabigat ang nararamdaman ko, wala akong magawa kundi matulala na lang sa nangyari.

Ang kaninang pagtataka ko kung paano nila nalaman ay nasabi na ni Kuya sa akin kani-kanina lang. May isa sa mga nakakilala ang nakakita sa akin, hindi ko napansin iyon. Hindi ko naman natanto na may mga ilan na kakilala ang Nanay ko na nagtatrabaho rin sa ibang bansa, sadyang nasaktuhan lang na natagpuan ako at kinumpirma sa kanila kung ako nga ba iyon. Pero ayon sa kwento ni Kuya, bukod sa gulat at pagtataka, agad naman nila itinanggi sa nakakita at wala pa nakakakumpirma kung totoo nga ba iyon o hindi. Sa kalituhan, ang paniniwala pa sa nakakita ay kamukha ko lamang at ipinalabas na nasa iba pang bansa ako nagtatrabaho.

Talagang... nagsinungaling sila para lang sa akin. Kahit na... kahit na malaki ang porsyento na ako talaga 'yon.

Sa totoo lang ay hindi ko maiwasang mahiya sa Kuya Premi ko, bukod sa hindi niya ako makausap pa ng maayos dahil sa pag-iyak ko, pinilit niya pa ako patirahin dito sa condo niya. Hindi niya ako hinayaang umalis mag-isa at talagang kahit na histerikal na nagalit ang nanay namin bago kami umalis, nagawa pa akong ipasok sa kotse ng Kuya ko para lang ilayo sa kanila. Ipinagpasalamat ko na lang talaga iyon dahil pakiramdam ko kung tatagal pa ako, o kung hindi ako naabutan ng Kuya ko, malamang ay kanina pa ako nahimatay sa panghihina sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang natanto na wala pa akong pahinga magmula ng dumating ako, muntik ko na rin makalimutan na... buntis ako.

Ngayon ko lang rin nalaman na may bukod na tinitirhan si Kuya kapag nagtatrabaho siya, medyo malayo nga lang sa bahay namin, 'di ko naman maiwasang mamangha sa narating niya, sa pitong taon na hindi ko man lang nasaksihan kung paano rin siya umasenso mag-isa, kaya 'di malabong makakabili siya ng ganito kagandang condo dahil isang na siyang ganap na Abogado at malaki na rin ang sinusweldo niya. Napansin ko na may opisina rin siya rito at medyo malawak talaga ito, halatang lalaki rin ang may-ari base sa kulay na minimalist na disensyong bumubuhay sa tirahan niya, kung hindi ko lang kilala ang nakatira ay iisipin kong laking mayaman ang may-ari nito.

"Minsan ko na rin sinubukang puntahan ka sa mismong bar na pinagtatrabahuhan mo para kumpirmahin ko..." pag-amin niya.

Hindi ako makatingin sa kanya sa kahihiyan.

"Nakita kita..." bumuntonghininga siya ng malalim. "Inaamin ko... nadismaya at nagalit ako sayo..."

"K-Kuya..."

"Pero mas nangingibabaw na nasasaktan ako... bilang kapatid mo nasasaktan ako. Hindi ko magawang magalit ng husto sa pagsisinungaling mo," napapikit siya ng mariin at napailing. Kumukurot ang puso ko habang pinakikinggan siya. "Gusto kitang lapitan non pero naisip ko rin, natakot ako sa magiging reaksyon mo... na baka magalit o mahiya ka kapag nilapitan kita."

Tahimik na bumuhos ang luha ko.

"Kaya hinayaan kita nung oras na 'yon. Pero... kung maibabalik ko lang ang oras, sana pala nilapitan kita,"

"Kuya, wala kang kasalanan. Patawarin mo ko kung nabigo kita..."

Maemosyon siyang nakatitig sa akin. "Wag ka ng aalis at babalik don ulit, naiintindihan mo?"

Ayaw ko sana makituloy at desidido na sana ako magsarili ngunit siya na rin ang nagpumilit na dito na muna ako manatili.

"Hindi kita hahayaang umalis na ulit, Prina. Lalo na't... buntis ka." bumuntonghininga siya ng malalim. "Gustuhin ko man malaman sayo ang lahat-lahat ng 'yong mga pinagdaanan, pero hindi kita maaaring pilitin dahil sa lagay mo. Pero hindi ibig sabihin non na kakalimutan mo na lang at hindi ka magsasabi ng totoo... kapatid mo 'ko, Prina. Wala ka bang tiwala sakin?"

"S-Sorry, Kuya..." hindi makatinging sambit ko sa sobrang hiyang nararamdaman ko sa kanya. Pakiramdam ko binigyan ko ng matinding problema ang pamilya ko sa pagbabalik ko. Hindi pa man ako nakakatagal, pakiramdam ko rin magiging pabigat na agad ako sa Kuya ko. "P-Pwede naman siguro ako kumuha na lang ng apartment. Kakayanin ko naman mag-isa dahil marami akong naipon-"

Sa disgustong nakikita ko sa kanyang mukha ay agad siyang umiling sa akin. "Hindi na kailangan. Itabi mo na lang yang naipon mo para sa pagbubuntis mo kung gusto mo. At wag ng matigas ang ulo, hindi ka aalis. Ako ang bahala sayo. Kung kailangan na alagaan kita, aalagaan kita, wag ka na lang umalis ulit." pakikiusap niya.

"K-Kuya..." tanging nasambit ko. Hindi ko maiwasang malalim na mapasinghap dahil akala ko, maging siya ay hindi ako magagawang harapin at tanggapin sa kabila nang nalaman niya tungkol sa akin.

At ngayon, nagpapasalamat na agad ako dahil may isang importanteng tao... na hindi ako nagawang iwan at talikuran sa oras ng aking pangangailangan— ang Kuya ko. Aminin ko man o hindi, nung mga oras na gusto na akong itakwil ng Nanay ko, pakiramdam ko mag-iisa muli ako, na tatalikuran ako at hindi magagawang tanggapin ng lahat, at walang makakaunawa ni isa sa kanila sa akin. Para bang nung maikling oras na iyon ay naiimahe ko na agad kung ano ang maaari kong gawin at maging buhay ko.

Ngunit si Kuya Premi ang nagpatunay na hindi ko kinakailangan mag-isa. At aminin ko man o hindi, na kahit tanggap ko na at masakit sa akin para mapag-isa muli, hindi niya ako hinayaan... dito ko natanto na kahit tanggap ko na, sa isang banda, kinakailangan ko pa rin talaga ng karamay. Naramdaman niyang kinakailangan ko talaga ng karamay.

"Sa totoo lang... nagulat ako sa nalaman ko tungkol sayo. Inaamin kong hindi ko nagustuhan iyon...pero pilit ko iniisip na maaaring may malalim na dahilan ka. Gusto ko lang rin malaman kung sino ang gagong amang pinagbubuntis mo?" seryoso niya pang tanong sa akin.

Saglit kami nagkakatitigan ngunit siya na rin ang nagbawi nang matigilan ako sa naging huling tanong niya.

Alam ko namang hindi maiiwasang maging siya ay tanungin rin ito, syempre uuwi akong buntis, mag-isa, walang kasamang ama, inakala tuloy ng iba na isa akong disgrasyada. Lalo na... sa nalaman nilang ginagawa ko, paniguradong puno rin sila ng katanungan sa akin. Pero ang totoo... ang ama ng dinadala ko ay nakakulong. Sa sobrang daming nangyari sa buhay ko sa ibang bansa, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang simula. Hindi ko lang magawang maamin dahil hindi pa akong handa na isiwalat ang buong katotohanan sa kanila. Nauunahan ako ng takot. Natatakot pa din ako... sa maaaring masabi nila. At hindi na yata makakaya ng puso ko na mahusgahan agad ang mga taong mahal ko.

"Dibale na, sa ibang araw na lang. Hindi kita kukulitin ngayon at alam kong pagod ka." suko niyang sambit nang hindi ako makasagot sa naging tanong niya. "Magpahinga ka muna."

Pinagpasalamat ko na lang talaga na hindi niya ako kinulit at naintindihan niya ang nararamdaman ko.

"S-Salamat..." maginhawa ako napaghinga ng malalim, kahit papaano ay nabawasan ang bigat na naramdaman ko.

"Hindi rin kita pipilitin na pabalikin kina Nanay. Sa ngayon, dumito ka muna. Hayaan na muna natin sila Tatay... hanggang sa humupa na. Hindi natin sila masisisi kaya bigyan natin sila ng panahon. Maghintay ka lang... hindi ka naman nila matitiis-"

"G-Galit na galit sakin si Nanay, dismayado si Tatay kaya malabong—"

"Prina, huwag kang mag-alala. Kung iisipin, kung ako rin ang magulang mo, ganun rin ang magiging reaksyon ko para sa mga anak nila. Marahil ay nagulat, at nagalit sila pero alam kong darating din ang araw na hindi ka rin nila matitiis... pamilya mo kami. Kahit na hindi mo pa sinasabi sa'kin ang lahat... uunahan ko na, mauunawaan kita. Basta... wag mo na ulit uulitin 'yon. Huwag ka ng bumalik... sana 'di na maulit 'yon at magtanda ka na. Magbagong buhay ka na... may anak ka na..." marahang sambit niya habang tinatapik ang balikat ko at nakakunot na umiwas ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung luha ba iyon na nakikita kong kislap ng mata sa Kuya ko, dinig ko ang malalim niyang singhap at tipid na nakangiting lumingon muli sa akin.

Hindi ko alam na kahit maganda naman ang sinasabi sakin ni Kuya Premi ay mas lalong nasasaktan ang loob ko. Hindi ko inaasahan na ganito kalawak ang pang-unawa niya pagdating sa akin.

Mas lalong tumindi ang pagiging emosyonal na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya.

Sa pag-iinit ng bawat gilid ng aking mata, hindi ko maiwasang mamuo muli ang luha ko sa gilid ng mata ko. Agad akong suminghap ng malalim upang pigilan muli ang maiyak.

"P-Pasensya ka na, Kuya. Sa totoo lang, hiyang-hiya na ako sayo. Hindi ko na alam kung ano ang imumukha ko. H-Hindi rin naman sakin madali na humarap sa inyo na ganito ang sitwayon ko pero kasi..." kinagat ko ng mariin ang aking labi at bumuntonghininga ng malalim. "Sobra akong nahihiya sayo... sa inyo... patawarin niyo ko..." pumiyok ang boses ko sa huli.

"Tama na ang iyak. Makakasama 'yan sa pagbubuntis mo..." nag-aalala niyang sambit kasabay ng pagpunas niya ng luha sa aking pisngi.

Pumikit ako ng mariin at mas lalong nainis dahil imbis na tumahan ay lalong namalisbis ang luhang pumutak sa pisngi ko.

Napabuntonghininga siya ng malalim at hindi na nagsalita pa.

"Magpahinga ka na. Nagluto ako ng pagkain." bilin niya at saglit na tumayo sabay pasimpleng nilapat at tinapped ang ulo ko. "...ikaw... hahayaan kita kung kailan ka magsasabi kapag handa ka na, okay? Wala ka dapat alalahanin, ako na bahala muna sayo sa lahat."

Tumango ako sa kanya.

"Magsabi ka sakin kung may problema at kailangan ka, ha? Wag kang mahihiya." paalala niya. "Magpahinga ka na pagkatapos mong kumain. May aabalahin muna ako." aniya at tumalikod sa akin.

"Trabaho?"

Tipid niya akong nginitian at tumango sa akin.

Saglit niyang inalis ang salamin at pinunas gamit ang dulo ng suot na damit nito. Malaki na talaga lalo ang pinagbago ng Kuya ko, halatang... asensado at mukhang may mataas na pinag-aralan.

"Salamat, Kuya, ah?"

"So... tutal hindi ka na naman pala babalik, ano ang plano mo ngayon?" biglang tanong niya.

"Hmm..." saglit akong napaisip at tumingala sa kanya. "Marami, Kuya, pero sa ngayon..." tumungo ako at marahang ngumiti habang hinihimas ang namumukol na tiyan ko. "Ang anak ko muna ang uunahin ko."

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "Kung anuman ang plano mo... susuportahan at aalalayan kita. Wag kang mag-alala, hindi ko kayo pababayaan ng anak mo."

Sa naramdaman ko ng kawalan ng pag-asa, hindi ko maiwasang pasalamatan pa rin ang Diyos dahil hindi niya ako hinayaan muling mag-isa. Hindi na ako nag-iisa. Dahil alam kong... may kasama na ako.

Habang pinagmamasdan ko ang tiyan ko, marami na agad pumapasok sa isip ko. Matagal na rin nung huli kaming nagkita. Tama nga hinala ko na nagpakulong siya at pinagbayaran ang mga kasalanan niya. Hindi ko alam kung hanggang saan siya dun tatagal kaya kahit na hindi ko maiwasang mainip, maghihintay pa rin ako. Nung nalaman kong buntis pala ako, labis ang tuwa ko, nalungkot din dahil alam kong hindi niya nasasaksihan ito, kaya matagal ako nagdesisyon bago bumalik sa Pamilya ko. Dahil gusto ko na rin matahimik ang aking buhay at ang magiging anak ko...

Inaamin ko, hindi ko maiwasang masabik na sana... sana bumalik na ang taong hinihintay ko... sana bumalik ka na...at hindi na ako makapaghintay na mabuo kami pagdating ng araw katulad ng huling pangako niya.

Pinanghahawakan ko pa rin iyon kahit matagal na. Nagtitiwala pa rin ako sa kanya. Mabalis naman ang panahon... Pumukit ako ng mariin at paimpit na nanalangin kundi sana... sana bumalik na siya.

Kaya anak, kahit na namimiss ko na ang Tatay mo, wag kang mag-alala, nandito pa naman ako at ang Tito mo. Kami... ako muna bahala sayo, anak. Hihintayin ko ang ama mo. Babangon tayo anak. Aalagaan kita. Ibubuhos ko ang pagmamahal na nararapat sayo. Hindi kita pagkakaitan. Ako ang kakampi mo. Mahal na mahal kita... anak ko.

I may be not a very kind person, but I will make sure that I will treat my child well. Hindi ko ipaparamdam sa kanya ang mga naramdaman ko noon, bagkus ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal na gusto kong pagmamahal noon sa pangungulila ko bilang anak. At ngayong magiging isa na akong ganap na ina, ako na lamang ang tutupad niyon sa magiging anak ko. Nakulangan man ako sa pakiramdam ng pag-aruga, atensyon at pagmamahal, ibubuhos ko na lang ito sa magiging anak ko. Pero kung sakali man na magkaroon ako ng pagkakamali, lagi kong iisipin ang pakikinig, pag-intindi, at pagpapatawad.

Totoo pala na kapag naging ganap ka ng isang Ina ay gagawin mo ang lahat para sa kanilang anak. Hindi mo iisipin ang mga pagod, mas lalo kang natiya-tiyaga, mas lalo kang nagiging determinado sa mga bagay at patuloy na nagsisikap, kahit na tanging ako lamang ang nagpapalaki sa anak ko. Mahirap man at maraming responsibilidad, totoo pala yung makita mo pa lang ang anak mo ay nawawala na ang pagod mo. Yung makakaya mong unahin ang anak mo sa lahat ng bagay.

Wala akong sinayang na sandali at ibinuhos ang sarili sa pag-aaral. Sa kagustuhan na may maitapos, bumalik ako sa pag-aaral nang iniluwal at lumaki na ang anak ko. Nagdesisyon akong magtuloy sa kolehiyo at sa awa na Diyos ay nakapasa naman ako. Kaya kahit patung-patong na ang responsibilidad, pagiging ina at pagiging estudyante, kahit na madalas ay busy ako, hindi naman nawala ang matutok ko ng atensyon ang anak ko at turuan ng magandang bagay.

It's been a year. With all that I've been through, it's as if I've just been able to breathe easily in everything I do.

Kahit na nakakapagod, sige pa rin. Natuto akong iignora ang mga taong mapanghusga sa akin, aminado din naman ako sa klase na isa na akong Ina kahit na nag-aaral pa, laking gulat ko nga na hindi naman iyon big deal sa kanila bagkus ay mas humanga pa sila sa akin. Marami kasing kaso na tulad ko, na kapag nabubuntis ay hindi na itinutuloy ang pag-aaral. But I am different, and now that I have a child, I am more determined and more careful in my decisions. I just want to ... make sure that I can also live with my child even if I am alone.

Halos puro pag-aaral at anak ko na lang ang inaatupag ko. At hanggang ngayon... kahit na nanganak na ako't lahat, hindi ko pa rin kayang harapin ang magulang ko.

"Lagi kang tinatanong sakin nila Tatay at Nanay... kailan mo ba balak bumalik sa bahay? Kahit bisita man lang..." minsan ng naitanong sa akin ni Kuya.

Sa isang banda, kahit papaano, natutuwa naman ako na simula ng iniluwal ko ang anak ko ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagtanggap ng magulang ko sa anak ko. Hindi nga lang ako sigurado kung napatawad na ba nila ako... Kaya lang... para bang may kung ano pa ring nakabara sa puso ko na kahit anong pilit na limot ko, hindi pa rin maalis-alis... ang pagtatampo... at sama ng loob.

Napabuntonghininga ako ng malalim sa sinabi ni Kuya. "Sinabi ko naman sayo, Kuya, diba?"

He rolled his eyes and put his tongue out. Para bang maririndi na naman siya sa magiging bukambibig ko sa paulit-ulit din naman na tanong niya. Isa lang naman ang gusto ko: haharap lang ako kapag kumpleto na kami ng anak ko.

"Ang tagal na, Prina. Baka naman hindi na babalik 'yon-"

Pumikit ako ng mariin. "Babalik siya, Kuya." pilit ko.

"Kapag talaga naharap ko ang kanong 'yon, susuntukin ko 'yon!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Oh, bakit? Sigurado ka bang may maaasahan ka pa don? Ano bang klaseng tao yun? Mahal ka ba talaga non o pinapaasa ka lang-"

"Mahal niya ako, wag mo 'kong inisin!" sa kabila ng iritado kong sagot ay hindi ko maiwasang mag-alala.

Sa tagal ko ng nanatili sa condo ng Kuya ko, paminsan-minsan rin ay bumibisita ang bunsong kapatid ko na si Chichi, pati na rin si Tatay para magdala ng pagkain kahit na alam kong... pinaaabot lang din ni Nanay. Tanging si Kuya lang, si Kuya lang... ang pinagkwentuhan ko tungkol sa lalaking ama ng anak ko. Hindi man detalyado, pero sapat na yung may ideya siya tungkol sa lalaking mahal na mahal ko.

"Hindi ko sinasabing wag kang maghintay... pero baka naman sa paghihintay mo umasa ka lang... sa kanya mo pa talaga pinangalan at ginamit ang apilyedo ng kanong iyon sa anak mo—"

"May karapatan naman siya at siya ang ama—"

"Pero kahit na. Baka sa huli masaktan ka lang... lumalaki na rin ang anak mo... mas masakit yon sa pamangkin ko kapag nagsimulang magtanong na 'yun kung nasaan ang ama niya." may punto niyang sagot.

Pasalampak ako umub-ob sa aking study table, sa kakadada niya sa akin mula kanina habang gumagawa ako. Pakiramdam ko naghati-hati na ang mga utak ko sa mga bagay-bagay. Nakakapagod. Halos mapakurap ako sa labis na antok habang nagtitipa sa laptop para sa paghahanda ng magiging presentation ko bukas. Agad naman ako nauntag nang biglang umatungal ng iyak ang anak ko habang tinatawag ako mula sa kama.

"Heirinch, anak... busy pa si Mama," sa kabila ng pagod na nararamdaman ay tumayo ako at umunat saglit, mabilis na dinaluhan ang anak at agad na kinarga ito, patuloy sa pagpapainom ng gatas hanggang sa makatulog ulit.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang anak ko. Napanguso ako na habang lumalaki ang lalaking anak ko ay wala man lang namanang mukha sa akin. Para bang carbon copy siya na baby version ng mukha ni Heimlich. Parehas ang tangos ng ilong, kurba ng labi, lalo na ang kulay ng kanyang mata. Maging ang kutis nito at kulay ng buhok ay kakaiba. Kuhang-kuha talaga...

Naging maselan rin talaga noon ang pagbubuntis ko sa kanya, at emosyonal ako, at mas dumadalas pa nga ang pagiging maintin ng ulo ko noon. Laking pasalamat naman ako sa Kuya Premi ko na kahit anong toyo ko ay nagagawa niyang ma-handle ang ugali ko. Para bang siya na ang tumayong Tatay sa aming mag-ina.

"Alam mo, imbes na ako ang alalahanin mo, mag girlfriend ka na. Sayang ang kapogian mo, ang tanda mo na, puro ka trabaho!" ungos ko kay Kuya na abala sa kanyang laptop habang nakaupo sa sofa.

Linggo ngayon, wala siyang ibang ginawa kundi tumambay, ni hindi man lang mamasyal o gumimik kasama mga kaibigan. Pansin ko na parang hindi rin ito mabisyo lalo na sa pag-iinom, ni paninigarilyo nga ay hindi. Parang... ako pa yata mas mabisyo sa kanya noon.

Parang routine na lang rin ang nangyayari, madalas ay salitan rin kami sa pag-aalaga ni Kuya sa anak ko. Kapag hindi siya busy, siya ang nag-aalaga nito. At syempre dahil may trabaho si Kuya at pumapasok ako, madalas parehas ay wala kami, mas madalas ay si Chichi talaga ang nagbabantay sa anak ko kapag bumibisita sila ni Tatay. Oh kaya minsan... dadalhin naman nila ito sa bahay at saka babalik pag-out ko na sa hapon. Hindi naman ako ganun kasama... para ipagkait ang anak ko sa pamilya ko...

"Sakit lang sa ulo 'yan. Mula ng mabuntis ka, parang nagdalawang isip na ako mag-asawa." aniya habang patuloy ito sa pagtitipa.

"Bakit naman?"

"Alam ko na pakiramdam maging ama-amahan. Ang mahal din ng gatas." tipid niyang sagot at napabuntonghininga ng malalim, alam ko namang pabiro lang iyon kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Aba't ganun talaga! At FYI lang no, hindi naman ako humihingi ng kahit singkong duling at gastusin sayo—"

"Pa'no, ikaw itong tumatanggi." reklamo pa niya. Hindi ko talaga maintindihan kung alin ang mas inirereklamo niya.

Tumaas ang kilay ko. "Eh kasi, may ipon rin naman ako. T'saka... may pera ka na, iba na ngayon, hindi noon, hindi mo na iisipin ang presyo kapag nagkaanak ka na. Mayaman ka na, pwede ka na rin mag-asawa..."

Umiling lang siya sakin at hindi iniintindi ang mga sinasabi ko. Sa laki niyang tao at ganap ng abogado, ako lang yata nakakakita ang pagiging isip bata nito minsan.

"Wag kang mag-alala, kapag nagtapos ako, lalayas na kami ng anak ko. Bubukod na kami para naman hindi kami mapagkamalan ng mga may gusto sayo na kami ay mag-ina mo-"

"Magtigil ka nga, Prina!"

Tinawanan ko siya. "Tiis-tiis ka lang muna, Kuya, ah? Kasalanan mo rin naman kasi, eh. Bakit kasi hindi mo nililinaw sa mga nagkakagusto sayo na kapatid mo ako at hindi asawa?"

"Mapapansin naman nila 'yon-"

"Tanga! Eh hindi nga tayo sobrang magkamukha! Naturingan kang abogado, ang hina mo naman! Kaya ka nilalayuan, eh! Walang kwenta talaga yang kagwapuhan mo!"

He just sighed at napailing na lang sakin.

Napangiwi na lang ako. Sa isturahin pa lang ng Kuya Premi ko, kahit na mukhang seryoso, parang nakikita ko malakas talaga siya sa mga kababaihan. Minsan nagugulat na lang ako na iba-iba ang babaeng pumupunta sa condo niya. Laging excuse ay tungkol sa trabaho, pero ang totoo ay nagpapapansin lang sa kanya. Masyadong seryoso sa buhay ang Kuya ko kaya kahit ang pakikipagrelasyon o asawa ay wala pa sa isip niya.

Sumalampak ako ng sa working chair sa pananakit ng likod ko. Maginhawa akong huminga dahil sa wakas natapos ko na rin ang school works ko. Nilingon ko ang likod at nakita kong tulog na ang anak ko sa kama, si Kuya mas nauna na yatang natulog sa akin. Hindi ko alam, magkabukod ang kwarto namin sa kwarto niya. Hindi ko na rin namalayan na madaling araw na pala.

Huminga ako ng malalim.

Katulad ng palagi kong ginagawa, sinusubukan kong mag-online para makausap siya. Paminsan-minsan na lang kami nagkakausap sa tulong ni Martino. Swertehan na lang dahil hindi naman ara-araw ay magkausap kaming dalawa. Hindi rin naman kasi madalas bumisita roon si Martino. Mas madalas na tumawag talaga sa akin ay si Mari para kamustahin ang kalagayan ko.

Ganun palagi ang nangyayari sa pagdaan sa loob ng tatlong taon, mula sa pagbubuntis ko, iniluwal at unti-unting lumalaki ang anak ko. Sa sobrang pangungulila ko sa presensya niya, hindi ko maiwasang maiyak na lang sa inis dahil sa sitwasyon naming dalawa. Kailan ba siya susulpot sa harapan ko? Araw-araw, kapag iniisip ko siya ay lalong tumitindi ang kirot sa puso ko.

Lalo na at saglit pa kaming nagkakausap dalawa. Hindi ko alam kung kailan siya makakalaya. Disyembre na at malapit na rin ang magpasko. Araw-araw, ganun pa rin ang hiling ko, matupad yung ipinangako niyang... babalik siya. Ang makasama lang namin siya ng anak ko ay sapat na.

"Miss na kita... miss kita lagi... gustung-gusto na kitang makita... miss na kitang hawakan... halikan... miss ko ang lahat sayo, Heimlich. Namimiss mo rin ba ako?" nangungulila kong sambit sa kanya na kahit magkalayo kaming dalawa ay panay hawak ko sa screen na para bang ramdam na ramdam ko siya.

But it seemed so hopeless again that as I saw him on the screen, coldly staring at me, he could easily say things I didn't expect.

"Hayaan mo na ako, wag ka ng maghintay." ang nakapagpatigil ng tibok ng puso ko.

Malalim akong napalunok sa gulat. Ilang beses pa akong kumurap. Paulit-ulit akong napailing, para bang binabangungot lang ako at hindi siya itong nakakausap ko, kahit na naluluha ay nagawa ko pa rin matawa. Bakit niya sinasabi ito? Hindi naman ako naiinip, 'diba? Hinihintay ko pa rin siya.

Palagi ko siyang pinapaalala na siya lang... siya pa rin... walang iba... ganun din siya sakin... masaya pa kami nung nakaraang usap namin...

Pilit ko pa rin kinukumbinsi ang sarili na panaginip lang ito. Hindi naman siya ito. Hindi ito totoo. Alam na niyang may anak kami. Alam ko rin kung gaano siya kasabik na makita niya kami ng anak ko! Hindi siya ganun kahayop at kairesponsable. Tama! Baka sa sobrang pagpupuyat lang ito o kaya kinukulang ako sa dasal kaya pangit ang nagiging panaginip ko!

"H-Hininhintay ka namin ng anak mo, ano bang pinagsasabi—"

"Eh, ayoko na, eh. Anong magagawa ko?" aniya sa walang ganang boses.

"Nagbibiro ka lang, 'diba—"

"Pwede ba, Prina. Pagod ako ngayon—" aniya at nagawa pang humikab ngunit pinutol ko.

"Ako rin naman, ah! Anong tingin mo sakin, hindi rin napapagod!? Pagod din ako, Heimlich! Pero 'di ako nagsasawang kausapin ka at hintayin ka! Pagod din ako, tapos ito pa maririnig ko sayo!? Sawa ka na ba? Nawawalan ka na ba ng gana sakin? M-Mahal mo pa ba 'ko?" sa gitna ng prustrasyon kong nararamdaman ay ramdam ko ang panunubig ng mata ko, agad kong pinunasan iyon habang masama siyang tinitingnan.

Dahil masama ang loob ko!

Humigpit ang pagkamao ko sa ikinakikilos at pinagsasabi niya. Lalung-lalo na sa reaksyon niyang nakakairita. Parang wala lang sa kanya, nagagawa niya pang humikab na para bang hindi na talaga siya interesanteng kausapin ako!

"At anong magagawa mo?" hindi makapaniwala kong sambit at halos mabaliw ako at napatawa sa sarili.

At ang tanging naiisip ko lang sa taong 'to... na matapos na buntisin ako, pinangakuan, at halos matagal na hintayin ko ay pagsasawaan lang pala ako.

Napaka gago niya!

"Ayaw mo na ba?" paninigurado ko. Suminghap ako ng malalim, halos maramdaman ko ang init sa ilong ko ng bumuntonghininga ako.

Hindi siya sumagot at tumungo lang. Para bang sa paraan na iyon ay iyon na ang naging sagot. Kasi kung tutol siya sa sinasabi ko, hindi niya ako hahayaan na mag-isip ng ganito!

"Fine! Putang ina mo! Hindi ka na namin kailangan ng anak ko!" bago ko pa madinig ang mga susunod na sasabihin niya ay pinatay ko agad ang tawag at sumalampak sa kama.

Agad kong tinabihan ang natutulog na anak ko habang tahimik na naiiyak.

Hindi ako makapaniwala na sa loob ng mahabang panahon ay masasayang lang ang lahat! At hindi ko rin alam kung bakit sa sama ng ugali niya ay nagawa kong magtiis at mahalin pa ang tulad niya!

Gago na, sinungaling pa!

Fine! Kung sawa na siya, sawa na rin ako! Hindi ko siya kailangan sa buhay ko at makakaya kong buhayin at palakihin ang anak ko ng mag-isa... tang ina niya!

Tangina niya'ng talaga!

P I E D R A I J A D A 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro