Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 64


Hindi pa rin magsink-in sa utak ko ng maayos ang sinabi niya. Maraming pumapasok sa utak ko at hindi ko mahanap para lalo kong maintindihan. Oo, alam kong matindi siyang tao, nakilala ko na agad siya kung gaano kalupit na tao, kung gaano kadali lang rin para sa kanya ang kumitil ng buhay nang ganun na lang, naging saksi ako roon at napakita na niya sa akin mismo sa mga mata ko, ngunit ang mas hindi ko inaasahan ay mapapatay niya ang sarili niyang... ama.

Paano?

Paano niya nagawa iyon? Hindi ko maiwasang isipin na... oo nga't maaaring meron siyang hinanakit at sama ng loob sa kanyang ama, ngunit wala na ba talaga siyang natitirang pagmamahal sa kanyang ama?

Ano ang naging dahilan upang umabot sa puntong napatay nga talaga niya ang ama niya?

Inaamin ko na halos isumpa ko na ang kanyang ama dahil sa kahayupang ginawa niya sa akin, ngunit kahit na sagad sa buto ang galit ko sa matandang 'yon, kahit na gusto ko siya halos patayin, hanggang sa isip ko na lamang iyon. Maaaring nagalit nga ako ngunit kahit na mag-isip ako ng masasama tungkol kay Ilyas, laging humahantong sa malabong mangyari dahil aminin ko man o hindi, napakamakapangyarihan niyang tao. Ang isang tulad ko na mababang uri ay walang sapat na lakas para banggain ang mataas na tulad niya na alam kong lalong ikababaon ko.

Na kahit pati sa sobrang galit ko sa kanyang ama ay hanggang doon na lamang iyon.

Isa rin ito na isa sa mga dahilan kung bakit labis rin ako nagalit kay Heimlich noon... na nagawa niyang panigan ang kanyang ama nung panahong hindi niya ako pinakinggan... siya lang ang inaasahan ko na mapoprotektahan niya ako ngunit hindi ko rin naman siya masisisi dahil sarili niyang mismong ama ay binilog at nilason ang utak niya.

Naisip ko rin... sinubukan kong at inisip na... ilagay ang sarili sa sitwasyon niya. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya magagalit rin ako ng husto lalo na kapag napaniwala ka pa sa pekeng ebidensya. Baka nga isumpa ko pa siya.

At hindi ko nga lang alam kung paano niya tuluyang nalaman ang katotohanan.

"W-Why..." halos walang boses na sambit ko. Sa panghihina at pagkabalisa sa nalaman ay hindi ko na maituloy ang aking sasabihin.

"Want to know the truth? I'm telling you all the truth now..." naging malamig ang tinig niya sa akin, hagip ng gilid ng mata ko ay tulad niya, nakatulala rin siya mukhang may malalim ding naiisip.

Sa sinabi niyang iyon, hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano. Maraming masasamang emosyong kumakapa sa puso ko. Ang dami ring sumasagi sa isip ko, sa Tatay niya... sa lugar nila... lalo na siya. Natatakot talaga ako, oo. Pero alam naming dalawa na hindi namin pwedeng talikuran ang katotohanan. Dahil minsan, nasira na rin kami ng kasinungalingan. Nasira kami dahil sa hindi naming pagkakaintindihan at hindi pinakinggan ang isa't-isa. At hindi ko alam kung ano ang maaari niya pang mailapag sa akin na katotohanan gayong nagulat ako sa kanyang ibinalita, ngunit alam kong... kailangan kong maging handa. Kailangan kong tatagan ang loob ko kahit na sa sinabi niyang ito ay labis na nakapanghihina at nakapagpapaalala sa akin.

"K-Kung... anuman ang sasabihin mo. Tandaan mo na hindi magbabago ang tingin-"

"Oh, that's bullshit, Phryne. Please, wag mo nang ituloy ang sasabihin mo para lang gumaan ang loob ko at masabi sayo ang totoo. I can't accept what you say just so I won't be offended by telling the truth. Dahil alam kong sa oras na isiwalat ko sayo ang katotohanan... magbabago at magbabago pa rin ang tingin mo sakin."

Sapul sa puso ko ang pagkakasabi niya. At hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa kanya habang pinagmamasdan siya.

"H-Heimlich... minahal ko ang lahat sayo. Hindi kabawasan sa pagmamahal ko-"

"You're crazy." pait siyang natawa na para bang isang malaking kalokohan ang narinig niyang ito sa akin. Napalunok ako nang lumingon ako sa matalim niyang mata. "I killed my father, Phryne! Do you hear me? I killed my father and that's something very u-unacceptable... Hindi ka ba natatakot sakin? I'm a monster. I feel like even hell will fucking throw me up because of the terrible sin I've fucking committed..." anito at napiyok ng humarap siya sa akin.

Natigilan ako nang magtama ang aming mata. Nakakunot ang kanyang noo, halu-halo ang emosyon na mga nakikita ko roon, lungkot, galit... habang nangingislap ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit habang tinititigan ko siya ay natatakot... at nasasaktan ako para sa kanya. Natatakot dahil... hindi ko alam kung ano pa ang maaaring maraming nangyari na isisiwalat niya sa akin... nasasaktan, dahil hindi ko man lang naisip na maaari niyang napagdaanan nung mga panahong wala ako sa tabi niya.

Napahinga ako ng malalim. Ramdam ko ang agarang pamamahapdi ng gilid ng mata ko, na kumalat papunta sa ilong at buong mukha ko sa awang naramdaman. Sa sitwasyong pinagdadaanan niya, wala akong ibang mas maisip kundi,

"H-Heimlich, are you in pain? Tell me... what did you go through when I left?" mapagsumamo ko siyang tinanong na ikinapikit niya ng mariin habang mahigpit na umiiling sa akin.

"You don't know what I went through when you weren't by my side ..." paos ang boses na naitugon niya. Mahihimigan ang pagod at sakit na naririnig ko mula sa boses niya. "Ayoko mang sabihin 'to... pero ayoko nang magsinungaling sayo."

Hindi ko naiwasang maiwaksi sa isip ko mga nakaraang nangyari... nung unang beses kong nakitaan ng panghihina habang nagmamakaawa sakin. Na kailangan pala niya ako nung mga oras na 'yon...

"Sabihin mo lang sakin. Dahil... andito pa rin ako. Ibuhos mo... lahat."

"I fucking killed my father... I killed my father, Phryne..." anito na parang namimighati, hindi alam kung galit at parang may halong pagsisisi. "Aren't you afraid of me? Pinatay ko ang ama ko. Masama akong tao."

Napalunok ako at bumuntonghininga ng malalim. "B-Bakit ako matatakot sayo? Sa tingin mo ba... hindi tayo aabot sa ganito, na sasama ako sayo kung mas nangingibabaw ang takot ko sayo? Maaaring natatakot nga ako. Pero hindi sayo, alam kong hindi mo ako magagawang saktan ng husto. Sa totoo lang ay mas matatakot ako... sa magiging sitwasyon nating dalawa dahil mas nangingibabaw sa akin ang pag-aalala ko para sayo." nag-aalala kong sambit sa kanya.

Dahil alam kong maaaring... mas nasasaktan siya sa aming dalawa. Pakiramdam ko, labis-labis ang nadanas niya nung wala ako. At ang malaman ang pagkamatay ng kanyang ama at siya ang naging dahilan... alam kong triple ang sakit niyon para sa kanya bilang isang anak. Dahil kahit hindi man niya ulitin, naalala ko pa rin kung paanong... may kaunti pa ring siyang pagmamahal na natitira sa kanya ama nung panahong 'yon. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay...

"You know what? I still have something I haven't told you yet. "

"Heimlich..." malalim akong napalunok, sa pait ng bumabalatay sa kanyang mukha ay para bang may naalala siyang katawa-tawa pangyayari sa isip niya.

"Do you know why my mom... Yelena died?" tukoy niya na tumayong Ina at nagpalaki sa kanya kahit hindi siya kadugo nito.

"B-Bakit?"

"Sya rin ang dahilan ng pagkamatay ng ina ko."

Umawang ang labi ko. Lalong namuo ang luha ko nang titigan ko ang mapait na itsura niya.

"Heimlich..."

Sa paghinga niya ng malalim ay ramdam ko ang pamumugto sa kalooban nito. Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano siya aluin habang isinasawalat niya sa akin ang pangit niyang nakaraan. Para bang mas naging emosyonal ako sa aming dalawa ngunit pilit kong itinatago. Ano ang manyayari kung pati siya ay pakikitaan ko rin ng panghihina? Kailangan niya ako... kaya dapat ako ang umaalo sa kanya pero bakit ang mas lumalabas ay siya pa ang umaalo sakin?

Ang sakit.

I didn't know that it would be such a pain that you would be affected when you find out the bitter experience of the person you love.

Na sana... sana pala sa kahit anong pananaboy niya ay nagmatigas ako. Na sana nanatili pa rin ako sa kanyang tabi para hindi siya nagdusa ng nag-iisa. Pero ano ba ang alam ko?

Parehas lang kaming nasaktan... hindi... akala ko ako lang ang mas nasasaktan. Ang hindi ko alam ay parehas pala kaming may pinagdadaanan nung mga oras na yon. Hindi ko alam na sa mga oras na galit na galit ako sa kanya ay may pinagdadaanan na pala siya. Parang hindi ko na yata kakayanin na habang nasasaktan ako sa ginawa niya ay mas masasaktan din ako habang nakikita ang mga dinadanas niya.

"Yes. You heard it right. Ilyas killed his own wife. Died from poisoning and it was very ... very painful for me to think because I witnessed how he did it. How he gradually killed the loved one in my life. N-Nakita ng dalawang mata ko... siya na nga ang naging dahilan ng pagkamatay at paghihirap ng tunay kong ina, mas hindi ko naman inaasahan na siya rin ang magiging dahilan ng pagkamatay na tumayo sa aking ina!"

"Heimlich..." umiiling na nagsisimula akong mapaimpit ng iyak sa kanya.

Parang hindi ko na kakayaning marinig pa ang mga sasabihin niya. Kung ganitong sobrang sakit na ang nararamdaman ko ngayon, paano na ang nararamdaman niya?

Umiiling siya habang napapasabunot sa sarili buhok sa labis na prustrasyong nararamdaman. Pulang-pula ang kanyang mukha na para bang lalong sasabog ito sa galit.

Ilyas... hindi ko maiwasang kahit patay na ito, ay gusto ko siyang sisihin. Sya ang naging dahilan kung bakit nagkaganito ang anak niya. Sinisisi ko si Ilyas, ang ama niya, dahil parang hindi man lang siya naging mabuting ama sa kanyang anak. Nagkaroon ng kakulangan sa pagmamahal... namuhay na may dinadalang hinanakit... ang bangungot ng kanyang nakaraan... tapos ngayon...

"Damn it! I'm just standing there, doing nothing. Ni hindi ko man lang siya naprotektahan! Matagal kong kinimkim at nagbulag-bulagan sa lahat! Pinilit ko siyang patawarin sa kabila ng kasamaan niya, sinunod ang mga inaatas niya sa akin, baka sakaling magbago siya. Ngunit nang matanto ko at maulit pa niya ang pagkakataon na saktan ang pinakamamahal ko... ikaw... hindi ko matanggap... dun ako nasagad kung bakit ko napatay ang ama ko!"

"Heimlich..." sa nanginginig kong boses ay tuluyan na nag-unahang dumaloy ang maiinit na likido sa pisngi ko.

Sa pamumula ng kanyang mukha ay kita ko ang patulo ng kanyang luha sa pisngi habang nanghihinang nakatingin sa akin. "Hindi man lang kita naprotektahan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo dahil nabulag ako sa galit ko. P-Phryne... p-patawarin mo ako sa ginawa ng ama ko sayo. Mauunawaan ko kung magbabago ang tingin mo sakin-"

"H-Hush, please... I-I'm still here... I'm still here... I'm still here... I'm still here..." alo ko sa kanya sa kabila ng panlalabo ng mata ko ay naaningan ko pa rin ang malalim at walang tunog, ang malamig na pagluha niya. Hanggang sa hindi ko naiwasang kabigin siya palapit at idinantay ang ulo at ipinatong sa dibdib ko habang niyayakap siya ng mahigpit.

"I-I don't know what to do... sagad na sagad na ako... pagod na pagod na ako sa kahayupan ng ama ko... patawarin mo ko, Phryne... gusto ko ng matapos ito... sa paraang alam ko na hindi na niya tayo magugulo at sa mga taong susunod na mabibiktima niya. Kilala ko ang ama ko, hindi niya tayo titigilan... hindi ko na makakayang madagdagan pa ang pagsira niya ng buhay ng iba."

"H-Heimlich... hindi ko alam kung ano ang mga nadanas mo nung lumayo ako pero alam ko... nasasaktan ka rin... patawarin mo rin ako, Heimlich. H-Hindi na ako aalis sa tabi mo... hindi na... nandito lang ako..."

Pag-alo ko sa kanya. Ngunit hindi ko maiwasang mag-alala sa pangyayari.

He killed his father. Pakistan's rulers, a king. They are well-known throughout the world and are members of high societies. This means it's a major scandal in their country, especially since Heimlich is a prince. What will the public say when they learn that their son's father was murdered? Murdered by his own son...

This is definitely a big scandal. It is also a big controversy, especially with the big name of Sanjrani. There could be a big crack and damage to his name by the time the truth explodes. At 'di ko maiwasang maisip na... maaaring maipit si Heimlich. Maaari siyang makulong! Tugisin ng mga pulis! Hindi kaya...

"I-I want you to be honest me... kaya ba nandito tayo ngayon dahil..."

"Yea... para makasiguro na ligtas tayong lalayo."

"P-Pero-"

"Wala pang nakakaalam na ako ang pumatay sa ama ko. Maraming naniwala na iba ang pumatay sa kanya. Para makasiguro na walang maghahabol sa atin kung sakaling hulihin tayo ng mga pulis..." aniya na parang nabasa niya ang aking naiisip.

Ibig sabihin ay planado niya talaga ito? K-Kaya ba... nagdalawang isip din siya na isama ako dahil rito? Ang isiping iyon ay lalo kong ipinagpaalala sa kanya. Magaling at malupit siyang tao, pero hindi ko alam kung hanggang saan ang pagiging malupit niya sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung may hangganan ba ito. At yun ang mas ikinakatakot ko sa kanya.

At hindi ko rin lubos na maisip na... maaaring makukulong siya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Halu-halo na ang nararamdaman ko. Parang hindi ko yata kaya na makulong siya. Pero isa lang ang tanging solusyon na ayon sa naging plano niya... alam kong mali pero gusto ko ng magpakalayo kami at magbagong buhay. Mamuhay ng simple. Ang samahan siya at iparamdam na hindi siya nag-iisa.

Kaya mananatili pa rin ako sa kanya.

Kung saan man kami... bahala na... basta sasamahan ko siya.

"P-Paano na lang ako kung sakaling hindi kita nasagot?"

"Phryne..."

"Paano na lang kung hindi kita naabutan? Baka mag-isa kang nagdudusa, humaharap at lumalaban. P-Paano ka na lang kung..." hindi ko na maituloy ang sasabihin at pagpipigil na huwag maiyak. Pakiramdam ko ay mamamaga na ang mata ko sa hilam ng pagluha ko dahil sa nalaman ko ang pinagdaanan niya.

"I'm sorry, Heimlich... I'm sorry kung nadagdagan ang pagdudusa mo nung tinaboy kita. H-Hindi ko alam na kailangan na kailangan mo pala ako... hindi man lang kita hinayaang masandalan ako nung oras na sinabi mong kailangan mo ako—"

"Ssh... stop crying," humigpit ang yakap niya sakin habang marahan niyang hinahaplos ang mukha ko nang nakatingala siya sakin. "Makinig ka, naiintindihan ko. Sapat na sakin yung tinatanaw kita noon... kahit galit ka sakin.. sapat na sakin 'yon, Phryne. Sayo na lang ako humuhugot ng lakas."

Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang maimahe sa utak ko kung gaano siya nag-iisa habang iniinda ang sakit na pinagdadaanan niya. Parang nadudurog ang puso ko habang nakikita ang mga bakat na sugat niya. Maaaring parehas kaming nasaktan, sa dami ng mga nangyari, kung pagkukumparahin, wala pa sa kalakingkingan ko ang sakit na naramdaman ko sa nararamdaman niya ngayon. At gusto kong... pagsaluhan siya para mabawasan iyon.

Ang hindi ko na siya hayaang mag-isa.

"Heimlich..."

"Hm?"

"Naging masaya ka ba sakin noon, kahit sa maikling panahon na nagkasama tayo?"

Tinitigan niya ako at tipid ko siyang nginitian.

"Kasi hindi ko inaasahan na magagawa mo akong mahalin ng husto... ganito..." hindi ko pa rin talaga inaasahan, maaaring may pagkakataon na naging mabilis sa amin ang lahat, hanggang namalayan ko na lang na nagmamahalan na kaming dalawa kahit ang pangit ng sinimulan namin noon.

I mean, I admit that he's very attractive guy. Pera lang naging habol ko sa kanya noon, katawan naman ang habol niya sa akin. Pero hindi ko naman inaasahan na hahantong kami sa ganito. May ilang bagay kaming nakayang bitawan para lang hindi kami mag-iwanan. Dito ko masasabing totoo ang pagmamahal niya sa akin... ganun din ako sa kanya.

"Y-Yes..." he tried to sound so calm, kahit na husky ang boses niya. "I was so fucking happy to the point that you're the only woman I want to marry, the only woman I want to be my queen for the rest of my life with." napatingin naman siya sa akin. "How 'bout you?"

My heart flutters when I hear his answer.

My lips rose for a smile at saglit na natulala habang inaalala kung saan kami nagsimula. "Kahit ako rin... Of the billions of uncertain people, I am only sure of you."

Napangiti siya sa akin.

"Are you for real?"

Amused he frowned at me. "Ilang araw na natin dito, walang araw na hindi mo itinatanong yan..." aniya na parang natatawa na sa akin.

Maginhawa akong ngumiti habang nanonood kami ng movie sa malaking sala. Animo'y parang nasa isang maganda kaming bahay lang. At sa baba nito, ay may bonfire upang mabawasan ang panlalamig na nararamdaman.

Sa tatlong araw na kami pamamalagi rito sa ilalim ng dagat, nakasakay sa submarine, walang araw na palagi kaming nagtatalik dalawa, kumakain ng masasarap na pagkain, habang madalas na minamasid ang mga naggagandahang lumalangoy na isda. Sinusulit at bumabawi sa isa't-isa. Ngayon ko lang natanto na mas maganda pala ang view kapag umaga, kitang-kita ang mga coral reefs at iba't-ibang klaseng ng isda habang umaandar ang submarine.

Honestly, I enjoying it here. Totoo pala yung hindi ka malulumbay ng husto kapag kasama mo na ang taong gusto mong kasama. Kuntento at masaya ka na.

Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Dati, malungkot na tinanggap ko ang paghihiwalay naming dalawa. Tinanggap ko na may ibang babae para sa kanya, pero ngayon, kasama ko na talaga siya. Pinatunayan niyang... ako lang talaga. At dun ko natanto na unti-unti ko ng nakikita... napapatawad at nagtitiwala na sa kanya.

"Sana palagi na lang tayong ganito. Mapayapa... masaya... lagi tayong magkasama..." habang nakapikit ay napangiti ako.

At sa pagmulat ko habang nakahiga ako sa pahabang sofa at habang nakapatong ang binti ko sa kanyang mga hita ay hindi ko namalayang malaya niya pala akong pinagmamasdan. Kasabay ng pagtingin ko ay nakangiti siyang napaiwas ng tingin sa akin, tumutok ang mata sa panonood.

"Don't worry, there's no need to be impatient... we'll be there soon." banayad na tugon niya.

"I'm just too excited. Living in a simple life—us."

"Us..." his lips slowly formed to smile. "I have a lot of plans for the two of us, and all I need is your trust, mi adeliade, hm?"

Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya. "I knew I trusted you when I agreed to come with you, Heimlich, and little by little...I... I trusted you again..."

Nagising ako sa kakaibang ingay. Nanuot sa tainga ko na tila mga boses ng maraming tao, animo'y mga nagsisigawan. Tumayo ako sa kinahihigaan ng matanto kong wala si Heimlich sa tabi ko. Sinubukan kong igala ang paligid baka sakaling makita siya. Sa wari ko ay baka lumabas lang saglit. Napagdesisyunan ko namang lumabas ng kwarto, sa ilang araw ko na dito medyo nakakabisado ko na naman ang daan kung paano makabalik sa aming kwarto kahit na anong lawak ng sinasakyan namin dito. Ngunit ganun na lang ang pagkagulat ko sa nabungaran pagbukas ko ng pinto upang lumabas.

Mga nagtatakbuhan, nagsisigawan at mga mukhang nagmamadali. Para bang nagkakagulo. Sunod lang ang tingin ko sa mga tauhan ni Heimlich, gayong diretso lang at tila hindi nila ako napansin o narinig para makapagtanong.

Sa pagkahawa sa pagkataranta, ay hindi ko naiwasang sundan ang yabag nila kung saan papunta. Lakad-takbo ang gawa ko sa tangkad at haba ng biyas nila kung maglakad. Para akong nakabuntot na bata kung saan sila tutungo. Medyo hindi pa naman ganon kaluwang ang daan kaya medyo naiinip ako gayong nahuhuli ako.

Kakaiba at samu't-saring bagay ang nakikita ko sa bawat paligid na nakakabit. Hanggang sa napunta kami sa may parteng dulo, medyo napagod pa ako sa pagsunod sa kanila. Hindi ko naman maiwasang matigilan gayong bumungad ako na napakarami nila, sa dulong iyon ay puno ng mga animo'y bintana para makita ang labas. Kitang-kita ko ang lawak ng karagatan sa labas, na para bang sa parteng kinapupwestuhan namin ay nakaangat ito at hindi nakalubog sa ilalim ng tubig. Sa wari ko ay dito naka destino ang mga chief, captain at ilang mga tauhan dito sa pagpapaandar at kung saan tutungo ang submarine na aming sinasakyan.

Panay tanghod ko sa tangkad nila. Parang may kumusyon dahil tumpukan ang ilang mga armadong lalaking nakatingin kay Heimlich. Hindi ko naman agad magawang makalapit dahil mukhang seryoso ang kanilang mga pinag-uusapan.

"What the hell is that chief?" bungad na sambit na narinig ko mula kay Heimlich, mahihimigan ang iritado at prustrasyon sa boses nito.

Kahit na nakatalikod ito ay kitang-kita ko, nakapamaywang siya habang panay pasada sa kanyang magulong buhok, para bang hindi mapakali. Hindi nila ako napansin dito, kaya malaya ko silang napagmamasdan. At isa pa sa pinagtataka ko, ay isa sa kanila ay hawak nila ang kani-kanilang mga armas. Hindi ko alam kung normal ba nilang bitbit iyon ngayon o--

"Mr. Sanjrani, there is no fucking way out. We are surrounded by armed China. They detonated a bomb and almost hit our ship." ani na isa siguro sa pinaka mataas na posisyong namamahala rito dahil kakaiba ang suot niya sa karamihan.

"There's no way out. The SWAT Team and their NAVY is already surrounding us. We should fire them too." suhestiyon pa ng isa.

"Fuck it..." mariing mura ang narinig ko mula sa kastigo ni Heimlich habang hinihilot ang sentido nito.

"H-Heimlich... what's going on?" nalilito ay nakalimutan kong napapalibutan pala kami ng maraming tao.

Lahat sila ay napalingon sa akin. Bakas ang gulat sa kanyang mata at mukhang hindi makapaniwalang nakita niya ako rito. Napakunot siya saglit at pumikit ng mariin, taas-baba ang kanyang dibdib sa sandaling bumuntonghininga siya ng malalim. Sandaling tumalikod sa akin si Heimlich at may sinabi pa ito na hindi ko narinig habang tumatango ang mga kausap nito. Agad naman sila tumalikod, naging abala, mukhang nagmamadali sa mga gagawin.

Kagat ang labing wala sa sariling dumalo sa akin si Heimlich habang hawak ang pangtawag nito. Nakadikit sa tainga at mukhang may tatawagan. Hawak niya ang aking palapulsuhan, patuloy lang niyang higit ako palabas, ako, nagpapadala lang sa kanya habang nagmamadaling maglakad.

"What are you doing here?" tanong niya agad.

"Hinanap lang kita. Teka nga, may problema ba?" untag ko sa kanya matapos niya ako bitawan at saglit kami tumigil sa gilid.

Nakatungo na ito nang malingunan ko. Hindi niya ako napansin dahil abala ito sa pagtipa at pagtawag. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya... ang ikinikilos ng lahat. Anong problema? Bakit parang nagkakagulo na?

Hindi nakapagtimping hinawakan ko ang braso ni Heimlich, mukhang balisa ng makalingon siya sa akin.

"Heimlich, what's going on?" nag-aalala kong tanong sa kanyan, hinuhuli ko ang mata niya ngunit hindi ito makatingin diretso sa akin. "What's going on?" ulit na tanong ko sa kanya.

"Listen to me," umangat ang tingin niya sa akin at seryoso tinagpo niya ang mata ko. "Martino will be here in ten minutes to pick up-"

"A-Anong sinasabi mo? Bakit-"

"Wala na tayong oras. Tinunton tayo ng mga kalaban namin ng ama ko. Nagpasabog sila ng bomba sa sinasakyan natin. At na-trace nila kung saan tayo tutungo kaya kailangan nating makatakas."

Agad na dumagundong ang puso ko sa kaba.

"Paano tayo makakatakas?"

Saglit kami nagkatitigan. Maya-maya ay napahawak si Heimlich na nakakabit sa kanyang tainga, tila may tumawag sa kanya.

"Saang parte? Sige... bilisan mo at pupunta na kami don." lumingon sa akin si Heimlich. "Halika ka na. Naghihintay na si Martino, susunduin niya tayo para mabilis na makaalis. Kailangan na nating magmadali!" naramdaman ko agad ang paghawak ni Heimlich sa braso ko nang magsimula kaming tumakbo kung saan.

Panay linga ko sa paligid at nakikita ko ang mga nagtatakbuhang mga tao sa pagmamadali.

Napalunok ako ng malalim ng makarinig muli ako ng malakas na pagsabog. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Heimlich sa kamay ko habang patuloy kaming tumatakbo.

"H-Heimlich... natatakot ako."

"Ssh... nandito ako. Walang mangyayaring masama sayo." pagpapagaan niya ng loob ko. Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Para bang sa pagtakbo namin ay umaalog din ang puso ko sa matinding kaba. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mangyayari sa paglayo naming dalawa. Akala ko makakatakas na kami, akala ko tapos na, ngunit hindi pa pala natatapos ang problema.

Napunta kami sa dulo at lumusot sa bintana. Dahil nandito kami sa parteng nakaangat sa tubig ang aming pinaglabasan, agad kong naramdaman ang malamig na hangin. Para bang nasa langit, walang maaaningan kundi ay ang hamog at lawak ng karagatan.

"Phryne... do you trust me?"

Nagparte ang labi ko pagkalingon sa kanya. "I-I trust you..." wala sa sarili kong sagot.

"Okay, that's enough."agad na binalot niya ako ng yakap na mahigpit sa mga bisig niya na halos babaon na ang mukha ko sa dibdib niya. "Take a deep breath and close your eyes..." bulong niya sa akin.

Sinunod ko ang ginawa niya. Mabilis ang nangyari ay halos mapairit ako sa sigaw ng naangat niya ako at mabilis kaming nakatalon at lumubog sa dagat. Labis pa ang takot ko ng mabitawan niya ako sa muntikang pagkalunod, para akong mamamatay sa labis na takot at kaba gayong hindi pa ako makahinga, ngunit ganun na lang gulat ko na mabilis niya akong nakuha at dinala, nagpaanod paangat sa kanya.

Labis naman ang pagkuha ko ng hangin ng kami ay makangaat, mahigpit ang kapit ko sa kanya at sa oras na ito ay hindi ko na napigilang sampalin ng malakas ang kaliwang pisngi niya.

"Damn you, Heimlich! Gusto mo bang mamatay tayo!?" iritang bungad ko sa kanya.

He chuckled a bit habang humihinga ng malalim. Yapos niya ang baywang ko para hindi ako makalubog. "Don't worry, I'm a good swimmer, Phryne. Hindi ko hahayaang malunod ka sa dagat kundi sa pagmamahal ko lang-"

"Putang ina mamamatay na, nagagawa mo pa ring magbiro!" singhal ko sa kanya.

He just bit his lower lip while staring at me.

"Nasa giyera na, nagagawa niyo pang maglampungan. Bilisan niyo at baka kayo pa ang pasabugan ko." sabay kami napalingon ni Heimlich at ganun na lang ang gulat ko sa nakita.

"Martino," untag ni Heimlich.

Hindi ko alam kung gaano kabilis ngunit may kakaibang sasakyang gamit si Martino nang makaangat siya sa tubig.

"I told you! I really should come over and keep an eye on you so that nothing goes wrong with your departure!' iritadong bungad sa amin ni Martino.

Dinig ko ang tawa ni Heimlich dito. "Ayoko lang naman abalahin ang lovelife mo."

Napaismid naman ito at nagawa pa siyang biruin ni Heimlich. Akala ko susuntukin niya na dahil sa pagsigaw sa kanya ni Martino, ngunit hindi ko inaasahan na ganito pa ang reaksyon niya--ang tumawa. Isa talaga sa napansin ko noon pa man, mukha talagang close silang dalawa.

"You already know my plan, don't you?"

Kumibot ang labi nito, saglit na seryosong lumingon sa akin si Martino bago pa tumango sa sinabi ni Heimlich. Napakunot ako.

"Pinagkakatiwala ko siya sayo. Mag-iingat kayo. Please take care of my seabreacher and I just bought it." tukoy niya pa sa sasakyan.

Mariing lumingon ako kay Heimlich.

"Heimlich, w-what do you mean-" natigilan ako ng idantay niya ang noo niya sa noo ko habang humihinga ng malalim. Pumikit siya ng mariing saglit at halos maduling ako sa titigan ng magtama ang aming mata habang mapungay siyang pinagmamasdan ako.

Malalim akong napalunok. "H-Heimlich..."

"Listen to me Phryne, I did this shit... and this shit I'm fucking will end it. Ayokong madamay ka. I killed my father. At kailangan ko na rin pagbayaran ang lahat ng pagkakasala ko."

"I don't understand..." nagsisimula na namang magharumentado ang puso ko sa kung ano na namang sasabihin niya!

"I need you to go with Martino without me." diretsong sagot niya.

Mahigpit akong umiling. "No! Hindi ako aalis hangga't hindi kita kasama--"

"Phryne, wala na tayong oras. Kailangan kong solusyunan 'to mag-isa. Hindi ko kakayanin na isama kita habang sinosulusyunan ito. Laban ko ito, hindi sayo. Hindi ko mapapatawad na may mangyaring masama sayo kaya sumama ka na... s-sumama ka na kay Martino..." huminga siya ng malalim. "I can't just leave them alone. Martino can bring you safer and faster so you can board the helicopter right away. I'll stay..." tumingala siya, ganun din ako, at halos magulat ako ng unti-unting nakikita ko ang pagsabog nila sa submarine ni Heimlich.

Para bang mabibingi ako sa ingay... natatakot na ako.

Balak talaga nilang pulbusin kami! Mabuti na lang ay nasa tagong parte kami kaya wala sa aming nakakakita. Hindi ko inaasahan na may mangyayari ganito sa buhay ko.

"You should go... now!"

"P-Pero..." kinagat ko ng mariin ang labi ko. Parang hindi ko kayang hayaan siyang iwan mag-isa sa sitwasyong 'to!

Sinabi ko sa kanya na gusto kong bumawi. Magbabawian kaming dalawa, pero anong ginagawa niya? Papatayin niya ba ang sarili niya? Ayoko! Hindi ko kakayanin na iwan na naman siya at baka magsisi ako sa huli!

"Please, leave me here. Don't look at me like that... y-you're hurting me." nahihirapang sambit ni Heimlich habang disgusto ko siyang tinitingnan.

Pumikit ako ng mariin. Sa higpit ng kapit ko sa kanya ay parang nakikipaglaban pa siyang iluwag ko ang kapit sa kanya.

"M-Magkikita pa naman tayo, 'diba?" pumiyok ang boses ko pagkatanong ko ito sa kanya. Sa lahat ng nangyari, parang ito ang mas ipinag-aalala ko para sa kanya dahil buwis buhay ang gagawin niyang ito.

Tipid lang siyang ngumiti at mas lalong hindi ako kumbinsido na iwanan talaga siya.

"K-Kailangan kong makasiguro... mangako ka sakin."

Lumapat ang palad niya at hinaplos ang pisngi ko. "Listen to me, please, babalikan kita. Hindi ko hahayaang mamatay ako. Marami ng namatay na importanteng tao sa buhay ko at hindi ko kakayanin at hahayaan na mawala ka. I-I won't let you die... I won't."

"Please, don't die too. I need you to save your life..." pakiusap ko.

Tumango siya. He gave me a soft kiss. "Everything's going to be fine, okay? And I'll make sure when I come back... I'd like to treat you like a goddess. When we're away, I want to see your family. I want you to move with me. Let's start a new life... anywhere. I will marry you and have my babies."

Tumutulo ang luhang nakangiti akong tumatango sa kanya habang nararamdaman ang kirot sa aking dibdib. Hindi ko lubos na maisip na mangingirot pa rin talaga ang puso ko sa sobrang ganda at saya ng pangako niya.

Sa kabila ng halu-halong nararamdaman ko, iiwan ko siya kasabay ng pag-iwan ng pangako namin sa isa't-isa...

Matatakot pero naniniwala ako sa kanya.

Babalik siya. Babalikan niya ako sa tutuparin niya ang pangako niya.

At sa pangalawang pagkakataon, susubukan ko muling panghawakan ang mga sinabi niya. Magtitiwala ako sa kanya...

"There's no time. Take her now, Martino." utos ni Heimlich.

"Please, don't look at me like that. It's like you're saying goodbye to me. I hate it, I want you to smile with me before I leave!" suminghot ako habang nagpapadala nang maramdaman ko ang pag-akay ni Martino papunta sa sasakyan namin.

Habang lumalayo ako ay labis na bumibigat ang dibdib ko. Pero hindi, nagawa kong magtiwala sa kanya. May tiwala ako, magiging ligtas siya, at mabilis na makakabalik sa akin! Walang bagay na hindi niya kayang gawin!

"Babalikan kita... I guarantee it." tinanguan niya ako at marahang ngumiti sa akin.

"I-I love you..." tanging naitugon ko.

"I love you... I'll walk through fire for you... I'll protect you... and I'd die for you, mi adelaide..." 

P I E D R A I J A D A 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro