PHASE 61
Phryne, please don't let yourself fall for him again. It's stupid. It's a big stupidity, and that's a big shame too much for yourself!
Yan ang tanging linyang madalas na sumasagi sa isip ko kapag madalas kong nararamdaman ang presensya niya. Kapag tinitingnan niya ako sa mga mata. Kapag nahahawakan niya. At kapag kinakausap niya ako. Lalo na kapag minsan... parang bibigay na ako.
Habang paulit-ulit na rumerehistro sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya, parang unti-unting kinakatay ang puso ko roon lalo na't naramdaman ko at nakita ko ang pagluha niya. I know I don't have the right to get hurt like this, dahil sa puntong ito, ay alam kong naging sobra din ako sa kanya. Damn... hindi ko pala talaga kaya.
Months ago, I became a very chaotic person. Inaamin ko iyon. I know it's crazy to think that but may mga times na wala na lang sakin yung... pain. I don't know. Maybe I'm just fucking too in denial. It was as if I was used to hiding my true feelings. Sa pagdaan ng mga panahon na nangyayari sa buhay ko—or should I say, mga pinaggagawa ko sa buhay ko para lang iwasan yon, iba-iba ang nararamdaman ko sa araw-araw.
I frequently feel empty, depressed, and lonely. I'm super hyped like a woman lost in jail. So much fun, to the point na para bang may nagrarambulan sa kalamnan ko at dun ko na lang nailalabas sa pamamagitan ng pag-inom, pakikisalamuha sa ibang tao, trabaho, trabaho, at trabaho.
Yung ang saya-saya ko na namamaligiran ng maraming tao kaya kapag uuwi ako, napapawi ang mga sandaling iyon at napapalitan agad ng kalungkutan. Kaya madalas, halos inuumaga na ako ng pag-uwi para kapag umuwi ako, wala akong ibang iisipin kundi pagod at pagkaantok. It's feels like a cycle but you'll still really fall into the bait like... pain—ng paulit-ulit.
Na sa kabila ng mga masasakit na naranasan ko mula sa kanya. Dati, palagi kong iginigiit na 'wala na 'yon', tapos na 'yon, bakit ko pa ba iisipin 'yon? Lalaki lang siya, hindi ko na dapat pang bigyan ng importansya. At isa pa ay kontrata lang naman ang nasimulan naming dalawa. Pangit man isipin, pero alam kong parehas kaming nakinabang sa isa't-isa. Ako sa pera niya... siya sa akin. Yung alam ko naman naging malaking bahaging bagay iyon sa buhay ko... pinaniniwalaan ko pa rin ang sarili ko na maliit na bagay lang 'yon. Sa loob ng maraming taon, madami na akong lalaking nakasalamuhang tulad niya kahit pa hindi kasing lupit niya... kaya ano pa bang bago para isipin ko pa lagi 'to, diba?
But there are times, when more often I feel the pain when I'm alone ... when I always remember, especially when I'm doing nothing else. I almost cursed him for what he did to me. Na halos isang kasalanan na rin ang mga naiisip kong gusto kong mangyari sa kanya. Na dapat maramdaman niya, madanas niya rin ang nadanas ko mula sa kanya.
You know I'm not a saint. I'm not the type of person when someone hurts you, you have no choice but to be happy for him. Fuck that! Hindi ako ganon. Pero iba ako, ang tanging naisip ko lang, ay sana hindi sya naging masaya sa naging desisyon niya.
I was full of resentment. Every time I cry it is full of weakness, anger and hatred. To Clementine, to Ilyas ... to Heimlich. Nadamay na rin sa buhay na katayuan ko na hindi naman dapat. My resentment piled up because I felt like they all played me, that I was the only one who bet, failed, and they won the game they started. Funny to think that I wasn't informed that they had a kind of game that I wasn't aware of would eventually fall victim to.
Gusto kong maging malungkot siya nung tinaboy niya ako. Gusto ko ring magdusa siya at makarma. Gusto kong dumating yung araw na kahit anong kalupit niyang tao ay balang araw ay may babangga sa kanya at pagmamalupitan rin siya. Mabigyan siya ng leksyon. Maramdaman niya kung ano ang pakiramdam na pinaramdam niya sa akin.
Pero sa kabila ng pangit na iniisip kong ganun sa kanya, sa huli, babagsak pa rin talaga ako sa mga linyang... kamusta na siya? Sana bumalik na siya... masaya ba siya? Naiisip niya rin ba ako? Hindi ba siya nasasaktan tulad ko? Gusto ko siyang makita... namimiss ko na siya... tang ina oo, ang sakit, pero mahal ko pa talaga siya... balik ka na...
At dito ko talaga natanto kung gaano ako nagiging marupokpok sa kanya ng ilang beses. Ako lang 'tong hindi kayang aminin sa sarili ko... noon.
Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos ang sarili ko, habang pilit na kinakalimutan siya. I almost want to shield myself, and give myself some time. Halos gusto ko na rin umuwi. Nung mga oras na yon ay para bang nabugbog na ang isip ko. Yung tipong patagal ng patagal ay para bang lalo akong nangungulila, gustong maramdaman muli yung pinaramdam niya sa akin. Laging sabik. Gusto ko pa talaga. Gustung-gusto ko pa.
And I didn't know that I have a little obsession for him.
Alam kong hindi maganda iyon kaya't madalas ay pinipigilan ko talaga ang sarili ko.
I have not yet recovered from what I went through with him and yet, suddenly, he came back. And if I am asked if I have healed yet? Hindi. Hindi pa rin. Kailanman hindi pa gagaling ito dahil ako mismo, hindi ko kayang mai-recover ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko makukuha ang gamot o paraan, kung kanino o saan.
Then I realized, there was only one answer.
Meron pala talagang bagay na kung sino pa yung taong nanakit sayo ay siya lang may kakayahang makapagpapagaling sayo.
Walang iba. Siya lang yun. Si Heimlich lang.
And right, now that I'm looking for him, hindi ko alam kung ano ang maihaharap sa kanya. I don't know what I would say to him first in case I ever see him again. Basta gusto ko na lang ay mayakap siya. I'm not sure if I can accept his more explanations, dahil sa lahat ng mga nasabi niya sakin noong gabing 'yon sa kotse niya at kanina, parang ngayon lang ako natauhan. Ngayon ko lang naintindihan. Para bang pakiramdam ko ay naging sapat na sa akin 'yon.
Talagang gusto ko pa rin siya hanggang ngayon. Kahit na hindi ko pa siya tuluyang napapatawad, gustung-gusto ko pa rin siya hanggang ngayon! Am I too desperate to still love him now? Ano ba dapat ang piliin ko? To be desperate or to be an ignorant idiotic bitch because I know in the end, I will regret it more in the end that I didn't even give him a chance?
Gusto ko lang magpakatotoo. Kasi pakiramdam ko sasabog na talaga ang kalooban ko kapag patuloy na itinago ko. Para bang dun ako mas lalong magdudusa.
Just this once. Kahit ngayon lang, gusto kong masubukan muli. Kaya ko pa, kaya tatanggapin ko ulit siya...
"Heimlich!" sigaw kong muli.
Halos maiyak na ako dahil dumaan ang mga ilang segundo... minuto ay hindi ko maaninagan ang bulto niya. Masyado naman siyang mabilis umalis! Oo, kasalanan ko naman talaga kung bakit siya tuluyang namaalam pero kasi... napangunahan ako ng takot. Pero ngayon, hindi. Natatakot man ako ngayon, pero mas natatakot ako na baka pagsisihan ko lang ito sa pagdaan ng panahon.
Ang isipin pa lang iyon ay hindi ko na kaya ulit. Dahil nung panahong bumalik siya, dun ko natanto na dun muling bumalik ang pinipigilan kong pagmamahal sa kanya.
Bahala na kung ano ang mangyari basta mabawi at mabago ko muli ang desisyon niya. Ang hindi siya umalis at manatili sa buhay ko, ganun din ako sa kanya.
"Mahal kita! Sana naririnig mo ako! I really want us together! For real!" sunud-sunod na sigaw ko, na dapat sasabihin ko ito sa harapan niya, pero dahil hindi ko siya nakikita, para bang naging tanga ako kahit alam ko namang hindi naman niya ako maririnig.
Lubusan na talaga ang panghihina ko. Nanatiling natulala na lang ako sa madilim na kawalan habang nanlalabo ang aking mata sa pagbabadyang pagluha.
Pakiramdam ko inayawan na niya talaga ako. Ano? Ganun na lang talaga, Heimlich? Akala ko ba mahal mo talaga ako? Please... magpakita ka naman.
"You know, I'm trying to forget you! Oo na! Hindi ko kaya! Please! Bumalik ka na! Bumalik ka na, Heimlich! Balikan mo ko! P-Please..."
Hindi ko na naiwasang maisubsob ang aking mukha sa aking palad habang kinukuwala ang hindi napigilang paghikbi sa labis na prustrasyong nararamdaman. Suminghot ako at sobrang bigat na naman ng pakiramdam ko. Para bang bumalik na naman ang pakiramdam kung paano niya ako biglang iniwan noon. It's like a trauma that I'm afraid I'll feel that way again.
Napailing ako sa sarili. Ayoko na. Tama na. Pakiusap... ayoko ng maranasan iyon. Ayokong madismaya na naman ako.
Habang dumadaan ang ilang segundo sa pagtigil ay hindi ko na naiwasang mapaupo, sa kawalan ng pag-asa habang patuloy na umiiyak, paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.
"I'm so, so, sorry, Heimlich! Balikan mo na ako... balikan mo na ako... p-please!" napapaos na utas ko, hinang-hina na.
Hindi ko maiwasang maisip na... ganun na ba ako naging malupit sa kanya para mapagod siya?
Ngunit ganun na lang ang pagdamba ng puso ko nang ibinaba ko ang kamay ko at nakita ko si Heimlich sa harapan ko. He was also squatting in front of me as his face was bent towards me. He was watching me closely as I looked up at him.
His eyes were tired and bloodshot.
"H-Heimlich..."
Sa kabila ng gulat na naramdaman ay para bang nabuhay ang lahat ng parteng namatay sa katawang lupa ko. Nawala ang paninikip ng puso ko at para bang dagling nakahinga ako ng maluwag kahit na walang pa ring tigil ang aking pag-iyak. Imbes na kumalma ako nang maaninagan ko siya sa malapitan ay lalo lamang namalisbis ang aking luha at paghagulhol.
"Heimlich..." panibagong iyak na naman ang nailabas ko mula sa bibig ko.
Umiiyak ako hindi dahil nasasaktan at nalulungkot ako, umiiyak ako dahil ang saya ko ngayon. Sa wakas, bumalik siya. Bumalik siya... hindi ko inaasahan na babalikan niya ako nang talikuran niya ako! Bumalik siya... nung tinawag ko siya. Hinarap niya ako! Nandito siya harapan ko! Talagang binalikan niya ako...
"Why are you crying? L-Lumabas ka pang yapak... malamig, baka magkasakit ka..." nanginginig ang boses na sambit niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"Where have you been!? A-Akala ko umalis ka na talaga!" umiiyak na halos ireklamo ko ito sa kanya. Halos gusto kong hampasin ang dibdib niya sa inis ngunit wala na akong lakas.
"Sinunod ko lang ang kagustuhan mo. Y-You said... you didn't want to see me anymore..." namamaos na utas niya.
Mahigpit akong napailing. "Ang problema sayo, palaging maikli ang pasensya mo! Ni hindi ko pa nga sinasagot ang tanong mo tapos umalis ka kaagad! Ang dali lang talaga sayo ang talikuran ako, no?"
He bit and licked his lower lip, nadinig ko ang buntonghininga niya ng malalim habang umiiling sa akin. "Not true. You don't know how fucking hard it is for me either. Umalis nga ako... pero bumalik agad din. Damn it, ang hirap pala talaga na talikuran ka. It's fucking killing me, Phryne... its fucking killing me..." hindi nakatiis na sambit niya matapos siya makapikit ng mariin, namungay ang mata sa pagmula, at napabuntonghininga muli ng malalim.
Suminghot-singhot ako at pilit na kinakalma ang sarili sa pamumugto ng nararamdaman ko.
"So, you want me to stay?" he asked softly and smiled weakly at me.
Hindi ako makasagot dahil pagkakapugto ng iyak ko. Gustuhin ko mang magsalita ay napangungunahan ako sa pag-atungal ng iyak, bagkus ay tumango na lang ako ng paulit-ulit sa kanya bilang sagot.
Kita ko ang agarang pagpikit niya ng mariin at mapungay ang matang nagmulat sa akin.
"Shit... come here..." pagdalo niya sa akin.
Hindi nakahintay ay kusa na akong lalong lumapit sa kanya, inabot ang kanyang batok at hinila ko siya palapit sa akin... ang kanina ko pang hinihintay, ang mayakap ko siya ng sobrang higpit ng mahagpit. Inaamin ko na sa kabila ng pananaboy ko sa kanya, may kaunting parte talaga sa puso ko na nag-uudyok na gustung-gusto ko talagang yakapin siya. At ang kaunting parteng iyon ay naging napakalaking epekto non sa akin. Sa kabila ng pagiging bayolente ko, pananaboy at paniniyaw ng masasakit na salita sa kanya ang kumukurot ang loob-loob ko.
"P-Phryne..." nauutal niyang sambit, mukhang hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"H-Heimlich... please... please don't..." umiiling ako habang humahagulhol ako sa kanyang balikat.
"You know... I realized-"
"I'm sorry, Heimlich. I'm sorry, wag mo na ulit akong talikuran. Wag mo na ulit akong iwan please?"
Paulit-ulit kong sinabi sa kanya, habang nanginginig ang aking balikat, patuloy na mahigpit siyang niyayakap, dinadama ang matagal kong inaasam na maramdaman muli ang natural na init na pakiramdam sa kanyang katawan.
Oh, God, I missed this ... I miss feeling his arm wrap around me.
"Wag mo akong iwan, Heimlich. Sorry na... oo na... mahal pa rin kita. Kahit na nasaktan mo ako, mahal pa rin kita! Nagalit man ako, pero mahal na mahal pa rin kita!"
"You..." kita ko ang pagkatigil at gulat sa kanyang mata kasabay ng pagkadisgusto ang huling tingin na iginawad niya sa akin. "...but I know it's not easy to forgive me for what I've done to you-"
"Just give me a time, kaya kitang patawarin nang hindi ka umaalis sa tabi ko dahil yun ang gusto ko b-basta... wag ka nang aalis ulit... mapapatawad kita... basta bumawi ka lang sakin. Wag kang aalis... please?" I said, almost plea.
"Phryne!" it was like he's pleading now. Like his eyes... is filled with fear.
Para bang ayaw niyang naririnig at nakikita niyang ganito ako habang pinupunasan niya ng marahan ang basang pisngi ko gamit ang mainit niyang kamay.
"Please, Heimlich... please..."
Halos hindi ko na makilala ang boses ko sa labis na pag-iyak. At hindi ko na rin maaalala kung kailan ako umiyak ng ganito sa isang tao. I cried that I feel like I'd die because of pain.
I've never been this desperate before. Sa kanya ko lang naranasan 'to. Akala ko kumpleto na ako noon, pero nang dumating siya, natanto ko na marami pa palang kulang sa akin. Dahil lahat ng naramdaman ko sa kanya ay bago. Ni hindi ko pa naramdaman ito sa kahit na sino, noon.
"Why are you crying too, Heimlich!?" humina ang pag-iyak ko nang maramdaman ko ang basa sa aking balikat habang niyayakap niya rin ako ng mahigpit.
Kung iisipin ng makakakita ay para kaming tangang nag-iiyakan sa gitna at madilim na kalsada pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay nandito na siya sa harapan ko.
"Fuck, damn it! I'm crying because I don't want to hurt you again..." sabi niya, na para bang pinipigilan niya ang emosyon niyang nararamdaman na nahihimigan ko mula sa boses niya.
"Alam kong hindi mo sinasadya-"
"I realized that maybe I'd better stay away-"
"Tanga ka ba!? Are you fucking kidding me? Ayoko! Kaya nga kita hinabol kasi ayokong umalis ka! Ano bang pinagsasabi mo?" nakakunot ang noo kong hinarap ko siya. Dagling takot ang namuo na naman sa aking dibdib dahil sa pinagsasabi niya.
Kung anuman ang tumatakbo sa isip niya, hindi ko nagugustuhan iyon. Wag naman sana...
Hinawakan ko siya sa balikat habang hindi siya makatingin ng maayos sa akin.
Ilang segundo siyang nakatitig na parang minememorya niya ang bawat bahagi sa mukha ko. At sa paraan ng tingin nito ay hindi ko nagugustuhan. Kahit na kalapit ko na siya at magkahawak kami sa isa't-isa ay para bang hindi pa rin ako mapalagay.
Matapos ang ilang segundo ng aming titigan ay mahina siyang ngumiti at nagsalita muli sa akin.
"Listen to me, you know... I don't want to fight. We started out badly. I forced you into the things I wanted to happen for us. I forced you to include me even though I knew it was dangerous. Sa sobrang pag-aasam ko na makasama ka kaagad, naging madaya ako sa mga bagay na dapat ginawa ko iyon sayo sa tamang paraan. I'm sorry for being harsh back then. Y-You..." kita ko paglunok niya at mapait na ngumiti sa akin. "...you can still find someone to love. Yung hindi ka pagmamalupitan at sasaktan. Hindi katulad ko. You're still young. Hindi pa huli ang lahat para magbago ka rin ng buhay, marami ka pang mararating sa buhay, alam ko iyon. Magiging matagumpay ka-"
"What are you trying to say-"
"Damn... it's nice to feel that the person you love, loves you too. But I realized that I still need to stay away from you, Phryne..."
"Are you going to leave me again?"
Napapikit siya ng mariin at dahan-dahang tumatango sa akin. "I'll leave because this is not good. I will leave you right now, so please, don't make this hard for me. I'm not the right man for you-"
"You're the fucking right man for me! What the fuck is wrong with you? You're fucking confusing me!"
Paulit-ulit akong napapailing at nalilitong nakatitig sa kanya. Durug na durug na ang puso ko sa sinasabi niya. Para bang maluluhod na lang ako sa panghihina. I'm not sure how to handle this if this kind of conversation continues.
Gusto ko na lang siya yakapin at halikan para matanggal na ang kanyang pag-aalinlangan.
"Bawiin mo ang sinabi mo, H-Heimlich, please... ayoko! Ano na naman ba 'to? Bakit pakiramdam ko, nag-aalinlangan ka na naman sa'kin-"
"Para rin sa ikabubuti mo ito-"
Marahas akong napahinga sa pinagtatalunan naming dalawa. Hindi ko maiwasang mainis sa mga sinasabi niya. It was as if he took me on a roller coaster with the mixed emotion he makes me feel right now.
"Tang inang ikabubuti yan! Kung alam mo lang kung paano ako lalong nasisira simula ng iwan mo ako-"
"Mahirap din sa akin 'to... I hope you understand. I also understand that if I leave..." his adams apple protruded.
Para bang nahihirapan pa siyang sabihin ang mga ito sa harapan ko. At nakikita kong pinapahirapan niya lang talaga ang sarili niya. Ano bang pumipigil sa kanya? Malakas siyang tao, makapangyarihan. Kaya niyang gawin ang lahat pero bakit parang mahina siya ngayon sa paningin ko? Bakit ba hindi na lang maging madali para sa aming dalawa? Pwede naman yun, 'diba?
"... you'll love someone else. Fuck! I'll be happy for you because I know you're fine. "
"I can't love anyone else, Heimlich. I only love you... " sinakop ng palad ko ang mukha habang tinitingnan ko siya sa mata para maintindihan niyang hindi ko nagugustuhan ang nasa ideya niya.
Na siya lang... ang gusto ko.
"It would be a disaster."
"It wouldn't be a disaster,"
"Loving me is sin... chaotic-"
"Then I gladly to screams the devils about you! I will tell to all the demons and evil people how much I fucking love you!"
"Fuck it!"
"Yea, fuck it! I don't know why you always leave... my hearts broken too many times already and that is enough. Pagod na ako, Heimlich.... Pagod na ako sa ganito. Pagod na ako sa pagpapahirap at tiisan natin sa isa't-isa. I love you, okay? Please, fucking take me back. Sinabi mong gusto mo akong balikan... p-pero bakit kung kailan gusto na rin kitang balikan saka ka aatras na naman? Bakit palaging ganito? Bakit palagi mo 'kong ginaganito, Heimlich..." naiiyak ko na naman sambit sa kanya at nagsimula na namang mamuo ang luha ko.
Kaunting kalabit na lang ay para bang gusto kong magmakaawa at halos lumuhod na naman sa harap nya.
"I'm a mess..."
"You're my mess..." suminghap ako ng malalim. "I loved you ever since I've known you. Hindi ko alam kung bakit alam ko naman kung gaano ka kasamang tao, mas lalo lang kitang minahal don. Alam kong may kabutihan ka pa rin sa puso mo. Nakikita kong mabuti ka talagang tao, Heimlich,"
"No, you don't understand, Phryne. Komplikado ang mga bagay para satin. Ako lang 'tong nagpupumilit kahit na nakikita ko na... Hindi ko kakayanin na madamay ka sa gulo ng buhay ko, so stop being so desperate with me! That doesn't suit you! Hindi mo naiintindihan." ginulo niya ang kanyang buhok at napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Ganyan din ang naisip ko noon. Tama ka, hindi ka bagay sa akin. Hindi rin ako bagay sayo. Pero sa kabila non, m-minahal pa rin kita... at kahit na sinasabi mong mahal mo ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako magawang mahalin ng maayos! M-Mahal mo ba talaga ako, hm?" nanginig ang labi ko sa naging panumbat ko sa kanya.
He bit his lower lip while shaking his head tightly.
"But you know what? You didn't give me a chance. You didn't give me a reason to understand, but I was still the first to understand you even if you were in trouble... again. You didn't explain... again! You didn't tell me the truth... again! You make me believe you're real but I feel like you're lying ... again! I gave you a chance then, but you broke it now... again! You said you'd protect me, but you haven't... again! I love you... but you only hurt me.... again! " singhal ko, bumuhos ang panibagong luha ko at agad ko na naman iyon pinunasan.
"Then stop loving me." like me, he looks frustrated. Para bang ayun na lang ang solusyon niya sa problema naming dalawa ngunit hindi ko matatanggap iyon.
"I can't. I can't stop loving you ... again! I can't, Heimlich! I can't! Tama na, please, nasasaktan na ako."
"Nasasaktan kita? Then why do you keep following me?"
"I thought you're smart enough? I said... I can't! I can't, because I fucking love you! You really don't understand what I'm saying, o nagtatanga-tangahan ka lang din? I fucking love you, Heimlich! I love you! And I want you! So please, don't make me leave!" halos mabaliw na ako sa pagpapaintindi ko sa kanya para lang matigil na siya sa pag-aalinlangan niya.
Wala ako pakialam sa kung anuman ang pinag-aalala niya. At kung anuman yon, hindi ko siya hahayaang mag-isa. Sasamahan ko siya... sasama ako sa kanya kahit saan. Haharapin namin 'yon dalawa. Magtutulungan kaming dalawa.
"I'm bad... I'm bad for you, Phryne."
"I don't fucking care! Prove yourself worthy, Heimlich! Come on, fight for me you fucking coward!"
"Jesus fucking Christ, stop crying..." he said softly, nahihirapan ding sambit niya.
"'Coz u're making me cry... again!" paos kong tugon sa kanya.
His lips parted, kinuha ko ang isang palad niya at pinisil iyon, habang mapagsumamong tumitingin sa kanya.
"I love you, Heimlich... please?"
Humihikbi pa rin ako. Pakiramdam ko ay pagang-paga na ang mata ko sa kakaiyak ko sa harapan niya.
"You woman, so stupid... so fucking stupid."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro