PHASE 60
My shoulder shook spontaneously, and I looked up when I heard the door close, a sign that he had really left. Ilang segundo akong natulala roon habang sapo ang dibdib, para bang tumigil ang pagtibok nito, pinapakiramdaman din ang sarili habang tinitingnan ang saradong pinto...
Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang presensya niya.
I just felt that at this time, I was now alone. Dark again ... only the wall, ceiling, and my cat fast asleep next to my bed can I see now throughout my boring and dark bedroom. It was as if when he came out, my mood changed again. That feeling that came back to me again.
The loneliness.
Ngayon lang ako medyo nababalik sa reyalidad.
At ngayon... sumuko na siya.
Hindi na siya nagpumilit pa. Ayaw na niya. Talagang aalis na siya.
Hindi ko alam kung gaano katagal habang nakatingin ako sa saradong pinto, magbabakasakaling... sakaling bumalik siya. Na... hindi talaga niya ako matitiis! Na baka biglang bubukas ang pinto at bumalik siya, dadaluhan ako, babawiin ang sinabi, magmamakaawa na tanggapin muli siya at yayakapin ako ng mahigpit... tulad ng madalas niyang gawin sakin ng paulit-ulit.
Na ayos lang na maging madaya na naman siya para sa akin, na idadaan niya na naman muli ako sa mga taktika niya! Na magiging agresibo siya kapag gusto niya talaga makuha ang isang bagay! Na makukuha na naman niya ako na ganun lang kadali! Na ipipilit niya, katulad ng ginawa niya sakin noon! Na babawiin muli niya ang mga sinabi niya.
Ngunit mukhang malabo na talagang mangyari iyon. At alam kong... mali. Talagang wala na. Sya na talaga mismo tumapos at mukhang seryoso na siya sa naging desisyon niya doon.
Hindi ko alam kung ngayon lang ba ako naumpog, pero sa pagkakataong ito, bumalik sa mga alaala ko ang mga ginawa niya, nang magsimula siya muling magpakita para kausapin ako, mga pagtiya-tiyaga niya ng matagal para makausap lang ako, mga pagtitiis niya sa pag-iignora ko, ang pagbibigay ng respeto niya sa oras ng trabaho ko kahit alam kong nakakainip para sa kanya ang maghintay ng walang mapapala dahil na kilala ko siyang napaka-ikli ng pasensya, ang pagpipigil niya ng pasensya na kahit minsan... madalas minumura ko siya, pinagtatabuyan, napapahiya... ang pagmamagandang loob pa rin niya sa tuwing uuwi ako, at pagpapaalala niya na mag-ingat ako, lalo na kapag palihim niyang sinusunduan ang bawat pinupuntahan ko.
Ang kapal ng mukha niya. Sobra, na parang kung mas titimbangin ay mas malala ang naging kasalanan niya sa akin. Kaya hindi ako matablan ng maski awa sa kanya. Lahat ng 'yon kinainisan ko sa kanya... nung una. Pero dahil naiisip ko na naman ngayon... hindi ko alam kung bakit parang may kumalabit sa puso ko at may natanto.
Lalo na sa paggising ko... na binangungot ako, nandito agad siya sa harapan ko at inalo pa ako. Ngayon ko lang napansin kung gaano kahaba ang naging pasensya niya.
Parang ayaw ko. Ayaw ko na matigil iyon. Gusto ko na parang hindi. Ngunit mas nangingibabaw na gusto ko, dahil alam kong manghihinayang ako.
Oh, nasanay lang talaga ako, kaya ganito na lang ang nararamdaman ko?
Oh, ano, Phryne? Dapat masaya tayo, 'diba?
Hindi ba't matagal mo ng inaasam 'to? Ang pinakahinihintay mo? Heto na nga diba... nangyari na. Kusa na niyang ibinigay sayo.
Pero bakit ganun... bakit lalong ang sakit? Bakit lalong bumibigat ang kalooban ko? Yung tipong gusto ko na lang magwala dahil hindi ko matanggap. Hindi ko na maintindihan, gulung-gulo, at nagtatalo na rin ang aking puso't isipan. Paulit-ulit rumerehistro sa kaisipan ko ang mga sinabi niya kanina... sa paghingi niya ng isa pang pagkakataon, na paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin sa tuwing kami ay maghaharap... at kanina, sa tuluyang pagpapaalam niya.
Kahit wala na siya sa harapan ko, pakiramdam ko nandito pa rin siya. Yung boses niya... naririnig ko pa.
At kahit na wala akong naging sagot don, na maaaring masakit sa parte niya, wala siyang iba pa ring inisip kundi ay ang... kapakanan ko.
Tinalikuran na niya talaga ako, tuluyan na siyang kusang lumayo at nagpaalam, at na nakita ko rin ang pagsisisi... ibig sabihin, hindi ko na siya makikita muli! Hindi na siya magpapakita. Wala ng manggugulo sa araw ko. Magiging matahimik na ang buhay ko. Malalayo na ako sa delikadong tao.
Pero masaya dapat ako, 'diba!?
Bakit mas naiisip ko pa rin ang mararamdaman at kalagayan niya?
Bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko? Bakit nakakalungkot? Bakit ramdam ko ang kirot sa tuwing humihinga ako. Hindi ba dapat ay mapanatag na ako, na maayos na ako? Bakit parang lumala? Bakit lalong nagharumentado ang nararamdaman ko?
Ngunit abot tahip na lang ang puso ko nang biglang bumukas ang pinto. Pero agad na kumalma rin nang iniluwa nito ay si Mari at agad na dumalo sa akin.
Dismayadong nagbaba agad ako ng tingin. Napapikit ako ng mariin at halos magasumot ang kumot na hawak ko na ibinalot niya sa akin kasabay ng unti-unting paglukot ng puso ko.
Akala ko, babalik siya... mukhang hindi na talaga.
"Phryne..." marahang tawag ni Mari sa akin.
"M-Mari..." I immediately bit my lip to keep from sobbing.
Nakakahiyang humarap gayong nakikita niya akong umiiyak pa rin dahil sa kanya.
Ramdam ko ang buntonghininga niya habang nag-aalalang tumitingin sa akin nang masilayan niya ang ayos ko habang tinitingnan ang kabuuan ko.
Bumuntonghininga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili at umaktong normal na humarap sa kanya.
"Oh, Ate Mari. I-Ikaw pala..." tumikhim ako saglit. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, agad na nagbawi ng tingin nang seryoso siyang nakatitig sa akin.
Pasimple ko pang inayos ang kumot sa tuhod ko habang nakatungo, wag lang masalubong ang tingin niyang nararamdaman ko, habang nararamdaman ko rin ang paglapit at pag-upo niya sa tabi ko.
"A-Ahm... ano kasi..." mahihimigan ang pag-aalinlangan sa kanyang boses dahilan na mapatingala ako.
Kita ko ang pagkagat niya sa sariling labi bago siya muling magsalita sa akin. Parang may gustong sabihin.
"Bumili ako ng gamot para sa hang-over mo." iminuwestra niya sakin ang gamot at ipinakita, hawak niya ito at nilapag sa side table ko.
"Salamat... uhm, Mari?" untag ko sa kanya, dahilan ng agarang paglingon niya.
"Hm?"
Kinagat ko saglit ang labi ko bago kuryusong tinanong siya. "A-Ano bang nangyari? Hindi ba't magkasama lang tayo...kanina?" dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paanong nakauwi dito sa apartment ko, kasama si Mari, at paanong nandito si Heimlich sa harapan ko kanina.
"Sigurado ka bang hindi mo matandaan?" nakakunot niyang ani sa akin.
Umiling ako. Walang ideya sa sinabi niya.
"Lasing na lasing ka. At uhm... nagulat na lang ako na buhat ka ni Heimlich pagbalik nung magpaalam ka sakin na mag banyo-"
Natutop ko ang bibig ko sa nalaman. "B-Buhat ako!? Paanong..."
Dahan-dahan siyang napatango. "H-Hindi ko alam, nagulat din ako nang dumating siya at ikaw agad ang hanap... pasensya ka na, lasing na din ako at mas lasing na lasing ka kaya... nagpatulong na rin ako sa kanya kanina na ihatid tayo sa apartment. Nag-alala ako dahil wala ka na ngang malay sa banyo nung nalaman kong natagpuan ka niya. Mabuti na lang talaga at dumating siya para tulungan tayo."
"M-Mari-"
"Wag ka sanang magalit, kinailangan ko lang rin ng tulong..."
Agad na paliwanag niya, akala niya siguro ay magagalit ako base sa ekspresyon na iginagawad niya sa akin ngunit natulala na lamang ako. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin, siya talaga ang naghatid sa amin... sa akin pauwi.
"S-Sorry talaga, 'te! Ako sana ang mag-aasikaso sayo kaso sinabi niya sakin..." kita ko ang agarang paglunok niya nang makatingin ako sa kanya, naghihintay pa sa susunod na sasabihin niya. "...sinabi niya sakin na gusto niyang... siya mismo ang mag-asikaso sayo. Hindi na ako nakatanggi..." kasabay na agarang pagkagat niya sa labi, paraang sising-sisi.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko, agad ko naramdaman ang pamumula ng aking pisngi sa labis na kahihiyan. At nang magbaba ako ng tingin para tingnan ang kabuuan ko ay tama nga ang nasa isip ko, iba na nga ang ayos ko. Nakasuot na lang ako ng oversized shirt at cotton shorts. Medyo mabango na rin ako at walang bahid na amoy alak sa katawan ko. Ibig sabihin, siya ang nagpalit ng damit ko?
Talagang... inasikaso niya ako?
"Inasikaso ka niya," ani pa ni Mari na parang nadinig niya ang nasa sa isip ko.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Sana... sana pala naramdaman ko. Sana nakita ko. Sana nasa tamang huwisiyo ako kung paano niya ako naasikaso. Bakit ba sising-sisi ako? Kasalanan niya talaga 'to! Ang hilig niyang sanayin ako!
"Nadinig ko rin ang nangyari kanina..." salita niya pa na para bang naunawaan niya kung anong dahilan na iniiyak ko kanina nang maabutan niya ako. "H-Hindi ko sinasadyang mapakinggan nang ihahatid ko lang sana ang gamot..." agad na dipensa niya na akala niya ay magagalit na naman ako sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"Umalis na siya, Mari... nagpaalam na siya sakin." wala ng paligoy-ligoy kong balita sa kanya.
"Oo nga, nakasalubong ko siya kanina." anito na parang iba pa ang pagkakaintindi.
Lutang ba ito si Mari? Oh, baka... ako naman talaga ang lutang? Hindi. Parehas lang siguro kami lutang.
"Ang ibig kong sabihin... babalik na siya. Hindi na niya ako guguluhin. Kusa na siyang aalis at... ito na lang ang huli naming pagkikita..."
Seryoso lang ang mukha niya habang dahan-dahan siyang napatango, para bang sa paraan pa ng tingin nito ay ineeksamina pa niya ang mukha ko, hinahanapan kung may mali. At inakala ko na aalis na siya at wala ng sasabihin dahil binalot kami ng katahimikan ngunit 'di ko inaasahan na may susunod pa siyang sasambitin dahilan na hindi ko maintindihan at nadagdagan pa lalo ang kirot sa puso ko.
"Phryne, tatapatin na kita, sa tingin ko... tama lang ang ginawa mo. Hindi ba't yan rin naman ang gusto mo? Yung walang manggugulo? Ikaw na rin ang nagsabi sakin kung paano nasira ang buhay mo-"
"Matagal ng sira ang buhay ko-"
"Pero sa mga pinagdaanan mo sa kanya ang tinutukoy ko. At alam kong hindi biro iyon. Kahit hindi ako ang nakaranas... alam kong grabe yung napagdaanan mo sa kanila... sa kanya. Hindi ko man yon nakita, hindi ko man ramdam ang nararamdaman mo, pero alam kong... nasaktan ka ng sobra. Paulit-ulit mong sinasabi sakin na ayaw mo ng masaktan, nakita ko rin kung paano ka nagdusa, paano mo siya gustong lubayan nang bumalik siya... at pinagtabuyan... gusto mo ng malagay sa tahimik ang buhay mo. Pero sa nakikita ko, habang tinitingnan kita, bakit parang lalong hindi ka masaya?"
Tama siya. Bakit nga lalong hindi ako naging masaya? Matagal kong hinintay 'to, 'diba?
"Kasi..." pumikit ako ng mariin habang umiiling at pinilit kong ignorahin ang dapat na sasabihin.
"Kasi ano? Tapatin mo nga ako, Phryne. Nagdadalawang-isip ka na ba? Maging malinaw ka sa nararamdaman mo..."
Hindi ko alam kung bakit dinambahan ako sa sinabi niya.
"Mahal mo pa ba siya kaya nagkakaganyan ka?" direktang tanong niya na pilit kong iniiwasan.
Napakasimple lang naman ng tanong. Maaaring oo o hindi ang sagot. Pero bakit ang hirap sagutin ngayon? Hindi ako makasagot. Pwede bang 'o' na lang? Oh, ilihis ko na lang kaya ang usapan? Pero alam kong sa puntong ito, hindi ko ito pwedeng takasan.
"Sagutin mo ako." pagpupumilit niya.
"I-Importante pa ba 'yun?" agad ko naman nadinig ang pag-ungol niya, habang iritang nakatingin sa akin.
"Oo! Tingnan mo nga ang sarili mo, imbes na masaya ka, lalo ka lang nagmumukhang malungkot at tanga-"
"H-Hindi ko alam, Mari! Hindi ko alam!" halos masabunutan ko na ang sariling buhok sa prustrasyong nararamdaman ko.
Lalong sumama ang reaksyon niya sa sinabi ko. "Hindi mo alam? Talaga, hindi mo alam? Sinungaling! Gusto mo bang ako na ang sumagot sa tanong ko? Kasi ako, kitang-kita ko!"
"M-Mari..." mahigpit akong umiling sa kanya.
"Meron pa. Mahal mo pa siya."
Mahigpit akong napailing.
"Meron, kasi wala na sayo yun kung wala na talaga. At mahal mo pa siya, dahil hindi ka magkakaganyan kung hindi mo na talaga siya mahal!" she said as a matter of factly.
Lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya.
"See? Sakit talaga sa ulo ang lintik pagmamahal na 'yan. Yung maaaring simple, kadalasan ginagawa niyo pang komplikado. Mag-sex na lang kasi kayo para magkaalaman na-"
"Mari naman!"
"Pero seryoso nga... hindi naman kita masisisi, ang gusto ko lang ay maging tapat ka sakin, lalo na sa sarili mo. Tama na ang pagpapanggap. Wag na tayong maglokohan dito, oh."
"Fine! Oo, Mari. Mahal ko pa siya..." pumikit ako ng mariin sa agarang pagsagot ko.
Natigilan siya sa pagsuko ko. Habang kagat-kagat ko ng mahigpit ang labi ko ay hindi ko siya magawang salubungin ng tingin.
"Tang inang 'yan... sabi na, eh. Pero Phryne, alam mo naman ang kaibahan niyong dalawa, 'diba? Sobrang layo ng buhay mo sa buhay niya. At isa pa... hindi ka pa ba nagtatanda? Alam mo ang buhay niya! Mapanganib. Gusto mo talagang nalalagay sa panganib, ano?"
"Mahal ko pa, eh... anong magagawa ko? Kahit anong iwas ko, hindi ko mapigilan. Oo, galit pa rin ako sa kanya, Mari. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya... parang hindi ko ata kakayanin na mawala na siyang tuluyan sa buhay ko-"
"Marupokpok ka! Nandito naman ako Phryne, ah! Bakit mo ba laging iniisip na mag-isa ka-"
"Hindi mo naman ako malalapa, eh! Nagmamahal kasi ako, Mari! Nagmamahal ako. Sana maunawaan mo dahil alam mong pakiramdam non... at minsan, naranasan mo na 'yon. Mahal ko pa rin siya, Mari. Hindi sapat na ikaw, hindi din sapat na ako lang, kailangan ko ng taong... magpaparamdam na kumpleto ako. At kapag kasama ko siya... siya lang ang nakakagawa non... siya lang dahilan non, Mari. Siya lang, wala ng iba. At nararamdaman kong mahal niya rin ako-"
"Stop covering for him! He's a bad guy Phryne, remember? Pagkatapos ng ginawa niya sayo, tanga-tanga ka na naman ulit?"
"I know, Mari! I know! I'm so stupid that I still fucking love that asshole!" hindi ko maiwasang mairita dahil totoo ang mga sinasabi niya na labis ikinapanlulumo ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wag naman sanang dumating sa puntong mamili ako kung si Mari na naging malapit kong kaibigan o si Heimlich na mahal na mahal ko pa rin...
"Stop making excuses, you're a total chaos, and you would've always been. So, don't blame with me, nag-aalala lang ako para sayo! Hindi ka ba natatakot?"
"Mari... mahal ko pa rin siya. Parang mas natatakot ako 'pag tuluyan na siyang mawala sa buhay ko."
Napapikit siya ng mariin kasabay ng malalim niyang buntonghininga. At sa paraan pa naman kung paano niya akong tingnan, para bang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo. Dumaan ang mga minutong naging matahimik kaming dalawa, natulala hanggang sa nadinig ko ang dagling sinambit niya.
"Stupid." I know she's pertaining to me. Sa paraan pa lang ng tingin, alam kong ako ang tinutukoy niya.
I just heavily sighed.
"Go to hell. All you have to do is suck it up, literally! And swallowed some fucking... argh! Fine! Just have a nice goddamn life with him, you, stupid bitch!" gigil na ani niya sa akin pero alam kong mas nangingibabaw ang pag-aalala niya.
"Yea... I'm stupid." sang-ayon ko na lang sa sinabi niya dahil... totoo naman talaga.
Tanga na nga bang piliin na aminin ang totoong nararamdaman ko? Oh mas katangahan ang magpanggap at umaktong wala na lang 'yon? Alin ang mas katangahan sa dalawang 'yon? Kahit alin naman dyan ang mapili ako alam kong... tanga pa rin ako.
"So, so stupid." sarkastikong tugon niya.
Hindi na ako nakapagsalita. Natutulala pa rin sa mga nangyari. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang itsura niya. Ang mukha ni Heimlich, ang pagmamakaawa niya, ang pagluha niya, ang pagsuko bago niya ako talikuran. Parang gusto ko siyang habulin... puntahan!
Tanga.
Tanga ka nga talaga, Prina! Ngayong naamin mo na ang totoong nararamdaman mo, saka naman ngayon nawala ang taong dahilan non! Wala na! Tanga ka! Wala ng silbi! Huli na!
"Ang tanga ko talaga, no?" sa natanto, nanginginig na tinanong ko ito sa kanya dahil sa nagbabadya ko na namang emosyon at isipin sa kawalan ng pag-asa dahil naiwaksi ko na naman sa isipan ko ang bultong likod nung tinalikuran niya ako sa kusa niyang paglayo.
"Tanga ka."
"Ang tanga ko."
"Oo. Tanga-tanga ka talaga."
"Ang tanga ko nga talaga, Mari."
Napakunot sya kasabay ng pagnguso.
"Oo, tanga..." sa maliit na ang tono nitong tugon.
Napaungol ako sa inis dahil huli na ako nang matanto ito. Ano pang silbi nito? Ngayon naamin ko na sa sarili ko, may pag-asa pa kayang mabalikan niya ako gayong tinalikuran na niya ako? Parang... gusto kong sagutin ang tinanong niya sa akin. Pero mukhang huling-huli na talaga.
"So, what are you waiting for, bitch? Get your butt out of here right now and follow him! Habulin mo na at baka hindi mo na maabutan!"
Napapalunok na napakurap ako sa dagling panunulak niya para makatayo ako.
"M-Mari..."
Napairap siya sakin. "Habulin mo na! Ano pa bang magagawa ko kundi suportahan ka sa katangahan mo?"
"Mari..."
"Sige na. Kung saan ka mas sasaya, lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Magiging masaya rin sa kasiyahan mo," then she gave me a small smile.
Masakit man ang ulo, medyo nahihilo ay dali-dali ako sa pagbaba ng hagdan kahit malabo ang tiyangsang maabutan ko siya sa baba. Hindi na ako nag-abala pang mag sapin sa paa, sa pagmamadali ko nang hindi naisip pa iyon ay ang tangi ko lang iniisip ay siya...
Sana maabutan ko siya!
Tama. Hinahabol ko siya dahil gusto ko pa siyang makita. At oo, hinahabol ko siya dahil gusto kong sagutin ang naging tanong niya. Hindi ko inaasahang sa huli, ako pa rin talaga ang hahabol sa kanya.
Nang tuluyang nasa groundfloor na ako, lakad-takbo ang ginawa ko. Hindi inalintana ang lamig, kahit na anong gaspang ng naaapakan ko, ang dilim habang nagmamasid sa paligid. Agad akong nanlumo dahil hindi ko maaninagan ang kanyang kotse man lang.
"Heimlich!" sigaw ko sa kalagitnaan ng madilim at walang katao-tao sa kalsada.
Tanging mga busina at daan lang ng sasakyan ang mga nadidinig. Para bang bumalik sa ala-ala ko dati kung paano niya ako iwan at talikuran noon sa gitna ng kalsada at madilim, parang nauulit. Napapikit ako ng mariin dahil pamilyar na naman ang ganitong pakiramdam sa akin.
Ang kaibihan lang ay tinalikuran niya ako ng maayos na may pamamaalam. Ako ang nagtaboy sa kanya, at ngayon, heto, tinatawag na naman siya dito sa gitna ng kalsada! Tang ina!
"Heimlich!"
Tumakbo lang ako kung saan. Masuring minamasid ang bawat sulok ng paligid, nagbabakasakaling maaninagan ko ang pamilyar na bulto niya kahit madilim. Paimpit akong nananalangin na sana hindi pa siya tuluyang nakakalayo.
Tumakbo lang ako ng diretso kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hanggang sa mapatigil ako sa pagkahingal habang nakadantay ang mga kamay ko sa tuhod ko bilang suporta sa pagtungo ko.
Napapikit ako ng mariin. "Heimlich, please! Bumalik ka dito!"
Malinaw at malakas sigaw ko na halos mag-echo na ang boses ko.
Nagbalik sa isip ko ang mga sinabi niya... para bang pakiramdam ko ngayon lang ako naniwala. Sa lalim ng pagkagalit ko noon sa kanya, inakala ko ring sila ang nagkatuluyan ni Clementine.
That is why, when we were far away from each other, kahit na punung-puno pa ang pagmamahal ko nung oras na iyon sa kanya, tinanggap ko na. I'm torn between researching about and giving him freedom to have her. Accepting and giving him what he wants, kahit na labag sa kalooban ko. Na putang ina, parang hindi ko yata kayang lunukin. Napapagod na kasi ako kakalunok ng pride ko... ang dignidad ko.
Dahil naisip ko na sila talaga ang nababagay sa isa't-isa.
I feel so hopeless that time. Pakiramdam ko, ang isang tulad ko ay walang karapatang magreklamo dahil inakala kong pinaglaruan niya lang ako. Na isang tulad kong babae, na mahilig din sa laro... natalo ng isang magaling na manlalaro pagdating sa pagpapabilog ng ulo ng isang tao. Ang magpaniwala sa walang katotohanan. Tinanggap ko dahil siguro bilang karma na rin siguro sa mga naging desisyon ko at ginagawa ko sa buhay ko.
Sa sobrang galit niya at abala naman ako sa sakit ng nararamdaman ko, nabulag ako. Hindi ko napag-isipan ng mabuti. Parehas kami nagpadalos dalawa. At dun ko natanto na nagkasabayan kami ng galit dalawa.
Pero ngayon, kahit na mahirap kalimutan ang mga nangyari sa isip ko, ipinagsawalambahala ko na lamang 'yon. Binaba ko na lamang muli ang natatangi kong pride sa sarili ko. Dahil maging ako, hindi ko na siya kayang matiis. Lalo na't nalaman ko na ang katotohanan mula sa kanya... at naramdaman ko na ang tunay na nararamdaman niya. Nagkaroon muli ako ng dahilan para bumalik, kumapit at maging hibang na naman sa tulad niya.
Then it hit me, damn... yea, I still fucking love him.
And damn, I badly wanna see him. Right now.
And damn, yea, I'm still into him and I fucking want him so, so bad.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro