Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 59


"Di lahat ng masarap, mahal. Ako nga masarap pero hindi mahal."

Ano daw?"

"At hindi rin lahat ng magaling, kaya kang mahalin. Kaya, practice lang ng practice!"

Hindi ko talaga maintindihan.

"Tayong mga pokpok, hindi na dapat tayo mag-e-expect na may magmamahal ng totoo sa'tin. Kasi sino ba namang papatol sa pokpok at hindi matinong babae, 'diba? Pero alam mo... ako? Kahit naman pokpok ako, hindi naman ako demonya, maalam ako maawa, mang-unawa, magmahal at maalam din ako mag-pray, no!"

Ano ba ang pinupunto niya?

"Ang hirap talaga pag pokpok ka, hindi mo alam kung talagang mamahalin ka..."

Ha?

Wala akong magawa kundi tumango at makisang-ayon na lang sa mga sinasabi at mga paghihinaing ni Mari, na hindi ko maintindihan kung may pinagdadaanan ba ito o trip niya lang dahil hindi naman siya madalas pala-kwento pagdating sa love life niya.

Ang pagkakatanda ko pa naman sa kanya, sa tagal ko na siyang nakakasama, wala naman siyang love life at hindi yun uso sa kanya lalo na sa mga pinagdaanan niya. At maging ako, hindi ko iyon nakita. Ang gusto niya lang ay mag-enjoy at magkaroon ng maraming-maraming pera. At kahit sa ganyang edad niya, hindi pa siya handa muling mag-asawa at bumuo ng pamilya. Ni wala pa nga raw natitipuhan ito ayon sa nalaman ko nung huling pag-uusap namin pagdating sa ganitong bagay. Medyo... matagal-tagal na rin 'yon. At kung tatanungin ko lang siya ngayon kung meron na ba, palagi naman niya ako madalas binabara, ililihis ang usapan o kaya ay idadaan sa biro at hindi seseryosohin ang mga tinatanong ko.

Hindi ko talaga alam sa babaeng 'to. Minsan... ay hindi, madalas pala, ang hirap niyang kapulungin sa mga bagay-bagay. Pero kapag usapang pera, napaka seryoso nya.

Tapos ngayon... hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga pinagsasabi niya. Mukhang tulad ko, natatamaan na rin siya ng alak na iniinom pa namin mula kanina.

"Ang hirap kase e, yung tipong habang nagse-sex kayo, sinasabing mahal ka niya? Nakakatangina na nakakatawa kase yun pala, nalilibugan lang siya! Alam ko naman yun, eh! Pero bakit parang nahu-hurt ako? Diba, Prina? Diba? Sumagot ka!"

Nakahalumbaba lang ako, medyo namimikit na ang aking mata ay sunud-sunod na ang pagtango ko sa kanya kahit hindi ko na maunawaan ang aming pinagpupulungan. At sa pagkakatanda ko, ako ang nagdadrama rito, at heto, nakisabay na siya, nagtuluy-tuloy na.

Lasing na ba siya?

Napapasinok na tumayo ako habang nakikita kong tuluy-tuloy lang ang inom niya. Isa sa alam ko kay Mari, kapag nalalasing siya, lalong lumalala ang pagiging madaldal niya. Hindi ko alam kung totoo ba itong mga ibinubulalas niya pero hindi ba't kapag nalalasing tayo, lumalabas ang totoong dinadamdam natin?

Hindi ko alam... baka ganito na siguro ang nadadamdam ng kaibigan ko. Napabuntonghininga ako ng malalim. Hindi ko lubos na maisip na magkakaganito kaming dalawa.

"Banyo lang ako, Mari." paalam ko sa kanya kasabay ng pagtapik ng marahan sa balikat niya.

Lango, mapungay ang mata at nakataas ang kilay nang lumingon siya sa akin.

"At bakit ka magbabanyo? Lasing ka na ba? Wala ka pala sakin, napaka weakshit mo pa rin!" pambabarado niyang sambit habang nakatingala na sa akin.

Para bang naduduling na ang mata nito kakasunod ng tingin sa bawat galaw ko. Medyo nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman at nadadala ko pa ang sarili ko.

"Iihi lang ako!"

Ngumuso siya bago tumango sa akin. "Siguraduhin mo lang na iihi ka lang, ah? Baka mamaya nagsusuka ka na!"

"Ano ka ba? Ako? Magsusuka? Bakit naman ako susuka? Hindi ako lasing..." napalunok ako.

Hindi ko na hinintay ang sunod na sasabihin niya at tumalikod agad ako at nagmartsang dumiretso patungo sa banyo. Mabuti na lamang ay wala ng masyadong tao pero may ilan ako nakakasalubong ng mga putang inang naghahalikan at nagkakayugan sa banyo!

Sa tuwing bubuksan ko ng sunud-sunod na cubicle ay may nakikita akong nagiging apat ang mga paa, magkapatong na animo'y mga kabayo, puro bulyaw at gulat ang mga natamo ko dahil nasagabal ko ang mga paghahalualtian nila. Hindi na bago sa akin 'to dahil madalas talaga ako nakakatiyempo ng ganito.

Hmp! Mga lintres! Hindi na lang mag-check-in sa hotel, alam ng banyo 'to tapos kung makamura sa akin... hindi ko naman alam na may tao at kasalanan ko pa talaga!?

Wag sana silang malabasan at sumakit sana ang mga puson nila mga lintik sila!

Mabuti na lang sa huling pinto ay walang tao. Agad akong pumasok, mabilis na ni-lock ang pinto, tumungo at buong pusong nilabas... ang aking kanina pang pinipigilang pagsusuka.

Maluha-luha ang sunud na pagsuka ko ng sunud-sunod, lasa ko ang pait sa naglalaway kong bagang sa tuwing natitigilan ako habang hinihimas ang sakit ng sikmura ko.

Great... just fucking great, Phryne. Uminom ng alak ng hindi kumakain ng dinner. Ewan ko na lang talaga kung hanggang kailan ka tatagal pa sa mundong ito, Phryne Gretha.

Mahigpit ang pagkakakapit ko sa may ding-ding, natatakot na sa sobrang pagkakatungo ay bigla ako matumba kakasuka.

"Punyemas, ayoko na talagang mag-inom." nanghihinang ani ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung nakailan kami ng inom at iba't-iba iyon pero alam kong naparami kami ni Mari. Lalo na ako dahil ako ang nauna. Nagtagal lang kami dahil sa nanlibre pa si Mari ng inumin at nakisabay pa sa akin.

"Bukas na lang ulit."

Nang wala na akong maisuka ay huminga ako ng malalim matapos maka-recover. Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa sink para maghilamos at maghugas na rin ng kamay para ako'y mahimasmasan kahit mas nangingibabaw na ang pagkahilo ko.

Tang ina... tinamaan na talaga 'ko.

Nagpatuloy ako sa paghilamos. Hindi ko alam kung gaano katagal ang pagbuhos ko ng tubig sa mukha ko. Mahirap na at parehas kaming lasing dalawa ni Mari, walang isang sasalba sa aming dalawa kung magpapakalango din ako. Kaya dapat makauwi kami ng matiwasay.

Napagpasyahan ko ng lumabas.

At sa paglabas ko habang nagmamartsa akong maglakad ay palapit ng palapit ang naaaninagan kong pamilyar na bulto... ang matikas at malapad na likod sa akin. Binilisan ko lalo ang aking paghakbang para siya ay aking kumpirmahin dahil sa dagling paglakas ng kutob ko sa dibdib ko. Napapalunok ako'y napakunot, nasa madilim itong parte, nagtatakang may kausap pa siyang babae na isa sa mga nagtatrabaho rito sa bar.

Hindi ko sila madinig ngunit dahil sa gumagalaw ang bibig ng isang babae ay wari ko'y nag-uusap silang dalawa. Nanunot sa aking tainga ang mga bulong nila.

Natigil na lamang ako na habang nakangiti ang babae ay mabilis niyang pinatakan ng halik sa pisngi ang lalaki habang nang-aakit na hinahaplos ang braso nito. Napakunot pa ako na tila hindi man lang umiiwas ang isang ito habang ginagawa iyon sa kanya.

At sa paglapit ko, ganun na lang ang pagtahip ng dibdib ko nang makita ko muli siya.

"H-Heimlich..." nauutal na bulalas ko habang nanginginig ang aking labi.

Nanlalaki pa ang matang siya'y lumingon sa akin. Mukhang nagulat, hindi inaasahan ang paglapit ko at sa paraan ng naging reaksyon niya ay para bang tila nabisto at nahuli ko ito nang makita ko siyang may kasamang iba.

Napatiim bagang ako nang sambitin niya rin ang pangalan ko.

Sumenyas ang isang babae na malingunan ako gayong sa kalagitnaan ng titigan naming dalawa ni Heimlich ay para bang nagulat pa ito.

"Phryne..."

Inaamin ko, ilang araw ko siyang hindi naiwasang isipin dahil sa pagkawala niya tapos ngayong nakikita ko siya... ganito pa ang mabubungaran ko sa kanya.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito? Bakit may iba siyang kasama? At bakit magkasama sila sa madilim na parte? Eh, ano bang pakialam ko?

Nagtagal ang titig ko sa kanya... Hindi ko maiwasang isipin, na worth bang iyakan ang isang tulad niya? Hindi ko alam kung bakit kahit anong gago na tulad niya... hindi siya mawala-wala sa isip ko.

Honestly, I'm so confused right now.

He's confusing me.

Siguro kung wala lang ako sa katinuan at na naging saksakan ang katangahan ko, baka hindi ako umalis at patuloy na hinabol siya kahit pa tinalikuran at tinataboy niya ako... magmamakaawa pa rin ako, payag akong marami kaming babae sa buhay niya. Na kahit masaktan man niya ako, maramdaman ko pa rin na akin siya at sa kanya ako. Na ayos lang kahit may kahati... na kahit maging katulad siya ng kanyang ama na maraming kalaguyong babae, kahit isang malaking katangahang isipin 'yon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya... ayos lang sakin. Ayos lang sakin... kahit pa sabihang parausan at maging kabit ako, magmukhang desperada sa pagkabaliw ko sa kanya, wag lang talaga ako malayo sa buhay niya. Gawin niya ang gusto niyang gawin sakin.

Paulit-ulit ko pa rin siyang titiisin, tatanggapin at mamahalin.

Ngunit hindi ko ginawa. Dahil alam kong hindi magiging maganda iyon para saming dalawa. Lalo na... para sa sarili ko. Kahit papaano... nakita ko ang kaunting kahalagahan ko para sa sarili ko.

Dahil natanto ko na may halaga pa rin ako. Mas pinili ko na lang ang sarili ko dahil alam kong... yun ang tama.

Alam kong nasaktan niya ako. Pero sa mga inaakto na naman niya nung mga nagdaang linggo, kahit anong pilit ko na palabas lang 'yon... bakit parang nararamdaman ko? Bakit ang daya sa parte ko? Bakit nung isang iyak pa lang niya, nanghina na ako? Bakit nung panahong umiiyak ako ng paulit-ulit sa kanya... pagdating sa kanya ang tigas ng puso niya dahil natiis niya ako? Bakit pagdating sa kanya, mabilis nanlambot ang puso ko?

Hanggang sa pagmulat ko, namalayan ko na lang ang sarili na nagsasalita na sa kaniya.

"Can you kiss her?"

Malalim siyang napakunot sa akin, nalilito. "What?"

Habang ako, malamig pa rin nakatitig sa kanya. "I want you to kiss her."

Kita ko ang taas-baba ng lalagukan niya sa leeg habang umiiling. Halata ang pagkadisgusto na gumuhit sa mga mata nito.

"What are you talking about-"

"Halikan mo s'ya."

"N-No-"

"Just kiss her." I impatiently command him.

"No, please, don't do this." agad na pagtanggi niya. Mahigpit ang bawat pag-iling at makikita ang pagmamakaawa.

"Fucking kiss her. I want you to fucking kiss her in front of me, Heimlich." tiim-bagang na pamimilit ko sa kanya.

Para bang bumabaluktot na ang pag-iisip ko at hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito.

Hindi pa man siya nakakasagot muli, ay ang babae na ang kumilos at kinabig ang mukha nito para siya ay mahalikan. Nagulat din ako at hindi ko talaga inasahan.

Mabilis ang pangyayari, nanginginig ang buong labi ko dahilan na gumapang ito sa buong sistema ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Para bang naging mabagal ang bawat pagkilos. At habang nakikita sila, hindi ko maiwasang maigunita ang mukha ni Clementine sa babae habang hinahalikan niya si Heimlich na nagpupumiglas.

Napasinghap na lamang ako at nabalik sa huwisyo nang pumiglas at naitulak na niya ang babae dahilan na mabitawan ito kasabay ng pagkawala niya ng mura ng malutong at nanlilisik ang matang lumingon sa akin.

"Fuck, I said, I don't!" nanggagalaiti nitong kastigo kasabay ng mariin niyang tingin. "Anong problema mo, Phryne!?"

Sa pagkaigtad ay agad na galit ang naipukol ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito katinding emosyon ang nag-aalburoto sa loob ko habang tinitingnan siya.

"D-Dahil buwisit ka! Mga walanghiya kayo! Baboy! Mga putang-inan'yong hayop kayo!" agad ko silang dinaluhan at tinulak ang babae kasabay ng paggawad ng malakas na sampal sa mukha sa kanya.

Agad na rumehistro ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko at sa agarang pagsugod ko.

"What the actual fuck, Phryne!?" gulantang na tanong niya habang sapo ang kanyang pisngi kasabay ng hawak niya sa balikat ko para yugyugin ako at magising sa kahibangan ko.

Mukhang nalilito at hindi pa rin makapaniwala sa akin.

Napapikit ako. Taas-baba ang paghinga sa naninikip kong dibdib habang nakapikit ng mariin. Hindi ko alam kung bakit gusto ko na lang biglang sumabog. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay matinding galit ko sa kanya.

"Yan... yan ang gustung-gusto kong gawin sayo habang nagtatalik kayo sa harapan ko ni Clementine!" singhal ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit awas ang nararamdamang panggigigil at galit ko habang tinitingnan siya.

Sa naguguluhan niyang titig ay kita ko ang agaran na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata, ramdam ko ang pagluwag ng kapit niya sa balikat ko.

"I..." wala siyang maapuhap na salita at kahit na ganun ay kita ko pa rin ang patuloy na pagkalat ng sakit na gumuhit sa kanyang mukha.

"At nagsisisi ako dahil hindi ko nagawa iyon sayo noong mga panahong hibang na hibang ako sayo! Hindi ko pa rin maunawaan... p-paanong... paano mo nagawa yon sa harapan ko? Kasi alam mo, ang sakit... ang sakit sakit... Heimlich! Sobrang sakit! Minahal kita—"

"Phryne! Wake up... wake up, Phryne! Wake up!"

Habol ang aking hiningang nagpagising sa diwa ko habang may yumuyugyog sa akin. At sa pagmulat ng mata ko, ang malaberdeng-mata ang nasalubong ko, kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha at namalayan ko na lang ang aking sarili na lumuluha habang nagpapakawala ng isang hikbi.

"H-Heimlich..." nanginginig ang labi na sambit ko.

Hindi ko alam kung bakit lalo akong naiyak nang makita siya. Sobrang sikip ng dibdib ko na halos hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko.

Namalayan ko na lang na nakadantay ang aking ulo sa kanyang dibdib, nakayakap habang hinahaplos niya ang aking likod para patahanin ako.

Umiiyak ako.

"You're dreaming, Phryne. Hey... it's okay... it's okay. I'm here... don't cry. Shit." maagap niyang sambit habang patuloy ang pagpapatahan niya sakin.

Umiiyak ako dahil sa naging panaginip ko.

Nandun siya... napanaginipan ko siya. Galit ako. Masakit. Panaginip, bakit parang totoo at ang sakit?

Lalo kong naibaon ang aking sarili sa kanyang dibdib habang umiiyak, mahigpit ang aking pagkakapit sa kanyang damit na halos magasumot ko ang mga ito.

Ano ba naman ito... pati ba naman siya umuultaw sa panaginip ko? Kailan ba siya mawawala ng tuluyan sa isip ko? Ano bang ginawa niya sakin kung ba't ganito kalupit ang epekto niya sa sistema ko? At anong ibig sabihin ng panaginip non? Akala ko rin totoo... pero nang matantong nasa apartment na pala ako, nakahiga sa kama, nandito siya... panaginip lang pala iyon lahat. Pero kahit na ganon... totoo man o hindi... bangungot pa rin siya sa akin.

Humina ang iyak ko nang marehistro ko ng maayos sa utak ko at natantong... nandito siya.

Nandito siya?

Nandito siya mismo sa apartment ko!

Paanong nandito siya? Sa harapan ko? Anong nangyari? Anong ginagawa niya rito!?

At bakit yakap-yakap niya rin ako!?

Wala akong matandaan na pinapunta ko siya dito at lalong wala akong matandaan na pinapasok ko siya dito sa loob na tinitirhan ko! Gulung-gulo, akala ko ba hindi na siya magpapakita? Bakit nandito na naman siya sa harapan ko? Huling alala ko ay nag-iinom pa kami ni Mari. At hindi ko alam kung paanong paggising ko... nandito na ako sa apartment nang hindi ko namamalayan.

At nandito pa siya... kasama ko pa!

"You must be hungry... do you want to eat, hm?" he asked softly when he faced me.

Galing pa sa pagkakaiyak ay kinagat ko ang aking labi sa nagkukubling hikbi para pakalmahin ang sarili. Malalim pa akong napalunok nang hawiin niya ang nakatabon na buhok sa basang mukha ko at pinunas iyon gamit ang kanyang mainit na kamay.

Okay. This is probably the most awkward I have felt in all of my life. I mean, why is he acting like this? And why is his voice so gentle?

Napaiwas ako sa mga titig niya. Kahit medyo madilim, kitang-kita ko na naman ang kaultawan ng malaberdeng-asul niyang mga mata. Para bang bawat reaksyon at galaw ko ay sinusubaybay din niya.

"H-Hindi ako nagugutom..." ani ko sa maliit at paos na tono.

Napasandal ako sa headboard ng kama. Wala pa akong lakas para tanungin siya kung paanong... ano ang ginagawa niya rito at saglit ay hinilot ko na naman ang namimitik kong sentido.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng katahimikan.

"What do you think?" balik na tanong na sagot niya, hindi ko alam kung sarkastiko ba iyong naririnig ko ngunit pinanatili niya ang boses niyang kalmado.

Para bang may nakita at nagawa akong nagpairita sa kanya.

I heavily sighed. "I honestly have no clue." seryoso kong tugon.

"You are so drunk..." huminga siya ng malalim. "why are you crying? What did you dream?" pag-iiba niya ng usapan.

"Why do you care?"

"W-What?" maliit siyang kumunot at tumitig sa akin.

Hindi ko alam, tila ba 'pag natititigan ko siya ay may pait na tilang lason na gumagapang sa kabuuan ko kung bakit nagkaganito na naman ako.

"Oh, perfect timing, asshole. I'm talking about your dipshits game."

Hindi agad siya nakasagot sa agarang sinasabi ko. Mukha pa ring nalilito. Lihim akong napairap kasabay ng paghinga ng malalim.

"Game? What are you talking about-"

"Really, what? Matapos ng isang linggo, magpapakita ka na naman ulit..."napaiwas siya ng tingin at bumuntonghininga ng malalim.

"You have no clue why I lost the past few days. Kung alam mo lang-"

"B-Bakit hindi ka pa rin tumitigil? Hindi ba't sabi ko, wag ka ng bumalik? Bakit mo pa rin 'to ginagawa? At wag mo idadahilan na gusto mo lang akong tulungan kaya mo ginagawa 'to, kasi hindi magandang pakinggan ang rason na 'yon-"

"Because I still love you." salitang nagpatigil sa akin.

Mapungay ang matang lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo. Otomatikong umawang ang labi ko at lihim na suminghap ng malalim, hindi agad magawang huminga.

"I still fucking love you, Phryne... sapat na bang rason 'yon para maliwanagan ka kung bakit patuloy kong ginagawa 'to? Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sabihin 'to... para lang maintindihan mo?"

Malalim akong napalunok, gusto kong magsalita, ngunit wala akong maayos na maapuhap pang sabihin sa kanya dahil sa gulat. Pero kahit na ganon... sinungaling siya! Alam kong pinaglalaruan na naman niya ako! At sawang-sawa na ako sa mga laro niya!

"Sa sinabi mong 'yan... akala mo talaga maniniwala ako at mababalikan pa kita, no?"

Kita ko ang agarang pait ng ngiting ibinaling niya sa akin habang umiiling. "Gusto ko lang klaruhin... mahal mo pa ba ako? Ah... hindi. Hindi ko pa nga lang naitatanong ay mukhang alam ko na naman ang sagot. Kasi kung ako ang tatanungin, mahal pa rin kita, Phryne. Mahal na mahal pa rin kita at seryoso ako."

Malalim akong napabuntonghininga ng malalim. Hindi ko alam kung lungkot ba iyong nakikita ko sa kanyang mata pero ipinagsawalambahala ko iyon at nanindigang iwasan ang mga tingin na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam at tatalo sa akin.

"I already told you... stop bullshittin on me-"

"I honestly not bullshittin on you, Phryne. Ganun na ba talaga na ayaw mo akong makita?" when he asked me this, he smiled bitterly, and I'm not sure why, even though my heart was in my chest and in the middle, it seemed to go down to my stomach because I could feel its weight again.

Ang hirap. Gayong malapit at sobrang ramdam ko ang presensya niya, kahit ang paghinga niya ay para bang nagbibigay ng bigat sa kalooban ko. Bakit parang pakiramdam ko nasasaktan ako dahil... ramdam kong nasasaktan na siya?

"You know what? I want you to know that I'm trying... I'm trying my best para mapatawad mo ako. Kahit na alam kong mahirap ng pagkatiwalaan ako, at least give me another chance to prove myself to you. Whatever it takes... but if you still don't want me, I'll accept it. I'll respect your decision even if it's fucking hurting me. I promise, you won't ever see me again." he said in a low voice as if the plea could be heard.

Sa pag-iinit ng aking mata ay dagling nagbaba ako ng tingin, hindi kayang malabanan... natatakot na bumigay. Natatakot na naman ako na kapag magpadala na naman sa kanya ay saktan na naman niya ako. Baka isa na naman itong malaking bitag na aangat at biglang lalagapak na naman sa akin.

"Baka may natitira pang kaunti... kahit isa lang. Sisimutin ko na. Tatanggapin ko, kahit isa lang, Phryne. Kahit isa lang..." his voice weakened.

Lalong nanginig ang labi ko nang maramdaman ko ang mainit na likidong unti-unting tumulo pababa sa palad ko na nagmula sa taas galing sa kanya. At kahit nakatungo ako at 'di siya tinitingnan, alam kong tahimik na lumuluha siya... walang boses pero ramdam ko, lalo na ang mainit na hiningang tumatama sa ulo ko dahil nakatungo siya, maging ang malalalim na paglunok niya... ramdam ko ang bawat bigat ng paghingang kinukuwala niya. At ang maramdaman na parang mahina siya... ay isang malaking bagay na nakakapanibago sa akin.

He's not like this. Heimlich, what is happening to you?

Kahit na ganito ang mga sinasabi niya, hindi ko alam kung bakit sa mga linyang iyon ay may mga mensahe pa siyang tinatago at gusto pang sabihin sa akin. Every time I hear him, I feel ... something is holding him back, too, and I don't know what that is.

Kung hindi lang masama ang loob ko, kanina ko pa siya inalo at tinanong kung ano ang problema niya. Handa akong makinig sa kung anumang mga pinagdadaanan niya pero... pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Dahil maging ako, hinang-hina pa rin sa sarili ko. Parehas lang kami... at kung iisipin sa parte ko, mas nahihirapan din ako, hindi ko ata kakayanin kung pati ang pinagdadaanan niya ay papasanin ko.

Hindi ko alam kung bakit magaganda naman ang mga linyang sinasabi niya sa akin, na mahal niya ako ay parang iba ang dating at pakiramdam sa akin. Mas nilalamon ako ng lito at takot. Pakiramdam ko, sasabog na rin ang utak ko sa dami ng mga naiisip ko.

"I need you..." it sounds like he's so, so, fucking broken.

Bakit parang nagdudusa siya? Hindi ba dapat ay masaya sya? Ako dapat ang nakakaramdam ng nararamdaman niya! Pero bakit pakiramdam ko, ako pa ang lumabas na malupit sa kanya?

"Anong kailangan gawin para makabawi ako? Gusto mo bang saktan ako? Go on... hurt me, just don't send me away. Hurt me, Phryne... gawin mo ang lahat na gusto mong gawin sakin." he said, growing tired and exhausted.

I hope I had the energy to hurt him physically just what he likes me to do pero nanghihina at nawawalan ako ng lakas sa oras na ito.

Phryne, he's a liar. Sinaktan ka niya! Nagsinungaling siya baka nakakalimutan mo! Napagkamalan pang nakipagsiping sa hayup na ama niya! Huwag kang tanga! Pokpok at basura ang naging tingin niya sayo!

Gulung-gulo, sa nagtatalo kong puso't-isipan ay kusang lumabas ang mga linyang hindi ko inaasahang masasabi ko sa kanya.

"I-Itigil mo na 'to, Heimlich. Nothing will change. And if at all possible," I swallowed deeply at the feeling of a blockage in my throat. "If only I could never see you again. You are the worst thing that ever happened to me. Isang malaking pagkakamali na makilala ka... at ang pagkakamaling 'yon ay hindi na sana maulit pa. Nakakatakot ka..." nanginig ang labi ko at kusang mahigpit na napakamao. "Isa kang bangungot."

"P-Please..." halos hangin ang naitugon niya sa pakikiusap, hindi ko alam kung nakikiusap ba siya na humingi pa ng pagkakataon, o nakikiusap na itigil ko na ang masasakit na salita na sinasabi ko sa kanya.

Napapikit siya saglit. Tanging paghinga lang ang nadidinig ko. Sa pagmulat niya, ramdam ko pa rin ang titig niya at tila paghihintay niya kahit na mukhang nanghihina siya. Ngunit tumagal na ang ilang segundo, minuto at oras ay wala akong maibulalas sa kanya.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, hm?" umaasa at mahinang tanong niya.

I averted my eyes on him, mariing kinagat ko pa ang pang-ibaba kong labi.

Maya-maya ay nadinig ko ang buntonghininga niya ng malalim.

"Right... I get it. T-There is really no hope."

I bit my lower lip. Fortunately, it was dark and he couldn't see the tears streaming down my cheeks because of what I was hearing from him. At kung may tunog lang ang sakit ng nararamdaman ko ngayon, malamang dinig ko ang bawat basag at pagkapunit at pira-piraso nito.

"Don't worry... I'm not here to annoy you. I-I'm here to... bid farewell to you."

Dun lamang ako napatingala sa kaniya. Ngunit dahil madilim, hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatulala na ito, at tila malayo ang iniisip. Dinig ko ang malalim na paglunok niya kasabay na pagsisimula na naman ng pag-init ng bawat gilid ng mata ko.

"Babalik na ako. I realized that you really wanted to get rid of me so badly... ako lang naman 'tong nagpupumilit."mahina at pagak siyang natawa sa namamaos na boses niya. "Kasi akala ko meron pa, kahit katiting. At ngayong nakikita ko ngang ayaw mo na talaga, that stopped me from thinking that I was too much. I-I damaged you... I destroyed you... I lied to you...I traumatized you... and I'm so fucking... so, so, sorry for that."

He took a deep breath. I close my eyes tightly in pain as I emphasize the hoarseness of his voice.

"Gusto kong malaman mo... na nagsisisi ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Nagsisisi talaga ako, Phryne..." his voice was almost begging. Damn it! "K-Kulang ang kapatawaran, alam ko 'yon. At siguro ang pag-alis ko na lang talaga ang paraan para matahimik ka. Yun lang naman ang gusto ko... maging mapayapa, masaya at maayos ka."

As my bite tightened on my lip, I could almost feel the mixture of bitterness and bleeding. I took a deep breath when I heard him deep breathing like his, I could also feel it holding back his emotions.

Damn Heimlich, bakit ang galing mo pasakitin ang puso ko?

"Hindi na kita guguluhin. You don't want me in your life, so I understand. Take care of yourself, Phryne. I-I love you..." his voice broke. Then I realized I felt the soft touch of his lips on my head. "goodbye..."

The last word that seemed to leave me hanging in the air was his last whisper---goodbye.

P I E D R A I J A D A 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro