Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 58


"Gutom na ba ang pussy ko, hmm?" malambing na ani ko sa pusa kong naulinigan kong panay lambing at isinusuksok ang sarili sa loob ng kumot na ginagamit ko.

Tanging pagngiyaw lang ang itinugon niya at natunghayan ko na lang na nakapikit muli ito sa pagtulog.

"Manang-mana ka talaga sa akin, no? Napaka takaw matulog!"

Pasimple kong inunat ang aking katawan. Iminulat ko ang aking mata at natantong maaraw na. Napabuntonghininga ako. Ramdam pa rin ang panlalambot at pangingimay sa buong katawan ko habang dahan-dahan kumukurap ang aking mata.

Hindi ko alam kung anong oras na ba. Usually kapag umaga, lalo na't kapag wala akong ibang part-time ngayon, tamang tambay lang ako sa apartment ko, nood ng ng movies sa Netflix or Hbo, foodtrip kasama ang pussy ko o kaya mamasyal mag-isa sa labas. Halos minsan, umaga lang ang pamamahinga ko. Syempre pinagbibigyan ko rin ang sarili ko dahil mahirap na at baka kapag binugbog ko ng sobra ang katawan ko sa buong araw ay baka mabalda na ako.

At minsan naman, namamasyal rin kami ni Mari, punta sa mall, bili ng damit, kumakain, minsan lang din namin makasama pa ang ilang kaibigan dahil abala rin sila sa mga buhay nila. Hindi ko nga lang alam kung anong pinagkakaabalahan ni Mari ngayon dahil mula kagabi, hindi pa siya umuuwi sa apartment niya. Madalas kasi siyang mas maaga magising dahil agad niya akong pinupuntahan rito sa apartment ko, halos magkatabi lang kami ng tinitirhan. Nakatanggap na lang ako ng text niya na ngayong araw siya uuwi dahil nasa duty pa siya.

Medyo duda nga lang ako ron dahil umuuwi naman yon. Ngayon lang hindi. Napabungtonghininga na lang ako ng malalim at nag-reply sa kanya na mag-ingat siya.

Kita ko sa aking orasan na tanghali na pala.

Nagugutom pa man ay tinatamad pa akong bumangon. Sa pagkatulala ko sa kisame, hindi ko maiwasang maiwaksi sa isipin ko ang nangyari kagabi... at habang inaalala ang mga yon ay para bang gusto ko na lang sampalin ang mukha ko ng paulit-ulit!

Ang tanga-tanga mo, Prina! Sa pangalawang pagkakataon, pinahiya mo na naman muli ang sarili!

Bakit ba kasi may pag-iyak ka pa? Yan tuloy nakita niya kung gaano ka naging kapatay-patay sa kanya! Argh! Hindi ko alam kung magsisisi ako ng husto sa ginawa ko gayong pwede ko namang makausap siya ng maayos, at umaktong normal para 'di na dumating sa puntong umiyak pa ako sa harapan niya pero...

Napakagat ako ng mariin habang nakapikit ng maalala ko ang istura niya bago ko siya tinalikuran at tulad ko... umiiyak din siya.

Panaginip lang ba 'yon o totoo?

Haynako, Prina, tanga-tangahan?

Malamang... totoo. Totoong umiyak siya. At habang inaalala ang mga yon ay hindi ko alam kung bakit lumulubog ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit pakiramdam ko ay nagi-guilty ako?

Bago pa muli makaramdam ng kakaiba at lamunin na naman ang kaisipan ko, ay agad kong ipinalis iyon sa isipan at iniwasan.

Hindi na dapat pa akong maniwala sa kanya. Ang hiling ko pa naman ay gusto ko ng malagay sa tahimik, pero bakit kahit mag-isa ako, nababagabag at nabubulabog... namumulto niya pa rin ang pagkatao ko?

Akala ko ay hindi na naman magiging normal ang araw ko nang pumasok ako ngunit ganun na lang ang gulat ko sa mga nagdaang araw na hindi ko na siya madalas makita. Isa, dalawa, tatlo, anim.

Isang linggo.

Hindi sa nagiging dismayado ako... nagtataka lang ako.

Halos isang linggo ko ng... hindi nararamdaman ang presensya niya. Maski anino niya hindi ko na makita-kita pa. Parang bumalik muli sa dati. Normal na naman muli ang araw ko. Walang lalaking kumukulit makipag-usap, naninita, umeeksena sa mga sinusuot ko, walang bumubuntot-aso sa tuwing papasok ako sa mga VIP room para lang 'di ako mawala sa paningin niya, walang humaharang, walang nakikipagbasag ulo sa tuwing may karamihang customer na lumalapit at nagnanasa sa katawan ko, walang sumasalubong sa labas sa tuwing uuwi ako... at higit sa lahat, walang nag-o-offer para ihatid ako kahit na madalas... tumatanggi ako.

At ang normal na iyon... hindi ko alam kung bakit parang boring na ang araw sakin. Para bang nawalan ako ng ilang parte sa loob ng katawan para hindi ako ganahan sa aking mga ginagawa.

At kahit kumakain ako... minsan... hindi... madalas ay natutulala ako. Hindi makasubo, hindi makalunok, parang gusto ko na lang magtalukbong ng kumot at matulog magdamag sa dagling kawalan ng gana.

Aba't... huwag mong sabihin na nalulungkot ka ngayon, Prina!?

Siguro, nasanay lang na araw-araw na nabubuwisit ako sa kanya kaya ganito na lang ang nararamdaman ko?

Eh, hindi ba't ito naman talaga ang gusto mo, Phryne Gretha? Ang mawala siya sa paningin mo? Ang mawala siya ng husto sa buhay mo. Kaya siguro sa todong pananaboy mo ay napagod na nga yung tao, lalo na sa huling nangyari, kaya ano pa ba ang inaarte-arte mo dyan!?

Hindi ba dapat ay masaya ka?

"Yea, I should be fucking happy, right?" pagak akong natawa sa sarili. "Siguro ay dapat magdiwang ako dahil walang makulit na gago sa buhay ko."

Tama. Iinom ako hindi dahil malungkot ako. Iinom ako dahil magdidiwang ako dahil sa wakas... sa wakas matatahimik na ang buhay ko!

'Take me back, please?'

"Sus... may pa-sorry sorry pa syang nalalaman. Babalik-balik para daw ako'y balikan! Tapos kinabukasan... tss... sinungaling talaga..." kinagat ang sariling dila nang bigla ko na lamang ito naibulalas sa aking sarili dahil sumagi na naman sa isip ko ang naging pag-uusap namin nung huli.

I heavily sighed and mentally slapped my face.

Ito talaga ang mahirap kapag nag-iisa ka! Kung anu-ano maraming pumapasok sa isip ko. Madalas, sa sobrang pag-iisip ay kulang na lang ay kausapin ko pa ang sarili ko. Talagang lalamunin ka ng kaisipan hanggang sa mawala ka na naman sa sarili at tuluyang mapalinlang at malubog ka... malamon ka. Malilito at ang lahat ng naiisip mo ay parang nagiging totoo sa paningin mo gayong ang totoo... guni-guni mo lang pala ang lahat.

Sunud-sunod ang naging paglagok ko. Tapos na ang duty ko sa loob at dahil sa magdidiwang nga ako, napagdesisyunan ko munang mag-isa habang umiinom. Sinigurado kong makakalayo muna ako sa magulo at maingay na lugar dahil sa lakas ng tugtog sa loob.

Kanina pa ako tulala, iniisip pa rin ang dagli niyang pagkawala ng mahabang araw. Tss. Oh, baka naman ay umuwi na? Baka natanto na niyang hindi ako kahintay-hintay? At natanto niyang sa pamemeste niya sa akin araw-araw ay akala niya, agad akong bibigay?

Hah! Akala niya lang yon!

At natanto rin niyang wala na akong thrill, kj na pokpok, wala ng excitement kasi alam niyang nalaspag na niya ako kaya para saan pa para aksayahin niya ang oras niya sakin, 'diba?

Lasa ko ang kapaitan ng alak na lumalapat sa dila ko habang ninanamnam kong iniinom ito.

Baka... pagod na rin siya mag-sorry dahil natanto niyang hindi ko iyon maibibigay sa kanya dahil sa alam niyang galit na galit ako sa kanya? At baka hanggang dun lang din kinaya ng pasensya niya... at kahibangan mang isipan na baka natanto niya na gusto niya akong balikan pero dahil nga sa aking tinanggahin ay tuluyan na niya ako tinigilan, ay na-realized na niyang si Clementine na lang talaga ang nababagay sa kanya!

Tama! Siguro nga umuwi na! Binalikan ang tunay na para sa kanya! Baka nga... natuloy na ang kasal niya, eh! Teka, maniniwala pa ba ako sa kanya? Hindi ko alam kung totoo talagang ako ang pinakay niya sa pagbabalik niya pero siguro kaya siya nawala dahil sawa na siya sa paglalaro niya! Tama! Laro lang ang lahat sa kanya kaya magugulat pa ba ako kung wala na siya ngayon dito? Dahil ang totoo... bumalik na siya sa totoo niyang mahal!

Si Clementine!

Edi mas mabuti! Tuluyan na siya nagkaroon ng prinsesa sa isang prinsepe na tulad niya! Mabuhay silang lahat hangga't gusto nila!

At sana mamatay na si Ilyas...

Sa galit ko sa panlilinlang niya lalo na't pambabastos niya sa akin, hindi ko naiwasang maihiling iyan para sa kanya. Walang araw na palagi ko siyang sinusumpa dahil sa ginawa niya sa akin. Pero kahit na ganon... alam ko namang malabong mangyari pa iyon lalo na't ang tulad niya ay saksakan ng yaman at ang tulad ko ay balewale lang para sa kanila. At ang tangi ko na lang maihihiling sa itaas ay Diyos na ang bahala sa kanya... sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapaungol sa pait nang malasan ko ang iniinom na alak.

"Why is this pretty lady alone?" When a man approached me, he was holding two glasses of wine and laid them right in front of me.

Napabuntonghininga ako dahil sa wala ako sa mood ngayon makipag entertain na isa sa mga customers, kanina pa ako nag-out at hindi ko alam kung paanong may napadpad dito sa medyo tagong parte ng bar. Mukhang lasing na rin ang isang 'to nang makalapit sa akin.

"Much better if you drink a coffee to make you feel better, mister..." agad na bungad ko nang sinubukan niyang umupo sa tabi ko at sinesenyasan akong inumin ang ang iniinom niya ngunit nginitian ko lang ito at maayos na inilingan at tinanggihan.

Naaamoy ko na rin na sobrang tapang na ng kanyang amoy na alak at nakakahilo, medyo lumalango na ito at mapungay na rin ang asul nitong mga mata.

Agad naman sinenyasan ko ang isa sa bartender para ipagtimpla ito ng kape para mahimasmasan at makauwi ng maayos. Sa ayos niyang iyan ay mukha pa itong nag-iisa, dahil ang bar ay malapit na muling magsara, at ang customer ay unti-unting umaalis na.

Sa totoo lang ay gusto ko muna ng pahinga. Para kasing... nauubos na ang enerhiya ko kahit na hindi na ako nagpapakasasa masyado sa aking tinatrabaho. Ewan ko ba... kung bakit ganito.

Ilang araw rin ako walang ibang ginagawa kundi puro kinalaman lang sa bar. Madalas na lang muna ako magserba ng drinks, tamang entertain sa mga bigating customers, wala ng iba pa, hindi na rin ako medyo kumakagat sa mga klaseng duty sa labas, gayong madami naman ang naiipon ko, pasaglit-saglit na lamang ako sa bar at madalas ay napapaaga na ang aking uwi. Normal lang at wala namang masama o magandang nangyayari sa buhay ko. Tama lang, sakto lang, ayos lang, normal lang.

Like a normal day-to-day happenings are just repetitive things happening in your life, nothing's new. At mapapasabi na lang ako madalas na heto na naman... gabi na naman ulit, trabaho na naman at uuwi. Paikot-ikot lang.

Medyo nagtataka nga lang ako na hindi ko na masyadong makita si Jenny magmula ng gabing yon. Kahit na ganun ang nangyari ay labis pa rin ang aking pag-aalala kung ano na bang nangyayari sa buhay niya. Sinusubukan ko naman siyang tawagan ngunit hindi ko na makontak... ano na kaya ang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Sana... ayos lang ang kalagayan niya kasama ang lola-lolahan niya.

"Oh, come on. Are you sad? I can make you happy if you just come with me. " ani pa ng isang kano na hindi pa umaalis sa tabi ko.

Hindi ko maiwasang mapasadahan ito ng tingin, sinubukan kong titigan ang bawat parte ng mukha nito, ang kabuuan nito. Sa totoo lang, gwapings din ito kasi sa dami ko ng nakikitang tulad niya ay yun nga lang... normal na lamang talaga siya sa paningin ko. Wala akong ibang nararamdaman maski atraksyon, nagagwapuhan ako, oo, pero ang magkagusto? Hindi. Wala akong maramdaman na kakaiba. When I see a man like him? I feel nothing. Hindi ako madaling magkagusto lalo na sa klaseng ganito. Sa tinagal-tagal ko na rito, lalo na sa trabaho kong gabi-gabi na nadaragdagan ang aking mga lalaking nakikilala--talagang wala. Walang nakakahagip at nakakakuha ng atensyon ko.

Isa lang naman ang napapapukaw noon ng atensyon ko, eh...

Sa loob ng anim na taon ko dito... isa tao lang naman ang kumalampag ng buong pagkatao ko, ang umumpog sa puso ko. Yung tipong... kakaiba ang naramdaman ko. Na halos lahat ng parte ng katawan ko ay tumibok para sa kanya.

Napabuntonghininga ako at agad na umiling sa sarili sabay lagok ng iniinom ko na Negroni.

Iniisip mo na naman siya! Tama na! Paano ka tuluyang makaka move-on niyan kung palagi mo siyang naiisip, Phryne Gretha!?

"Bakit kaya nag-iinom ang isang 'to, may balak ka ba?" isang balakatak na boses ang naulinigan ko sa likod ko.

Napalingon ako sa boses na iyon at otomatikong umangat ang labi ko sa pagkangiti. Mabuti na lamang ay nakita ako ni Mari kaya naman ng senyasan at kausapin ang nangungulit na lalaki sa akin ay matawisay naman itong lumayo sa amin.

"Hindi porket may alak may balak. Hindi ba pwedeng kaya may alak kasi may pusong nawasak?"

Kita ko ang pag-awang niya sa harapan ko habang pumapamaywang na sa akin.

"Charot lang," agad na pagbawi ko.

"Aba't rumerebat ang keps na'to, ha!" agad ko nadinig ang paghagalpak ng kanyang tawa na kulang na lang ay masilayan ko ang kanyang ngala-ngala.

Hindi ako makapaniwala nitong tiningnan at maging ako, hindi ko alam kung bakit biglang lumabas na lamang ang linyang ito sa bibig ko.

"Manahimik ka. Kasya ang tatlong talong sa bunganga mo sa sobrang lakas ng tawa mo!" masungit na saway ko sa kanya habang mapang-asar ako nitong pinagmamasdan.

"Anong problema mo? Mukha ka kasing kikeng naluge sa tite." puna niya habang tinitingnan ang ayos ko sabay upo nito sa tabi ko, humarap at humalumbaba saka ako tinaasan ng kilay.

Nagsimula siyang nakitagay sa tinatagayan ko. Mabuti na lang at nandito na siya dahil kung hindi, baka tuluyan na akong mawala sa kasalukuyan sa dami ng mga iniisip ko.

Ilang beses akong napakurap bago umiwas ng tingin sa kanya.

"Wala. Pagod lang." kibit-balikat kong sagot sa kanya.

"Hm.. baka wala sa mood dahil walang lalaking-"

"Bakit ka nandito? Wala kang duty sa labas?" ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking pisngi sa hiya, agad ko naman pinutol ang sasabihin niya dahil alam ko kung ano na naman ang tinutukoy niya.

Ilang araw na niya akong tinatanong at inaasar sa lalaking 'yon! Sa totoo lang ay wala naman dapat ako pake. Pero dahil sa pang-uungkat at pangungulit ng isang 'to... nagkakaroon na tuloy ako ng pake at hindi maiwasang maisip 'yon!

"Wala..." uminom siya saglit habang tila natutulala at malayo ang naiisip habang nakasugat ang ngiti sa kanyang labi.

Napataas ang kilay ko at naningkit ang aking mata sa kanya. Bigla akong may natanto.

"Nakita kitang kasama mo si Martino lumabas ng bar."

"Puta... issue na naman. Nagkasabay lang kami, hindi kami magkasama!" dipensa agad niya.

Napakunot ako. "Hindi ka ba napapagod mag-deny? Tsk. Okay lang, stay strong na lang sa inyo at sana maging masaya kayo." naiiling na wika ko sa kanya.

"There was never an us! Duh!" maarteng sagot niya.

"Pa-showbiz ampotres,"

Inirapan niya ako habang naiiling din sa akin, at sa tuwing nauungkat ko ang tungkol sa kanila ni Martino ay agad niyang inililihis ang usapan. Nagdududa na talaga ako! Alam kong may hindi siya sinasabi sakin pero bahala na siya kung sasabihin man siya sakin o hindi! Hindi ko siya pipilitin.

"Haynako, Phryne. Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang mas inaalala ko dahil parang hindi ka na yata nagpapakasasa sa pagtatrabaho. Anyare, 'te? Para ka lang nagmumuni-muni dito, eh. Buti nga 'di ka napapansin ng boss natin dahil marami na namang saltang bagong kasamahan natin."

Napabuntonghininga ako ng malalim. "Alam mo, hindi na ako natutuwa sa mga bagong saltang 'yan. Padami na tayo ng padami. Ang malala, nasa murang edad pa ang iba."

"Walang tayong magagawa. Buhay nila 'yon, te." tumikhim siya saglit at nilihis agad ang usapan nang mapansin ang pagtigi sa pag-inom ko. Tumaas ang kilay niya. "So, anong ganap? Lasenggera na yern? Bakit ka umiinom mag-isa? At nakapagtataka, di ka man lang nag-aya! Kung hindi pa kita naabutan malamang kanina ka pang landutay na pechay dyan... tss,"

"Nagkausap na kami, Mari..." agad panimula ko sa kanya.

Ilang segundo siyang natigilan at lalong lumapit sa akin.

"Oh, anong nangyari? Kwento ka ulit, makikinig ako..."

Halos nagpasalamat ako sa langit na may katulad ni Mari na handang makinig sa mga drama ko sa buhay. Ikinuwento ko sa kanya ang totoong nangyari, ipinaliwanag ko kung bakit palaisipan din sa kanya kung bakit ganito na lang katindi ang galit ko sa lalaking 'yon habang ibinabahagi ko iyon. At tulad nga niya, natural ang reaksyon kong nasaksihan ko mula sa kanya, gulat, galit, at pag-aalala. Gulat sa totoong nangyari sa akin, galit sa mga dahilan, at pag-aalala kung paano iyon naging epekto sa akin ng hindi niya namamalayan.

"Grabe naman yan, Prina! Tang ina... b-bakit ngayon mo lang sinabi? Akala ko ba hindi ka ganun katanga? Anong nangyari sayo?"

Hindi pa rin ako makapagsalita. Hiyang-hiya na inamin ko sa kanya ang lahat-lahat.

"Anak ng totnak naman! Akala ko ba matibay ka? Tinamaan ka nga talaga..." gulat na wika niya ng bigla kong makaamin sa kanya.

Why then... until now... how did it happen and how did I arrive at this point?

Kita ko ang agarang panunubig ng kanyang mata habang pinagmamasdan niya ako nang maibahagi ko sa kanya ng tuluyan ang lahat-lahat, mga bagay na matagal at pinili kong itago sa kanya, at kinimkim ko na lang sa sarili ko. Pero ngayon... hindi ko na kasi talaga kaya. Mabigat. At tulad ko, hindi ko naiwasang maging emosyonal dahil kahit papaano, nailabas ko ang nasa sa loob ko.

"Sinubo ko din. Ganun ko siya kamahal... Mari." kagat-kagat ang labing sinambit ko pa ito sa kanya.

Laglag ang panga, tulala, napapailing, walang maibulalas ay paglaklak na lang ang kanyang nagawa. Tila naurong bigla ang kanyang luhang sanang papatak.

"Tanga ka nga. Isinuko mo na nga talaga. Minahal mo nga."

"Nagmahal ka na ba, Mari?" biglang tanong ko sa kanya.

Sa dami na namin napag-usapan, parehas kami nakokornihan kapag usapang pag-ibig dahil parehas kaming bitter pagdating sa ganung bagay... lalo na sa kanya. Hindi ko maiwasang maitanong ko ito sa kanya, dahil alam kong tulad niya... naranasan na niya ito.

"Ano namang klaseng tanong 'yan?" nakangiwi niyang tugon, halatang hindi nagugustuhan ang aming pag-uusapan.

"Sagutin mo na lang, please," sabay halumbaba at diretsong tumingin at hinintay ang sasabihin niya.

Panay ngiwi ito. Inakala kong hindi niya sasagutin dahil hindi niya sineseryo ang mga usapang ganito pero nagulat na lang ako na sinagot niya ito ng 'oo'.

Bumuntonghininga siya ng malalim. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang magsimula siya magkwento tungkol sa buhay pag-ibig niya. At isa lang masasabi ko. Oo, masarap nga magmahal, pero kaakibat nito na matatakot ka talaga. Kasi masaya ka nga, pero bukas, masisigurado mo bang masaya ka pa rin ba? Na yung inaakalang mong totoo, ay hindi pala talaga totoo. Nakakatakot kasi hindi mo na talaga alam kung alin ba ang totoo sa mukhang totoo, mabubulag ka... matatangahan ka.

In your desperation to experience true love, even though we know it's wrong, even though you know you're going you're to ruin it, even though it breaks you, you're still trying. Na naniniwala ka pa rin na mangyayari ang paniniwala mo. That maybe tomorrow, the old feeling will return, na babalik ang kinasanayan mo. That you felt a sudden shift but will still return to the past, but not completely. I realized that I had been like this to him, and that even though he was showing me the fact that everything was just a game, I still didn't want to believe it. Because I held on to and believed his lies more. Na kahit kita na sa mga mata ko ang katotohanan, patuloy pa rin akong nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan sa sinabi niya. Nag-isip man ako pero... nanatili... at piniling... mas pinakiramdaman ko na lang.

Na yung kasinungalingang yun ay naging totoong masaya ako sa kanya. Na kahit kasinungalingan lang pala... minahal ko siya don dahil hindi ko inisip na hindi totoo ang mga ipinakita niya, ang mga pinaramdam niya. Kahit na sinabi niyang laro lamang iyon... dun ko naramdaman ang tunay na pagmamahal na hindi ko inaakalang gusto ko, na matagal ko na palang ng hinahanap... na sa kanya ko pala matatagpuan--ang nagbuo sa akin, ang kumumpleto sa kakulangan ng pagkatao ko.

At ang lahat ng 'to ay naranasan ko sa maling tao.

At hindi ko alam kung ang isang tulad namin... ang tulad ko... makakaramdam pa ba ng ganung klaseng pagmamahal? Yung totoo? Bakit ba kasi ang hilig natin pumili ng maling tao? Bakit kasi mas minamahal natin yung tao kahit na nasasaktan nila tayo? Bakit kasi natatanga tayo kapag tinamaan tayo?

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay biglang nagsalita si Mari.

"Tapos ngayon... parang hinahanap-hanap mo. Iiwas-iwas ka dyan, ngayon iniisip mo pa rin siya. Bulbol ka rin, no?"

"Hindi ko siya hinahanap, no!"

"Sus. Wag nga ako! Iinom-inom ka pa, eh halata namang namimiss mo na siya!"

"Hindi, ah! Ang saya ko nga, eh... ang saya-saya ko at wala siya!" singhal ko sa kanya at mukhang ayaw pa ring maniwala.

"Hmp, labas sa ilong."

At isa pa, masyado lang siguro ako nag-asam. At alam kong ang isang mababang uring babaeng tulad ko, ay may limitasyon pagdating sa paghahangad. Hindi na dapat umaasa pa. Isang himala na lamang talaga na may magseseryoso sa amin.

"Bagay sila." pagak ang tawang naibanggit ko sa kanya tungkol sa isang babaeng kaisa-isang pinagselosan ko.

Na ni minsan hindi ako nakaranas ng pagseselos pero, hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng matinding paninibugho habang iniisip na maaari silang magkasamang dalawa. And I admit, it also hurts me because I accepted it. That's when I realized when he made me feel my insecurity with other women. Sinupalpal niya ako na kailanman hindi ako nababagay sa isang tulad niya. At dun ako mas nabaon nung mismong dun sa taong kinainggitan ko, na sana naging ganun din ako, na pinagselosan ko at pinag-aalala ko, sa huli, ay pinili niya at hindi ako.

"Talaga?"

"Oo..." I sighed. "Lahat nasa kaniya na, maganda... sexy... mayaman... may pinag-aralan. Lahat ng kakulangan ko, nasa kanya na. Higit sa lahat hindi siya katulad ko," mapait na ngumiti ako kay Mari habang dinedepena ang babaeng sa tingin ko ay bagay talaga kay Heimlich.

At sa unang pagkakataon... masasabi kong bagay nga talaga sila. Walang halong biro. May halong pait man aminin pero unti-unting natatanggap ko na.

"Agree ako dyan. Nasa kanya na ang lahat." sang-ayon niya sa sinabi ko na ikinanguso ko, akala ko may sasabihin siya na maaaring magpalubag sa loob ko! Lumingon siya at kibit-balikat na nagsalita muli sa akin. "Sa totoo lang, wala akong maipayo kasi totoo naman ang sinasabi mo, ang masasabi ko lang, hanap ka na lang ng ibang fafa, 'te."

Napainom muli ako.

"Pero alam mo... hindi naman por que nasa lahat na ng katangian na gusto natin sa isang tao, masasabi natin na sila na ang gusto at mahal agad natin. Hindi ganun yon. Hindi natin madidikta kung sino talaga ang mamahalin natin. Hindi natin masasabi na sila ang perpekto at bagay sa atin. Hindi lang sa katangian yan, nasa tao, at nasa pakiramdam din natin yan. At ang tunay na pagmamahal, kahit ano pang kakulangan niyan, o once na nalaman mo ang mga pinagdaanan niya sa buhay, kapangitan man o kagandahan ng ugali niyan, lahat ng 'yan ay tatanggapin at mamahalin mo mula sa kanya."she tapped my shoulder.

Para bang sa paraan ng pagkakasabi niya ay pinapagaan niya ang loob ko at sa huli nagawa niya pang magpatawa. Pero sa lahat ng mga sinabi niya... tama siya, at naramdaman ko.

"Pero may isang bagay siyang meron ako na hindi niya magagawa."

"Oh? Ano naman yun?"

"Mas magaling akong mag twerk sa kaniya,"

Sa kalagitnaan ng seryoso naming usapan ay bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Tangina 'ka! Broken ka ba talaga?"

Pupunas-punas sa aking pisngi ay biglang natigil ako sa pagtawa dahil sa katanungan niya.

"Pero mahal mo pa?"

P I E D R A I J A D A 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro