Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 57


"And now, let's welcome in the name stage... the one and only queen... Phryne Gretha!"

Gumuhit ang ngiti sa labi ko paglabas ng backstage. Isang masigabong palakpakan at hiyawan na naman ang sinalubong ko kasabay ng paghahagis nila ng dolyar sa stage na sasayawan ko.

Ginala ko ang aking mata, agad na nahagip ng tingin ko ang isang madilim at pamilyar na mata ang nakatutok sa akin na parang anytime ay gusto ng sumugod rito. Lalo akong napangiti sa sarili at nagsimulang hawakan ang metal na bagay sa gitna nang magsimula ang liriko ng isang tugtog na pinili ko.

I'm just a bachelor

I'm looking for a partner

Someone who knows how to ride

Without even falling off

Sinimulan kong ibinaba ang suot na glittery jacket habang tumutuwad. Nagkaroon na agad ng sigawan ng mga tao nang magsimulang kumembot ako ng marahan at lumantad ang suot kong super skimpy style, that extra hooting and hollering and dancing for money came out. Though I was nervous about dancing because I was nearly naked, doing it for him pushed me over the edge due to his teasing.

Gotta be compatible

Takes me to my limits

Girl when I break you off

I promise that you won't want to get off

Now, I gonna fucking move and make this beat fire.

Asshole, this is for you.

Ramdam ko naman ang mga pera lumalapat sa balat ko habang pinapaulanan ako ng mga ito at nagmistulang confetti. Pauulanan at kulang na lang ay magpakalunod sa dami kahit na nagsisimula pa lamang ako.

Then I do the carousel. I spun around and took the wildest steps I could think of.

If you're horny let's do it

Ride it, my pony

My saddle's waiting

Come and jump on it

If you're horny let's do it

Ride it, my pony

My saddle's waiting

Come and jump on it

Patuloy sa mga pag-aalburuto sa tuwa ang mga kalalakihan. Halu-halo na ang mga nanonood, at kahit may mga ilang katrabaho ko na katabi nila ay sa akin pa rin natututok ang kanilang mga mata.

Sinimulan ko naman lumapit at tumuwad patalikod sa isang lalaking malapit sa pwesto ko, habang sinisingitan ako ng mga pera sa tirante na suot-suot ko. Matapos ay tumayo ako at kumembot ng marahan habang hinahaplos ang aking katawan, pamula balakang, papunta sa baywang, pataas sa dibdib at aking leeg habang nakapikit.

Fuck, I know. I know this is crazy. But lucky him, I like to be crazy right now.

Talagang sinasagad niya ako. Kaya heto, ibinibigay ko. Binabalik ko lang rin sa paraan ko. Tinitingnan ko kung totoo... kung totoong ganito ang tanging paraan para masagad ko siya.

Ngayong iginagalaw niya ang baso para makipaglaro at mabuwisit ako, pwes, ako na mismo, at sisiguraduhin kong ako ang tatapos sa kanya at wala siyang magagawa kundi tanggapin ang pagkatalo.

This time, sisiguraduhin kong ako naman ang hindi kawawa rito. Natuto na ako sa mga taktika niya. At nang matikman ko ang pagkatalo sa isang larong minsang kinagat ko dahil sa paninimula niya, hindi ko na uulitin pa. Because I always remind myself... that the game is rigged and it doesn't reward people who play according to the rules.

I rule myself... again. I know how to rule myself. Hindi ako maglalaro sa paraan ng taktika niya. Kung lalaruin niya ako, pwes, kaya ko rin siyang paglaruan sa paraan na alam kong hindi ako madedehado. Kaya ko syang gantihan sa paraan ng taktika ko.

Sitting here flossing

Peepin' your steelo

Just once if I have the chance

The things I would do to you

You and your body

Every single portion

Send chills up and down your spine

Juices flowing down your thigh

I could see the tension in his jaw and as I smiled at him, I approached a man who was looking up at me.

At sa tuwing tinitingnan niya ako ay lalong lumalakas ang loob ko na gawin ito sa harapan niya. Para ipamukha sa kanya na hindi na ako mauulol sa kanya, ipamukha sa kanya na kahit minsang napaluhod niya ay kaya ko ring mapaluhod ang iba sa paraan ko! Na kahit nasaktan niya ako, hinibang niya ako, hindi lang siya ang lalaking kahihibangan ko sa mundo!

Itinuro ko ang nakangisi saking lalaki para senyasan na lumapit sa akin. Haling naman agad itong lumalapit sa pwesto ko. Lahat sila ay nakatingala habang nakatungo ako sa panonood nila sa sayaw ko. At sa paglapit ko, walang habas-habas na sinakop ko ang kanyang ulo at ikiniskis ang mukha sa lantad na dibdib ko.

Kita ko ang tuwa ng lalaki habang sinisingitan ako ng pera sa strap na bralette na suot ko. At habang nangyayari iyon, napataas ang kilay ko at hindi maiwasang pang-asar tingnan habang masama na ang tingin ni Heimlich sa lalaki.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Kita ko ang pag-awang ng labi ni Heimlich, makikita ang gulat at pagkadisgusto sa reaksyon niya nang ginawa ko iyon.

Mas lalo akong natutuwa dahil kulang na lang ay manugod niya. Mukhang mababaliw sa pananabunot sa sarili habang nanlilisik ang matang iginagawad sa akin. Hindi ko alam kung bakit nanatili siya roon, nagmamasid pa rin sa pananayaw ko, nakapirmi at parang nagpipigil sa sarili, kung dati kapag may nakikita siyang hindi kaaya-aya ay magpapaputok siya ng baril o manunugod--ngayon ay iba na, hindi na. Pero sapat na sakin yung nakikita kong reaksyon sa kanya ngayon.

Mukhang galit na galit at parang gusto ng manakit.

Bumalik ako sa gitna, lalong nadaragdagan ang bawat pagpapaulan nila ng pera sa akin, na halos mapuno at maapakan ko na. Bumalik ako sa gitna at nag-split, kasabay ng paghiga ng pera sa paghahagis nila. Masasabi kong okay rin pala itong inis ko, mas lalong lumaki ang perang maiuuwi ko.

Nang tumayo ko ay kita ko ang dismaya at pag-iling niya sa'kin.

Napalunok ako sa paraan ng tingin niya. Ngunit tinatagan ko pa rin ang sarili ko. Balak ko na sanang tapusin kung hindi ko lang nakita ang isa sa mga kasamahan ko ay lumapit sa kanya at pinatakan ng halik sa pisngi.

Kita ko ang pagbitaw ng tingin niya sa akin ng tingnan niya ang babae.

At ang mas masaklap pa... nawala ang ngiti ko nang makita kong sinakop ang mukha at may humahalik kay Heimlich sa labi nito...

What the fuck?

Akala ko ba umuwi na siya!?

Anong ginagawa ni Jenny rito? At bakit sa dinami-rami ng lalaki ay itong lalaki pa ang napili niyang halikan?

Hindi ko alam kung bakit ako nagngitngit bigla. Oo, inaamin kong naiinis ako. Naiinis ako dahil alam ni Jenny... alam ni Jenny kung sino ang lalaking 'yon sa buhay ko. Dahil naikwento ko minsan sa kanya dahil kuryuso siya kung bakit madalas akong kulitin ng lalaking 'yan. At hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Jenny ang bagay na 'yan! Na... alam naman niya, 'diba? Hindi kaya... sa bata niyang yan ay may gusto siya sa lalaking 'yan!?

Argh! Mababaliw na ako sa dami ng naiisip ko!

At hindi ko man lang maintindihan kung bakit hindi agad tinutulak ni Heimlich ang babae!

Malalim akong napalunok. Imbes na balak ko ng matapos ang pananayaw ay pinagpatuloy ko muli ang pagsayaw habang papalapit ng matapos ang kanta.

Umiwas ako ng tingin bago pa siya makalingon sa akin. Tumiim ang bagang ko sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Nagtataka pa rin... kung bakit nagawa iyon ni Jenny? At ang hindi ko maintindihan kung bakit... habang hinahalikan niya ang lalaki ay nakasulyap pa sa akin si Jenny? Maiintindihan ko sana kung magagawa niya iyon na hindi niya nalalaman ang naikwento ko pero hindi. Malabong mawala sa isip niya iyon dahil sinabi ko sa kanya.

Akala ko ba ay lasing sya? Akala ko ba umalis na siya?

Gulung-gulo na ang isip ko talaga!

Alam niya ito. Naikwento ko sa kanya dahil para na rin matuto siya sa maibabahagi ko kung sakaling magkagusto siya ng isa sa mga magiging customer niya. Sa kwento kong pagbabahaging iyon ay para na rin sa pagbibigay ng babala sa mga magiging desisyon niya at hindi siya matulad sakin lalo na sa isang tulad niyang puno ng inosente at hindi pa kasing tatag ng loob ko.

Sa halu-halong nararamdaman ay tuluy-tuloy lamang ako sa pagsayaw kahit hindi na ako makangiti ng maayos sa paglalamon ng kaisipan ko.

Nararamdaman ko na ang paglapit niya sa direksyon ko. At habang patuloy na iniignora ang presensya niya ay lumapit ako sa mga kumpol na nag-iinuman na lalaki. Kita ko ang mga tawanan, ngisian at tulakan ng mga balikat nila, naghihintay kung sino ang pupuntiryahin ko sa kanila. Kinuha ko ang isang bote ng alak sa tapat ng kanilang mesa. At dahil sila ay nasa medyo ibaba sa dulo ng gitnang pahabang stage, agad kong idinantay ang paa ko sa balikat ng isang lalaki.

Kita ko ang pag-awang ng kanilang mga bibig sa gulat.

Sa boteng aking hawak ay napapikit ako habang nilalaklak ng sunud-sunod ito.

If you're horny, let's do it

Ride it, my pony

My saddle's waiting

Come and jump on it

Matapos akong makainom, sa natitirang kalahati ay napangisi ako. Alam kong medyo natatamaan na ako kaya nagkakaroon ako ng lakas ng loob para gawin ang bagay na ito.

And now that I'm so crazy right now... I'm trying my best to embrace my suck.

Asshole, best embrace my suck.

Itinapat ko ang paa ko sa nakangangang lalaki. Mukhang alam niya ang gustong gawin ko kaya naman unti-unti, sa natitirang alak ay ibinuhos ko ito pamula sa aking hita, papunta sa aking tuhod habang ang natitirang katas na dumadaloy ay saktong tumulo sa nakangangang bunganga.

Fucking dirty but sexy.

At dito ko na matatapos ang kagagahang ito.

Kasabay ng malakas na palakpakan ng lahat, niyakap ko ang mga perang umuulan habang naglalakad ng mabilis pabalik, may isang lalaki pang humarang sa akin.

"Hey, Gretha! This is my boy again. You might take in for a good time. Come on, join us!"

Ngunit umiling na lang ako at maayos na tinanggihan iyon.

Hanggang sa tuluyan na akong nakabalik sa back stage, diretso sa dresser para magbihis dahil sa naramdaman kong kagustuhang umuwi bago pa niya ako maabutan muli.

Napapikit ako ng mariin.

Damn you, Phryne! Umuwi ka na ngang tanga ka!


Dapat wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ba't kung wala na talagang pakialam, hindi na dapat pang patulan pa?

Hindi ko matanggap. At natatakot na naman ako sa pamilyar na nararamdaman ko... na baka bumalik ang pakiramdam na ayaw na ayaw ko ng maramdaman. Malalim akong suminghap, kinalma ang sarili at huminga ng malalim upang mapawi ang nararamdamang iyon at hindi nagpalamon pa sa isiping iyon.

"Let's go. I'll take you home." malamig na boses ang nadinig ko mula sa likod ko.

At kahit hindi ko pa iyon nililingunan ay alam ko na naman kung sino iyon, wala ng iba pa.

Pasimple akong mapait na ngumisi. He's so unbelievable. Bakit niya pa ako nagagawang sundan rito?

"Sa tingin mo talaga sasama ako sayo, no? Kaya kong umuwi mag-isa." pagod na tugon ko, habang inaayos na ang sarili para sa pag-alis.

"But you're drunk." pangungumbinsi niya, kita ko ang pagsandal niya sa hamba ng pinto at mukha talagang balak mag-intay.

"I'm not drunk. Nahihilo lang ako pero hindi ako lasing."

"Really..." tanging naiutas niya at parang ayaw maniwala pa.

Lihim akong nairap sa pinag-aasta niya. Kahit na malasing ako... ano bang pakialam niya? Bakit kung umasta siya ay parang concern siya? Concern siya? Talaga?

Hindi bagay sa isang gagong tulad niya!

"Magkaiba pa rin 'yon! Umuwi ka na at uuwi na rin ako--oh! Ako pala nga lang pala ang uuwi..." pilit akong ngumiti sa kanya, "dahil alam kong mag-enjoy ka pa rito-"

He bit his lower lip. Ilang segundo nakatitig sakin habang pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng kilay sa paninitig niya. Masyado ba akong ganun kaganda para titigan niya? Oh, baka naman namimiss na niya ang alindog ko at tinatamaan na naman siya ngayon ng kalibugan niya!?

Tang ina niya!

"About earlier... the kiss—"

I rolled my eyes. "Yea, I saw it. You don't have to explain. Kailangan pa ba 'yon?" pagputol ko agad sa sasabihin niya at baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Ano nga naman sakin kung makita kong may kahalikan siyang iba, 'diba?

"Yes. Para maintindihan mong hindi ko ginusto iyon. Nagulat lang ako and—fuck..." he sighed. "Can we just go? It's better if I'll take you home, and we'll talk when you're sober."

My lips parted. I would have spoken to protest but he was shaking his head tightly.

"Wag matigas ang ulo, kahit ngayon lang. Hindi kita hahayaang mag-isa ngayong umuwi lalo na't lasing ka. " seryoso pang aniya, humakbang pa siya palapit ngunit may distansya pa rin, humaharang pa sa daraanan ko.

Napataas ako ng kilay nang magmulat ako matapos kong hilutin saglit ang aking tumitibok na sentido. Medyo tipsy na ako, pero parang pakiramdam ko, hindi ko na kakayaning maglakad pa ng matagal dahil sa papikit-pikit na ang mata ko. Ramdam ko na rin ang pangingimay ng tuhod ko lalo na't naka-heels pa ako. Natatakot na rin na baka magising ako ay nasa langit na ako...

I heavily sighed.

Just this once.

Fine... just this once.

Sasama ako sa kanya. Hindi ako makikipagtalo.

Pero! Magpapahatid lang ako at walang usap na mangyayari! Masyado siyang sinuwerte kung mangyayari pa 'yon. Pagod na pagod ako ngayon kaya kahit ngayon lang... kahit ngayon ay pagbigyan ko muna ang sarili ko, tutal ay makakalibre din naman ako ng pamasahe ngayon, at hindi ako mahihirapang maglakad 'pag papasukin ko pa ang tapat ng apartment ko mamaya, kaya napagdesisyunan ko ng hindi na ako nakipagtalo at pumayag ng magpahatid sa kanya.

Mabilis ang pangyayari ay nakasakay ako ng kotse ng matiwasay at hindi nahihirapan. Hindi na ako umaalma kapag minsan... natatapilok ako ay inaalalayan niya ako tapos bibitawan ako muli dahil sa panunulak at pag-iwas ko. Mabuti na lamang ay kahit nahihilo ay hindi ako nakakaramdam ng pagsusuka. At sa kalagitnaan ng pagmamaneho ay napapikit ako saglit ng mariin ng bigla siyang nagsalita at naungkat ang nangyari kanina.

"Hindi mo na dapat pa ginawa 'yon, Phryne."

Napakunot ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kaya't nagpatuloy siya.

Bumuntonghininga siya ng malalim. "When you danced earlier. Damn it... I will pull out their fucking eyeballs, fucking douchebags!" mahinang mura niya ngunit dinig ko pa rin. Hindi ko maiwasang mapairap sa nadinig.

"It's my duty-"

"Damn that duty..." napalunok na lang ako at di na nagsalita pa.

Ayoko ng makipagtalo pa, bahala na siya kung anuman ang iniisip niya. Pakialam ko?

"Sa totoo lang, nagagalit at nagseselos ako dahil maraming nanonood na lalaki sa pagsasayaw mo pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong magagalit ka." sabi niya.

"What are you trying to say? Nakalimutan mo bang pokpok ako?" pabalang na sagot ko.

Kahit ako ay pikit na ay kusang tumaas ang kilay ko sa nadinig habang nakasandal ang aking ulo sa tabi ng bintana ng kanyang mamahaling kotse.

Parang pakiramdam kong bumabalik ako sa nakaraan kung saan mahilig akong sumampa basta sa kotse niya at baby pa ang tawag ko sa kanya-argh!

Stop thinking about that, Phryne!

I heard him sighed. "Ang sakin lang... kung iniisip mong ginagantihan kita tungkol dun sa nakita mo kanina, hindi. Hindi ako ang humalik dun sa babae-"

"Bakit ka ba nagpapaliwanag? Ano naman sakin 'yon?" sa irita ko ay kumunot ang noo ko, nagmulat nang napalingon ako sa kanya.

Fuck! I know! I know I sounded like a fucking child! Ayoko! Gusto ko na lang kagatin ang dila ko para hindi na ako magsalita! At kasalanan rin ito ng alak ng mga nainom, punyeta! Why was I saying everything on my mind out loud!? Kaunti na lang ay baka mapahiya ko na naman ang sarili ko.

"Wala lang... gusto ko lang malaman mo na hindi ko naman ginusto 'yon..." kalmadong pagpapaliwanag niya.

"Pakialam ko naman sa mga nakakahalikan mo? Kahit maglaplapan pa kayo sa harap ko wala akong paki! Kasi alam ko kung gaano ka kalandi! Ni hindi mo nga agad tinulak, eh!"

Laglag ang pangang sumusulyap siya sakin. "That's not true! I was trying to push her. Hinigit niya ako at nagulat lang ako kaya hindi agad ako nakagalaw. Why do I feel like you're jealous? Nagseselos ka na ba?"

I suddenly averted my eyes on him. "Hah! Bakit ako magseselos? C-Concern..." I gulped. "concern ako sa babae at baka matulad siya sa sakin sa ginawa mo. At sa nakikita ko naman parang nagustuhan mo rin ang halik niya. Sa talandi mong 'yan, malabong 'di mo magustuhan-"

"Kung may magugustuhan man akong halikan, ikaw yon. Halik mo lang ang gusto ko-"

"Napakalandi mo talaga, no? Sabagay, ano pa nga bang aasahan ko sayo? Kayo nga ni Clementine naglaplapan sa harapan ko kaya ano pa bang bago kung-"

"I know I'm wrong but I was so mad-"

"I don't fucking care! Wala akong pakialam! Hindi rin naman kayo bagay pero wala akong pakialam!"

Nagpaparte ang labing umiiling na lang siya sakin habang nagugulat, hindi na nagawa pang depensahan muli ang sarili.

Oh, god. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. At hindi ko alam kung bakit lalong nag-iinit ang batok ko sa inis. Bakit parang pakiramdam ko apektado ako?

Inaamin kong nagharumentado nga ako sa nakita. Dahil nung oras na nakita kong may kahalikan siyang iba, kahit pa aksidente iyon... sa isang banda... inaamin ko... naalala ko pa rin ang ginawa nilang dalawa ni Clementine. Silang dalawa ang naaalala ko kaya napakahirap din para sakin kung bakit ganito na lang katindi ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

"Okay, first of all, I didn't kiss the woman, I explained to you why it happened and it's up to you whether you believe it or not." Bumuntonghininga pa siya saglit ng malalim. "Second, I'm no longer interesting to other women. Third, if I'm interested in a woman, it's none other than... you. And just like I said, I can't force you to believe what I'm saying. It's up to you. But I want you to know that ... what I'm saying is true." seryosong paliwanag niya na kung maririnig lang ng iba ay mukhang kapani-paniwala talaga.

"Fucking liar." matalim na sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"I am not lying. It's up to you whether you still believe me or not..." mahinang tugon niya. "I can't blame you if you don't believe me for the sins I've committed against you."

Still... hindi pa rin ako naniniwala.

Bumuntonghininga na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi na rin siya nagsalita pa at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung magandang ideya na malalaman niya ang tinitirhan ko pero wala na akong pakialam, pagod ako, at gusto ko na lang makauwi.

Tahimik lang ako buong byahe. May mga sinasabi siya na kesyo uminom raw ako ng tubig para mahimasmasan, tinatanong niya ako sa daan kapag may nakikita kaming restaurant na baka nagugutom raw ako. Pero wala akong ginagawa sa kanya kundi iling lang at tango. Nakikinita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang dismaya sa mukha niya kapag hindi ko siya tinutugon at the same time ang mukhang pag-aalala niya.

Tahimik pa rin akong buong byahe. At siguro sa sobrang pagod ko, kahit presensya niya, napawi na masyado ang naramdamang irita ko sa ngayon. Tanging mahinahon lang rin ng kanyang boses ang nadidinig ko kapag nagsasalita siya.

Nakakapanibago.

Hindi naman sya ganito. Laging mainitin ang ulo niya, maikli ang pasensya at higit lahat mahilig magmura pero wala akong ibang naririnig mula kanya yan ngayon, lalo na sa nakaraang ilang araw kapag nagkakabangayan at kinukulit niya ako-wala. Talagang wala. Lagi siyang nagpapatalo. Napapadalas rin ang pagiging kalmado niya.

At natanto ko, nakakatawang isipin na ang halos isumpa kong tao sa buong mundo eh heto... naririto sa tabi ko. Hinahatid pa ako, at talagang sumama pa ako.

At habang natutulala ako, hindi ko maiwasang maiwaksi sa isipan ko kung paano kami noon.

Unti-unti na namang sumasabog ang mga linya sa utak ko. Para bang gusto nitong lumabas lahat sa bibig ko. Ngunit pilit kong pinipigilan ang sarili at hindi ko alam kung bakit habang papalapit na papalapit ang tinitirhan ko ay parang may kumukurot sa puso ko.

Kumikirot ang puso ko dahil may naaalala ako. Mga hinanakit ko sa kanya. At sa pagtigil ng sasakyan sa tapat ng apartment, kahit hindi ako lumingon, ramdam ko ang agarang paglingon at maagap na pagtitig niya. At habang naiisip ang mga ito ay humihinga ako ng malalim para pigilan na huwag maiyak sa harapan niya!

"Uh... are you okay?" he asked softly.

Tang ina...

Akala ko ba ay tapos na? Ano ito? Bakit ganito? Sa loob ng ilang buwan, namanhid na ako, at sa pamamanhid na iyon ay akala ko naka moved-on na ako. Pero bakit parang habang bumabalik sa akin ang alaala ay parang lalong ang sakit pa rin? Okay na ako, eh. Diba dapat 'di ko na 'to nararamdaman? I don't have to care anymore, but since he came back and suddenly showed up, it seems like everything is coming back to me that shouldn't be.

Lahat ng galit, pagsisisi, lahat ng klase ng sama ng loob, naramdaman ko lang sa kanya. At habang ganito ang pinapakita niya ay parang lalong bumibigat ang loob ko. Nalilito sa mga ipinapakita niya. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nagagawang humarap sakin na parang wala siyang nagawang malaking kasalanan?

"Make sure you take medicine to get rid of your hangover, okay? Uh..." he cleared his throat.

Nagtataka siguro sa pananahimik ko at pagkatulala gayong 'di pa ako lumalabas ng kotse.

"Nahihilo ka pa ba? G-Gusto mo pa bang... alalayan kita papasok sa apartment mo, hm?" maagap niyang tanong.

"Why are you doing this, Heimlich..." imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong rin ang naisagot ko sa kanya.

Natigilan siya.

"I..." dinig ko malalim na buntonghininga niya. "You're drunk, and I'm just trying to help you-"

"Trying to help? Kailan ka pa naging helper?" mahinang napahalaklak ako na para bang nakakatawang pakinggan iyon mula sa kanya.

Hindi agad siya nakapagsalita. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin.

"Bakit ka ba bumalik?" kinagat ko ang labi ko sa pagkakanginig nito.

At kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang pagkatigil niya dahil sa tanong kong hindi maiwasang itanong ng paulit-ulit sa kanya.

"B-Bakit... bakit ka biglang magpapakita sakin na parang hindi mo ako tinaboy noon?"

Akala ko hindi niya ako sasagutin, ngunit ganun na lang piniga ang puso ko ngayon sa narinig.

"Gusto kong humingi ng tawad sayo..." he said with so much pain.

Parang 'di ko siya makilala ngayon sa paraan ng pagkakasabi niya ngayon.

Anong nangyari? Hindi siya ganito. Paano niya nagagawa ang bagay na 'to? Sa tuwing nakikita ko siya... ang pangit ng nararamdaman ko. Siguro sa kanya, wala na lang 'yon kasi tapos na. Medyo matagal na. Pero para sakin... andito pa rin.

Masakit.

Umiling ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Kinurot-kurot ko pa ang aking daliri para kumpirmahin kung nananaginip ba ako o hindi. Ngunit ramdam ko... masakit... masikip... totoo. Kapang-kapa ko.

Hindi ko gusto 'to. Pigil na pigil ko sa kagustuhang wag umiyak dahil pagbabalik ng alaalang nangyari sa aming dalawa. Siya lang minahal ko ng ganoon, at kung kailan naging sigurado ako sa kanya, sobrang sakit para sakin kung paano siya lumayo, kung paano ko rin tinanggap at tuluyang lumayo rin nung tinalikuran niya 'ko.

"Tang ina... sa tingin mo ba mapapatawad kita? Hindi kita kayang patawarin." my voice broke.

Naiiling man ay dahan-dahan siyang tumango. "Do you want the truth? Kaya ako bumalik dahil gusto ko rin na balikan ka..."

Sa kabila ng kirot na nararamdaman ko ay bigla akong nalito. Pero sinagot ko pa rin ang pinapahiwatig niya. Iisa lang rin sagot ko para sa kanya.

Hindi--ayoko, pareho lang 'yon.

Disgusto ko na ang lahat ng may kinalaman sa kanya. Nanindigan ako kaya hindi ko na naman dapat pang putulin iyon at maulit na naman ang isang pagkakamali. Na ang isang pagkakamali ay naging matindi at malupit ang naging balik sa akin.

Pagkakamaling... piliin ang lahat sa kanya.

"Hindi na mangyayari 'yon."

"I-I know..." paos niyang tugon.

Nalulunok ay nagawa ko siyang lingunan saglit. "Are you really expecting me to forgive you? S-Sa mga ginawa mo... tingin mo mapapatawad pa kita?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Tahimik lang kami sa loob, tanging paghinga lang namin ang madidinig at ang mga malalalalim na paglunok niya. Nanunubig na rin ang mata ko, pero sa katatagan na wag tumulo ay tumitingala ako.

"Phryne... forgive me. Take me back, please?" dinig kong pagmamakaawa sa boses niya.

Diniretso na lang at hindi na nagpaliguy-ligoy pa.

Natigilan ako ron. Hindi ko alam kung bakit habang nadidinig ang mga ito ay may kakaibang umuusbong na naman sa puso ko. Ang galit ko. Hindi ko inaasahang sa lahat ng nangyari... ay mangyayari ang bagay na ito! Na parang nagmamakaawa siyang tanggapin ulit siya sa buhay ko! Parang malayo sa naging imahinasyon ko! Sa inaasahan ko! Dahil matagal ko ng tinanggap! Tapos... tapos biglang magiging ganito?

Bakit ba napaka mapang-asar sa akin mundo?

Ano na naman ito?

"Bumalik?" nanginig ang labi ko sa pagkatanong at seryosong nilingunan siya. "Alam mo ba ang mga pinagdaanan ko para lang kalimutan ka?" malalim akong napalunok, lasa ko ang pait at sakit dahil sa pagbabara na ng lalamunan ko. "Nakalimutan mo na ba mga ginawa mo sakin? Tapos sasabihin mo sakin 'yan?" mapait na tanong ko sa kanya.

"Alam kong malaki ang kasalanan ko. Pero pinagsisisihan ko iyon—"

"Bakit ka ba kasi bumalik? Sa tingin mo ba may mapapala ka sa pagbabalik mo?" I can't help it to ask him like this over and over again. And fuck... my voice broke.

"Gusto kong... bumalik sayo."

Hindi ko alam na nagiging emosyonal pala ako 'pag nagiging lasing. Akala ko ba 'pag nalasing ka, wala kang ibang mararamdaman kundi pagkamanhid? Bakit parang unti-unting nag-iipon na naman ang lahat ng klaseng sakit sa puso ko? Bakit lalong pumapait ang panlasa ko?

"Why!?" hindi maiwasang tumaas ang boses ko sa mga sinasagot niya. "You want me to take you back?" I chuckled with no humor. "Hindi ko inaasahan... na ang taong halos isuka ako noon, ngayon ay parang gusto muli akong lunukin. Hindi ka ba nandidiri? Bakit, ha? You want to satisfies your needs again? Hindi ka ba nabibigyan ng satispaksyon ng fiancée mo?" I faked a smile.

"I..."

"I thought you didn't want me anymore? Nakakadiri ako, 'di ba? I'm a whore. I fucked you and also fuck your father! At bakit mag-isa ka lang bumalik? Bakit hindi mo isama ang magaling mong ama, para threesome tayo, 'diba-"

"Bullshit!" dumagundong ang boses niya sa loob ng kotse sa lutong ng pagkakamura niya, sabay hampas niya ng malakas sa manibela.

"Oh, shut up! Para mas enjoying, right?" tumingala ako saglit para mag-isip. Ramdam na ang bawat nag-uunahang maiinit na likidong lumalandas na sa pisngi ko habang mapait na mapait na tumitingin sa kanya at 'di na naiwasang maisumbat ko sa kanya ang lahat na kinimkim ko sa mahabang panahon. "Hindi ko makakalimutan kung paano ako angkinin ng tatay mo ng paulit-ulit. You know? Ang sarap nga, eh... Mas magaling ang tatay mo kaysa sayo. Hindi ko maiwasang matuwa na sa tanda na niyang iyon ay malakas pa rin rin ang kanyang resistensya. I almost suck his dick—"

"Just shut the fuck up, Phryne! Alam ko na ang totoo na walang nangyari sa inyo ng Tatay ko! So, stop, fucking, lying to me!"

I stilled.

Mahigpit akong napasinghap habang kinakagat ng mariin ang labi ko sa pagbabara ng lalamunan.

"I never lied to you!" I almost screamed after a long silence.

Natahimik siya sa sigaw ko na halos mapaos at maputol ang litid ko. He bit his lower lip and tried his best to focus on me, kahit kitang-kita ko ang paghihirap sa mukha niya na salubungin ang nanlilisik na titig ko.

"Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sayo! Paulit-ulit ko... paulit-ulit ko 'yan sinasabi sayo! Alam mong ilang beses ko yan binanggit sayo! Halos magmakaawa ako, lumuhod, pero ano?" pagak at mapakla akong natawa kahit na galit ang ipinupukol kong tingin sa kanya. "Hindi ka nakinig! Hindi mo pinakinggan ang kaunting eksplenasyon ko! You always turn your back on me at kahit ganun ang ginagawa mo palagi sakin... nagawa ko pa rin intindihin ang galit mo kahit na hindi ko naman talaga ginawa 'yon! So, you know the truth that's why you're fucking here?" nahihirapang sabi ko ngunit nagawa ko pa rin sambitin ang lahat ng 'to.

"I'm sorry..." he whispered. "I was wrong, nagkamali ako. Huli na ng nalaman ko ang totoo dahil-"

"Now you know the truth? At sa iba mo pa nalaman. Samantalang ako hindi..." suminghap ako ng malalim, at kinagat ang pang-ibabang labi, natatakot na kumuwala paglakas ng aking hikbi. "... hindi mo pinakinggan para maniwala sa akin na totoo ang sinasabi ko." kita ko ang pagpikit niya ng mariin. "Isa lang ang naiisip ko, wala kang tiwala sakin noon dahil ang tingin mo sakin... saksakan ng sinungaling at kaya kong patulan lahat para sa pera. Na kaya kong... p-patulan ang ama mo, 'diba?" I try to keep my tears at bay by wiping them away with my palm.

"N-No..." sunud-sunod siyang napailing. "Phryne..."

"So, what if you know the truth? Ano na? Ganun na lang yun? Sa tingin mo babalik ako sayo dahil lang don? No. You're a fucking liar. Hindi mo naman talaga ako minahal, 'diba? Ikaw na rin ang nagsabi. So, stop bullshittin on me, Heimlich. Hindi mo na dapat pang ginagawa ito. Ano na lang masasabi ni Clementine kapag nalaman niyang naririto ka? Kung totoong sinasabi mong ayaw mong matulad sa tatay mo, sana hindi mo ginagawa ngayon ang mga gawain ng tatay mo hanggang ngayon. Be a fucking man. Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa asawa mo kahit wag na ako." tutal, ganun kaputa naman ang tingin niya sa akin.

Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako pandirihan, kung gaano kababa ang tingin niya sa akin. Hindi ko malilimutan 'yon. Nakabara na iyon sa isipan ko.

At oo, kahit na madalas marami akong madinig na ganyan sa ibang tao, naiinda ko 'yon, wala lang sakin yon, pero malaking kaibahan pagdating sa kanya. Nasasaktan ako... nasasaktan ako dahil mahal ko siya, mahal ko siya at hindi ko magawang tanggapin na siya mismo... sinabi niya ang mga ito sakin.

He swallowed hard and shook his head tightly.

"I thought you're already married? Tapos nandito ka pa. Are you fucking around again? Ano na lang masasabi ng asawa mo your majesty na sinadya mo ako rito, kumukuha ng stripper para may sumipsip sa titi niyang tigang—"

"We're not together." he said after he cut me off.

Ako naman ngayon ang napaamang at natigilan.

"S-Sinungaling ka-"

"Sa maniwala ka o hindi. Hindi kami nagpakasal..." sambit pa niya.

Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa nalaman. Totoo ba 'tong ba sinasabi niya? May parte sa puso kong baka nagsisinungaling lang siya, at sa isang banda na maaaring maniwala rin ako sa ibinalita niya. Pero kung totoo nga ang sinasabi niya... ano ngayon? Dapat ba akong magdiwang? Sa tingin niya ba na kapag sinabi niya ito, mabilis niya ako mapapapayag sa tanggapin ulit siya!?

"Ows? Sabihin mo lang kung gusto mong may mangyari ulit sa ating dalawa kaya mo sinasabi yan—"

"I'm fucking serious, Phryne." madiin na pagputol niya sa pang-aakusa ko.

Talagang... seryoso siya, no? Babalikan niya ako?

Gusto kong matawa.

Hindi. Hindi na mangyayari 'yon. Kagaya nga ng sinabi ko, pinanghahawakan ko ang sinabi niya... nung minahal niya ako, pinanghawakan ko ang mga 'yon kung gaano niya ako napaniwalang minahal. At nang sinaktan naman niya ako, panghawakan ko pa rin iyon dahil dun ko nalaman ang katotohanan na hindi naman pala talaga niya ako totoong minahal.

Pinanghawakan ko lang... dahil alam kong iyon ang tanging paraan para hindi na ako masaktan pang muli.

"Then fuck, just leave! Kung magagawa mong babalik ako sayo, hinding-hindi na. Napakagago mo! Hindi ko makakalimutan ang mga trato mo sakin. I don't wanna hear your explanation cos what for? Tapos na tayo. Hindi mo rin naman pinakinggan ang paliwanag ko nung panahong halos lumuhod at magmakaawa ako... so don't beg. Don't you fucking ever beg, Heimlich. Ang isang tulad mo ay hindi nababagay na magmakaawa. Wag mong gagayahin ang tulad ko! You made me feel like shit... worthless, and that is enough. " humigpit ang kagat ko sa labi habang nararamdaman ang paninikip ng paghinga habang patuloy na dumadaloy ang hilam na luha sa aking pisngi.

"Phryne..."

"Pinaramdam mo sakin kung gaano talaga ako karuming babae at hindi kailanman mararanasan na mahalin... S-Sinampal mo sa akin ang katotohanan kung gaano ako kaputang babae at nagpapasalamat ako dahil nagising ako sa bangungot at pagiging ilusyunada ako. Pokpok nga pala ako, maruming babae, nakakadiri." to my hurt feelings I even mocked him just to repeat what he said to me before.

"P-Phryne..." sa nanlalabo kong mata ay lalo akong napakunot.

Hindi ko alam kung tama bang nakita ko na kumukurap siya habang may mga luhang lumalandas mula sa mata niya.

"Phryne, baby, please," lumapit siya sa akin, nagsusumamong boses.

Hinawakan niya ako ng marahan at kinuha ang aking kamay ngunit mabilis kong natabig iyon at ginawaran siya ng malakas na sampal sa mukha.

"Fuck you!" singhal ko.

Kita ko ang agarang pagpula ng kanyang pisngi. At ito ang kauna-unahang beses na nasampal ko siya... nung sinasaktan niya ako, hindi ko siya sinampal noon. Palagi kong naiisip ang mga nagawa niya, na sana... nasampal ko man lang siya kahit isang beses lang para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko bago niya ako tinalikuran. Para maramdaman niyang nasaktan ako ng totoo. Palagi kong inaasam ang pagkakataon na 'yon sa tuwing dinadalaw ako ng alaalang 'yon.

Pero dahil sa ginawa ko ngayon... bakit parang hindi ko maramdaman ang pakiramdam na hinahangad ko?

Na makuntento? Na maging masaya dahil nakaganti ako sa kanya? Na heto na, matagal ko ring inintay to at sa wakas, nagawa ko nga.

Sinampal ko pa siya sa kanan ng malakas, ngunit nanatili lang ito nakatigil. Parang bang binibigyan niya ako ng oportunidad na gawin ko ang gusto ko sa kanya. Hinahayaan ako sa pananampal sa kaniya. Halos makita ko ang bakat na pula sa kanyang pisngi. Sa sobrang galit ko ay halos kaliwa't-kanan ko pa siyang sinampal ng paulit-ulit hanggang sa mapagod ako.

"Fuck you! You, asshole! Putangama mo! Parehas kayo ng tatay mong baboy! Ang sasama niyo!" nang maalala ko ang kanyang ama ay naibuhos ko sa kanya lalo ang sama ng loob ko.

Nakita ko ang pagpunas niya sa sariling labi. Senyales na dumudugo na ang kanyang labi sa pananampal ko, halos makalmot ko siya sa mukha dahil sa haba ng kuko ko.

"Come on! Gantihan mo ako! Nasaan na yung kilala kong Heimlich na matapang at sadistang lalaki na kayang manakit ng babae? Ano? Gantihan mo ako! Tutal, diyan ka naman magaling, 'diba? Saktan mo rin ako! Sagarin mo na! Dahil sagad ang galit ko sayo! Hinding-hindi na mababawasan ito!" paulit-ulit kong sampal sa kanya at hampas sa dibdib niya.

He looked pain. Parang ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses niya.

"I-I won't do that to you." his voice trembled a bit.

Hindi ko maiwasang naisakop ang parehas na palad ko sa mukha ko sa hindi napigilang kumuwalang pag-iyak na nararamdaman ko. Tuluy-tuloy lang ang iyak ko at wala na kong pakialam kung makita niya pa ang paghihinagpis ko.

"H-Hurt me. If this can make you happy to get rid of the pain I caused you, fucking I will let you hurt me. Hurt me more, mi adelaide... coz I fucking deserve it. Asshole like me deserves a goddamn million times slap and punch from you. " habang mapula na ang mata at mukha, patuloy ang pag-agos ng kanyang luha.

Lalo akong nanggigil dahil sa naramdaman ko. Nasasaktan ako pero galit na galit pa rin ako! Hindi ko na maiwasang maisubsob ang aking mukha sa aking tuhod habang umiiyak. Ang daya... bakit nung umiiyak ako noon sa kanya, parang wala lang sa kanya? Pero ngayong nakikita ko siyang umiiyak sa harapan ko... nahihirapan ako.

"You hurt me... bigtime! I can't forgive you, Heimlich... never! Umalis ka na sa harapan ko. Alam mo ba nararamdaman ko? Awas ang galit ko at walang paglagyan kaya kahit sampal-sampalin pa kita, hindi pa rin magbabago na galit ako sayo... galit ako! At hinding-hindi na mawawala ang galit ko," tinanggal ko ang seatbelt at huminga ng malalim saka siya tinalikuran.

At bago ako makalabas ay hindi nakatakas sa akin ang pagpapakawala ng kanyang hikbi.

"I'm sorry... I'm sorry I wasn't there to protect you. Hindi man lang kita nabantayan...hindi man lang kita nabantayan..." paulit-ulit niyang sinasambit ito, mahihimigan ang sakit at pagsisisi.

At hindi ko alam kung bakit kahit sa unang pagkakataon na nakita ko siyang umiiyak sa harapan ko, mahina, ay parang lalong may kumalabit na kirot at pamimiga sa puso ko. 

P I E D R A I J A D A


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro