Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 56


Hanggang sa lumipas ang tatlong araw na hindi ko inaasahan at ikinababahala ko. Madalas na siyang nagpupunta rito kasama si Martino. At ako, ganun din kadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Talagang walang palya. Pinanindigan kong ayokong kausapin siya kahit na madalas ay tinatagpo niya ako sa labas kapag umuuwi ako.

Nakakainis.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito. Para bang hindi ito napapagod kakamasid lang sakin, inaakala niya siguro na mabibigyan ko siya ng pagkakataon pero hindi, pinandigan ko iyon sa kanya, at tulad niya, madalas naghihintay at wala namang ikapapala niya. Hinihintay ko na lang talaga na mapagod siya sa pagmamatigas kong wag na niya ako guluhin, ngunit katulad nga ng napapansin ko, matigas rin ang paninindigan niya na kausapin pa rin ako. Nagkakaroon nga kami minsan ng kaunting interaskyon pero puro bangayan lang ang nangyayari! Iritang-irita na ako!

Masyado na ako namamangha sa haba ng pasensya niya. Hinihintay ko na lang talaga na masagad siya. Na... sumuko siya!

At sa pagdaan ng araw na iyon ay lalong tumitindi ang pagkapairita ko. Lalo na ngayon.

"Damn it. What the fuck are you wearing!?" eksaherada niyang pagkakatanong nang papasok na ako sa loob ng VIP room.

At heto na naman siya, sa tuwing may papasukin ako, at kung sino mga ie-entertain ko ay palagi siyang umeeksena.

"And so?" tumaas ang kilay ko habang hinahagod niya ng tingin ang kabuuan ko. "Oh, ang mata mo, sarap dukutin, may paglunok ka pa, animal!" suway ko agad sa kanya.

Nakakunot ang noo siya'y napatikhim at naiiling na umiwas ng tingin sa akin.

"Are you drunk?" nakakunot na tanong niya.

Napairap ako sa kanya. Talagang magaling siyang magbigay ng sama ng araw ko sa mga pangingialam niyang kinabubuwisitan ko ng husto!

"Nevermind. Pwede bang magpalit ka? It's too revealing! Bakit ganyan ang mga pinagsusuot mo?" sunud-sunod na tanong niya.

"Saan ka nakakita ng pokpok na conservative?" hindi ko naiwasang siya'y aking pinamaywangan.

I'm just wearing a backless and maong short! Naka boots na nga lang ako para hindi lantad na lantad ang legs ko.

Dati naman wala siyang paki masyado sa pinagsusuot ko tapos kung makapag bawal siya ngayon, akala mo naman syota ko!

Feeling strict boyfriend, Heimlich!? Argh! Ang sarap niyang upakan talaga sa kapal, pagiging bossy at tigas ng pagmumukha niya!

"Don't say that-"

"Anong pakialam mo kung ganito ang suot ko?"

"H-Hindi ko gusto-"

"I don't need your fucking approval. Boyfriend ba kita para pagbawalan ako?"

Dinig ko buntonghininga niya ng malalim. Tumingin muna siya sa paligid dahil sa ilang mga dumaraan bago muling humarap sa akin. "Wag mong sabihing papasok ka dyan na ganyan ang suot mo and fuck! Sa VIP room ka pa talaga-"

"Tumabi ka dyan at naghihintay na ang mga customer ko."

"Goddammit, Phryne! Don't go in there! So many douchebags inside! If you come in, then I'll come too!"

"Umalis ka. Wag kang maki-belong at hindi mo naman sila kaano-ano-"

"Wala ka talaga pakialam kahit na magselos ako, no?" nagtitimping madiin na tanong niya.

Para bang kaunti na lang ay baka ititiwarik na ako nito sa paraan ng nanlilisik na tingin niya sa akin.

"Kasi para kang bayag ko." nagpapatawa ba siya? Selos? Talaga lang, huh?

Siya? Magseselos? Ano na naman bang kagaguhan 'to? Dismayado na talaga ako na sa kabila ng kagwapuhan niya ay may pagkapilipit rin ang utak niya.

"Huh? Wala ka nun..." napakunot siya.

"Yun na nga, wala. Dahil wala akong pakialam sayo!"

Nakatingalang napapaungol siya sa inis. Ramdam ko na rin ang init ng mga titig niya na kulang na lang ay umusok sa pamumula. "Really...talaga? Wala kang pakialam sa'kin kahit magselos ako?" aniya na para bang naghahamon na tono.

"Oh, bakit? Tayo ba para magselos ka? Wala kang karapatan kaya tigil-tigilan mo 'ko sa mga kagaguhan mo. Ayoko na makipag laro sayo."

"Oh, baka naman... natatakot ka lang makipaglaro sa'kin dahil baka sa huli ikaw na naman ang matalo?" hindi ko alam kung mapang-asar ba ang ngisi niya o hindi, pero dahil sa mga sinasabi niya ay lalo akong asar na asar sa kanya.

Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang pinupunto niya na naghalu-halo na ang mga iniisip ko. Pero isa lang umultaw sa utak ko, balak na naman niya sigurong paglaruan ako at yan ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari para sa sarili ko.

"Sa tingin mo ba, tangang-tanga pa rin ako sayo, ha?"

Hindi pa man siya nagsasalita ay inunahan kong muli siya.

"Oh, baka naman ikaw na ang tanga? Wag kang mag-alala, kahit sinong babaeng kalintaryuin mo... wala akong pakialam sa mga gagawin mo dahil kung nagseselos ka... hindi ako."

Dinig kong malalim nitong paghinga habang umiigting ang kanyang panga. "Are you sure?"

Tinaasan ko siya ng kilay at tinanguan pa. "So... damn sure, baby,"

His lips formed to grim line. Umiging ang panga habang seryosong pinagmamasdan ako. "Fine. Tingnan ko lang kung hindi ka magselos sa gagawin ko." anito na parang nambabanta pa.

Kung anuman yan, hindi na ako matatakot pa sa kanya. At bakit ako magseselos? Hinding-hindi ako magseselos! Dahil ang tanging nararamdaman ko na lang para sa kanya ngayon kundi poot at sama ng loob.

"Masyadong makapal ang mukha mo para sambitin yan sa mukha ko."

Tinulak ko siya at walang lingung-lingon na binuksan ang pintuan at diretsong pumasok, at ng marinig pa ang katok niya sa pagsara ko ay sinigurado kong ni-lock iyon para hindi siya makapasok at makasagabal sa trabaho ko.

Saglit kong nilibot ang tingin sa kapaligiran. May ilang sumasayaw, pero karamihan sa kanilang lamesa ay okupado na at may kaniya-kaniya nang tine-table. Nahagip ng mata ko si Jenny, napalunok ako sa ayos niya.

Malayo na ang istura niya sa itsurang unang nakikita ko sa kanya noon.

Mas nagmumukha siyang matured kapag nakaayos. Hindi sa hindi ako sanay... talagang natuto na siya. Hindi ako makapaniwalang ginagawa na niya ang bagay na ito. Nginitian niya ako ng masulyapan ako, ngunit dahil sa nauulol niyang customer dahil sa alindog ng babaeng 'to ay hindi na niya ako nagawang batiin pa sa pagpasok ko.

Nakakandong siya sa isa sa mga lalaki habang nakapulupot ang mga kamay sa leeg nito, pasimpleng umiindayog. Ilan ay pamilyar na ang mukha sa akin. They are well-known and highly respected na nagtatrabaho sa pulitika, mga businessman, artista, modelo, etc. Halu-halo na. At sila ang mga tinatawag na VIP dito sa 4Play.

VIP-meaning, kapag isa ka sa mga humawak nito ay malaki talaga ang kikitain mo. Maaaring maganda, pero dapat kaya ng sikmura mo kasi hindi mo kilala ng husto ang mga tao. Buwis buhay rin ito. Sa totoo lang ay bihira na lamang ako kumuha ng ganito, pero dahil may dahilan ako kaya ako pumasok rito kundi para bantayan ng husto si Jenny. Hindi ko alam na papayag siya sa set-up na 'to. At hindi ko lang maiwasang mag-alala dahil baka 'pag mag-isa siya ay hindi niya kayang madala ang sarili, kaya naman minabuti kong manmanin siya at samahan ng 'di niya nalalaman ang dahilan. Sa pagkakaalala ko pa naman ay mabilis rin siya malasing at 'di pa ganun kagamay sa pag-iinom ng alak.

Maaaring ang alak na ipapainom sayo ay halong droga, bagay na lalong ipinag-aalala ko sa kanya dahil minsan ay naranasan ko na iyan. Ngunit 'di na naulit pa.

Minsan talaga ay hindi nagiging biro ang customer dito. Hindi lahat mabait, halu-halo ang mga pag-uugali, mapakasing edad ko at madalas matatanda na, may iba pa nga ay kasal na, inaalis lang nila ang kanilang sing-sing para lang masabing single sila.

Ganito kaputa sa lugar na ito.

The club also had to take extra precautions to ensure that the identities of the customers remained safe, lalo na sa mga sikat. Kaya kahit may ilang kilala na ang kliyente, hindi ito nakakalabas sa publiko. Kami lang rin ang malalagot lalo na ang pagmamay-ari ng sikat na bar na ito. Syempre ang reputasyon rin ng mga matataas na taong pumapasok.

"Oh... the queen of the night is here! Come here baby, join us!" bati ng isang lalaki nang mamataan ako, nakita ko naman ang agarang paglingon ng lahat.

Hindi lang pala ako at si Jenny ang naririto, kundi may dalawa pang babae, mga hindi ko nga lang kilala. Nginitian ko sila nang isa-isa nila akong batiin.

Nakaupo sila sa sofa na may isang pabilog na mesa. Kalat na kalat ang mga upos na sigarilyo, alak, mga perang tila pinaulan at sadyang kinalat at ang... ilang droga na nakikita kong sinisinghot nila. Napalunok ako.

Mukhang macha-challenge na naman ako sa mga ganitong klaseng tao... kailangan may gawin ako.

"Patibayan ng sikmura ang labanan dito, Jenny. Ano kaya mo pa ba?" sabay hagod sa likod niya.

Wala siyang naitugon kundi sumuka na lang. Masyado siyang nalasing dahil sa pagpapainom sa kanya kanina. Mabuti na lamang ay hindi at walang halong droga. At mabuti na lamang ay hindi rin mababa ang tolerance ko sa alak kaya naman nabantayan ko ng mabuti si Jenny. Nung makapasok ako kanina ay nagawa ko ang dapat kong gawin. Pabilugin ang ulo nila at lasingin.

Nakaraos ang duty namin ng hindi kami nahihirapan. Kadalasan ay idinaan ko na lamang sa mga taktika ko. Lalo na ang pabilugin ang ulo nila para mabigyan ng maraming tip. Sumayaw lang, kwentuhan, at wala naman karahasang nangyari. Masasabi kong maayos ang naging customer namin ngayon. Mukha lang siguro sila gumagawa ng masama pero hindi naman sila ganun naging kalupit saamin.

Masyado yata kami sinuswerte ngayon.

"Ate..." nanghihinang sambit ni Jenny. Binigyan ko siya ng tissue at sinabihang maghilamos siya para mahimasmasan.

"Ano? Kaya pa?"

Umiling siya sakin habang namumungay ang mata. Sa tama ng alak ay kita ko ang bawat panlalambot at pagsuray ng kanyang galaw.

"Uuwi muna ako. Tutal ay marami-rami namang tip ang nakuha ko ngayon. Puntahan ko lang si boss para makuha ang sweldo ko."

"Sigurado ka? Gusto mo bang ihatid pa kita pauwi?"

Umiling agad siya. "Nako, hindi na. Kaya ko pa naman. Medyo nahimasmasan na ako. Nagpaalam ako kanina sa boss ko na mas maaga ang uwi ko ngayon dahil sa importanteng bagay. Kailangan kong mabilhan na rin ng gamot ang lola ko at baka nagugutom na rin. Mabuti naman at napayagan ako."

"S-Sige, mag-iingat ka pag-uwi, ha? Tawagan mo na lang ako 'pag may kailangan ka." paalala ko sa kanya.

"Salamat Ate sa pagtulong, ah? Sige na, duty mo pa rin 'diba?"

"Oo. Sasayaw ako mamaya. Sige na, ingat." sabay tapik ko sa balikat niya habang naglalakad kami palabas ng banyo.

"Opo, ingat ka din."

Napagdesisyunan kong humalo sa dance floor. Hangga't kaya pa naman ng lakas ko ay hindi ako umuuwi. Sayang naman kung makahabol pa ako at madagdagan ang mga pera ko. At ngayon, nakikiindayog ako habang may ibang lumalapit sa akin.

Ngunit unti-unti akong napakunot sa matang nakatusok sa direksyon ko. Nakikinita ko may ibang babaeng kumakalantaryo sa kanya at sa bawat pag-iwas niya ay nakapagbibigay ng taas ng kilay sa akin.

Kunwari pa, gusto rin naman.

Nang makita niyang wala akong pakialam ay tinaasan niya rin ang kanyang kilay. Akala niya siguro magseselos ako sa mga pinaggagawa niya!? Ang kapal ng mukha niya! Ngunit ang kaninang iritado niyang itsura ay napalitan ng ibang reaksyon. Nagulat na lamang ako nang umarko ang labi niya sa pagkangisi nang akbayin niya pa ang isa sa mga katrabaho ko at hapitin ang baywang nito. Agaran ko naman nadinig ang bungisngis ng babae habang umaarko ang ulo sa pagtawa. Pinagduduldulan pa ang dibdib ng babae dun sa balugang lalaking 'yon.

Ngumisi si Heimlich ng mapansin ko iyon. Para bang ipinangangalandakan pa at pinagmamayabang para maasar ako.

Napaawang ang labi ko sa nangyari at hindi ko maiwasang magharumentado. Ilang beses akong napairap, pilit na humagalpak at itinuon ang tingin sa mga nakikisayaw sa akin. Pinigilan ko ang sarili na wag ng tingnan pa iyon at baka mapasugod ako ng wala sa oras.

Pumikit ako ng mariin habang napapailing. Sandali akong nagpunta sa tabing mesa na puno ng mga alak at nakiinom. Mabuti na lang ay hindi madamot ang customer dahil sa tuwing napapadaan ako ay ine-encourage pa akong kunin ang mga binibigay nilang libreng inumin. At ako, hindi naman tumatanggi. Sunud-sunod ang paglagok ko sa bawat basong kinukuha ko.

Hindi, hindi ako nagseselos.

Napatalon ako sa nakakaindak na tugtog na nadidinig ko. Hindi ko alam kung tinatamaan na ba ako sa mga alak na nainom ko pero nakakaya ko pa naman madala ang sarili ko. Ramdam ko na rin ang umpugan ng mga katawan ng tao dahil sa pagdami ng mga sumasayaw. Ang iba ay hyper at napapasigaw na. Habang ako naman ay patuloy sa pagsayaw. Sa tagal ko na nagtatrabaho rito parang ngayon lang ako nag-enjoy na sumayaw, para kasing pakiramdam ko, kabilang lang ako sa mga customer na nakikigimik sa mga trip nila. Kung nandito lang si Mari ay malamang kanina pa kami gumawa ng eksena.

Habang abala ako sa pagsayaw ay natigilan ako sa isang brasong humahapit sa baywang ko. Hindi ko malingunan kung sino iyon ngunit parang pamilyar sakin ang pabangong naaamoy ko.

Napailing ako sa naiisip. Imposible! Bakit ako ang lalapitan niya gayong busy na siya kakalantaryo ng ibang babae!

So, even if someone was snaking on my waist, I still continued to dance while stroking my own body. Hindi ko alam kung bakit sa paraan ng paghawak na iyon ay hindi nagbibigay ng ilang sakin, para bang mas nagugustuhan ko pa kaya hindi na ako umangal pa.

This was insane. I heat every beat. The vibe of the song was captured perfectly, slow, sensual, erotic and passionate. Like I used to be.

Hindi naiwasang lalo kong naidantay ang ulo ko sa isang matigas na dibdib. I almost craned my neck at ramdam ko rin ang bawat maiinit na hiningang tumatama sa batok ko. Sa bawat tama ng mga malilikot na ilaw, mga usok, ingay ng tao, madilim... hindi ko maiwasang mapapikit ang magpadala na lang sa alon ng mga tao habang sinasabayan ang tono at sumasayaw.

"You like this, huh?" ani ng isang baritono at mapaglarong boses.

Hindi ko maiwasang mapadaing habang hinihimas na niya ang tiyan ko. At kahit may damit na suot ako ay lumanit ang init ng kamay nito sa balat ko. Ramdam ang mga pasimpleng lapat ng labi sa aking lantad na batok na lalong nakapagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Kung sino man ito ay talagang nadadala niya ako sa mga pang-aakit niya.

Hindi ko maiwasang mapatawa sa naisip. Noon, madalas kong isipin na walang ibang lalaki panama kay Heimlich sa mga pang-aakit niya sakin dahil sa kanya lang ako mauulol. Sa tagal ko ng nagtatrabaho, ni hindi ako nagkaroon o nakaramdam ng atraksiyon sa iba kahit na ano gwapo nila... tanging siya lang.

Then out of nowhere, ay mararamdaman ko muli ito, at mukhang sa ibang lalaki pa. Sa kuryusong makita ang itsura nito ay humarap ako.

Ngunit labis ang pagdagundong ng puso ko, at himatayin nang makita kung sino iyon.

"Heimlich!?" gulantang na tanong sa kanya.

Mapungay ang matang nakatingin lang siya sakin habang nakakagat sa pang-ibabang labi.

"Hey..." malambot at namamaos na sambit niya na parang inaantok siyang nakatitig sa akin sa pamumungay ng mata niya.

Napakurap ako. Ngunit medyo ramdam ko ang hilo kaya't otomatikong hinawakan ang sariling sentido.

"B-Bakit ka nasa likod ko!? Akala ko ba walang pakialaman!?" singhal ko sa kanya dahil sa lakas ng tugtog.

"I can't stop looking at you...." he bit his lower lip and I could see his eyes passing by my neck. "Damn it, hindi kita matiis..." anito sa nahihirapang boses.

Napalunok ako sa paraan ng pagtitig nito, hindi ko pa rin magawang gumalaw dahil sa gulat at sa nangyari kanina. At hindi ko rin alam kung bakit tinutukso ako ng sarili ko. Para bang nabitin ako...

Ano!? Lasing lang ako! Pero hindi ako naaakit sa kanya!

Magkaiba yon, tang ina niya, balugang gago!

Habang hyper na hyper na ang mga taong pumapagiliran sa amin, at natatamaan siya ng disco lights ay kitang-kita ang kanyang kagwapuhan. Hindi ko maiwasang mapasadahan na naman ng tingin ang kanyang kabuuan. Ang kanyang long sleeve na maayos ay nakabukas na ang tatlong butones. Silay na silay ko na naman ang malapad niyang dibdib na puno ng mga tattoo. Sa mga panga niyang nag-iigting, sa bagong tubo niyang balbas, sa lalagukan niyang leeg na tumataas-baba, sa nag-iigting niyang panga, ang nakakahipnotismo niyang mga tigtig, at ang mapulang... nakaawang niyang labi... basa, galing sa sariling pagdila-kinakagat-kagat.

Hindi ko maiwasang mapalunok. Nanunuyot ang lalamunan ko.

Para bang hindi na naalis ang pagtama ng malikot na liwanag sa mismong labi nito at ang mga mata ko ay nanatiling natutok roon. Amoy na amoy ko pa ang mamahaling pabango niya...

At nang makita ang pagsugat ng ngiti sa kanyang labi ay napakurap ako. Dun lang natauhan.

"W-What!?" kinunotan ko siya ng noo nang makita ko ang kanyang reaksyon.

"What are you looking at?" nangingisi niyang tanong.

"I... I wasn't looking anything!" pagdidipensa kong sagot. Baka kung ano na naman ang maisip niya! Masyado siyang assuming kung anuman ang maaring iakusa niya!

Oo, inaamin kong nagagwapuhan ako sa ayos niya pero hindi ko kailangan aminin yon sa kanya! Lalaki lang lalo ang ulo niya at higit sa lahat, kahit na saksakan ang kagwapuhan niya, hindi niya pa rin maiaalis sa isip ko na isa siyang gago.

"Really?" mapaglaro niyang tugon, dinig ko ang mahina niyang halakhak.

At kahit makita ang halakhak niya ay nagpatulala ng saglit sa akin. Matagal-tagal na rin na makita ko ang ganito niyang itsura, at sa paraan ng paghalakhak niya ay para bang ang sexyng pakinggan—tang ina naman, Phryne Gretha! Umayos ka nga!

Nginiwian ko siya bago pa makita niya ang aking reaksyon. "You must be thinking that my saliva is dripping on your abs, then you are mistaken!"

Lalo siyang napakunot ngunit di pa rin matanggal ang ngisi, lalo pang lumawak ang ngisi at tila saglit na napatingin sa sarili. "Abs? Kita mo ang abs ko kahit nakadamit ako?"

Napaawang ang labi ko. "Nah... I mean-"

"Why? Namimiss mo na ba ang abs ko?" tanong niya. "Come here... I give you the right to touch it. My abs... is all yours, mi adelaide." he also shrugged, obviously trying to piss me off.

"Ang kapal ng mukha mo! Sayo na yang abs mo! Natikman na kita kaya sawa na ako!" inis na wika ko sa kayabangan niya.

May pagmuwestra pa ng taas ng kanyang magkabilang braso na akala mo'y yayakapin ko siya o iaangat ang suot na damit niya habang mapang-asar siyang nakatingin sa akin.

Argh! Damn you, Heimlich! You're getting into my fucking nerves!

"Sawa na? Are you certain about that? You'll be begging me for more if I put my mind to it." he bit his lower lip, para bang pinipigilan pa nito mangisi gayong halatang-halata pa rin ang pag-uunat ng kanyang labi lalo na sa pagkasingkit ng kanyang mata.

Tila aliw na aliw pang pagmasdan ako gayong masamang-masama na ang tingin ko sa kanya.

"Tang ina mo. You think I'm the same level as those girls you hook up with? Hindi! Kahit ganito ako, choosy pa rin ako. At ang katulad mong nasubukan ko na ay hindi ko na inuulit pa." nginiwian ko siya at inirapan. "Nakakasawa ka,"

He chuckled. Lalo akong naiirita sa lakas lalo ng pagtawam niya.

"Why so grumpy, mi adelaide, hm?" aniya pa sa malambing na tono.

Napalunok ako sa unti-unting paglapit nito. Nakakadalawang hakbang pa lang ako sa pag-atras para layuan siya ay natigilan ako dahil wala ng akong maatrasan. Ang masaklap pa ay aksidenteng natulak ako na isa sa mga sumasayaw, kaya bago pa ako matumba dahil sa pagkatapilok ko ay isang matigas na bisig ang nasalubong ko para saluhin ang pagtumba ko. Abot tahip ang paghinga ko.

Alam ko kung sino ang sumalo kaya otomatiko ko siyang tinutulak ngunit lalo niya akong niyakap.

"Are you okay? Damn it... you look drunk, mi adelaide. Iuuwi na kita."

Hindi ko sinagot ang tanong niya imbes ay tinapik ko ang balikat niya. "H-Hindi pa ako lasing. Bitawan mo na 'ko."

Kahit hindi ko pa kita ang kanyang reaksyon ay dinig ko ang pagbuntonghininga niya na parang 'di makapaniwala sakin.

"Didn't teach you manners or how to be grateful?"

Napairap ako sa mga pinagsasabi niya. Inakala kong bibitawan niya ako ngunit hinarap niya ang lang mukha niya sakin, at lalong hinapit ang aking baywang nang aambang itutulak siya.

"H-Hoy! Ano ba? Bitaw sabi, eh!"

Seryoso na niya akong tinititigan. Kita ko pa ang bawat paggala ng mata niya sa bawat parte ng mukha ko. At kahit naghaharumentado ang puso ko ay para bang nanghihina ako lalo na sa mabangong hininga niyang pumapaspas sa mukha ko. Dahan-dahan ang mga pagkurap ko. At habang nangyayari iyon ay may kakaiba akong naramdaman sa aking kaibuturan.

Napapasinghap na hinapit niya lalo ang baywang ko at walang habas-habas na lumapat ang dila nito mula sa gitnang guhit ng dibdib ko pataas papunta sa panga ko. Bolta-boltaheng naramdaman ko nang sandaling iyon na lalong nakapagpahina sa akin.

Hindi ako nakahinga ng maayos.

Napapakurap nang siya'y ay aking tiningnan. Kita ko ang agarang pagngisi niya habang malagkit akong tinititigan. Napaka landi niya!

Aso ba siya!? Bakit niya ako dinidilaan!?

"B-Bakit mo ginawa iyon!?" agad na pang-aalburuto ko, at kahit na sumisigaw ako ay kabaligtaran ang ginagalaw ng katawan ko. "B-Bastos! Layuan mo 'ko!" tinulak-tulak ko ang mukha niya pero hindi siya natitinag.

"Bastos? Bakit parang sa nakikita sa reaksyon mo... gusto mo ginawa ko?" then he fucking gave me a very irritating teasing smile.

Ano ba trip niya!?

"Hindi ka lang gago, assuming ka pa!"

"Fuck Phryne, I miss you so much. Hanggang kailan ba tayong ganito?"

Nilapit niya lalo ang kanyang mukha. Ramdam ko ang mainit na hininga niyang lumalapat sa labi ko at kaunting kalabit na lang ay maglalapat na ang labi naming dalawa.

"W-What are you doing..." makapigil hiningang naitanong ko sa kanya.

He just groaned. Para bang sa oras na bumitaw ang tingin niya ay ititigil na niya ang kahibangan niya. Pero hindi niya ginagawa! Damn it! I want to push him! Pero kabaligtaran lang nagagawa ng katawan ko! Para bang sarili ko ay itinataksil ako!

"G-Get off." my lips trembled.

Dinig ko ang mariing pagpikit niya at sandaling naglabas ng malulutong na mura.

"I just missed you..." anito sa mababang boses. "Damn it."

"What are you gonna do?" nang mapansin kong bumababa ang mata nito habang lumalapit na ang mukha sa akin.

"What? Are you waiting for what I will do next?" he tried to catch my eyes.

Tinitigan niya pa lalo ako. At kahit nanlalabo ang tingin ko ay ramdam ko ang nagkukubling ngiti sa kanyang mga labi.

"Answer me," he demanded.

"W-What..." wala akong maapuhap na sasabihin. Sa gulat na ginawa niya para bang nahigit niya ang kaluluwa ko para manlambot ako ng ganito.

Sa nakakaduling niyang titig ay kusang napapikit ako sa paglapit lalo ng kanyang mukha. Hindi malabanan sa pagkahilo at panghihina.

Inakala kong hahalikan niya ako pero nung naramdaman ko ang daliri niyang dumampi sa labi ko ay agad na napamulat ako. Nagising ang aking diwa habang mahina na siyang pumapagak ng tawa.

"Why are you closing your eyes, hm?" pala inosenteng tingin habang itinatanong niya pa ito sa akin, halatang nagpipigil lalo ng ngiti.

Sa pagkalaglag ng aking panga ay napasinghap ako sa ginawa niya.

"Ops. Your lipstick smudges, mi adelaide." he smirked. "Why do I feel like you're going through my tactics? I guess... I still really have an effect on you."

What. Did he. Fucking. Say?

"Damn you, Heimlich!" singhal ko at mabilis ko siyang itinulak ng malakas para mabitawan niya agad ako.

Dire-diretso lang ang lakad ko at tila nabalik ako sa huwisyo nang makabalik ako sa back stage para magpalit ng damit.

Gusto niya ba talaga ng laro? Pwes, ibibigay ko rin sa kanya. Tutal ay sinasagad niya ako, ibibigay ko na para magtigil siya.

Sasagarin ko siya! Sa paraan ko!

Tingnan ko lang kung makapagyabang ka pa sa harapan kong lintik na lalaki ka!

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro